Вы находитесь на странице: 1из 11

Republic Act No.

1425, known as the Rizal Law, mandates all educational institutions in the Philippines
to offer courses about José Rizal. The full name of the law is An Act to Include in the Curricula of All
Public and Private Schools, Colleges and Universities Courses On the Life, Works and Writings of Jose
Rizal, Particularly His Novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, Authorizing the Printing and
Distribution Thereof, and for Other Purposes. The measure was strongly opposed by the Roman Catholic
Church in the Philippines due to the anti-clerical themes in Noli Me Tángere and El Filibusterismo.

History
Senator Claro M. Recto was the main proponent of the Rizal Bill. He sought to sponsor the bill at
Congress. However, this was met with stiff opposition from the Catholic Church. During the 1955 Senate
election, the church charged Recto with being a communist and an anti-Catholic. After Recto's election,
the Church continued to oppose the bill mandating the reading of Rizal's novels Noli Me Tángere and El
Filibusterismo, claiming it would violate freedom of conscience and religion.[1]

In the campaign to oppose the Rizal bill, the Catholic Church urged its adherents to write to their
congressmen and senators showing their opposition to the bill; later, it organized symposiums. In one of
these symposiums, Fr. Jesus Cavanna argued that the novels belonged to the past and that teaching
them would misrepresent current conditions. Radio commentator Jesus Paredes also said that Catholics
had the right to refuse to read them as it would "endanger their salvation".

Groups such as Catholic Action of the Philippines, the Congregation of the Mission, the Knights of
Columbus, and the Catholic Teachers Guild organized opposition to the bill; they were countered by
Veteranos de la Revolucion (Spirit of 1896), Alagad in Rizal, the Freemasons, and the Knights of Rizal.
The Senate Committee on Education sponsored a bill co-written by both José P. Laurel and Recto, with
the only opposition coming from Francisco Soc Rodrigo, Mariano Jesús Cuenco, and Decoroso Rosales.

The Archbishop of Manila, Rufino Santos, protested in a pastoral letter that Catholic students would be
affected if compulsory reading of the unexpurgated version were pushed through.[4] Arsenio Lacson,
Manila's mayor, who supported the bill, walked out of Mass when the priest read a circular from the
archbishop denouncing the bill.

Rizal, according to Cuenco, "attack[ed] dogmas, beliefs and practices of the Church. The assertion that
Rizal limited himself to castigating undeserving priests and refrained from criticizing, ridiculing or putting
in doubt dogmas of the Catholic Church, is absolutely gratuitous and misleading." Cuenco touched on
Rizal's denial of the existence of purgatory, as it was not found in the Bible, and that Moses and Jesus
Christ did not mention its existence; Cuenco concluded that a "majority of the Members of this
Chamber, if not all [including] our good friend, the gentleman from Sulu" believed in purgatory.[3] The
senator from Sulu, Domocao Alonto, attacked Filipinos who proclaimed Rizal as "their national hero but
seemed to despise what he had written", saying that the Indonesians used Rizal's books as their Bible on
their independence movement; Pedro López, who hails from Cebu, Cuenco's province, in his support for
the bill, reasoned out that it was in their province the independence movement started, when Lapu-
Lapu fought Ferdinand Magellan.

Outside the Senate, the Catholic schools threatened to close down if the bill was passed; Recto
countered that if that happened, the schools would be nationalized. Recto did not believe the threat,
stating that the schools were too profitable to be closed.The schools gave up the threat, but threatened
to "punish" legislators in favor of the law in future elections. A compromise was suggested, to use the
expurgated version; Recto, who had supported the required reading of the unexpurgated version,
declared: "The people who would eliminate the books of Rizal from the schools would blot out from our
minds the memory of the national hero. This is not a fight against Recto but a fight against Rizal", adding
that since Rizal is dead, they are attempting to suppress his memory.

On May 12, 1956, a compromise inserted by Committee on Education chairman Laurel that
accommodated the objections of the Catholic Church was approved unanimously. The bill specified that
only college (university) students would have the option of reading unexpurgated versions of clerically-
contested reading material, such as Noli Me Tángere and El Filibusterismo.The bill was enacted on June
12, 1956,[4] Flag Day.

Content
Section 2 mandated that the students were to read the novels as they were written in Spanish, although
a provision ordered that the Board of National Education create rules on how these should be
applied.The last two sections were focused on making Rizal's works accessible to the general public: the
second section mandated the schools to have "an adequate number" of copies in their libraries, while
the third ordered the board to publish the works in major Philippine languages.

