Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
________________________________________________________________________
Prepared by:
JANETH M. LUPANGO
Teacher
Noted:
ESTER R. SANTILLAN
Principal I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
a. epiko b. mitolohiya c. soneto d. ballad
2. Epiko mula sa Mesopotamia at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
a. Epiko ni Gilgamesh b. Iliad at Odyssey c. The Divine Comedy d. Paradise Lost
3. Nagsimula sa kanya ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC.
a. Virgil b. Homer c. Ovid d. John Milton
4. Ito ay kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman
Invasion.
a. El Cid b. The Aenid c. The Divine Comedy d. Song of Roland
5. Dito nagsimula ang epikong Ingles.
a. Beowulf b. The Heliad c. Epiko ni Gilgamesh d. The Divine Comedy
6. Ito ay may elemento ng dula at elemento ng salaysay. Isang dulang isinasalaysay.
a. stage play b. chamber theater c. drama d. monologo
7. Isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa
akda.
a. suring-basa b. pagsusuri c. sanaysay d. simposyum
8. Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay nito.
a. uri ng panitikan b. bansang pinagmulan c. pagkilala sa may-akda d. layunin ng akda
9. Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa
kanyang likhain ang isang akda.
a. layunin ng akda b. pagkilala sa may-akda c. uri ng panitikan d. bansang pinagmulan
10. Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.
a. uri ng panitikan b. layunin ng akda c. bansang pinagmulan d. pagkilala sa may-akda
11. Isang pagtitipon kung saan may malayang talakayan o palitan ng mga kaisipan.
a. simposyum b. pagpupulong c. diskusyon d. talumpati
12. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan.
a. pangulo b. kalihim c. modereytor d. tagasuri
13. Dito nakasalalay ang tagumpay ng simposyum.
a. paksa b. tagapagsalita c. tagapakinig d. lugar na pinag dausan
14. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anomang isyu sa
kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
a. editoryal b. talumpati c. sanaysay d. talambuhay
15. Isang uri ng akdang panitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang tauhan
ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol ang banghay at mga paglalarawan lamang.
a. kuwentong bayan b. maikling kwento c. dagli d. komiks
16. Ang paksa ang siyang layon ng pangunguap. Ito ay nasa pokus __________.
a. tagaganap b. layon c. pinaglalaanan d. sanhi
17. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.
a. sanaysay b. talumpati c. monologo d. tula
18. Unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng ________.
a. pook b. tagapakinig c. paksa d. damit na isusuot
19. Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay
ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
a. diyaryo b. lathalain c. editorial d. talumpati
20. Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresyon
ng sumulat.
a. talumpati b. editorial c. diyaryo d. lathalain
21. Nagpapahayag tungkol sa paksa.
a. panaguri b. tema c. paksa d. kaisipan
22. Ang pinag-uusapan sa pangungusap.
a. panaguri b. paksa c. kaisipan d. tema
23. Tawag sa pariralang pangalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng
pandiwa.
a. ingklitik b. komplemento c. pang-abay d. atribusyon
24. Tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri
o pang-abay.
a. komplemento b. pang-abay c. ingklitik d. panlunan
25. Nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
a. atribuston b. komplemento c. pang-abay d. ingklitik
26. May paglalarawan sa paksa ng pangungusap.
a. panlunan b. atribusyon c. ingklitik d. komplemento
27. Ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar.
a. atribusyon b. lokatibo c. komplemento d. pang-abay
28. Gamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari.
a. atribusyon b. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari c. panlunan d. ingklitik
29. Sumulat ng nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”.
a. Ernest Hemingway b. John Milton c. Victor Hugo d. O. Henry
30. Binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng tao na bukod sa
nagbibigay aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
a. nobela b. maikling kwento c. tula d. pelikula
31. Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
a. tagpuan b. pananalita c. simbolismo d. tauhan
32. Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. pananaw b. pamamaraan c. banghay d. pananalita
33. Paksang-diwang binibigysng diin sa nobela.
a. pananalita b. tema c. pananaw d. damdamin
34. Nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.
a. pananalita b. pamamaraan c. simbolismo d. pananaw
35. Nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
a. damdamin b. tauhan c. pananaw d. tema
36. Ang matanda sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”.
a. Fernando b. Carlos c. Santiago d. Marco
37. Ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ay nasa teoryang _________.
a. humanismo b. realismo c. eksistensiyalismo d. naturalismo
38. Sa teoryang ito ay nakasalamin sa realidad ng lipunan.
a. realism b. naturalism c. humanism d. eksistensiyalismo
39. Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining.
a. suring-basa b. pagsusuri c. pagbubuod d. pagsasabuhay
40. Isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling kwento, tula o sanaysay.
a. pagbubuod b. pagsusuri c. pagsasabuhay d. suring-basa
41. Ito ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang pangungusap.
a. paksa b. mensahe c. buod d. teoryang ginamit
42. Sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.
a. buod b. bisa sa isip c. paksa d. mensahe
43. Tumutukoy sa kung paano naimpluwensiyahan ang pag-iisip/utak o paraan ng pag-iisip ng mambabasa.
a. mensahe b. boud c. bisa sa isip d. bisa sa damdamin
44. Tumutukoy sa kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa.
a. bisa sa isip b. mensahe c. bisa sa damdamin d. buod
45. Tumutukoy sa kung ano ang gusting sabihin ng sumulat ng teksto.
a. buod b. paksa c. mensahe d. pamagat
46. Sa teoryang ito mas binibigyang diin ang pagiging marangal ng tauhan.
a. naturalismo b. humanismo c. eksistensiyalismo d. realismo
47. Pinahahatid ng awtor sa pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng tauhan na ang kapalaran ay bunga ng
kultura at heredity at hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling pagpili.
