Вы находитесь на странице: 1из 24

Philippine Literature in Different Regions ~Albay, Camarines Sur, Camarines Norte,

Catanduanes, Masbate, Sorsogon


Region I (Ilocos Region)  Epic: "Ibalon"
~Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan
 Epic: "Biag ni Lam-ang" Region VI (Western Visayas)
 Folk Song: "Pamulinawen" ~Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Negros Occidental,
 Folk Song: "Manang Biday" Guimaras
 Epic: Hinilawod (Nahahati sa 3 bayani)
CAR (Cordillera Administrative Region) Labaw Donggon, Humadapnon,
~Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Dumalapdap
Provinces
 Epic: "Hudhud ni Aliguyon" Region VII (Central Visayas)
 Epic: "Alim" ~Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor
 Folktale/Sugilanon: "Si Bacunawa at Ang
Region II (Cagayan Valley) 7 Buwan"
~Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya,
Quirino Region VIII (Eastern Visayas)
 Epic: "Lumalindaw" ~(Northern and Southern) Leyte, (Northern and
Southern) Samar, Biliran
Region III (Central Luzon)  Legend: "Legend of Mount Danglay"
~Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija,
Pampanga, Tarlac, Zambales Region IX (Zamboanga Peninsula)
 Poem: "Takada ni Islaw Palitaw" by ~ Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay,
Lamberto E. Antonio Zamboanga del Sur, Isabela City and Zamboanga
 Short Story: "Nagbibihis na ang Nayon" City
by Brigido C. Batungbakal  Epic: “Agyu” (longest epic in Phil., can be
sung for more than 2 weeks)
NCR (National Capital Region)
~Caloocan, Las Pinas, Manila, Mandaluyong, Region X (Northern Mindanao)
Malabon, Makati, Muntinlupa, Paranaque, Pasay, ~Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental,
Pasig, Quezon City, Marikina, Valenzuela, Misamis Oriental
Navotas, San Juan, Taguig, Pateros  Short Story: “The Cemetery Keeper” by
 “Medusa” by Benilda S. Santos Regino L. Gonzales Jr.
 “Ang Matatanda” by Jose F. Lacaba

Region IV-A (CALABARZON) Region XI (Southern Mindanao)


~Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon ~Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del
 "Sa Bagong Paraiso" by Efren Abueg Sur, Davao Oriental
 Poem:"Ang Guryon" by Ildefonso Santos  Epic: "Tuwaang" (Bagobo)

Region IV-B (MIMAROPA) Region XII (SOCCSKSARGEN)


~Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, ~South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat,
Marinduque, Romblon, Palawan Saranggani
 Short Story: "Kwento Ni Mabuti" by  Epic: "Bantugan"
Genoveva Edroza-Matute
Region XIII (CARAGA)
Region V (Bicol Region) ~Agusan del Norte, Agusan Del Sur, Surigao del
Norte, Surigao del Sur Mindanao)
 Epic: "Tulalang" ~Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao, Lanao del Sur,
 Legend: "Alamat ng Surigao" Basilan
 Legend: "Ang Alamat ng Mindanao"

ARMM (Autonomous Region of Muslim


_____________________________________________________________________________
REGION I
BIAG NI LAM-ANG

Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki.
Ito’y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang
pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na ng
mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don
Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan.

Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na “Lam-ang ” ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang
pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroroon ito, na di pa niya
nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi ng ina ang kinaroroonan ng ama.

Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya’t sinundan niya ito sa
kabundukan. May dala siyang iba’t ibang sandata at mga anting-anting na makapag-bibigay-lakas sa kaniya at
maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot
siya ng pagkahapo kaya’t namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay
pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay
ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting.
Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang
tapang, lakas at talino.

Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa naipaghiganti niya ang pagkamatay ng ama niya. Nang siya ’y
magbalik sa Nalbuan, pinaliguan siya ng ilang babaeng kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito’y naging ugali na
noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, namatay ang mga isda at iba
pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito.

Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito’y
pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso. Isang
masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya’t sila’y nag-away
at dito’y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya ’t gumawa sila ng
paraan upang sila ay makatawag ng pansin.

Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang
pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon
at siya’y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang
ng dalaga na sila’y payag na maging manugang si Lam-ang kun ito’y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga
ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga.

Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala
nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan sa
Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa pa rin sa
kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid sa ilog upang humuli ng
rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat at mapatay ng berkakan (isang uri ng
pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay
at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang
mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay
sa piling ng alagang puting tandang at abuhing aso.

