Вы находитесь на странице: 1из 30

PAGSULAT NG LATHALAIN

Sinulat at sinipi ni:


RHEANEL ESQUEJO-SARMIENTO

P a g e 1 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

SANAYANG AKLAT sa PAGSUSULAT NG LATHALAIN (Feature Writing)

Panimula

Ang sanayang aklat na ito ay naglalaman ng ilan at piling impormasyon, mga


panuntunan, ilang payo at halimbawa ng mga lathalain upang hasain ang mga manunulat na
Novo Vizcayano.
Ito ay:
1. sanayang-aklat ng mga manunulat ng lathalain bilang paghahanda sa
Regional Schools Press Conference;
2. upang mapagtibay ang koneksyon ng gurong tigapagsanay at batang
manunulat sa larangan ng dyornalismo; at
3. magbigay ng komprehensibo at mas pinalawak na pagsasanay ng guro at
manunulat sa kanilang sariling time-table na hindi naaantala ang iba pang
asignatura.

Idinisenyo itong gamitin sa loob ng 40-araw na pagsasanay sa paaralan, na isa naman


sa mga inobatiba ng Curriculum Implementation Division (CID)-Nueva Vizcaya upang
maihanda ang mga manunulat para sa RSPC.

P a g e 2 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

User’s Guide

This workbook will be utilized purposively as a review material for the fourteen (14)
elementary and high school qualifiers to the Regional Schools Press Conference (RSPC) in
Feature Writing-Filipino.
It is being handed to the coaches/advisers who shall take charge of the in-campus
enhancement and review. It contains lesson guides, winning tips, samples, and series of
developmentally sequenced activities.
One (1) activity/task is allotted for a feature writer to accomplish on a daily basis.
Example and Activity No. 1, for instance, will be accomplished in Day 1 of the given review
period. The next day, the workbook developer will provide the coaches/advisers the key to
correction and/or possible write-ups which will serve as the basis of the latter in checking and
mentoring the journalists. Such process will be observed and monitored by the Education
Program Supervisors (EPSs) in Filipino and English within given schedule.
After the review period, this module shall be returned to the developer for safekeeping
and storage purposes. Hence, each adviser/coach may reproduce it for the reviewee’s
consumption.

Disclaimer: The contents of the workbook are combinations of original crafts of the developer,
downloaded from reliable sources, and copied from published materials. The workbook
compiler has no intention for any monetary benefits and/or personal interest from it.

P a g e 3 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

PAGSUSULAT NG LATHALAIN (Feature Writing)


Balitang may puso ang lathalain. Kung sa pagsusulat ng balita ay may kalansay na
sinusundan, sa pagsulat ng lathalain kasali pati ang laman at dugo na maaring magpatawa,
magpaiyak, magpalungkot, manakot o anu pa mang emosyon na nais iparating ng
manunulat.

Hindi nakabilanggo ang manunulat nito. Ito ay malaya, maluwag at may sariling istilo
na hindi nakakahon. Alinmang istilo ng pagsusulat ay katanggap-tanggap, pinakamahalaga
dito ang pagpapatingkad ng emosyon.

Kaya ano pang hinihintay mo? Lumabas ka sa iyong kahon at sumulat ng mga
lathalain na siguradong tatatak sa puso ng iyong mambabasa.

Kahalagahan

Ito ay isang espesyal na balita na nakalathalang din sa malaking bahagi ng bawat


pahayagan. Kaiba ito sa tuwirang balita na mga kaganapan lamang ng pangyayari ang
tinatalakay. Binibigyang pagkakataon ang daloy ng kaisipan at opinyon, pati na ang panunuri
at mga interpretasyon ng mga pangyayari.

Mga Katangian

Inilalahad ayon sa pagkakasunud-sunod ang katotohanan ng mga pangyayari at ang


mga kaganapan sa likod nito upang matagumpay itong maunawaan, masuri at maipaliwanag
sa mga mambabasa.

Katangian ng lathalain

1. Walang tiyak na haba

2. Pinakamalaya sa lahat ng uri ng pamahayagang artikulo

3. Batay sa katotohanan

4. Gumagamit ng makabagong pamatnubay

5. Nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan

6. May panimula, katawan at wakas

7.Timeless

8. May kaisahan (Unity)

9. Kaugnayan (Coherence)

10. May Kawilihan (Interest)

P a g e 4 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

Katangian ng isang taong nais sumulat ng lathalain

1. Malikhain

2. May interes at mahilig magtanong

3. Mahilig magbasa

Katuturan

Ang lathalain ay isang uri ng pag-uulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari


batay sa pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at isinusulat sa paraang kawili-wili.

Layunin ng Lathalain

Ang lathalain ay may apat na layunin:

1. magpabatid

2. magturo

3. magpayo

4. manlibang

BAHAGI NG LATHALAIN

A. Title o Pamagat

B. Introduction o Panimula

C. Body o Katawan

D. Conclusion o Wakas

A. Uri ng mga Pamagat (Title)

A.1. Katanungan

“Bakla, Bakla, Paano ka Ginawa?” Ni: Edgar Portalan

A.2. Isang Kataga o Salita

“Timang” Ni: J. R. Basa

A.3. Isang Parilala

“Brusko Pink” Ni: Edgar Portalan

P a g e 5 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

A.4. Deskripsyon

“Mahabang Mahabang Mahaba” Ni: Genaro Gojo Cruz

A.5. Isang Pangungusap


“Ang Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsa-Zsa Zaturna”
Ni: Carlos Vergara

A.6. Isang Simbolismo

“Isang Dekada ng Putik” Ni: J. R. Basa

A.7. Inday Style

“http://www.com.ph” Ni: J. R. Basa

B. Uri ng Panimula

B.1. Stakato Style


Mabilis na pagtibok ng puso, nakakakaba, nakakatorete …
Ganyan ko mailalarawan ang pakiramdam ng unang pagtibok ng puso.

B.2. Isang Awitin


“ If I could have One final walk One final Dance One final chance with you I play a song
that would never ever end How I love to dance with my father again… “
Paulit-ulit na tunog ang naririnig ko mula sa munting stereo na malapit sa kama ko.

B.3. Isang Sulat

Dear Ate Charo, Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Imbeng. Sumulat ako upang
ipagbigay alam sa inyo ang aking karanasan sa nagdaang bagyong Yolanda.

B.4. Isang Salitaan

Julius: Nakita ko! Naramdaman ko! Totoo sila! Precious: Ako man! Masasabi kong
totoo ang iyong sinasabi. Ngunit, paano natin sila mapapaniwala?

B.5. Isang Kasabihan

“Love is the best feeling in the world.” Ito ang pinapaniwalaan ko nung bata pa ako…
Ngunit dahil sa aking naging mga karanasan, masasabi kong mali pala… Kaasar, hindi
naman totoo.

B.6. Inday Style

09365460985: wer na u? d2 na q.

09352178990: zan kb? Bk8 hnd kta mkita?

Hayst! Ang hirap talaga katext ng isang jejemon! Lagi na lang kaming ganito.

P a g e 6 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

C. Maaaring Pagkunan ng Nilalaman

C.1. Karanasan

Ang karanasan ng isang tao ay hindi ang naganap na pangyayari sa kanya kundi kung
ano ang ginawa niya sa pangyayari sa kanyang buhay upang siya’y magtagumpay na
malutas ang kanyang suliranin.

C.2. Pakikipanayam

* Cassandra Complex

* Huwag makipagdebate sa taong kinapapanayaman

* Ang pakikipanayam ay pagkuha ng impormasyon

* Maging propesyonal

C.3. Pagbabasa mga aklat, magasin, diskyonaryo, encyclopedia, lathalain at mga


katipunang tomo.

D. Pangwakas (Conclusion)

* Tandaan na dapat ay may maiwan kang tatak sa mga mambabasa!

1. Buod ng buong artikulo (Summary of the Whole Article Halimbawa: Makinig ka sa mga
dalubhasa; ang paninigarilyo ay lubahang masama sa kalusugan. Maaaring maturingan kang
tunay na lalaki dahil sa paninigarilyo mo, subalit hindi tatagal ang buhay mo upang
mapatunayan mo ang iyong pagkalalaki.

31. 2. Pahayag ng pinakamahalagang bahagi sa kauna-unahang pagkakataon (An


announcement of the main Point for the First Time) Halimbawa: Kaya ang pinakamahalagang
bahagi ng kaunlarang pakikipagtalastasan ay ang paglinang ng kagandahang asal, lalung-lalo
na ng disiplinang pansarili at ng makataong pag-uugali.

32. 3. Katanungang nabuo sa kaisipan ng mambabasa (A Questions Left in the Reader’s


Mind) Halimbawa: Ang kamay ng makabagong Pilipino ay handang marumihan. Pinaiikot niya
ang gulong ng pangkaunlaran. Iwina-wagayway niya ang bandila ng kalayaan—kalayaan
laban sa paghihikahos, at kalayaan laban sa kamang-mangan. Ikaw ba’y may ganitong uri ng
mga kamay?

33. 4. Mungkahing ukol sa kahihinatnan (Suggested Results or Significance) Halimbawa:


Pahalagahan natin ang mga gubat kung nais iligtas sa kapahamakan ang ating bansa, likha
ng mga pagbaha at tagtuyot.