a. realismo b. naturalismo c. humanismo d. eksistensiyalismo
48. Ipinapakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay ng tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kaniyang
sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang dahilan ng existence ng tao sa mundo at hubugin ang sarili niyang
kapalaran.
a. naturalismo b. eksistensiyalismo c. humanismo d. realism
49. Ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir.
a. Balder b. Freyr c. Thor d. Heimdall
50. Asawa ni Odin, isang makapangyarihang diyosa na may kakayahang makita ang hinaharap.
a. Zeus b. Tyr c. Frigga d. Freyr
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas.
a. scientific b. computational c. mechanical d. outdoor
2. Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero.
a. scientific b. persuasive c. computational d. literary
3. Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan.
a. scientific b. literary c. artistic d. mechanical
4. Nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman, pagdesinyo at pag-imbento ng mga bagay at produkto.
a. computational b. literary c. clerical d. scientific
5. Nahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan.
a. artistic b. social service c. persuasive d. musical
6. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay.
a. literary b. musical c. artistic d. clerical
7. Nasisiyahan sa pagbabasa at pagsusulat ng mga akdang pampanitikan.
a. artistic b. scientific c. literary d. clerical
8. Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog.
a. clerical b. social service c. social service d. literary
9. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao.
a. mechanical b. outdoor c. social service d. scientific
10. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina.
a. clerical b. social service c. literary d. artistic
11. May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero o detalye.
a. tao b. bagay c. ideya d. datos
12. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga at nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
a. makabuluhang paggamit ng mga hilig
b. paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito
d. pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata
13. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?
a. mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan
b. makatutlong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan
c. magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya sa pamayanan
14. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang nagdadalaga at nagbibinata?
a. matitiyak ang kaganapan ng pagkatao
b. tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay
c. matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang nagdadalaga at nagbibinata
d. magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa kabataan
15. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
a. pataasin ang marka
b. pagyamanin ang kakayahang mag-isip
c. matutunang lutasin ang sariling mga suliranin
d. pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
16. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kaniyang mga magulang?
a. sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan
b. ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay
c. ang ilaan ang kaniyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
d. ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kaniyang mga kapatid
17. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. ang isip ay may kapangyarihang mag-alala
b. ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
c. ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya
d. ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
18. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip b. umunawa c. magpasya d. magtimbang ng esensya ng mga bagay
19. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ______________.
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan
20. Ang kilos loob ay bulag. Ang pahayag ay:
a. tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
b. mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
c. mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kaniyang tunguhin
d. tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
21. Ang tao ay may tungkuling _______, ang isip at kilos-loob.
a. sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. kilalanin, sanayin, at gawing ganap
c. kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. wala sa nabanggit
22. May kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
a. isip b. kamay o katawan c. puso d. tainga
23. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
a. kamay b. katawan c. isip d. puso
24. Sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita. Ito ang karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
a. kamay o katawan b. tainga c. puso d. isip
25. Ayon sa kaniya, ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto sapagkat ito ay pakultad na naaakit sa mabuti at
lumalayo sa masama.
a. Dr. Manuel Dy b. Aristotle c. Santo Tomas de Aquino d. Lipio
26. Ito ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali.
a. konsensiya b. likas na batas moral c. kalayaan d. kilos-loob
27. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan—ang Diyos.
a. pangkalahatan b. walang hanggan c. pangkalahatan d. di-nagbabago
28. Sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon.
a. walang hanggan b. di- nagbabago c. obhetibo d. pangkalahatan
29. Ito ay umiiral at mananatiling iiral.
a. obhetibo b. walang-hanggan c. pangkalahatan d. di-nagbabago
30. Ayon sa kaniya, binibigyang direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao. Sinusunod niya ang batas-moral upang
magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang
pangalagaan ang kapakanan ng lahat.
A. Manuel Dy b. Esteban c. Agapay d. Lipio
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sarilling pangangailangan
b. ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa
c. ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala
d. ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay __________.
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa
3. Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ______ bilang paglilingkod sa
kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura
4. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napapaunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. panlipunan b. pangkabuhayan c. political d. intelektwal
5. Nalilinang ng tao ang kaniyang _________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.
a. kusa at pananagutan b. sipag at tiyaga c. talino at kakayahan d. tungkulin at karapatan
6. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa _________.
a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
b. kakayahan nilang makiramdam
c. kanilang pagtanaw ng utang-na-loob
d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
7. Ano ang nakahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. pagkilala sa sarili na mas matalino siya siya kaysa ibang tao
d. pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
8. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pakikipagkaibigan.
a. pagpapayaman ng pagkatao b. simpleng ugnayang interpersonal
c. pagpapaunlad ng mga kakayahan d. pagpapabuti ng personalidad
9. Bakit itinuturing na birtud ang pakikipagkaibigan?
a. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
b. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas nito
c. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
d. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
10. Ayon dito, ang pakikipagkaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal
o pagpapahalaga.
a. Arisotle b. Emerson c. Webster’s Dictionary d. Manuel Dy Jr.
