Вы находитесь на странице: 1из 29

Ugnayan ng Kita,

Pagkonsumo
at Pag-impok

Modyul sa Araling Panlipunan 9

Developer: Luzviminda P. Lingbawan


Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Published by the
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2019

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes and
the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited
version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original
work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from
this material for commercial purposes and profit.

ii
PREFACE

This Learning Resource is a project of the Learning Resource


Management and Development Unit, Curriculum Implementation Division,
Schools Division of Kalinga. This material is in response to the implementation
of the K to 12 Curriculum.

Date of Development : APRIL 2019


Resource Location : Schools Division of Kalinga
Southern Pinukpuk District
Pinukpuk Vocational School
Learning Area : Araling Panlipunan
Grade Level : 9
LR Type : Module
Quarter/Week : Quarter 3
Competencies : AP9MAKIIIc-6
Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa
pagkonsumo at pag-iimpok.

iii
ACKNOWLEDGEMENT

This work was made possible with the financial and moral assistance of
the Staff of Pinukpuk Vocational School headed by Mr. Feliciano Agsaoay, Sr.

Recognition is also duly accorded to the following personnel who in one


way or the other gave inspiration, guidance and assistance in developing
instructional materials:

Evelyn G. Ganotice, EPS - AP


Marylinda S. Santos, EPS/LR Manager
Sharon Rose S. Boguen, PDO II
Marilou A. Balinsat, Librarian II

I would like also to extend my heartfelt gratitude to all others who have
supported and contributed ideas and views during the development of this
material.

To my family that inspires me constantly with all my undertakings and;

Above all, I lift it up to the Almighty all the glory and honor for without
HIM I am nothing.

LUZVIMINDA P. LINGBAWAN
(Developer)

iv
TABLE OF CONTENTS

COPYRIGHT NOTICE ....................................................................................................... ii


PREFACE .............................................................................................................................. iii
ACKNOWLEDGEMENT .................................................................................................. iv
TABLE OF CONTENTS ..................................................................................................... v
KASANAYAN SA PAGKATUTO .................................................................................... 1
LAGOM PANANAW ......................................................................................................... 1
MGA GAWAIN ................................................................................................................... 2
Panimulang-Pagtataya ............................................................................................ 2
Pamamaraan ................................................................................................................ 4
Mga Gawain ................................................................................................................. 5
ATING UNAWAIN ............................................................................................................. 7
KARAGDAGANG KAALAMAN ..................................................................................... 8
BUOD .................................................................................................................................... 9
PAGTATAYA ........................................................................................................................ 9
MGA SAGOT .................................................................................................................... 10
SANGGUNIAN ................................................................................................................ 14
APPENDIX
Banghay-Aralin

v
EKONOMIKS 9- Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok
MODYUL 1:

SA MGA MAG-AARAL: Ang modyul na ito ay gagamitin ng mga mag-


aaral ng ika-siyam na baitang upang malinang ang kanilang mga
kaalaman tungkol sa Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok at
kung paano ito mailalapat sa kanilang pangaraw-araw na
pamumuhay.

PAMAGAT: Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok sa Araling


Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi


ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran.

KASANAYAN SA PAGKATUTO/KODA:

Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok


Koda: AP9MAKIIIc-6

Mga Layunin:
1. Matutukoy ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.
2. Maipaliliwanag kaugnanayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok;

3. Masusuri ang pigura ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok. at


4. Nakapaghahayag ng mga kani-kaniyang pamamaraan sa pag-iipon
ayon sa kanilang sitwasyon sa pamumuhay.

LAGOM-PANANAW: Ang modyul na ito ay nakalaan sa mga mag-aaral


ng ika-siyam na baitang upang lalong maunawaan ang kaugnayan ng
kita sa pagkonsumo at pag-iimpok. May mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang kaalamang malinang sa modyul na ito.

1
BUNGA NG PAG-AARAL:
Mga Layunin:
Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay:
1. Matutukoy ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok;
2. Maipaliliwanag kaugnanayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok;
3. Masusuri ang pigura ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok; at

4. Nakapaghahayag ng mga kani-kaniyang pamamaraan sa pag-iipon


ayon sa kanilang sitwasyon sa pamumuhay.

