Вы находитесь на странице: 1из 21

LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)

Department of Education
Region VI – Western Visayas
SDO - Bacolod City

GABAY NG GURO
SA
ARALING PANLIPUNAN 6

The Flag and Heraldic Code of the Philippines


(Republic Act 8491)

(IKATLONG MARKAHAN)

Localized and Indigenized Lesson Guide


Paksa: Paggalang: Wasto at Hindi Wastong
Paggamit ng Pambansang Watawat ng Pilipinas

Itinakdang Araw: Isang (1) araw


Cultural Icon: Pambansang Watawat ng Pilipinas
Isinulat ni: Arnulfo C. Colonia
Larawag Kuha nina: Arnulfo C. Colonia &
John Adrian L. Colonia
Copyright Page

LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)


Department of Education
Region VI – Western Visayas
SDO - Bacolod City
Bacolod City

Copyright 2019

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed by the Curriculum and Instruction Division (CID) of the Department
of Education, Division of Bacolod City. It can be reproduced for educational purposes only. Derivatives
of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are
permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be
derived from this material for commercial purposes and profit.

Written by: ARNULFO C. COLONIA


Illustrator: ARNULFO C. COLONIA
Photo Credits: ARNULFO C. COLONIA & JOHN ADRIAN L. COLONIA

Quality Assured by:


DepEd-Bacolod City LRMDS TEAM
CAROLINE C. SEDAYON – BES 1
PINKY PAMELA S. GUANZON, PhD EPSVR – SOCIAL STUDIES
ELLEN G. DE LA CRUZ, PhD PSVR-LRMDS

Recommending Approval:
JANALYN B. NAVARRO, PhD – CID Chief

Approved by:
CYNTHIA G. DEMAVIVAS, CESO V
Schools Division Superintendent

This first digital edition has been produced for print and online distribution within the Department of
Education, Philippines via the Learning Resources (LR) Portal by the Division of Bacolod City,
https://depedbacolodcity.info
I. Layunin:
Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng soberanya sa
pagpapanatili ng kalayaan ng isang bansa (AP6SHK-IIId-3.5)
II. Paksang Aralin:
A. Kahalagahan sa paggalang at paggamit ng Pambansang Watawat ng
Pilipinas.
B. Kagamitan: Manila Paper, Cartolina, Bond Paper, Laptop, TV, Mga
Larawan
C. Sanggunian: Araling Panlipunan 4, pp. 215-219
Heraldic code of the Philippine Flag (Republic Act 8491)

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral

Sabihin ng guro:
Balikan natin ang mga sagisag ng ating bansa.

1. Anu-ano ang iba’t ibang sagisag na sumisimbolo at nagpapakilala


sa Pilipinas bilang isang bansang malaya?

Posibleng sagot:
kalabaw, watawat, anahaw, mangga, litson, sampagita

2. Bakit kailangan nating matutunan at pag-aralan ang iba’t ibang


sagisag ng ating bansa?

Posibleng sagot:
Para maipakita ang pagka-Pilipino, maisabuhay ang pagka-Pilipino

3. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mga sagisag sa isang bansa?

Posibleng sagot:
(Opo, dahil sa pamamagitan ng mga sagisag na ito ay makikilala
tayong mga Pilipino).

1 of 15
1. Pangganyak
Sabihin ng guro sa mga bata: Magbigay ng kaisipan tungkol sa bawat
larawan.

Sagot: ANAHAW KALABAO JOSE RIZAL MANGGA WATAWAT

2 of 15
2. Talasalitaan
Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang salita na hinihingi.

