Вы находитесь на странице: 1из 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII-Eastern Visayas
Schools Division Office of Biliran
District of Biliran
HUGPA ELEMENTARY SCHOOL

THIRD QUARTER EXAMINATION IN MAPEH 5


TABLE OF SPECIFICATIONS

COGNITIVE DIMENSION

TOTAL
Learning Competencies Key
CONTENT CODE PROCESS
Answer
MUSIC R Un Ap An Ev Cr

IV. FORM
1. recognizes the design 1. A
or structure of simple 2. B
Structure
musical forms: 3. A
of
1.1 unitary(one section) MU5FO-
Musical
1.2 strophic(same tune IIIa-1
1-6 6 4. B
Sound 5. C
with 2 or more sections
1. 6. A
and 2 or more verses)
Strophic
2. Unitary

7. C
MU5TB-
Describes the characteristics 8. D
of each type of voice
IIIe-1 7, 8 2

Identifies the following vocal


timbres:
5.1 soprano
MU5TB- 9, 9. C
5.2 alto
IIIe-2
2
5.3 tenor 10 10. A
5.4 bass

V. TIMBRE
Vocal and Identifies aurally and visually 11. A
Instrumental different instruments in: 12. D
Sounds 6.1 rondalla 13. A
6.2 drum and lyre band
MU5TB- 11- 14. B
6.3 bamboo
IIIf-3
8
group/ensemble (Pangkat 18 15. A
Kawayan) 16. B
6.4 other local indigenous 17. A
ensembles 18. C
7. participates actively in
musical ensemble MU5TB-
7.1 choral IIIg-4
19 1 19. B
7.2 instrumental
8. creates a variety of sounds
emanating from the MU5TB-
environment using available IIIg-h-5
20 1 20. B
sound sources
TOTAL 14 2 1 3 20
PERCENT 70 10 5 100
15%
% % % %

ARTS
I. Elements:
1. discusses the richness of
1. LINE
Philippine myths and legends 1. B
1.1 thick and
(MariangMakiling, Bernardo 2. C
thin A5EL-
Carpio, dwende, capre, sirena,
1.2 straight,
Darna, diwata, IIIa
1-4 5 5 3. D
curved, and 4. D
DalagangMagayon, etc.) from
jagged 5. C
the local community and other
2.TEXTURE
parts of the country.
2.1 ribbed,
fluted, woven, 2. explores new printmaking
carved technique using a sheet of thin 6. B
II. Principles: rubber (used for soles of 7. D
A5EL-
3. CONTRAST shoes),linoleum, or any soft
IIIb
6-9 4 8. A
3.1 carved, wood that can be carved or 9. A
textured areas gouged to create different lines
and solid areas and textures.
3.2 thick,
textured lines
and fine lines 3. identifies possible uses of A5EL-
III. Process: the printed artwork IIIc
10 1 10. C
4.
PRINTMAKING
4.1 linoleum or
rubber print or 4. shows skills in creating a
A5PL-
wood print of a linoleum, rubber or wood cut
IIId
11 11. D
Philippine print with the proper use of
mythological carving tools.
creature 5. creates variations of the
same print by using different A5PR-
colors of ink in printing the IIIe
12 1 12. A
master plate.
6. follows the step-by-step
process of creating a print :
6.1 sketching the areas to be
carved out and areas that will
remain
6.2 carving the image on the
rubber or wood using sharp
cutting tools 13. C
A5PR- 13,
6.3 preliminary rubbing
IIIf
2 14. A
6.4 final inking of the plate with 14
printing ink
6.5 placing paper over the
plate, rubbing the back of the
paper
6.6 impressing the print
6.7 repeating the process to
get several editions of the print
7. works with the class to
produce a compilation of their
prints and create a book or A5PR-
calendar which they can give IIIg
15 1 15. A
as gifts, sell, or display on the
walls of their school.
17-20
Rubrics
4 points-
Nakasuno
d sa
pamantay
an ng higit
sa
inaasahan
3 points-
9. produces several editions of Nakasuno
A5PR- 17-
the same print that are well-
IIIh-2
4 d sa
inked and evenly printed. 20 pamantay
an subalit
may ilang
pagkukula
ng
2 points-
Hindi
nakasuno
d
sapamant
ayan
10. participates in a
school/district exhibit and
A5PR-
culminating activity in
IIIh-3
16 1 16. A
celebration of the National Arts
Month (February)
Total 8 5 3 4 20
40 25 20 100
Percent 15%
% % % %
CONTENT CODE R Un Ap An Ev Cr Key
Physical Education Total
Answer
1. D
23. describes the
PE5PF- 2,3, 2. C
Philippines physical activity
IIIa-16
1 4
pyramid 4 3. B
4. A
Assessment of 5. A
physical 24. explains the indicators for PE5PF- 6. A
fitness IIIa-17
5-8 4
activities and 7. C
physical 8. B
fitness 25. assesses regularly 9. C
participation in physical
PE5PF- 9, 10. A
activities based on the
IIIb-h-18
11 12 4
Philippines physical activity 10 11. B
pyramid 12. A