MANANG BIDAY (Tagalog Version)


(Ilokano)
Mahal kong Biday, buksan mo
Manang Biday, ilukat mo man
‘Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem ‘toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian Ang iyong bintana
Para makita mo ang tagahanga mo
Siasinnoka nga aglabaslabas Ay, mamatay ako kapag di pinansin
Ditoy hardin ko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak Sino ka ba na palaging napaparaan?
Sabong ni lirio, di pay nagukrad Sa hardin ko na pinalalaruan ko
Alam mo na isa akong binibini
Denggem, ading, ta bilinenka Mga bulaklak ko di pa bumubuka
Ta inkanto ‘diay sadi daya
Agalakanto’t bunga’t mangga O mahal pakinggan mo ako
Ken lansones pay, adu a kita Pumunta ka sa timog
At pumitas ka ng mangga
No nababa, dimo gaw-aten Ng mga lanzones rin at iba pa
No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten Pag mababa, huwag pitasin
Ngem labaslabasamto met laeng Pag mataas, huwag pilitin
Kapag nahulog, huwag pulutin
Daytoy paniok no maregregko At hayaan lamang at daanan
Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko Kapag nawala ko ang panyo ko
Nabordaan pay ti sinanpuso Ang makahanap ay ibalik sa akin
Pangalan ko ay nandoon
Alaem dayta kutsilio Isang puso rin ay nakaburdado
Ta abriem ‘toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram Kunin ang kutsilyo
Kaniak ken sentimiento Para ibukas ang aking dibdib
Upang ipasan ang galit mo
Sa akin at kalungkutan

Mahal Kong Biday


PAMULINAWEN Pamulinawen (Tagalog Version)
(Ilokano) by Pastor de Jesus

Pamulinawen Huwag kang magtampo


Pusok imdengam man Iyon ay biro lamang
Toy umas-asug Di na uulit
Agrayo ita sadiam. Manalig ka Hirang
Panunotem man Kung galit ka pa
Dika pagintultulngan Parusahang lubusan
Toy agayat, agruknoy ita emmam. At 'yong asahang
Hindi magdaramdam
Issemmo diak kalipatan
Ta nasudi unay a nagan, Tunay ang aking pag-ibig
Ta uray sadin ti ayan, At hindi biru-biro lamang
Disso sadino man, Ang puso ko'y sa iyo
Huwag kang mag-alinlangan
{Aw-awagak a di agsarday At kung kulang pa rin
Ta naganmo nga kasam-itan} Ay kunin mo pa yaring buhay
'Yan ay tanda ng
No malagipka, pusok ti mabang-aran Sukdulang pagmamahal

Adu nga sabsabong, adu nga rosrosas Kung galit ka pa


Ti adda't ditoy, Nena, nga mabuybuyak, Parusahang lubusan
Ngem awan manlaeng ti sabali nga liwliwak At 'yong asahang
No di la dayta sudim ken imnas. Hindi magdaramdam

No umulogak nga mapan magmagna Tunay ang aking pagibig


Dayta raniagmo, Neneng nga gapu kenka. At hindi biru-biro lamang
Ang puso ko'y sa iyo
Huwag kang mag-alinlangan
At kung kulang pa rin
Ay kunin mo pa yaring buhay
'Yan ay tanda
ng sukdulang pagmamahal.
______________________________________________________________________________________________
CAR (Cordillera Administrative Region)
HUDHUD NI ALIGUYON

ISANG ARAW noong unang panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-
asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang
bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay
marami. Natuto siya kung paano makipagbakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma
(encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.

Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon
ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa
kanya ay ang mabangis na anak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad ni
Aliguyon.

Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon
upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng
mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng
isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.

Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot
ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng
kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto
silang igalang ang isa’t isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at
nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon
lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at
Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na
babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan hanggang lumaki itong napakagandang dalaga.

Ang piniling asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya. Ang dalawang
pamilya nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.

ALIM
_______________________________________________________________________________________________
REGION II
LUMALINDAW
Ga’dang
The folk epic “ Lumalindaw” was collected from the highland Ga ’dang of Banahaw, Municipality of Paracelis,
Mountain Province. A relatively short epic with 1,018 lines.

Lumalindaw, the hero of the Ga’dang, was the son of Chief Lumalibac of Nabbobawan and his wife
Caricagwat. He was an extraordinary being. In a few days he grew into a strong young man with a voice so loud that
if he shouted at a flying bird, it would stop instantly in front of him, and if he shouted at a coconut tree, its fruits
would fall.

One day he went on top of a mountain, climbed a tree, and started playing his “ ayoding” , a magical musical
instrument that could speak words of advice to its master. That day, his ayoding told him that they should go East, to
Manimbawan, to look for a beautiful lady. Accordingly, Lumalindaw asked his mother to give him his father ’s magic
bolo which sings when it swings and is so shiny that its brilliance blinds the opponent and thus makes it easy to
subdue him. With this bolo, Lumalindaw went on a raid with his friends and got a head to give to his lady-love. He
then left his mother and, accompanied by his pet birds and monkey, he set out on his search for his beautiful lady.

While drinking in a stream, Lumalindaw saw reflected on it the face of a beautiful lady. The voice even provided
him with gold to give to the lady. Lumalindaw set out on his journey. The sight of a rainbow gave him renewed
strength.
He reached a house. He asked for a drink of water from the owner, an old woman, who had a daughter,
Menalam. Lumalindaw was able to win the hand of Menalam after a bolo combat with Menalam ’s brothers. There
was a lavish wedding feast, with the folk of Nabbobawan bringing everything needed.