11. Ayon sa kanya, “Ang tunay na kaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang
pagkatao sa pananaw ng sarili sa iba.
a. Emerson b. Webster’s Dictionary c. Manuel Dy Jr. d. Aristotle
12. Ayon sa kaniya, Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat
ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila. Kundi, ito’y mararamdaman sa inspirasyong nagmula sa taong
naniniwala at nagtitiwala sa atin.
a. Manuel Dy Jr. b. Aristotle c. Emerson d. Webster’s Dictionary
13. Isang sosyolohista na nagsabing “ Ang mabuting pagkakaibigan ay matibay na pundasyon at mabisang sangkap sa
maraming uri ng ugnayan sa pagitan ng mga tao sa lipunan.”
a. Andrew Greeley b. Sto. Tomas de Aquino c. Aristotle d. Emerson
14. Ito ay nangangahulugang pagtulong sa kaniyang kaibigan sa kaniyang pag-unlad at paglago.
a. katapatan b. presensiya c. paggawa ng bagay na magkasama d. pag-aalaga
15. Nangangahulugang paglagay ng sarili sa sitwasyong kinalalagyan ng kaibigan.
a. presensiya b. pag-aalaga c. emphaty d. katapatan
16. Hindi nangangahulugan ng ganap na pagbubukas ng sarili sa kaibigan at hindi dapat sumasalungat sa pagiging pribado
ng buhay ng isang tao.
a. pag-aalaga b. presensiya c. katapatan d. kakayahang mag-alaga ng lihim
17. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan at narinig
na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang pag-iisip.
a. kilos b. mood c. emosyon d. desisyon
18. Ito ay nagbibigay ng palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman.
a. an gating mga opinion b. ang ating mga kilos o galaw
c. ang ating ugnayan sa kapwa d. ang mabilis na pagtibok ng puso
19. Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang
kasiyahan o paghihirap sa tao.
a. ispiritwal na damdamin b. pandama c. kalagayan ng damdamin d. sikikong damdamin
20. Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwesiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang
damdamin.
a. kalagayan ng damdamin b. sikikong damdamin c. pandama d. ispiritwal na damdamin
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. idyoma b. simbolismo c. tayutay d. matatalinghagang pananalita
2. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag iiwan ng kakintalan sa isip ng
mambabasa.
a. nobela b. karilyo c. dula d. maikling kwento
3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinion, kaisipan at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.
a. tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan
4. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. panlapi b. gramatika c. pagpapakahulugan d. pagsasaling-wika
5. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a. pandamdamin b. Malaya c. blangko berso d. tradisyonal
6. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkaka-ugnay.
a. pangangatuwiran b. paglalarawan c. paglalahad d. pagsasalaysay
7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y nagging tuluyan.
a. epiko b. anekdota c. sanaysay d. mitolohiya
8. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?
a. Tara, punta tayo roon. c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan. d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
9. Isang kwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng tao.
a. talambuhay b. anekdota c. maikling kwento d. talumpati
10. Ito ang unang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay.
a. kagamitan b. kilalanin ang mambabasa c. kakayahang pansarili d. pagpili ng paksa
11. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa maliban sa ___________.
a. mambabasa b. panahon o pook c. sapat na kagamitan d. atensiyon
12. Binibigyang diin ang bawat kilos ng mga tauhan. Ito ay isinulat upang itanghal.
a. dulang pandulaan b. tulang pasalaysay c. sanaysay d. talumpati
13. Ito ay “Tala ng Buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng isng tao mula sa kanyang wakas.
a. talambuhay b. anekdota c. nobela d. talaarawan
14. Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
a. epiko b. dula c. balangkas d. pagsasalaysay
15. Isang lohikal o kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat.
a. pagbubuod b. paglalahad c. balangkas d. pagsasalaysay
16. Alin sa mga sumusunod ang nasa anyong di-pormal na sanaysay?
a. pakikipagkaibigan ang tono c. mapitagan ang tono
b. maingat na pinipili ang mga salita d. nagbibigay ng impormasyon
17. Bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
a. sukat b. tugma c. talinghaga d. kariktan
18. Pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.
a. talinghaga b. kariktan c. sukat d. tugma
19. Ipinakita rito ang mga produktong maaaring magustuhan ng mga tao o kaya’y mga paligsahang ipinababatid
sa publiko.
a. patalastas b. komentaryo c. drama d. dula
20. Isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatwiran.
a. talumpati b. sanaysay c. paninindigan d. pagdadahilan
21. Isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid na dalawa o higit pang pang magkasalungat na panig tungkol
sa isang kontrobersiyal na paksa.
a. komentaryo b. dula c. talumpati d. pagtatalo
22. Ito ang unang hakbang na dapat gawin sa pagtatalo.
a. pangangalap ng datos c. paggawa ng dagli
b. pagpapatunay ng katwiran d. mangatwiran
23. Ito ay may takdang araw, panahon, oras at kung kailan gaganapin.
a. di-pormal na pagtatalo b. debateng Oregon c. debateng oxford d. pormal na pagtatalo
24. May akda ng “Things Fall Apart” na kung saan ipinakita ang mga komplikadong mga batas at gawi ng angkang
pinagmulan ni Okonkwo sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan.
a. Homer b. Chinua Achebe c. O. Henry d. William Shakespeare
25. Naglalahd ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin na tauhan at ng hangarin ng katunggali sa iba.
a. nobela b. maikling kwento c. tula d. alamat
26. Pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga puppet.
a. acrobat b. magic show c. puppet show d. tagisan ng talento
27. Uri ng sining na ginagamitan ng iba’t-ibang midya, kagamitan at pamamaraan.
a. drama b. puppet c. talent show d. dula
28. Nagtatanghal ng isang puppet show.
a. director b. magician c. manghuhula d. puppeteers
29. Ito ay isang mabisang instrumento ng komunikasyon na nanghihimok sa mga manonood, tagapakinig at
mambabasa na patuloy na kumilos o gumawa.
a. patalastas b. sermon c. pagsasadula d. pagtatanghal
30. Nagpasimula ng pagpapalaganap ng paglalathala.
a. African b. Chinese c. Filipino d. Egyptian
31. Ang binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan.
a. kwento ng tauhan b. tauhang bilog c. paglalarawan ng tauhan d. opinyon
32. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.