34. 5. Isang porkast o hula ( A Forecast or Prophecy) Halimbawa: Anim at kalahating dantaon
mula ngayon, kung hindi masusugpo ang dami ng tao, wala nang matitirang pagtamnan ng
ano mang uri ng halaman. Ang lahat ng lupa ay gagamitin ng tao sa ibang bagay maliban sa
pagtatanim. Dahil sa kagutuman, sila-sila ay magpapatayan at maglalamunan na parang mga
hayop.

P a g e 7 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

35. 6. Pag-uulit ng panimula (Repetition of the Introduction) Halimbawa: Nang siya’y tinanong
kung siya’y may kaalaman o karanasan sa potograpiya, ang sagot ni Domingo Layson, “Ako’y
natututo habang kumikita at kumikita habang natututo.”

36. 7. Pag-uulit ng mga salita sa Pamagat(Repetition of the words found in the title or of the
title itself) Halimbawa: Paglipas ng apat na taon bilang isang utusan sa araw at isa namang
masipag na mag-aaral sa gabi, nagtapos din sa pag- aaral si Danilo Marcelo sa Mataas na
Paaralang Lakandula kung saan niya nakamit ang karangalang salutatoryan.

37. 8. Isang Angkop na Sinipi (An Appropriate Quotation) Halimbawa: Hindi pinabulaanan ni
Melchor ang kanyang karalitaan. At nang tanungin siya kung bakit niya ibinigay ang kanyang
kaisa-isang piso sa pulubi, sinipi niya si “Tennyson sa tulang “The Vision of Sir Launfal” at sa
wikang Ingles: “Not what we give but what we share For the gift without the giver is bare, Who
gives himself with his alms feeds three Himself, his hungering neighbor an

PROSESO SA PAGSULAT NG LATHALAIN

Paghahanda

Kailangang batid ng manunulat kung ano ang kanyang isusulat. Kailangang may
malawak na kaisipan at ang paksa ay malapit sa puso ng mga mambabasa.

Ang pagpili ng paksa ay bahagi rin ng paghahanda sa pagsulat. Ito ang nagbibigay ng
disenyo sa balangkas ng mga pangyayari na nais buhayin.

Sa pahayagang pampaaralan, karaniwang itinatampok ang mga isyung nasyonal na


may kinalaman sa mga mag-aaral.

Pananaliksik at Pangangalap ng Datos

Kinakailangang humanap ng mga kasagutan sa mga katanungan ang isang manunulat


ng lathalain. Kailangan niyang manaliksik hinggil sa mga paksa at damhin ang damdamin ng
mga mamamayan at hanapin ang landas upang matagpuan ang tunay na mundo.

Isang mahalagang pagmumulan ng katotohanan ay ang mga sariwang impormasyon,


bago magsagawa ng interbyu, kailangang magsakatuparan ng pananaliksik hinggil sa taong
kakapanayamin upang hindi magkamali o makaligtaaan ang mga pangyayari na may
kinalaman sa paksa.

Mahalagang sangkap ang pananaliksik sapagkat dito nakasalalay ang kakayahan ng


manunulat na kumuha ng mga patunay. Kailangang siya may masistema sa pananaliksik
sapagkat mahalaga ang mga tala upang madali ang pagsasaayos ng mga iyon. Ito ay
makatutulong nang malaki sa pagbuo ng pahayag.

URI NG LATHALAIN

1. Lathalaing Pabalita (News Feature) – Ang lathalaing ito ay batay sa isang balitang
nakapupukaw ng damdamin. Pinalalawak sa uring ito ang bahagi ng balita na ang mga
pangyayari ay di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha na
nakapagbibigay kaalaman at kawilihan sa mambabasa.

P a g e 8 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

2. Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature) – Ang pinapaksa sa uring ito ay


ang kasaysayan ng tao, bagay o lunan.

3. Lathalaing Interbyu (Interview Feature) – Ang pinapaksa rito ay ang kuru-kuro at


kaisipan ng isang kilalang tao na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.

4. Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature) – Naglalahad ng kapaki-


pakinabang na ulat, naghahatid ng kaalaman at karunungan na may layuning magturo.

5. Lathalaing Pangkatauhan (Personality or Character Feature) – Inilalarawan dito


ang mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain, patakaran sa buhay at
dahilan ng kanilang tagumpay.

6. Lathalaing Pangkaranasan (Adventure Feature) – Ang lathalaing ito ay nauukol


sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ng ibang tao ayon sa
pagkakasalaysay.

Mga Karaniwang Paksang Ginagamit sa Pagsulat ng Lathalain

1. Paglalarawan ng isang tanawin o pook, tao o pangyayari

2. Karanasan o pakikipagsapalaran ng isang tao

3. Pangkasaysayan

4. Panggawain ( How-to-do and What-to-do Articles)

5. Pangkatauhan (personality sketch)

6. Salaysay – tulad ng kawili-wiling kuwento o sanaysay

7. Pangkaunlarang lathalain

P a g e 9 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

MGA HALIMBAWA NG LATHALAIN

Lathalaing Pansariling Karanasan (Dugay, Lailah M.)

Paaralan. Bahay. . . Paaralan. Bahay. . .

Ganito ako nabuhay simula noong ako’y elementarya hanggang sekondarya, hindi
marunong makahalubilo sa iba. Kaya nga tawag nila sa akin “taong bahay” at sa paaralan
kalimitan akong nakikitang tahimik at nag-iisa. Pero hindi talaga ako ganoon.

Isa akong madaldal at bungangerang tao. Kaya maraming nagtataka kung bakit
minsan tahimik ako kasi nga hindi ko sila kilala. Nakakatawa nga kung minsan, hindi ako kilala
ng tao lalo ang aming mga kamag-anak pero minsan masakit din sa aking kalooban na
pakinggan ang mga iyon.

Sa totoo lang, sa aming magkakapatid ako lang ang hindi kakilala ng aming mga
kamag-anak at hindi ko rin sila kilala. Minsan nga, maraming tumatawag ng “insan” sa akin
pero hindi ko sila pinapansin kasi hindi ko naman sila kilala.

Tama, mayroon man kaming reunion, kasal at kaarawan subalit hindi ako sumasama
sa aking mga magulang. Pero simula nang ako’y naihiwalay sa aking mga magulang at
nagpatuloy ng pag-aaral dito sa lungsod ng Baguio, marami akong natutuhan at nalaman sa
aking sarili.

Natuto akong mabuhay mag-isa at makisama sa ibang mga kultura kahit kung minsan
mahirap silang pakisamahan. Ang dating nag-iisa, marami ng kaibigang nasasandalan at
nagbibigay kasiyahan sa oras ng lumbay.

Talaga namang “No man is an island”. Ang dating hindi kilalang tao, marami nang
pumapansin. Ang pagiging masayahin kong tao ay naibabahagi ko na sa iba, isang daan
upang magkaroon pa ng maraming kaibigan.

Minsan nga, hindi ko na pinapansin ang dating mga kaibigan kung sila’y nagmessage
sa facebook pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil hanggang ngayon andyan pa rin sila.
Pero dito mo masusukat ang tunay na kaibigan.

Napakahalaga pala ang presensya ng iba dahil sila humuhubog ang iyong pagkatao.
Dito mo malalaman kung sino kang tao. Kung ano ang halaga mo sa kanila at halaga nila sa
iyo.

Lathalaing Pangkasaysayan (Bautista, KB Mar)

Matapos ang walong taon ay muling pumili ang bansang Estados Unidos ng bagong
pinuno na magbibigay ng panibagong karanasan at kasaysayan ng daigdig.

Bagong pinuno, bagong pamumuno at pamamalakad.

May mga natutuwa, sumusuporta at mayroon ding nagagalit, nadidismaya, at


nalulungkot sa pagkapanalo niya.

Maraming hindi magandang komento ang naririning at nababasa sa maraming


pahayagan tungkol sa kanyang pagkatao ngunit marami rin ang umaasa sa pagbabago, pag-
unlad at patuloy na pag-angat ng Estados Unidos sa tulong ng kanyang pamumuno.

P a g e 10 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

Ang pagkakapanalo ni Trump ay maaaring maging hudyat ng kasarinlan o di kaya’y


maging hudyat ng himagsikan ng iba’t ibang bansa.

Lathalaing Pansariling Karanasan (Bautista, KB Mar)

Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya? Ano kaya ang pwede naming mapag-usapan?

Yan lagi ang mga tanong na pumapasok saking isipan sa tuwing nakikihalubilo ako sa
ibang tao.

Ako yung tipo ng tao na bihirang makipagusap sa iba pwera nalang kung matagal na
kitang kakilala, kababata, kamag-anak o pamilya.

Minsan ay nasabihan narin akong suplado dahil nga hindi naman ako pala kibo di tulad
ng iba. Sa tingin ko ay mas nasanay kasi akong mag-isa.

Dalawa lang kaming magkapatid kaya kadalasan wala akong mapagsabihan ng aking
saloobin o kakuwentuhan, buti nalang ay nariyan ang barkada, kasama sa kalokohan,
kakulitan, katawanan, at minsan kasamang lumabas.