The parents of Lumalindaw and the young men and women of Nabbobawan came for the wedding and were
happily received by Menalam’s parents, Mabbaniaw and Alottu. For the whole day and night there was eating,
dancing, and drinking. There was also the observance of age-old customs, such as hanging coins on the shawls of the
guests, old folks telling stories, chanting tales, riddles, and proverbs and giving advice to the newlyweds.

After a few days, Lumalindaw brought his bride home to Nabbobawan. After nine months, Menalam gave birth to
twins, a son and daughter whom they named Yadan and Busilelaw, meaning “ morning star.” Menalam,
accompanied by Lumalindaw, brought her children to her home Icawayan at the request of her parents. Lumalindaw
had to leave them there and go back to Nabbobawan to attend to his duties as the protector of his village.

After ten months, Lumalindaw became restless, for he wished to marry again. Upon the advice of the Voice (in
Manimbawan) he went to Iquiladan and there he won the hand of Muwan, after proving his strength and courage
through combat. After nine months, this second wife gave birth to twins. The boy was named Yadan and the girl
Imugan, meaning “ charm.” After ten months it became necessary for Lumalindaw to go back to his village to see his
mother and his people. He was joyously welcomed home by his people.

After ten months Lumalindaw became restless; he wanted to marry again. The Voice, upon being consulted, told him
he could court Carinuwan from the river Binalan, if he wished. Passing by a river, fishes followed him and led him
to the cave of Binalan. Here he was welcomed by Carinuwan, who was a “ sirena” of goddess of fishes. When
Lumalindaw expressed his love for her and held her hand, Carinuwan ’s tail suddenly turned into two feet. She had
been turned into a fish by a powerful goddess and she could only regain her human form if somebody would be
willing to marry her. Now the spell was broken andLumalindaw brought her home to Nabbobawan. Nine months later
she gave birth to a baby boy whom they named Yadan. Later Carinuwan went back to her home in Binalan.

A few years passed, Lumalindaw became restless again, for he wanted to look for a lady. His ayoding advised him to
go to the underworld in Nadaguingan where a beautiful lady named Caligayan lived.Lumalindaw had a hard time
reaching the place because some dwarfs were misleading him, but with the help of his pet birds and monkey, he
finally reached Nadaguingan. There he met the tiniest but most beautiful woman he had ever seen. He had to kneel to
be able to talk to her. Caligayan told him to lie down so she could listen to his heartbeat. If his intention was noble he
could see light again; if it was evil, he shall live in darkness forever. When Lumalindaw lay down he was surprised to
see Caligayan become big with her feet on the same level as his. They stood up and Caligayan was as tall as
Lumalindaw. She said that an old woman had cast a spell on her and the spell could only be broken if anybody should
love her. Now the spell was broken and Lumalindaw brought Caligayan home with him to Nabbobawan. After nine
months, Caligayan gave birth to a boy whom she named Yadan and whom she brought to Nadaguingan to show to her
loved ones, the dwarfs.

One day, as Lumalindaw was coming down the mountain, hundreds of enemies attacked him and threw him into the
river to drown him. Lumalindaw however, was found by a lady taking a bath. She was Guimbangun of Iculengan.
She cured his wounds and took care of him until he got well. Out of gratitude to her, he married Guimbangun.
Lumalindaw brought Guimbangun home with him to Nabbobawan and they were met with feasting and dancing.

After nine months, Guimbangun gave birth to a boy they named Yadan. She brought him to Iculengan to show to her
parents.

Years passed, Lumalindaw longed to see his children who were now fully grown. His children, likewise wanted to see
their father. They all set out to search for their father – the five sons, all named Yadan. They met at the crossroads near
Nabbobawan.

They rested under a shed by the road. They introduced themselves to each other and found out that they all had same
name and the same father. Each one boasted about his father until finally they started quarreling. Lumalindaw arrived
just in time to stop their fight with his loud voice. When he learned the cause of the fight, he told them that he was the
father they were looking for and that they were all brothers. Embracing all five, he and his sons proceeded to
Icawayan. Menalam was surprised and happy to see her husband. Lumalindaw sent his sons to fetch their mothers and
sent Yadan of Menalam to fetch their grandmother, Caricagwat, Lumalindaw ‘s mother. There was a happy reunion and
story telling by their grandmother about the past childhood of their father and their own childhood. The two girls
Busilelaw and Imugan met on the way looking for the same father. Lumalindaw was happy to see his charming
daughters and when the wives met they were all happy to see each other. Menalam surprised them all with her magic
pot which was so small and yet it needed only one grain to feed everybody.

A rainbow appeared in the sky summoning Lumalindaw. They all left for Manimbawan where there was a waterfall
and a pot of gold and where the “ Voice” of the Nanolay could be heard. Lumalindaw gave advice to his children and
reminded them to take care of their parents and of his friends, the monkey and the birds. He embraced them goodbye
and he entered the cave behind the waterfall and was seen no more.

All were sad to be left by their father. The monkey went back and saw the magic bolo in front of the cave. He got the
bolo and gave it to Yadan, the son of Menalam, who became the next one to use the bolo of Lumalindaw.

