Вы находитесь на странице: 1из 8

Cast

 Paulo Avelino as General Gregorio del Pilar[7]


 Carlo Aquino as Colonel Vicente Enríquez[8]
 Arron Villaflor as Joven Hernándo[8]
o Cris Villanueva as the older Joven Hernándo (1935)[9]
 Mon Confiado as President Emilio Aguinaldo[7]
 Epy Quizon as Apolinario Mabini[7]
 Alvin Anson as General José Alejandrino[7]
 Gwen Zamora as Remedios Nable José[10]
 Empress Schuck as Felicidad Aguinaldo[8]
 Che Ramos-Cosio as Hilaria Aguinaldo[8]
 Rafa Siguion-Reyna as Colonel Julián del Pilar[8]
 Art Acuña as Major Manuel Bernal[8]
 Tomas Santos as Angelito[10]
 Robert Seña as Don Mariano Nable José[8]
 Ronnie Lazaro as Lieutenant Pantaleon García[8]
 Jojit Lorenzo as Miguel Laureáno[8]
 Matt Evans as Lieutenant Telesforo Carrasco[8]
 Benjamin Alves as Lieutenant Manuel L. Quezon[7]
o TJ Trinidad as the older Manuel L. Quezon (1935)[11]
 Roeder Camañag as Major Evaristo Ortíz[8]
 E. A. Rocha as General Elwell Otis[8]
 Miguel Faustmann as General Arthur MacArthur[8]
 Leo Martinez as Pedro Paterno[7]
 Nonie Buencamino as Felipe Buencamino Sr.[4]
 Perla Bautista as Doña Trinidad Aguinaldo[8]
 Archie Alemania as Eduardo Rusca[12]
Other members of the ensemble cast are Christopher Aronson, RK Bagatsing,
Carlo Cruz, Jason Dewey, Bret Jackson, Ethan Salvador, Lorenz Martinez, Karl
Medina, Stephanie Sol, and Markki Stroem.[4]

Directed by : Jerrold Tarog


-
Goyo : “Ang Batang Heneral”
Ang Goyo ay ang isa sa mga 2018 Philippine Historical Epic film na
pinagbibidahan ni Paulo Avelino bilang “Heneral”. Si Gregorio Del Pilar naman
ay namatay noong makasaysayang laban ng Pilipinas at America. Ang pilikulang
ito ay sinulat, dinerect, at inedit ni Jerrold Tarog.

Hango mula sa mga tunay na pangyayari ng kasaysayan, inilahad ng


pelikula ang mga huling buwan sa buhay ni Gregorio “Goyo” Del Pilar (Paulo
Avelino), isa sa mga pinakabata at pinagkakatiwalaang heneral ni Emilio
Aguinaldo (Mon Confiado) noong panahon ng rebolusyon, Magsisimula ang
kuwento ilang araw matapos paslangin si Heneral Antonio Luna ng mga tauhan ni
Aguinaldo. Inatasan si Goyo na siguraduhing matapos ni Luna, wala nang mag-
aaklas pa sa pamumuno ni Aguinaldo. Naisagawa naman ito ni Goyo kung kaya’t
agad siyang ginawaran ng promosyon bilang Governador Militar ng Pangasinan
at siya’y mamamalagi sa Dagupan kung saan niya makikilala si Remedios Nable
Jose (Gwen Zamora) na siyang magsisilbing malalim niyang inspirasyon.
Bagama’t mahihirapan sa simula si Goyo sa panunuyo kay Remedios, mahuhulog
din ang loob nito sa kanya ngunit hindi buong-buo dahil sa kinakaharap nang
giyera ni Goyo. Makalipas ang limang buwan ng inaakala nilang kapayapaan,
nilusob sila ng mga tropa ng Amerikano upang dakpin si Emilio Aguinaldo. Dito
magsisimula ang matinding hamon kay Goyo — kung paano nila matatakasan at
matatalo sa labanan ang hukbong militar ng mga dayuhan at maprotektahan ang
buhay ni Aguinaldo sampu ng kaniyang pamilya — at maging ng kanyang
pulutong — sa ngalan ng pagmamahal sa bayan.