Para sakin ay hindi naman masama kung nag-iisa ka dahil sa mga panahong iko’y
mag-isa ay mas nauunawaan ko ang mga bagay bagay sa aking paligid at ang mga taong
nakapaligid sakin.

Lathalaing Pangkasaysayan (Dalere, Sarena Jane S.)

Ang Bayan ng Santo Tomas ay isang ika-5 klaseng bayan sa lalawigan ng


Pangasinan.

Binubuo ito ng 10 barangay ito ay ang Barangay La Luna , Poblacion East ,Poblacion
West , Salvacion ,San Agustin , San Antonio , San Jose , San Marcos , Santo Domingo at
Santo Niño.

Mayroon ding pinagdiriwang festival ang bayan ng Sto. Tomas. Ito ay ang Mais
Festival na pinagdiriwang tuwing buwan ng Marso , at noong Marso 2008 ay nasungkit ang
kauna unahang titulo na Guinness World Records certificate for longest barbecue laban sa
Montevideo, Uruguay.

Kung kayat nakagawian na ng taga Sto Tomas na ipagdiwang ito at isa rin itong papuri
para kay St. Thomas Aquinas dahil sa magandang ani ng mga palay at mais .

Lathalaing pansariling karanasan (Dalere, Sarena Jane S.)

Bawat taon ang pinakahihintay ay ang araw ng pasko dahil ito ay masaya.

Lahat ay kompleto kasama ang buong pamilya ngunit ito ang hindi ko pa nararanasan
-ang mabuo ang pamilya sa araw ng pasko.

Palaging nasa malayo si papa tuwing araw ng pasko. Wala kaming magagawa dahil
kailangan niyang kumayod para mapag-aral kami. Kinakaya niya lahat ng lungkot at mga
pagsubok. Ganoon din sa amin na kinakaya namin ang lahat.

P a g e 11 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

Gustuhin man namin siyang umuwi, kaso mahirap dahil na rin sa mahal ang pamasahe
pauwi. Tinitiis namin ang lahat kahit gustong gusto na naming siyang makasama, kung kaya’t
ang tanging hiling ko sa darating na pasko ay makasama namin siya.

Lathalaing Pabalita (Nathalie K. Roman)

Pagpropropose sa gitna ng daan, nakakakilig o nakakainis?

Lahat naman tayo kahit hindi natin aminin ay kinikilig kapag may namamataan tayong
nagpropose sa harap ng maraming tao. Sa Park, sa coffee shop, sa foodcourt at sa restaurant.
Pero nakarinig ka na ba ng isang marriage proposal sa gitna ng daan?

Sa isang kalsada sa Maynila ay natunghayan ng marami ang pagtigil ng isang


magkasintahan sa gitna ng kalsada dahil umano’y naubusan sila ng gasolina.

May lumapit na dalawang MMDA traffic enforcer at habang nakikipag usap ang lalaki
sa MMDA traffic enforcer ay bigla na lamang silang pinalibutan ng mga lalaking
nakamotorsiklo at patuloy lamang sila sa pag-ikot hanggang sa bigla na lamang lumuhod ang
lalaki sa gitna kaharap ang kanyang kasintahan.

Iyon ang naging senyales upang mabatid ng babae na inaalok na siya ng kasal ng
kanyang kasintahan.

Agad naman siyang pumayag at sa labis na tuwa ay nagyakapan ang dalawa kasabay
ng palakpalan ng mga taong nakapanood at pagbusina ng mga motorsiklong pumalibot sa
kanila bago sila umalis.

Marami ang kinilig sa kanila dahil gumawa pa ng pakulo ang lalaki at kinausap niya pa
ang mga MMDA traffic enforcer para doon niya alukin ng kasal ang kasintahan ngunit kasabay
nito ay marami rin ang nainis.

Nainis sila dahil nagdulot lamang ng traffic ang ginawa ng lalaki. Maraming mga
motorist rin ang nagsabing naabala lamang sila sa ginawa ng lalaki.

Patunay lamang ito na hindi sa lahat ng oras ay aayon ang mga bagay bagay para
maging perpekto ang lahat para sa ganitong gawain. Suhestyon ng iba ay sa ibang lugar na
lang sana nila dinaos ang ganitong kaganapan upang hindi sila nakakaabala.

Ayon sa magkasintahan ay wala silang pakialam sa mga negatibong komento sa


kanila ng iba, ang sa lalaki lang ay iyon ang naisip niyang paraan upang ipaalam sa mundo
na mahal na mahal niya ang kanyang kasintahan.

Pangkatauhang Lathalaing Daglit (Nathalie K. Roman)

“Walang Himala, ang himala ay nasa puso ng tao.”

Ito ay isang tanyag na pahayag mula sa pelikulang pinagbidahan ni Nora Aunor.

Sa pelikulang ito ay isa siyang faith healer na pinaniniwalaang nakagagamot ng iba’t


ibang uri ng sakit.

Sa umpisa ng pelikula ay magiliw sa pagtanggap ng mga gagamutin ang bida (Nora


Aunor), ngunit ng nagtagal ay naisipan niyang hindi tama ang kanyang ginagawa. Naniniwala

P a g e 12 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

siyang isang paraan ng panloloko lamang ang kanyang ginagawa kung kaya’t nasambit niya
ang mga pahayag na yaon.

Nais lamang niyang ipabatid sa lahat na ang paniniwalang gagaling ay kailangan


ngunit hindi sapat ito upang gumaling ng lubusan sa sakit.

Kailangan pa rin na magpatingin sa doktor. Hindi sapat ang paghingi ng awa sa Diyos
upang gumaling, kailangan pa rin nating mag-isip at kumilos para sa ating ikagagaling dahil
nariyan lamang ang Diyos upang gabayan tayo.

Pangkatauhang Lathalaing Dagli (Mayames, Vallery)

Kara David, isang pangalang tanyag sa industriya ng broadcasting at newscasting.


Isang babaeng lumaki sa simpleng pamumuhay kahit na mayaman. Masipag, laging
nagsusumikap para sa kaniyang anak, matalino at higit sa lahat makikita sa kaniya ang
pagiging makatao.

Siya ay sikat na manunulat na walang kaarte-arte. Laging nakikisalamuha sa mga


taong mahihirap kahit na madungis pa sila. Handang tumulong sa mahihirap at may malasakit
sa kaniyang kapuwa.

Isa siya sa mga iniidolo ko sapagkat nakikita ko sa kaniya ang pagiging mabuting tao
lalo na’t ginagawa niya lahat ng kaniyang makakaya para lamang maging maganda ang
kalabasan ng kaniyang palabas sa IWitness.

Lathalaing Nagpapabatid (Mayames, Vallery)

Ang global warming o pag-iinit ng ating mundo ay isang isyung dapat nating pagtuunan
ng pansin kung mahal natin ang ating daigdig. Kung mahal natin ang ating bansa, at higit sa
lahat, kung mahal natin ang ating sarili.

Hindi lamang mga lider ng bansa ang dapat na humarap sa mabigat na problemang
ito, kundi ang bawat isa sa atin ay inaasahang tutulong sa paghanap ng kalutasan. Lahat tayo
ay apektado ng pagpapabaya ng bawat isa.

Suriin ang iyong sarili. Itanong mo kung ano ang iyong magagawa. Simulan mo ang
pagkilos. Huwag mo nang hintayin ang iba. Sige na, hanggat may oras pa. Halina at sama-
sama tayong kumilos para sa ikaliligtas ng ating nag-iisang daigdig.

Lathalaing Pangkasaysayan (Grail Diwag)

MANKAYAN

May isang napakalawak na lugar kung saan napapalibutan ng maraming


puno,bulubundukin , marami ring mga pasyalan at tanawin. Ang pook o lugar na ito ay
tinatawag nilang Mankayan.

Bakit nga ba Mankayan?

Noong unang panahon may mga Dayuhang dumayo at pumunta sa isang lugar,dahil
may minahan dito.Isang araw may pinuntahang barangay ang mga dayuhan at di nila alam

P a g e 13 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

kung paano bumalik kaya nagtanong ang isang dayuhan sa isang matanda kung paano sila
makakabalik, tinuro ng matanda ang daan , ngunit hindi naintindihan ng mga dayhan, sabi ng
matanda “bhasta mangkayang kassa” paulit-ulit na sabi ng matanda .Pero ang naintindihan
ng mga dayuhan ay Mankayan.

Kaya mula noon tinawag na Mankayan ang lugar na iyon.

Lathalaing Nagpapabatid (Dugay, Lailah M.)

Benepisyo ng Dark Chocolate sa Utak ng tao

Marami sa atin ang naniniwala sa mabuting dulot ng tsokolate sa ating katawan. Para
sa mga estudyante, ang tsokolate ay nakapagpabuti ng memorya kaya ito ang karaniwang
kinakain tuwing pagsusulit.

Sa pananaliksik ni Deane Alban, ang tsokolate ay nakatutulong sa pagpapalakas ng


kalooban, pinoprotektahan ang utak mula sa pinsala, nagpapabuti ng memorya at
konsentrasyon, binabawasan ang stress at marami pang iba. Alamin natin ang ilan pang
mabuting dulot ng tsokolate.

Ang dark chocolate ay nakapagpasaya.

