Вы находитесь на странице: 1из 22

9

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page

Araling Panlipunan – Ika-siyam na Baitang


Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Mahahalagang Konsepto ng
Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Manunulat: Nissan Sol S. G.
Urbecia Remegio
Aloro
Editor:
Editor: Joy A. Rullan
Jocelyn C. Montealegre
MgaTagasuri:
MgaTagasuri: PinkyPamela
Pinky PamelaS.S.Guanzon,
Guanzon,Nove
NoveP.P.Macayan
Macayan
Tagaguhit:
Tagaguhit: Luna Emily
Lou D.U.Beatingo
Valencia
Tagalapat:
Tagalapat: Luna Luna
Lou D. Beatingo
Lou D. Beatingo
Tagapamahala:
Tagapamahala:
Janalyn
Gladys B. Navarro
Amylaine D. Sales
Michell L. AcoyongGuanzon
Pinky Pamela S.
Ellen G.
Janalyn B.De La Cruz
Navarro
Ari Joefed
Pinky Pamela Solemne L. Iso
S. Guanzon

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
9
Araling Panlipunan
Quarter I – Modyul 1:
Kahulugan at Mahahalagang
Konsepto ng Ekonomiks

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod
City.

iii
Paunang Mensahe
Para saTagapagdaloy

Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga mag-aaral
na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na maaring gabayan ng
mga magulang at nakatatandang mga indibidwal. Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na
gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na
pagtataya.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa iyong
pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang inihanda.
Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul na ito. Ang
gawain ay mula sa topikong Kahulugan at Mahahalagang Konsepto ng Ekonomiks kung
saan nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.
Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin Ko,
Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:
Bahagi ng modyul kung saan ipinapakilala ang
Aalamin Ko learning competency na dapat matutuhan sa araling
ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang pagsasanay na
Susuriin Ko
nagsisilbing
pre-test at balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat mong
Pag-aaralan Ko
matutunan.
Napapaloobdito ang ibatiba at karagdagang gawain
Gagawin Ko tungkol sa aralin.
Napapaloob dito ang mga aralin na maging gabay
Tatandaan Ko
para magawa at masagutan ang mga pagsasanay.

Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga natutunang


Isasabuhay Ko aralin upang matamo ang pamantayan sa pagganap.

Napapaloob dito ang iba’t-ibang uri ng pagsusulit na


Susubukin Ko angkop sa aralin.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyulna ito.

iv
Unang Araling Panlipunan 9
Linggo Unang Markahan-Modyul 1

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.
AP9MKE-Ia-1

Aalamin Ko
.

Bawat tao ay nahaharap sa iba`t-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay.


Isa na rito ang pagsasagawa ng desisyon mula sa simple hanggang sa
pinakakumplikado at bahagi nang buhay ang pagkakaroon ng choices o pagpipilian. Sa
pagproseso ng pagpili ay hindi maiiwasan ang pagsasakripisyo ng isang bagay.
Nagpapasya tayo kung ano at alin ang higit na mahalaga sa marami nating pagpipilian.
Magkakaiba man ang ating mga karanasan o pagtugon sa sitwasyon sapagkat naaayon
ito sa ating kagustuhan, pangangailangan, pinagkukunang-yaman, kakayahan at sa
desisyong ginawa.

Ang modyul na ito ay naglalayong aalamin, uunawain at ipapamalas ang iyong


kakayahan sa pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan
ng matiwasay at maunlad na pamumuhay na nakasalalay sa isang matalinong
pagpapasya. Inaasahan din na ikaw ay makapaglalapat ng kahulugan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.

Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang


mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.

1
Susuriin Ko
Panuto: Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na Oikonomia, na ang ibig


sabihin ay pamamahala ng sambahayan. Ito ay isang agham panlipunan na
nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan
at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Alin sa mga
sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?
A. Ito ay pag-aaral ng tao o lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
B. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pang-
kabuhayan na kinakaharap.
C. Ito ay pag-aaral kung paano matugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
D. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa
kaniyang pagdedesisyon.

2. “Rational people think at the margin.” Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang
Indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na
makukuha mula sa gagawing desisyon. Kung ikaw ay isang taong rasyonal
mag-isip, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. Isaalang-alang ang mga bibilhing gamit kapag magkaroon ng pera.
B. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon.
C. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon.
D. Isaalang-alang ang mga pagpunta sa iba`t-ibang okasyon.

