Вы находитесь на странице: 1из 8

The Educational Decree of 1863

The Educational Decree of 1863 was an effort by Spain to reform the Philippine colonial
education system. The Decree established a complete system of education in the
archipelago—it required two elementary schools in each municipality (one for girls and
one for boys), standardized the curriculum, and established normal schools, thus
making systematized education available to the masses. In the nineteenth century,
educational opportunities opened to a segment of society previously kept under
control by the religious orders through a selective curriculum of rudimentary academics
and a heavy dose of catechism. The colonial logic was to create a cadre of clerks and
officials in service of the new, liberal colonial state, but the Educational Decree of 1863
had an impact that was the reverse of what Spain intended. The formal system of
education created in the Philippines under Spain, even when unevenly implemented,
provided Filipinos with the tools to function outside of colonial rule.

On December 20, 1863, Spain promulgated an educational decree for reforming the
educational system in the Philippines.

During the early Spanish occupation, education for the Filipino people centered on
religion and primarily for the elite, especially in the first years of Spanish colonization.

Prior to that, early Filipinos taught their children at home, focusing more on vocational
skills than academics. There were also tribal tutors, but there was no structured
educational system.

With the enactment of the Educational Decree of 1863, it liberalized access to


education, which provided for the establishment of at least one primary school for boys
and girls in each town under the responsibility of the municipal government.

1. Pag-ugnayin ang mahahalagang pangyayari ng ika-19 na siglo sa kontemporaryong


panahon kaugnay ng makabayang/makabansang/nasyunalismong damdamin ng
mga katutubong Pilipino. Ihanay din ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
makabansang/makabayang/nasyunalismong tatalakayin.

Noong ika-19 na siglo, binuksan ng Espanya ang Pilipinas sa pandaigdigang


kalakalan at, kaugnay nito, sa mga lumalaganap na kaisipan sa Europa. Taong 1834
binuksan ang mga daungan ng Maynila at mula 1855 hanggang 1873, anim pang
daungan ang nabuksan. Taong 1869 naman ng nabuksan ang Kanal ng Suez, na
nagpaikli ng oras sa paglalakbay mula sa Europa tungong Pilipinas. Dahil dito, ang
pagsasaka sa Pilipinas ay nabago mula sa dating pansariling konsumo lamang tungo
sa pag-eksport ng mga cash crops tulad ng tabako, asukal, at abaka. Ang kaakibat
nitong pag-usbong ng ekonomiya ay nagpayaman sa ibang mga Pilipino. Marami sa
kanila ay nakapag-aral sa Maynila at sa ibang bansa.

Ang pagdating ng maraming kaisipan mula sa Europa ay nagmulat ng kamalayan sa


maraming Pilipino. Hiniling nila ang maraming pagbabago sa lipunan. Isa na rito ay
ang sa kaparian. Ang mga katutubo ay hindi pinapayagan na isa ma sa mga hanay
ng mga pari at orden. Dahil dito, nagrebelde si Apolinario dela Cruz noong 1841. Kaya
lamang ay natalo ng mga Espanyol ang mga rebelde at pinatay si dela Cruz.

Sa pagpupumilit ng mga mamamayan sa reporma, pinagbigyan ng Espanya ang


ibang kahilingan para rito. Nagkaroon, bagaman sa maikling pagkakataon, ng
representasyon ang Pilipinas sa Cortes (1810-1837). Noong 1863, ipinatupad ng
pamahalaang Espanya ang isang batas para sa isang sistema ng pampublikong
edukasyon. Isang rebolusyon nanan sa Espanya ang nagpaalis sa Reyna Isabella II sa
trono noong 1868 at naitatag ang Unang Republika nito. Iniluklok si Heneral Carlos
Maria de la Torre, isang liberal, bilang gobernador-heneral ng Pilipinas. Binuwag niya
ang censorship at binigyan ang mga Pilipino ng mga karapatan sa pagpapahayag at
pagtitipon, na naaayon sa 1869 Konstitusyon ng Espanya. Sa kasamaang palad,
pinalitan agad siya ni Rafael de Izquierdo noong 1871 at tinanggal nito ang mga
pagbabago.

