Вы находитесь на странице: 1из 4

Shakira Mae J. Adena Pagsasalin sa Kontekstong Pilipino – Prof. C.

Austero
BSA 1-4 Marso 9, 2020

Takdang Aralin:

Loving Rather Than Needing


by Karen R. Koening

When we say we love someone, we may believe that we need them in order to be happy which is
not necessarily true. We can go on to be fine when we lose someone we love because loving and needing
are not the same animal.

In my view, love develops into mutual caring and allows two people to value each other for being
their authentic selves, while need pressures people to be a certain way and not change. Love flows
outward toward others, while need pulls others toward us (whether they want to move toward us or not).
Love is other-oriented and generous while a need is restrictive and deprivation. When we confuse need
and love, we’re usually seeking someone to complete us in a way we may or may not be conscious of.

Let’s say . . .

We’re painfully shy and socially awkward and find someone who’s gregarious and appears at
home wherever they are and whoever they’re with. Socially, they’re everything we’re not.

We’re insecure and uncertain about doing the right thing and wrong and find someone who’s sure
of themselves and seems to always know the right answer and what to do. When we’re with them, our
insecurity dissolves and we feel protected and safe, sure that life will turn out well for us.

We have low self-esteem and feel unworthy of life’s pleasures and find someone who has a huge
appetite for them. We feel deserving of and get to enjoy these pleasures simply by being with them without
ever really believing that we deserve to enjoy them on our own.
We don’t feel special or unique and find someone who not only thinks they’re special, but other
people view them as exceptional as well. Simply by being around them, our specialness seems elevated,
as if their gifts are our gifts, their beauty erases our ugliness, and their glow is our glow.

Although we’re programmed through evolution to seek partners who are in many ways our
opposite, it’s crucial that we each feel emotionally complete. Admiring your partner’s extroversion, talents,
and self-assuredness and trying to be more like them is healthy. Needing someone because you are
emotionally undeveloped is not. What happens when they give up or lose what you need most in them?
When they no longer want to be restricted by who they’ve been and wish to move in a different direction?
When you love someone, you value and support their growth. When you need them, you fear it. For your
own mental health, when you’re considering a partner, shoot for love, not need.
Pagmamahal kaysa Pangangailangan
ni: Karen R. Koening
isinalin sa Filipino ni Shakira Mae Adena

Isang malaking miskonsepsyon na pinaniniwalaan ng nakararami ang pagiging kaakibat o


katumbas ng pagmamahal sa pangangailangan natin sa isang tao. Sinasabing kapag nagmahal tayo, iyong
taong iyon ay siyang atin ring kinakailangan upang makaramdam ng kasiyahan at kagalakan sa ating loob-
loob. Ngunit, hindi ito palaging tama. Hindi isang tao ang magdidikta kung kailan tayo sasaya at kung kailan
hindi. Mawala man sila sa ating buhay,marapat nating tandaan na may kakayahan tayong magpatuloy at
maging masaya sa buhay. Magkahalintulad man sa ating pandinig, ang pagmamahal at pangangailangan
ay dalawang magkaibang termino at hindi dapat pilit na pinagsasama sa isa’t isa.

Para sa akin, ang pagyabong ng pagmamahal ay mula sa pagtataglay ng parehas at patas na


nararamdaman sa pagitan ng dalawang tao. Hindi katulad ng pilit at pagal na pangangailangan,
nagbubukas ang pagmamahal ng oportunidad upang mas lalong makilala ng magkarelasyon ang kani-
kanilang sarili – na sa kabila ng inyong kani-kaniyang mga kapintasan at mga pagkukulang, tanggap,
pinapahalagahan at mahal niyo pa rin ang isa’t isa. Ang pagmamahal ay mapagpalaya. Hinahayaan natin
ang ating kabiyak na maghanap at makahanap ng mga oportunidad kung saan mas mapagbubuti at mas
mapauunlad pa nila ang kanilang sarili. Hindi katulad ng pangangailangan na makasarili - gusto natin na
ang atensyon at presensya nila ay sa atin lang. Hindi bukas ang ating isipan sa pag-unlad nila bagkus ay
iniisip lang natin ay ang pansariling pag-unlad. Itinuturin na parang isang kasangkapang ginagamit upang
maramdamang ikaw ay kumpleto, na ikaw ay masaya. Kung minahal mo lamang ang isang tao dahil
kailangan mo siya, hindi iyon tunay na pagmamahal. Ang totoo niyan, ginagamit mo siya upang magtamo
ka ng kumpiyansa sa sarili.
Sabihin na nating…
Kapag ikaw ay mahiyain at walang kahit na anong talento sa pakikipag-interaksyon o pakikipag-
usap, kadalasan ay humahanap tayo ng taong magaling makisama at madaling makipagpalagayan ng loob
sa iba.

