Вы находитесь на странице: 1из 33

Scene 1: Church

The bells of the church ring.

Father Miguel: Gabe (Surname)…

Father Miguel: Jabez (Surname)…

Father Miguel: Tobias (Surname)…

Father Miguel: Do you renounce Satan?

Sponsors of Tobias: I do renounce him.

Father Miguel: And all his works?

Sponsors of Jabez: I do renounce them.

Father Miguel: And all his pomps?

Sponsors of Gabe: I do renounce them.

Father Miguel: Do you believe in God the Father Almighty, maker of heaven and
earth?

Sponsors: I do.

Father Miguel: Do you believe in Jesus Christ, his only-begotten Son our Lord, who
was born and hath suffered for us?

Sponsors: I do.

Father Miguel: Do you believe in the Holy Ghost, the Holy Catholic church, the
Communion of Saints, the Forgiveness of sins, the Resurrection of the flesh, and
life everlasting?

Sponsors: I do.
Father Miguel: Gabe…

Father Miguel: Jabez…

Father Miguel: Tobias…

Father Miguel: I baptize you in the Name of the Father, and of the Son, and of
the Holy Spirit. Go in peace, and may the Lord be with you. Amen.

Everyone started to clap after Father Miguel.

*outside of the church*

Nanay Maris looked at her son while smiling.

Father Miguel went close to Nanay Maris to greet her.

Father Miguel: Maris, pagbati sa binyag! Nako salamat naman sa Diyos at pina
binyagan nyo kaagad magkakapatid yang tatlong kay cu-cute na mga batang iyan
ano… oh tignan mo, kay sigla ng mga bungisngis ah mukang nagmana sa ina niyang
masiyahin aba!

Nanay Maris: Maraming salamat po, Father! Sana nga po ay lumaking mababait ang
mga batang ito. Ay tignan mo nga naman father oh, kamukhang kamuka ni Balong
itong si Tobias. Oh ayan ang ilong oh, parehas matangos.

Nanay Maris jokingly said, and Father Miguel looked at Baby Tobias and his father,
Tatay Balong.

Father Miguel: Aba, ay oo nga!

He laughed as he saw the similarities.

Nanay Maris: Buti na nga lang ay kay Balong nagmana ang bata e

Father Miguel: Ay sus ikaw talaga Maris, oh sya sige na’t mauna na ako, may kasal
pa mamayang hapon dito. Congrats ulit ah!

Everyone is simply greeting each other.


Nanay Andrea: Ay, ang cute naman talaga ng mga anak natin ‘no? Tignan mo to, hay
botchog na walang pang dalawang taon aba!

Nanay Maris: Ate, ang lusog ni Jabez oh.

Nanay Jenny: Syempre naman, aba’y nagkakaning lamig na kay liit palang hahaha!

Lola Andeng came to talk to Tatay Balong.

Lola Andeng: Ayan na ba ang mga pogi kong apo? Ay aba tignan mo nga naman
manang-mana sa napaka blooming nilang lola! Pahiram muna mga anak at papa picture
muna ako para may remembrance ako ah?

Lola Andeng is very happy to see them smiling.

Nanay Maris: Oh ano pang inaantay natin, tara na kayna Inang, masamang pinag-
iintay ang pagkain aba!

Three sisters carrying their sons going to Lola’s place.

Nanay Maris: Hay talaga naman itong si Inang, hindi na mabitaw bitawan si Tobias
aba baka naman malamog ang anak ko nyan hahaha! Hay pero seryoso nay,
Salamat.Talagang napakabait at napaka-supportive naman nitong Inang namin!
Salamat po talaga sa lahat Inang! Mahal na mahal ka naming.

Lola Andeng just warmly smiled at them.

Nanay Andrea: Hay nako Ate, nag dadrama na naman ang dalawa.

Nanay Jenny: Hayaan mo na, ganyan talaga pag tumatanda hahaha!

Tatay Balong: Ay teka teka, may regalo ako para sa tatlong magpipinsan. Wait
nandito lang yun eh… nasan na ba ‘yun…

He quickly put his hand in the pocket of his jeans to find something.

Tatay Balong: Ayun! Eto sandali.

Tatay Balong reveals his gift-matching bracelents.

Nanay Andrea: Ay kabogera, may pa bracelet.


Tatay Balong: Itong mga bracelet na ‘to ang sisimbolo sa pagsasama-sama nilang
tatlo hanggang sa kanilang paglaki.

Nanay Jenny: Sabi ko sa’yo eh, sentimental na pag tumatanda.

Tatay Balong: Kayo talaga panira ng drama hay nako.

He puts a bracelet on the wrist of Tobias, Jabez, and Gabe.

Nanay Andrea: Hay ang sweet talaga ni Kuya Balong. May pa-ganiyan pa para sa
mga bata.

Tatay Balong laughed at what Nanay Andrea said.

Nanay Jenny: Oh ano? Magkwekwentuhan at magkakamustahan na lang ba tayo


dito? Tara na’t kumain na tayo!

Tatay Balong: Oo nga! Sa totoo lang kanina pa ako nagugutom, teka iinitin ko lang
yung handa na niluto ni Inang.

Lola Andeng: Ha?! Iinitin lang? Hindi ba kayo nagluto? Oh siya, bilisan mo na lang,
nako siguraduhin mong masarap pa rin yang mga yan. Dapat ako na lang yung nagluto
eh, ang dami ko pa naman specialty! Kare-kare, sinigang na hipon, kaldereta,
afritada, menudo, mechado, at syempre ang pinaka masarap sa lahat… ang Andeng’s
crispy pata!

Nanay Jenny: Ang galing talaga ng Inang naming oh! Teka lang po’t titimplahan lang
naming ng gatas ang mga batang ito.

Tatay Balong: Onti nalang, ayan na naamoy nyo na ba? Hay *coughs then he touches
his chest* ang sarap.

Nanay Maris: Ayan na, inubo na dahil sa init at gutom, natuyuan na siguro ng pawis,
Tara na!

*everyone heads to the dining area*

Camera directs out of the window

SCENE 2:Taya-tayaan kids

Tobias, Gabe, and Jabez are playing tag, and are running around the park.
Jabez: Gabe! Teka! Pagod na ako! Ikaw na muna taya!

Gabe: Ano ba yan?! Ang bagal mo kasi eh HAHAHA sige na nga, libre mo ko
pagtapos ah

*Gabe reaches hand then runs like hell*

Gabe: Taya!

Gabe tags the kid (Rafael) as he reached him.

Tobias: Sino na taya?!

Jabez: Siya yata *turo si extra*

Extra: Ako! Kaya kung ako sa inyo, tumatakbo na ako, kasi kapag ako tumakbo ‘sing
bilis ko yung mga Ferrari na nakaturbo

Four of them are still running, then Jabez was tagged by the kid (Rafael).

Jabez tripped, so he got tagged again.

Gabe: Ano ikaw na naman taya? Wawa ka naman pala sa amin eh!