_______________________________________________________________________________________________
REGION III
NAGBIBIHIS NA ANG NAYON
Ni Brigido Lumbera

Tauhan:
Derang -isang babaeng kilala sa kanilang Nayon. Siya ay hinahangaan dahil sa kanyang angking kagandahan.
Inhinyero Rosauro Santos -ang lalaking nakakakuha ng pagmamahal ni Derang.
Tininti/ Mang Tiyago -Ama ni Derang.
Ka Tonyo -kasamahan ni Mang Tiyago sa pagsasaka

Si Derang ay kilala sa kanilang nayon dahil sa kanyang kagandahan. "Kumare"ang tawag sa kanya ng mga
babae at "Ninang" o Inang Derang" naman ang tawag sa kanya ngmga bata. Kilalang- kilala siya sa nayon nila.Lahat
ng ito'y nagbago simula nang magkaibigan sila ng inhinyero na gumagawa ng lansangan para sa Tulikan. Tila nag-iba
ang ugali ng Tininti na ama ni Derang.Hindi na gaanong bumabati sa dati niyang mga kasama.Ganoon din naman kay
Derang,hindi na siya masyado pinapansin ng mga taong dati'y bumabati sa kanya tuwing nagkikita sa lansangan.
"Mahirap po makisama sa mga biglang-yaman,"ani nga ng isa. Lumala ang mga pangyayari nang matapos gawin ang
lansangan sa Tulikan. Isang babae ang dumating sa nayon at hinahanap ang bahay ng Tininti.Umalis ang inhinyero
kasama ang babae na yun pala ay kanyang asawa. Bumaba lalo ang tingin ng mga taga-Tulikan kay Derang dahil sa
mga pangyayari.
iparating.
TAKADA NI ISLAW PALITAW Maganda rin ang instrumentong ginamit sa paghahatid
Lamberto E. Antonio ng mensahe.
Si Pepe't Pilar, nakilala ko rin
Ang tawag sa akin ay Islaw Palitaw At kabisado ko'ng Ay Heb Tu Hens.
Lulubong-lilitaw sa tae ng kalabaw.
(Bakit nasabi na si Islaw Palitaw ay lulubog at lilitaw?) Nang tuliin ako, ang sabi ni Ama:
"Tama na ang gred por. Ako'y matanda na.
Sa sinilangan kong bayan ng San Roque
Naging kalaro ko'y apat na pulubi "Saka nakabaon na tayo sa utang
(Siguro ay may kinalaman ang paglubong at paglitaw Tulungan mo akong gumawa sa linang"
ni Islaw sa estado ng kanyang buhay.) Sa bolpen ng among propitaryong bundat
"O, sandaang kaban pa ang ibabawas ko."
Kahit nakabuntot ako sa araro
Aking iniinglis ang baguntao ko. "Buti nga't mahina akong magpatubo"
(Buti't me natirang konting isusubo)
Buntot naman niya'y parang nagsasabi:
"Talagang bagay ka lamang sa San Roque; At ihihinga ko sa alagang hayop
Namatay si Inang sa hirap ng loob.
"Iinglis-inglis ka e pilipit naman Ang aking pangalan ay Islaw Palitaw,
Bagay ngang marinig lamang ng kalabaw" Lulubong-lilitaw sa karalitaan.
(Tunay ngang mahirap si Islaw Palitaw!)
Pag nakasalansan ang ani sa bukid
Ay Walang magawa'ng aking aritmetik Isinilang ako sa bayang hikahos
Paghuhugsa: Na kumikilala sa sipag at sa Diyos
Ang tugma ng mga salita ang lalong nagpaganda sa (Maiuugnay ko ito sa buhay nating mga Pilipino)
tula. __________________________________________
Walang ito malalalim na salita
Mahusay na naihatid ang mensahe.
Malinaw at madaling intindihin ang nais nitong
NCR (National Capital Region)
hanggang sa madurog
MEDUSA ang aking puso
ni Benilda S. Santos at sa di mapatid na sakit at pait
maging bato ito
Siya na nakapantalon malamig na malamig ang pintig
at mainit ang hininga
inihiga ako sa gilid ng mundo ngayong lupang latag na latag na
at tiningnan nang tiningnan ang aking katawan
sa ilalaim ng malulupit mong talumpakan
hanggang sa mangalisag ikaw naman ang aking titingnan nang titingnan
ang aking buhok
at sa tinding galit at takot hanggang sa matuyo ka sa apoy ng aking mga mata
maging ahas ang bawat isa sa kanila at sipsipin ng bawat ahas kong buhok
gutom na gutom ang bawat patak ng dugo sa inyong mga uga
sa lasa ng laman at masimot ang kaliit-liitang kutob ng buhay
ng labing may pawis ng pagnanasa
Namamangha ka sa liyab ng aking higanti?
Ay! Ikaw ang guro ko't hari at lalaki

___________________________________________________________________________
REGION IVA
SA BAGONG PARAISO
Ni Efren Reyes Abueg

Nilisan ng batang lalaki at batang babae ang kinagisnang daigdig upang lasapin ang biyayang handog ng
itinuturing nilang Bagong Paraiso.