26. explains the


PE5RD-
nature/background of the
IIIb-1
13 1 13. A
dance

Folk (Cariñosa/
Polka
saNayon), 27. describes the skills PE5RD-
indigenous, involved in the dance IIIb-2
14 1 14. C
ethnic,
traditional and
creative
dances

28. observes safety PE5RD-


precautions IIIb-h-3
15 1 15. D

Folk (Cariñosa/
Polka
saNayon),
indigenous, 29. executes the different skills PE5RD-
ethnic, involved in the dance IIIc-h-4
16 1 16. B
traditional and
creative
dances
30. recognizes the value of
PE5PF-
participation in physical
IIIb-h-19
17 1 17. C
activities
31. displays joy of effort,
respect for others during PE5PF-
participation in physical IIIb-h-20
18 1 18. B
activities
32. explains health and skill PE5PF-
related fitness components IIIa-21
19 1 19. B

33. identifies areas for PE5PF-


improvement IIIb-h-22
20 1 20. C

TOTAL 6 3 2 9 20
15 10 100
PERCENT 30% 45%
% % %
Key
CONTENT HEALTH CODE R Un Ap An Ev Cr Total
Answer
A. Nature of 1. explains the concept of 1. B
Gateway Drugs H5SU-
gateway drugs
IIIa-7
2, 3 1 3 2. A
1. Caffeine
3. A
(products with
caffeine 2. identifies products with H5SU- 4. A
IIIb-8
4,5 2
include coffee, caffeine 5. C
tea and cola
drinks) 3. discusses the nature of 6. C
H5SU-
2. Tobacco caffeine, nicotine and alcohol
IIIc-9
6,7,8 3 7. D
3. Alcohol use and abuse 8. B
B. Effects of 9. A
4. describes the general
Gateway Drugs
effects of the use and abuse of H5SU- 10, 10. A
1. Caffeine
caffeine, tobacco and alcohol IIIde-10
9 3
2. Tobacco 11 11. C
3. Alcohol
12. A
C. Impact of
the Use and 5. analyzes how the use and 13. B
15, 14. C
Abuse of abuse of caffeine, tobacco and 12,
H5SU- 16,
Gateway Drugs alcohol can negatively impact
IIIfg-11
13, 15. B
1. Individual the health of the individual, the 17,
14 16. D
2. Family family and the community 18
17.D
3. Community
18. B
D. Prevention
and Control of
Use and Abuse 6. demonstrates life skills in
H5SU-
of Gateway keeping healthy through the
IIIh-12
19 19. D
Drugs non-use of gateway drugs
1. Development
of Life Skills
(resistance,
decision-
making,
communication
,
assertiveness) 7. follows school policies and
2. Observance national laws related to the H5SU-
of Policies and sale and use of tobacco and IIIij-13
20 20. D
Laws such as alcohol
school policies
and national
law (RA 9211 or
the Tobacco
Regulation Act
of 2003)
TOTAL 5 6 9 20
25 30 100
PERCENT 45%
% % %

Prepared by

MARY GRACE N. ESCALANTE


Teacher
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII-Eastern Visayas
Schools Division Office of Biliran
District of Biliran
HUGPA ELEMENTARY SCHOOL

THIRD QUARTER EXAMINATION IN


MAPEH 5

PANGALAN: ________________________PETSA: _____________BAITANG V-___

MUSIKA Iskor: ____


A. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik
ng sagot sa mga tanong.