Isang matinding hamon sa kasaysayan ang inilahad ng Goyo ukol sa isang


bayaning kaytagal nang tinitingala ng karamihan ng mga Pilipino. Sa isang banda,
kapuri-puri ang mga ganitong obra na naglalayong ilahad ang pagkatao ng isang
bayani at hindi lamang ang pagkabayani nito. Matalino ang pagkakalahad ng
pelikula maging ng makabagong kasaysayan na lumilihis sa maraming
kumbensiyon. Epektibo ang ganitong pag-trato sa kasaysayan upang maisa-
konteksto sa mga makabagong panahon ang kahulugan ng kasaysayan. Mahusay
ang mga kuha ng kamera at talaga namang malinis ang teknikal na aspeto ng
pelikula. Si Avelino ay tila kulang pa ang tindig para maging heneral ngunit
naisakatuparan naman niya ang pagkatao ni Goyo bilang matipuno at simpatikong
heneral. Sinsero at walang itulak-kabigin ang husay ng lahat ng nagsiganap — sa
pangunguna nina Epi Quizon bilang Mabini at Confiado bilang Aguinlado.
Lutang ang kanilang mga karakter at talaga namang dama ng manonood na
pawang buhay ang mga bayaning kanilang ginampanan. Mahusay ang
pagkakalahad ng kuwento at maliwanag ang nais nitong ipahatid.
Paulit-ulit at nagsusumigaw na mensahe ng pelikula — ano nga ba ang
tunay na kabayanihan? Sinabi rin nitong paulit-ulit na ang kabayanihan ay ang
pagiging handang mamatay para sa bayan — kalimutan ang sariling kaligayahan
at isaalang-alang ang karamihan. Ito’y lalo’t higit na dapat gampanan ng mga
may mataas na katungkulan — hindi sapat ang gumawa lamang ng kabutihan
dahil ito ay isang kapabayaan para sa isang taong nasa katungkulan. Matindi ang
mga hamong inilatag ng pelikula — nariyan ang pagbasag sa bayaning imahe ni
Goyo, maging ni Aguinaldo. Mga bayani nga kaya silang maituturing? Hindi
dahil sa marami nilang kahinaan na ipinakita sa pelikula kundi dahil sa mga
makasarili nilang mga desisyon — kapwa pino-protektahan ang pansariling
interes — lalo na si Aguinaldo na sadyang hinati ang bayan sa mga kakampi at
mga kaaway. Ipinakita kung paanong ang kabuktutan, kawalang-malasakit at
kawalang kaalaman ay magtutulak sa kanila sa kapahamakan. Sadyang hindi pa
rin tapos ang digmaan sa bayan at sa ating mga sarili. Nakababahala kung
paanong isinalarawan ng pelikula ang Simbahang Katoliko — nariyang gawing
katatawanan ang mga gawaing pangsimbahan, maging ang dasal ng mga
Katoliko. Bagama’t itoy nasa konteksto naman ng madilim na kasaysayan ng
Pilipinas at ng Simbahan sa bansa. Sa kabuuan nama’y mamumulat pa rin ang
mga manonood sa kahalagahan ng papel na ginampanan ng ating mga bayani sa
kasaysayan ng ating bansa tungo sa ating kalayaan at sariling pamahalaan. May
kabigatan nga lamang ang tema ng pelikula at tila madalas ang pagmumura ng
mga tauhan.

Gintong Aral:
Goyo: Ang Batang Heneral ay maaaring hindi nagniningas o kasing lakas ng
Heneral Luna, ngunit walang alinlangan na isang gumising na tawag upang
harapin ang katotohanan at ito ay isang hakbang na hakbang na ipinakita sa amin
ang mga epekto ng mga kaganapan sa Heneral Luna. Ipinakita nito sa amin ang
mga problema na kinakaharap pa rin natin ngayon, na handa kaming maluha sa
isa't isa upang makuha ang itaas na kamay. Sa ilang mga paraan, maaaring ito
lamang ang ating kaligtasan ng buhay na kusa, ngunit ang isang sibilisadong
bansa ay tiyak na hindi katulad ng isang pagmamataas ng mga leon, kung mahuli
mo ang aming pag-agos. Tulad ng sinabi namin kanina, ang labis ng isang bagay
ay maaaring sirain ang lahat. Goyo: Ang Batang Heneral ay nagpakita sa amin ng
mga bahid ng mga tao na tinawag nating bayani. Ito ay natural lamang,
pagkatapos ng lahat, sila ay tao lamang. Ngayon, ang susunod na hakbang ay
natututo mula sa mga pagkakamaling ito. Kunin natin ang pelikulang ito bilang
babala na hindi mawala sa gitna ng kaguluhan. May oras pa tayo upang maalala
kung sino tayo.
Pictures/Snapshots
L.Bernardo Memorial High School
S.Y. (2019-2020)

Narrative
Report
Hannah Gwyneth R. Bala
11-Accountancy and Business Management
Mrs. Sheeryl Reveche

Вам также может понравиться