The kid (Rafael) , Tobias, and Gabe paused for a while, catched their breaths and
laughed together.

Jabez: Humanda kayo sakin, tumakbo na kayo!

The three children ran together as Jabez started to get them.

Jabez’s eyes were obviously mad at the three children.

Tobias: Taya? ikaw na naman yung taya?! Ang bagal-bagal mo naman Jabez.
Bleeeeh!

Jabez: Nakita mo nang nadapa ako eh!

Tobias: Wala! Nataya ka pa rin niya. Hahaha! Weak ka talaga *laughs*

Gabe: Sinabi mo pa, Tobias!

Tobias: Habulin mo na lang kami kesa magreklamo ka dyan! *laughs*


Tobias was making faces infront of Jabez. Still, Jabez was just standing, but is
very mad while gripping his bracelet.

Lola Andeng: Jabez! Gabe! Tobias! Rafael! Halina muna kayo, kumain muna kayo. Ay
ang aasim naman ng mga batang ire ah! Pagkatapos nyo dyan, maligo na kayo ah hay
Panginoon, patawarin aba kay asim!!!

Tobias: ‘Nang, sasama po ba sina Nanay mamaya?

Lola Andeng: Aba’y syempre naman, kaya’t bilisan nyo na dyan dahil marami pang
maliligo.

Gabe: ‘Nang, pwede po ba mag sando sa simbahan?

Lola Andeng: Aba’y syempre hindi, ang simbahan ay templo ng Diyos, gusto mo ba
na pupunta ka sa bahay ni Lord tapos sando lang ang suot mo?

Gabe: Syempre hindi po!

Lola Andeng: Ay ayun naman pala e, ay sya ang dami pang tanong, bilisan nyo na’t
baka amen nalang ang maabutan natin sa simbahan.

SCENE 3:Basketball
Court 1*

1v1. Jabez steals the ball from Rafael then Jabez drills game winner in front of
Rafael.

Jabez: Ano bay an pre, nangangawit na ako sa sobrang hina mo!

Rafael: Kaya nga eh, bihira na lang din kasi ako maglaro, tsaka mahina naman talaga
ako pre.

Jabez: Tingnan mo to, may gana pang magyabang *laughs* Sumabay ka na lang!

Jabez: Sabi sayo pre di ka na makakasabay eh

Rafael: Waleya ang lakas mo pa rin, napagod ako ng todo dun pero kaya pa ng isang
laro. Sina Tobias ba, gusto mong kalabanin?
Jabez: Ako pa talaga tinanong mo?! Eh ang hihina nung mga yun, kayang kaya natin
yung mga yun.

Court 2*

Gabe: Tobias, papunta si Rafael dito, mukhang mapapalaban tayo dito ah.

Tobias: Di yan, kaya natin yang mga yan

Rafael: Mga pre laro muna tayo dalawahan, sayang meron pang araw oh.

Tobias: Sige, tara! Kaming dalawa na ni Gabe magkakampi ha.

Rafael: Yun lang pala eh, gegege (tawag si Jabez)

(fade out camera)

Rafael, Tobias, Jabez, and Gabe are playing basketball.

Girls start to notice them playing then decides to watch.

Girl 1: Uy may mga poging naglalaro oh, tara panoorin natin.

Girl 2: Teka, si Tobias ba yun? Tara panoorin natin!

Girls approach to watch the game

(shift focus ng cam from girls to game)

Gabe passes the ball to Tobias, and he shoots the ball and scored.

Extra Girls: Go Tobias! Ang galing mo!

Tobias looked at the girls and smiled at them.

Rafael: Lakas mo talaga sa mga babae kahit kailan, kawawa magiging jowa mo sayo.
*laughs*

Jabez: Hoy ibigay mo na yung bola! sayang oras oh. *annoyed*

Tobias: Oh ayan na, bat ka nagagalit *laughs*

Rafael starts the possession and passes to Jabez. Jabez shoots and it missed

Jabez:Waleya naman oh!


Gabe: Wala ka naman palag kay Tobias eh *laughs*

Jabez: Manahimik ka dyan, ikaw nga tagapasa lang

Rafael at Tobias: awit ni realtalk na HAHHAHAAH

He cursed as he saw the ball missed. He furiously caressed his hair.

Tobias rebounded the ball

Tobias: Pag pumasok to, tapos na yung laro.

Jabez: oo alam ko, patapos na nga di ka pa rin nagseseryoso.

Tobias went to the three-point line to shoot, and he scored again.

The girls saw it, and they cheered for him again.

Jabez walked out of the game, and sat on the side. He was mad.

Tobias: Jabez! Uy Jabez bumalik ka dito! Uy san ka pupunta?

Extra Girl 1: Tobias, sobrang galing mo naman! Pwede magpapicture? ( smirks)

Extra Girl 2: Uy, oo nga! Baka naman.

Extra Girl 3: Wag nga kayo! Tobias, ako nalang.

Gabe put his hands on Tobias’s shoulder. They went to the girls’ place.

Gabe: Easy lang kayo, mga girls. Libre ako mamaya, baka gusto niyong lumabas?
(smirks)

Extra Girl 1: Sino ka ba?

She rolled her eyes on him, and walked away. The two girls just followed her.

Tobias: Ayan kasi, ako nga daw. Ano ba?

He laughed as Gabe felt the defeat.

Gabe: Bakit ba kasi ang galing mo maglaro?

Tobias: Mana siguro kay Papa!

Gabe thought of it, and agreed on him.


From a distance, Jabez was watching them while he was clinching on his bracelet.
Rafael was comforting him.

Rafael: Chill lang pre, laro lang yan. Sige na, uuna na ko pre malapit na magdilim,
baka hinahanap na ako samin. *taps jabez’ shoulder*

Gabe: Uy pre, dumidilim na. Tara na baka pagalitan pa tayo ni Inang.

While Gabe and Tobias was walking towards home, Jabez was left along a distance
silenced looking at them.

Tobias: Uy pare, ayos ka lang ba?

Jabez: Aba syempre, minalaslang talaga ako, tsaka laro lang naman yun diba *fake
laugh*.

Gabe: Laaahhhhh, gutom lang yan hahaha! Bilisan na nga natin maglakad.

Jabez shortly replied, but he didn’t look at Tobias.

Tobias: Sigurado ka ba?

Jabez just gestured his head agreeing to what Tobias said, and continuously
walked.

They reached the gate of their house, and Lola Andeng was waiting for them.

Lola Andeng: Kayo na namang mga bata kayo! Ang dudungis niyo na. Pumasok na nga
kayo!

Tobias: Sorry po, Inang! Napasaya lang po yung laro naman kanina!

Lola Andeng: Oh siya, kwentuhan niyo na lang ako mamaya.

The three of them went inside, and Lola Andeng just shook her head while smiling
as she closes the gate.