After the bill was enacted into law, there were no recorded instances of students applying for
exemption from reading the novels, and there is no known procedure for such exemptions.In 1994,
President Fidel V. Ramos ordered the Department of Education, Culture and Sports to fully implement
the law as there had been reports that it has still not been fully implemented.

The debate during the enactment of the Rizal Law has been compared to the Responsible Parenthood
and Reproductive Health Act of 2012 (RH Law) debate in 2011.Akbayan representative Kaka Bag-ao, one
of the proponents of the RH bill, said, quoting the Catholic hierarchy, that "More than 50 years ago, they
said the Rizal Law violates the Catholic's right to conscience and religion, interestingly, the same line of
reasoning they use to oppose the RH bill."
RA 1425: A Refresher
https://www.google.com.ph/amp/s/filipinopride.wordpress.com/2008/08/27/ra-1425-a-
refresher/amp/

Maraming mga tao ang nkarinig na ng Republic Act 1425 o mas kinikilalang Batas Rizal, ngunit, alam nga
ba talaga natin kung ano nilalaman nito? Ano ang mga pinagdaan ng mga tao para lang maipatupad ang
batas na ito? Sa pagbabasa ng blog na ito, masmaiintindihan natin ang tungkol sa bats na ito at paano ito
nipatupad. Dito rin masasagot ang mga taonong kung ano nga ba ang kahalagahan ng batas na ito sa
atin at kung anu ano ang mga argyumento sa batas na ito.

Ang unang unang tanong na dapat natin maisagot ay kung ano nga ba talaga ang mga nilalaman ng batas
na ito. Sa sobrang haba ng nilalaman ng batas na ito, maari natin itong isummaraze ng isang maikling
talata. Ang Republic Act No. 1425, mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal, ay inaprubahan noong ika-12
ng Hunyo 1956 noong ito ay tinatawag pang House Bill No. 5561 at Senate Bill No. 438. Ito ay
nagsasalaysay ng pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pampubliko, pribado, kolehiyo at mga
unibersidad ang kurso tungkol sa buhay, mga ginawa at sinulat ni Jose Rizal, lalo na ang kanyang mga
nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, na pinapahanitulutan ang pagpapalimbag at
pamamahagi ng mga nabanggit sa itaas at para sa iba pang layunin. Ang mga may “exception” sa batas
na ito ay ang pagbasa lamang ng “abridged version” ng mga nobelang ito ng mga dayuhan na nag aaral
sa bansa. Kung ikaw ay isang Pilipino, kinakailangan mong pagaralan ang buong bersyon ng mga
nobelang ito.

Upang masmaintindihan ang kahalagahan ng batan na ito, kailangan rin nating malaman kung anu ano
ang mga layunin ng batas na ito kaya ito naipatupad. Ito lamang ang iba sa mga layunin ng batas na ito:

– Nilalayon ng R.A. na ito na maging inspirasyon ng mga taong bayan, lalo na ng mga kabataang Pilipino
ang naging buhay, at karanasan ni Rizal noong panahon ng Kastila.
– Ang batas ay naghahangad na magkaroon ang mga Pilipino ng kanilang sariling simulain ng kalayaan at
pagiging nasyonalismo na binigyang halaga ng ating mga bayani.
– Nilalayon nitong muling gisingin ang damdaming makabayan ng bawat mamamayang Pilipino upang
maipamana at maisaalaala ng mga kabataan ng susunod na henereasyon.
– Nilalayon din nitong mabigyang parangal ang pambansang bayani, na si Dr. Jose Rizal at ipaalala sa
bawat Pilipino ang kanyang naging malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng
kanyang mga ginawa para sa bayan. Ang kanyang buhay, mga ginawa, at mga sinulat, tulad ng “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo”, ay magsisilbing inspirasyon sa kaisipan ng bawat pilipino upang
magkakaroon ng pagmamahal sa bayan.

Noong hindi pa batas ng RA 1425, maraming mga kontrobersya na lumibot sa isyung ito. Naglaban dito
ang iba’t ibang mga kilalalang mga tauhan sa panahong ito kung kaya’t naging mainit ang
pagdedbatehan ng batas na ito. Ilan lang ang mga sumunod sa mmga sumuporta at tumanggi sa RA
1425.

PRO:

– Claro M. Recto: Pinaglaban niya upang maipatupad ang bill.

– Jose P. Laurel: Kasama ni Recto na ipinaglaban ang batas upang maipatubad ito.
– Emilio Aguinaldo: Kasama ni Recto at Laurel na ipinaglaban ang batas upang maipatubad ito.