MGA GAWAIN
A. PANIMULANG- PAGTATAYA:

UNANG GAWAIN
I. PAGSUSURI. Isulat ang AKO ITO kung ikaw ang tinutukoy sa sitwasyon
at kung hindi naman, isulat ang HINDI AKO ITO.
1. Kapag may pera ako, binibili ko na agad ang aking mga
pangunahing kailangan.
2. Mahilig akong kumain sa labas kasama ng aking pamilya.
3. Bumibili ako ng mga gamit na pangmatagalan upang ako’y
makaipon.
4. Mahilig akong bumili ng mga naka-sale na kagamitan kagaya ng
damit, sapatos at cellphone.
5. Pinapaikot ko ang aking pera sa pamamagitan ng pagtitinda ng
halaman, barbeque o fishball.
6. Tumatangkilik ako sa mga panindang gulay sa aming komyunidad
kaysa sa mga tinitinda sa palengke. Hindi lang ito mura, ito rin ay malinis
at walag halong mga gamot.
7. Gumagawa ako ng budget list para sa lingguhang gastusin.
8. Nagtatabi ng pera para sa mga biglaang pakakagastusan kagaya
ng hospital.
9. Inuuna ang savings bago ang iba pang gastusin.
10. Binibigyan ko ng pansin ang pinupuntahan ng halaga ng salapi dahil
ito ay aking pinagpaguran.

II. Ilarawan Ko!

2
MGA KATANUNGAN:
1. Ano-ano ang mga nakikita sa mga larawan?
2. Paano nakakatulong ang gawaing pag-iimpok sa iyo?
3. Kung ikaw ay may trabaho, ano ang iyong pagkakagastusan? Bakit?

III. Ilista Mo!


Nakahawak ka na ba ng malaking halaga ng pera? Paano mo iyon
pinamamahalaan? Ano para sa iyo ang pera at paano ito dapat
gamitin? Narito ang budget card para sa listahan ng iyong lingguhang
gastusin katabi nito ay isulat ang presyong gagastusin.

LUN MART MIYERKU HUWEB BIYERN SABA LINGG KABUUA


ES ES LES ES ES DO O NG
NAGAST
A

Tanong: Gaano kahalaga ang budget listing?

3
B. PAMAMARAAN
Pagbabalik-aral
Si Gammelayan ay isang mag-aaral sa mataas na sekondarya sa
kanilang nayon. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid kaya
sinisikap niyang makapag-ipon para sa kanilang gastusin araw-araw
sapagkat nag-aaral rin ang kaniyang dalawang nakababatang
kapatid. May savings account siya sa isang bangkong malapit lang sa
kanilang nayon. Tuwing sabado at lingo, sinisikap nyang maging abala
sa pagtitinda ng gulay sa kanilang baryo. Siya rin ay tumatanggap ng
labada sa mga mayayamang kalapit lang ng kanilang tahanan.
Kumikita siya ng higit isang libo (1,000.00) sa dalawang araw. Dahil siya
lamang ang inaasahan sa magkakapatid, itinatabi niya ang limang
daan (500.00) sa bangko. Nakapag-ipon na siya ng halos singkwenta
mil (50,000.00) nakalaan sa kanilang kinabukasan.

GABAY NA KATANUNGAN:
1. Tungkol saan ang kwentong nabasa?
2. Paano namuhay si Gammelayan? Ano-ano ang kaniyang mga
ginagawa?
3. Kung ikaw si Gammelayan, ganito rin ba ang gagawin mo? Bakit?

Basahin at Unawain!
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok

Pagkonsumo- o paggamit o paggastos o pagtatamo sa


kapakinabangan mula sa mga nabiling produkto at serbisyo
bilang tugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao
upang matamo ang kasiyahan.
Kita- ay ang kabuuan ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga
manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga bayad
na tubo o nabayarang patubo, mga bayad ng paarkila at iba
pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang
panahon.
Pag-iimpok- isang paraan upang makapag-ipon ng salapi na
syang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang
panahon.
Savings - mga naipong pera na ilagak sa Financial Intermediaries
tulad ng mga bangko. Ito ay paraan ng pagpapaliban ng
paggastos ayon kay Roger E. A. Farmer (2002).
Bangko at iba pang financial intermediaries- nagsisilbing
tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-
loan.