3. Sa ginagawang pagsasakripisyo ay may opportunity cost. Ano ang tawag sa


halaga ng bagay o nang best alternative na handing ipagpalit sa bawat paggawa
ng desisyon?
A. Opportunity Cost B. Trade-off C. Incentives D. Ekonomiks

4. Sa hinaharap nating pandemya ngayon ay halos mauubos na ang ating mga pinag-
kukunang-yaman o ang resources na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Paano mo lalabanan ang pandemyang ito na hindi aasa sa tulong ng ibang tao?
A. Makipaglaro sa mga kaibigang mayayaman para malibre ang pagkain.
B. Makipag-usap sa mga opisyal ng barangay upang mailista sa SAP.
C. Mamalagi sa loob ng bahay at hintayin na maubos ang supply bago mag-isip
ng paraan.
D. Mag-isip at gumawa ng paraan sa pamamagitan ng pagtatanim o pagbebenta
ng mga bagay na hindi naman ginagamit at nakatambak lamang sa bakuran.

2
5. Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choices o pagpipilian.
Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost.
Bakit may nagaganap na trade-off at opportunity cost?
A. Dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao.
B. Dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer.
C. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga podukto at serbisyo.
D. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan.

6. Bawat araw ay mayroong pagsubok ang ating buhay. Paano mo haharapin ang
mga pagsubok na ito lalong-lalo na kapag limitado ang iyong pinagkukunang-
yaman?
A. Ipagsawalang bahala na lamang ito at mamuhay ayon sa agos ng buhay.
B. Mag-asawa ng matandang mayaman para may mamanahin ka.
C. Mag-aral ng mabuti at sisikaping mapalawak ang iyong kakayahan sa pagbuo
ng matalinong desisyon.
D. Magtrabaho at gumastos sa mga kagustuhan sa buhay.

7. Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano


tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Bilang isang mag-aaral paano mo
isasabuhay ang kahulugang ito?
A. Gumastos at ilibre ang kaibigan kapag may malaking baon o maraming pera.
B. Tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na lamang habang bata pa.
C. Mamumuhay ng ayon lamang sa pangangailangan at titipirin ang natitirang
resources upang hindi mauubusan.
D. Ipahihiram sa iba ang sobrang resources para maging sikat sa lipunan.

8. Bakit kailangang maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao?


A. Upang may maipagyayabang kapag siya ay hindi nauubusan ng pinag-
kukunang-yaman.
B. Upang maging masaya kapag siya ay may magandang bahay at sasakyan.
C. Upang magkaroon ng magandang buhay at malusog na pangangatawan
dahil sa walang pinagsisihan sa ginawang desisyon.
D. Upang magkaroon ng maraming kaibigan.

9. Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong


pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang
magbago ng isip sa bandang huli. Ano ang tawag sa iniaalok ng mga lumilikha ng
produkto at serbisyo na naging dahilan sa pagbabago ng desisyon ng isang tao?
A. Incentives B. Opportunity Cost C. Trade-off D. Resources

10. Anong konsepto ng ekonomiks ang ginamit ng isang tao kapag siya ay gumamit
ng mapanuring pag-iisip bago ginawa ang isang bagay?
A. Marginal Thinking B. Trade-off C. Opportunity Cost D. Incentives

3
Basahin at unawain mo ang mga ibinigay na kahulugan at mga konsepto ng
ekonomiks sa ibaba.

Kahulugan ng Ekonomiks

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos nanga-


ngahulugang bahay, at nomos na pamamahala o pamamahala ng
sambahayan.

Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano


tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya


sa mga suliranin. (economist`s perspective)

Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng


matalinong desisyon.

Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.

Pag-aaral sa kung paano ang indibidwal at ang lipunan sa kabuuan


ay pumili kaugnay ng paggamit sa kapos na pinagkukunang-yaman
sa harap ng iba`t-ibang alterrnatibong kagustuhan na dapat matu-
gunan. (Gerardo Sicat)
Nakatuon rin ito sa kung paano labanan at gagawan ng mga paraan
upang matugunan ang ating mga pangunahing pangangailangan sa
panahon ng kalamidad o pandemya gamit ang mga bagay na makikita
lamang sa ating bakuran.

4
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Sadyang napakahalaga ng mga choices o pagpipilian sa buhay ng tao


lalo na sa panahon ngayon na tayo`y nahaharap sa COVID-19 pandemic.
Sa pamamagitan nito ay kailangan mong gumamit ng mapanuring paraan na
magdadala sayo sa isang matalinong pagdedesisyon upang makamtan ang
mabuting landas o tagumpay sa buhay at hindi kakapusin sa iyong mga pinag-
kukunang-yaman o resources sa oras ng pangangailangan.