Ang dark chocolate ay nagpapalakas ng produksyon ng magandang pakiramdam na


tinatawag na Endorphins. Ang endorphins ay may kasamang opiyum receptors sa utak na
humahantong sa mga damdamin na makaramdam ng sobtrang tuwa( euphoria).
Nakababawas din ng sakit at mabawasan ang negatibong epekto ng stress.

Ang dark chocolate ay nagpapabuti sa daloy ng dugo sa utak

Ang bumubuo sa tsokolate ay nakapagpapalakas ng kalooban, attention span,


reaction time, at kasanayan sa paglutas ng problema sa pamamagitan ng pagtaas ng daloy
ng duo sa utak. Ang flavonoids sa tskololate ay ipinapakita upang mapabuti ang daloy ng dugo
sa utak ng mga bata at matanda. Sa isang pag-aaral sa Harvard Medical School, nalaman na
ang pag-inom ng dalawang tasa ng mainit na tsokolate ay nadadagdagan ang daloy ng dugo
sa utak sa 2-3 na oras. Ito ay nakatutulong sa panandaliang memorya at maiwasan ang
mental decline ng may edad.

Ang dark chocolate ay pinoprotektahan ang utak laban sa free radical damage

Ang utak ay gumagamit ng maraming oxygen, humigat-kumulang sa 20%ng kabuuang


paggamit ng katawan. Ang free radicals ay unattached oxygen molecules na maaaring na
nakapipinsala sa cells.

Ang dark chocolate ay nakapagpapabuti sa pag-aaral, memorya, at konsentrasyon

Ang tsokolate ay naglalaman ng flavonoids na nakapagpapabuti sa standardized cognitive


test scores. Ito rin ay naglalaman ng ilang kapeina,isang kilalang brain booster na sa
mababang dosis ay nakapagabubuti ng memorya at konsentrasyon.

Ang dark chocolate ay maaaring makatulong sa pagpapaginhawa ng stress

Ang Magnesium ay mabuti at nakatutulong sa pagrelaks na tinatawag na “original chill


pill”. Ito ay higit na nawawala sa ating mga diets ngunit ang tsokolate ay naglalaman ng
malaking halaga ng mga ito.

P a g e 14 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

Ang dark chocolate ay nakapagpatalino

Sa isang pag-aaral, ang bansang pinakamaraming nakaubos ng tsokolate ay mas


maraming Nobel Prize na matatanggap. Nagpapakita na ang tsokolate ay neuroprotective at
nakapagpapahusay ng brain plasticity.

Ang pag-aaral na ito ay nakapagpapatunay na malaki ang tulong ng tsokolate sa utak


at walang negatibong dulot nito sa katawan ng tao.

May Panahon Pa Kaibigan (Eisa Rene Batallones y Saturno)


Libong taon na ang lumipas, nakintal sa isipan ng lahing kayumanggi ang mga hagupit
at matinding dagok dala ng mga mananakop sa lahing kayumanggi. Naglaho na ang mga
kanyon, at ang mga gatilyo ng baril na pumatay sa daang libong Filipino na nakipaglaban sa
kalayaan ng bayan ay tuluyan ng nagwakas na kalabitin at ngayon ay isa na lamang itong ala-
ala ng panahong lumipas.
Nakamit na ang minimithing kasarinlan ng bansang inanod ng agos ang mga adhikain
at simulain na siya sanang uugit sa mga kabataan tungo sa matagumpay na hinaharap. At
muli itong inumpisahang balangkasin ng matino, maipagmamalaki at higit sa lahat ay may
angking tapang na maipatupad ito ng mga pinunong nilayon ay pangkalahatang tagumpay.
Subalit, tila yata hindi pa ganap ang sinasabing kalayaan. Ano nga ba ang kalayaan?
Kalayaan bang matatawag na magkaroon ng sariling batas na ipinatutupad? Kalayaan bang
mamuhay sa bansa kung naglipana sa bawat sulok nito ang mga taong nagpapahirap sa
sambayanang Filipino? Ang kalayaang inaasam ay tila isang mwtaporika lamang ng
kaganapang naroon na at nakamit na ang kalayaan.
Nilamon ng progresibong kabishanan ang noo’y ayak na pamumuhay. Ang mga
paragos at kariton na batak ng mga kalabaw ay madalang ng nasisilayan. Ang mga karitela
na hila ng kabayo ay mahirap mo ng masumpungan. Ang noo’y tahimik na kapaligiran ay
inalingawngawan ng mga busina ng makabagong sasakyang naggaling sa mga bansang
dumaluhong at nagwasak sa angking kariktan ng luntiang kapaligiran na tila baga winasak ng
isang malakas na delubyo.
Ang silangan at ang kanluran na hinahasikan ng gintong palay ay untiunting ninakaw
ng progresibong pagsulong sa inaakalang ito ang mabisang paraan upang masawata ang
kahirapang tinatagalay. Subalit lingid sa matalinong kapasyahan ang mga ito ay patibong ng
makabagong kabihasnan na kitilin ang kagandahan, payak at matahimik na pamumuhay.
Madalang na ang araro, at isa na lamang itong palamuti sa taklab ng magsasakang
bumungkal ng lupang tinalo na ang lakas ng panahong lumipas. Bumulaga sa ating mga mata
ang mga nagtataasan at naggagandahang gusali na nakatanim kapalit ang luntiang palay na
nagbibigay ng gintong butil na isang biyayang matatawag.
Mayroon pa ba tayong ninanais? Hindi pa ba sapat ang tagumpay na ating nakamit?
Hindi pa ba sapat ang kaalamang nakuha natin sa mga dayuhang pilit nating yinakap ang
kanilang kakanyahan tungo sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng bawat mamamayan? Alin
pa at ano pa ang kulang sa atin? Bakit walang pagsulong? Bakit nananatiling maraming
naghihirap kahit ang kaunlaran ng bansa ay ating nang namamalas? Bakit patuloy ang
kawalang katarungan lalo’t higit sa mga taong mahihirap?
Ako’y nagtataka, nagugulumihanan sa kasalukuyang takbo ng politika sa bayan. Ang
wangis ng isang taong maprensipyo’y isang dalagang may angking alindog na niluray at

P a g e 15 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

pinagsamantalahan ang angkin nitong yumi at kaandahan, di sin sanay ang patas at
makatuwirang laban ang ipairal, ipakita ang maginoon laban, hindi sa buhong at may ganid
na pagnanasa sa kaban ng bayan na pinagyaman ng mga taong ang hangarin ay para sa
pangkalahatan, hindi sa iisang tao lamang.
Lawitan mo ng pag-asa na mabago ang kalakaran, gamitin ng wasto ang aking talino
mo’t isipan upang mapagtagumpayan ang sinusuong na pakikiba sa mga taong dala ay
kapahamakan. Hasikan mo ng pataba ang mga punlang isinurak sa matabang lupa, patabang
manggagaling sa utak ng kamalayan at masaganang kaalamang natutunan sa mga naunang
taong nakibaka na ipaglaban ang karapatang kalayaang mamuhay. Ang pamumuhay ng
patas, tahimik at malayang naisasakatuparan ang minimithing pangarap sa buhay ng may
katiwasayan.
Hamo't mangyaring aking idalangin sa Diyos na Maawain at Mahabagin na ikaw ay
pagpalain. Hindi pa huli kaibigan, may panahon ka pang mag-isip ng tama. May panahon
pa! May panahon pa… kaibigan!

Patawad, Inang Kalikasan (Elisha Evangelista)

“Mahalin at Pangalagaan ang ating Kalikasan.”

Iyan ay isa lamang sa mga linyang binabanggit ng karamihan sa atin ngunit paano
kung sa isang iglap ay ang pinangangalagaan mong kalikasan ay unti-unti na palang
nasisira?Hahayaan na lang ba natin itong tuluyang mangyari?

Pagpuputol ng mga puno, pagsunog sa kagubatan,pagtapon ng mga basura at


kemikal sa ilog at mga usok na nanggagaling sa pabrika at sasakyan—iyan ay ilan lamang
sa mga karaniwang gunagawa nating mga Pilipino na ang hindi natin alam na tayo pala ang
siyang gumagawa ng paraan upang tuluyang masira ang kalikasan at sa simpleng mga bagay
na ito ay mayroon pa lang malaking epekto sa atin. Ang halimbawa nito ay ang pagkakaroon
ng bagyo at lindol na siyang kumikitil sa buhay ng libo-libong mga tao dahil sa ating
pagwawalang bahala at kapabayaan ang hindi natin alam ay ginagantihan na pala tayo ng
kalikasan.

Ni minsan ba naisip natin na kung hindi dahil sa atin ay hindi mangyayari ang ganito
na sa araw-araw ay sinisisi mo ang sarili mo kung bakit marami ang naghihirap dahil lahat ng
ginagawa natin ay siya ring bumabalik sa atin? Sana may paraan pa para maitama natin ang
ating mga mali dahil hindi na natin hahayaan na tuluyan pang masira ito.