– The Spirit of 1896, Alagad Ni Rizal, Freemasons, Booklovers Society, Philippine Public Scool Teachers
Association: mga organisasyong sumuporta kanina Recto at Laurel upang maipatupad ang batas.

– Fidel V. Ramos: Memorandum niya – mas pinapatibay ang pagpapatupad sa RA1425.

CON:

– Archbishop Santos, Sen Tanada, Quitin Paredes, Sen. Rodrigo, Sen. Rosales: Ayaw ng simbahan na
gawin required na reading materials ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal dahil anti-churh
ang mga nilalaman nito. Hindi rin nitatanggap ng simbahan na pwedeng gawing inspiration ng mga
kabataan ang mga libro. Kapag binasa ng Catholic ang isang uncensored version, siya ay papatawan ng
heresy.

Ngayon ay alam natin ang tungkol sa batas Rizal, sa pagaaral nito, may mga nakuha akong mga input na
puwede nating idagdag o ibago sa batas na ito. Ang “exemption” sa R.A. 1425 ay maaring tanggalin sa
kadahilanang, wala namang masamang epekto ang mga sulatin ni Rizal sa pananampalataya ng tao. O
kung hindi man tanggalin, huwag nang ipakuha sa mga Pilipinong estudyanteng “foreigners” ang
mismong kurso at sa halip ay papiliin sila ng alternatibong klase. Ito ay dahil hindi natin dapat pilitin sa
kanila kung ang mga paniniwala nila ay iba dahil lang nag-aral sila sa Pilipinas. Isa rin sa mga dahilan ay
dahil pwede silang pumili ng klase, kung gugustuhin nila, puwede pa rin nila kunin ang klaseng ito kung
ginugusto nila.

Kapag pinagisipan natin ng mabuti ang batas na ito, masmaraming mga masmagagandang epekto sa
bansa natin kapag patuloy natin ipatupad ang batas na ito. Pagisipan mo, kung mawala ang batas na ito,
iilan lang ito sa mga maaaring mangyari sa bansa natin. Ang maaring unang resulta ay ang pagkawala ng
trabaho ng mga guro sa mga Pilipinong kurso. Ikalawa, maaring tuluyan ng makalimutan ng mga Pilipino
ang kabayanihan at mga aral ni Rizal. Ikatlo, maaring lubusang bumaba ang nasyonalismo ng mga
Pilipino. Base lang dito, nakikita na natin na masmaganda kung patuloy na ipatupad natin ang batas na
ito.

Sa aking palagay at base na rin sa napagkunan ko ng impormasyon, hindi na ito dapat pag-aralan, dahil
hindi na ito gaanong tinatangkilik ng mga mag-aaral ngayon lalo na iyong mga mag-aaral sa kolehiyo.
Lagi nilang inuusisa kung ano nga ba ang halaga ng pag-aaral ng buhay ni Rizal at ng kanyang mga
nagawa sa kani-kanilang napiling larangan. Sinasabi nila na ito ay pag-aaksaya lamang ng oras at pera.
Ngunit sa kabilang banda, nararapat nga lang naman na ating gunitain at pag-aralan ang kagitingan ng
ating pambansang bayani. Hindi natin dapat kaligtaan ang nagawa nyang kabutihan sa bayan – napalaya
niya tayo sa mga manunupil. Kailangan pa rin talagang pag-aralan dahil bahagi na ito ng ating
kasaysayan. Nagpapatunay na kailangan pa rin natin itong pag-aralan dahil ito ay kabilang sa mga batas
na ipinatupad; layunin ng batas na ito na dapat lahat ng mga eskuwelahan sa buong pilipinas ay
mayroong mga libro at mga nagawa ni Rizal. Dapat natin siyang gawing simbolo ng ating kalayaan. Ang
pag-aaral sa kanya ay para na ring pagpapasalamat sa nagawa niyang kabutihan.

– Mac Pascual
Rizal Law @60: Anyare?!
Published June 14, 2016 1:45pm
Updated June 14, 2016 1:51pm
By XIAO CHUA

GMA Nees Online https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/569896/rizal-law-60-


anyare/story/

The 60th year of the historic Rizal Law or Republic Act 1425 passed without much fanfare last
Independence Day 2016. Its main goal was to inculcate nationalism by developing moral character,
personal discipline, civic conscience, and the teaching of duties of citizenship. Did it succeed?

