You are on page 1of 2

GAMIT NA MAKINARYA SA PAG AANI NG PALAY SA AURORA,LUBOS NA NAKAAPEKTO SA MGA

MAGSASAKA
By: Rael Bitong

Nagkasundo ang mga maggagapas sa mga palayan at mga may ari ng reaper sa Brgy.Reserva
Baler,Aurora na payagan na ang ganitong sistema sa pag-aani ng palay.

Ang reaper na kilala rin sa tawag na halimaw ng mga taga Aurora ay isang uri ng makina na ginagamit sa
mabilis na pag-aani ng palay.

Sa isang pagpupulong napagkaisan na payagan ng mag-operate sa nasabing barangay ang nabanggit na


makinarya. Pumayag na ang mga maggagapas sa kagustuhan ng mga may ari ng sakahang bukid kung
saan sila makakatipid sa kunsumo.

Marami kasi sa mga maggagapas ang sumama ang loob simula ng mag-operate ang machine harvester
dahil marami daw sa kanila ang nawalan ng hanap buhay.

Giit ng ilang magsasaka sana raw ay may ibinibigay na alternatibong pagkakakitaan ang pamahalaan
para sa kanila upang may pantutustos sa kanilang pamilya.

Sa kabila nito umaasa naman ang mga magsasaka na walang magiging aberya ang reaper dahil kung
minsan daw ay pumapalya at nagkakaroon ng problema habang tumatagal ang paggamit ng nasabing
makina.

Una nang umalama ang daan-daang nakikiani dahil nawalan sila ng trabaho tuwing anihan ng palay dahil
sa paglitaw ng tinatawag nilang halimaw.EXTRO
Mga makina para sa madaling paglipat-tanim at pag-ani ng palay
isinulat ng Media Relations Unit, Applied Communication Division, DOST-PCAARRD

Ang harvester (kaliwa) at ang transplanter (kanan) (Litrato ay nanggaling sa DOST-MIRDC)

DA-PhilMech impeller-type ricemill

Ang transplanter at harvester ay naangkop sa mga sakahan kung saan mahirap makakuha ng mga
trabahador at ang produksyon ng palay ay malaki. Ang mga ito ay angkop din sa mga sakahan
kung saan maraming mga gawain.