Вы находитесь на странице: 1из 7

PANUNURING PAMPANITIKAN:

BAGONG KRITISISMO

Daloy ng Pagtatalakay:

1. Ano ang Bagong Kritisismo?


2. Kailan Nagsimula ang Bagong Kritisimo? (Buong Bansa at Pilipinas)
3. Mag proponent sa Bagong Kritisismo
4. Simulain ng Bagong Kritisismo
5. Positibo at Negatibong Pagtanggap sa Bagong Kritisismo
6. Mga Panliteraryang Teknik
7. Halimbawa ng akdang nasa Teoryang Bagong Kritisismo

Ano ang Bagong Kritisismo?

Ibat-ibang pagpapakahulugan ng Bagong Kritisismo: (Bilang Teoryang Pampanitikan)


Uri ng pagdulog na ang kahulugan ng akda ay hindi nalalaman sa intension ng may-akda,
konsepto ng mambabasa o kasaysayan ng kultura. Ang kahulugan ng akda ay nalalaman sa
pagiging masining at pagbuo ng mga salita sa isang akda (Garett).
Sa masusing pag-aaral ng panitikan, Ang isang akda ay mainam na sanggunian ng
kahulugan at impormasyon. Ang isang tula ay hindi nasusuri sa kasaysayan, ideolohiya, pulitika,
pilosopiya o iba pang aspeto sa pagpapakahulugan ng panitikan. Ang bagong kritisismo ay pag-
aaral nan aka-pokus lamang sa pagpapakahulugan ng bawat teksto sa isang akda (Searle).
(New Critism)
“Art for art’s sake” Maxim (Armstrong, Atlantic State University).
A close study of literary language, especially in poetry. The oblique quality of literary
language, the creative process e.g. irony, paradox, ambiguity, the polysemous or language of
intention (Boyd, Fordham University).

Ayon sa librong Kritisismo ni Soledad S. Reyes


(Kritisismo: Mga Teorya Formalismo/Bagong Kritisismo p.55-67)

Ang Bagong Kritisismo ay isang di-maiiwasang produkto ng pag-unlad ng kilusang


modernismo sa Kanluran. Nabigyang-daan ang modernistikong pananaw dahil sa magkaugnay na
mga pangyayari sa ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at sa unang mga dekada ng siglo
dalawampu.

Sa kritisismo, lumitaw ang isang malaking bilang ng mga kritiko na nagpalagay sa Bagong
Kritisismo bilang isang siyensya ng teksto at tumingin sa kanilang sarili bilang tagapagsuri hindi
ng lipunan, hindi ng mambabasa, hindi ng ideolohiya, hindi ng manunulat kundi ng akdang
pampanitikan.
Sa makabagong pananaw, sa madaling salita, hindi na binibigyang halaga ang sumususnod
na mga element: ang may-akda, ang kasaysayan o konteksto, at ang mambabasa. Walang
kabuluhang mabatid ang intensiyon ng may-akda sa kanyang paglikha sapagkat siya ay isang
indibidwal na pumasok sa sistema ng pagsulat na may kahulugan lamang doon sa loob ng diskurso
ng panitikan.

Bukod rito, ang kanyang likha ay isang walang interes na saksi na nagnanasa lamang na
sagutin ang pangangailangan ng teksto bilang isang akda at hindi upang maging instrument para
ipahayag ang ideolohiya o pananaw.

Bilang pagbubuod, maituturing ang Bagong Kritisismo bilang prudukto ng makabagong


sensibilidad: ng kilusang modernism sa teorya at krititsismo. Pinatunayan ng pananaw na ito na
may sapat na kakayahan ang kritisismo upang gawing obhektibong siyensiya ang pag-aaral at
maging ang interpretasyon ng panitikan.

Bagong Kritisismo (Bilang Kilusan)

Sa Buong Mundo

Lumitaw sa unang mga dekada ng siglo dalawampu at namayani hanggang sa marating


nito ang rurok ng tagumpay bilang pinakamakapangyarihang sistema ng pagsusuri sa ikalima at
ikaanim na dekada.