Scene 4: Dinner

Pray before meal

Lola Andeng: This we ask through Christ our Lord…

ALL: Amen.
Lola Andeng: Oh, mga apo, kamusta naman ang paglalaro niyo? Mukhang sobrang
napagod kayo ah *laughs*

Tobias: Sinabi niyo pa po, la. Alam niyo ba, tinalo ko na naman si Jabez. Nakakasawa
na, lagi na lang panalo. Hay nako.

Gabe: Pakayabang! HAHAHA!

Tatay Balong: May mga chix sigurong nanood kaya mo ginalingan, manang mana ka
talaga sakin anak.

Nanay Maris: Ayan ayan! Dyan kayo magagaleng mag ti-tito hay nako. Kayo ah, kayo
talaga, lalo ka na Tobias, subukan mo lang talaga nako tatamaan ka sakin!

Tatay Balong: Oh, biro lang yun! (laughs hard until he coughs, clutches his chest,
then drinks water)

Tobias: yung mga babae, tuwang tuwa habang nanonood *laughs*

Lola Andeng: nako, yan ka na naman sa mga babae *laughs* ikaw Jabez, sobrang
tahimik mo ata?

Jabez: Ah hindi po, gutom lang po dahil sa sobrang pagod *fake smile*

Lola Andeng: Osige kumain ka lang dyan, ikaw talagang bata ka. Tutal magkakasama
na rin naman tayo, may tanong akong sainyong tatlo kasi tinanong ako ng kumare ko
sa Zumba kanina.

Gabe: Luh bagets talaga HAHAHA! De joke lang po, ano po yun ‘Nang?

Lola Andeng: Sabi ni Sally kanina, yung apo nya daw na babae, yung may crush sayo,
Tobias noon, aba gusto daw mag madre. Kayo ba anong gusto nyo? Baka naman gusto
mo sundan, Jabez si Jessica at mag seminary ka nga! De biro lang apo, pero ano nga?

Gabe: Sa totoo lang po, hindi ko po alam eh

Lola Andeng: Eh kayo Tobias, at Jabez?

Tobias: Hindi ko rin po alam eh.

Jabez: *umiiling*

Lola Andeng: bakit hindi niyo subukang pumasok ng seminaryo?


Tatlong pinsan: *mapapatigil sa pagkain at magkakatinginan at ngitian*

Scene 5: Late for Mass

Alarm goes off

Lola Andeng: TANGHALI NAAAA! Jabez, Gabe, Tobias tatayo ba kayo dyan oh
ano. Kumain na at baka mahuli tayo sa misa ah!

Gabe: 5mins pa ‘Nang

Lola Andeng: Ay tigil-tigilan nyo ako ah, tumayo na dyan, kumain at magbihis na.

Jabez: Lezzgo! Gusto ko tanungin si father kung pano ba maging isang father

Tobias: TITA JULIA! TATAY DAW OH!

Jabez: Luh panira ng umaga to ah.

Tobias: Ikaw ah… magmamadre na nga yung Jessica eh, tama na yang pag
papantasya mo.

Gabe: De pero pano yung buhay sa loob ng seminaryo e noh? Libre ata pagkain dun e
HAHAHA!

Lola Andeng: Kay kukupad talaga hay Panginoon ko!

Leaves for mass

Mass

Tobias: Galing talaga ni father oh, imagine nakakagawa sya ng Homily lagi hahaha
kaya ko kaya yun?

Jabez: Pre ang astig talaga neto ni Father eh no, nakakasabay parin sa uso kahit na
di masyado nag ce cellphone.

Gabe: Nakaka curious naman maging pari HAHAHA, ‘Nang, pwede ba naming
kausapin si father mamaya, tatanong lang naming kung masaya ba sa seminary.

Jabez: Wala naman sigurong Calculus sa Bible e noh?

Tobias: NICE!
Lola Andeng: Hay kayo talaga! Sige sige sabihan ko si ate Cherry para sabihin kay
father pagkatapos ng misa.

Mass concludes

Father Joshua: Oh, Andeng, eto na ba yung mga bata? Tignan mo nga naman lalaki
na ah, kay lalaki pa. Ano bang atin ah, mga hijo?

Tobias: eh father, naisip kasi namin na pumasok sa seminary.

Gabe: Marami po ba pagkain dun father?

Jabez: Di po ba mahirap?

Lola Andeng: Huy ano ba yang mga tanong nyo, isa isa lang! hay father pag
pasyensyahan nyo na po at parang sobrang excited eh nag bibiro lang naman ako
sakanila noon.

Father Miguel: Ano ka ba, Andeng. Okay lang yun, nakaka tuwa nga at gusto palang
mag lingkod ng tatlong ito eh. Teka nga lang, kayo ba’y sigurado sa tinatahak nyo ah?
Ang pagseserbisyo sa Panginoon ay walang biro ah? Ang asawa mo ay ang simbahan,
lagi nyo yang pakakatandaan.

Silence

Lola Andeng: Ayan natahimik kayo, kayo talaga! Sige po, Father. Sorry po sa abala,
mauuna na po kami.

Walking home

Gabe: Awit, bigla akong kinabahan ah.

Tobias: Sus edi wag ka sumama, mukang masaya naman sa loob e tsaka ayaw mo
bang ipag patuloy yung mga nagawa nina Nanay sa simbahan?

Jabez: Oo nga, ngayon ko lang nakita yung sarili ko na may future, baka sa
simbahan talaga tuloy natin.

Tobias: Napaka drama ah! Hay pero ang alam ko pwede namang tumigil pag di natin
na ramdaman yung fulfillment sa loob e, atsaka di nyo ba na fe feel yung “calling”

Gabe: Pano yung calling ah paano?


Tobias: Ganito oh! Ganyannnn!

Lola Andeng: Hay kayo talaga, sige ipag tatanong ko na ang requirements ah para
maihanda nyo na. Siguraduhin nyo yan ah? Nakakahiya naman kay Father kung ano-
ano gawin nyo dun.

Gabe: Sus lola parang di nyo naman kami kilala. Kami po ay POGI diba, may Presence
of God Inside.

Jabez: CORNY HMPF! HAHAHA

Lola Andeng: Tigil tigilan nyo nga yan aba, bilisan nyo at magluluto pa ako ng
tanghalian.

The cousins together with their lola regularly attended the mass and see to it that
they attend all holy days of obligations

Every time they finish a mass or even visit the church, they always lit a candle
outside and pray for their family and above all, for one another.

Scene 6: Cousins Leaving for the Seminary

Tobias is preparing his thing before leaving their house

Lola: Tobias! Nandito na si Jabez at Gabe. Bilisan mo na dyan

Tobias: Ang aaga naman nung mga yun, ayos ah, excited na maging mga pari *shakes
head then laugh*

Tobias: SUSUNOD NA PO, LA.

Tobias goes down the stairs, then greets Gabe and Jabez

Lola Andeng: tignan niyo oh, sa dinami-dami ng pwedeng maging seminarista, kayo
pa talaga yung napili ng Panginoon. Sino ba naming mag-aakalang papasok talaga kayo
ng seminaryo

Tobias: Kaya nga po eh *kamot ulo*

Tatay Balong: mag-iingat kayo dun ha (heavy breathing)

Nanay Maris: oh, bakit parang pagod ka?