“Love excuses everything, Believe all things, hope all “ Mapagpatawad ang pag-ibig, Pinapaniwalaan ang
things ,endures all things. lahat ng bagay, Puno ng pag-asa sa mga bagay,
nakakaya ang lahat ng bagay.”
a. basahin ng paulit-ulit c. suriin ang bawat salita sa isinasalin
b. ikumpara ang ginawang salin d. may sapat na kaalaman sa dalawang wikang
kasangkot
34. Paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na wika at estilong nasa wikang isasalin.
a. gramatika b. pagsasaling-wika c. translasyon d. pagpapakahulugan
35. Sa pagsasaling wika, ang isinasalin ay ang ______________.
a. slita b. kaalaman c. konsepto d. diwa
Para sa bilang 36-38. Basahin ang bahagi ng isang tula na may pamagat na “Tinapay” na isinulat ni Amado V.
Hernandez. Pagkatapos ay sagutan ang mga katanungan.
Putol na tinapay
At santabong sabaw
Sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay.
Para sa bilang 46-50. Piliin ang angkop na pang-ugnay sa loob ng panaklong upang mabuo ang talata.
Ang pag-ibig ay dumarating sa tamang panahon. Ito ay hindi dapat hinahanap dahil ito ay kusa___ 46. (a. na
b. ng c. g d. at) dumarating sa atin__ 47.(a. na b. ng c. kung d. g) buhay. ________ 48. (a. kung b. kapag c. at d.
dapat) nagmahal ka handa kang magtiis sa lahat _____ 49.(a.ng b. na c. g d. kapag) sakit na maaari mo___50. (a. g
b. ng c. na d. rin) maranasan.
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
TEST IV: Complete the sentences with correct form of past conditional verbs in parenthesis.
1. If Mark (exert) more time studying, he passed the test.
2. If Jane (follow) the doctor’s advice, she still kept the baby.
3. If Jonel (walk) slowly, he not stumbles.
4. If Bryan not (offend) Mrs. Lupango, his teacher, he will have passed the subject.
5. If only Margarette (ask) me, she will no longer wasted time waiting.
6. If money not (blind) Decirry, she will not marry the old man.
7. How would you feel if someone (treat) you like a trash?
8. If you exercise and not overeat, you (live) a healthy life.
9. It would have been better if she not (give) up.
10. If he had borrowed the magazine, you (lend) it to him?
Prepared by:
JANETH M. LUPANGO
Teacher
Noted:
ESTER R. SANTILLAN
Principal I
`
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya: sino man o ano
man ang kanyang katayuan sa lipunan?
a. katarungan b. katarungan c. kalayaan d. katatagan
2. Ito ay nangangahulugang “pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging malakas.
a. gawi b. paghuhusga c. virtue d. pagpapahalaga
3. Ito ay bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.
a. pagpapahalaga b. gawi c. karunungan d. kilos-loob
4. Ito ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman.
a. intelektuwal na birtud b. moral na birtud c. pag-unawa d. karunungan
5. Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakakapagpapaunlad ng isip.
a. pag-unawa b. karunungan c. maingat na paghuhusga d. katarungan
6. Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.
a. karunungan b. sining c. agham d. katatagan
7. Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. Ito ang nagtuturo sa tao upang humusga ng tama at gawin ang mga bagay na
mabuti ayon sa kaniyang kaalaman at pag-unawa.
a. pag-unawa b. sining c. maingat na paghuhusga d. karunungan
8. Ito ang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa lahat ng ating mabuting asal o ugali. Isang uri ng kaalaman na ang layunin
ay labas sa isip lamang ng tao.
a. sining b. pagtitimpi c. katatagan d. maingat na paghuhusga
9. Nagtuturo sa atin upang lumikha sa tamang pamamaraan, ito ay bunga ng katwiran.
a. katatagan b. karunungan c. sining d. pagtitimpi
10. Isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya, sinuman o anuman
ang kaniyang katayuan sa lipunan.
a. pagtitimpi b. katatagan c. katarungan d. pag-unawa
11. Ito ang bitud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib.
a. katatagan b. pagtitimpi c. pag-unawa d. katarungan
12. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas o metatag at pagiging makabuluhan
o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
a. birtud b. pagpapahalaga c. katatagan d. pag-unawa
13. Ito ay naaayon kung ano ito noon at kung ano ito dapat.
a. pangkalahatan b. eternal c. obhetibo d. subhetibo
14. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at kondisyon o kalagayan.
a. eternal b. pangkalahatan c. subhetibo d. obhetibo
15. Ito ay umiiral at mananatiling umiiral.
a. obhetibo b. subhetibo c. eternal d. pangkalahatan
16. Ito ay pansarili o personal sa indibidwal. Ito ay ang personal na pananaw, ugali o hilig na bunga ng pag-udyok ng
pandamdam, damdamin, iniisip, motibo, karanasan at nakasanayan.
a. panlipunan b. subhetibo c. sitwasyonal d. obhetibo
17. Itinuturing na nasa pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang nagdudulot ng
kasiyahan sa pandamdam ng tao.
a. pambuhay na pagpapahalaga c. pandamdam na mga pagpapahalag
b. ispiritwal na pagpapahalaga d. banal na pagpapahalaga
18. Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa
pagkamit ng tao ng kaniyangkaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
a. pandamdam na pagpapahalaga c. banal na pagpapahalaga
b. ispiritwal na pagpapahalaga d. pambuhay na pagpapahalaga
19. Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay ay gabay sa paggawa ng _____.
a. moral na paghuhusga c. matiwasay na pamumuhay
b. obhektibong paglalahat d. mapanagutang pasya at kilos
20. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na _________.
