Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
December 5, 2029
Nagulantang ako sa tunog ng aking alarm clock, 5:00 am na pala. Panibagong araw na
naman. Hinanap ko kaagad ang aking cellphone na akin na palang nahigaan na sa
sobrang antok ko kagabi.
Agad akong nag check ng messenger ko. Nanlaki ang aking mga mata ng may nag
message sa akin na isang familiar babae. Si T. Flor pala ito. "Jessa, I am inviting you
and your Grade 12 batch 2019 classmates to celebrate our wedding day on December
20,2029 . I hope to see all of you soon and be together again in this special occasion."
Napatayo ako sa pagkakahiga sa aking kama sa hindi ko inaasahang mensaheng
matatanggap mula sa aming class adviser noong SHS pa ako na sa kabila ng pagiging
masaya nito sa pagiging single noon ay hindi ako makapaniwalang mag aasawa pa
pala ito.
Matapos ang lahat ay halos matapilok pa ako habang pasakay na sa aming Ford
Ranger.
Habang nakasakay ako sa aming sasakyan ay tinawagan ko si Grace May Lim upang
sabihan na magkita kami bukas sa Starbucks malapit sa isang bagong gawang Mall sa
dito Makati City. At dahil pitong buwan palang ang nakakaraan nang lumipat kami sa
aming condo unit dito, siya lang ang isa sa mga kaibigan kong alam kong kapwa ko na
naninirahan dito.
Muli kong binaling ang aking atensyon sa aking asawa na noon ay may kausap sa
kanyang cellphone. Narinig kong may isang kaso ng holdapan ang naireport kanina
lang alas-7 ng umaga sa kanilang presinto. Laking gulat ko nang marinig kong isang
accountant pala ang naholdap habang papasok sa trabaho at ito'y walang iba kundi si
Krishna Lanot ang dati kong kaklase. Mabuti na lamang daw at hindi siya sinaktan ng
holdaper at maliit na halaga lamang ang nakuha sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas at nasilayan ko na ang St. Luke's Medical Center kung
saan ako nagtatrabaho sa kasalukuyan. Bumaba na ako ng sasakyan at agad
dumiretso sa laboratory upang simulan na ang trabaho sa araw na ito.
Ako nga pala si Jessalyn Dela Peña at isa na akong Medical Technologist ngayon.
Kinaumagahan ay maaga akong umalis ng bahay upang makipagkita kay Grace Lim.
Sa di kalayuan ay nakita ko ang kanyang Ferrari na nakaparada sa labas ng Starbucks
na nangangahuluhang hinihintay na nya ako sa loob. Agad ko siyang niyakap ng makita
ko sya at kinamusta ang kanyang buhay.
Isa na nga pala siyang guro sa sikat na paaralan ng Colegio San Agustin dito sa
Makati. At syempre isa sa pinakamasayang pangyayare sa buhay niya nang ikasal siya
kay Jonash Dela Cruz na ngayon ay isa nang matagumpay na businessman.
Maya-maya ay nabaling ang aming atensyon sa kakatapos lamang na itayong mall dito.
Nalaman namin na si Engr. John Rey Aco pala ang nasa likod ng matagumpay na
pagtatayo ng mall na ito. Nagkaroon pa daw si Iries ng chance na makakwentuhan siya
noong nagkape ito dito sa shop. Madami na pala siyang projects na naisakatuparan at
isasakatuparan palang.
Umabot hanggang alas-9 ang aming masayang kwentuhan. Nagpaalam na akong aalis
na upang mamili ng mga pasalubong dahil mamayang tanghali ay uuwi ako ng Bulacan
para dalawin ang aking mga tita at pinsan.
Sa gitna ng aking pamimili ay may nakakuha ng aking atensyon, isang lalaking pormal
ang dating. Nang humarap ito'y laking gulat ko nang mapagtantong si Rafael Martinez
pala ito na asawa ng may-ari ng grocery store na kinatatayuan ko ngayon. Agad ko
siyang binati ng "Hello Sir!" at gulat din siyang binati ako in pure English. Wow!
Kinausap ko siya sandali at pinaalam ko din sa kanya ang detalye ng kasalang
magaganap.
Umuwi muna ako sa condo upang magbihis at agad na akong bumiyahe papuntang
Bulacan. Habang nasa byahe ay napahinto ako sa pagmamaneho nang makita ko sa di
kalayuan si John Paul Agapito sa harap ng napakalaking shop ng Buy and Sell ng car
parts. Ipinarada ko muna ang aking sasakyan at lumapit ako sa kanya, agad naman
niya akong nakilala. Sila pala ni John Rafael Galo ang nagmamay-ari ng shop na ito.
Hindi na nga daw nila naisipan na mag asawa dahil sa pagiging abala nila sa
pagpapalago nito. Nabalitaan na niya din pala ang nalalapit na kasalan at handa daw
silang dumalo dito.
Matapos ang ilang sandali ay umalis na din ako upang ituloy ang biyahe. Ganap na
ala-2 ng hapon na ng makarating ako sa bahay nila tita. Masaya silang sinalubong ako
dala ang mga pasalubong. Sandaling oras lang ang itinagal ko dito, kaunting kwentuhan
at pangangamusta.
Bago ako bumalik ng Makati ay dumaan muna ako sa Tiles Center nila Grace upang
iabot sa kanyang mga magulang ang perang ipinasuyo niya sa akin kanina.
Habang nasa tiles center nila ako ay nakasabay ko ang bumibili ng mga mamahaling
porcelain tiles na si Francis Edward Ayen. Masaya ko siyang kinumusta at inimbitahan
sa kasalan. Isa na pala siyang Psychologist sa isang Mental Health Center sa
Mandaluyong. Umuwi lamang siya upang bisitahin ang pinapagawa nila ng kanyang
asawa na tatlong palapag na bahay dito sa San Vicente.