4
Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang nahiram
napera sa pagbili ng asset na may ekonomikong halaga o
gamitin ito bilang karagdagang puhunan.
Ang pera na inilagak sa bangko ay maaaring mag-interes o may
dibidendo.
Investment- ipon na ginamit upang kumita.
Economic Investment-paglalagak ng pera sa negosyo.
Personal Investment- paglalagay ng isang indibidwal ng kaniyang
ipon sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds o mutual
funds.

C. MGA GAWAIN:

I.SUBUKAN NATIN
PAGPIPILI: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan lamang
ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon


ng pera at sa nais umutang o mag-loan?
a. bangko b. financial intermediaries
c. investment d. a at b

2. Ano ang mangyayari sa mga perang inilalagak sa sa bangko?


a. magkakaroon ng interes b. magkakaroon ng dibidendo
c. magkakaroon ng loan d. a at b

3. Ano ang tawag sa mga nanghihiram o umuutang ng pera sa


bangko?
a. borrower b. investor c. entreprenyur d. konsyumer

4. Ano ang tawag sa kabuuan ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga


manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga bayad na
tubo o nabayarang patubo, mga bayad ng paarkila at iba pang uri ng
kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang panahon?
a. salapi b. kita c. investment d. interest

5. Alin sa mga sumusunod ang paggamit o paggastos o pagtatamo sa


kapakinabangan mula sa mga nabiling produkto at serbisyo bilang
tugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao upang matamo
ang kasiyahan?
a. Pagkonsumo b. Pag-iimpok c. Pagtitinda d. paghiram

5
6. Ano ang tawag sa mga naipong pera na ilagak sa Financial
Intermediaries tulad ng mga bangko?
a. investment b. salapi c. savings d. kita

7. Alin sa mga sumusunod ang isang paraan upang makapag-ipon ng


salapi na syang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang
panahon?
a. Pagkonsumo b. Paghiram c. Pagtitinda d. Pag-iimpok

8. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa paglalagay ng isang indibidwal


ng kaniyang ipon sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds o
mutual funds?
a. personal investment b. economic investment
c. individual investment d. lahat ng nabanggit

9. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa ipon na ginamit upang kumita?


a. salapi b. kita c. investment d. savings

10. Bakit kailangang mag-ipon?


a. Upang may gagamitin kapag may kakailanganing gawin/
emergency.
b. Upang may pera sa bangko.
c. Upang may interes o dibidedo kapag ito ay nakaipon sa bangko
d. Lahat ng nabanggit

II. ITULOY MO!


Kumpletuhin ang parirala. Isulat ang sagot o katuloy ng parirala sa
kabilang kahon.

Kapag may naimpok,

Bago ako pumunta sa palengke,


ang aking ginagawa ay

Nagtatabi ako ng pera sa

Kapag may hawak akong malaking


halaga ng pera aking

Ako’y nangungutang o naghihram


ng pera upang

6
ATING UNAWAIN!

A. KONSEPTO KO, UNAWAIN MO!

ISULAT ANG PAGPAPALIWANAG SA DAYAGRAM:


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Pamantayan sa Paggawa:
Nilalaman- 10
Sulat kamay-10
Pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya- 10
Kabuuan-30

7
B. KUHA MO?

KITA
16
14
12
10
8
6
4
2
0
KURYENTE TUBIG PAGKAIN IPON

(Ekonomiks, Modyul ng mga Mag-aral, pp.260)

Gabay na katanungan:
1. Ano ang pinakamataas at pinakamababang bar sa graph? Ano
ang ipinapahiwatig nito?
2. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang dapat na pinakamataas sa
mga bar ng graph? Bakit?
3. Batay sa kahalagahan, ayusin ng mga sumusunod: kumita,
gumastos o mag-ipon?
4. Sa iyong lugar, paano ka nakakabawas sa gastusin sa kuryente at
sa tubig?

KARAGDAGANG KAALAMAN

Sa graph ay normal lang na mataas ang pagkain dahil ito ang


nagbibigay satin ng lakas upang gawin ang ating mga trabaho tayo ay
mabuhay. Sa gastusin sa mga naninirahan sa siyudad y kakaiba sa
gastusin ng mga taong nasa probinsya. Sa siyudad nabibili lahat kahit
tubig, sa mg probinsya kagaya ng Kalinga kahit papano may mga
nakukuhang libre dahil sa yaman nito ngunit hindi dapat ito inaabuso
upang hindi ito maubos.