Sa simula’y mga bata silang walong taong gulang - isang lalaki at isang babae. At ang kanilang daigdig ay isang
malawak na loobang tinitirikan ng dalawang tabla ’t yerong bahay, na ang isa ’y nasa Silangan at ang isa ’y nasa
Kanluran: at sa pagitan niyon ay walang bakod na nakapagitan.

Ang malawak na looban ay mapuno, mahalaman, maibon, at makulisap at may landas na humahawi sa dawagan
at tumutugpa sa dalampasigang malamig ang buhangin kung umaga, ngunit nakapapaso sa tanghalian.

Ang kanilang daigdig ay tahimik; ang kanilang kabuhayan ay hindi suliranin; ang kanilang mga magulang ay
hindi nag-aaway – ang mga ito’y maka-Diyos at walang araw ng Linggo o araw ng pangilin na hindi makikita ang mga
ito sa kanilang bisita sa dakong hilaga ng nayon.

Ang mga ito’y may rosaryo sa kanilang mga palad at may mga usal ng dalangin sa mga labi.
At silang dalawa - ang batang lalaki at ang batang babae - ay nagsisipag-aral, kasama pa ng ibang bata sa maliit na
gusaling may tatlong silid sa dakong timog ng nayon. Sila ’y may mga pangarap, na ang sakop ay lumalakdaw sa
hangganan ng nayong iyon, ng bayang iyon, at ng lalawigang kinaroroonan niyon.

Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa ’y naglalaro sa loob
ng bakurang iyon, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga punong santol, sa punong bayabas, sa
marurupok na sanga ng sinigwelas, maaligasgas at malulutong na sanga ng punong mangga. Nagagasgas ang kanilang
mga tuhod, nababakbak ang kanilang mukha at kung minsan ay nalilinsaran sila ng buto kung nahuhulog – ngunit ang
lahat na iyon ay hindi nila iniinda, patuloy sila sa paglalaro.

Malamig sa ilalim ng punong mangga. Makapal ang damo sa sakop ng lilim niyon kung umaga at doon silang
dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran at kung sila ’y humihingal na ay hihiga sila sa damuhang iyon,
titingalain nila ang malalabay na sanga ng puno, sisilip sila sa pagitan ng masinsing mga dahon at magkukunwaring
aaninawin sa langit ang kanilang mukha.

“Loko mo…makikita mo ba ang mukha mo sa langit?” minsan ay sabi ng batang babae.

“Bakit hindi? Ang langit ay isang malaking salamin, sabi ni Tatay ko. ” sagot naman ng batang lalaki.

Ang batang babae ay makikisilip din sa pagitan ng masinsing mga dahon, na waring ibig patunayan ng sariling
paningin ang sinabi ng kalaro. At pagkaraang tumingin sa langit nang matagal, sila ’y lalagumin ng katahimikan – ang
kanilang katawan ay nakalatag na parang mga kumot, hanggang sa sila ’y makatulog at gisingin sila ng tawag mula sa
kanilang bahay.

Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising: kung minsan naman ay ang batang babae. Nguni ’t sino
man sa kanila ang unang magising, kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang taynga ng natutulog. At ang
natutulog ay mapupukaw, mababalikwas at pagkarinig na siya ’y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay
mapapaurong at anyong tatakbo at sila’y maghahabulan sa damuhang iyon, magpapa- ikut-ikot haggang sa ang isa ’y
mahapo at sila’y muling bumagsak sa kalamigan ng damuhan, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkaka -
dantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan.

Kung sila’y nagsasawa na sa loobang iyon, sila ’y nagtutungo sa dalampasigan kung malamig na ang araw sa
hapon. Namumulot sila ng kabibi. Inilalagay ng batang lalaki sa bulsa ng kayang putot na pantalon ang nakukuha
niyang kabibi, at ang nadarampot naman ng batang babae ay inilalagay nito sa sinupot na laylayan ng suot niyang
damit. Kung hindi naman kabibi ang pinagkakaabalahan nila sa dalampasigan, naghuhukay sila ng halamis sa
talpukan, o kaya’y gumagawa ng kastilyong buhangin, o kaya’y nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi nangungubli
sa kanilang malalalim na lungga ay lumulusong sa talpukan at bumabaon sa masigay na buhangin.

ii

Ngunit hindi lamang iyon ang kanilang ginagawa: Nagtutudyuhan din sila, naghahabulan at kapag nahahapo na,
mahihiga rin sila sa buhangin, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi,
nagkakangitian sila. Minsan ay itinatanong ng batang lalaki sa batang babae:

Naririnig mo ba na may tumutunog sa aking dibdib?”

At ang batang babae ay nagtaka. Bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro.

“Pakinggan ko nga,” anang batang babae.


Inilapit ng batang babae ang kanyang taynga sa dibdib ng batang lalaki,dumadaiti ang katawan niya sa katawan
ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok.

“Ang bango mo pala!” ang batang lalaki ay nakangiti.

“Aba,hindi naman ako nagpapabango,” anang batang babae na lumupasay sa tabi ng nakahigang kalaro. “Paglaki
ko raw ay saka na ako magpapabango, sabi ng nanay ko. ”

“Teka nga pala, narinig mo ba ang tunog sa dibdib ko?” usisa ng batang lalaki.