Alas-8 na ng gabi ng makauwi ako. Agad akong nagluto ng pagkain, matapos nito ay
nakachat ko si Grace na nagyayaya na sunduin sa airport si Angela Tagongtong sa
susunod na Sabado. Pauwi na pala siya dito sa Pilipinas upang magbakasyon.
Si Angela Tagongtong ay isa nang high class Psychologist sa U.S., doon na din nya
piniling tumira kasama ng kanyang amerikanong asawa na kapwa niya din psychologist.
Sumang-ayon naman kaagad akong sumama sa pagsundo.
Isang linggo na naman ang nakakaraan. Isang maingay na tunog ng aking cellphone
ang bumulabog sa aking masarap na pagtulog. Tumatawag si Grace sa akin, nasa
labas na pala siya ng condo. Agad ko syang pinatuloy sa loob at pinaalala niya na
ngayon na pala namin susunduin si Angela.
Pagkatapos kong kumain ay bumiyahe na kami papuntang NAIA. Matapos ang isang
oras na paghihintay ay nasilayan na namin ang napakagandang babaeng hinihintay
naming nakasuot pa ito ng boots and scarf. Bago siya lumapit ay nagpakawala muna
siya ng isang napakalakas na tawa ng makita ang napakatabang katawan ni Grace.
Si Grian Trel Carbyx nga pala ay isa nang na veterinarian sa Canada. Tatlong taon na
siyang naninirahan doon upang pamahalaan ang kanyang dalawang clinic doon. Subalit
sa kasamaang palad ay hindi pa din niya nahahanap ang kanyang "the one". At
hanggang ngayon ay patuloy pa din na umaasa sa pagmamahal ng kaniyang
kinababaliwang si CJ.
Ilang araw pa ang lumipas at hindi ko na namalayang December 19, 2029 na pala .
Bukas na magaganap ang pinakahihintay na kasalan nila T. Flor at ng kanyang
magiging asawa. Inihanda ko na lahat ng aming dadalhin kinabukasan.
Alas-2 palang ng madaling araw gumising kami ng aking asawa upang makaabot sa
aming flight mamayang 4 am. Excited na akong makarating muli sa El Nido Palawan
Beach Resort kung saan gaganapin ang magarbong kasalan mamayang alas-3 ng
hapon.
Napakaganda talaga dito sa El Nido. Sobrang payapa ang buong paligid. Tinawagan ko
agad si T. Flor upang ipaaalam na nandito na kami sa Palawan. Batid sa kanyang
boses ang napakasayang pakiramdam. Sinabi niya din na nandito na din daw ang ilan
sa aming mga kaklase at ang iba naman daw ay maya maya pa darating. Nagpahinga
na muna ako.
Nakaramdam naman ako ng labis na kasiyahan ng makita ko ang aking mga dating
kaklase. Hindi ko inaasahang dadalo sila sa espesyal na okasyong ito.
Una kong nasilayan sina Christine at Giselle na kapwa sarili lamang ang dala sa araw
na iyon kasama si Iries Bautista na mag-isa lang din na dumalo.
Sina JP at Rafael Galo naman ay nanatiling single and ready to mingle dahil sa
pagiging abala daw sa trabaho.
At si Rafael Martinez kasama ang kanyang magandang asawa na hindi niya pinakilala
sa amin.
Sa di kalayuan ay nasilayan din namin si Grian sakay ng kanyang Yate. Halos malaglag
ang panga nito sa laki ng ngiti ng makita kaming magkakasama.
Ilang minuto bago magsimula ang kasalan ay dumating sila Grace at Jonash. Dahil sa
pagmamadali ni Grace papunta sa amin ay di sinasadyang sumabit ang suot nitong
dress sa maliit na alambre sa entrance dahilan upang muntik na siyang masubsob sa
red carpet. Mabuti na lamang at nasalo sya ng kanyang minamahal na asawa. Lahat ay
nagpigil na lamang ng pagtawa upang mapanatili ang katahimikan.
Sa kabila ng saya ay hindi maiwasan din na malungkot dahil hindi kami nakumpleto sa
araw na ito. Dahil ang ilan sa aming mga kaklase noon ay hindi nakadalo dahil sa
kanya-kanyang importanteng trabaho.
Si Jomar Angelo Solimen ay humigi ng pasensya sa hindi pagdalo, isa na kasi siyang
abalang businessman at palaging mayroong importanteng meeting na inaasikaso.
Si Kyle Patrick Fulgencio at Jeric Peñarubia ay parehas na nasa barko kung kaya't hindi
din makakadalo. Si Kyle Fulgencio na mister ni Giselle ay abala sa pag aasikaso ng
kanilang restaurant dito. Habang si Jeric Peñarubia naman ay isa nang seaman at sa
January pa ang nakatakdang pag-uwi.
Si Joshua Delos Reyes naman ay isa nang electrical engineer at dalawang taon nang
nagtatrabaho sa Dubai. At si Brendam James Ganura ay abala din sa pagaasikaso ng
kanyang itinayong tatlong branch ng computer shops.
Si Anjover Gañas naman ay kasalukuyan pang nagsisikap sa pag-aaral ng
neurosurgery sa University of the Phillpines.
Matapos ang lahat ay muli akong nanumbalik katotohanang nanaginip na naman ako.
Isang napakagandang panaginip na nagmistulang katotohanan. Hindi ako
makapaniwalang napakalayo ng nalakbay ko sa aking pagtulog.
Subalit walang imposible kung lahat tayo ay patuloy na magsisikap sa lahat ng bagay.
Ika nga "pangarap ang simula ng lahat ng tagumpay" .