8
D. BUOD

Ang Kita ay madalas na pinanggagalingan ng pera ng maraming


tso. Ito ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o
serbisyong kanilang binibigay. Sa mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na
kanilang natatanggap. Ang kita ay maaaring gastusin sa
pangangailangan at kagustuhan at iba pang bagay na kinukunsumo
sa pangangailangan ay maaaring maging ipon. Ang kahalagahan ng
pag-iimpok ay napaghahandaan nito ang kinabukasan. Maaring
tumubo ang perana inilagak sa bangko.

E. PAGTATAYA

Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot bago


ang bilang.

____________________1. Ito ay ang paggamit o paggastos o pagtatamo


sa kapakinabangan mula sa mga nabiling produkto at serbisyo bilang
tugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao upang matamo
ang kasiyahan.

____________________2. Ito ay isang paraan upang makapag-ipon ng


salapi na syang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang
panahon.

____________________3. Ang tawag sa paglalagak ng pera sa negosyo.

____________________4. Ito ay ang kabuuan ng lahat ng mga sahod o


kinita ng mga manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga
bayad na tubo o nabayarang patubo, mga bayad ng paarkila at iba
pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang panahon.

___________________5. Ito ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng


pera at sa nais umutang o mag-loan.

9
MGA SAGOT
A. UNANG- PAGTATAYA

I. PAGSUSURI
1. AKO ITO 6. AKO ITO
2. HINDI AKO ITO 7. AKO ITO
3. AKO ITO 8. AKO ITO
4. HINDI AKO ITO 9. AKO ITO
5. AKO ITO 10. AKO ITO

II. ILARAWAN KO
1. Ano-ano ang mga nakikita sa mga larawan?
Mga Bangko kung saan nag-iimpok ang mga tao at humihiram kung
kinakailangan. Ang ibang mga larawan ay paraan kung paano mag-
impok.

2. Paano nakakatulong ang gawaing pag-iimpok sa iyo?


Nakakatulong ang pag-iimpok sa akin sa pamamagitan ng
pagbibigay seguridad na may gagamitin akong pera kapag ako ay
nangangailangan.

3. Kung ikaw ay may trabaho, ano ang iyong pagkakagastusan? Bakit?


Uunahin kong pagkakagustan ang aking mga pangunahing
pangangailangan kagaya ng pagkain. Dahil ang pagkain ang
nagbibigay satin ng lakas upang gawin ang ating mga trabaho tayo
ay mabuhay.

III. Ilista Mo!


Halimbawa

MARTES MIYERKULE HUWEBES BIYERNES SABADO LINGGO KABUUA


S NG
LUNES NAGAST
A

Allowan Allowan Allowan Allowan Allowan Allowan Allowan 700.00


ce- ce- ce- ce- ce- ce- ce-
100.00 100.00 100.00 100.00 100.00 100.00 100.00

Pagkain- Pagkain- Pagkain- Pagkain- Pagkain- Pagkain- Pagkain- 490.00


70.00 70.00 70.00 70.00 70.00 70.00 70.00
140.00
Load- Savings- Load- Savings- Load- Savings- Load-
20.00 20.00 20.00 20.00 20.00 20.00 20.00 70.00

Emergen Emergen Emergen Emergen Emergen Emergen Emergen


cy- 10.00 cy- 10.00 cy- 10.00 cy- 10.00 cy- 10.00 cy- 10.00 cy- 10.00

10
Gaano kahalaga ang budget listing?
Ang budget list ay nagiging gabay sa paghahati-hati ng hawak na
salapi sa mga gastusin sa pangaraw-araw na pamumuhay. Ito ay
magiging patnubay upang maiwasan ang paglagpas ng gastos sa
nakalaang badyet.