G A S A G I S - ito ay sumisimbolo sa mga bagay na nagpapahalaga at


nagpakikilala sa isang bansang malaya.
Sagot: SAGISAG
T A W A T A W – Ito ay isang sagisag at simbolo ng soberanya at
nagpakilala ng bawat bansa sa mundo.
Sagot: WATAWAT
Y A N R A B O S E - pinakamataas na kapangyarihan ng estadong
nagbibigay pahintulot at nagpapatupad ng batas
sa mga mamamayang naninirahan sa isang teritoryo.
Sagot: SOBERANYA
H A L A P A M A N A - ahensiyang nagpapatupad ng mga batas at
kapayapaang mithiin ng isang estado.
Sagot: PAMAHALAAN
A S N A B - isang pangkat ng mga taong naninirahan sa isang partikular na
lugar sa ilalim ng isang pamahalaan.
Sagot: BANSA

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Isulat sa tsart. (Ang guro ay maaaring gumamit ng akwal na watawat).
Basahin ang teksto
Ang Watawat ng Pilipinas

Pula sumisimbolo sa kagitingan na nagpapaalaala sa


matatag na kalooban ng mga mamamayan
Bughaw sumisimbulo sa kapayapaan na mahalaga sa pag-
unlad ng bansa
Puti para sa kalinisan ng puri at dangal ng mga Pilipino
Tatlong Bituin kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas:
Luzon, Panay, at Mindanao
Araw sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan
Walong sinag kumakatawan sa walong lalawigan na unang naghi-
himagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan

3 of 15
Karagdagang kaalaman para sa guro.
The Flag and Heraldic Code of the Philippines: Republic Act 8491

In accordance to Executive Order No. 179, of 1994, we are encouraged


to display, in our homes and all practicable places, prominently the symbol
of our nation from May 28 until June 12 every year. However, not everyone
is aware of the Do’s and Don’ts of displaying the Philippine Flag, so it is
prone to desecration. As public service, we’ve come up with an article
describing the guidelines of taking care of our Flag.

2. Pagtatalakay
Sabihin ng guro: Pag-usapan natin ang tungkol sa tama at hindi tamang
paggamit ng watawat.

PAGGALANG: TAMANG GAMIT NG WATAWAT NG PILIPINAS


Ang watawat ay iwinawagayway sa lahat ng pampublikong pamantasan,
gusali, bahay ng mga opisyales ng pamahalaan, at mga paaralan araw-
araw sa buong taon.

4 of 15
Kapag ginamit na pantakip ang watawat sa kabaong ng namatay na
opisyal na sundalo o nanunungkulan sa pamahalaan, ang tatsulok ng
watawat ay dapat nasa bandang uluhan at ang asul na bahagi ay nasa
kanan at hindi nakatunton sa lupa.

Ang watawat ay dapat nakawagayway kapag nasa sasakyan.

5 of 15
Kapag ang watawat ay nakawagayway sa kalahating poste, ito ay
palatandaan na may namatay na isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Kung ang watawat ay nakaladlad pahalang nang patayo, ang tatsulok ay
nasa itaas na bahagi. Ang asul na bahagi ay sa kanan at sa kaliwa naman
ang pulang bahagi.

6 of 15

MGA HINDI TAMANG PAGGAMIT NG WATAWAT NG BANSA


Bawal paglaruan at gupitin o punitin ang watawat
Bawal gawing pantakip sa mesa at gawing kurtina ang watawat

7 of 15

Bawal idikit sa gilid, likod at taas ng sasakyan


Bawal gawing damit o uniporme.

8 of 15
Bawal lagyan o tatakan ng ibang disenyo, marka, sulatan
at gamitin sa patalastas.
Itanong sa mga bata ang mga sumusunod:

1. Sa inyong palagay, naging mahalaga ba ang pagtamo ng


kaalaman tungkol sa paggalang at tamang paggamit ng
pambansang watawat ng Pilipinas?

Posibleng sagot:
Oo, dahil dito natin maipapakita at maisasabuhay ang pagka
makabayan bilang isang Pilipino.

2. Ano-ano ang mga dapat gawin sa pagbibigay galang sa


watawat?
Posibleng sagot:
Susundin ang lahat ng mga alituntunin sa wastong paggamit
at paggalang sa watawat.

3. Ano-ano ang mga hindi dapat gawin sa watawat?


Posibleng sagot:
Hindi dapat paglaruan, gupitin, gawing damit at palamuti ang
watawat ng bansa.

9 of 15
4. Paglalahat
Itanong sa mga bata ang mga sumusunod na katanungan
1. Ano ang kahalagahan ng watawat bilang sagisag ng bansa?

