Yabag ng mga paa'y mistulang isang bangungot ng isang bultong taliwas sa kanilang mga hakbangin. Nagsilbing bitamina na ang mga pangungutyang nakapaskil sa mukha. Mata'y di matitigan at lagi'y iniiwasan Magbabanat ng buto upang magkalaman ang tiyan.Kinasusuklaman ang kanyang pinta. Samu't-saring pang-aapi nalang kada araw. Yumao na ang katawan, mangangarap parin ba? Nangangarap na makawala sa mapagmalupit na kadena ng mundo.