Six years ago, Araw ng Kasarinlan, June 12, 1956, pinirmahan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang
Republic Act 1425, na nagtatakda na kailangang mailagay sa curricula ng lahat ng pampubliko at
pribadong mga paaralan, kolehiyo at mga unibersidad ang mga kurso ukol sa buhay, mga akda at mga
sinulat ni Jose Rizal, lalo na ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ito ang dahilan kung
bakit noong hayskul tayo ay pinag-aralan natin ang Noli at El Fili, at sa kolehiyo, required ang Rizal
course.

Tunguhin ng batas: Pagmamahal sa bayan

Ano ba ang layunin ng batas na ito? Well, ang unang whereas provision ng batas ay nagsasabi na
kailangang muling ialay ang sarili sa ideals ng kalayaan at nasyunalismo, “for which our heroes lived and
died.” Sa diwa, hindi lamang pala si Rizal ang pinapahalagahan ng kurso. Ito ay kurso ukol sa mga bayani.
Kurso ito ukol sa kabayanihan.

Gayundin, ang mga ginawa at sinulat daw ni Rizal ay palagian daw na bukal ng pagkamakabayan na
dapat ituro sa mga bata. In short, after the course, dapat mahal na ng bata ang bayan.

Bakit malaking bagay sa mga pangunahing may-akda ng batas na sina Senador Claro Mayo Recto at
dating pangulo, Senador Jose Paciano Laurel ang pagsusulong ng nasyunalismo sa pamamagitan ni Rizal?
Ito ay dahil noong 1956, tila patuloy na lumalawak ang interes ng Amerika sa kabila ng kasarinlan. Ang
kultura at pulitika natin ay nakagapos sa interes ng Estados Unidos. Nagiging Brown Americans of Asia
na tayo at baka mawala ang ating pagmamahal sa bayan. Magising na lang tayo na mga Amerikano na
tayo at wala na ang pagka-Pilipino natin.

Ang pagkontra ng Simbahang Katoliko

Ayon din sa batas, dapat raw ay ipabasa sa mga bata ang unexpurgated o walang putol na bersyon ng
Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ito ang dahilan kung bakit mariing tinutulan ng Simbahang Katoliko
ang pagkapasa ng batas. Biruin mo, ang mga debate noon para sa batas ay kasing init at emosyunal nang
nangyari noon sa Reproductive Health Law.

Natakot ang simbahan na kapag binasa raw ng walang putol ng mga bata ang mga nobela ni Rizal,
maaari raw silang mawalan ng pananampalataya sa simbahan dahil sa mga pagtuligsa at pagkuwestiyon
ni Rizal sa mga prayle sa Pilipinas at sa doktrina. Isinulat ang mga nobela sa panaho ng kolonyalismo.
Baka raw maisip ng mga bata na gayon pa rin ang kaso noong 1956. Ayon sa ilan, patay na si Rizal ay nais
pang patahimikin muli.
Sinong mag-aakala na pag-aawayan si Rizal? Nariyan ang mga pro-Catholic groups tulad ng Knights of
Columbus at iba pa. Nariyan naman ang mga pro-Rizal na sinamahan ng mga grupo ng kabataan,
Veteranos de la Revolucion, Alagad in Rizal, mga Mason, at mga Knights of Rizal.

Sa sobrang init ng debate sa mababang kapulungan, dalawang kongresista, si Emilio Cortez ng Pampanga
na maka-Rizal at si Ramon Durano ng Cebu ay bigla na lamang nagsapakan sa Kongreso. Na nagbati rin
naman kapagdaka.

Nag-walk-out naman sa isang misa si Manila Mayor Arsenio Lacson nang magbasa ang pari ng pastoral
letter mula sa Arsobispo na tumutuligsa sa panukalang batas, isang pastoral letter na ang mga kopya ay
sinunog naman ng 3,000 kabataan sa may Plaza Miranda sa harapan mismo ng Simbahan ng Quiapo.

Nagbanta ang mga paaralang Katoliko na magsasara sila kung ipapasa nila ang Batas. Sagot ni Recto,
isara ninyo at nang magawa sila ng pamahalaan na mga pampublikong paaralan. Ang iba naman ay
nanakot na hindi na sila maihahalal sa susunod na halalan, ngunit hindi natinag si Recto. 'Yan ang
political will, hindi 'yung nag-aabsent kapag botohan na.

Ito ang inabot na away para lamang maipasa ang isang batas na ang bottomline ay ituro sa kabataan ang
pagmamahal sa bansa pero ngayon hindi na pinahahalagahan.

Anyare?!

Ayon sa Batas Rizal, liban sa pagkakaroon ng sapat na kopya sa mga aklatan ng bansa ng mga kopya ng
buhay at mga sinulat ni Rizal, maaari ka ring humingi ng kopya ng mga nobela ni Rizal sa mga
pamahalaang pambarangay. Subukan kaya natin ito ngayon?

