Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
It’s been a while and I pray that your family is safe and healthy!
It has always been our mission at St. Paul University Philippines to provide our students with quality Catholic
Paulinian education. In this time of pandemic, we will continue to do so- but now in a different way- as we
transition into the new normal.
For the fourth quarter of School Year 2019-2020, we will take a systematic path and employ a very manageable
approach in administering class instruction. Over the past few weeks, teachers have been working diligently on
their Dynamic Instructional Plans (DIPs) which will be delivered to all the learners to ensure continuity of
learning.
On the succeeding pages, you will find the fourth quarter learning targets of Aralin Panlipunan 6. All learning
tasks of the subject are anchored on the learning competencies your child needs to master. Since these tasks are
to be done at home, I ask that you take time to assist/guide your child to assure his/her success of education.
Please do also take note that all accomplished tasks may be send through email, messenger, other social media
platform, or be brought to the designated drop boxes strategically situated at the university’s pedestrian gate.
I am fully aware that these difficult times are having a significant impact on you, your family, and the school
and so we will remain in constant communication with you and will be available for questions during this
transition. We are confident we can move into this new normal together.
Thank you and looking forward to seeing the accomplishment your child will create. I fervently pray that we
will all be blessed and that we will overcome all the difficulties during this time of uncertainty. Let us
continuously pray and work together, all for the greater glory of God!
LEMY AN B. RUMBAOA
Subject Teacher
09063538287
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500
ARALING PANLIPUNAN 6
KASAYSAYAN NG PILIPINAS
IKAAPAT NA MARKAHAN
Inihanda ni: BB. LEMY AN RUMBAOA Iwinasto ni: GNG. LOIDA M. ESMUNDO
Subject Teacher Subject Team Leader
Nagkaroon ng eleksiyon noong 1969 at nahalal muli si Pangulong Ferdinand Marcos.Hindi maganda
ang lagay ng ekonomiya ng ating bansa dahil sa labis na paggasta at pangungutang ng ating bansa nang
nakaraang taon. Mas naging Malala ang kalagayan ng ating bansa ng hindi nasiyahan ang mga mamamayang
Pilipino sa pamamamalakad ng Pangulong Marcos.
Setyembre 21, 1972 nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Proklamasyon Blg.
1081 na mapapasailalim sa buong bansa sa Batas Militar.
Nagimbal ang mga Pilipino nang mawalan ng koryente ang buong Pilipinas. Isinara ang estasyon ng
radyo at telebisyon. Pinaghuhuli ang mga nagsisipagrali at mga politikong lumalaban o sumasalungat sa
pamamalakad ni Pangulong Marcos. Maraming ang nabalitaang napatay o na- slavage. Namayani ang takot sa
mga mamamayan. Nawalan ang demokrasya sa bansa. Walang pinahihintulutang magsalita o sumulat laban sa
pamahalaan. Halimbawa ang mga sumusunod;
Ang saligang Batas 1973 ang pinairal ni Pangulong Marcos sa kanyang panunungkulan at ang
pamamahalang ito ay kinilala bilang Ikaapat na Republika. Isang Parlamentaryong uri ng pamamahala ang
nakabalangkas sa Saligang Batas 1973 o (ang tawag din ng marami na Konstitusyong Marcos). Ang
kapangyarihan ministro ang ginamit ni Pangulong Marcos upang ipairal ang sarili sa pamamahal. Ang mga
balangkas ng pamahalaan at mga tuntunin ng Konstitusyong 1973 ay hindi natupad bagkus ginamit ni
Pangulong Marcos ang Transitionary provision para maantal ang pagtatakda ng Saligang Batas 1973. Pinalitan
niya ang balangkas ng Pamahalaan upang lalong lumakas ang kanyang kapangyarihan. Ito ang dahilan kung
bakit ang pamahalaan ay naging diktadura sa halip na demokratiko. Nagpatupad siya ng mga programa at
patakaran kabilang ang mga sumusunod;
Nagkaroon ng CURFEW Pabahay para sa kawani ng
tuwing gabi. pamahalaan
Nagroronda ang mga Nagpatayo ng pamilihang
militar sa kalye at bayan at kasama sa DIWA
hinuhuli ang mga o KADIWA centers na
nasa labas ng tahanan nagtitinda ng mga pagkain
kung nakalipas na sa mas murang halaga.
ang 10:00 pm
Natigil ang pag-aalsa Nagpatayo ng ng mga
Nabawasan ang mga puericulture center
krimen
Makabagong ospital tulad
ng heart center at national
kidney institute.