Narito ang mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks na makatutulong


sa paggawa ng isang mabuting pagpapasya o matalinong pagdedesisyon. Tingnan
ang pigura sa ibaba.

Trade -off Marginal


Opportunity
thinking
Cost Incentives

Matalinong Pagdedesisyon

5
TRADE-OFF - ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng
ibang bagay. Mahalaga ang konseptong ito sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian
sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.

Halimbawa #1: Mag-aaral ka ba o maglalaro? Tulad ng nasa


larawan sa itaas makikita na ipinagpalit ng isang bata ang
paglalaro ng online games sa pag-aaral na kung saan mas
piniili niya na pumunta ng paaralan kaysa manatili sa bahay
para maglaro lamang ng online games tulad ng ML. Sa
pamamagitan nito ginamit niya ang konsepto ng trade-off.

Halimbawa #2: Paano mo lalabanan ang kahirapan dulot ng


COVID-19 pandemic? Ano ang maaari mong
isasakripisyo para makatulong sa iyong pamilya? Maaari
kang magtanim, magtahi, mag-online business kapalit ng
paglalaro o pagtatambay lamang sa inyong bahay. Ito ay
nagpapakita rin ng konsepto ng trade-off.

OPPORTUNITY COST - ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best


alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa
ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012).

Halimbawa #1: Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang


halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na ipinalit niya sa pag-
lalaro. Dahil sa pinili niya ang pag-aaral nakapagtapos siya
ng kanyang kurso. Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may
magandang opportunidad na naghihintay sa kanya, ang
pagkakaroon ng magandang trabaho.

Halimbawa #2: Dahil sa ikaw ay nagsakripisyo at gumawa ng


mga paraan para ang pandemyang covid ay labanan
mayroong kang mapagkukunan ng iyong pangunahing
pangangailangan. Sa pamamagitan nito ay ginamit mo ang
konseptong opportunity cost.

6
INCENTIVES - isang bagay na iaalok sa iyo upang magpursiging makamit
ang isang bagay.

Halimbawa #1: Iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at


serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura at
magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming
pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto o
serbisyo.

Halimbawa #2: Ang incentives ng pagkakaroon ng magandang


trabaho ay ang pagkakaroon ng malaking sahod dahil sa
pagkakaroon ng malaking sahod nabibili niya ang maga
bagay na gusto niya makamtan sa buhay.

Halimbawa #3: Ang incentives naman sa paggawa ng mga


paraan para ang COVID-19 ay labanan maaari mo itong
mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbebenta ng
mga produktong ginawa at hindi na kayo aasa pa sa mga
relief goods o anumang tulong mula sa ibang tao o sa
ating pamahalaan sapagkat mayroon nakayong
mapagkukunan ng mga pangunahing
pangangailangan.

MARGINAL THINKING - Pagsusuri ng isang indibidwal sa karagdagang


halaga maging ito man ay gastos o pakinabang
na makukuha mula sa gagawing desisyon. May
kasabihan sa ekonomiks na
“Rational people think at the margin.”
Ang ibig sabihin nito ay sinusuri
ng isang indibidwal ang karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na
makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa
gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral at
paglalaro, karagdagang allowance at mataas na
grado, ay masasabing maaaring maging
matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.

Halimbawa #1: Tulad ng nakikita sa pigura sa itaas, isinaalang-


alang niya ang opportunity cost ng isang bagay na
kanyang gagawin at pinag-isipan niya ng mabuti ang
pagsasagawa ng isang matalinong pagpapasya
kung paano siya magkaroon ng magandang buhay na
matustusan ang kanyang walang katapusang
pangangailan at kagustuhan.

Halimbawa #2: Dahil sa ikaw ay gumawa na ng paraan bago pa


maubos ang inyong mga resources sa gitna ng
pandemya, ikaw ay maituturing na taong rasyonal
sapagkat ikaw ay gumawa ng isang matalinong desisyon
hindi ka magugutom at ang iyong pamilya at maaari
kapang makatutulong sa iyong lipunan.

7
Pangalan: _________________________ Baitang: _____________________
Paaralan: __________________________ Iskor: _______________________

Tanong Ko! Sagot Mo!