1. Aling anyo ng awit ang binubuo ng dalawa o higit pang verse na inuulit ang tono o tugtog sa
bawat verse?
A strophic song B unitary song C choral song D binary

2. Anong anyong musikal ang binubuo ng isang verse na di inuulit ang pag-awit o tugtog?
A strophic song B unitary song C choral song D partner song

(3-4. ) Pag-aralan ang iskor ng awit na nasa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na
tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A B

3. Aling awit ang nasa anyong unitary?

4. Aling awit ang nasa anyong strophic?

5. Ilang verse mayroon ang awit na Silent Night?


A isa B dalawa C tatlo D Apat
6. Ilang verse mayroon ang awit na Jack and Jill?
A isa B dalawa C tatlo D Apat

7. Kung ilalarawan mo ang timbreng alto, alin sa mga ito ang maaaring gamitin mo sa
paglalarawan?
A Ito ang timbre ng tinig ng babae na magaan at matinis.
B Ito ang timbre ng tinig ng lalaki na magaan at mataas.
C Ito ang timbre ng tinig ng babae na makapal at halos boses lalaki.
D Ito ang timbre ng tinig ng lalaki na makapal at minsan ay garalgal.

8. Alin naman sa mga ito ang maaaring gamitin mo sa paglalarawan ng timbreng bass o
baho?
A Ito ang timbre ng tinig ng babae na magaan at matinis.
B Ito ang timbre ng tinig ng babae na makapal at maugong.
C Ito ang timbre ng tinig ng lalaki na mataas at may kanipisan.
D Ito ang timbre ng tinig ng lalaki na makapal at maugong.

9. Si Mr. Reyes ay may boses na magaan, manipis at mataas. Ano ang timbre ng kanyang
tinig?
A soprano B alto C tenor D bass o baho

10. Si Regine Velasquez ay tinaguriang Asia’s Song Bird dahil sa galing niyang umawit at sa
taas ng kayang abutin ng kaniyang tinig. Ano ang timbre ng kanyang tinig?
A soprano B alto C tenor D bass o baho

11. Alin sa mga instrumentong rondalya ang maihahambing sa soprano at karaniwang


tumutugtog ng pangunahing himig o melodiya?
A bandurya B baho de arko C laud D oktabina

12. Aling instrumentong musikal ang nagsisilbing tenor ng rondalya?


A bandurya B baho de arko C laud D oktabina

13. Alin sa mga sumusunod na instrumentong banda ang nabibilang sa percussion?

A B C D

14. Alin sa mga sumusunod na instrumentong percussion ang may tiyak na tono?

A B C D
15. Anong instrumentong banda na nabibilang sa brass ang may pinakamataas na tono?
A trumpet B trombone C saxophone D french horn

16. Alin sa mga instrumentong banda na nabibilang sa woodwind ang maihahambing sa


soprano?
A clarinet B piccolo C oboe D bassoon

17. Ano ang tawag sa plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila
tuwing sila ay may pagtitipon?
A palendag B saggeypo C tongali D kalaleng

18. Alin sa mga ito ang instrumentong etniko na ginagamit ng mga pamayanang kultura tulad
ng mga kababayan natin sa Mountain Province at sa Mindanao.?