Tatay Balong: ahhh, eh nag push ups ako sa kwarto, alam mo naman pag matanda na
hehe *nang-aasar na ngiti*

Nanay Maris: ewan ko sayo *laughs*

Tobias: Mag-iingat po kami dun, wag po kayong mag-alala. Sige po, aalis na po kami!
Mag-iingat din po kayo dito ha. Labyu ol

Nanay Jenny: Hay nako anak halika nga dito! Talagang ma mi miss kita. Tumawag ka
pag pwede ah? *phone rings* AY AY AY ayan tatay mo tumatawag, sagutin mo muna
at magpaalam ka ng maayos ah!

Nanay Andrea: *slides through phone harshly* HAYYY eto talagang tatay mo,
Gabe kahit kalian di na tumama sa oras ng pagtawag. *phone rings* AY AY AYYY
AYAN NA OH SIGE anak kausapin mo rin muna yang tatay mo baka sabihin ay di ka
nag paalam sakanya.

Lola Andeng: AYYYY SANDALEEEE eto baon nyo mga apo ah baka walang kare-
kare, sinigang na hipon at Andeng’s crispy pata doon, ayan baunin nyo. Hay kayo
talaga, nag biro lang naman ako noon eh masyado nyo dinibdib aba! Oh sya nag
aantay na dun si Father, bilisan nyo na.

Mga magpipinsan: Babye po! Bisita po kayo ah? Mag iingat po kami, hihinga,
maglalakd, kakain, mag dadasal, opo ma, pa, ta, ‘nang, opo. Mauna na po kami.

Family waves at Tobias and cousins while leaving

Scene 7: Cousins Play at the Church

Father Miguel is at the entrance

Tobias pranked him and ‘mistook’ him for a security guard

Tobias: Magandang Umaga po, saan po dito yung office?

Father Miguel scratches his head

Father Miguel: Kayo talaga Tobias, Jabez, at Gabe, sutil talaga!

Tobias: Ay father! Sorry po

Gabe: Ikaw talaga Tobias oh


Jabez: uy ayos, nakakahiya kay father oh.

Father Miguel: Okay lang, huling kita ko pa sa inyo ay nung bininyagan ko kayo

Tobias: kayo po ang nagbinyag sa amin?!

Father Miguel: Tama ka Tobias, alam niyo ba na ang Lola Andeng niyo ay isa sa mga
pinakamatagal ng relihiyoso sa Parokya natin.

Tobias: Ay ganun po ba? Kaya po siguro sa paglaki naming magpipinsan, sinisigurado


niya po na lagi po naming naaalala ang Diyos *smiles*

Jabez: Tama po, lagi niya po kaming sinasama magsimba bawat linggo *smiles*

Gabe: Sinisigurado rin po niya na gabi-gabi kaming nagdadasal bago matulog


*smiles*

Father Miguel: Kaya siguro napagdesisyunan niyo ring pumasok ng seminary ano?
Oh siya, tara na at pumasok na kayo

Tobias: Ah father, saan po dito yung chapel?

Father Miguel: oh, kapapasok mo pa lang, magdadasal ka na agad? Baka maging


santo papa ka sa susunod ha *laughs* siya nga pala si Jason, isang seminarista
dito.Hay sigurado na ba talaga kayo? Pwede pa naming umatras… ‘de biro lang,
naniniwala ako na kayo talaga’y pinili at tinawag ng Diyos para sa ikalalago ng
kanyang simbahan.

Jason waves and smiles

Father Miguel: Jason, Dalhin mo si Tobias sa chapel

Tobias: Salamat po father *smiles then proceeds to chapel room*

Every night, the cousins especially Tobias is observing their obligation to pray
every night.

Scene 8: Death of Father

On the sixth day of their Sixth month inside the seminary

Tobias is about to sleep when he felt something wrong- he realized that he forgot
to talk to God so he prayed.
Tobias: In the name of the-

Dinner scene-Home

Joy: Father and of the Son and of the Holy spirit

Tobias and Joy: Amen.

Tobias: Lord, maraming salamat po sa araw na ito na binigay nyo saakin-

Nanay Maris: kamusta naman sa trabaho niyo, tay?

Tobias: Maraming salamat po sa pagbibigay nyo saakin, saamin ng mga bagong


kaalaman at dahilan upang ipag patuloy itong laban na ito-

Tatay Balong: ganun pa rin, ang dami daming tao, sa akin lahat binibigay yung
trabaho

Tobias: Lord, sorry kung minsan naiisip ko na umalis dito kasi miss na miss ko na
sina Nanay at Tatay pati si Joy pero alam ko naman na para ito sa ikararangal ng
pangalan mo.

Nanay Maris: Ganun talaga, sobrang hirap na kumita ng pera sa panahon ngayon.

Tobias: Kayo po ang patuloy na gumabay kay tatay sa trabaho nya-

Tatay Balong: Sinabi mo pa, Nay. Oh joy, kamusta naman sa school?

Tobias: kay Joy sa school nya-

Joy: May quiz po kami tay, sobrang dali lang nga po eh *laughs*

Tatay Balong: Ang talino talaga ng anak ko! Ipagpatuloy mo yan anak ah? *pats
head*

Joy: *while laughing* mana lang po sa inyo

Nanay Maris: Oh siya ituloy niyo na pagkain niyo at baka lumamig pa yan. Paborito
niyo pa naman yan

Tobias: Kay nanay sa pagaalaga nya kay Joy at Tatay-

Continues to eat; Tobias continues his prayer


Tobias: Panginoon, pinagkakatiwala ko po ang aking pamilya sa inyo.

Tatay Balong: *intense chest pain*

Tobias: Huwag mo sana silang gaanang mangulila sa presenya ko.

Nanay Maris: Huy, okay ka lang ba?

Tatay Balong: oo okay lang ako, sige kumain lang kayo

Nanay Maris: siguraduhin mo lang ha… *tuloy kain*

Tobias: Ilayo nyo po sila sa kahit anong kapahamakan

Flash back of scnes where Tatay Balong was showing symptoms of cardiac problems
such as chest pains and dizziness.

Tatay Balong can’t suppress the chest pain he is feeling and started to be vocal of
what he feels

Tatay Balong: Maris, tawagin mo si Badong, ipa-start mo yung sasakyan.

Nanay Maris: Huh? Ano bang nangyayayari sa’yo aba?

Tatay Balong: *Tries to catch his breath* Bilis

Maris: Joy, tumawag ka ng tulong bilis! Inang! Jenny! Andrea! Si Balong, tulong!

Tobias: Ito’y akin itinataas sa aking Panginoong Hesukristo, sa ngalan ng ama, ng-

Maris: Anak! Nasaan na si Badong!

Tobias: At ng spirito santo, Amen

Lola Andeng: Ay Hesus ko patawarin, Balong anong nangyayari sa’yo?