Panuto: Ilalapat ang mga natutunan sa kahulugan at konsepto ng ekonomiks sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Mahalaga ba ang pagsagawa ng isang matalinong desisyon sa bawat sitwasyon?


Ipaliwanag.

Sagot: ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Nalagay tayo ngayon sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic, paano ka at


ang iyong pamilya gumawa ng desisyon para mabuhay na hindi umasa sa tulong ng
pamahalaan?

Sagot: ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong ginawa ng isang


tao?

Sagot: ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

8
Pangalan: _________________________ Baitang: _____________________
Paaralan: __________________________ Iskor: _______________________

PAGSULAT NG REPLEKSIYON!

Panuto: Bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan, sumulat ng repleksiyon


at reyalisasyon tungkol sa iyong mga natutuhan sa kahulugan ng ekonomiks,
trade-off, opportunity cost, incentives at marginal thinking at kung paano mo
ito isasabuhay sa kasalukuyang pangyayaring tulad ng pandemyang dulot ng
COVID-19. Isulat ito sa isang buong papel.

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON


NANGANGAILA-
DIMENSIYON NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN NGAN NG
4 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS PAGPAPABUTI
1 PUNTOS
Buod ng aralin, Maliwanag at Maliwanag Hindi gaanong Hindi maliwanag
paksa o gawain kumpleto anng subalit may maliwanag at at marami ang
pagbuod ng kulang sa kulang sa ilang kulang sa mga
araling tinalakay. detalye sa paksa detalye sa detalye sa paksa o
o araling paksa o araling araling tinalakay.
tinalakay. tinalakay.
Presentasyon ng Lahat ng Tatlo lamang sa Dalawa lamang Isa lamang sa mga
pagkakasulat pamantayan ay mga sa mga pamantayan ang
- Maayos ang matatagpuan sa pamantayan ang pamantayan matatagpuan sa
pagkakasunod- kabuuang matatagpuan sa ang kabuuang
sunod ng mga repleksiyon. kabuuan ng matatagpuan sa repleksiyon.
ideya. repleksiyon. kabuuang
- Hindi paligoy-ligoy repleksiyon.
ang pagkakasulat.
- Angkop ang mga
salitang ginamit.
- Malinis ang
pagkakasulat.

9
Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa buhay ng tao
dahil sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahulugan nito malalaman natin na
wala palang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan nating mga tao
ngunit mayroon lamang tayong limitadong pinagkukunang-yaman. Mahalaga
na mauunawaan nating mabuti at maisasabuhay ang mga mahahalagang
konsepto ng ekonomiks para sa paggawa ng isang matalinong pagpapasya o
pagdedesiyon. Sa matalinong pagdedesisyon magkakaroon tayo ng mabuting
tahanan, malusog na pangangatawan at higit sa lahat magandang uri ng
pamumuhay.

Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

TRADE-OFF

OPPORTUNITY COST

INCENTIVES

MARGINAL THINKING

“RATIONAL PEOPLE THINK AT THE MARGIN”

10
Pangalan: _______________________ Baitang: _________________
Paaralan: ________________________ Iskor: ___________________

STRATEGIC PLAN: COVID-19 LABANAN, MAG-ISIP NG PARAAN!

Panuto: Gumawa ng isang magandang plano o estratehiya tungkol sa paghahalaman


o Backyard Urban Gardening (BUG). Maaring isali ang bawat miyembro ng
pamilya o ibahagi ang gawaing ito sa inyong lipunan para sabay-sabay na
haharapin ang hamon ng kakapusan dulot ng COVID-19 pandemic. Ipapakita
sa planong ito ang iyong pagkaunawa sa mga konsepto ng ekonomiks.
Gawin ito sa short bondpaper.

Halimbawa: Paghahalaman o Gardening

1. Pagtitingin o pag-iikot sa paligid


ng bahay baka may bakanteng
espasyo na maaring taniman
ng mga gulay o halaman na
mapagkakakitaan.

2. Maaring gumamit ng mga


plastic bottles, lumang gulong o
kahon kung walang bakanteng
lupang mapagtaniman.

11
3. Ipagpapaliban muna ang
paglalaro upang lubos na
maaalagaan ang mga
pananim.

4. Maaaring ibenta o ibahagi sa


kapwa. Hindi na kailangang
umasa pa sa tulong na relief
goods at SAP ng pamahalaan
kung tayo ay masipag mag-
tanim dahil mayroon na tayong
aanihin.

