Вы находитесь на странице: 1из 8

Gerino V.Cayanan Jr.

Soc-Sci 213

BSIT 2-F Group 5

El Filibusterismo Kabanata 1-5

Kabanata 1: Sa Ibabaw Ng Kubyerta

Buwan ng Disyembre , naglalakbay ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig galing Maynila patungong
Laguna. Ang Bapor Tabo aynagbubuga ng maitim na usok, pabilog ito at hugis tabo, makailng
ulit itong sumasadsad sa mga mabababaw na bahagi ng lupa kaya pati ang kapitan ng barko ay
nahihirapan sa pagmamaneho. Ang bapor tabo ay paiba-iba ang direksyon kea naiinis ang lulan
ng barko lalo na si Donya Victorina na lalong nag-iinit ang ulo sa pagsigaw ng kapitan ng barko.
May dalawang bahagi ang Bapor Tabo: ang itaas na kubyerta na kung saan ang mga kilalang tao,
mayayaman ang may lulan nito at ang ilalim na kubyerta na kung saan naman lulan ng mga hindi
kilalang tao sa lipunan. Mga indiyo at mga intsik na mai dalang kalakal.

sa itaas ng kubyerta makikita natin sina Don Custodio, Padre Irene, Simoun, Ben zayb, Padre
Camorra at Padre Salvi. Ang mga ito ay nag-uusap usap at naging paksa nila ang “pagpapailalim
ng ilog pasig”. Nagbigay ng suhestiyon si don custodio na ang mga pato na lamang ang gamitin
bilang mga trabahador na mag-aayos ng ilog. Kakainin nila ang mga susong nakadikit sa barko na
nagdadagdag poa sa pagpapababaw ng barko. Si Simoun nam,an ay nagbigay rin ng suhestyon na
gamitin ang mga bilanggo, matatanda at bata na maghukay sa ilog at may kanya-kanya silang
dala na pagkain at kagamitan para makatipid ang pamahalaan sa paggastos, subalit tumanggi si
Don Custodio dahil hindi makatarungan kung ito ang paraang gagamitin.

mas pabor sila sa suhestiyon ni Don Custodio ngunit mai isa lamang na tumanggi dito, si Donya
Victorina dahil panandidirihan niya ang mga pato at mga balot na inilalabas ng mga ito. Sumingit
sa usapan si Ben Zayb dahil maganda raw na maging paksa ito sa pahayagan upang makuha ang
opinyon ng iba. Sina padre salve at padre Camorra naman ay nakikinig lamang sa ga usapan
ngunit natatakot sila sa pahayag nin simoun dahil kung ganoong paran ang gagamitin maaaring
magkaroon ng himagsikan..

Mga Tauhan

Simoun - Nag-anyong may salamin at sombrero na mukhang taga Europeo


Ben Zayb- Isang manunulat na ayon sa kanya ay siyang tanging nag-iisip lamang sa buong
kapuluan ng Pilipinas.

Don Custodio – Mayaman, malakas ang kapit sa pamahalaan at may mataas na tungkulin.

Padre Salvi- payat, matangkad

Padre Camorra – Ang paring Artilyero

Padre Sibyla – ang rector ng unibersidad

Donya Victorina – masungit, mayabang, at masama ang ugali.

Aral/Mensahe ng Kabanata:

Ang paglubog o pagtagumpay ng isang paglalakbay sa tinatawag na buhay ay nasa ating mga
sariling kamay. – Sinu-sino ang mga taong maaaring gumawa ng mga ito? Ang ating sariling
mismo, tayong mga mmamayan ng Pilipinas ang siyang dapat na magtulungan para sa ikauunlad
ng bayan. Ang mga namumuno sa atin sa pamahalaan ay isa rin sa mga susi upang tayo ay ilagay
at pamunuan sa tama at tuwid na daan. Walang bahid ng kasakiman, pagkamakasarali at
masamang layunin sa tao at sa bayan.

Maghangad ng maganda para sa iba at hindi para sa sarili – Sa lahat ng mga sinasabi, ginagawa,
nasa puso at isip ng tao ay dapat na nagtataglay ng kabutihan para sa kapakanan ng ibang tao at
para sa bayan. Iyan lamang ang masasabi natin na buhay na inilalaan sa kadakilaan.

Ipagmalaki ang lupang tinubuhan – huwag ikahiya ang lahing pinanggalingan. Iwaksi sa sarili na
ikaw ay isang tunay na Pilipinong nagtataglay ng kabutihan sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa.
Ipaglaban ang sarili mula sa kaapihan, pang-aalipin, pang-aabuso, pagsasamantala ng ibang tao
lalo na sa mga kamay ng mga banyaga.

https://franklingarlejo.wordpress.com/2012/07/03/hello-world/
Kabanata 2 – Sa Ilalim sa Kubyerta

Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa mga pasahero ang ilalim ng kubyerta.
Naroon ang dalawang estudyante na pinakukundanganan ng iba, si Basilio na nag-aaral ng
medisina at mahusay na manggagamot at isang makata na katatapos pa lamang sa Ateneo, si
Isagani. Kausap sila ni Kap. Basilio.
Napag-usapan nila si Kap. Tiago. Pinauwi raw si Basilio ng matanda, ani Padre Irene na nagiing
tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Nabaling ang usapan sa paaralang balak ng mga
estudyante para sa pagtuturo ng mga kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay kap.
Basilio> ipinagtanggol naman ito nina Basilio at Isagani sapagkat nakahanda na raw ang lahat na
kailangan upang ito ay maisakatuparan.
Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na
ubod ng ganda, mayaman, at may pinag-aralan kaya lamang ay tiya nito si Donya Victorina.
Ipinahahanap ni D. Victorina kay Isagani ang asawa, si D. Tiburcio de Espadana, na sa bahay pa
ng amaing si P. Florentino nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ng magkaibigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.
Sinabi ni Simoun na hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang
ito ay mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol si Isagani at sinabi niyang hindi sila
namimili ng alahas dahil hindi nila itokailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha
ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun na uminom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi ni
P. Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at hindi ng serbesa.
Mabilis na tumugon si Basilio. Sabihin daw kay P. Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa
halip na serbesa (alak), marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. Dagdag ni Isagani,
ang tubig ay lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy at sa sandaling ang mumunting
ilog na watak-watak ay magkakasama-sama sa kailalimang hinuuhay ng tao. Binigkas ni Basilio
ang isang tula ni Isagani na ukol sa pagtutulungan ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina
(steam engine). Pangarap daw ayon kay Simou, dahil ang makina ay hahanapin pa.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na
tinawag na KArdinal Moreno. May dumating na utusan. IPinatawag ni P. Florentino ang
pamangkin. Ngunit nakita ng kapitan si P. Florentino at ito’y inanyayahag pumanhik sa kubyerta.
Mga Tauhan

Simoun – Bumaba sa ilalim ng kubyerta upang maibsan ang tensyon naganap sa ibabaw ng
kubyerta

Kapitan Basilio – may edad na, nagtanong tungkol sa kaibigang si Kap. Tiago kay Basilio.

Isagani – Tahimik, malungkutin, isang makatang kakatapos lang sa Ateneo.

Basilio – Makisig, matangkad, estudyante ng medisina at mahusay gumamot.

Padre Florentino – Isang paring Filipino, anak-mayaman, kahit kailan hindi niya ambisyon
maging pari, ito lamang ay bunga ng pamimilit ng kanyang ina.

Aral/Mensahe ng Kabanata:

“Huwag sarili ang palaging iisipin, dahil hindi lahat ng pagkakataon ay ikaw lagi ang may
kinakailangan. Bigyan ng atensyon ang iba pang nangangailangan dahil ang Diyos ang siyang
huhusga sa kilos at galaw mo sa buhay.”

https://www.scribd.com/document/370873217/Kabanata-1-5
Kabanata 3 Mga Alamat

Nadatnan ni Padre Florentino ang mga nasa itaas ng kubyertana nagsasaya at pinag-uusapan ang
pagtaas ng buwis.Dumating naman si Simoun at may nagsabing sayang daw athindi na nito nakita
ang kagandahan ng pook ngunit sabi namanni Simoun walang kagandahan ang pook kung walang
mgaalamat.

Dito na nagsimulang magkwento ang isa’t-isa sa mgaalam nilang alamat. Ang kapitan ang nauna
at ikinuwento niyanag alamat ng Malapad na Bato. Dito may batumbuhay natirahan ng mga
espiritu ngunit ng kalauna’y nawala na angpaniniwalang ito at tulisan na ang naninirahan dito.
Sumunodnaman si Padre na nagkuwento ng alamat ni Doña Geronima.Ang kwentong ito ay
tungkol sa isang binatang nangakongpakakasalan ang isang dalaga ngunit hindi natuloy
sapagkatnagging arsobispo ang lalaki.

Nagdamit panglalaki ang dalaga atnagpakita sa lalaki sa pag-asang tutuparin nito ang
pangakongunit hindi na ito pwedeng mangyari kaya nagpahanda ngkuweba ang arsobispo at ditto
na tumira at namatay ang babae.Nakilala siyang engkantada dahil sa pagtatapon niya ng
mgakasangkapang pilak sa ilog. Sumunod naman ay si Padre Salvi nanagwento sa alamat ni San
Nicolas na nagligtas sa isang intsikna tumawag sa kanya sa pamamagitan ng pagiging bato
ngdemonyong nag-anyong buwaya.