B. PAMAMARAAN

Pagbabalik-aral

1. Tungkol saan ang kwentong nabasa?


Ito ay tungkol sa paraan ng pamumuhay ni Gammelayan
2. Paano namuhay si Gammelayan? Ano-ano ang kaniyang mga
ginagawa?
Si Gammelayan ay masinop at marunong magsikap upang paunlarin
ang kanyang pamumuhay. Nagtatrabaho siya ng marangal upang
kumita ng pera upang may gagamitin sa pambili ng pagkain at
gagamitin sa eskwela. Inuuna niya ang kanilang mga pangunahing
pangangailangan.
3. Kung ikaw si Gammelayan, ganito rin ba ang gagawin mo? Bakit?
Oo sapagkat minomodelo ni Gammelayan ang mga gawain ng isang
marangal at mabuting mag-aaral. Dapat tularan natin siya sapagkat
namumuhay siya ayon sa kanyang antas ng pamumuhay.
Kumokonsumo siya ng tama at siya rin ay nag-iipon.

C. MGA GAWAIN

I. SUBUKAN NATIN
1. d 6. c
2. d 7. d
3. a 8. a
4. b 9. c
5. a 10. d

11
II. ITULOY MO!

Kapag may naimpok, may madudukot ako sa panahong may


kakailanganin.

Bago ako pumunta sa palengke, naglilista ng mga kailanganin bilhin upang


ang aking ginagawa ay hindi ako sumobra sa badyet.

Nagtatabi ako ng pera sa Bangko upang magkaroon ng interes o


dibidendo ang aking pera.

Kapag may hawak akong malaking itinatabi ko ito sa bangko o gagamitin ko ito
halaga ng pera aking sa pagnenegosyo.

Ako’y nangungutang o naghihram may gagamitin sa pagpapatayo ng negosyo


ng pera upang o anumang investment.

ATING UNAWAIN
A. KONSEPTO KO, UNAWAIN MO!
Ang pag-iimpok ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Perang
hindi nagastos na itinatabi bilang ipon ay tinatawag na savings. Ito ay
inilalagak sa mga financial intermediaries o bangko upang magkaroon
ng interes o dibidendo. Ang mga bangko ay nagpapautang upang
makapg-invest o magtayo ng negosyo ang mga nanghihiram o
borrower. Ang kanilang mga kita ay inilalagak rin sa bangko o maaaring
ibili ng mga assets upang ang nahiram na pera sa bangko ay umiikot
ayon sa kanilang matalinong pagkonsumo.
B. KUHA MO?

1. Ano ang pinakamataas at pinakamababang bar sa graph? Ano ang


ipinapahiwatig nito?

Ang pinakamataas sa graph ay pagkain at ang pinakamababa naman


ay ang tubig. Ipinapahiwatig nito na mas mahalaa ang pagkain upang
mabuhay ang isang tao.
2. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang dapat na pinakamataas sa mga
bar ng graph? Bakit?

Ang pinakamataas sa akin ay pagkain dahil ito ang nagbibigay sa akin


ng lakas upang makapaghanap buhay at makatulong sa aking
pamilya.

12
3. Batay sa kahalagahan, ayusin ng mga sumusunod: kumita, gumastos
o mag-ipon?

Kumita-mag-ipon at gumastos dahil mas madaling gumasto kung may


kita at may ipon.

4. Sa iyong lugar, paano ka nakakabawas sa gastusin sa kuryente at sa


tubig?

Sa lugar namin dito sa Kalinga, nakakatipid kami sa gastusin sa kuryente


dahil hindi kami masyaong gumagamit ng bentilador dahil sa preskong
hangin na galing sa mga punong-kahoy. Sa tubig naman, mayroon
kming malinis at maayos na pinagkukuhanan ng tubig. Ito ay sa bukal o
sa mga deep well o bombahan. Ito ay walang halong kemikal kumpara
sa mga tubig komersyal o sa tubig na binibili ng mga taga-siyudad.

E. PAGTATAYA

1. Pagkonsumo
2. Pag-iimpok
3. Economic Investment
4. Kita
5. Financial Intermediaries o Bangko

13
SANGGUNIAN

IMCS, Department of Education -. 2015. In Ekonomiks - Modyul


ng mga Mag-aaral, 261-265. Quezon City: Vibal Group
Incorporated.
Imperial, Consuelo et al. 2010. In Kayamanan IV, 185-188. Rex
Bookstore Incorporated.
n.d. Learning Resource Portal. Accessed April 2019.
https://www.lrmds.deped.gov.ph.