Bilang isang kabataan,mag-aaral o kung sino ka o ano man ang antas mo sa buhay
ay sana mapukaw ang inyong mga puso na sa simpleng isinulat kong ito ay makita ng bawat
isa sa atin kung gaano kahalaga ang inang kalikasan. Hindi pa huli ang lahat may magagawa
pa tayo para muling maibalik sa dati ang lahat simulan natin ito sa pagtutulong-tulong at
pagkakaisa sa pamamagitan ng paglilinis at pagtatanim mg mga puno upang sa mga susunod
na henerasyon ay makita nila kung gaano kaganda ang kalikasan. May kasabihan nga tayo
na, “Save the earth before its too late.”

P a g e 16 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

Kabataang Pilipino

Larawan ka ng kasiglahan, ng pag-asa at katatagan. Katatagang ipinagkaloob sa iyo


ng Poong Makapal na dapat mong gamting kalasag sa iyong pagsuong sa mga pagsubok sa
buhay. Lalo mong kailangang gamitin ang tatag ng iyong puso sa pagtupad sa mga
pananagutan mo sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa ating bayan. Sa angkin mong sigla,
maghandog ka ng buo mong makakaya nang walang pag-aalinlangan sa paglilingkod sa iyong
sariling tahanan, sa pamayanang iyong kinabibilangan at sa bayang iyong kinagisnan.

Matagumpay mong maisasakatuparan ito kung patutunayan mong sa pamamagitan


ng iyong tiwala sa sariling talino at kakayahan sa paggawa at paglilingkod ay isa kang di-
maigugupong nilalang na magiging sandigan ng isang matatag at magandang kinabukasan.

Kabataan, supling ka ng lahing Pilipino. Isa kang lahing magiting, masipag, at


marangal. (http://lathalainniana.blogspot.com/)

Nakasalalay sa iyong kamay ang maningning na kinabukasan ng ating bansa.


Kailangang maging mulat at handa ka sa tawag ng mga pangangailangan ng ating bayan
sapagkat may mahalaga kang pananagutan dito. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng
paglilingkod na may kalakip na kasipagan, katapatan, at sariling kapangakuan.

Upang makatulong, panatilihin mo ang kagandahan ng ating bayan. Pangalagaan mo


at pagyamanin ang ating mga likas na yaman at kapaligiran. Maging kabalikat ka sa
pagpapahalaga at pagpapalaganap ng ating kulturang kasasalaminan ng sariling wika, ng
sining, ng mga tradisyon at ng mga katutubong kaugalian. Patunayan mong ikaw ang bagong
kabataang Pilipino na kusang gumagawa at nabubuhaynag marangal; may angking talino sa
pagtatanggol ng sariling karapatan kung ikaw ay nasa matwid. Higit sa lahat, ipagsanggalang
mo ang ating Inang Bayan kung kinakailangan sukdulang ibuwis mo ang sariling buhay.

Ikaw, Kabataan, ay hindi isang pulo sa iyong sarili. Hindi ka maaaring mabuhay nang
nag-iisa. Kailangan mong makisalamuha at makipamuhay sa iyong kapwa, sa kapwa mo
Pilipino at sa ibang mamamayan ng daigdig.

Sa larangan ng karunungan, hanapbuhay, at pagkakalakalan, may mahalaga kang


bahaging dapat isabalikat.

Maging kasangkapan ka ng kapayapaan sa panahong laganap ang hidwaan dahil sa


hindi pagkakaunawaan ng tao sa kapwa tao, ng bansa sa kapwa bansa. Makiisa ka sa
pagpapalaganap ng mabuting pagkakapatiran sa kapwa upang matamo ang katiwasayan,
katahimikan, at kaunlarang pandaigdig. Harapin mo ang katotohanang ang
pinakamahalagang yaman ng isang tao ay ang tatak ng kanyang kabutihan at pag-unawa sa
kahinaan, kapintasan o kahusayan ng iba. Ipamalas mong ikaw ang matibay na buklod ng
pakikipag-ugnayang pambansa`t pandaigdig.

Isang katotohanang di mapasusubalian na lahat ng bagay sa mundo ay maaari nating


makamit ngunit hindi dahil lamang sa sarili nating kakayahan. May isang Makapangyarihan at
Dakila na namamatnugot sa ating buhay, ang Poong Maykapal. Walang mangyayari sa
mundo nang di Niya kalooban o kagustuhan.

Sa pagtahak mo, Kabataan, sa landas ng buhay, kaagapay mo Siya sa pagsuong sa


mga suliranin. Kasama mo Siya at karamay sa lahat ng iyong pagpupunyagi upang
mapaunlad ang iyong sarili, mapabuti ang kalagayan ng iyong tahanan, matulungan ang iyong

P a g e 17 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

kapwa sa oras ng mga pangangailangan at mapaglingkuran ang bayan at daigdig tungo sa


kaunlaran.

Kaya dapat mong matanto ang katotohanang ito. Gawin mong UNA ang Panginoon
sa lahat ng iyong nilalayon at ginagawa. Gaano man kababa ang iyong pangarap sa buhay,
gaano man kaliit ang iyong maitutulong sa kapwa, ialay mo ito sa KANYA bilang tanda ng
iyong tunay na pagmamahal at pagpupuri sa Kanyang Banal Na Pangalan. Gawin mong
pangunahing tunguhin sa iyong buhay ang maging karapat-dapat ka sa kadakilaan ng ating
Panginoon...

Ang Lata (Sebastian Simone N. Flores)

Krak! Krak…

Ang tunog ng malaking lata na natapakan ko habang palutang-lutang sa mababaw


na baha paglabas ko sa aming bahay. Sayang, kalawangin at yupi na, kaya wala ng kuwenta.
Kung hindi lamang sana hinayaang mababad sa baha ay maari ko pang dalhin sa aming
eskwelahan at taniman ng mga halaman.

Lalo pa akong nanghinayang ng makita ko ang kapirasong papel na nakadikit pa rin sa


lata na nagtataglay ng tatak nito. Iyon pa naman mismo ang tatak ng gatas na inihalimbawa
sa amin ng aming guro para taniman ng halaman sa aming narseri.

Bigla akong napaisip kung bakit kaya itinapon na lamang ito ng kung sino man na
bumili at dating may-ari nito. Naalala ko tuloy ang kuwento ng Nanay ko kung gaano siya
kahirap na maibili ako ng kahit na maliit lamang na lata ng gatas na iyon, upang aking mainom
noong sanggol pa ako. Dahil sa kamahalan , madalas daw ay “am” o sabaw ng sinaing lamang
ang pinaiinom sa akin noon.

Hindi nga kaya naisip ng dating may-ari nito na ang latang itinapon niya na walang
kuwenta para sa kanya ay maaring may malaking pakinabang sa iba? Ang ibang bata kasi sa
lansangan ay madalas kong makita na ginagawa itong tambol habang umaawit at nagka-
carolling upang kumita ng ilang piso pantawid ng kanilang gutom.

Samantala, si Kapitan Jose naman sa aming barangay, kailan lamang ay itinanghal


na pinakamahusay na Kapitan ng Lungsod dahil sa kanyang inobasyon sa patimpalak sa
“Hardin ng Barangay” gamit ang mga lata na ginawan niya ng iba’t-ibang disenyo ay tinaniman
ng mga makukulay na halaman na dati ay hindi naman tumutubo sa aming barangay.

Talagang nakapanghihinayang na makakita ng mga bagay sa ating paligid na maari


naman sanang i-recycle at mapakinabangan pang muli sa ibang paraan ngunit hinayaan
lamang ng iba na masira, matambak at tuluyang mawalan ng kuwenta o silbi. Nakatulong pa
sana tayo sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran at marahil ay naiwasan pa natin
ang pagbabaha na kadalasang nangyayari tuwing tag-ulan.Kadalasan din kasi ang ma basura
ang bumabara sa mga tulay at estero.

Ilang taon na rin ang nakalipas ng gumuho ang Payatas Dumpsite kung saan maraming
buhay ang kinitil n gating pagtatambak at kapabayaan ng labis na basurang mga walang
kuwenta sa atin. Walang kuwenta dahil hindi tayo maparaan at hindi pinahahalagahan ang
mga bagay na minsan ay nagkaroon ng kapakinabangan sa atin.

Ang tunog ng malaking lata na natapakan ko habang palutang-lutang sa mababaw na


baha sa labas ng aming bahay ay tila dagundong na gumising sa aking kaisipan upang bigyan
ng higit na halaga ang mga bagay na kadalasang nagiging walang kuwenta at kinakalat lang

P a g e 18 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

natin sa ating paligid. Panahon na upang matuto tayo sa mga nakaraang trahedya na idinulot
ng ating kapabayaan.

Pahalagahan na natin ang mga simpleng bagay na nakamit natin dahil sa ating
pagsisikap, tulad ng isang lata ng gatas na nabili ni Nanay dahil sa kanyang pagsusumikap.
Itatambak na lamang ba natin ito matapos maubos ang laman at mapakinabangan?Hahayaan
na lamang bang lumutang sa baha at maging isang walang silbing lata?

Ang ABCD ni Nanay at Tatay (Isinalin sa Wikang Tagalog ni: Cristy R. delos Santos)

Walo kaming magkakapatid at ni isa, walang nagpre-school. Hindi ko na naabutan


yung panahon na pwede ka ng mag grade 1 kung kaya mo ng abutin ng kanang kamay ang
kaliwang tenga mo. Kasi naaalala ko, para makapasok ng grade 1, dapat ay kaya mo ng isulat
ang alphabet at ang pangalan mo.

