Вы находитесь на странице: 1из 1

KABATAANG PAG-ASA NG BAYAN SA PANAHON NG DOTA

Itatalumpati ni:

IMBA!, GG, RM at paminsan “Trash talk”. Yan ang mga salitang madalas marinig sa bawat computer
shop na makikita mo rito sa Pinas. Adik kasi ang mga bata ngayon sa DOTA. Umaga, hapon, gabi at
paminsan kapag walang pasok ay puyat kakalaro ng DotA. Kahit wala pang almusal, kahit wala pang
tanghalian at kahit wala pang ligo ay panay ang paglalaro ng DotA. Laman ng computer shop sa mga
kanto, laman ng computer shop diyan sa may Dapitan. Huwag kayong magkaila karamihan dito sa
klaseng ito ay nakapaglaro na ng DotA at parang parte na ng araw-araw na gawain ang paglalaro nito.

Kung tatanungin mo ang mga kabataang lulong sa nakakaadik na larong ito kung anong magandang aral
ang natututunan nila sa paglalaro nito, ang siguradong isasagot nila ay ang pag-iistrategy at teamwork.
Ang pagpaplano ng mga taktika upang ma-ambush ang isa o napakaraming hero at ang pagtutulungan ng
bawat isa upang maisagawa ito. Ngunit sapat ba itong pag-iistrategy at teamwork upang magamit at
maisabuhay ng mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan?

Sa kabataan ngayon, hindi na ata sapat ang pagsasabi ng “mag-aral ng mabuti”. Madaling sabihin pero
ang gawin ito ay nangangailangan ng ibayong pagpupursigi at tiyaga. Sa dami kasi ng sagabal sa pag-aaral
ngayon tulad ng DOTA, Internet at T.V., napakahirap na ifocus ang mga sarili natin sa iisang bagay lang.
Kapag sobra ang pag-aaral ay ma-iistress ka. Kapag sobra naman ang paglalaro mo ay maaaring
mapabayaan mo naman ang iyong pag-aaral at siyang maging dahilan upang bumaba ang mga grades
mo. Ang lahat ng sobra ay masama, pede siguro nating ipasok ang pag-iistrategy dito. Pag-iistrategy hindi
kung paano makapatay ng hero sa laro kung hindi kung paano mababalanse ang oras natin sa pag-aaral
at paglalaro.

Naniniwala ako na kaming mga kabataan ang susi sa pag-unlad ng ating bayan sapagkat sa kami ang
susunod na henerasyong papalit sa kasalukuyan. Kami ang may potensyal na humubog ng isang bayan
na sa ngayo’y puno ng kurapsyon at kasinungalingan. Sa pamumuhunan namin sa pag-aaral ay maaring
isa sa amin dito ngayon ang maging susi ng pagbabago sa bansang Pilipinas.

Вам также может понравиться