A B C D

19. Paano mo maipapakita ang lubusang pagkatututo sa elemento ng musika na tunog o


timbre na iyong naririnig?
A sa pamamagitan ng pagguhit
B paglahok sa pangkatang pag-awit
C sa pamamagitan ng panonood sa telebisyon
D sa pamamagitan ng pakikinig ng mga dula

20. Kung wala kang instrumentong musikal, paano mo maipapakita ang pagiging malikhain
sa paggawa ng musika?
A magpapatugtog ng radyo
B lilikha ng tugtog gamit ang mga bagay sa paligid
C bibili ng instrumentong musikal upang makatugtog
D hihiram ng instrumentong musikal sa kaibigan

ARTS
A. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. Ang Pilipinas ay mayaman sa mga kwentong bayan, mito at mga alamat. Alin dito ang
tumutukoy sa mga pinanggalingan ng mga bagay bagay?
A mito B alamat C kwentong bayan D pabula

2. Ang mga sumusunod ay mga kilalang alamat sa Pilipinas maliban sa isa. Alin sa mga ito?
A Si Malakas at si Maganda C Ang Alamat ni Snowwhite
B Bernardo Carpio D Bundok Makiling

3. Ang _______________ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na


kuwento o mito mga kuwento na binubuo ng isang partikular na tao, relihiyon o paniniwala.
Ano ang tinutukoy dito?
A alamat B awiting bayan C kwento D mitolohiya
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga “Philippine myths and legends”?
A Aswang B Higante C Kapre D Anghel

5. Paano mo maipakikita ang mga yamang alamat ng ating bansa?


A sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga alamat ng ating bansa
B paglahok sa mga dula-dulaan ukol sa napapanahong isyu
C paglilimbag ng mga disenyo ukol sa alamat ng bansa
D pagbisita sa mga pook na maalamat

6. Alin sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng


isang kinulayang bagay?
A sketching B paglilimbag C painting D drawing

7. Alin sa mga sumusunod ang mga kagamitan sa paglilimbag o printmaking?


A papel o karton, gunting, disenyo
B papel, pinta, hulmaan ,lapis
C lapis, papel, rubber ,pandikit, pinta, gunting, hulmaan
D linoleum, rubber (sole of shoes) kahoy na inukit

8. Sino sa mga tanyag na pintor ang gumagamit ng paglilimbag sa kanyang mga obra tulad
ng “The Fruit Gatherer” at “Planting Rice”?
A Fernando C. Amorsolo C Bernardo Carpio
B Juan Luna D Carlos Botong Francisco

9. Alin sa mga sumusunod na likhang sining ang gumamit ng paglilimbag?

A C

B D

10. Ang mga sumusunod ay kabutihang dulot ng paglilimbag o printmaking, maliban sa isa.
Alin sa mga ito?
A maari itong pagkakitaan C maari itong itapon pagkatapos gamitin
B maari itong gawing atraksyon D maari itong ipamigay bilang regalo

11. Ano ang nararapat mong gawin upang maipakita mo ang pagiging malikhain na may pag
iingat?
A hayaang nakakalat ang mga kagamitan pagkatapos gamitin
B itapon sa basurahan lahat ng gamit sa paglilimbag
C ipaligpit sa iba ang mga gamit sa nilikhang limbag
D paggamit ng tama sa mga kasangkapan sa paglilimbag
12. Paano napapaganda ang disenyo at mas nagiging kaakit akit ang disenyong inilimbag?
A gumamit ng iba’t ibang kulay
B gumamit ng magkakaparehong kulay
C gumamit ng magkakaparehong disenyo
D gumamit ng maliliit na disenyo

13. Ang mga sumusunod ay mga proseso ng paglilimbag, subalit nasa hindi tamang
pagkakasunud-sunod.
I. Kunin ang gunting at gupitin ang disenyong iginuhit.
II. Linisin ang mesang paggagawaan at lagyan ng lumang dyaryo.
III. Kunin ang dalang papel at iba pang kagamitan.
IV. Ipaskil sa paskilan upang maihambing sa mga natapos na gawaing sining ng
mga kaklase
V. Mag-isip ng sariling disenyo at iguhit ito sa papel.
VI. Ayusin ang disenyo ayon sa nais na kalabasan

Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng proseso ng paglilimbag?