DepEdCARLR#: 130-08-19

14
Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 9
Grade 9
Quarter 3, Competency #7
3 Araw- (Unang sesyon)

UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO AT PAG-IIMPOK


Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya
bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan
Pagganap kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Mga Kasanayan sa Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-
Pagkatuto iimpok
Koda: AP9MAKIIIc-6
I. Mga Layunin 1. Matutukoy ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-
iimpok.
2. Maipaliliwanag kaugnanayan ng kita sa pagkonsumo at
pag-iimpok;
3. Masusuri ang pigura ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok. at
4. Nakapaghahayag ng mga kani-kaniyang pamamaraan sa
pag-iipon ayon sa kanilang sitwasyon sa pamumuhay.

IKSP BAIN: MAN-ULNUNG- Nagiging gawain ng mga may


trabaho o may kabuhayan ang pag-iimpok dahil sa
paniniwalang, “Kapag walang naipundar o nabili ang may
trabahong tao, ang tao ay magastos at hindi iniisip ang
kanyang kinabukasan.”

II. Mga
Kagamitang
Panturo
A. Mga
Sanggunia
n
1. Mga
pahina
sa
Gabay
ng
Guro
2. Mga Ekonomiks, Modyul ng mga Mag-aaral, pahina 261-265
pahina
sa
Kagam
itang
Pangm
ag-
aaral
3. Mga Imperial, et.al. Kayamanan IV, pp.185-188
pahina
sa
Teksbu
k
4. Karagd
agang
kagami
tan
mula sa
portal
ng
Learnin
g
Resour
ce
B. Iba pang Video clip- http://www.paanomag-
kagamitan iponfilipino.howtosavemoney.
g panturo Mga imahe- http://www. Slideshare.com, bsp.gov.ph,
radyo.inquirer,net,

III. Pamamaraan
Balitaan Ang klase ay maglalaan ng tatlong minuto para sa paglilinis sa
paligid, panimulang panalangin, at balitaan.

A. Pagsisimul Gawain: INGATAN MO AKO!


a ng Ang mga mag-aaral ay mahahati ng limang grupo. Bawat
bagong grupo ay mabibigyan ng tag-iisang 25 sentimo. Ang salapi ay
aralin maipapasa mula pinakaharap na mag-aaral hanggang sa
(10 pinakalikod na mag-aaral habang magkahawak ang mga
minuto) kamay.

Tanong:
Ano ang natutunan sa gawain?
Ano ang nais ipinahiwatig ng gawain?
Sagot:
Ang gawain ay tungkol sa pag-iipon.
Kailangang ingatan ang salapi o pera para hindi mawala sa
ating mga kamay.
Karagdagang kaalaman ng guro:
Ang gawain ay nagpapahiwatig na may mga taong impulse
buyer, basta may pera bili lang nang bili hanggang sa maubos.
May mga tao rin na nag-iisip kung papaano ito palalaguin.
B. Paghahabi I-connect!
sa layunin Pagkatapos ng gawain, pahulaan naman kung ano ang
ng Aralin maaaring pamagat ng aralin.
(5 minuto) Sabihin: Ano ang ating aralin sa araw na ito?
Posibleng sagot:
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok
Sagot ng Guro:
Idikit ang mga layunin sa pisara.
Ipabasa sa klase ang mga layunin ng aralin:
1. Matutukoy ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-
iimpok.
2. Maipaliliwanag kaugnanayan ng kita sa pagkonsumo at
pag-iimpok; at
3. Masusuri ang pigura ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok.
4. Nakapaghahayag ng mga kani-kaniyang pamamaraan sa
pag-iipon ayon sa knilang sitwasyon sa pamumuhay.
C. Pag-
uugnay Ilarawan ko!
ng mga
halimbawa
sa bagong
aralin
(10
minuto)
1. Anu-ano ang nakikita sa mga larawan?
2. Paano nakakatulong ang gawaing pag-iimpok sa iyo?
3. Ano sa tingin mo ang tatalakayin ngayon?
Sagot:
1. Mga Bangko kung saan nag-iimpok ang mga tao at
humihiram kung kinakailangan. Ang ibang mga larawan ay
paraan kung paano mag-impok.
2. Nakakatulong ang pag-iimpok sa akin sa pamamagitan ng
pagbibigay seguridad na may gagamitin akong pera kapag ako
ay nangangailangan.
3. Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok

D. Pagtalakay
ng bagong Pangkatang Gawain: Kuha Mo?
konsepto at
paglalahad
ng bagong
kasanayan
#1
(20
minuto)

Itanong: Tungkol saan ang larawan?