12
Pangalan: _________________________ Baitang: _____________________
Paaralan: __________________________ Iskor: _______________________

Maaaring gamitin na gabay ang halimbawa at mga dayagram na makikita para sa


gagawing plano tungkol sa paghahalaman o Backyard Urban Gardening (BUG).

13
Pangalan: _________________________ Baitang: _____________________
Paaralan: __________________________ Iskor: _______________________

14
Susubukin Ko

Panuto: Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay pag-aaral ng tao o lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
B. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
C. Ito ay pag-aaral kung paano matugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
D. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa
kaniyang pagdedesisyon.

2. Kung ikaw ay isang taong rasyonal mag-isip, ano ang dapat mong isaalang-alang
sa paggawa ng desisyon?
A. Isaalang-alang ang mga bibilhing gamit kapag magkaroon ng pera.
B. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon.
C. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon.
D. Isaalang-alang ang mga pagpunta sa iba`t-ibang okasyon.

3. Ano ang tawag sa halaga ng bagay o nang best alternative na handing ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon?
A. Opportunity Cost B. Trade-off C. Incentives D. Ekonomiks

4. Sa hinaharap nating pandemya ngayon ay halos mauubos na ang inyong mga


pinagkukunang–yaman o ang resources na ginagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Paano mo lalabananang pandemyang ito na hindi aasa sa tulong
ng ibang tao?
A. Makipaglaro sa mga kaibigang mayayaman para malibre ang pagkain.
B. Makipag-usap sa mga opisyal ng barangay upang mailista sa SAP.
C. Mamalagi sa loob ng bahay at hintayin na maubos ang supply bago mag-isip
ng paraan.
D. Mag-isip at gumawa ng paraan sa pamamagitan ng pagtatanim o pagbebenta
ng mga bagay na hindi naman ginagamit at nakatambak lamang sa bakuran.

5. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Bakit may


nagaganap na trade-off at opportunity cost?
A. Dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao.
B. Dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer.
C. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga podukto at serbisyo.
D. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan.

15
6. Bawat araw ay mayroong pagsubok ang ating buhay. Paano mo haharapin ang
mga pagsubok na ito lalong-lalo na kapag limitado ang inyong pinagkukunang-
yaman?
A. Ipagsawalang bahala na lamang ito at mamuhay ayon sa agos ng buhay.
B. Mag-asawa ng matandang mayaman para may mamanahin ka.
C. Sisikaping mapalawak ang kakayahan sa pagbuo ng matalinong desisyon.
D. Magtrabaho at gumastos sa mga kagustuhan sa buhay.

7. Ang ekonomiks ay isangsangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano


tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Bilang isang mag-aaral paano mo
isasabuhay ang kahulugang ito?
A. Gumastos at mamuhay ng marangya kapag may malaking baon o maraming
pera.
B. Tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na lamang habang bata pa.
C. Mamumuhay ng ayon sa pangangailangan at titipirin ang resources
D. Ipahihiram sa iba ang sobrang resources para maging sikat sa lipunan.

8. Bakit kailangang maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao?


A. Upang may maipagyayabang kapag siya ay hindi nauubusan ng
pinagkukunang-yaman.
B. Upang maging masaya kapag siya ay may magandang bahay at sasakyan.
C. Upang magkaroon ng magandang buhay dahil sa sa ginawang desisyon.
D. Upang magkaroon ng maraming kaibigan na mayayaman.

9. Anong konsepto ng ekonomiks ang ginamit ng isang tao kapag siya ay gumamit
ng mapanuring pag-iisip bago ginawa ang isang bagay?
A. Marginal Thinking B. Incentives C. Opportunity Cost D. Trade-off

10. Bakit mahalaga ang trade-off?


A. Dahil sa pamamagitan nito makakapagbarter ka ng mga bagay
B. Dahil sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang pagbuo ng pinakamainam
na pasya.
C. Dahil sa pamamagitan nito makakakuha ka ng malaking incentives.
D. Dahil sa pamamagitan nito mabibili mo ang iyong kagustuhan.

16
Ekonomiks 9, araling panlipunan modyul, Bernard r. Balitao et al,
pahina 17-19

Ekonomiks IV, Mga Konsepto at Aplikasyon, Bernard R. Balitao et al,


pahina 7-8

Ekonomiks IV - Nilda b. Cruz et al,


pahina 11-12

Pagbabago, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan IV, Consuelo M. Imperial et al,


pahina bilang 3-4

Larawang kuha ni Jocelyn V. Baylon

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

Вам также может понравиться