Вы находитесь на странице: 1из 4

Magsaliksik ng mga bansang napapabilang sa mga sumusunod na

kontinente
Ang mga kontinente ng daigdig ay ang mga sumusunod:
• Asya
• Europa o Yuropa
• Africa
• Australia o Oceania
• Hilagang Amerika
• Timog Amerika
• Antartica o Antartika
Ang planetang Daigdig[1] ay angpangatlong planeta mula sa Araw. Ito ang pinakamalaking
planetang terestriyalng sistemang solar. Kumpirmado ng makabagong agham na ang Daigdig
lamang angkatawang pamplaneta kung saan maaaring tumira ang mga buhay na organismo
tuladng mga hayop at halaman.
Ang lupa ng daigdig ay nahahati sa pitong malalaking kontinente. Sinasabingnagmula sa isang
malaking kontinente ang pito. At dahil sa mga sakuna at mgapagbabago sa klima,nagkawatak-
watak ang mga lupa at nabuo ang kasalukuyang anyong mga kontinente sa daigdig. May iba't
ibang anyo ang lupa sa daigdig. Nariyanang bundok, bulkan, kapatagan, talampas, tangway,
burol, lambak at mga isla.

ASYA
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang naikatlong
bahagi ng mundo. May sukat itong 43,810,582 km² o 17,159,995 milyakuwadrado (mi2). Ito ay
nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isangmakinaryang libu-libong linya and dumadaan
buhat sa Bundok Ural patungong DagatCaspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa Dagat Itim
(Black Sea). Ang hangganangnaghahati sa Africa at Asya ay ang Suez Canal at ang hangganan
sa pagitan ngHilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa hilaga ng Asya ay
angKaragatang Artik at sa timog nito, ang Karagatang Indian. Ang KaragatangPasipiko ang nasa
silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang BundokUral, Dagat Caspian, Dagat Itim at
Dagat Aegean.
Ang Asya (Ingles: Asia) ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo attinaguriang isa sa
pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago athumubog sa kaisipan at paniniwala
ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mgakilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang
kabihasnang Tsina,India,Mesapotamia,Persiaat kabihasnang aramaiko na may dalawang sangay-
ang Israel at arabo.Ang Asya aymay kabuoang sukat na 17,159,995 milya kuwadrado sa lawak
ng lupaingnasasaklawan at dito rin matatagpuan ang karagatang INDIA, dagat ng
timogtsina,bahagi ng karagatang PASIFIKO at karagatang ARTIKO.Ang Europa ang
kadikitnitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng
URAL,Dagat ng caspia,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus.Ang Suez Canal namanang
siyang hangganan nito bago dumating sa bansang egipto ng continentengafrica .Sa dami ng mga
pangkat ng lahi ng mga tao,ang ASYA pa rin angnangunguna at patuloy na yumayabong sa
paglabas nito patungo sa iba pang mgabansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula
sa continente ngEuropa,Amerika at Afrika.
EUROPE
Ang Europa o Yuropa (Pranses at Inggles: Europe) ay isang kontinente na bumubuong kanlurang
bahagi ng superkontinente ng Eurasia. Pinalilubutan ang Europa ngKaragatang Artiko sa hilaga,
ng Karagatang Atlantiko sa kanluran, ng DagatMediteraneo at Dagat Itim sa timog, at ng
Kabundukang Ural sa silangan.
Kung pagbabatayan ang lawak, ikalawang pinakamaliit na kontinente ang Europa namay lawak
na 10,400,000 km², mas malawak nang kaunti sa Australia.
Kung pagbabatayan ang populasyon, ito ang ikatlong pinakamalaking kontinentekasunod ng
Asya at Africa. Tinatayang 666,498,000 ang populasyon ng Europanoong 2000, halos ikapitong
bahagi ng populasyon ng mundo.
MGA BANSA SA EUROPA
Albanya • Alemanya • Andorra • Armenia2 • Austria • Azerbaijan1 • Belarus •Belgium • Bosnia
and Herzegovina • Bulgaria • Croatia • Cyprus2 • CzechRepublic • Dinamarka3 • Estonia •
Espanya1 • Georgia1 • Gresya1 • Hungary •Iceland • Irlanda • Italya3 • Kazakhstan1 • Latvia •
Liechtenstein • Lithuania• Luxembourg • Republic of Macedonia • Malta • Moldova • Monaco •
Montenegro •Noruwega3 • Olanda3 • Pinlandiya • Polonya • Portugal3 • Pransya1 • Rumanya
•Rusya1 • San Marino • Serbia • Slovakia • Slovenia • Suwesya • Switzerland •Turkiya1 •
Ukraine • United Kingdom3 • Vatican City