A I, III, II, VI, V, IV C II, III, V, I, VI, IV
B IV, II, III, I, VI, V D I, IV, III, II, V, VI

14. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa paggawa ng disenyo gamit ang alin man sa
mga bagay tulad ng linoleum,kahoy at rubber,
I. Ilahad ang lahat ng mga kinakailangang sa paggawa.
II. Gumamit ng matulis na bagay sa pagdisenyo.
III. Gamit ang sketch mo balangkas,ilapat ito sa kahoy,linoleum,at kahoy.
IV. Lapatan ito ng angkop na kulay sa pamamagitan ng paghudhod dito.
V. Gawin ito ng may pag-iingat at sa malikhaing pamamaraan.
VI. Tiyalking angkop at wasto ang paglalapat ng balangkas upang matiyak na buo
ang disenyong nais na mabuo.

Alin ang tamang pagkakasunod ng mga hakbang?


A I, III, VI, II, IV, V C II, III, I, IV, V, VI
B I, II, III, IV, V, VI D VI, V, IV, III, II, I

15. Ano ang iyong gagawin upang maging matagumpay ang proyekto ng inyong klase
patungkol sa sining ng paglilimbag?
A makikipagtulungan C magwawalang bahala
B makikipagdayalogo D iiwas sa mga gawain

16. Paano mo maipagmamalaki ang makabagong pamamaraan ng paglilimbag?


A makikilahok sa paggawa ng exhibit
B hahayaan na iba ang gumawa ng proyekto sa sining
C hindi lalahok sa selebrasyon
D lalahok lamang sa exhibit na nais gawin

17-20. Maglimbag ng ibat-ibang disenyo o kopya na pareho ng tatak na may maayos at


pantay na limbag. (4 points)
PHYSICAL EDUCATION
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1 . Alin sa mga sumusunod ang wastong kaisipan kaugnay ng Philippine Physical Pyramid of
Activity Guide?
A Mahalaga ito para sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kalusugan.
B Nakatutulong ito upang maging mas aktibo ang mga bata..
C Mahalagang maisaalang-alang ito gayon din kung ano ang gagawin at gaano
kadalas itong gagawin para maging mas maganda ang kalusugan..
D A, B, at C

2. Alin sa mga sumusunod ang mga gawain mula sa Philippine Physical Pyramid of Activity
Guide na dapat maisagawa nang 2-3 beses lamang sa loob ng isang linggo?
A panonood ng telebisyon C pagsasayaw ng ballroom
B pagtulong sa mga gawaing bahay D paglalaro ng basketball

3. Alin naman sa mga ito ang mga gawaing dapat na naisasagawa nang araw-araw ayon sa
Philippine physical Pyramid of Activity Guide?
A paglalaro ng computer C pagsasayaw ng ballroom
B pagtulong sa mga gawaing bahay D paglalaro ng basketball

4. Alin naman sa mga ito ang mga gawaing dapat na naisasagawa nang minsan o isang beses
lang sa isang linggo ayon sa Philippine Physical Pyramid of Activity Guide?
A panonood ng TV C pagsasayaw ng Ballroom
B pagtulong sa mga gawaing bahay D paglalaro ng basketball

5. Kung ilalarawan mo kung ano ang physical fitness ,alin sa mga sumusunod ang wastong
paglalarawang gagamitin mo?
A. Ito ay ang kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang-araw-araw na
gawain nang hindi kaagad napapagod.
B. Tumutukoy ito sa mga katangiang tumutulong sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng katawan ayon sa gawaing nais lamang na gawin.
C. Ito ay binubuo ng dalawang sangkap: health-related at work-related na
sangkap.
D. Ito ay hindi mahalagang matiyak bago gumawa ng anumang gawaing pisikal.

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag tungkol sa cardio-vascular endurance?


A. Ito ay ang kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng
malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa .
B. Ito ay kakayahan ng kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang
beses na buhos ng lakas
C. Ito ay ang kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at
mahabang paggawa.
D. Lahat ng nabanggit.

7. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagpapaliwanag sa muscular endurance o ang


katatagan ng kalamnan?
A. Ito ay ang kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng
malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa .
B. Ito ay kakayahan ng kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang
beses na buhos ng lakas
C. Ito ay ang kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at
mahabang paggawa.
D. Lahat ng nabanggit
8. Nagtatanong ang kaibigan mo kung ano ang Muscular Strength o lakas ng kalamnan, Alin sa mga
sumusnod ang gagamitin mo sa pagpapaliwanag?
A. Ito ay ang kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng
malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa .
B. Ito ay kakayahan ng kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang
beses na buhos ng lakas
C. Ito ay ang kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at
mahabang paggawa.
D. Lahat ng nabanggit

9. Alin sa mga sumusunod na gawain ang sumusubok sa kahutukan o flexibility?


A pagsayaw ng ballroom C two hand ankle grip
B pag-iigib ng tubig D pagtakbo

10. Anong sangkap ng physical fitness ang pinauunlad ng pagsasayaw ng ballroom?


A coordination C flexibility
B speed at agility D muscular strength

11. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa health-related na sangkap ng physical fitness?
A agility C balance
B muscular strength D coordination

12. Paano mo masusukat ang partisipasyon mo sa mga gawaing pisikal?


Sa pamamagitan ng __________________________.
A pagtiyak na nagagawa ang mga gawaing ayon sa Philippine physical activity
pyramid
B pagtiyak na nagagawa ang nais lamang na mula sa Philippine physical activity
pyramid
C pagtiyak na paminsan-minsan lang na isagawa ang mga ayon sa Philippine
physical activity pyramid
D Wala sa pagpipilian ang sagot

13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng sayaw na


Cariñosa?
A. Ang Cariñosa ay isang popular na sayaw na ipinakilala sa atin ng mga
Espanyol noong ika-16 na siglo na naging tanyag sa buong Pilipinas.
B Ang Cariñosa ay bantog na sayaw sa lalawigan ng Batangas noong panahon
ng Kastila.
C Ang Cariñosa ay isang popular na sayaw na ipinakilala sa atin ng mga
Amerikano na naging tanyag sa buong Pilipinas.
D Lahat ay tama.
14. Alin sa mga sumusunod ang kakayahang nalilinang sa pagsasayaw ng Polka sa
Nayon? Nililinang nito ang kakayahang ___________________.
A umindak sa saliw ng ritmong martsa
B umindak sa saliw ng ritmong balse
C umindak sa saliw ng ritmong Polka
D wala sa nabanggit ang sagot
15. Upang maging ligtas habang nagsasayaw, aling pamantayang pangkaligtasan at
pangkalusugan ang dapat sundin?
I. malinis, patag at walang sagabal sa pagsasayawan
II. paggamit ng angkop na sapin sa paa at kasuotan sa pagsasayaw
III. wastong pampasiglang gawain
IV. iwasang mag-ingay sa lugar na pagdadausan ng sayaw
A I,III,IV B I,II,IV C II,III,IV D I,II,III

16. Kung isasagawa mo ang sayaw na Cariñosa o Polka sa Nayon, alin sa mga sumusunod
ang dapat mong gawin?
A Sundin ang wastong hakbang pangsayaw ayon sa ibig mong paraan.
B Sundin ang wastong hakbang pangsayaw at isagawa ito nang buong husay.
C Gawin ang mga hakbang na nais basta’t kaugnay sa ritmo ng tugtugin.
D Sundin ang ilang hakbang pangsayaw upang maiayon sa ibig mong paraan.

17. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng pagsali sa mga pisikal na gawain gaya
ng mga stunts at sayaw?
A nagkakaroon ng karagdagang mga gawain
B napananatili ang mabuting katayuan sa buhay
C napananatili ang malusog na pangangatawan
D napananatili ang kawalan ng tiwala sa sarili

18. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong maipakita kapag nagsasagawa ng mga gawaing
pisikal?
A Paglahok sa mga gawaing pisikal na di kailangang pahalagahan ang
paggalang at kaligtasan ng iba
B Sikaping maisagawa nang palagian ang mga gawaing pisikal nang may
kagalakan, paggalang sa iba at buong ingat na paglahok.
C Gawin ang mga gawaing pisikal ayon sa paraang nais, na hindi ayon sa
paraang ligtas sa sarili at sa iba.
D. Sundin ang sariling pasya kapag nagsasagawa ng mga gawaing pisikal.