Sa kakulangan ng pagbabago ay 200 Pilipinong sundalo ang nag-alsa sa Cavite


nang sumunod na taon. Dahil dito, maraming liberal at repormista ang dinampot at
ipinatapon. Inakusahan sina Padre Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora na
pasimuno ng nasabing pag-aalsa. Hinatulan sila at namatay sa pamamagitan ng
garote noong ika-20 ng Pebrero, 1872.

Hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mga repormista. Inilimbag ni Jose Rizal ang
mga nobela niyang Noli Me Tangere (1886) at El Filibusterismo(1891). Kahit na
ipinagbawal ng mga Kastila ang mga ito, marami sa mga Pilipino ang nakapagbasa
ng mga nasabing libro. Itinatag ni Graciano Lopez-Jaena ang La Solidaridad noong
1889 bilang bahagi ng Kilusang Propaganda. Nagtatag din si Rizal ng isang kilusan,
ang La Liga Filipina, noong 1892. Ngunit siya ay inaresto at ipinakulong sa Dapitan.
Nang malaman ang pagkaaresto ni Rizal, itinatag naman ni Andres Bonifacio
ang Katipunan, na naghahangad ng kalayaan. Nalaman ng mga Espanyol ang
tungkol sa Katipunan at maraming kasapi nito ang dinakip. Bilang tugon, nanawagan si
Bonifacio ng pakikipaglaban sa mga Kastila, sa Sigaw ng Balintawak noong ika-26 ng
Agosto, 1896.

Ang Tejeros Convention noong 1897, bumuo ang mga ilustrado ng isang
pamahalaang rebolusyonaryo bilang kapalit ng Katipunan at ihinalal si Emilio
Aguinaldo bilang pinuno nito. Nagkaroon ng pagkakahati sa loob ng Katipunan at
ipinaaresto si Bonifacio at ipinapatay ito noong ika-10 ng Mayo, sa taon ding iyon.
Nagkaroon ng isang kasunduan sa Biak-na-bato. Nagpunta sina Aguinaldo sa Hong
Kong, kapalit ng US$800,000 at pagtigil ng labanan. Nakipagkasundo sila sa Estados
Unidos upang labanan ang mga Espanyol.

Noong ika-25 ng Abril, 1898, idineklara ang Estados Unidos ng pakikidigma sa mga
Espanyol. Hinarang ng mga Pilipino ang Maynila upang kunin mula sa mga Espanyol.
Ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo, 1898 sa
Kawit, Cavite. Ngunit ang Espanya ay nakipagkasundo sa Estados Unidos sa
pagpapalit ng pamunuan sa Pilipinas. Nagkaroon ng huwad na labanan ng Maynila,
na kung saan ay “nasakop” ito ng mga Amerikano noong ika-13 ng Agosto, 1898.
Ibinenta ang Pilipinas, Guam, at Puerto Rico sa Estados Unidos sa halagang US$20
milyon noong ika-10 ng Disyembre, 1898 sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris.

Katulad sa panahong kasalukuyan ay ang mabilisang paglaganap ng mga balita at


kaisipan sa buong kapuluan. Narito ang radyo, dyaryo, telebisyon, at maging ang
internet. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay pinag-aaralan sa mga klase. Maraming mga
libro ang nalimbag, tulad ng My Brother, My Executioner (1972) ni F. Sionil Jose, Bamboo
in the Wind (1990) ni Azucena Grajo-Uranza, at iba pa. Hindi na malaki ang restriksyon
sa pagpapahayag. Sa katunayan, nakasulat sa 1987 na Konstitusyon ng Pilipinas ang
kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon, na ipinagbabawal noong panahon ng
mga Kastila. Ang nakakalungkot lamang ay ang hindi pagpapatupad ng mga
nasasaad na karapatang ito. Nariyan ang naideklarang CPR (na ngayo’y nabawi na)
at mga pagpatay sa mga mamahayag.