NORTH AMERICA
Ang Hilagang America ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig athalos na nasa
kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sahilaga, Hilagang Karagatang
Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean satimog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa
timog at kanluran. Nasa24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng
ibabaw nabahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000
angpopulasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinenteayon sa
sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayonsa populasyon,
pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.
Ang Estados Unidos ng Amerika (Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika o USA)—natinutukoy
ding bilang Estados Unidos (US), Amerika, o Isteyts—ay isangrepublikang federal ng
limampung estado, na ang karamihan ay matatagpuan sagitnang Hilagang Amerika. Ang US ay
may tatlong lupang hangganan, dalawa saCanada at isa sa Mehiko at ang iba ay pinaliligiran
naman ng KaragatangPasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at ng Karagatang Atlantiko. Sa
50mga estado nito, mayroong dalawa, ang Alaska at Hawai‘i, na hindi karatig ng mganatitirang
apatnapu’t walo, ni hindi mismo karatig ng isa’t isa. Mayroon dingkoleksyon ng mga distrito,
teritoryo at pagmamay-ari ang US sa buong mundo. Angbawat isa sa kanyang mga limampung
estado ay may sariling mataas na level ngautonomya lokal na naaayon sa sistema ng federalismo.
Ang isang mamamayan ngEstados Unidos ay karaniwang tinatawag na “Amerikano”.
SOUTH AMERICA
Ang Timog Amerika ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang Hemispiro sapagitan ng
mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.
Kadalasang tinutukoy bilang kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika,pinangalan ang
Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo nanagmungkahi na ang Amerika
ay hindi ang Silangang Indies, ngunit isang hindi panatutuklasang Bagong Mundo.
May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milyakuadrado),
o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa371,000,000 ang populasyon
nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki(pagkatapos ng Asya, Aprika, at Hilagang Amerika)
at panglima sa populasyon(pagkatapos ng Asya, Aprika, Europa, at Hilagang Amerika).
AUSTRALIA
Ang Komonwelt ng Australya o Australya[1][2] (bigkas /o•stré•lya/) ay angikaanim na
pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop saisang kontinente, at ang
pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania.Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga
pulo, ang pinakamalaki dito ay angTasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang
Australia ay isangfederasyon at pinamamahalaan bilang parliamentary constitutional monarchy.
Kasama sa mga karatig bansa ng Australia ay ang Indonesia, East Timor, at PapuaNew Guinea
sa hilaga, ang Pacific Islands sa hilagang-kanluran, at ang NewZealand sa timog-silangan.
Ang Oceania ay ang pangalan na ginagamit sa heograpiya para sa rehiyon nabinubuo ng
Australia, New Zealand, New Guinea, at iba pang mga islang bansa napaloob dito. Ang ibang tao
ay tinatawag ang bahaging ito ng mundo bilangAustralasia. Para sa iba, ito ay itunuturing
kasama sa lupalop ng Australasia.
Ang Malayang Estado ng Papua New Ginea (internasyunal: Independent State ofPapua New
Guinea; di-pormal, Papua New Guinea o PNG) ay isang bansa sa Oceania,sinasakop ang
silangang kalahati ng pulo ng Bagong Guinea at ilang mga panlabasna pulo (ang mga lalawigan
ng Indonesia ng Papua at Kanlurang Irian Jaya (IrianJaya Barat) ang sumasakop ng natitirang
kalahati ng Bagong Guinea). Matatagpuanito sa Karagatang Pasipiko, sa isang rehiyon na
ikinahulugan noong ika-19 siglobilang Melanesia. Port Moresby ang kapital at isa sa mga ilang
pangunahinglungsod nito.
AFRICA
Ang Aprika[1] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sadaigdig at
pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukatna mga 30,244,050
km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sapangkalahatan, tinatawag na mga
Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mgananinirahan sa kontinente ng Aprika