Nanay Maris: Balong! Jusko ano bang nangyayari sayo

Tatay Balong: Ang hirap huminga *strikes his chest*

Nanay Maris: Joy! Bilisan mo!

Joy: Nay lumabas na kayo!

Jenny at Andrea: Ate, kumalma ka tara na dalin na natin si Kuya sa ostipal


The sisters brought Tatay Badong inside the car

Lola Andeng: Oh aba maria napupuno ko ng grasya

Tatay Balong: Mariz, tandaan mo na mahal na mahal kita ah? Ikaw lang ang una’t
huli kong babaeng minahal, ‘wag na ‘wag mo kong kakalimutan ah?

Nanay Maris: Ano bang sinasabi mo dyan ah? Huy lumaban ka malapit na tayo.

Lola Andeng: Ang panginoong Diyos ay sumasayo, bukod kang pinagpala sa babaeng
lahat at pinagpala rin naman ang iyong anak na si Hesus

Tatay Balong: Ikaw naman ah Joy, pagbutihin moa ng pag-aaral mo ah? Tandaan mo
na proud na proud si tatay saiyo

Joy: Tay! Ano ba yang mga sinasabi mo?

Lola Andeng: Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming mga makasalanan

Tatay Balong: Maris, sabihin mo kay Tobias na proud na proud ako sakanya, sorry
nalang kamo at di ako makakaattend sa misa nya ah? Mahal na mahal ko kayo-

Lola Andeng syned with Tatay Balong: Ngayon at kung kami’y mamatay. Amen.

Nanay Maris and Joy: Tay!

Tatay Balong was declared dead upon arrival to the hospital

Scene 9: Calling of Tobias due to Death of Father

The cousins are eating inside the refectory

Jabez: wala talagang tatalo sa tinapay at mainit na kape sa umaga.

Gabe: sinabi mo pa!

Tobias: sana bukas merong hotdog, itlog, ano pa ba, tuyo! Ang sasarap nun…

Jason rushes to Tobias with hesitation

Jason: Tobias, pinapatawag ka ni Father Miguel sa office nya, mukhang seryoso e

Tobias: Luh ang aga-aga eh, di pa nga ata gising si Father. Kaw talaga, Jason

Jason: Ay hala siya, seryoso nga. Bilisan mo parang may emergency ata e.
Tobias: Talaga ba? Wag ka magbiro ng ganyan, hindi ka nakakatuwa.

Jabez accidentaly loose grip on his cup and broke on the floor

There was a complete silence for a short period of time then thwy looked puzzled
towards each other

Gabe: Tobias, bilisan mo ah baka kung ano nan nangyari sa bahay!

Jabez smirks as he sees the poorness of the reaction Tobias made

SCENE 10: Knowing the Death of Father

Tobias runs to the office of father Miguel and knoned vigorously

Father Miguel: Oh ayan ka na pala, umupo ka muna.

Tobias: Uhmm good morning po Father, ano po bay un? ‘tong si Jason kasi kung ano-
ano pong pinagsasabi eh, nakakapag alala.

Father Miguel: Bago yun, gusto ko munang ipaalala saiyo na ang Panginoon ay hindi
kailan man gumawa ng hakbang para sa ikasasama ng kanyang mga anak ah?

Tobias: Po? Mas pinakaba nyo naman po ako.

Father Miguel: Anak, tumawag saakin ang Inang mo at sinabing inatake daw sa puso
si Balong, hindi na daw sila umabot sa ospital kagabi.

Tobias did not move a bit nor opened his mouth to respond. He blasted the door of
Father Miguel and immediately went to the chapel

Tobias: Lord, ang hirap hirap naman, alam ko po na lahat ay naayon sa plano mo, na
ang lahat ay maayos, na ang lahat ay may rason pero minsan hindi kop o mapigilang
mapatanong kung bakit. Bakit sa lahat ng tao, si papa. Bakit sa lahat ng pamilya kami
pa? Hindi ko po alam kung saan ako huhugot ng lakas para mag patuloy kasi sila lang
ang pinanghuhugutan ko ng lakas. Sorry po kung dumating ako dito sa puntong
kinikwestyon ko na po ang mga gawa niyo pero hindi ko lang po talaga maunawaan.
Sobrang sakit po. Bigyan nyo po ako ng tapang at lakas na tanggapin at harapin ang
lahat. Ito ay aking itinataas sa aking Panginoon at tagapagligtas, Amen.

SCENE 11: Furious Tobias and Furious Jabez

Tobias goes to the kitchen early in the morning and prepares coffee, and suddenly
Jabez and Jason came in

Jabez: Nabalitaan ko yung nangyari kay tito. Nakikiramay ako, Tobias.

Jason: Condolence

Gabe: Anong balak mo? Di ka ba uuwi satin? Di ko alam kung kakayanin kong umuwi,
masyadong mahal ang ticket pauwi Maynila.

Tobias: Yun na nga eh, sa tingin ko ako nalang ang uuwi, kahit dito nalang muna kayo.
Maiintindihan naman siguro kayo ni Tatay.

Jason hugs Tobias. Jabez also hugs Tobias after.

Awkward silence occurs and the three sits to have coffee

Jabez: Ganun talaga ang buhay, minsan ‘di mo maintindihan kung bakit nangyari ang
isang bagay. 

Tobias remains silent

Jabez: Ano ba? Kailangan mong magpakatatag. ‘Wag mo hayaang lamunin ka ng


kalungkutan.

Tobias: Puro ka ganyan, kaya mo lang sinasabi yan kasi hindi mo naman ramdam yung
nararamdaman ko

Jason: Tobias ano ba? Pinapagaan na nga ni Jabez yang pakiramdam mo, ganyan pa
pinapakita mo
Tobias: Pasensya na. Wala lang ako sa wisyo para makipag-usap ngayon. Alam niyo
naman kung gaano ako kalapit kay tatay.

Jabez: Naiintindihan kita

Continues to drink coffee

Jabez: Paki-abot nga yung asukal

Jason tries to reach it, but he can’t because it’s far from him

Jabez: Tobias, pakiabot naman nung asu…

Tobias: ANO NA NAMAN?! ASUKAL BA?! OH AYAN OH! (throws the sugar)

Jason: Tobias… (deep breaths then face slaps)

Jabez: (shouts) Ano bang problema mo? (stands) Baka hindi mo alam, hindi lang
ikaw yung nawalan ng magulang dito. Alam mo na si tito ang tumayong tatay ko
dahil wala ang mga magulang ko.
Jabez leaves the cafeteria, Tobias is distraught while Jason comforts him.

Scene 12: Returns Home for Funeral

Tobias leaves the seminary for a while to return to his family in Manila. He rides
the bus and returned home.

Lola Andeng: Oh apo, di ka naman nag text oh ano pa man.

Nanay Maris: Anak…

Joy: Kuya…

Nanay Maris, Joy, and Tobias hugged each other while looking at the vavle where
the ashes of his father is contained.