Sa Pilipinas

Ito ang konteksto ng pagpasok sa kritisismo ng isa pang grupo ng higit na nakakabatang
mga kritiko na mag-hudyat ng paghihimagsik na higit na matindi at polemikal kaysa sa
isinagawang rebelyon nina Abadilla at Agoncillo. Kabilang sa grupo sina Virgilio S. Almario,
Rogelio G. Mangahas, Pedro L. Ricarte at Lamberto E. Antonio. Magkaiba ang kanilang ginawang
paghahanda si Agoncillo ay isang historyador, samantalang si del Mundo ay isang kolumnista at
nobelista. Kung ihahambing, higit ang paghahandang akademiko ng ikalawang pangkat kaysa sa
nauna dahil may mahigit na antas ng pinag-aralan sa mga unibersidad sa Estados Undos: Nagkamit
sila ng doktorado.
Simula ng Bagong Kritisismo

Sa Buong Mundo

Beginning in the 1930’s that was in the ascendancy for 30 years by Several American Critics
– and a few British(Boyd, Fordham University).

Nag-ugat ang tinatawag na Bagong Kritisismo (New Criticism) sa Estados Unidos at


Inglattera sa ikatlong dekada ng siglo dalawampu. Sa Rusya naman nagsimula noong ikalawang
dekada ang kilusang tinaguriang Formalismo.

Sa ikalabingsiyam na dantaon, nai-sangkap sa ekstrinsikong pananaw ang positibismo na


isang malakas na tendensiya lalo na sa mga siyentipikong laranagan.

Sa dekada animnapu, masigla at matatag na ang Formalismo sa Inggles-iginagalang at


ipanapalagay ito na siya lamang karapat-dapat na paraan ng pagsusuri: may respektabilidad ito sa
malaking unibersidad ng bansa katulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Siliman University,
Inibersidad ng San Carlos at Pamanatasang Ateneo de Manila.

Sa Pilipinas

Nagsimulang pumasok ang impluwensya ng Formalismo sa Pilipinas noong dekada limampu,


sa pagsisimula ng pagsulat ng mga Pilipinong karamiha’y nakapag-aral sa Estados Unidos.
Nagsimula silang magsulat ng Inggles at karamihan sa kanila ay nagtuon ng kritikal nilang
paningin sa mga akda sa Inggles.

Sa pagpasok nina Almario, Rogelio G. Mangahas, Efren R. Abueg, Ave Perez Jacob at Rogelio
Sikat sa laranagn ng kritisismo, inangkin nila an gang puwang sa larangan ng kritisismo, inangkin
nila ang puwang sa larangang dati-rati’y pinamamayanihan ng mga matatandang kritiko.

Mga Proponent sa Bagong Kritisismo

Ang Bagong Kritisismo ay prudukto ng pag-unlad ng kilusang modernismo sa kanluran.


Nabigyang daan ang modernistikong pananaw dahil sa magkaugnay na mga pangyayari sa
ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at sa unang mga dekada ng siglo dalawampu.

Paglitaw ng radikal na sistema ng paniniwala sa siyensya.

· Charles Darwin – Mga tuklas sa siynesya


· Immanuel Kant, Martin Heidegger, Edmund Husserl – Teorya sa Pilosopiya.
· Karl Marx at Friedrich Engels – Paglitaw ng mga bagong siyensya.
· Sigmund Freud, Carl Jung Karl Mannheim, Max Weber at Emile Durkheim –
Sikolohiya
· I.A Richards, William Empson, W.K Wimsatt, T.S Eliot, Cleanth Brooks, Percy Lubbock
Nagpalagay ng kritisismo bilang siyenya. Ang kritisismo ay ginawang esensiyal na Gawain sa
unibersidad bilang isang praksis na pinag-aaksayahan ng panahon sa pagsususlta ng mapanuting
diskurso,

· Sherwood Anderson at O. Henry


Modelo sa pagsulat ng Maikling Kuwento.

· Walt Whitman at William Blake


Modelo sa pagsulat ng Tula
·
Teodoro A. Agoncillo, Alejandro G. Abadilla, Clodualdo del Mundo at Fernando B.
Monleon
Sumulat ng mga akdang kritikal noong ikapitong dekada. Kinakitaan sila ng oryentasyong taliwas
sa mga alituntunin at patakarang itinakda ng higit na nakakatandang kritiko. Waring hindi sapat
ang kanilang pagkakaunawa sa sistematikong kritisismo, nagkaroon nanamn sila ng impluwensya
sa mga kabataang kwentista na sinikap nilang hutukin sa kakaibang paraan ng pagsulat, at higit na
paggalang sa sining ng panitikan.