Ang Silangang Aprika ay pinakasilangang rehiyon sa kontinente ng Aprika, na iba'tiba ang


kahulugan sa heograpiya o heopolitika. Sa Mga Nagkakaisang Bansa iskimang mga
heograpikong rehiyon, binubuo ng 19 na mga teritoryo ang SilangangAprika:
• Kenya, Tanzania, at Uganda – kasapi din ng East African Community (EAC)
• Djibouti, Eritrea, Ethiopia, at Somalia – kadalasang pinapangalan din bilangSungay ng Aprika
• Mozambique at Madagascar – bahagi minsan ng Katimogang Aprika
• Malawi, Zambia, at Zimbabwe – kadalasang kasama din sa Katimogang Aprika atGitnang
Pederasyon ng Aprika Central African Federation
• Burundi at Rwanda – bahagi minsa ng Gitnang Aprika
• Comoros, Mauritius, at Seychelles – maliliit na mga pulong bansa saKaragatang Indyan
• Réunion at Mayotte – mga panlabas ng mga teritory ng Pransya na matatagpuandin sa
Karagatang Indyan
Sa Mga Nagkakaisang Bansa iskima ng mga heograpikong rehiyon, binubuo ng limangbansa ang
ang Katimogang Aprika:
• Botswana
• Lesotho
• Namibia
• South Africa
• Swaziland
Kadalasan din sa rehiyon ang mga sumusunod na mga teritoryo:
• Angola – kabilang din sa Gitnang Aprika
• Mozambique at Madagascar – kabilang din sa Silangang Aprika
• Malawi, Zambia, at Zimbabwe – minsan na sinasama sa Katimogang Aprika at datisa Central
African Federation
• Comoros, Mauritius, Seychelles, Mayotte, at Réunion – mga malilit na mgapulong teritoryo sa
Karagatang Indyan silangan ng pangunahing lupain ng Aprika.
ANTARCTICA
Ang Antartiko[1] (Ingles: Antarctica, mula Griyego Ανταρκτική, salungat ngArtiko) ay isang
kontinente na pinapalibutan ng Katimogang Dulo ng Daigdig. Itoang pinakamalamig ng lugar sa
daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuannito. Hindi dapat ipagkamali sa Artiko, na
matatagpuan sa salungat na bahagi ngplaneta na malapit sa Hilagang Dulo ng Mundo.
Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isangTerra
Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang unangkaraniwang tinatanggap na
pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unangnapatunayang paglapag ng isang Rusong
ekspedisyon nina Mikhail Lazarev atFabian Gottlieb von Bellingshausen. Gayon man, isang
mapa ni Admiral Piri Reisnoong 1513 ang naglalaman ng isang katimogang kontinente na
mayroong posiblengpagkahawig sa pampang sa Antarctica. (Tignan din Kasaysayan ng
Antarctica.)
Sa isang lawak na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente angAntarctica,
pagkatapos ng Eurasya, Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika.Gayon man, ito ang may
pinakamaliit na populasyon: tunay nga, wala itongpampalagiang populasyon. Ito rin ang
kontinente na may pinakamataas nakaraniwang altitud, at ang pinakamababang na humedad sa
kahit anong kontinentesa Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang temperatura.

Вам также может понравиться