PAMANTAYAN
NILALAMAN 5
PAGLALAHAD 4
EBIDENSIYA 3
MAKATOTOHANA/ 4
KAPANIPANIWALA
TOTAL 15
PANIMULA (Introduction)
Isang marahas na hakbang ang batas militar na maaring isagawa ng pamahalaan upang hadlangan ang
mga nagbabantang panganib katulad ng himagsiakan, rebelyon, paglusob at karahasan. Ginamit ni Pangulong
Ferdinand Marcos ang kanyang kapangyarihan upang mabago ang pamahalaan ayon sa kanyang kagustuhan.
Pinagsama niya ang kapangyarihang ehekutibo, lehislatibo at lumikha ng panibagong batas (tinaguriang
presidential decree o pagdedeklara ng mga kalatas ng pag-uutos ng pangulo).Maraming karapatang pantao ang
nalabag ng ating pamahalaan sa ilalim ng diktatutang Marcos.Ngayon pag-aaralan natin ang mga pagbabago sa
administrasyong Aquino sa ilalim ng demokratikong pamamahala.Ang mga Karapatang tinatamasa ng mga tao
sa panibagong Saligang Batas 1987 sa ilalim ng demokratikong pamamahala,ang kahalagahan ng pagtatanggol
at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala at pananaw tungkol sa demokratikong uri
ng pamahalaan at diktaturyang pamamahala.
LAYUNIN (Objectives)
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
4. Natutukoy ang mga karapatang tinamasa ng mga tao ayon sa saligang batas 1987 sa ilalim ng
demokratikong pamamahala;
5. Napahahalagahan ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong
pamamahala at;
6. Nabibigyang katwiran ang mga pananaw tungkol sa Demokratiko uri ng pamamahala at Dikaturyang
uri ng pamamahala.
Presidential Commission on Good Nilikha ito upang maibalik ang nanakaw na pera sa
Government (PCGG) kaban ng bayan.
Ang pagpapatibay sa saligang batas o Konstitusyong 1987 ang nagbigay-wakas sa rebolusyonaryong pamahalaan
ni pangulong Aquino at nagbigay-daan sa pagkakatatag ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Ang saligang batas 1987
ang siyang saligan ating pamahalaan hanggang sa ngayon. Sa ilalim ikalimang republika pinahahalagahan ang ang mga
karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.
Nanumbalik ang demokrasya sa bansa at
nagkaroon ng malayang pagtatalakayan sa mga
diyaryo, radio, at telebisyon. Nagkaroon din ng
pambansa at lokal na eleksiyon.
3 2.
2. 1.
1
4. 4
5 5
PAHALANG PABABA
1.Binuwag niya ang saligang batas 1973 1. Komisyon na babalangkas sa Saligang Batas
na naging batayan ng kalimang Republika ng
Pilipinas..
2.Nagbibigay ng pangangalaga at proteksiyon sa mga 2. Isang uri ng pamahalaan na nagpapatamasa ng
bata sa barangay. maraming karapatan sa mga mamamayan
3. Ang mga kabataang hindi nag-aaral at 3.Ito ang uri ng pamahalaan na naitatag
nagbabakasyon habang walang pasok sa paaralan ay pagkatapos ng diktaturyang Marcos.
hinihikayat magtrabaho.
4. Nangangalagaan sa mga batang biktima ng pang- 4. Limitado ang kalayaan ng mga tao
aabuso seksuwal o prostitusyon. gayundin ang kanilang mga karapatan.
5. Nagsisilbing balangkas para sa pangmatagalang 5.Ang pagdaraos na nito ang ebidensiya ng
katahimikang pang-industriya at sectoral na samahan. matatag ang demokrasiya sa ilalim ng Ikalimang
Republika ng Pilipinas.