Totoo nga, napaka importante ang pangalan, unang araw ko kasi sa grade 1, iyak ako
ng iyak, hindi ko naiintindihan ang mga pinaggagagawa namin. Gusto ko ng umuwi at for the
first time, gusto ko ng matulog sa tanghali. Uuwi ako at matutulog na lang kahit dati ay ayaw
ko.

Sabi ng teacher namin, ang unang pauuwiin ay yung makakasulat ng buong pangalan
at apelyido sa papel – back to back. Agad akong nagpasa pero sabi ni teacher, back to back
daw, hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ng back to back kaya pinaliwanag ni ma’am,
namilog ang mata ko at halos lumubo ang sipon ko sa pagpipigil sa nagbabadyang pag agos
ng luha.

Pagbalik sa upuan upang muling isulat ang pangalan ko, nanginginig ang kamay ko,
nakita ng kaklase ko na hindi ko kaya, kaya sya na ang gumawa nun para sa akin. Kung hindi
ako nagkakamali Melchor ata ang pangalan nun, matangkad at magtetake ng acceleration
exam para maging grade 4. Sya ang unang anghel sa buhay- paaralan ko.

Mula noon, naintindihan ko ang kahalagahan ng pangalan! Ang ikalawang anghel ay


si Aling Maria, ang naghahatid sa akin sa paaralan. Sa huling subject at mag uuwian na, mula
sa bintana ay iaabot nya sa akin ang papel na may pangalan ko – back to back, sulat iyon ng
nanay ko!

Smart Kid daw ako. Kaya nga laking pagtataka ng lahat nung maging iyakin ako sa
school. Hindi pala ako ready. Gayunman, looking back, hindi man ako naging handa sa
elementary days ko, naging handa naman ako sa totoong buhay. Dahil iyon sa A B C D na
tinuro ng magulang ko.

Ikaw, anong gagawin mo sa susunod na makatapak ka rin ng isang lata?

Iisang Panata (https://juangrupo.wordpress.com/category/lathalain/)

Hindi maipagkakaila ang mga pagbabagong naganap sa mundong ating ginagalawan.


May mga bagay na isang panaginip lang noon ngunit katotohanan na ngayon. Ito ang
masasabing biyaya ng makabagong panahon.

Madalas sabihing ang henerasyon sa kasalukuyan ay ang mga anak ng modernong


teknolohiya. Kami raw ang pinagkalooban ng kaalaman sa pagmamando sa makabagong
makinarya. Susi nga raw ito ng pag-unlad, at ito ay makikita sa larangan ng pamamahayag.

P a g e 19 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

Pinakamatalik na kaibigan ko ngayon si Smartphone. Sa tulong niya ay marami akong


nagagawa. Saanman ako mapunta, kaya kong kumonekta sa mga taong malayo sa aking
kinalalagyan. Maipapasa ko rin ang impormasyon sa tulong ng isang ‘click’ lamang.
Napakadali na nga kung iisipin ang ganitong kalakaran, ngunit sa gitna nito’y hindi ko naman
kinalilimutan ang nakaraan.

Naaalala ko pa ang mga araw na tanging panulat at papel lamang ang aking dala.
Mabilisan dapat magsulat dahil kung hindi, wala kang maitatala. Kapag nagkamali ka pa, uulit
sa simula. Kaya nga ganoon na lamang ang pagdiriwang ng sanlibutan nang maimbento itong
si Typewriter at Fax Machine. Naging mas madali ang lahat dahil ang artikulong nalikha ay
maaaring ipadala sa publikasyon nang hindi umaalis ng tahanan. Hindi ko na maisip kung
paano na lamang ang saya ng lahat nang ipanganak si Computer. Lalong naging matulin ang
palitan ng impormasyon. Wala nang oras nag-aaksaya, ang kamalian ay naiiwasan pa.

Parang napakatagal na panahon nang lumipas mula nang masilayan ang mga
nabanggit kong kagamitan, hindi ba? Napakalaki nang nagbago sa sistema ng pahayagan.
Ngunit kahit nagbago nang lubos ang mga kagamitan, nananatili ang tungkuling aming
sinumpaan—ang paghahatid ng katotohanan, ang aming panata magpakailanman.

Pusong Manlalaro (https://juangrupo.wordpress.com/category/lathalain/)

Ang sabi nila, mas mainam ang maging kabilang sa pangkat kaysa sa mag-isa. Mas
magiging magaan daw ang mga pasanin dahil maaaring paghati-hatiin. Ngunit kung minsan,
ang pagkakaroon ng miyembro ay maaaring magdulot ng kasamaan. Kung kaya naman,
kinakailangan ng isang indibidwal na sasagip sa buong koponan.

Bayaning maituturing si Reynald Villareal, isang Futsal player ng Green Archers United
Team. Kasama sa kanyang mga sikreto ang pagkakaroon ng tamang disiplina at walang tigil
na ensayo. Upang mapanatili ang malakas na resistensya nang masiguro ang mga
umaatikabong sipang magpapatumba sa kalaban, dapat na kumain ng tama at magkaroon ng
sapat na tulog at pahinga. Higit sa lahat, sa bawat laban ay puso at kaluluwa ang itinataya.
Ito ang nagiging susi upang makapagbigay ng mga walang mintis na goals at makapag-uwi
ng ginto.

Sa tumataginting na limang pasok na goals at naibahaging halos kalahati ng kabuuang


iskor sa naganap na exhibition game upang hikayatin ang kabataan na makilahok sa nasabing
isport. At kahit na walang premyo, makikita naman natin na ibinigay niya ang lahat dahil nasa
kanya ang pusong manlalaro—ang pusong iniidolo.

P a g e 20 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

HALIMBAWA 1:

Lathalaing Pabalita (News Feature) – Ang lathalaing ito ay batay sa isang balitang
nakapupukaw ng damdamin. Pinalalawak sa uring ito ang bahagi ng balita na ang mga
pangyayari ay di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha na nakapagbibigay
kaalaman at kawilihan sa mambabasa.

M g a k a i l a n g a n m o n g m a l a m a n t u n g k o l s a Af r i c a n S w i n e F e v e r
( Jerome Carlo R. Paunan)

Taliwas sa lumalaking pangamba ng ating mga kababayan hinggil sa African Swine


Fever (ASF), ang virus, na nakamamatay at mabilis kumalat sa mga baboy ay hindi naman
nakapipinsala sa kalusugan ng tao. Ito ang pagtitiyak mula sa iba’t ibang sangay ng
pamhalaan gaya ng Department of Health (DOH), Department of Science and Technology-
Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), Department of
Agriculture (DA), World Organization for Animal Health, at iba pang ahensyang may kinalaman
sa kalusugan maging ng hayop at tao.

“The African Swine Fever virus is a contagious viral disease impacting only pigs, not
people, so it is not a public health threat or food safety concern,” halos pare-pareho sila nang
sinasabi.

Ayon naman sa World Health Organization, ang African Swine Fever ay


nakahahawang sakit sa mga baboy at hindi man ito direktang nakahahawa sa mga tao,
posible naman itong maisalin ng tao sa baboy ang virus kapag nakakain o nakahawak ito ng
kontaminadong karne.

Higit na nakikita ang ASF bilang isang sakit na naglilimita sa negosyong pangkalakalan
sa dahilang ang mga bansa o rehiyong may kumpirmado nang kaso nito ay napapailalim sa
mga paghihigpit sa internasyonal o pang-rehiyong eksportasyon ng karneng baboy at iba
pang mga pork product, sapagkat layon ng mga bansa o rehiyon na mabawasan ang panganib
na maapektuhan din ang kanilang lugar sa pamamagitan ng naturang trade restriction.

Ano ba ang ASF?

Ang virus ay unang nakita sa Sub-Saharan Africa noong taong 1920, kahit na ang
unang outbreak ay naitala sa bansang Portugal noong taong 1957. Sa kabila ng masusing
pananaliksik sa mahabang panahon para makahanap ng bakuna para rito, wala pa ring
opisyal na nadiskubreng vaccine na napatunayan na kayang puksain ang naturang virus.

Ang ASF ay tinukoy din bilang isang transboundary na sakit ng hayop o ang mahigit
sa isang bansa o boundary ang maaaring apektado.

Ang sakit ay sanhi ng isang double-stranded na virus ng DNA na humahantong sa


isang nakamamatay na hemorrhagic fever sa apektadong hayop. Kabilang sa mga sintomas
ng impeksiyon ng ASF ang pagkawala ng gana sa pagkain, pamumula ng balat, pagsusuka
at pagtatae. Ang pagkontrol at pag-iwas sa impeksyon ang higit na binibigyang halaga ng mga
pamahalaan dahil mabilis itong makahawa at ang sakit ay mahirap na makita agad. Gayundin,
ang virus na sanhi nito ay maaaring mabuhay na sa katawan ng ilang araw bago makita ang
anumang karaniwang sintomas sa mga alagang baboy.