“Oo, ano kaya ang ibig sabihin niyon?”

Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. “Malay ko …tena na nga. ”

Bumangon ang batang lalaki, pinagpag ang buhanging dumikit sa kanyang bisig at sa kanyang pantalon at
nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa
buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa paglubog na araw.

“Ang ganda, ano” naibulalas ng batang lalaki. “Parang may pintang dugo ang langit. ”

“Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na? ” sagot naman ng batang babae.

Hindi sumagot ang batang lalaki. Nakatanaw ito sa mapulang latay ng liwanag ng araw sa kanluran.

iii

Puring-puri ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiinggitan naman
sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makihalubilo sa kanila.

“Siguro, paglaki ng mga batang‘yan, silang dalawa ang magkakapang-asawahan.”

Narinig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila’y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang
pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga
kaklase na silang dalawa’y parang tuko - magkakapit.

At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw
na pauwi na sila ay humarang sa kanilang dinaraanan at sila ’y tinudyo nang tinudyo.

“Kapit-tuko! Kapit-tuko!”

Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag nito sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang
bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulong-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang
kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila ’y inawat at sila ’y
pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing “desk ” at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit.

Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila ’y nag-isip, na lalo
lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay.

iv

Namulaklak ang mga mangga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng
ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa
pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng
sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan
ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay dugo ang
silahis ng araw kung dapit- hapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang
ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila ’y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan –
sapagkat sabi ng kanilang lola’y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila ’y
naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo, silang dalawa ’y naghubad, naligo
sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong
hinahalinhanan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas . Nagmamadali
silang nanaog at ang batang lalaki’y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit.

At ang pamumulaklak at pamumunga ng mangga, santol at sinigwelas at ng iba pang punongkahoy o halaman sa
loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling: ang araw ay lumubog at
sumikat at hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapit - hapon.

Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga
magulang ay walang pinag-uusapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak.

Nang dumating ang pasukan, ang batang lalaki at ang batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon
sila mag-aaral ng haiskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki ’y hindi na nakapantalong maikli - putot:
siya’y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid ng pomada. Samantala, ang
batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita ng
batang lalaki ang alak-alakan nito.

Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang
masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan.

Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki ’y hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro – siya ’y
nakahalubilo na rin ng maraming batang lalaking pumapasok sa nagagapok nang gusaling iyon ng paaralan.
Nakikipagharutan siya sa mga ito, nakikipagbuno, nakikipagsuntukan – at higit sa lahat, nakikipagtuklasan ng lihim sa
isa’t isa. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog sa isang batang lalaki at
nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya.

Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng
kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama.

Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa
iyon.
Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat.

“Kailangan‘yon upang ikaw ay maging ganap na lalaki!” sagot ng kanyang ama.

Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata ’y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa
kanyang kawalang malay.

“Hayaan mo…” dugtong ng kanyang ama. “Isang araw, isasama kita kay Ba Aryo. Maging matapang ka lamang
sana.”

Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon.
Kaya’t kahit patuloy pa rin silang nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay
nakabawas sa sigla ng batang lalaki.

At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya
ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya ’y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog.

“Ang damuho, pagkalaki-laki’y parang hindi lalaki.”

Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang
isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang malay.

vi

Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na
ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla.
Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito ’y nakahiga sa damuhan o
sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating
ito sa isang dapit - hapon sa tabing-dagat.

“Bakit?” usisa niya.

“Wa – wala…wala!”

Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang sigla niya sa pakikkipaglaro rito ang dahilan.
Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol ditto, hanggang sa mahawa ito at sila ’y naghabulan sa buhanginan.
Sumisigaw sila sa katuwaan hanggang sa manigas ang kanilang mga binti at kinakailangang humiga naman sila sa
buhanginan. Humagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at nadama niyang
lalong malakas ang pintig doon.

“Tingnan mo …pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko,” anyaya ng batang lalaki.

Ngunit hindi kumilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng
langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga
mata nito.

“Bakit?”
Saka lamang tumigin ang batang babae sa batang lalaki. At ito ’y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi ’y pinahid
ng palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin.

“ Hindi na pala tayo maaaring maglaro…ng tulad ng dati,” anang batang babae sa basag na tinig.

“Hindi na?” Parang sasabog sa kawalang-malay ang katauhan ng batang lalaki.

“Malalaki na raw tayo, malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo ’y magiging dalaga at binata. ”

“Sinabi ‘yon ng Nanay mo?”

“Oo, sinabi niya na hindi na tayo maaaring maghabulan, o kaya ’y umakyat sa punongkahoy o kaya ’y pagabi sa
tabing dagat,” sabi pa ng batang babae.

“Kangina sinabi sa’yo ng Nanay mo?”

Tumango ang batang babae,“Ngayon daw hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na at ikaw raw ay binatilyo! ”

At waring ang batang lalaki’y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang kanyang katawan at sa
harap ng kanyang kalaro ay naunawaan niyang totoo ang sinabi nito.

