Вы находитесь на странице: 1из 8

University of the Cordilleras

Survey in the Philippine Literature


EnglEd 104 (7:30 – 9:30 am MTh)

The Rebirth of Freedom

Names Content Execution Total Remarks

Binaccag, Phyllis

Bita-ol, Donalyn

Gonzales, Dianarra

Rosario, Jolina
The Rebirth of Freedom (1946 – 1970)

I. Brief Historical Background


 The Americans returned in 1945. Filipinos rejoiced and guerillas who fled to
the mountain joined the liberating American Army. On July 4, 1946, the
Philippines regained is freedom and the Filipino flag waved joyously alone.
The chains were broken.

II. The State of Literature during this Period


 The early post-liberation period was marked by a kind of “struggle of mind
and spirit” posed by the sudden emancipation from the enemy, and the
wild desire to see print.
 Filipinos, by this time, learned to express themselves more confidently but
post-war problems beyond language and print-like economic stability, the
threat of new ideas and mortality – had to be grappled with side by side.
 Proliferation of newspapers includes:
o Free Press and Morning Sun of Sergio Osmeña Sr.
o Daily Mirror of Joaquin Roces
o Evening News of Ramon Lopezes
o Bulletin of Menzi

Note: This only proved that there were more readers in English than in any other
vernaculars like Tagalog, Ilocano or Hiligaynon.

Normality in the Philippines was restored, the tones and themes of the writings
turned to the less pressing problems of economic survival. Some Filipino writers who
had gone abroad and had written during the interims came back to publish their
works. Not all the books published during the period reflected the war year; some
were compilations or second editions of what have been written before.

Some of the writers and their works of the periods are:

 The Voice of the Veteran – a compilation of the best works of some Ex-
USAFFE men like Amante Bigornia, Roman de la Cruz, Ramon de Jesus and
J.F. Rodriguez.
 In Tokyo and Passion and Death of the USAFFE of Leon Ma. Guerrero.
 Freedom and Democracy of S.P. Lopez.
 Betrayal in the Philippines of Hernando Abay.
 Seven Hills Away of NVM Gonzales.

Note: For the first twenty years, many books were published…both in Filipino and in
English. Among the writers during this time were: Fred Ruiz Castro, Dominador I. Ilio,
and C.B. Rigor.

Some notable works of the period include the following:

1. Heart of the Island (1947) – a collection of poems by Manuel Viray.


2. Philippines Cross Section (1950) – a collection of prose and poetry by Maximo
Ramos and Florentino Valeros.
3. Prose and Poems (1952) of Nick Joaquin.
4. Philippine Writing (1953) of T.D. Agcaoili.
5. Philippine Harvest of Amador Daguio.
6. Horizons Least (1967) – a collection of works by the professors of UE, mostly in
English (short stories, essays, research papers, poem and drama) by Artemio
Patacsil and Silverio Baltazar. The themes of most poems dealt with the usual
love of nature, and of social and political problems. Toribia Maño’s poems
showed deep emotional intensity.
7. Who Spoke of Courage in his Sleep of NVM Gonzales.
8. Speak Not, Speak Also of Conrado V. Pedroche.

Novels and Short Stories in English

Stevan Javellana’s Without Seeing the Dawn tells of the grim experiences of war
during the Japanese Occupation.

o In 1946, the Barangay Writer’s Project whose aim was to publish works in
English by Filipinos was established.
o In 1958, the PEN Center of the Philippines (poets, essayists, novelists) was
inaugurated. Francisco Arcellana published his PEN ANTHOLOGY OF SHORT
STORIES.
o In 1961, Kerima Polotan’s novel THE HAND OF THE ENEMY won the Stonehill
Award for the Filipino novel in English.
o In 1968, Luis V. Teodoro Jr.’s short story THE ADVERSARY won the Philippines
Free Press short story award; in 1969, his story THE TRAIL OF PROFESSOR RIEGO
won second prize in the Palanca Memorial Awards for Literature
o In 1970, his short story THE DISTANT CITY won the GRAPHIC short story award

III. The New Filipino Literature during this Period

Philippines literature in Tagalog was revived during this period. Most themes in the
writings dealt with Japanese brutalities, of the poverty of life under the Japanese
government and the brave guerilla exploits. Newspapers and magazine
publications were re-opened like the Bulaklak, Liwayway, Ilang Ilang and Sinag Tala.
Tagalog poetry acquired not only rhyme but substance and meaning. Short stories
had better characters and events based on facts and realities and themes were
more meaningful. Novels became common but were still read by the people for
recreation.