Tobias returned to the seminary to continue his life mission and pursue his father’s
dream for him.

He is just in time as the Sunday mass is about to begin.

Gabe: Uy! Nandito ka na pala? Kwneto ka mamaya ah? Mag sta start na kasi mass,
kita tayo mamaya.
Scene 13: Death of Mother and Sister

Sunday evening, 6 days after the death of Tatay Balong

Tobias and Jason leaves the chapel together after the evening prayer

Tobias: Namimiss ko na kasi pamilya ko, di pa ganun katagal nung namatay si tatay.

Jason: Grabe ano? Hindi mo talaga masasabi kung kalian ka kukunin ng Diyos? Alam
ko naming masakit parin kahit anong sabihin natin eh pero pakatatag ka, para sa
kinabukasan. Pero maiba nga ako, matanong ko nga, ano nga bang kinamatay ni tito?

Tobias: Cardiac Arrest.

Jason: Ahhh. May family history ba kayo ng mga may sakit sa puso?

Tobias: Wala naman, matagal na syang may kondisyon sa puso, hindi lang naming
alam. Yun pala yung dahilan kung bakit lagi syang kinakapos ng hininga o di kaya
naman minsan ay sumasakit yung dibdib nya. Hay bat hindi ko bay un napansin noon,
sana naagapan pa naming.

Jason: Ay sus, ano ka ba, wala naman nang dapat sisihin. Wala narin naman nang
mangyayari, at tsaka diba nga sabi ni Father dati, mula sa Philippinas 1: 2, For to
me: “to live is Christ and to die is gain.” Kaya mag smile ka na dyan, sigurado akong
proud na proud sayo si tito. Eh siya, ganito talaga dito. Mahihirapan ka sa simula,
pero masasanay ka rin.

Tobias: Sana nga. Oh siya sige, magpapahinga na muna ako. Parang bumalik ako sa
day 1 ng pag aadjust dito sa loob.

Jason: Sige. Magpahinga ka nang mabuti. Magdasal ka, sa Diyos lang kumapit,
kapatid. Tandaan na siya ay ang the way

Tobias: The truth, and the life. Hay iba ka talaga! Hahaha Cardinal Jason.

Tobias lies on his bed and prayed

Tobias: Panginoon, maraming salamagt po sa regalo ng buhay. Panginoon, ikaw ay


aking pinupuri at pinapasalamatan sa katatagang binibigay mo saakin. Alam ko po na
ako’y mahina ngayon. Maraming nangyayari na umuubos sa pisikal at espiritwal kong
lakas. Nawa’y kayo po ang patuloy na mag bigay sakin ng lakas upang malagpasan ko
ang mga pagsubok na ito. Panginoon, sa pagtulog ko ngayong gabi, nawa’y bigyan nyo
po ako ng sapat na lakas para sa susunod na umaga. Kayo po ang patuloy na
magbantay sa aming munting bahay, kay Nanay at kay Joy.

Nanay Maris: Uy Joy, tama na yang kaka cellphone mo ah! Kumain na tayo

Joy: Opo ma

Tobias: Ingatan nyo po sila sa lahat ng pagkakataon. Ilayo nyo po sila sa mga gawa
ng demonyo.

Someone misteriosly knocked through their door

Nanay Maris: Aba’y anong oras na, sino kaya ‘yan?

Joy: Wait lang ma buksan ko.

As Joy walks through the door, a guy slammed their front door and another
through their kitchen door holding a gun.

Nanay Maris: Joy! Halika dito!

Joy screams in fear

Nanay Maris: Sino kayo ah? Anong gusto nyo sa pamilya ko? Kunin nyo na ang lahat
wag nyo lang kaming sasaktan!

The inrtuders robbed the house and tried to sexualize Nanay Maris and Joy but
Nanay Maris stood up and faught for their dignity

Inrtudenr 1: Aba matapang ka ah? Etong sayo!


Intruder smashed the head of Nanay Maris with his gun causing severe bleeding
and making her dizzy

Joy, out of reflexes kicked Inrtuder 1 in his genitals and scream for help

Irtuder 2: Ay talagang sutil kayong mag-ina ah?

The intruders see to it that both Joy and Maris were fatal by stabbing them
multiple times

Tobias: Huwag niyo po kaming pababayaan lalong lalo na po ang aking pamilya. Sana
po ay tulungan niyo po silang maging matatag at masaya sa kabila ng pagkawala ni
tatay. Sana rin po ay ilayo niyo po sila sa sakit at sa kapahamakan. Sana po ay walang
mangyari sa kanila habang malayo ako sa kanila. Amen.

Nanay Maris: Santa Maria, ina ng Diyos, ipnanalangin nyo kaming mga makasalanan,
ngayon at kung kami’y mamatay. Amen.

Joy and Nanay Maris where left beeding inside their home which eventually
resulted to death as large amount of body fluids where lost.

Scene 14: Tobias Knows the Death of Mother and Sister

The cousins are having their breakfast at the refectory

Gabe: Jabez, nagsabi ba sayo si Tobias kung mauuna na tayo kumain? Tomguts na
ako sir hahaha!

Jabez: Takaw mo talaga! Antayin na natin yun baka natagalan lang mag bihis.

Tobias: Gooooood moooorning mga pinsan kong malulusog HAHAHA!

Gabe: Late na nga nang asar pa!


Tobias: Luh panira ng magandang umaga. De joke lang hahaha! Tara na kuha na tayo,
gutom na rin ako e

Jason hesitantly called the attention of Tobias a Father Miguel wants to summon
him to his office

Jason: Tobias, tawag ka nanaman ni father.

Tobias: Ha? Wait subo lang ako.

Gabe accidentaly spilled the coffee to his hand which made him slip the mug out of
his hands

Tobias: Weird. Sandali nga lang, punta na ako kay father baka ano nanaman sabihin
nya sakin.

Tobias rushes to the office of Father Miguel with a heavy heart, he knew
something was up
Father Miguel: Tobias, umupo ka muna. Alam ko nung huling pinatawag kita hindi
maganda ang balitan hinatid ko sayo. Siguro mas mamarapatin ko na ikaw nalang ang
kumausap sa Inang mo. Sandali, tatawagan ko lang.

Tobias: Father, ano po ba yan?

Tobias cries as he can’t dispose his emotions

Lola Andeng: Oh apo kamusta naman dyan? Kumain ka na ba?

Tobias: Ay hello po Inang, kamusta naman po dyan? Si Joy ‘nang, nahatid na po ba


sa school?

Lola Andeng started to be histerical as Nanay Jenny grabs the phone, Tobias cried
even more since he is confused with everything

Nanay Jenny: Tobias? Wala na ang mama mo pati si Joy, pinasok ang bahay nyo
kagabi ng dalawang di pa nakikilalang lalaki. Tobias? Nandyan ka pa ba?
Tobias?

Tobias hears, sees, says nothing but plain black, everything went dark

Father Miguel: Tobias, umupo ka muna at mag-usap tayo ng aayos. Huminahon ka.