“Ayaw ka na palang papuntahin dito’y bakit narito ka pa, gabi na!?”

Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa
langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pagkakahawak nila sa bisig ng isa ’t isa ay parang isang
pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan.

vii

Hindi na nga sila mga bata. Siya’y dalagita na. Siya naman at binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang
nagpapaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkita pa rin sila sa looban, ngunit hindi nga
lamang tulad ng dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang laging may nakatingin sa kanilang mga
matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralran, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa
tulo’y ay hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang
pag-uusap ay hindi na malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang gagamitin.

At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na
sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng likod bahay.

Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: Hindi mo na kailangang
dito pa labhan ‘yan.

viii

Nagtapos sila ng haiskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsayawan
nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanyang dibdib ay mabilis at
malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-usap ang kanilang mga mata ngunit ang
kanilang mga labi’y tikom at kung gumagalaw man upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon.

At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpalaki sa lamat sa kanilang
kawalang - malay.

ix

Maliwanag ang naririnig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong
magkita ni Ariel. Naunawan niya ang ibig sabihin niyon, nguni ’t ang pagtutol ay hindi niya maluom sa kanyang
kalooban.

“Pero, Inay … Kaibigan ko si Ariel.” May himagsik sa kanyang tinig.

“Kahit na … kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin. “ May langkap na tigas ang
sagot na iyon.

Alam niya ang kahulugan niyon: Masama? Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At
saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama.

“Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki! ”

At ang pait na may iniuukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig
at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawngaw ng : Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga
magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid.

“Ayaw nila…ng Inay, ng Itay…masama raw,” at ang mga labi niya ’y nangatal, kasabay ng luhang umahon a
kanyang mga mata.

Iyon lamang at minsang dalawin siya ng binata sa dormitoryo, natuklasan nila sa isa ’t isa na mataas na ang
dingding sa kanilang pagitan. Matatag iyon, makapal, at waring hindi nila maibubuwal.

“Huwag na muna tayong magkita, Ariel,” sabi niya sa binata. Napatitig sa kanya si Ariel at nakita niya ang
pamamantal ng noo nito – at pagtataka sa damdaming unti-unting nasasaktan.

“Ba-bakit…dati naman tayong…”

At si Ariel ang kanyang kababata ay lumisang larawan ng isang bilanggong hindi nakaigpaw sa isang mataas na
pader.

xi

Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna agad iyon ng kanyang
ama.
“Bakit?”

“Ayaw nang makipagkita sa akin si Cleofe,”

Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng kaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin.

“Walang kuwenta ‘yon. Makita mo, kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit kayong muli. Hindi mo ba alam …
na gustung-gusto ng kanyang mga magulang na maging doktora siya?

Pagsigaw ang alingawngaw ng kanyang tinig sa kanyang isip.

“At habang nagdodoktora siya ay masamang kami’y magkita?”

“Tama ka!”maagap na pakli ng kanyang ama.“Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin
sa tukso! “

“Tukso! Tukso! Parang matalim na kutsilyong isinaksak sa kanyang utak ang katagang iyon. Mahapdi,
Makirot. Parang binibiyak ang kanyang ulo.

Napapikit siya. Nagunita niya ang luntiang damuhan sa looban ang malamig na buhanginan kung hapon, ang
mapulang silahis ng araw na parang dugo.

xii

At ang dalawa’y hindi nagkita, gayong nasa isang lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay
hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari ’y iniiwasan nila ang magkita, mangyari ’y sinisikil nila
ang paglago ng halaman sa kanilang katauhan na pinag-uugat at pinapag-usbong ng mga araw sa luntiang damuhan sa
looban at malamig na buhangin sa dalampasigan kung dapit - hapon. Hindi sila nagkita, sapagkat inihasik sa kanilang
isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. At sa kanilang bagong daigdig ng aklat, ng mataas na gusali ng malayong
kabataan sa kapaligiran, ang isiping iyon ay parang tabak na nakabitin sa kanilang ulo o kaya ’y tulad din ng isang
mansanas na bibitin - bitin sa nakayungyong na sanga ng punongkahoy.

Hindi sila nagkita sa loob ng mahaba ring panahon, mga buwan at sana ’y mga taon kung nakatiis sila - kung
tuluyang nasikil nila ang halamang patuloy sa pagbabago sa kanilang katauhan.

xiii

Hindi nga sila nakatiis - isang araw na hindi sinasadya ’y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Kapwa
sila napahinto sa paglakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ay
naglakas loob at binati niya ang dalaga.

Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong
magpalamig sila sa isang kanugnog na restaurant ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos ng kanyang
damdamin. At sa harap ng kanilang hininging pagkain, sila ’y nagkatitigan at sila ’y nakalimot at akala nila ’y nasa
luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa ’t isa.

xiv
At sila’y nagkita sa Luneta, hindi lamang minsan kundi sa maraming pagkikita, marami-marami, at ang kanilang
sikil na damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan sila ’y lumigaya.

Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isip ay sumibol na at
nagpapaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Ngunit sila ’y naghihimagsik.

xv

Malinaw ang sinabi sa sulat: sa pook pa namang iyon, sa lahat ng pook na dapat mong pakaiwasan - doon kayo
nakita. Hindi na sana malubha kung nagkita lamang kayo ngunit nakita kayong magkahawak - kamay sa karamihan ng
tao sa paligid. Hindi kayo nahiya.

Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod pang talata: luluwas
ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang iyan.

Ipinaaabot dito ng mga magulang ni Cleofe ang ginawa ninyo. Hiyang-hiya kami ng iyong ama. Ibig naming
makatapos ka at ibig naming ipaalalang muli sa iyo na ang babae ay tukso … tukso!

Kaya ibig niyang umalis sa silid na iyon upang hindi marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso – tukso –
tukso!

xvi

Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinabi ng binata: magkikita tayo, magtatago tayo …
ililihim natin sa kanila ang lahat.

At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang
paghihimagsik, ng takot na matutop, at ng pangangailangan.

Sa mga pook na iyon pilit nilang iginupo ang dingding na ipinagitan sa kanila. At sa palagay nila sila ay
nagtagumpay. Naalis ang hadlang. Ngunit sa kanilang utak, nagsusumiksik at nanunumbat ang alingawngaw ng
pagbabawal: lumalarawan ang nananalim na tingin! Masama …tukso!

xvii

At ngayon, ang kanilang paraiso ay hindi na ang malawak na looban, o kaya ’y ang dalampasigang malamig kung
dapit - hapong ang silahis ng araw ay mapulang parang dugo. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, sulok-sulok,
malamig din ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan.

xviii

Maligaya sila sa kanilang daigdig, Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog,
dumagundong ang kalawakan at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang
pasimulang madalang ay naging masinsin.

Ang dalaga ay dumungaw sa bintana – masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay
sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umakyat sa kanyang lalamunan.

Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam.
Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nalinis ng
tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at
siya’y napanganga at siya’y napapikit at siya’y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay
napaduwal siya … at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa ’y
nilinis ng patak ng ulan, inanod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan.

At ang dalaga’y napabulalas ng iyak.

ANG GURYON
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!
_______________________________________________________________________________________________
REGION IVB
ANG KWENTO NI MABUTI
Ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang
pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.
Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko
lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang
tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo … at sa kanyang
buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa
kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing
anumang pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya ’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng
halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging
pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa
buhay.

“Mabuti,”ang sasabihin niya,“…ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito.Mabuti nama ’t umabot tayo sa
bahaging ito… mabuti… mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha;
nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng


mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong
lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin...
mabuti sana kung makakatulong ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong
kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon.
Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito…naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking
kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa
palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo ’y
nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya ’y nakinig nang
buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya ’y tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla
akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan ko? ”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin … nating
dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana ’y masabi ko sa iyo, ngunit … ang suliranin..
kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay. ”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag,
pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo
niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang
sulok na iyon,..“Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang
kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa …

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay
ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa
aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa
kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang
kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na
lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na
aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng
kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa
kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin
siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang
nakababatid na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon.
Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa
buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot
niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-
ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang ” pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma ’y
nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong
kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga
handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya ’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig
ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng
kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya ’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay
ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At
habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa
pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok
ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may
mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-
aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang
tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na
pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti …mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsimula sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga
pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi
niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat
nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli
niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang
kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng
manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay
namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng
kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan
ko ang lahat.
______________________________________________________________________________
REGION V
IBALON
(Epikong Bicolano)

Tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong.
“ IBALON” ang matandang pangalan ng Bikol.

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya'y
nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang
hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang
malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay
matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya,
mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito
maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol.
Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang
mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba
pang kagamitan sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang
bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay
kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang
maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at
inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan
ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking
baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa
taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga
tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.
_______________________________________________________________________________________________
REGION VIII
The Legend of Mount Danglay

Long time ago, a young couple Dang and Mulay lived in the swampy shores of Kabatok, their livelihood was
catching crabs and shellfish and crossing the bay to a village in Samar island.

One Day, Dang ventured into the bay and said to himself he gathered a pearl. He took a dive depth into the
Pacific Ocean. He noticed that the ocean floor was moving and he was surprised to find the giant crab as big as hill.

Dang hurriedly back to Kabatok and tell his wife Mulay and they planned to catch the giant crabs. They built a
crab basket that big as a hill.

That night, they capture the huge crab and they towed the big basket with all their might. They were so
triumphant and forgot one thing, a cover for the basket. Suddenly, Dang and Mulay fall to sleep. The big sea crab
climbed out.

The couple awake and Dang attempt to kill it but its shell was too hard. The crab pinned the couple and dashed
them against the rocks. In her terror, Mulay shout the word: “TAKLUBAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! ”

The next day, the people in the nearby town found out dead bodies of the couple. Years passed, the site where the
bodies buried they grew mound, a hill, then a mountain. The people called the mountain “ Danglay” means Dang and
Mulay.

The swampy sitio where the couple lived was called “ Takluban” as the last scream of Mulay and become
Tacloban.

Вам также может понравиться