Mga Tauhan

Kapitan- nagkwento tungkol sa Alamat ng Malapad na Bato

Padre Florentino- nagkwento ng Alamat ni Doña Geronima

Padre Salvi- nagkwento sa Alamat ni San Nicolas

Ben Zayb- manunulat na namamangha sa mga alamat

Simoun- nakikinig sa mga alamatDoña Victorina- nakikinig sa mga alamat

Aral/Mensahe ng Kabanata:

May mga Bagay na pinaniniwalaang maaring hindi totoo ngunit desisyon parin natin kung tayo
ba ay maniniwala o hindi at ito ay maaring sumasalin sa sarili nating buhay upang makamtan ang
pinaka aasam nating gusto na ang desisyon natin ang magiging daan sa lahat ng pangarap sa
buhay

https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-3
Kabanata 4: Kabesang Tales

Si Tandang Selo na umampon noon sa gubat kay Basilio ay matanda na. Ang anak nitong
si Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de Baranggay. May tatlo itong anak, sina Lucia,
Tano, at Juli. Namatay si Lucia at ang kanyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli
na lamang ang buhay.Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa
namumuhunan sa bukid at nang makaipon ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat.
Nang maipagtanong na walang may-ari sa naturang lupa ay ginawa niya itong
tubuhan.Inisip din niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Juli upang mapantay kay Basilio na
kasintahan nito.Nang umunlad ang bukid ay inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad ng
buwis si Kabesang Tales.

Tinaasan ng tinaasan ng mga pari ang buwis at nang ‘di na kinaya ng Kabesa ay nakipag-
asunto ito sa mga prayle.Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang maayos ang problema.
Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa ilalim ng impluwensya ng mga prayle ang
gobyerno.Nang tuluyan nang hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay
ipinaglaban pa rin niya ang lupa sa pamamagitan ng pagbabantay dito.Sa kanyang
pagbabantay ay nagdala siya ng baril na kinumpiska ng prayle.

Sumunod ay itak naman ang kanyang dinala ngunit ipinagbawal itong muli ng mga pari.
Sa huli ay palakol na lamang ang dinala ng Kabesa sa pagbabantay.Kalaunan ay dinakip
ng mga tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa kanya at nakakapagbayad
ng abogado para sa kaso niya. Ipinatubos naman siya sa halagang 500.Upang may
maipantubos sa ama ay ibinenta ni Juli ang kanyang mga alahas liban sa bigay ng
kanyang nobyo na isang laket na pagmamay-ari ni Maria Clara.Nang ‘di sumapat ang
perang pantubos ay namasukan siyang katulong sa tahanan ni Hermana Penchang.

Mga Tauhan

Kabesang Tales - isa nang kabesa de barangay sa kabanatang ito.

Huli - pinapag-aral ni Kabesang Tales ng kolehiyo para mapantay siya sa kasintahang si Basilio

Tatlong prayle - umangkin sa tubuhan ni Kabesang Tales

Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales Basilio - inampon ni Tandang Selo.

Lucia - dalagang anak ni Kabesang Tales

Aral/Mensahe ng Kabanata:

Dapat natin ipaglaban ang ating karapatan katulad nalamang ni Kabesang Tales na ipinaglalaban
ang lupain na inaangkin ng mga prayle . Dahil lahat ng tao ay pantay pantay sa mata ng diyos
walang tao ang dapat nasa baba ng iba pang tao kundi lahat dapat ay pantay pantay
https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-4

Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Gabi na noon at kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa bayan ng San Diego ay ang nagaganap
na prusisyong pang-noche Buena. Nalimutan ng kutserong si Sinong ang kanyang sedula
kaya’t ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.Pagkatapos ay
napag-usapan nila ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa
mundo. Kasunod nito’y idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.

Dahil dito’y naalala ni Sinong si Haring Melchor na kayumanggi ang balat.Itinanong ng


kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa
kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi na hari ng mga Pilipino si Bernardo
Carpio na makakapagpalaya diumano sa bayan.Pagkaraan ay nadaan rin nila ang ilang
mga imahen, ang huli sa mga ito ay ang imahen ng birheng Maria na tila
malungkot.Nahuli muli si Sinong dahil hindi niya namalayang namatay na ang ilaw ng
kanyang kalesa. Sa pagkakataong ito ay dinala na sa presinto ang kutsero kaya bumaba
na lamang si Basilio at naglakad.Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na wala
masyadong parol ang mga bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan
Basilio na puno ng kaligayahan.

Nakita niya dito ang alperes, ang kura, at si Simoun.Nakarating din si Basilio sa bahay ni
Kapitan Tiyago kung saan siya’y binati ng mga katiwala. Ikinuwento ng mga ito kay
Basilio ang tungkol sa mga pangyayari sa bukid kung saan maraming namatay na hayop
at katiwala at sa balitang nadakip si Kabesang Tales, ang ama ng kanyang nobyang si
Juli.

Mga Tauhan

Basilio - ang umuwi sa San Diego at pumunta sa bahay ni Kapitan Tiyago

Kapitan Tiyago – ang nagdaos ng Noche Buena sa kanyang tahanan

Kutsero (Sinong)– ang nakalimot sa kanyang sedula na binugbog ng guwardiya sibil

Simoun – ang nakita ni Basilio na kausap ni Kapitan Tiyago

Aral/Mensahe ng Kabanata:

makikita natin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas. Ang sinumang hindi sumunod sa
batas ay siyang pinaparusahan. Subalit, inilahad din dito ang hindi makatarungang pagtrato ng
banyaga sa mga Pilipino. Sa kasalukuyang panahon, ito ay kinukundena. Ang paglabag sa batas
ay may kaukulang parusa ngunit kinakailangan pa ring dumaan ito sa tamang proseso ng paglilitis
https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-5

Вам также может понравиться