A_____ _____ E___ P___ I ____A _____ I ____ A ____ I ___ N T ___ U____ S______
4. Tinatamasa ng mga tao sa ilalim ng demokratikong pamamahala.
_____A______A________A_________A________
5. Nilikha ito upang maibalik ang nanakaw na pera sa kaban ng bayan.
P____E____I____EN____I___L C__MM___SS___ON ___N G___ ___D
G___V___R____M____N_____
SUMATIBONG PAGTATAYA (Summative Assessment)
Sa kabuuang pagsusuri sagutin ang mga sumusunod na katanungan, bigyang katwiran ang mga ito batay sa
mga nakalahad na impormasyon na inyong nakalap sa Modyul 2. Tatlong puntos bawat bilang (15 puntos)
1. Para saiyo, ano ang pangunahing tungkulin na dapat tuparin ng bawat mamamayan para sa bansa?
2. Bakit maituturing na isang tunay na demokrasya ang pamahalaan sa ilalim ng Ikalimang Republika?
3. Paano mo magagamit ang mga aral na ito sa pagtupad ng iyong mga tungkulin at pananagutan sa
pagtamasa ng mga karapatan bilang isang Malaya at maunlad na Pilipino?
4. Anong pag-unawa ninyo sa diktaturyang uri ng pamamahala?
5. Tama bang alisin ang karapatan ng mga mamamayan upang mapanatili ang katahimikan at katiwasayan
ng isang lipunan? Bakit?
PANIMULA (Introduction)
Kahirapan sa buhay ang patuloy na naging suliranin ng ating pamahalaan sa ikalimang republika ng
Pilipinas sa mahabang panahon.Sinubukan ng iba’t-ibang administrasyon na lutasin at tugunan ang mga
suliranin na kinahaharap ng ating bansa.Ngayong araw ating tatalakayin ang mga programa na ipinatupad ng
iba’t-ibang administrasyon at suliranin sa kahirapan, makabubuo ng isang malikhaing sa mga patugon ng bawat
administrasyon sa mga suliranin na kanilang hinarap at pagpapahalga sa mga kontribusyon ng bawat
administrasyon sa pagkamit ng kaularan at kapayapaan ng ating bansa.
LAYUNIN (Objectives)
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga programang na ipinatupad ng iba’t-ibang administrasyon at mga suliranin na
kanilang
hinarap;
2. Nakabubuo ng isang malikhaing paglalahad tungkol sa pagtugon ng iba’t-ibang administrasyon sa mga
suliranin na kanilang kinaharap at;
3. Nabibigyang-halaga ang mga kontribusyon ng bawat administrayon sa pagkamit ng kaunlaran at
kapayapaan ng ating bansa.
PANGULONG JOSEPH E. ESTRADA PANGULONG GLORIA M. ARROYO CHIEF JUSTICE RENATO CORONA
A. Panuto: Gumawa ng isang malikhaing graphic organizer na naglalahad sa mga pangulong ng ikalimang
Repubkila ng Pilipinas at mga programa na nakilang ipinatupad pupang tugunan ang mga suliranin na
kinahaharap ng ating bansa. Halimbawa nito ang nasa ibaba. Ilagay ito sa malaon na papel (long bond
paper). 15 puntos
PAMANTAYAN
PAGKAMALIKHAIN 4
IMPORMASYONG 4
PUMAPALOOB
KAAYUSAN NG DATOS 3
KAANGKUPAN NG PAKSA 4
TOTAL 15
B. Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga ang mga kontribusyon ng bawat
administrayon sa pagkamit ng kaunlaran at kapayapaan ng ating bansa.