Gayundin, maaaring sulatan ang mga kinauukulan kung nais ng isang estudyante na ma-exempt sa
pangangailangan na basahin ang mga nobela ni Rizal sa relihiyosong mga kadahilanan, ngunit kailangan
pa ring kunin at tapusin ang kurso.

Ngunit sa pagkawala ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa hayskul, maipapabasa pa kaya sa


kolehiyo ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa loob ng isang semestre gayong napakarami nang
pinag-aaralan sa kursong Rizal? Sa Unibersidad ng Pilipinas tinawag itong subject na Philippine
Institutions 100, o P.I. 100. Kaya biru-biruan ng mga estudyante noon, “P.I. 100 times.”

Ang iba, ginagamit ang Rizal Course para lalo pang siraan si Rizal.

Tanong ni Joey Vargas, isang artist, sa isang panayam para sa dokumentaryong Ang Tao sa Piso ni Matt
Baguinon, “Kung papaano nga ba kagaling ang mga guro na nagtuturo tungkol sa kanya ngayon? Dahil
kung magagaling silang nagtuturo tungkol sa kanya, mapupunta sila sa usapin ng pagmamahal sa bansa?
Kung maging magaling ang mga guro, then probably makaka-impluwensya si Rizal. Pero ngayon, hindi ko
alam, I think of textbooks of Noli Me Tangere and El Filibusterismo being treated na may guide
questions which I don’t find successful.”

Siguradong maraming guro at paaralan sa buong Pilipinas ang maayos na nagpapatupad ng Batas Rizal at
nagtuturo ng Rizal Course. Subalit, mahigit kalahating dekada ng implementasyon nito, nagtagumpay ba
ang Batas Rizal na ipunla ang pagmamahal sa bayan? Lalo bang mahal ng mga Pilipino ang kanilang
bayan? Nagkaroon ba ng nasyunalismo?

May mga nagsasabi na kailangan pa ba natin ang Batas Rizal e iba na ang panahon? Iba ang panahon ni
Rizal at nina Recto at Laurel sa panahon ngayon. Subalit kung tutuusin, nakaharap pa rin ba tayo sa
kolonyal na kaisipan at impluwensya? Mayroon pa bang nang-aapi at nagsasamantala sa bayan?
Mayroon pa bang mga Sisa na nababaliw dahil sa kahirapan ng buhay?

Ayon kay Dean Gloria Santos ng Philippine Historical Association bago namatay, bahagi sa krimen ng
pagkabigo ng Batas Rizal na maipunla ang nasyunalismo ang mga guro ng kasaysayan dahil hindi nila
naituro ng maayos ang kurso. Ngunit guro lamang ba ang dapat sisihin? Nagkulang din kaya ang mga
institusyon at sistemang edukasyunal? Palaisipan ito na dapat nating mapag-usapan kung nais natin na
ituloy ang implementasyon ng batas sa susunod pa na kalahating siglo.

Aanhin naman natin kung alam natin ang mga detalye ukol sa buhay ni Rizal, kung patuloy ang
korapsyon ng ilan sa ating mga lider at ang mga tao sa social media imbes na bigyang inspirasyon ang
isa’t isa sa diwang Pilipino ay minumura naman ang isa’t isa? Tayo pa ba ang Pilipinas na pinangarap ni
Rizal?

Pag-usapan po natin

Pag-usapan natin ang isyu sa bisperas ng birthday ni Rizal, June 18, 2016, Sabado, sa ganap na 1 p.m. sa
Gateway Gallery, sa sampaksaan na “Rizal Law @ 60: Anyare?!”

Magsasalita po sina Bb. Gemma Cruz-Araneta, apo sa tuhod ni Rizal, ukol sa paksang “Legislating Rizal;”
Prop. Jonathan Balsamo, guro ng Rizal, ukol sa kanyang pananaliksik na “Rizal Course: Turo at Tuto;” at
si Prop. Jose Victor Torres, Ph.D., isang historyador, para sa paksang “Telegráfo, Electricidád y Poste de
Luz: Notes on the Teaching of Rizal and His World.”

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Facebook page ng Proyekto. Para sa reserbasyon, kontakin si
John Ray Ramos sa 09202228889.

Si Prop. Michael Charleston “Xiao” Briones Chua ay kasalukuyang assistant professorial lecturer ng
Pamantasang De La Salle Maynila. Isa siyang historyador at naging consultant ng GMA News TV series
na Katipunan at Ilustrado.

Вам также может понравиться