Tobias: HUMINAHON?! PAANO AKO HIHINAHON KUNG NAMATAY ANG


NANAY AT ANG KAPATID KO?!

Tobias slammed the door in the office of Father Miguel as he rushed in the empty
chapel

Tobias: Ang kapal ng muka mo? Sino ka ba ah? Ano ka ba ah? Totoo ka ba?
SAGUTIN MO KO!!! Bakit sa dami rami ng tao sa buong mundo, yung nanay ko pa ah?
YUNG KAPATID KO PANG WALANG KAMUANG MUANG AH? Yung una tatay ko,
ngayon nanay at kapatid ko. Ano bang nagawa naming sayo ah? Bakit hidni yang mga
kurap yung kunin mo ah? Napakaraming masama sa bayan pero ayan sila, buhay at
nagpapakasasa sa kamunduhan. Eh kami? Di naman kami nahumaling sa mundo ah?
Lagi nga kaming nagsisimba eh. NANDITO NGA AKO SA SEMINARYONG TO PARA
SA’YO! Nagpapaka subsob ako dito sa pag-aaral ng salita mo eh di naman ata to
totoo? Di ka naman talaga ka samba samba? Hindi ka naman patas. DIYOS? DIYOS
KA? TALAGA BA?
Jabez and Gabe comforted Tobias and directed him to his quarters to rest but
Tobias was very angry. He kept on shouting. The whole seminary was in complete
silence after Tobias was restrained in his room.

Scene 15: Trying to Cheat

Prelimenary exams

Father Miguel: Last 5 mins.

Tobias: Presbyterate… Diaconate… hala ka ano yung isa? Lord pano ba to.

Gabe seems to be acing the exam

Tobias, tempted to obtain a high score, got the attention of Gabe hoping to sip
some answers

Gabe glanced to Tobias and immediately avoided eye contact

Tobias: Gabe, anong sagot sa number 40?! *whisper*

Gabe pretends that he did not hear a thing

Tobias: Gabe! Waleya naman to oh. Jabez, pst

Jabez did the same thing like Gabe

Jabez (thoughts): ‘tsk magpapari na nga maduga parin.

Father Miguel: Time’s up! Pass your paper finish or not finish. You may take your
recess. Tobias, stay.

Outside

Father Miguel: Tobias, ano ba ang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganito dati.
Hindi ka na nagpaparticipate sa mga activities natin, hindi ka na araw araw
nagdadasal, at hindi mo na rin nirerespeto ang mga rules pati na rin ang mga
kasamahan mo dito sa seminary.

Tobias ignores everything and smiles

Father Miguel: As much as gusto kong unawain yung situation mo, hindi dapat tayo
nagpapa lunod sa kalugmukan dahil mas mahihirapan kang bumangon. Paulit-ulit mang
pakinngan pero tanging pananalig lamang sa kanya ang nananatiling pinaka mabisang
paraan para malagpasan mo ang lahat.

Tobias ignores everything that father says. He started to laugh in a sarcastic


manner yet minimal

Father Miguel: Pero hindi dahil malapit kayong tatlo saakin, lalo ka na, ay
papalagpasin ko na ang ginawa mo. This calls for a disciplinary action pero sino ba
naman ako para maging malupit sa’yo, ilalagay lang kita sa probation. Nauunawaan mo
ba ako? Kanina pa ako salita ng salita dito ah. Are you with me?

Tobias: Opo, di na po mauulit, Father

Scene 16: Late Tobias

Tobias consistently fails to make it on time during institutional gatherings which is


a blatant disrespect not just to the principles of the seminary but above all, to the
commitment he started with God.

Father Miguel: Gabe, Jabez, nasaan na si Tobias, siya nalang ang inaantay.

The two does not have any idea on what they are to respond to the query of
Father Miguel

Father Miguel: Jason, ano bang nangyayari dyan kay Tobias, hindi naman yan
ganyan noon. Siya pa nga ang pinaka masinop sa inyong lahat. Naalala nyo ba noon na
sya yung nanalong semenarion of the month ng apat na magkakasunod na buwan. Hay
hindi ko rin sya matiyempuhan. Kamustahin mo naman paminsan-minsan, ah?
Papuntahin mo narin siya sa office ko pag nakita mo ah? Salamat!

Jason looked for Tobias and told him to head to office of Father Miguel

Jason: Tobias! Tobias!

Tobias: Hala ka, ano nanamang masamang balita ang dala mo aba? De biro lang, ano
yun?

Jason: Ikaw talaga HAHAHA! Kamusta ka naman ah? Tawag ka ni Father, sure ako
di masama yung sasabihin nun, mukha namang masaya siya kanina eh.

Tobias went to the office of Father Miguel


Father Miguel: Oh nandyan ka na pala. Umupo ka muna at mahaba haba ang
paguusapan natin.

Tobias: *whispers “awit”* Hala Father, ano po yun?

Father Miguel: Okay ka lang ba, Tobias? Napansin ko kasi na wala ka sa sarili mo
netong mga nakaraang araw eh. May problema ba?

Tobias curled his forehead and showing gestures that shows signs of being
uncomfortable

Father Miguel: Alam naman naming masakit pa pero tandaan mo lang na nandito
kaming lahat para sa’yo. Nandyan siya, mas malapit sya kaysa sa lahat. Maiba tayo,
naubusan nap ala tayo ng supplies, dumaan ka muna sa grocery sa labas para rin
makapag pahangin ka. Bumalik ka kaagad ah? Ayusin mo na rin ang mga gamit para sa
misa bukas. Okay ba yun? Eto ang pera, alam mo naman na yung proseso sa mga
pinapabili diba? Ingat ka!

Tobias was undisposed

Tobias: Ah yun lang po ba? Sige po. Mauna na po ako.

Tobias was tasked to prepare the materials needed for the mass next morning,
however they ran out of stocks so he needed to go out of the seminary and buy
some supplies. While he was picking the items they need, he came up with a clever
idea. He bought a hard liquor drink and separated the receipt so that he will not be
cought when the funds are audited.

Tobias: Ayos to ah, rak en rol(rock and roll) ka bukas, Father

Cashier: Sir, P1,670.00 po.

Tobias: Pa separate nalang po ng container yung Cuervo, miss

Cashier: Okay po sir. Thank you for shopping, have a great day ahead po!

After shopping, he felt that he was a bit hungry so he grabbed some snacks and
sat at the corner of the street to observe and feel the moment.
While Tobias was eating, an evangelist caught his attention. It came to him that
the person was very dedicated to his task and vocation until he saw what
this person did to a beggar.

Evangelist: Kapatid! Kamusta? Maari ka bang makausap? Nakilala mo na ba ang


panginoon? Basahin mo ito kasabay ko… Dalhin mo ‘to para sa iba pang
information, inaasahan kong makita ka sa parish sa Linggo ah?

Beggar: Kuya, palimos po.

Evangelist: Ay wala ineng eh.