Hindi kalaunan, ang ASF ay tumalon mula sa Africa patungo sa Europa sa


pamamagitan ng pag-export ng kontaminadong karne. Sa paglipas ng mga taon, ang virus ay
mabilis na kumalat sa lahat ng mga bansa sa Europa, Africa, Amerika at Asya. Kamakailan
lamang, ang virus ay pumasok sa mga hangganan ng Tsina - na humantong sa culling ng higit

P a g e 21 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

sa isang milyong baboy hanggang sa kasalukuyan kung saan apektado na rin ang ating bansa
sa pagkumpirma ng DA na may kaso na ng ASF dito kamakailan lang.

“Specifically, ASF was already contained in Barangay Pritil, Guiguinto, Bulacan, and
in several barangays in Rodriguez, San Mateo and Antipolo, Rizal – and not in the entire
country,” ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Upang mabawasan ang banta ng ASF sa ibang lugar sa bansa, patuloy pa rin
nakabantay ang mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang hindi na kumalat
pa ang ASF virus.

Kamakailan, ipina-recall ng Food and Drug Administration ang may 30 brand ng mga
processed meat pork products matapos itong magpositibo sa ASF. Karamihan sa mga
produktong ito ay galing sa bansang China at pwedeng kontaminado ito ng ASF virus.

Sa mga paliparan at pantalan, bukod sa pagkumpiska mula sa mga pasahero ang


dalang pork product, naglagay din ang mga awtoridad ng mga foot bath at sniffing dog. Ang
mga lokal na pamahalaan naman ay nagdaraos ng mga forum para sa mga nag-aalaga ng
baboy kung paano makaiiwas sa kontaminasyon ng ASF.

Bukod dito, nitong Setyembre 11 ay naglabas ang Department of Budget and


Management ng P82.5-milyon, upang paigtingin ang preventivemeasure ng pamahalaan
laban sa ASF.

Nakahanda na rin magpautang ang DA ng P30,000 interest-free loan, na maaaring


bayaran sa loob ng tatlong taon. Bibigyan din ang mga hog raiser ng P3,000 sa bawat baboy
na dumaan sa culling procedure.

Bagaman ang virus ay hindi nakakapinsala sa kalusugan ng tao, may kaugnayan ito
upang mapataas ang mga hakbang sa seguridad upang maiwasan ang pagkalat ng virus--
alinsunod sa mataas na rate ng infection, kakulangan ng lunas, at kakayahan ng virus na
manatiling mapanganib sa kabila ng pagluluto ng karne. Nabanggit din na ang virus ay maaari
pa ring mabuhay kahit sa naproseso na ang karne tulad ng pork and beans, bacon, at maling.
(PIA-NCR)

GAWAIN 1: Sumulat ng lathalaing pabalita (News Feature). Galugarin at mamili sa iba’t-ibang


uri ng istilo sa pagsusulat na aangkop sa iyong konsepto. Lagyan ito ng angkop na pamagat.
Pagbasehan ang naibigay na impormasyon sa itaas.

Paksa: AFRICAN SWINE FEVER

P a g e 22 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

HALIMBAWA 2:

Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature) – Ang pinapaksa sa uring ito ay ang


kasaysayan ng tao, bagay o lunan.

Pagoda: Simbolo ng Pananampalataya sa Bocaue (Christian Albert B. Badian)

Naalala n’yo pa ba ang malagim na trahedya na nangyari sa prusisyon ng banal na


Krus ng Wawa sa Bocaue, Bulacan? Naalala pa ba ninyo ang paglubog ng pagoda na
ginagamit sa prusisyon ng banal na krus? O nakikilala niyo pa ba si Sajid Bulig, ang batang
halos itinuring ng bayani sa nagyaring trahedyang ito?

Tumatak na sa kasaysayan ng Pilipinas lalo na sa Bocaue, Bulacan ang nagyaring


trahedya noong ika-2 ng Hulyo, 1993 na ikinamatay ng hindi bababa sa 266 katao. Naging
laman ng balita ang pangyayaring ito hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong
mundo. Sino ba naman ang makakalimot sa masalimuot na pagkamatay ng daang-daang
katao dahil lamang sa isang kwitis na sinasabing naging dahilan kung bakit nangyari ang
insidenteng ito.

Naging tradisyon na sa Bocaue, Bulacan ang pagdiriwang sa pagkakatuklas ng isang


kahoy na krus na natagpuan ng isang mangingisda sa ilalim ng lawa ng Wawa, dalawandaang
taon na ang nakalilipas. Ayon sa mga naninirahan dito, ito din ang lumulutang na krus na
pinaniniwalaang nagligtas sa isang nalulunod na babae sa lawa. Simula noon ay marami nang
milagro ang nangyari sa kanilang bayan. Biniyayaan ng kasaganahan ang sinuman na
manampalataya sa krus na naging simbolo ng pagpapakasakit ng ating panginoong si
Hesukristo.

Naging tradisyon na ng mga katoliko sa simbahan ng San Martin de Porres ang


pagkakaroon ng isang Fluvial Procession ng replica ng banal na krus sa ilog ng Wawa.
Ginaganap ang prusisyong ito tuwing unang lingo ng hulyo, kung saan mayroong isang
malaking bangka na napapalibutan ng mga palamutiang ginagamit sa prusisyon, ito din ay
pinangungunahan ng mga maliliit na bangka upang ito’y mabilis na umusad.

Nakagawian na rin ng mga tao roon na sumakay sa napakalaking pagodang ito sa


layong matutupad raw ang kanilang mga kahilingan kapag nakasampa sila sa pagoda. Ngunit,
ang pagsakay ding ito ng daang-daang katao ang siya ring naging dahilan kung bakit marami
ang namatay sa kapistahan ng banal na Krus ng Wawa. Ayon sa mga nakasaksi, noong ika-
2 ng hulyo, 1993 sa ganap na 8:15 p.m ay nangyari ang malagim na trahedya na ikinamatay
ng halos 200 katao. Ang naging dahilan ng paglubog ng bangka ay ang pagkukumpulan ng
napakaraming tao sa isang bahagi ng bangka na siyang naging dahilan kaya bumigay ang
bahaging iyon at nawalan ito ng balanse.

Ang puno’t dulo ng trahedyang ito ay dahil sa isang pinaniniwalaang kwitis na


bumagsak sa mismong pagoda kung saan halos isang libong katao ang nakalulan. Karamihan
ng mga namatay sa trahedyang ito ay mga matatanda at mga bata. Pagkatapos rin ng
malagim na pangyayaring ito ay hindi na muling umusad ang pagoda ng wawa sa kapistahan
nito sa loob ng dalawampung taon.

Ngayong 2014, muling ibinalik ng mga deboto at ng simbahan ang prusisyon ng


pagoda pagkatapos nilang makabuo ng mga safety measures na mahigpit na susundin sa
prusisyon. Bumuo rin sila ng isang panibagong pagoda na tinatayang may sukat na 48
talampakan ang taas, mas maliit kumpara sa una na tinatayang 63 talampakan ang taas,
inilagay din ang ginawang pagoda sa tatlong malalaking bangka na nagmula pa sa Malabon.
Ang kahoy rin na ginamit dito ay mas pinatibay pa ng mga bakal. Linimitahan na din ang mga
deboto na maaring sumakay sa pagoda, tanging 250 deboto lamang ang maaring sumakay
sa pagoda, kailangan din muna nilang magrehistro at magsuot ng lifevest upang masiguro

P a g e 23 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

ang kanilang kaligtasan. Ang prusisyon ay isinagawa din ng umaga, hindi tulad noon na gabi,
ito’y upang madaling maagapan kung sakali man na may mangyayaring sakuna sa daloy ng
prusisyon.

Sa ngayon, ay matagumpay na naidaos ang pagdiriwang at ang prusisyon ng pagoda


ng banal na Krus ng Wawa. Nawa’y maging simula na ito na mga susunod pang mga
pagdiriwang sa Bocaue, Bulacan. At maging hudyat na rin ito para makalimutan na ang
malagim na nakalipas.

GAWAIN 2: Sumulat ng lathalaing pangkasaysayan (Historical Feature). Galugarin at mamili


sa iba’t-ibang uri ng istilo sa pagsusulat na aangkop sa iyong konsepto. Lagyan ito ng ankop
pamagat.

PAKSA: KASAYSAYAN NG INYONG BAYAN

P a g e 24 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

HALIMBAWA 3:

Lathalaing Interbyu (Interview Feature) – Ang pinapaksa rito ay ang kuru-kuro at kaisipan
ng isang kilalang tao na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.

GAWAIN 3: Sumulat ng Lathalaing Interbyu (Interview Feature). Galugarin at mamili sa iba’t-


ibang uri ng istilo sa pagsusulat na aangkop sa iyong konsepto. Lagyan ito ng magandang
pamagat.

PAKSA: Pumili ng isang mag-aaral sa inyong paaralan na may magandang kwento.


Interbyuhin ito at gumawa ng lathalain tungkol sa kanya.

P a g e 25 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

HALIMBAWA 4:
Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature) – Naglalahad ng kapaki-
pakinabang na ulat, naghahatid ng kaalaman at karunungan na may layuning magturo.

Ligtas na Bukas (https://juangrupo.wordpress.com/category/lathalain/)

Tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang mamamayan. Bibigyang higit na halaga


dapat nito ang kaligtasan ng nasasakupan. At sa pagtupad sa tungkuling ito, dapat na
masigurong handa ang bawat isa sakunang darating ng walang babala.