a. katarungan c. maingat na paghuhusga
b. resposibilidad d. lahat ng nabanggit
21. Ito ay ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip- ang paghuhusga ng isip kung mabuti o masama ang isang
kilos.
a. mapanagutang paggamit ng kalayaan c. konsensiya
b. pagiging sensitibo sa Gawang Masama d. pagsasabuhay ng mga birtud
22. Ayon sa kanya, ang pagnais ng taong takasan ang konsekwensiya ng kaniyang kilos ay ang pagnais na takasan
ang kalayaan.
a. Manuel Dy b. Erich Fromm c. Arisrotle d. Max Weber
23. Sila ang binibigyan ng karapatan na itayo ang istruktura ng pag-uugali at pagpapahalaga ng kanilang mga
anak.
a. Guro b. Pari c. Magulang d. Barkada
24. Isa sa may malakas na impluwensiya sa isang bata sa maagang yugto ng kanyang kabataan.
a. Tagapagturo ng Relihiyon b. Kapwa Kabataan c. Kamag-aral d. Guro
25. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad ng
isang bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang dignidad ng isang bata sa kanyang sarili.
b. atama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang bantayan at paunlarin ang
halaga ng kanilang anak
c. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng isang bata
ang mga halaga.
d. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa
sumusunod ang hind magandang paraan ng pagre-relax?
a. paglalakad-lakad sa parke
b. paninigarilyo
c. pagbabakasyon
d. panonood ng sine
2. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamo, nalasahan, at narinig
na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang iniisip.
a. kilos b. mood c. emosyon d. desisyon
3. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman.
a. ang ating mga opinion
b. ang ating mga kilos o galaw
c. ang ating ugnayan sa kapwa
d. ang mabilis na pagtibok ng ating puso
4. Nasaktan moa ng iyong kapatid dahil sa ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. nailabas mo ang iyong sama ng loob
b. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
c. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
d. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan niyong magkapatid
5. Paano ka makakaiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
a. suntukin na lamang ang pader
b. kumain ng mga paboritong pagkain
c. huwag na lamang siyang kausaping muli
d. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba
6. Tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan
o paghihirap sa tao.
a. kalagayan ng damdamin b. sikikong damdamin c. pandama d. ispiritwal na damdamin
7. Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan, may gana o walang gana.
a. sikikong damdamin b. pandama c. ispiritwal na damdamin d. kalagayan ng damdamin
8. Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kanyang
damdamin.
a. ispiritwal na damdamin b. kalagayan ng damdamin c. sikikong damdamin d. pandama
9. Ang birtud na ito ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang mga tukso at
pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.
a. paghahangad b. pagmamahal c. pagtitimpi d. katatagan ng loob
10. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang matupad ang isang layuning
higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba.
a. pamamahala ng ugnayan b. motibasyon c. pagmamahal d. pamamahala sa sariling emosyon
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
a. natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
b. nagkakaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
c. nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto
d. nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan
12. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng lider na pinipili ng mga tao?
a. magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya
b. nagpapamalas ang lider ng integredad
c. pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kaniyang tagasunod
d. nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat
13. Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa ______.
a. paggalang sa awtoridad
b. pakinabang na tinatanggap
c. parehong paniniwala at prinsipyo
d. mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider
14. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinikitaan ng ______________.
a. mataas na antas ng kritikal nap ag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
b. mataas na antas ng kritikal nap ag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
c. mababang antas ng kritikal nap ag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
d. mababang antas ng kritikal nap ag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
15. Nagbibigay ng inspirasyon at direksiyon ang ganitong uri ng lider.
a. pamumunong transpormasyonal
b. pamumunong adaptibo
c. pamumunong inspirasyunal
d. pamumunong diktador
16. Ang pagkakaroon ng pagbabago ang pinakatuon ng ganitong lider.
a. pamumunong diktador
b. pamumunong inspirasyunal
c. pamumunong adaptibo
d. pamumunong transpormasyonal
17. May mataas na antas ng pagkilala sa sarili at kakayahang pamahalaan ang sarili.
a. pamumunong inspirasyunal
b. pamumunong adaptibo
c. pamumunong transpormasyonal
d. pamumunong diktador
18. Ayon sa kaniya, ang mabuting lider ay naglilingkod, nagtitiwala sa kakayahan ng iba, nakikinig at nakikipag-
ugnayan ng maayos.
a. Aristotle b. Manuel Dy c. Lewis d. Jack Weber
19. Ano ang entitlement mentality?
a. ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao
b. ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang
pansin
c. ito ay pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao
d. ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan
20. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
a. kalooban b. isip c. damdamin d. konsensiya
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
GOD BLESS…..
Prepared by:
JANETH M. LUPANGO
Teacher I
Noted:
ESTER R. SANTILLAN
Principal I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay hugis bilog, marumi kahit na may pintang puti at parang nagmamalaki dahil sa kanyang banayad na
paglakad.
a. bola b. bapor tabo c. sambalilo d. sapatos
2. Tiyahin ni Paulita Gomez, may ugaling mapagmataas at itinakwil na ang pagka Pilipino.
a. Kabesang Andang b. Aling Victorina c. Hermana Penchang d. Donya Jeronima
3. Isang manunulat na sa ganang kanya ay siya lamang ang nag-iisip sa buong Maynila.
a. Isagani b. Basilio c. Ben Zayb d. Don Tiburcio
4. Isang mayamang mag-aalahas na siyang tanungan at tagapag-udyok ng Kapitan-Heneral.
a. Makaraig b. Ben Zayb c. Simoun d. Basilio
5. Isang nag-aaral ng medisina at tanyag sa kabutihan niyang manggamot at mag-alaga ng mga maysakit.
a. Juanito Pelaez b. Sandoval c. Basilio d. Isagani
6. Ang ipinapaki-usap ng mga kabataan na mapahintulutan na magkaroon sa Pilipinas.
a. palaruan b. Akademya ng Wikang Kastila c. laboratoryo d. ampunan
7. Wala siyang hilig sa pagpapari ngunit dahil sa ilang pangako ng kaniyang ina ay pilit siyang pinapasok sa
Seminaryo.