Sagot: Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok

Pagpapaliwanag ng guro:
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok
Savings - mga naipong pera na ilagak sa Financial
Intermediries tulad ng mga bangko. Ito ay paraan ng
pagpapaliban ng paggastos ayon kay Roger E. A. Farmer
(2002).
Bangko at iba pang financial intermediaries- nagsisilbing
tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-
loan.
Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang nahiram
nap era sa pagbili ng asset na may ekonomikong halaga o
gamitin ito bilang karagdagang puhunan.
Ang pera na inilagak sa bangko ay maaaring mag-interes o
may dibidendo.

E. Pagtalakay
ng bagong I-video!
konsepto at
paglalahad Pagpapanood ng video tungkol sa epekto ng pagtaas ng presyo
ng bagong sa pamilihan.
kasanayan
Itanong: Ano ang masasabi mo sa videong iyong napanood?
#2
Paano ito nakakatulong sa iyo bilng isang mamamayan?
(5 minuto)
Tandaan Mo!
Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay
maaaring maubos. Ang pera ay gingamit sa pagbili ng mga
bagay na kinakailangan upang mapunan ng pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

F. Paglinang
sa Konsepto mo, Kumpletuhin mo!
kabihasaan P_GK_NS_M_
? P_G-II_P_K
(tungo sa
Formative
ANO ANG IYONG SAGOT?
Assessmen
t) KITA PAGKONSUMO PAG-IIMPOK
(10
minuto) KITA
16
14
12
10
8
6
4
2
0
KURYENTE TUBIG PAGKAIN IPON

(Ekonomiks, Modyul ng mga Mag-aral, pp.260)


Gabay na katanungan:
1. Ano ang pinakamataas at pinakamababang bar sa graph?
Ano ang ipinapahiwatig nito?
2. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang dapat na pinakamataas
sa mga bar ng graph? Bakit?
3. Batay sa kahalagahan, ayusin ng mga sumusunod: kumita,
gumastos o mag-ipon?
4. Sa iyong lugar, paano ka nakakabawas sa gastusin sa
kuryente at sa tubig?
Sagot:
1. Ang pinakamataas sa graph ay pagkain at ang
pinakamababa naman ay ang tubig. Ipinapahiwatig nito na
mas mahalaa ang pagkain upang mabuhay ang isang tao.
2. Ang pinakamataas sa akin ay pagkain dahil ito ang
nagbibigay sa akin ng lakas upang makapaghanap buhay at
makatulong sa aking pamilya.
3. Kumita-mag-ipon at gumastos dahil mas madaling gumasto
kung may kita at may ipon.
4. Sa lugar namin dito sa Kalinga, nakakatipid kami sa gastusin
sa kuryente dahil hindi kami masyaong gumagamit ng
bentilador dahil sa preskong hangin na galing sa mga punong-
kahoy. Sa tubig naman, mayroon kming malinis at maayos na
pinagkukuhanan ng tubig. Ito ay sa bukal o sa mga deep well o
bombahan. Ito ay walang halong kemikal kumpara sa mga tubig
komersyal o sa tubig nabnibili ng mga taga-siyudad.

Karagdagan ng guro:
Sa graph ay normal lang na mataas ang pagkain dahil ito ang
nagbibigay satin ng lakas upang gawin ang ating mga trabaho
tayo ay mabuhay. Sa gastusin sa mga naninirahan sa siyudad y
kakaiba sa gastusin ng mga taong nasa probinsya. Sa siyudad
nabibili lahat kahit tubig, sa mg probinsya kagaya ng Kalinga
kahit papano may mga nakukuhang libre dahil sa yaman nito
ngunit hindi dapat ito inaabuso upang hindi ito maubos.