Ang karapatan ng mga mamamayan sa edukasyon ay hindi pa sapat na naibibigay


ng estado. Maging ito ay ginagamit upang pigilin ang mga Pilipino na maging kritikal
sa mga pangyayari. Laganap pa rin ang paniniwala ng karamihan na ang pagiging
matanong ng mga kabataan ay hindi nakakabuti. Sa larangan naman ng paggawa
ay halos wala pa ring pagbabago. Karamihan sa mga manggagawa ay inaapi at
hindi nabibigyan ng sapat na suweldo. Malaki rin ang impluwensiya ng mga
mayayaman sa mga patakaran sa pamahalaan. Isa sa mga patunay rito ay
ang NorthExpressway sa may lugar ng Pampanga at sa mga daanan sa Negros. Ang
mga ito ay humahati sa kalagitnaan ng taniman ng asukal at kaakibat nito ay isang
malawak na network ng mga daan sa buong lupain.

Mahirap bigyan ang mga mayayamang uri ng bahagi sa rebolusyon dahil nais nilang
maprotektahan ang kanilang mga pag-aari. Sa mga kaguluhan, sila ang mawawalan
ng pinakamaraming pag-aari. Sa panahon ng Rebolusyon, sinuportahan nila ang
ibang mga Pilipino. Ngunit nang makita nila ang pagkakataon na magkaroon ng mga
katungkulan sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano, nakipagkasundo sila na
tumigil sa pakikisali sa Rebolusyon. Hanggang ngayon ay mapapansin natin ang
pagkiling ng mga mayayamang uri sa status quo, na kung saan ay mananatili sa
kanilang pag-aari ang kanilang mga yaman.

Ani ni Guerrero, hindi pa tapos ang rebolusyon na nagsimula pa noong 1896. Ang
mga kabataang Pilipino ang tagapagmana ng Rebolusyong Pilipino sa panahon
ngayon.

2. Talakayin ang kalagayang pangkabuhayan at kakayanang umunlad ng mga


Pilipino mula ng ika-19 na siglo hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Rizal sa kaniyang sanaysay na Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon,
“dalawa lang ang patutunguhan ng Pilipinas: ang magpatuloy bilang sakop ng
Espanya, ngunit may higit na mga karapatan at kaluwagan, o kaya’y magpahayag ng
kanilang kasarinlan, pagkatapos magbubo ng dugo at maduguan naman ang
Espanya”.[3] Aniya, nangangailangan ang Pilipinas ng isang malayang pahayagan
dahil “ang isang bansa’y iginagalang sa hindi pagsang-ayon ni pagtatakip sa mga
pagmamalabis, kundi sa pagpaparusa’t hindi pagsang-ayon sa mga iyon”.
Nangangailangan din ang mga Pilipino ng mga kinatawan, na makakatulong sa
pamamahala. Kinakailangan din aniya na paunlarin ang pagtuturo at ang mahigpit at
madaling paggawad ng katarungan. Ang pagkakaloob ng mga katungkulan at mga
gawain ay dapat idaan sa pagsusulit; ang mga gawang isinali at ang mga pasiya ay
nararapat ilathala. Naghahangad din siya ng pagbabago sa pangangalakal,
pagsasaka, at iba pa.