PAMANTAYAN
PAGKAMALIKHAIN 1
NILALAMAN 2
KAUGNAYAN SA TEMA 2
TOTAL 5
PANIMULA (Introduction)
Ang pagharap ng hamon at pagtugon sa suliraning kinahaharap ng ating bansa ang ating tinalakay sa
nakaraang talakayan ngayon naman ating tatalakayin ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon
sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa ;Pampulitika (Hal., usaping pangteritoryo sa West Philippine Sea,
korupsyon, atbp) Pangkabuhayan (Hal., open trade, globalisasyon, atbp) Panlipunan (Hal., OFW, gender, drug at child
abuse, atbp) Pangkapaligiran (climate change, atbp), mga gampanin ng pamahalaan at mamamayan sa pagkamit ng
kaunlaran at kapayapaan ng ating bansa at ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga programa ng pamahalaan
tungo sa pag-unlad ng bansa .
LAYUNIN (Objectives)
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Natatalakay ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at
maunlad na bansa;
2. Natutukoy ang mga gampanin ng pamahalaan at mamamayan sa pagkamit ng kaunlaran at kapayapaan
ng ating bansa at;
3. Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga programa ng pamahalaan tungo sa
pag-unlad ng bansa.
4.Katarungang Panlipunan
Ngayon alamin natin kung anu-ano ang mga sukatan ng kaunlaran ayon sa mga
nagkakaisang bansa (United Nations) na batay sa mga istatistikong index tula ng income per capita (per person) GDP, life
expentancy, rate literacy at iba pa dahil dit nakagawa ang UN ng human development index (HDI).
Ang mga bansang nakakaranas ng kahirapan ay taglay ang mga isyung nagiging balakid at hadlang sa kanilang
pag-unlad o pagkamit ng kaunlaran. Narito ang kontemporaryong isyung Panlipunan na nagiging haldang sap ag-unlad ng
mga ibang bansa kabilang ang Pilipinas.
Isyung Pampulitika
Usaping Pangteritoryo sa Philippine Sea- Umaasa na lamang ang Pilipinas sa tulong ng Estados Unidos
at ibang pang makapangyarihang bansa sa paghahanap ng mapayang solusyon sa suliranin.
Graft – Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at kuwestiyonable
Korupsiyon- Tahasan o intesiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng
pamahalaan.
Terorismo- Isinasagawa ng mga grupo, samahan o pamahalaan upang makamit ang kanilang adhikaing
pulitikal o criminal.
Isyung Pangkabuhayan
Open Trade- Malayang pakikipagkalakalan
Epekto:
1. Pagtindi ng kahirapan dahil sa pagsusulong at pagbibigay pabor sa mgadambuhalang kapitalista at
dayuhang namumuhunan
2. Pagdami ng taong walang trabaho dahil natumba ang maliliit na negosyo
3. Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa
4. Pagkakalugi at pagsasara ng mga local na kumpanya at industriya na hindi makasabay sa
pandaigdigang kumpetisyon
Epekto:
1. Pagkasira ng kalikasan
2. Pagkawala ng katutubo o indigenous na kultura
3. Pagkawala ng pagkakakilanlan ng bansa dahil sa pagiging sunud-sunuran sa mga mayayamang bansa
4. Pagpasok at pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.
5. Brain Drain
Isyung Panlipunan
Pag-alis ng mga mamamayan (OFW)
Mga pang-aabuso
Halimbawa: Pang-aabuso sa bata o Child abuse, Gender Abuse, Pang-aabuso sa Droga o Drug abuse
Isyung Pangkapaligiran
Pagbabago ng Klima
Pagdami ng Basura
Pagdumi ng kapaligiran
Bilang mamamayan ng ating bansa tayo ay may tungkulin sa pag-unlad ng ating bayan. Ito ang magiging susi
upang matugunan ang ating mga pangangailan at maitaas ang antas ng ating pamumuhay. Ngunit Paano natin ito
makakamit? Narito ang mga kailangan nating gawin.
Ang mamamayan at pamahalaan ay may mahalagang tungkulin sa paglago ng ating bansa samakatwid
kailangang magtulungan ang dalawang panig upang magkaroon ng maayos at maunlad na bansa. Sa
pamamagitan ng mga impormasyon nakalahad pangatwiranan ang iyong tungkulin bilang mamamayan ng iyong
bansa.
B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang dapat gawin upang maitaguyod ang pambansang kaunlaran. Layan ng exis(Ⅹ) ang
dapat iwasan.