G. Paglalapat Ano ang masasabi mo?


ng aralin sa
Bakit mahalaga ang mag-ipon?
pang-araw-
araw na buhay -Mahalagang mag-ipon dahil ang pera ay nauubos kailangan
( 5 minuto) itong ginagamitan ng matalinong pagkonsumo upang ang mga
pinaghirapang kita ay mapakinabangan ng husto at hindi
nasasayang.
H. Paglalahat ng Ikonsepto mo!
aralin Sa bawat dulo ng bawat bitwin ay maglagay ng salitang may
kaugnayan sa salitang nasa loob nito.
( 8 na Paano nagkakaugnay ang kita, pagkonsumo at pag-iimpok?
minuto)

KITA
PAG-
KONSUM
O

PAG-
IIMPOK

Pera

Pangangail Traba
angan at
kagustuhan
KITA ho

iniipon sweldo

Gastusin

Matalino
Pangangail
ng pag-
angan at PAG-
kagustuhan iisip
KONSUM
O

mapakinabangan Walang
nasasayang
Savings

kita Invest
PAG- ment
IIMPOK

Interes/ bangko
dibidendo

I. Pagtataya ng
aralin Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang
tinututukoy ng bawat pangungusap.
(8 minuto)
__________1. Ito ay katulad ng ating mga pinagkukunang-
yaman na maaaring maubos.
__________2. Ito ay halagang natanggap ng tao kapalit ng
produkto o serbisyong kanilang ibnibigay.
__________3. Ito ay kinakailangan ng matalinong pag-iisip at
pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang
nasasayang.
__________4. Ito ay kita na hindi ginamit sa pagkonsumo.
_________5. Ito ay pinaglalagakan ng pera o ipon.
Sagot:
1. PERA
2. KITA
3. PAGKONSUMO
4. SAVINGS/ IPON
5. BANGKO
A. Karagdaga
ng gawain Mag-interbyu ng isang manggagawa tanungin kung paano
para sa siya naaapektuhan ng kanyang kita, gastusin at pag-iimpok.
takdang- Ibigay at ipabasa ang brochure na ginawa at tanungin kung ano
aralin at ang kanyang mga gawain sa pag-iipon.
remediatio
n Pamantayan sa paggawa:
Ebidensya ng panayam (video/ papel ng panayam)- 10
Nilalaman- 10
Pagsagot ng modyul tungkol sa Ugnayan ng Kita,
Pagkonsumo at Pag-iimpok

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

A.Bilangng mag-aaral na ___ bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng 80% sa Pagtataya


nakakuhang 75% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na ___ bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng gawain para sa remediation


nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang ___Oo ___Hindi


remedial? Bilang ng mag-aaral ____ bilang ng mag-aaral na naka-unawa sa aralin
na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na ___ bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation


magpatuloysa remediation?

E. Alin sa mga istrateheyang Strategies used that work well:


patuturo na katulong ng lubos? ___ Group collaboration ___ Games
Paano ito nakatulong? ___ Solving Puzzles/Jigsaw ___ Answering preliminary
activities/exercises
___ Carousel ___ Diads
___ Think-Pair-Share (TPS) ___ Rereading of Paragraphs/
Poems/Stories
___ Differentiated Instruction ___ Role Playing/Drama
___ Discovery Method ___ Lecture Method
Why?
___ Complete Ims ___ Availability of Materials
___ Pupils’ eagerness to learn ___ Group member’s Cooperation in doing their
tasks

F.Anong suliranin ang aking __ Bullying among pupils __ Pupils’ behavior/attitude


naranasan na solusyonan sa __ Colorful Ims __ Unavailable Technology Equipment (AVR/LCD)
tulong ng aking punong guro at __ Science/ Computer/ Internet Lab
superbisor? __ Additional Clerical works
Planned Innovations:
__ Localized Videos __ Making big books from views of the
locality
__ Recycling of plastics to be used as Instructional Materials __ local poetical composition

G. Anong kagamitan ng The lesson have successfully delivered due to:


panturo ang aking na dibuho ___ pupils’ eagerness to learn ___ complete/varied IMs
na nais kong ibahagi sa mga ___ uncomplicated lesson ___ worksheets
kapwa ko guro? ___ varied activity sheets
Strategies used that work well:
___ Group collaboration ___ Games
___ Solving Puzzles/Jigsaw ___ Answering preliminary activities/exercises
___ Carousel ___ Diads
___ Think-Pair-Share (TPS) ___ Rereading of Paragraphs/Poems/Stories
___ Differentiated Instruction ___ Role Playing/Drama
___ Discovery Method ___ Lecture Method
Why?
___ Complete Ims ___ Availability of Materials
___ Pupils’ eagerness to learn ___ Group member’s Cooperation in doing their
tasks

Вам также может понравиться