a. Pari Salve b. Pari Sibyla c. Pari Camorra d. Pari Florentino
8. Pamangkin ni Pari Florentino, isang makatang hinangaan sa Ateneo. Siya’y malungkutin at walang kibo.
a. Makaraig b. Sandoval c. Isagani d. Basilio
9. Ikinuwento ng kapitan ng bapor ang alamat ng ___________.
a. Yungib ni Donya Jeronima b. Malapad-na-bato c. Buwayang bato d. Ilog-Pasig
10. Isinalaysay niya ang alamat ng Yungib ni Donya Jeronima.
a. Kapitan b. Pari Florentino c. Pari Salvi d. Ben Zayb
11. Ikinuwento naman niya ang alamat ng Buwayang Bato.
a. Pari Salvi b. Pari Camorra c. Pari Florentino d. Ben Zayb
12. Sino ang tinawag ng intsik na naging dahilan upang maging bato ang buwaya?
a. San Pedro b. San Nicolas c. San Sebastian d. San Andres
13. Ama ni Kabesang Tales.
a. Tandang Selo b. Kapitan Tiyago c. Kapitan Basilio d. Quiroga
14. May-ari ng lupain na kinakamkam ng mga prayle. Anak ni Tandang Selo.
a. Makaraig b. Kapitan Basilio c. Kabesang Tales d. Simoun
15. Panganay na anak ni Kabesang Tales na namatay sa sakit dahil sa labis na pagtatrabaho sa bukid.
a. Tano b. Huli c. Lucia d. Basilio
16. Mamamasukan sa isang matandang ale upang matubos si Kabesang Tales mula sa mga dumukot na tulisan.
a. Tano b. Sinang c. Huli d. Paulita
17. Tanging bahay na nakitang masaya ni Basilio sa San Diego.
a. Simoun b. Kapitan Tiyago c. Kapitan Basilio d. Hermana Penchang
18. Pandak at mula ng mag-asawa’y lalo pang tumaba at bumilog. Anak ni Kapitan Basilio.
a. Huli b. Paulita c. Sinang d. Maria Clara
19. Ang kutsero ay nakalimot magdala ng _______.
a. damit b. pagkain c. cedula d. sepilyo
20. Kumupkop kay Basilio sa Maynila.
a. Simoun b. Kapitan Tiyago c. Tiya Isabel d. Pari Camorra
21. Tumulong kay Basilio sa paglilibing sa kaniyang ina.
a. Tales b. Simoun c. Kapitan Tiyago d. Tandang Selo
22. Ang kursong nais ipakuha ni Kapitan Tiyago kay Basilio.
a. abogasya b. medisina c. arkitektura d. edukasyon
23. Saang paaralan pinalipat ni Kapitan Tiyago si Basilio ng ito ay nasa ikatlong taon na?
a. Letran b. Ateneo c. Santo Tomas d. La Salle
24. Sino ang natuklasan ni Basilio na tumulong sa kaniya sa paglilibing sa kaniyang ina at nagbigay sa kanya ng
kaunting pera?
a. Tales b. Kapitan Tiyago c. Simoun d. Florentino
25. Paring tagapangasiwa ng asyenda.
a. Pari Camorra b. Pari Salvi c. Pari Clemente d. Pari Camorra
26. Kasintahan ni Basilio na hindi marunong magdasal kahit dalaga na.
a. Paulita b. Sinang c. Pepay d. Huli
27. Magkano ang tawad ni Simoun sa agnos ni Huli.
a. isang daan b. tatlong daan c. isang libo d. limang daan
28. Ano ang ninakaw ni Tales kay Simoun?
a. alahas b. damit c. agnos d. rebolber
29. Iminungkahi ni Don Custudio nag awing paaralan ang mga ___________.
a. simbahan b. palengke c. parke d. sabungan
30. Siya ang pinakamatalinong naturuan ni Pari Valerio sa Tanawan. Mahusay sa Latin at sa mga pagtatalo.
a. Basilio b. Isagani c. Makaraig d.Placido
31. Ang mga estudyante dito ay makikilala dahil sa mga katutubong kasuotan at kakaunting aklat na dala.
a. Ateneo b. San Juan de Letran c. Santo Tomas d. Paaralang Municipal
32. Sa halip na mga aklat ang dala ay baston ang kanilang dala at makisig ang pananamit.
a. Santo Tomas b. Paaralang Municipal c. San Juan de Letran d. Ateneo
33. Kinagigiliwan ng mga propesor. Anak ng mestisong mangangalakal.
a. Isagani b. Makaraig c. Placido d. Juanito
34. Ang araw na napapagitna sa dalawang Kapistahan ay tinatawag na _________.
a. pistang dakila b. ipit na araw c. pista opisyal d. mahal na araw
35. Tanging gamit na makikita sa aralan ng pisika.
a. upuan b. aklat c. pisara d. basurahan
36. Isang batang-batang Dominiko na napabantog sa kahusayang magturo sa San Juan de Letran. Bantog sa
kainamang magsalita at sa pagiging magaling na pilosopo.
a. Pari Salvi b. Pari Camorra c. Pari Millon d. Pari Valerio
37. May-ari ng bahay na tinitirhan ng mga mag-aaral.
a. Simoun b. Isagani c. Makaraig d. Sandoval
38. Isang kastila na nasa Maynila bilang kawani ng Pamahalaan. Tinapos niya dito ang pag-aaral at lubos na
nakikiisa sa mga batang Pilipino.