· Virgilio S. Almario, Rogelio G. Mangahas, Pedro L. Ricarte at Lamberto E. Antonio


Grupo ng higit na nakakabatang mga kritiko na nag-hudyat ng paghihimagsik na higit na matindi
at polemikal kaysa sa isinagawang rebelyon nina Abadilla at Agoncillo. Mga mag-aaral sa
Pamantasan sa Maynila tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas, University of the East, Far Eastern
University, at Manuel L. Quezon University. Sila ay nagsulat sa Filipino.

(Kung ihahambing ang dalawang grupo ni Almario, maituturing na higit na ang paghahandang
akademiko ng ikalawang pangkat kaysa sa naunang uri, sa larangan ng kritisismo. May mga
tinapos na karera ang mga batang kritiko: ang ilan sa kanila ay may higit na mataas na antas ng
pinag-aralan sa mga unibersidad sa Estados Unidos: nagkamit sila ng doktorado).

Simulain ng Bagong Kritisismo

Ang paghihimagsik laban sa historical na pananaw ay isang dahilan sa paglitaw ng Bagong


Kritisismo at maging ang Formalismo. Ang isa pang tinutulang praktis ng Bagong Kritisismo ay
ang hilig ng mga moralistikong kritiko na pagtuunan ng pansin ang bunga ng akda sa mambabasa.

“ Sa panunuri ng tulang Pilipino, kailangang ipangibabaw ang masusing pag-aaral ng kabuuan


o ang buhay na pagkakaugnay-ugnay ng diwa at salita na siyang porma ng tula, sa halip na
palagiang paghahambing ng anumang tula sa mga “klasikong” akda nina Balagtas o Lope K.
Santos. Sa ganitong paraan, mababatid ang tunay na uri at katuturan ng daigdig na napapaloob
sa tula at sa natatanging pangitain sa buhay na ipinapahiwatig ng makata. Ito’y hindi lamang
paggalang sa sining kundi pagdiriwang pa rin sa maigting na pagkamanlilikha ng kaluluwa ng
tao. “
Winika ni San Juan Jr. na ilustrasyon ng oryentasyong may kakayahan silang magsabi
kung ano nga ba ang kailangan ng panunuring pampanitikan.
Malinaw rito ang paggamit ni San Juan Jr. ng mga prinsipyo ng Bagong Kritisismo sa
kanyang pagpuna sa kinamihasnang gawi ng ibang mga kritiko, nag awing sukatan sa pag-taya ng
mga tula ng matatandang makata. Sa halip, hinikayat niya ang mga kritiko na pansinin ang
kakanyahan ng tula at ang pagiging isang likha nito.

Magaganap ang simulain ng pagbabago kung sisikapin ng makata na sirain ang mga
pundasyon ng tradisyunal na panulaan. Kailangang wasakin ng makata ang mga karaniwang
balangkas ng pananalita upang siya ay makalikha.

Positibo at Negatibong Pagtanggap sa Bagong Kritisismo

Positibo
Maraming Kritiko ang tumanggap ng impluwnsiya ng Bagong Kritisismo sapagkat tunay
namang may pundasyon ang mga pormulang nagmula rito. Bilang praktikal na kritisismo,
makabuluhan ang kalipunan ng mga akdang nagamit na modelo sa pagsusuri ng ilang uri ng akda.

Malinaw na nakapagbukas ang mga kabataang kritiko ng landasin na matatahak


Nila na kakaiba sa talamak nang oryentasyon. Ipinakita nila ang kahalagahan ng maingat at
masinop na pagpapako ang atensiyon sa teksto, sa mga element at sangkap na bumubuo rito, sa
kahalagahan ng paglinang ng wika at ng mga retorikal na instrumento. Sa madaling salita
naipamalas ang pangangailangang Makita ang akda bilang likha.
Sa ganitong tekstwal na oryentasyon, nabawasan ang mabigat na diin sa talambuhay ng
may-akda, sa kasaysayan, at sa aral na siyang mga sangkap sa tradisyunal na panunuring
pampanitikan.

Negatibo

Kahinaan ng Makabagong Kritisismo at makabagong kritiko ang malabis na pagsandig sa


mga disiplinang tulad ng kasaysayn, pilosopiya, sikolohiya, antropolohiya at linggwistika upang
unawain ang panitikan.

Sa di-kritikal na pagkakabain, hindi nasusuri ng mga kritiko ang likha at ang proseso ng
paglikha. Sa kakulangan sa wastong kaalaman, nasasadlak ang mga kritiko sa iisang tunguhin na
ang akda ay bunga ng isang serye ng pangyayari sa labas ng panitikan – sa kanilang paghahanap
sa kahulugan.