Malaking bahagi ng buhay ng kabataan ay ginuguol nila sa paaralan. Ang delubyo ay


maaaring dumaan sa mga oras sila’y nasa loob ng institusyong ito at hindi sa tahanan. Kung
kaya naman, kaakibat ng gobyerno ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagsiguro ng
kahandaan ng mga eskwelahan.

Inilunsad ng DepEd ang kanilang programang Disaster Risk Reduction Management


upang masagot ang pangangailangang ito. Nilalayon nitong pigilian at bawasan ang
maidudulot na perwisyo at pagkasira ng anomang bagyo, lindol, o sunog na magaganap. Kung
hindi, ang pangarap nating maging marunong ang kabataang ating inaasahan ay maaaring
maglaho sa isang iglap.

Unang sinisiguro nila ang isang ligtas at kumportableng paligid para sa kabataan.
Matapos ay tinuturuan maging ang mga guro sa kung paano sila kikilos sa oras na maganap
ang ‘di inaasahan. Sakaling may mangyari at may nasira, may pondo ring inilalaan upang
isaayos ang mga paaralan.

Ang nasabing hakbang ay isang mahalagang kilos tungo sa kinabukasan. Hindi


lamang nitoo sinisiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan, sinisiguro din nito ang ligtas
na hinaharap ng lupang tinubuan. Dahil kung handa ang mga eskwelahan, handa ang mga
pag-asa ng bayan. At sunod-sunod man ang mga delubyo, mananatiling nakatayo ang
Pilipino.

GAWAIN 4: Sumulat ng Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature). Galugarin at mamili


sa iba’t-ibang uri ng istilo sa pagsusulat na aangkop sa iyong konsepto. Lagyan ito ng angkop
pamagat.

PAKSA: Sumulat ng lathalain tungkol sa lunsarang pagsasagawa ng safety drill sa paaralan.

P a g e 26 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

HALIMBAWA 5:

Lathalaing Pangkatauhan (Personality or Character Feature) – Inilalarawan dito ang mga


kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain, patakaran sa buhay at dahilan ng
kanilang tagumpay.

Huwaran (https://juangrupo.wordpress.com/category/lathalain/)

Humaharap sa digmaan ang bawat isa sa atin sa bawat araw na lumilipas. Pagsubok
na maituturing ang mga landas na ating tinatahak. Sa pagharap natin sa mga hamon at
balakid, may mga pagkakataong nanaisin na lamang nating itigil ang laban. Kung kaya naman,
humahanap tayo ng mga modelong maaari nating tularan.

Para sa ilan, ang mga bayaning nagtanggol sa ating bayan ang kanilang tinitingalaan.
Ang iba, mga artistang nagbibigay ng nakatutuwang libangan. Ngunit para sa akin, ang
idolong nararapat sa pagkilala ay isang babae lamang.

Bigatin kung iisipin ang binibining aking ginagalang. Nagtrabaho siya sa


prestihiyosong CNN sa banyagang bayan. Doon ay itinayo niya ang banderang pula, asul,
dilaw at puti sa panahong minamaliit ito ng sanlibutan. Nananatili pa rin naman ang kanyang
diwang makabayan dahil bumalik na siya sa Perlas ng Silangan. Ngayon ay nakapagtayo na
rin siya ng sariling pahayagang online na Rappler, isa sa mga nangungunang tagapagbalita
sa kasalukuyan.

Isa pa sa mga katangian niyang talagang aking nagustuhan ay kanyang pusong


mandirigma. Dahil nga iniatas sa kanya ang pagbabalita mula sa pook ng madugong
pagbabakbakan, buhay niya ay itinataya upang makapagbalita lamang. At sa kanyang bawat
likha, sinisikap niyang maihayag ang katotohanan kahit na ang kapalit nito ay ang sarili niyang
kaligtasan.

Mahirap nang makatagpo ng mga tulad niyang alagad ng katotohanan. Karamihan


kasi sa ating mga kapwa ay nabibili na basta’t babayaran. Kung kaya naman, ipinagmamalaki
ko ang kapwa ko Pilipino at binibing gaya ng aking idolo. Maria Ressa ang kanyang pangalan,
at siya ay isang huwaran.

GAWAIN 5: Sumulat ng Lathalaing Pangkatauhan (Personality or Character Feature).


Galugarin at mamili sa iba’t-ibang uri ng istilo sa pagsusulat na aangkop sa iyong konsepto.
Lagyan ito ng magandang pamagat.

PAKSA: Sumulat ng lathalain tungkol sa isang huwarang tao. Maari kang mangalap ng
impormasyon tungkol sa kanya sa pamamagitan ng pag-iinterbyu.

P a g e 27 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

HALIMBAWA 6:

Lathalaing Pangkaranasan (Adventure Feature) – Ang lathalaing ito ay nauukol sa mga


di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ng ibang tao ayon sa pagkakasalaysay.

Nalibot Ko Na Ang Mundo (Rob San Miguel)

Paminsan minsan nangangarap akong makapaglakbay sa ibang bansa. Marating ang


India at makita ang Taj Mahal. Makaabot sa Pranses at lasapin ang mga masasarap na
pagkain. Mabisita ang museo ng Louvre at masilayan ang Mona Lisa. Kung talagang
papalarin, nais ko ring marating ang tuktok ng Bundok Everest.
Subalit sa tulad kong isang breadwinner na tumutulong sa pang-araw-araw na tustusin
ng pamilya, halos wala nang natitira sa aking sweldo. Siguro kung ako’y isang suwail na anak,
at hindi ako mag-abot ng pera ng kahit tatlong buwan lamang, maari na akong makapaglakbay
sa Cambodia para makita ang Angkor Wat o bisitahin ang pinakamalaking istatwa ng Buddha
sa Tsina.
Subalit tulad ng mga napakaraming breadwinners, ang aking tahanan ang aking
mundo. Ang aming kusina ay ang bansang Pranses kung saan naamoy ko ang masasarap
na pagkain aming linuluto. Ang aming sala ay ang Piazza Navona sa Italya kung saan
napakaraming mga bisita at kaibigan ang dumadalaw. Ang aking silid ang tutok ng Bundok
Everest kung saan ako maaring mag-isa, magmuni-muni, at makapagtunggali sa mga
diyos. Ang aking ina ang aking Mona Lisa, nakangiti.
Hindi ako nanghihinayang manatili sa apat na sulok ng aking tahanan sapagkat ang
tunay na daigdig pala ay hindi laging isang napakalaking bolang bato na nakalutang sa
kalawakan. Ang mundo pala ay maari ring sinliit ng puso.

GAWAIN 6: Sumulat ng Lathalaing Pangkaranasan (Adventure Feature). Galugarin at mamili


sa iba’t-ibang uri ng istilo sa pagsusulat na aangkop sa iyong konsepto. Lagyan ito ng
magandang pamagat.

PAKSA: Gumawa ng lathalain tungkol sa isang natatanging paglalakbay

GAWAIN 7: Sumulat ng isang lathalain tungkol sa isang libro/kwento na nabasa. (Book


review)

GAWAIN 8: Sumulat ng lathalain tungkol sa palabas na napanood. (Movie review)

P a g e 28 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

GAWAIN 7: Paglalarawan ng isang pook pasyalan sa inyong lugar

_________________________________________________________________________

GAWAIN 8: Karanasan o pakikipagsapalaran ng isang tao

________________________________________________________________________

GAWAIN 9: Kasaysayan/kwentong alamat sa inyong lugar

_______________________________________________________________________

GAWAIN 10: Panggawain: Pagluluto ng iyong pagkain ( How-to-do and What-to-do Articles)

________________________________________________________________________

GAWAIN 11: Pangkatauhan: Paboritong guro (personality sketch)

________________________________________________________________________

GAWAIN 12: Salaysay – tulad ng kawili-wiling kuwento o sanaysay (Pumili ng gustong paksa)

_________________________________________________________________________

GAWAIN 13: Pangkaunlarang lathalain: Pagbabago tungo sa kaunlaran (sa inyong lugar)

_________________________________________________________________________

GAWAIN 14: Lathalain tungkol sa ______________________________________________.

Gamit ang kasanayan sa pagtatanong.

GAWAIN 15: Lathalain tungkol sa ______________________________________________.

Gumamit ng linya sa kasabihan, tula o kanta.

GAWAIN 15: Lathalain tungkol sa ______________________________________________.

Gumamit ng linya sa kasabihan, tula o kanta.

P a g e 29 | 30
PAGSULAT NG LATHALAIN

GAWAIN 16: Lathalain tungkol sa isang interbyu ng punong-guro.

Gumamit ng interbyu. Maglagay ng tuwiran at di-tuwirang sabi.

GAWAIN 17: Lathalain tungkol sa ______________________________________________.

Gumamit ng stakato.

GAWAIN 18: Lathalain tungkol sa ______________________________________________.

Gumamit ng Inday Style.

GAWAIN 19: Lathalain tungkol sa Hiling ko sa Paskong Darating.

Gumamit ng istilong parang sa sulat (telegrama).

GAWAIN 20: Lathalain tungkol sa ______________________________________________.

Gumamit ng halo-halong istilo.

P a g e 30 | 30

Вам также может понравиться