a. Makaraig b. Juanito c. Sandoval d. Simoun
39. Isang makiyas na babaing kaibigang matalik ng bantog na si Don Custodio. Sa kanya lumalapit ang mga
tumatanggap ng paggawa, ang mga kawani, at iba pa kung nais hilingin ng Konsehal.
a. Germaine b. Matea c. Pepay d. Gertrude
40. Sino ang makikipag-usap kay G. Pasta ukol sa usapin ng akademya.
a. Isagani b. Basilio c. Makaraig d. Pecson
41. Isang mahusay na manananggol sa Maynila at tanungan ng mga prayle.
a. Don Custodio b. G. Pasta c. Don Manuel d. G. Gonzalez
42. Ano ang hinahangad ni Quiroga na maitayo sa Pilipinas?
a. bahay-aliwan b. pasugalan c. Konsulado ng Tsina d. pagamutan ng mga intsik
43. Ama ni Juanito na namamaraling kaya humihina ang kaniyang kalakal ay dahil sa mga intsik.
a. G. Gonzalez b. Quiroga c. G. Timoteo d. Don Primitivo
44. Ano ang ipinapatago ni Simoun sa bodega ng intsik na si Quiroga?
a. alahas b. droga c. baril d. damit
45. Galak na galak dahil sa napakaraming magagandang binibini na nakikita sa perya.
a. Simoun b. Pari Camorra c. Pari Irene d. Pari Sibyla
46. Isang magandang dalaga na pinagkaguluhan sa perya.
a. Huli b. Paulita c. Aling Victorina d. Pepay
47. Ayon kay Don Custodio ano lamang ang dapat harapin ng mga Pilipino?
a. magsugal b. magsabong c. magtrabaho d. paggawa ng santo
48. Isang yangking Amerikanong mahusay mangastila at siyang namamahala sa palabas
a. G. Pasta b. G. Jouy c. Mr. Leeds d. Tiyo Kiko
49. Tawag sa ulong ginagamit sa palabas.
a. Imuthis b. espinghe c. Cambises d. Simerdis
50. Ano ang pangalan ng abo na nagiging ulo na ginagamit sa palabas?
a. saserdote b. Gaumata c. Imuthis d. Cambises
51.Sino ang nahimatay sa palabas?
a. Pari Camorra b. Pari Irene c. Pari Salvi d. Simoun
52. Ano ang hinahanap ni Ben Zayb sa loob ng perya?
a. baril b. bolpen c. tela d. salamin
53. Saan balak pumunta ni Placido?
a. Europa b. Espanya c. Hong Kong d. Japan
54. Ito ay nakuha ni Don Custodio buhat sa pakikipagtunggali niya kay Ben Zayb.
a. alahas b. diyaryo c. Buena Tinta d. baril
55. Payat, mataas at nasasaplutanng sira-sira’t maruming damit. May mukhang mapula na tila saga.
a. Tiyo Kiko b. G. Jouy c. Camaroncocido d. Kapitan Tiyago
56. Sumulat ng isang pastoral na walang bumasa.
a. Pari Salvi b. Pari Sibyla c. Pari Irene d. Don Custodio
57. Sino ang tanging bumasa ng pastoral?
a. Basilio b. Juanito c. taga-ayos ng pasulatan d. Tiyo Kiko
58. Lugar na may mas lalong kaguluhan?
a. paarala b. palengke c. librarya d. pasulatan
59. Nagbalatkayo sa pagpunta sa palabas at naatasang maniktik para sa mga prayle.
a. Pari Irene b. Pari Salvi c. Pari Sibyla d. Ben Zayb
60. Sino sana ang ililigtas ni Simoun ng gabing iyon nakung saan nalaman niyang ito’y pumanaw na?
a. Kapitan Tiyago b. Basilio c. Maria Clara d. Paulita
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri ni:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. “Mas Malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang
higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller?
a. mahirap maging isang bulag
b. ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
c. hindi mabuti ang walang pangarap
d. hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay
2. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?
a. ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
b. ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
c. a at b
d. wala sa nabanggit
3. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?
a. ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip
b. ang pagpapantasya ay panaginip ng gising
c. ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng ngpapantasya
d. a at b
4. Ano ang kahulugan ng bokasyon?
a. ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
b. ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naaayon sa plano ng Diyos sa atin
c. a at b
d. ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod
5. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.
a. pangarap b. mithiin c. panaginip d. pantasya
6. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
a. pangmatagalan at panghabambuhay c. pangmadalian at panghabambuhay
b. pangmatagalan at pangmadalian d. pangngayon at pangkinabukasan
7. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
a. makapasa sa Licensure Exams for Teachers c. makatapos ng pag-aaral
b. maging guro sa aming pamayananan d. maging iskolar ng bayan
8. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
a. nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c. napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
d. wala sa mga nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
a. isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
b. sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
c. ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
d. isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin
10. Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya.
a. magsuri b. panahon c. solusyon d. sitwasyon
11. Ito ay presensiya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.
a. hilig b. pagpapahalaga c. kakayahan d. mithiin
12. Ito ang pinakapangunahin o pinakapakay ng iyong nais marating o puntahan sa hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa iyong
buhay sa hinaharap.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin
13. Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon sa nais nating maabot may kasiguruhan at pinag-iisipan.
