Вы находитесь на странице: 1из 2

1. Idetalye ang mga mga pangyayari sa inyong pagpunta at mga napagkwentuhan.

Ano ang highlight


ng kwento mga Lakbayani. (Magbigay ng emphasis dito.)
2. Ano ang naramdaman ng ninyo habang ikinukwento nila ang mga pangyayari sa kanilang buhay?
3. Sa paanong paraan ka nais na makikibahagi sa kanilang laban at pakikibaka? Ano ang iyong tugon sa
kanilang panawagan?

“Mas pinili ko umalis…iwan pamilya ko…sumama sa pagbabakwit para makapag-aral ako. Mahirap…pero
para sa edukasyon, gagawin ko…para maabot pangarap ko…”

Isa ito sa mga linyang tumatak sa aming isipan. Maiksi ngunit malaman. Makapag-tindig balahibo. Si Jen-
jen, labing-walong taong gulang, halos magkakasing-edad lamang kami; ngunit ang determinasyon niya para sa
kanyang komunidad at edukasyon ay hindi matatawaran. Sa loob ng maiksing oras na aming nakasama si Jen-jen,
isang kwentong hinding hindi naming makakalimutan ang aming narinig.

Lingid sa kaalaman ng karamihan ang tunay na sitwasyon sa Mindanao. Ang buong akala ng lahat ay
mabuti ang epekto ng Martial Law sa mga mamamayan ng Mindanao ngunit matinding pang-aabuso at karahasan
ang sinapit ng mga inosenteng mag-aaral. Matapos idineklara ang Martial Law ni Pangulong Duterte noong taong
2017, nagsimula ang mga Bakwit School sa Metro Manila. Ito ang mga nagsilbing pangalawang tahanan ng mga
batang apektado ng karahasan sa Mindanao. Ayon sa salaysay ng isang guro sa Bakwit School, ang mga lupain ng
Mindanao ay puno ng mga ginto na pinagiinteresan ng maraming malalaking kumpanya ng minahan. Dahil dito,
napipilitan na umalis ang mga mamamayan sa kanilang mga lupain. Ang sigalot sa pagitan ng mga mamamayan at
ng mga kumpanya ng minahan ang tumawag sa atensyon ng militar. Sa mga salaysay ni Jen-jen, tila ba parang mga
eksena sa isang American Hollywood film ang aming napakinggan. Ayon sa kanya, nakita niyang binaril sa kanyang
harapan ang kapatid ng kanyang ina, isang eksena na para sa akin ay habambuhay akong gagambalain. Dagdag pa
niya rito, ang kanilang mga paaralan ay ginawang kampo ng mga militar. Ito ay isang malinaw na paglabag sa batas
na nagsasaad na dapat ang mga kampo ng militar ay malayo sa mga paaralan. Marami rin ang kanyang ipinahayag
na kaso ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pagaaresto sa mga gurong walang kinalaman sa gulo. Sa
katunayan, patuloy nilang pinaglalaban ang kanilang gurong kasalukuyang nasa piitan dahil di-umano’y siya ay
napagkamalang isang rebelde. Napagalaman din namin na ang mga kumpanya ng minahan ay pinagsamantalahan
ang kawalan ng kaalaman ng mga magsasaka sa pagsusulat at pagbabasa upang sila’y papirmahin ng kontratang
nagsasaad na sila ay pumapayag na minahan ang kanilang lupain. Sa kabilang banda, ang pamahalaan ay patuloy
pa rin ang pagkibit-balikat sa mga sitwasyon ng mga Lumad. Ayon sa kanila, walang isang kusing na naitulong ang
pamahalaan para sa kanilang pamayanan. Nakalulungkot na ang mga taong dapat ang tutulong sa kanila ay tila
binabalewala ang lahat ng paghihirap na kanilang nararanasan.

Halo-halo ang emosyon ang aking naramdaman matapos mapakinggan ang totoong istorya ng isang
Lumad. Lungkot, galit, pagkamangha at awa ang aking naramadaman. Sa kabila ng katatagan na ipinakikita ng mga
Lumad, ramdam pa rin namin ang lungkot na namamayani sa kanilang mga puso. Makikita sa kanilang mga
munting presentasyon ang walang hanggang pagmamahal nila sa kanilang komunidad. Kaya’t pinili nilang umalis
sa kanilang lugar upang ipaalam sa bansa ang tunay na kalagayan nila roon. Lubos rin ang aming pagkamangha
dahil sa kabila ng lahat ng kanilang naranasan, ang mga Lumad ay hindi natitinag sa kanilang mga panawagan.
Nais nilang makiisa kami sa kanilang panawagan na itigil na ang karahasan sa Mindanao para sa kinabukasan ng
hindi lamang ng isang batang Lumad kung hindi ng isang batang Pilipino.

Bilang tugon, kami na mga Tomasino at kabatataang Pilipino ng kasalukuyang henerasyon ay hayagang
nagpapahayag ng pagtutol sa karahasang nagaganap sa Mindanao. Mariin naming kinokondena ang
pagsasawalang-bahala ng pamahalaan sa mga Lumad. Sa pamamagitan ng pribilehiyong ibinigay sa amin, kami
ang magsisilbing boses ng mga naaapi nating mga kababayan. Ang kahusayan sa paggamit ng teknolohiya ay
aming gagamitin upang maipaalam sa lahat ang tungkol sa mga Lumad. Ang Internet ay naging kanlungan na ng
napakaraming demonstrasyon at saloobin laban sa mga maling sistema ng ating lipunan. Ang simpleng post sa
Facebook ay makararating na kahit sa pinakamalayong bahagi ng bansa. Ang pagbabahagi ng impormasyon ay
hindi nalilimitahan kaya’t ang Internet ay tinuturing na makapangyarihan. Kami ay patuloy na makikiisa sa mga
proyekto ng mga Lumad. Susuportahan naming ang kanilang adhikain hanggang sa makamit na nila ang tunay na
kapayapaan na kanilang hinahangad. Sana sa bawat paglalakbay ng mga Lumad, tayo ay naroroon upang
suportahan at mag-abot ng pagmamahal sa kanila. Hindi lamang bilang estudyante ng NSTP sa Unibersidad ngunit
bilang isang Pilipinong may pusong handang tumulong.

Вам также может понравиться