Вы находитесь на странице: 1из 3

Mala-Masusing Banghay-Aralin

sa Filipino II
I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagbibigay ng sariling interpretasyon tungkol sa "Ina ang Ilaw ng
Tahanan."
b. Nakapagsasagawa ng isang masining na pagpapahayag sa pamamagitan ng
sabayang pagbigkas sa kabanata 16 ng Florante at Laura.
c. Nalalaman ang kahalagahan ng isang ina sa pagsulat ng repleksiyon batay sa
binasang kabanata ng Florante at Laura.
II. Paksang- Aralin:
Paksa: Kabanata 16 ng Florante at Laura
Mga Kagamitan: Laptop, at mga kagamitang biswal.
Sanggunian: Florante at Laura (Aida M. Guimarie)
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsulat sa pangalan ng Lumiban
B. Pagbabalik Tanaw:
- Magbabalik aral tungkol sa nakaraang kabanata.
C. Pagganyak
- Papangkatin ng guro ang klase at bawat grupo ay bibigyan ng tig-iisang
flashcards, sa kabilang banda may isang representatib ang bawat grupo na
magsasagawa sa salitang nakasulat sa flashcards at aalamin ng ibang
grupo ang salita base sa isinasagawa ng mag-aaral. Ang unang
makakapagbigay sa salita ay may karampatang puntos at kung hindi
maibigay ng ibang grupo ang salita ay mabibigyan ng karagdagang puntos
ang grupo.
- Bubuo ng isang pangungusap ang mag-aaral gamit ang tatlong salita na nasa
flashcards (Ilaw, Ina at Tahanan).
-ang bawat grupo ay may isang representatib na magbibigay ng sariling
interpretasyon sa pangungusap na nabuo, "Ang Ina ay Ilaw ng Tahanan."

IV.Paglalahad:
- Ipagpapatuloy ang pagbabasa sa susunod na kabanata ng Florante at Laura, ang
Kabanata16.

V. Gawain:
- Ang bawat grupo ay magsasagawa ng sabayang pagbigkas sa binasang kabanata.
VI. Ebalwasyon:
- Tukuyin ang mga sumusunod:
1. Ano ang tinanggap ni Florante mula sa kanyang ama pagkaraan ng
isang taon niyang pag-aaral sa Atenas?
2. Ano ang nilalaman ng sulat?
3. Bakit nalumbay si Florante pagkabasa sa sulat?
4. Ilang oras siyang nawalan ng malay pagkabasa sa sulat?
5. Sino ang umaliw kay Florante nang siya ay nalulumbay sa pagkamatay
ng kanyang ina?
VII. Takdang-Aralin:
-Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa pagmamahal o kahalagahan ng isang ina.

Submitted to: Saidar, Aisah S.

Вам также может понравиться