Вы находитесь на странице: 1из 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD
Lungsod Quezon, Metro Manila

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Mother Tongue I


TP 2018-2019

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: ________________________


Baitang at Pangkat: _____________________________________ Iskor : ________________________

Panuto: Basahing mabuti. Isulat ang letra ng tamang sagot sa guhit bago
ang bilang.

______ 1. Iwasan mo ang madikit sa apoy dahil ito ay _____________.


A. mainit B. magaspang C. matigas D. malamig

______ 2. Nag-aral nang mabuti si Arnold kaya nakakuha siya ng mataas na


marka. Alin ang nagsasaad ng sanhi sa pangungusap?
A. naglaro siya C. nangopya siya
B. natulog siya D. nag-aral nang mabuti

_______3. Bumili si nanay ng matamis na pakwan. Ano ang salitang


naglalarawan sa pakwan?
A. maalat B. maasim. C. mapakla D. matamis

_______4. Nawala ang bagong bag ni Monica. Alin ang salitang


naglalarawan sa bag?
A. Bag B. Bago C. Nawala D. Monica

_______5. Nakakaawa ang kalagayan ng mga ____________.


A. basing sisiw C. balat-sibuyas
B. bukas palad D. patay-gutom

_______6. Anong tambalang salita ang may kahulugang nagbibingi-


bingihan.
A. kapit-tuko C. tengang kawali
B. sirang plaka D. tulog-mantika

_______7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng panahon?


A. kahapon C. sa plasa
B. matulin D. sa paaralan

_______8. Uuwi na ang tatay ni Marlon bukas. Kailan uuwi ang tatay ni
Marlon?
A. bukas B. kahapon C. mamaya D. sa martes

_______9. Taos-pusong nagdasal ang mag-anak. Paano nagdasal ang


mag-anak?
A. nakahiga B. nakaluhod C. nakaupo D. taos-puso
_______10. Alin sa pangkat ang nagsasabi ng lugar?
A. gabi-gabi B. mamaya C. marahan D. sa palengke

Panuto: Punan nang tamang salita ang patlang upang maipakita ang
wastong paghahambing gamit ang salitang “mabigat”. (11-13)

Ang kuneho ay (11)_____________ pero (12)___________________ ang aso


kaysa sa kuneho. Ang elepante ang (13)__________________________ sa tatlo.

Panuto: Pagsamahin ang dalawang salita upang makabuo ng bagong salita.


Isulat sa patlang ang nabuong salita.
14. puso + mamon = ______________________________
15. bunga + araw = ______________________________
16. boses + palaka = ______________________________

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng tambalang salita. Isulat ang sagot sa


guhit.
17. akyat bahay = ______________________________
18. usad pagong = ______________________________
19. tengang kawali = ______________________________

Panuto: Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salita sa ibaba.


20. tamad – _________________________
21. malamig – _________________________

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang naglalarawan.


22. unano – ______________________
23. duwag – ______________________

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang sanhi ng pangyayari at isulat sa


patlang.

24. Umiyak nang husto ang bata _______________________________________.

dahil masaya siya


kasi kaarawan niya
kaya natuwa ang guro
dahil sa naipit ang kamay niya
25. Nahuli si Mark sa klase _____________________________________________.

kasi gutom siya


kasi masipag siya
kasi nagpuyat siya
dahil maaga siyang nagising

26. Pupunta kami sa SM bukas _____________________________________.

para sa tabi
para matulog
para maghabulan
para bumili ng sapatos

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at pasunod-sunurin ang mga


pangyayari. Isulat ang 1-4 sa patlang. ( 27-30 )

Ang Manika

Maganda ang manika ni Mona. Asul ang kulay ng damit nito.


Pumipikit ang mga mata ng manika. Lumalakad din ito. Umiiyak ito
kapag idinapa. Ibinigay ito ni Ninang kay Mona.

______ Pumipikit ang mata ng manika.


______ Asul ang kulay ng damit nito.
______ Ibinigay ito ni Ninang kay Mona.
______ Umiiyak ito kapag idinapa.

Вам также может понравиться