Sinasabing ang Pilipinas ay lumaya na sa pananakop ng mga dayuhan. Ngunit ayon


kay Amado Guerrero, “ang kasalukuyang Rebolusyon ay naglalayong ipakita ang
soberanya ng bansa laban sa imperyalismo ng Estados Unidos at ng mga tuta nito”.
Maraming mga kasunduan ang Pilipinas at Amerika na nagbibigay ng mas malaking
karapatan sa mga dayuhan kaysa mga mamamayang Pilipino. Isa na rito ang Visiting
Forces Agreement (VFA), na nakita natin sa balita ang kawalan ng kapangyarihan
upang pilitin ang Amerika na ibigay ang hurisdiksyon sa Pilipinas ng nasasakdal na
si Lance Corporal Smith. Pati sa larangan ng kalakalan, dominante ang mga dayuhan
sa pamamagitan ng mga transnational corporations tulad ng mga kumpanya ng
langis, mga shares sa mga kumpanya ng kuryente, komunikasyon, at iba pa.

Ang mga kinatawan sa Pilipinas ay binubuo ng mga kasapi ng Kongreso. Sila ay


inihahalal ng mga mamamayan sa eleksyon bawat tatlong taon. Ang paraan ng
pagpili ng mga kinatawang ito ay sa pamamagitan ng single-member plurality system,
na kung saan ang pinakamaraming boto sa mga pinagpipiliang kandidato ang
inilalagay sa puwesto.[6] Sa ilalim ng sistemang ito, nasasayang ang mga boto ng mga
kandidatong “walang kakayahan upang manalo”. At karamihan ng mga kandidato
ay mga kasapi ng mga political families, na tumatakbo bilang gobernador, kongresista,
mayor, atbp. Sa kasalukuyan pa ay may dalawang kasapi ng Senado, na 24 ang
kabuuang miyembro, ang mag-ina (Jinggoy at Loi Estrada). Karamihan din ng mga
nasa kapangyarihan ay mga mayayaman at nasa matataas na uri.

Ang paraan ng pagtuturo sa Pilipinas ay nananatiling may bakas ng


kolonyalismo. Nananatili pa rin ang pang-aapi sa mga manggagawa. Ang mga
manggagawa sa mga taniman ng asukal (duma’an) sa Negros ay madalang umalis sa
mga hacienda, kung kaya’t sila’y tila mga nakakulong na lamang sa lupain at hindi
nawawala sa paningin ng mga supervisor ng hacienda.

Habang hindi pa nakakamit ang tunay na pagbabago sa mga larangang ito ay


mananatili pa rin pag-urong ng lipunang Pilipino. Hanggang hindi pa naibibigay ang
mga karapatan at tunay na kalayaan ay hindi makakamit ang pag-unlad na minimithi
ni Rizal.

5. Idetalye ang Royal Decree of 1863 at ihambing sa kontemporaryong panahon at


paaralang itinaguyod ni Dr. Rizal sa Dapitan. Suriin din kung naisabuhay ang
ideyalismo ni Rizal sa edukasyon.

Pinagtibay ng pamahalaang Espanya ang Educational Decree of 1863, na


nilagdaan ni Reyna Maria Cristina noong ika-20 ng Disyembre, 1863. Ang may-akda ng
kasulatang ito ay si Don Jose de la Concha, Ministro ng mga Kolonya (Ultramar).
Isinaad sa kasulatang ito (1) ang pagtatatag ng pampublikong mababang paaralan
sa bawat bayan, na susustentuhan ng pamahalaan at (2) ang pagbubukas ng isang
paaralang normal sa Maynila para sa mga kalalakihan.[7]

Sa kasulatang ito ay ipinapakita ang kapangyarihan ng Simbahan sa pag-aaral.


Nasasaad dito na “ang mga kura paroko ang magsisilbing mga tagapamuno sa mga
nasabing paaralan at sila ang magtuturo ng mga doktrinang Kristiyano”. Mapapansin
din na ang edukasyon ay isang pribilehiyo, dahil “matapos ng labinlimang taon mula
ng pagkakatatag ng paaralan sa bawat pamayanan, walang katutubong hindi
marunong magsalita, magbasa, o magsulat ng wikang Kastila ang magiging bahagi
ng principalia, maliban na lamang kung ito ay kanilang namana”.[8]

Itinatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo, sa pamumuno ni Aguinaldo, ang Burgos