Bukod sa pagpapaalis sa may-akda, inihihiwalay ng Formalismo ang akda sa konteksto


nito, sa mga pwersang panlipunan, sa ideolohiya, sa mga pananaw sa buhay ng isang lipunan.

Ahistorikal ang pundamental na posisyon ng makabagong kritisismo sapagkat iginigiit nito


na hindi nalalahiran ng kasaysayan ang ‘di maiwasang pagdaloy ng panahon ng isang akda.
Ang lakas ng Bagong Kritisismo ay naging kahinaan din nito sapagkat sa pagbibigay-diin
sa mga akdang rasyunal at intelektwal, at elitist, hindi nito nabuksan ang sarili sa pagsusuri ng
kakaibang mga akda – popular, romantiko at sentimental.

Hindi kayang ipaliwanag ang teoretikal na batayan at limitasyon ng kanilang pagsusuri. Sa


ganitong kakulangan, lumilitaw ang mga prinsipyo ng Bagong Kritisismo bilang unibersal at
esensiyal na mga alituntunin na dapat gamitin sa lahat ng panahon para sa lahat ng uri ng akda.

Mga Panliteraryang Teknik

· Pagbabalik-tanaw – Karaniwan sa teknikong ito ay nagsisimula sa gitna o sa wakas na ang


simula ng lahat ay inaalala na lang.
· Pagbabala o Pagpapahiwatig - Gumagamit ng mga palatandaan o senyales.
· Simbolismo – Pamamaraang gumagamit ng mga sagisag.
· Alusyon – Mula sa larangang sanggunian gaya ng Bibliya.
· Kapanabikan – Teknik na gumaganyak sa damdamin at interes.
· Paglalarawang-diwa - Gumagamit ng salita na pumupukaw sa mga pandama.
· Ironya – Ito’y pagbaliktad ng pangyayari.
· Katutubong-Kulay – Paglalarawan ng particular na kapaligiran.
· Daloy ng Kamalayan – Paglalarawang hindi sumusunod sa lohika.
· Paggamit ng Tayutay – Karaniwang gumagamit ng Simile o Metapora

Halimbawa ng Akdang nasa Teoryang Bagong Kritisismo

At siya’y namangha sa kanyang namalas,


Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap;

SAANMAN TUMITIG
DILAG AY NAGLIGID
SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG-GUBAT
MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.

Sa Tulang “Himala” ni Dominador B. Silos

Gumamit ito ng Tayutay na pahalintulad, Isang tayutay na may tambalang paghahambing na


nangangahulugang pagkakawangki ng mga pagkakaugnay. Balangkas: Ang ugnayang AB ay tulad
ng ugnayang CD.

MABANGONG BULAKLAK! . . . SIMBANGO


Ng di pa nahahagkang pisngi ng isang dalaga . . .
MAPUTING BULAKLAK! . . . SIMPUTI ng
PURING alaalaga pa ng napakahinti’t mutyang dalagita! . . .
Sa Tulang “Sampagita” ni Pedro Gatmaitan

Gumamit ng Tayutay na Pahambing, tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba, o


nagpapalagay na ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian I kauring kaowa angkin ng mga
ito. Balangkas: Si A ay . . . ni B.

Ang tao kung minsa;y batang nagagalak,


Utal pa ang dila, kung mangusap, pantas!
Ipasko si Kristo ang sabi ng lahat
At ang pakawala’y itong si Barrabas . . .!

Sa Tulang “Ang sasabihin ng Tao” ni Jose Corazon de Jesus

Gumamit ng Tayutay na Balintuna (irony), tayutay na sa pamamagitan nito, ang kahulugan patitik
ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na
sinasabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.

TALASANGGUNIAN

Almario, Virgilio S. Balagtasismo versus Modernismo. Ateneo de Manila University Press.


Loyola Heights, Quezon City, 1992.

Arrogante, Jose A. Pagpapahalagang Sining sa Filipino. Navotas Press


Navaotas City, 2009.

Austero, Cecila et. Al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Binagong


Edisyon). Unlad Publishing House, Pasig City, 2010.

Bagsit- Macaraig, Milagros. Sulyap sa Panulaang Filipino. Rex Printing


Press. Loyola Heights, Quezon City, 2005.

Вам также может понравиться