The people’s love for listening to poetic jousts increased more than before and
people started to flock to places to hear poetic debates. Many books were
published during this time, among which were:

1. Mga Piling Katha (1947-48) by Alejandro Abadilla


2. Ang Maikling Kuwentong Tagalog (1886-1948) by Teodoro Agoncillo
3. Ako’y Isang Tinig (1952) collection of poems and stories by Genoveva Edroza
Matute
4. Mga Piling Sanaysay (1952) by Alejandro Abadilla
5. Maikling Katha ng Dalawampung Pangunahing Autor (1962) by A.G. Abadilla
and Ponciano E.P. Pineda
6. Parnasong Tagalog (1964) collection of selected poems by Huseng Sisiw and
Balagtas, collected by A.G. Abadilla
7. Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan (1965) by Rufino Alejandro.
He prepared this book for teaching in reading and appreciation of poems,
dramas, short stories and novels
8. Manlilikha, Mga Piling Tula (1961-1967) by Rogelio G. Mangahas
9. Mga Piling Akda ng Kadipan (Kapisanang Aklat ng Diwa at Panitik) 1965 by
Efren Abueg
10. Makata (1967) first cooperative effort to publish the poems of 16 poets in
Pilipino

IV. Carlos Palanca Memorial Awards

The Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards)


established in 1950.

The heirs of Don Carlos Palanca Sr. found it most fitting to commemorate his
memory through endeavor that would promote education and culture in the
country.

The first awardees in its first year, 1950-51 in the field of the short story were the
following:

First Prize: Kuwento ni Mabuti of Genoveva Edroza

Second Prize: Mabangis na Kamay … Maamong Kamay of Pedro S. Dandan

Third Prize: Planeta, Buwan at mga Bituin by Elpidio P. Kapulong

Literary Piece

Title: Kuwento ni Mabuti by Genoveva Edroza – Matute

Why Kuwento ni Mabuti?

Criterion:

 The literary piece won the first prize in the first year of Palanca Award.
 The author, Genoveva Edroza – Matute is best known in Philippine history for
these short stories.
 This short story (Kuwento ni Mabuti) is said to be the most anthologized short
story in the native Philippine Tagalog language.
 Symbolisms and the theme of the story.
 Genoveva was a woman with an interesting life and she made some
important contributions to Philippine academics and writing.

Who is the author?

Author: Genoveva Edroza Matute

Birthdate: January 03, 1915

Death: Mach 21, 2009 at City of Cubao, Philippines

Note: Her greatest award was bestowed upon her in the year 2005. At this time, she
received recognition for her work by the President of the Philippines, Gloria
Macapagal-Arroyo. The award was to recognize her creativeness and the
contributions she made as an author throughout her lifetime.

Kuwento ni Mabuti
by Genoveva Edroza Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa


dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya.
Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang
umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim
na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-
aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa


tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya.
Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo … at sa kanyang buhay …

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol


sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng
pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang
pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang


salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa
mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga
sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri
ng paniniwala sa buhay.

“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito.


Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang


nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso
ang pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid
ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking
suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam
sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata


kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli
sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako
makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat
na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito”… naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig.


Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko
ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig
sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig
siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung
paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit,
siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit
niya’y tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay


sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok
na iyo na … iniiyakan ko?”

Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon
na … iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa
kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig
kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang
mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa
kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na
iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang
hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa
pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok
na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming
sulok na iyong… aming dalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya,


nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang
sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa
aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga
tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng
buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan
naming sa kagandahan at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na


maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi
naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng
pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat


na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin.
Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa
mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong


panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa
kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya
bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa
sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit


ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang
paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay.
Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang
pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na
pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang
pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang”
pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat
pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y
nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan


ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa
baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang
anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na
iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak-
at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa
aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y
nagsalita.

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang
mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng
batang may kaarawan.

Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya
nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may
dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang
lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang
hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin.
Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang
isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang
mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang
sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang
mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan


niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang
ganito: “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng
mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan.
Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang


pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat.
Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya
ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng
mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala
ng mga lihim na kaligayahan.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang


dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong
kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang
kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko


ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong
marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol
ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni
Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na
katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.

Reference:

2015, October. Weebly.com: The Rebirth of Freedom (1946 – 1970). Retrieved from
http://aprilmaynjune.weebly.com/socio-1/the-rebirth-of-freedom-1946-1970-period-
of-activism-1970-1972.

Diana, E. 2017, September. Wordpress.com: Short Story Analysis – “Ang Kuwento ni


Mabuti”. Retrieved from
https://dianaerikablog.wordpress.com/2017/09/03/philippine-literary-analysis/.

Philippines Cultural Education - Sagisag Kultura: Genoveva Edroza Matute. Retrieved


from https://philippineculturaleducation.com.ph/edroza-matute-genoveva/.

Вам также может понравиться