Institute sa Malolos, ang Military Academy ng Malolos, at ang Literary University of the
Philippines. Sa ilalim ng Konstitusyong Malolos, pinagtibay ang isang sistema ng
paaralang elementarya na walang bayad.[9] Sa kasalukuyang Konstitusyon,
binibigyang-diin ang katungkulan ng Estado sa pagbibigay ng magandang uri ng
edukasyon para sa mga mamamayan.[10] Noong 2001, pinagtibay ng Kongreso ang
batas na naglalayon na lahat ng kabataang Pilipino ay may karapatan sa edukasyon
sa mababa at mataas na paaralan nang walang bayad. Sinasabi rin dito na ang
Estado ay bibigyang-daan ang mga lokal na namumuno sa pagpapabuti ng kalidad
ng edukasyon.[11]

Isinulat ni Rizal sa La Instruccion na mas kinakailangan ang isang taong masipag at


nagmamahal sa kanyang kapwa kaysa isang palagiang nagdarasal nang hindi
naiintindihan ang kaniyang sinasabi. Mas mainam na palitan ang mga librong tungkol
sa mga moral at ang ibigay sa isang bata ay ang mga libro tungkol sa kasaysayan at
heograpiya ng Pilipinas at mga kasulatan tungkol sa pagsasaka, na nakasulat sa
wikang kanyang naiintindihan, dahil karamihan ng mga Pilipino ay nabubuhay sa
pagsasaka. Kahit na ang payak na pamamaraang ito ay sapat na upang ipaalam
ang kahalagahan ng edukasyon at ng pag-unlad.[4,12] Sinabi niya sa “Sobre de la
Indolencia del Filipino” na ginamit ang edukasyon para maliitin ang mga Pilipino.
Tinuturuan sila upang maging matiisin at sundin ang mga prayle.[4]

Naghangad si Rizal ng isang “Colegio Moderno” para sa mga kabataang


kalalakihan at gumawa ng mga paksang ituturo: matematika, kasaysayan, wikang
dayuhan (kasama na ang Intsik), sining (pagkanta, pagguhit at pagsayaw), at
palakasan (gymnastics, eskrima, paglangoy, at pangangabayo). Naglalayon siyang
ang ituturo sa paaralang ito ay ang mga moral, pag-aaral sa mga relihiyon, natural
law, civil law, deportment, at kalinisan ng pangangatawan. Ayon kay Rizal, “dapat ang
paaralan ay nagbibigay ng mga pagpipilian, na kung saan ang mga mag-aaral ay
ang maghahanap ng kaniyang sariling daan para sa magandang kinabukasan”.[4]

Hanggang sa kasalukuyang panahon, ang nilalaman ng sistema ng edukasyon sa


Pilipinas ay hindi nagbabago. Ang katungkulan ng pamahalaan sa edukasyon bilang
tagapagbigay ng kaalaman sa mamamayan upang ito’y magamit sa pag-unlad ng
bayan ay napalitan ng pagbibigay ng tugon sa kakulangan ng manggagawa sa
ibang bansa.[13]Masasabi nating bigo pa rin ang pamahalaan upang tugunan ang
tungkulin nito sa edukasyon ng mamamayan. Ang nilalaman ng Educational Decree of
1863 noong panahon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa RA 9155 sa
kasalukuyan ay nananatiling hindi pa rin naisasakatuparan. Maraming mga kabataan
ang hindi nakakapag-aral. May 84.41% lamang ng kabuuan ang nakakapag-aral sa
elementarya samantalang 58.20% naman sa sekundarya ang nakakapasok sa mga
paaralan; 267 barangay ang walang mababang paaralan, habang apat na bayan
ang wala pang mataas na paaralan.[14]

Nakalipas na ang isandaang taon, ngunit ang mga hangarin ni Rizal noong ika-19
siglo ay nananatili pa rin magpahanggang-ngayon.