a. Tiyak o Specific c. Nasusukat o Measurable
b. Angkop o Relevant d. May itinakdang panahon o time-bound
14. Ano ang gagawin mo kapag nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasya?
a. tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya
b. hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya
c. pag-aralang muli ang pasya
d. magkalap ng kaalaman
15. Pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin.
a. magbasa ng bibliya b. panalangin c. pagninilay d. kabutihan
16. Ito ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskrimnasyon.
a. pag-unawa b. pagpili c. kilos-loob d. pagpapasya
17. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng sapat na paahong makapag-isip, sa mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihon
nito;
a. mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
b. kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya
c. mahirap talaga ang gumawa ng pasiya
d. ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
18. Ang higher good ay tumutukoy sa:
a. kagandahang loob sa bawa’t isa c. ikabubuti ng mas nakararami
b. kabutihang panlahat d. ikabubuti ng mga mahal sa buhay
19. Isa sa may malakas na impluwensiya sa isang bata.
a. kapatid b. magulang c. kapwa kabataan d. Guro
20. Siya ang makatutulong sa isang bata upang mas mapalawak ang kaniyang isip at maunawaan ang kaniyang kakayahang makakalap ng karunungan
upang magamit ito para lamang sa katotohanan at kabutihan.
a. pamilya b. pari c. Guro d. kapwa kabataan
21. Kalagayan o gawain na naaayon sa plano ng Diyos.
a. mithiin b. pangarap c. bokasyon d. talent
22. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng pamilya sa paghubog ng mga halaga ng kanilang anak maliban sa:
a. ituro ang mga taong pakkisamahan at pagkakatiwalaan
b. ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa kapwa
c. ituro ang mga prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang pansariling kaisipan, salita at ugali
d. gabayan ang isang bata na kilalanin unawain, isapuso, iangnat at isabuhay ang pangkalahatang katotohanan
23. Ang isa sa maituturing na dahilan kung bakit nahaharap ang isang kabataan sa malaking posibilidad na maimpluwensiyahan ng kaniyang kapwa
kabataan ay dahil:
a. kulang pa ang kaniyang kakayahan sa paghihiwalay ng tama at mali
b. nais nilang maramdaman na sila ay tinatanggap at kinikilalang kabahagi
c. hindi nagging matibay ang mga itinurong halaga ng mga magulang at guro
d. hindi pa sapat ang kakayahan ng mga kabataan sa paglaban sa mga negatibong impluwensiya ng kapwa kabataan
24. Ang itinurong mga halaga ng mga magulang sa tahanan ay maaaring mawala sa isang iglap lalo na sa yugto ng kabataan.
a. tama, dahil nagiging malayo sila sa isa’t-isa sa yugto ng kabataan
b. tama, dahil maaaring mabago ito ng mga impluwensiya ng kapwa kabataan
c. mali, dahil ito ay nakatanim na sa isip at puso ng mga kabataan
d. mali, dahil hindi makikinig ang mga kabataan sa iba maliban sa kanilang mga magulang
25. Ang pangunahing kailangan ng isang kabataan upang hindi sila maging mahina sa paglaban sa masamang impluwensiyang dulot ng iba pang mga
kabataan ay:
a. mataas na antas ng tiwala at pagkilala sa sarili
b. mataas na antas ng pakikihalubilo at pakikisangkot
c. sapat na kaalaman sa pagkilala ng masamang impluwensiya
d. sapat na kahandaan upang humarap sa iba’t ibang uri ng tao
II: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.
1-5. Mga Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin
6-10. Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya
11-15. Mga Panlabas na Salik na Nakakaimpluwensiya sa Paghubog ng Pagpapahalaga
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro I
Division of Masbate
TERESITA C. YOUNG MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sawang, Aroroy, Masbate
________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. paggawa ng kabutihang- loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
b. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
d. pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
2. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng __________.
a. kalooban b. isip c. damdamin d. konsensiya
3. Alina ng hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. pagpapasalamat
c. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d. pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
4. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng repleksyon.
a. magpasalamat sa araw-araw
b. magkaroon ng ritwal na pasasalamat
c. pangongolekta ng mga quotations
d. magbigay ng munti o simpleng regalo
5. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.
a. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
b. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo
c. pagbibigay ng halaga sa isang tao
d. pagkilala sa mga taong nagging bahagi ng iyong buhay
6. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
a. napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya
b. naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
c. nabubuklod nito ang mga henerasyon
d. naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib
8. Hindi man natin ninanais, hindi natin mapabayaan ang taong mahalaga sa atin kung kaya napipilitan tayong
magsinungaling para sa kanila.
a. pagsisinungaling upang protektahan ang sarili
b. pagsisinungaling upang maiwasan na mapahiya
c. pagsisinungaling upang tulungan ang ibang tao
d. pagsisinungaling upang isalba ang sarili
9. Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang
katotohanan.
a. pag-iwas c. pananahimik
b. pagtitimping pandiwa d. pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin
10. Ito ay pagligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang mga tanong.
a. pagtitimping pandiwa c. pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin
b. pananahimik d. pagtitimping pandiwa
11. Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
a. pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin c. pag-iwas
b. pagtitimping pandiwa d. pananahimik
12. Ito ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya ng impormasyon.
a. pananahimik c. pag-iwas
b. pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin d. pagtitimping pandiwa
13.Ito ay kaugnay ng pagiging ganap na lalaki o babae ng isang tao.
a. ultrasound imaging b. sekswalidad c. kamalayan d. pagpili
14. Ang __________ ay mga lalaki o babae na nasa hustong gulang na nagnanasa at bumibiktima sa mga bata at paslit.
a. masturbation b. pedophiles c. premarital sex d. celibacy
15. Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao-lalaki o babae-na ninanais mong maging.
Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
a. ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao
b. ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao
c. maaari mong piliin ang iyong sekswalidad
d. mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw
Inihanda ni:
JANETH M. LUPANGO
Guro
Sinuri:
ESTER R. SANTILLAN
Punong-Guro I