Вы находитесь на странице: 1из 1

Karaniwang mapapansin natin ang mga kabataang suot ang kanilang nakikintab na sapatos, puting blusa

at dala-dala ang kanilang mga naglalakihang mga bag na puno ng mga kwaderno at aklat. Sila ay ang mga
estudyanteng pumapasok sa paaralan para matuto at para magkaroon ng karagdagang kaalamn tungkol
sa mundo. Pumapasok sila upang maingat ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Edukasyon, masasabi
kong ito ang pinakamahalagang sandata na kakailanganin ng isang tao para magtagumpay sa buhay.

Bukod sa pagkain, tirahan, at maatos na kaluusugan, mayvisa pang bagay na dapat rin nating pagtuunan
ng pansin, ang edukasyon. Iyo ay ang nagsisilbing liwanag at pag-asa para sa bawat yugto ng tao patungo
maunlad at matiwasay na buhay lalo na sa mga maralita at kabataan. Gayunpaman, nagsisilbi rin itong
isang malaking problema para sa libo-libong mga Pilipino.

Isa sa problema ng mga Pilipino ukol da edukasyon ay ang kakulangan ng badyet ng mga magulang para
sa pag-aaral. Dahil sa kahirapan ay patuloy ang pagdami ng mga estudyanteng tumitigil sa pag-aaral o
mga drop-out sa eskwelahan. Ang kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa paaralan ay problema rin. Ito
ay dahil hindi matugunan ng mga paaralan sa Pilipinas ang pagbibigay ng mga aklat sa bawat mag-aaral
sa bawat asignatura para magamit sa pagsasaliksik ng impormasyon at karagdagang kaalaman.

Ang pamahalaan natin ay patuloy na naglulunsad ng iba't-ibang mga pagbabago at reporma na kailangan
ng atibg bansa para matugunan ang at malutas ang mga suliranin ukol sa edukasyon. Ito ay mga simpleng
layunin lamang ating pamahalaan upang masiguro na lahat ng kabataan lalo na yung mga kabilang sa
mahihirap na pamilya ay maka-benepisyo sa binibigay na tulong ng ating gobyerno. Ang edukasyon ay
ang tanging kayamanang mabibigay sa atin i ng ating mga magulang, na walang sinuman ang maaaring
makaagaw nito sa atin. Ito ang magiging sandata natin sa pagharap sa problema sa buhay. Ito ay
maaaring mahirap at napakatagal ng proseso, ngunit kung ito ay iyong napagdaanan at natapos, malinaw
na ang dahilan nito ay para rin sa atin, at para sa mga susunod na henerasyon ng mga pag-asa ng bayan.

Вам также может понравиться