19. Alin sa mga sumusunod ang wastong paglalarawan na maaaari mong gamitin kaugnay ng
skill-related na sangkap ng physical fitness?
A Ito ay tumutukoy sa kalusugan
B Ito ay may kinalaman sa kakayahan ng paggawa.
C Ito ang pinakamahalaga sa pangkalahatang kalusugan.
D Lahat ng nabanggit

20. Hindi marunong sumayaw at madaling malito sa pagsasagawa ng kilos si Nena, aling
kakayahan ang dapat niyang paunlarin?
A balance B agility C coordination D flexibility
HEALTH
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng gateway drugs?


A Ito ay mga ipinagbabawal na gamot na nakakaapekto sa isipan ng tao.
B Ito ay anumang gamot na nagiging daan sa pagkagumon o paggamit ng
ipinagbabawal na gamot.
C Ito ay anumang gamot na nagiging daan ng pagkakaroon ng matinding sakit sa
kaisipan.
D Ito ay anumang gamot na nakakatulong upang maalis ang pagkagumon sa
ipinagbabawal na gamot.

2. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa gateway drugs?


A caffeine, nicotine, at alcohol C aspirin, methane, cocaine
B valium, hallucinogen at ecstasy D morphine, opium at methadone

3. Alin sa sumusunod ang gateway drugs na karaniwan nang makukuha sa tabako o sigarilyo?
A. nikotina B. alcohol C. caffeine D lahat ng nabanggit

4. Alin sa mga sumusunod ang produktong may caffeine?


A coke B tabako C sigarilyo D beer

5. Ang mga sumusunod ay mga produktong may caffeine, maliban sa isa. Alin sa mga ito?
A chocolate B brewed coffee C durian candy D. Red Bull energy drink

6. Kung ang nicotine ay isa sa gateway drugs, alin sa mga sumusunod ang tumatalakay sa
likas na katangian nito?
A Ito ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon at buto ng
maraming uri ng halaman.
B Ito ay matatagpuan sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at maraming soft
drinks, gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta.
C Ito ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants partikular sa tabako
plant.
D Ito ay nilikha mula sa katas ng prutas, o gulay na tinatawag na fermented.

7. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng alcohol na isa ring gateway drugs?
A Ito ay matatagpuan sa produkto tulad ng kape, tsaa, at soft drinks.
B Ito ay nilalaman ng ilang mga halaman at ito ay matamis.
C Ito ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako.
D Ito ay mula sa katas ng prutas o gulay na tinatawag na fermented

8. Ang mga sumusunod ay katangian ng caffeine maliban sa isa, alin dito?


A inihahalo ito sa maraming inumin na tulad ng kape, tsaa, soft drinks at tsokolate
B mula sa pamilya ng nightshade plants, gaya ng patatas, kamatis, at talong
C mula sa halamang cacao
D pinipigilan nito ang pagsisimula ng pag-aantok

9. Ang caffeine ay itinuturing na diuretic. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng paggamit ng
mga produktong nagtataglay nito?
A Madalas na pag-ihi
B Nagdudulot ito ng pagtaas ng blood pressure at pagbilis ng pulso.
C Bumababa ang blood supply sanhi ng pagliit ng arteries.
D Nababawasan ang panustos ng oxygen sa cells
10. Kapag ang mga tao ay uminom ng alak, ito ay buyo sa kanilang bloodstream. Mula sa
bloodstream, saan ito nakakaapekto?
A central nervous system C puso
B kalamnan ng katawan D mga buto

11. Mabilis ang reaksyon ng puso sa nicotine. Ano ang idinudulot nito?
A pangangasim ng sikmura o gastroenteritis
B pangangatog ng kalamnan o muscle tremors
C pagtaas ng blood pressure at pagbilis ng pulso.
D pagkabagabag

12. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng sobrang paggamit ng produktong may
caffeine sa isang indibidwal?
A Kapag sobra na ang caffeine sa katawan ng isang tao maaari siyang magkaroon
ng kalituhan at pagkahibang.
B Ang caffeine ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa atay.
C Ang caffeine ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng cardio-vascular disease, acute
alcohol poisoning at fetal alcohol syndrome
D Nagiging dahilan ito ng tinatawag na mouth & throat cancer (larynx and pharynx)

13. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto sa pamilya ng sobrang alcohol sa katawan
ng tao?
A Nagiging masaya ang pamilya dahil sa palaging pag-iinuman.
B Nagiging bunga ng madalas na di pagkakaunawaan dahil mabilis uminit ang ulo at
paggiging sakitin sa myembro ng pamilya.
C Nagiging matiwasay ang pamumuhay ng pamilya
D Lahat ay tama.

14. Alin naman ang epekto sa kumunidad ng madalas uminom ng kape o mga inuming kola,
naninigarilyo o umiinom ng alak?
A Maaaring di dumami ang magiging problema sa lansangan.
B Hindi magkaroon ng laganap na sakit tulad ng sakit sa baga.
C Maaaring magkakaroon ng ibat-ibang krimen tulad ng banggaan sa kalye kasi lasing
ang driver.
D Wala sa nabanggit ang sagot

15. Pag-uwi sa kanilang tahanan tinutungo kaagad ni Mang Ruben ang kanilang kusina upang
magtimpla ng mainit na kape. Madalas uminit ang ulo niya kahit sa maliit na dahilan lang
kaya madami siyang nakakagalit sa kanyang trabaho. Anong gateway drugs ang
nakaapekto kay Mang Ruben?
A nicotine B caffeine C cocaine D alcohol

16. Madalas makipag-inuman ang tatay ni Paul kaya naman lagi silang nag-aaway ng kanyang
Nanay. Nagtatakip na lang si Paul ng tenga upang di niya marinig ang pagtatalo nila. Anong
gateway drugs ang nakaapekto sa tatay ni Paul?
A nicotine B caffeine C cocaine D alcohol

17. Nagkabungguan ang dalawang sasakyan dahil lasing ang nagmamaneho ng van. Anong
gateway drugs ang nakaapekto sa komunidad?
A nicotine B caffeine C cocaine D Alcohol
18. Mahilig sa sodang inumin si Carissa. Sa maghapon ay nakakaubos siya ng tatlong bote.
Mahilig din siyang uminom ng dark coffee. Sa kasalukuyan, madalas siyang nagagalit sa
kanyang mga kasambahay kahit sa isang maliit na kadahilanan. Anong gateway drugs ang
nakaapekto sa kanya?
A nicotine B caffeine C cocaine D Alcohol

19. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagpapakita ng ligtas na pamumuhay kaugnay ng
gateway drugs?
A Iwasan ang pagbili ng mga produktong may gateway drugs.
B Iwasan ang pag-abuso sa paggamit ng mga produktong may gateway drugs.
C Mamuhay ng hindi gumagamit ng mga produktong may gateway drugs.
D Lahat ay wastong sagot.

20. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batas kaugnay ng paggamit at pag-abuso ng
gateway drugs o Ang Batas Republika 9211, higit na kilala sa taguring Tobacco
Regulation Act of 2003 o Batas ukol sa Pagkontrol sa Paggamit ng mga Produktong
Tabako?
A Ipinagbabawal ng batas na ito ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar gaya ng
elevator, airport, terminal, restawran, ospital at paaralan.
B Nakasaad sa batas na ito na bawal manigarilyo sa mga pook na maaaring maging
sanhi ng sunog tulad ng gas stations at tindahan ng mga flammable liquid.
C Nakasaad din sa batas ang pagbabawal sa mga menor de edad, o mga indibidwal
edad 18 pababa, sa pagbili, pagbenta at paghithit ng sigarilyo at iba pang produktong
tabako.
D Lahat ng nabanggit ay tama.

Prepared by

MARY GRACE N. ESCALANTE


Teacher

Оценить