6. Ipaliwanag ang panlipunang hustisya at panlipunang pagbabago sa konteksto ng


mga uri mula sa Rebolusyong 1896 (ika-19 na siglo) hanggang sa pormula ng
panlipunang pagbabago ni Amado Guerrero (sa kontemporaryong panahon).

Noong 1970, inilathala ni Amado Guerrero (Jose Ma. Sison) ang kaniyang
akdang Philippine Society and Revolution (Lipunang Pilipino at Rebolusyon).
Inilalarawan niya rito ang pagkakapareho ng kalagayan ng mga mamamayan sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila at sa kasalukuyang panahon. Ayon sa kaniya,
“ang Pilipinas ay isang semi-piyudal at semi-kolonyal na lipunan”.[2]

Ang piyudalismo ay sistemang panlipunan na ang pangunahing paraan ng


pamumuhay ay pagsasaka; ang pang-aalipin ay hindi na makikita sa lipunang ito
ngunit ang mga magsasaka ay nakatali sa lupa sa isang katulad na pamamaraan; at
ang maykapangyarihan ay iilan at namumuno sa pamamagitan ng paggamit ng mga
hukbo.[15] Ang kolonyalismo naman ay isang gawaing pang-aalila ng isang grupo sa
iba. Karaniwang sinasabi na ito ay kasingkahulugan ng imperyalismo. Ngunit sa
kolonyalismo ay nagkakaroon ng isang malaking komunidad ng mga mananakop sa
isang lugar na kanilang sinasakupan, habang ang isang imperyalistang bansa ay
namumuno sa iba kahit na wala itong komunidad sa lugar na kaniyang sinasakop.[16]

Ang mga mananakop na Kastila ay hinati ang Pilipinas sa mga encomienda. Ito ay
mga malalawak na lupain na iginagawad sa mga namumuno at sa mga prayle bilang
pabuya sa kanilang pagpapasunod sa mga katutubo. Ang
mga encomiendero (pinuno ng encomienda) ay naniningil ng buwis, nagtatag ng
mga sariling hukbo, at nang-alipin ng mga katutubo bilang manggagawa sa kanilang
mga lupain. Kanila ring ninanakaw ang mga karatig-lupain na pagmamay-ari ng
karaniwang mamamayan. Ang lipunan sa panahon na iyon ay pinamumunuan ng
mga panginoong maylupa, habang ang mga karaniwang mamamayan, malaya man
o hindi, ay naipasailalim sa kanilang kapangyarihan.

Ang paglago ng kalakalan ng Espanya sa ibang bansa ay nagtulak sa


pagiging commodity economy ng bansa. Pinalawig nila ang pananamantala sa mga
mamamayan sa pamamagitan ng hacienda system, pagnanakaw ng mga lupain, at
pagtataas ng singil ng buwis. Sa pamamagitan ng mga monopolyo ay nadiktahan nila
ang mga halaga ng mga pananim, na lalong nagpahirap sa mga magsasaka at
nagpayaman sa mga haciendero. Ang ibang mga principalia ay nagkaroon din ng
bahagi sa kayamanan na nakamit ng mga maylupa. Sila ay nagkaroon ng sariling
lupain o kaya nama’y naging mga taga-upa ng mga nasabing lupain. Dumami rin ang
mga ilustrado o mga nakapag-aral sa hanay ng mga indio.

Ngunit, kahit na ang dumaranas ng matinding pananamantala sa panahon ng


pananakop ay ang masa, hindi pa rin ganap na naging malaya ang
mga principalia. Naging kabahagi rin sila sa pagpapahirap sa masa, pero sila rin ay
ginipit ng mga prayle at ng mga namumuno. Dahil dito, may mga ilustrado na
nagtungo sa Espanya upang ihayag ang kanilang hangarin na gawing isang probinsya
ang Pilipinas. Nanawagan sila ng reporma, ng kinatawan ng Pilipinas
sa Cortes (parlamento), at mga karapatang kapantay sa mga Espanyol. Nang hindi
pinagbigyan ang kanilang mga kahilingan at hinuli at ipinatapon si Rizal sa Dapitan,
pinamunuan ni Bonifacio ang Rebolusyon ng 1896 para sa kasarinlan.

Hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin ang ganitong pagkakahati ng mga uri,


bagaman may mga kaunting pagbabago. Ayon kay Guerrero, nahahati ang lipunang
Pilipino sa mga sumusunod na uri: ang panginoong maylupa, mga burgis,
mga magsasaka, at mga manggagawa. Tulad noong panahon sa ilalim nga mga
Kastila, ang mga kabilang sa uri ng panginoong maylupa ay ang mga may-ari ng mga
malalawak na lupain. Hindi sila kasali sa paggawa at kumikita sila sa pamamagitan ng
pagsingil ng paupa sa kanilang mga lupa.

Ang mga burgis ay nahahati sa tatlong uri: mga comprador, ang panggitnang uri,
at ang petty na uri. Ang mga comprador ay ang pinakamayayaman at nananaig sa
kasalukuyang sistema ng pulitika sa bansa. Ang mga panggitna ay mga
mangangalakal na naghahangad ng “nationalist industrialization”. Kadalasan, sila’y
inaapi ng mga mas matataas na uri, ngunit ang iba nama’y nakikisama sa mga ito
dahil sila’y natatakot sa pananaig ng mga mas mabababang uri. Ang mga petty ay
ang pinakamababang uri at pinakamarami sa mga burgis. Kabilang sa kanila ang mga
guro, kabataang mag-aaral, atbp. Nahahati rin ito sa mataas, gitna, at mababang uri.

Ang mga magsasaka ay binubuo ng halos 75% ng mamamayang Pilipino. Sila ang
pinakamalaking bahagi ng ekonomiya ng bansa. Nahahati sila sa tatlong uri: mga
mayayaman, panggitna, at mahihirap. Ang mga manggagawa naman ay bumubuo
ng halos 15% ng mamamayang Pilipino. Sila ay kadalasang inaapi at binibigyan ng
mabibigat na trabaho para lumaki ang kita ng mga kumpanya, kaya lamang ay hindi
sapat ang kanilang mga natatanggap na suweldo.

Ayon kay Guerrero, rebolusyong agraryo ang kinakailangan upang sirain ang
imperyalismo at piyudalismo sa bansa. Aniya, ito ang sisira sa ugnayan ng imperyalismo
at piyudalismo at magtatanggal ng nito. Ngunit sa ngayon, hindi pa nakakamit ang
tunay na reporma sa lupa. Ang hangaring ipamahagi sa mga magsasaka ang lupa
mula sa mga may-ari nito ay hindi pa naisasakatuparan hanggang sa ngayon. Ang
“leasehold” agreement na kalimitang ginagawa ay pinipilit ang magsasaka na
gastusan ang halos lahat ng bayarin para sa pagsasaka. Hindi nito tinatanggal ang
paupa sa lupa, bagkus ay naiba lamang ang katawagan.

Para sa rebolusyon, kailangan ng pag-suporta ng mamamayan upang ito ay


magwagi. Sa paraang ito, ang mga magsasaka at mga manggagawa ang
pinakamaaasahan. Ang mga magsasaka ay ang pinakamarami at pinakainaapi sa
piyudalismong lipunan, habang ang mga manggagawa ay pinaka-organisado at
disiplinado. Sa mga burgis, ang mga panggitna ay nahahati sa dalawa. May mga
naaapi na maaaring kasama sa rebolusyon habang may mga sumasali naman sa
kontra-rebolusyon dahil sa takot nila sa masa at sa ugnayan nila sa mga comprador.
Ang mga petty ay isa sa pinakamahalagang bahagi dahil sila ay ang mga nakapag-
aral at kritikal sa mga pangyayari. Ang mga kabataang mag-aaral ay malaking
puwersa upang mapalaganap ang propaganda.