Beggar: Kuya, pangkain lang po sige na.

Evangelist: Aya’y hindi nga pwede e, pera ito ng simbahan! Hay maka alis na nga
dito.

Tobias was disappointed of what he saw but he somehow f ound the situation funny

Tobias: Tignan mo nga naman, kakaibabe talaga ang simbahan. Idol! Onti nalang
makakalabas na ako sa seminary, onti nalang!

Tobias carefully replaced the wine for the communion with the drink he bought

During the communion, Father Miguel noticed that something was wrong with the
wine. He talked to Tobias after the mass to confront him personally.

Father Miguel: Tobias, ang ginawa mong ito ay direktang labag hindi lamang sa
rules ng ating seminary kundi sa commitment mong binigay sa Panginoon.
Ikinalulungkot kong sabihin na ang ginawa mong ito ay magreresulta sa paglabas mo
ng seminaryong ito. Ihanda mon a ang mga gamit mo at maari ka nang uamlis pag
sikat ng araw bukas.

Tobias: *He was silent yet these words are resounding inside his mind* NICE ONE!
Hay salamat makakalabas na ako dito. FREEEDOOOOM!

Scene 17: Preparing to leave the Seminary

Tobias silently prepared his things and left early in the morning before the sun
rise, he left no traces.
Gabe and Jabez were shocked when they saw that the bed of Tobias was empty

Gabe: Jabez, huy gumising ka dyan. Nasaan si Tobias?

Jabez: Ano yan, ang aga aga, ginawa mo pa akong GPS

Gabe: Hay seryoso nga, lagi nga yun late nagiging e bat wala yan dyan

Jabez: Oo nga noh! Halika baka nasa labas lang yun!

Bell for wake up call rang

Father Miguel: Gabe! Jabez! To my office please.

Jabez and Gabe rushed to Father Miguel’s office.

Father Miguel: Gabe, Jabez, may ideya na ba kayo kung bat ko kayo pinatawag?

Jabez: Po?

Father Miguel: Nakita nyo ba si Tobias? Kagabi kasi, kinausap ko siya. Sinabi ko
ang lahat ng violations na ginawa nya for the past weeks at kinamusta ko rin naman
sya dahil di naman lingid sa kaalaman natin na netong mga nakaraang buwan ay hindi
nagging madali para sa kanya. Pero hindi iyon dahilan para pagbigyan natin siya sa
mga ginawa niya. Siya ay lagging late sa mga wake up calls, siya ay mayroong
mababarang evaluations at grades, at higit sa lahat, nilagyan nya ng alak ang
communion. Ilan lamang iyon sa mga ikinunsidera naming para magbaba ng disisyong
palabasin siya ditto para sa ikabubuti ng lahat. Ikinalukungkot ko nga lang na hindi
siya nakapag paalam ng maayos bagamat binigyan ko naman siya ng palugid. Unawain
nalang natin siya. Huwag narin nating buksan ang ganitong usapan sa labas ng silid na
ito para narin sa dignidad ni Tobias kung bumalik pa siya, tatanggapin parin naman
natin siya nang may ilang konsiderasyon. Maari niyo naman siyang bisitahin kapag
pwede kayong lumabas dito. Nawa’y maging aral ito hindi lamang sa inyo kundi sa iba
pa ninyong kasama na maging matapat sa tungkuling inyong tinanggap sa pagpasok sa
seminaryong ito.

Jabez: Sige po Father, nauunawaan po namin.

Jabez seems to be happy about the descision made by the committee however,
Gabe was really bothered as Tobias was really close to him.
Scene 18: Going Home (Left Seminary)

Tobias rode a jeepney as he leaves the seminary. He rode alongside with a religious
person holding a rosary dovoted to praying. As the jeepney comes closer to her
destination, the true color of the lady showed.

Lady: Para! Para po! Manong para!

Driver: Sa babaan lang po ate.

Lady: *punyeta* Para nga po sabi e ang layo layo na!

Driver: May nanghuhuli po dyan ate.

Lady: Anak ng hay Jusko!

Tobias loughed in a sarcastic manner

Tobias: *thought* Hay lezzgo church! Hindot talaga hahaha!

Lady: Anong tinatawa taw among bastos kang bata ka ah! Hindi ka marunong
rumespeto! Di ka mahal ng mama mo! Hay maka baba na nga. Mga bwiset!

Tobias: Ano kuya? Ayos ka lang? hay iba talaga ang mga “religious” nakakahiy
hahaha!

Driver: Ay toy, di naman lahat, pero alam mo tama ka, kung sino pa tong turo ng
turo ng “tama” sila pa tong mga bastos at nagbubuklod sa lipunan.

Those were strong words coming from the driver, the anger of Tobias grew ever
bigger fot the church.

He finally arrived near their home

Tobias: Para po!

As he was walking towards their house, his childhood friend saw him. It seems like
they haven’t saw each other in a century, their eyes were filled with joy.

Rafael: Uyyyyy si father!!!


Tobias: Father ka dyan. Yikes! HAHAHA

Rafael: Hala ka, anong nangyari? Nasan yung dalawa?

Tobias: Ah wala, yung dalawa? Nandun, bulag parin hahaha nagpapaka banal

Rafael: Luh ang deep, anong bulag bulag ka dyang nalalaman, mag pahinga ka muna
bukas na tayo mag kwentuhan

Tobias: Hay oo pagod ako pero mas nakakapagod maniwala, tol

Rafael: Haaay sabi na ng aba nakakabaliw maging masyadong close kay Lord

Tobias: Sira! Sige na mauna na muna ako, wag ka muna maingay na nakita mo ako ah?
Aalis agad ako pagka kuha ko ng gamit sa bahay. Na miss kita tol!

Scene 19:Tobias at Home (Left Seminary)

Tobias silently opened the door and checked if there is someone inside. Lola
Andeng was the only one inside the house since it’s a week day, the other memebrs
of the family is in their respective homes.

Lola Andeng: Tobias! Bakit ka nandito! Hindi ba dapat nasa seminaryo ka?

Tobias: Namiss ko lang kayo la, babalik din ako dun (laughs)

Lola Andeng: ikaw talagang bata ka! Nasaan si Gabe at Jabez? Bat di mo sila
kasama? Ikaw lang baa ng naka miss saakin aba?

Tobias did not gave a responce, it seems like he is realy pre occupied.

Lola Andeng: apo, sabihin mo nga, anong problema?

There was an akward silence until his phone rang, Rafael teased him to go to their
house.

(inaaya siya magbar ng kaibigan niya)

Tobias: Sa susunod na po ako magkkwento, la. Aalis po muna ako (laughs)

Lola Andeng: oh, kararating mo pa lang, aalis ka na agad? San ka na naman pupunta?

Tobias: Dyan lang po kayna Rafael, yung kababata namin. Ay la sya ng apala, secret
lang to ah, wag nyo po muna sasabihin kayna tita. Labyu!
Lola Andeng: oh siya sige mag-iingat ka

Вам также может понравиться