Kapag ikaw naman ay hirap at may problema sa pagkilala ng kung ano ang tama o mali,
kadasalan ay humahanap tayo ng taong palaging sigurado sa mga desisyon at madaling nakaaalam ng
mga nararapat na gawin. Kapag ganito, ang simpleng pagsama natin sa kanila’y nakapaghahatid ng
pagpupunan sa ating kapintasan. Nakadarama tayo ng katiyakan – na para bang tayo ay protektado na. Sa
ganitong sitwasyon, sa tingin nati’y ayon na sa atin ang buhay.

Kapag naman sobrang baba ng ating tiwala sa sarili na paminsa’y umaabot na sa puntong iniisip
na natin na hindi tayo karapat-dapat na magtamo ng kahit na anong mga kasiyahan sa buhay, humahanap
tayo ng taong buo ang loob at desididong makapagtamo ng mga bagay-bagay. Kapag kasama natin sila,
nararamdaman natin na parang karapat-dapat din tayo, tulad niya.

Kapag nararamdaman natin na parang walang kakaiba sa atin at natagpo tayo ng taong
nagtataglay ng kahanga-hangang mga katangian, na kahit ibang tao’y mataas ang pagtingin sa kaniya, ang
simpleng presensiya ng taong ito sa ating tabi ay nakapagdaragdag ng kumpiyansa sa ating sarili. Naiisip
natin na ang kaniyang mga katangian ay katangian rin natin. Binubura ng matayog niyang pagkatao ang
ating mga kapintasan, at ang kinang niya’y nagbibigay kinang rin sa atin.

Kahit pa sabihing tayo’y itinadhana na maghanap ng ating makakasama sa buhay, na kung


mapapansin ay kadalasang kabaliktaran ng ating pagkatao, napakahalaga pa rin na dapat alam na talaga
natin sa ating sarili ang mga kapamamaraanan kung paano maging buo at makaramdam ng kasiyahan at
kakuntentuhan kahit wala ang ibang tao. Sa pakikipagrelasyon naman, nakapagdudulot ng pangkalahatang
paglago at nakadaragdag sa kumpiyansa ng isa’t isa ang buong pagtanggap sa mga kakulangan at mga
kapintasan, at paghanga sa mga kalakasan at magandang mga katangian. Ngunit, isipin: Ano na lamang
ang iyong gagawin kapag umalis na siya? o nawala na ang mga bagay o katangian na nakapagbibigay
satispaksyon sa iyo? Paano kapag napagdesisyonan na ng iyong karelasyon na kumalas at tumahak ng
ibang direksiyon? Hindi rin magandang tuluyang dumepende sa ibang tao upang makaramdam ng
kasiyahan sapagkat hindi natin masasabi ang mga maaaring mangyari sa mga susunod na panahon.
Pangalawa, masasabing tunay na mahal mo ang isang tao kapag higit mong pinahahalagahan at
sinusuportahan ang kanilang paglago. Kapag sa tingin mo ay kailangan mo lamang siya upang
maramdaman mong buo ka, hindi ito tunay na pagmamahal. Panghuli, kapag humanap tayo ng karelasyon,
alamin muna natin kung ito ay tunay na pagmamahal o pangangailangan lang. Piliin ang taong ating mahal
kaya natin kailangan. Hindi yung kailangan mo lang kaya mahal mo.

SANGGUNIAN:
Koenig, K. R. (2019, November 22). Loving Rather Than Needing. Retrieved from
https://www.karenrkoenig.com/blog/loving-rather-than-needing

Вам также может понравиться