Posibleng sagot:
Ang kahalagahan ng watawat bilang sagisag ng bansa ay
ang pagkakakilanlan sa bansang Pilipinas at ng mga Pilipino.

2. Bilang isang Pilipino, paano mo maipakikita ang paggalang sa


watawat? Bakit?

Posibleng sagot:
Bilang isang Pilipino dapat nating isasagawa sa puso’t isipan
ang paggalang sa watawat bilang sagisag ng bansa at bilang
isang mamamayang Pilipino. Dahil dito natin maipakita ang
ating pagka-makabayang Pilipino at pagka-makabansa.

Isabuhay at ugaliing sundin ang mga alituntunin na ipinahihiwatig


ng watawat para sa sambayanan at upang maipakita ng bawat
Pilipino ang Pagka-maka Diyos, Pagka-makatao,
Pagka-makakalikasan at Pagka-makabansa. Dahil tayong mga
Pilipino ay kilala sa pagiging magalang at mapagmahal.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat

Gawain 1

Panuto para sa guro:


1. Bumuo ng sampung pangkat na may apat na miyembro ang
bawat pangkat.
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang kartolina strip na may
kaukulang paggamit ng watawat.
3. Sabihin sa mga bata na ilagay ang strip ng kartolina sa tamang
paglalagyan ayon sa gamit ng watawat.

10 of 15
TAMA ( / ) MALI ( X )
1. Ginagamit pantakip ang watawat sa kabaong ng namatay
na opisyal na sundalo o nanunungkulan sa pamahalaan.
2. Paglaruin at gupitin o punitin ang watawat.
3. Ang watawat ay iwinawagayway sa lahat ng pampublikong
pamantasan at gusali.

4. Gawing pantakip sa mesa at kurtina ang watawat.


5. Ang watawat ay dapat nakawagayway kapag nasa sasakyan.
6. Ginawang damit ang watawat.
Sagot:
1. TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. MALI 5. TAMA 6. MALI
11 of 15
1. Pagpapahalaga

KAHALAGAHAN NG WATAWAT NG PILIPINAS

Section 25 ng Republic Act 8491.The following shall be the Pledge of


Allegiance to the Philippine Flag:

Ako ay Filipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at Kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka Diyos
Makatao
Makakalikasan at
Makabansa

Such pledge shall be recited while standing with the right-hand


palm open raised shoulder high. Individuals whose faith or religious
beliefs prohibit them from making such pledge must nonetheless
show full respect when the pledge is being rendered by standing at
attention.

Sagutin ang tanong

Ano ang gagawin mo kapag may flag ceremony?

Posibleng sagot:
Kapag may flag ceremony ay dapat huminto sa paglalakad at
tumayo nang matuwiid upang maipakita nating ang ating pagka
pilipino sa isip sa salita at sa gawa.
12 of 15
Gawain 2

Indibidwal na Gawain:

Panuto:
1. Bawat bata ay bibigyan ng kopya ng gawain.
2. Sabihin sa mga bata na lagyan ng sagot ang bawat patlang sa
ilalim ng bawat bola.
3. Ipasulat lamang ang Tama o Mali.

Iwagayway sa Paglalaruan
lahat ng at gupitin o
punitin ang
pampublikong watawat
pamantasan

1. 2.
_____________ _____________

Iwagayway sa
Gamiting maluwag na
banderitas sa lugar at
kompetisyon
malayang
nakagagalaw

3. 4.
____________ _____________

Nakawagay Gawing
way na ang pantakip ng
asul nasa mesa at
itaas at ang kurtina
pula ay nasa
ibaba

5. 6.
_____________ _____________

Sagot: 1. TAMA 2. MALI 3. MALI 4. TAMA 5. TAMA 6. MALI


13 of 15
3. Paglalahat

Itanong sa mga bata ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kahalagahan ng Watawat bilang sagisag ng bansa?


Posibleng sagot:
Ang kahalagahan ng watawat bilang sagisag ng bansa dahil
ito ang simbolo na nag pakikilala sa bansang Pilipinas at sa mga
Pilipino.

2. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang paggalang sa


watawat? at bakit?
Posibleng sagot:
Bilang isang Pilipino dapat nating isasagawa sa puso’t
isipan ang paggalang sa watawat bilang sagisag ng bansa at
bilang isang mamayang Pilipino.

Isabuhay at ugaliing sundin ang mga alituntunin na


ipinahiwatig ng watawat para sa sambayan at upang maipakita
ng bawat Pilipino ang maka Diyos, makatao, makakalikasan at
makabansa.

IV. Pagtataya
Gawain 3
Sabihin sa mga bata. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang paggamit ng watawat, at Mali kung
hindi tama. Ipasulat sa Araling Panlipunan na kwaderno ang kanilang sagot.

____1. Ang watawat ay dapat malayang nakagalaw at nakawagayway.


____2. Ang watawat ay idinikit sa gilid at likuran ng sasakyang ginamit
sa parada.
____3. Kapag nakawagayway ang mga watawat ng ibat’ ibang grupo o
organisasyon sa isang okasyon, ang watawat ng Pilipinas ang
pinakamataas sa gitna o nasa unahan.
___ 4. Ang watawat ay ginawang damit at uniporme ng mga
manlalaro sa kompitesyon.
___ 5. Ang watawat ay dapat nakawagayway na ang asul ay nasa
itaas na bahagi, at ang pula naman ay nasa ibabang bahagi.
Sagot: 1. TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. MALI 5. TAMA

14 of 15
V. Takdang Aralin

Sabihin sa mga bata. Sagutin ang tanong.

Panuto:
Isulat ang sa sagot sa inyong Araling Panlipunan na kwaderno.

1. Bilang mag-aaral, ano ang dapat gawin upang maipamalas ninyo ang
paggalang at pagpapahalaga sa Watawat ng Pilipinas?

Posibling sagot:
Isagawa sa puso’t isipan ang paggalang sa watawat bilang sagisag ng
bansa at bilang isang Pilipino.
Maisabuhay at ugali-ing sundin ang mga alituntunin na ipinahiwatig ng
watawat upang maipakita ang pagka Pilipino.

Huminto, tumayo ng matuwid at ilagay ang kanang kamay sa dibdib


kapag may pambansang seremonyang nagaganap.

Huwag paglaruan ang watawat.


15 of 15
Name: ____________________________ Grade & Sec. ____________
School:____________________________ Date: __________________

Gawain 1
Panuto:
1. Bumuo ng sampung pangkat na may apat na miyembro.
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang kartolina strip na may
kaukulang paggamit ng watawat.
3. Sabihin sa mga bata na ilagay ang strip ng kartolina sa
tamang paglalagyan na watawat.

TAMA ( / ) MALI ( X )

1. Ginagamit pangtakip ang watawat sa kabaong ng namatay na


opisyales na sundalo o nanunungkulan sa pamahalaan.
2. Pinaglaruan at ginupit ng bata ang watawat.
3. Ang watawat ay iwinawagayway sa lahat ng pampublikong
pamantasan at gusali.
4. Gawing pantakip sa mesa at bkurtina ang watawat
5. Ang watawat ay dapat nakawagayway kapag nasa sasakyan.
6. Ginawang damit ang watawat.
Name:_______________________________Grade & Sec. ____________

School:______________________________ Date: ___________________

Gawain 2

Panuto:

1. Bawat bata ay bibigyan ng kopya ng gawain.


2. Sabihin sa mga bata na lagyan ng sagot ang bawat patlang sa
ilalim ng bawat bola.
3. Ipasulat lamang ang Tama o Mali.

Iwagayway sa Paglalaruan
lahat ng at gupitin o
punitin ang
pampublikong watawat
pamantasan

1. 2.
_____________ _____________

Iwagayway sa
Gamiting maluwag lugar
banderitas sa at malayang
kompetisyon
nakagagalaw

3. 4.
____________ _____________

Nakawagay- Gawing
way na ang mantel o
asul nasa table cloth
itaas at ang at kurtina
pula ay nasa
ibaba

5. 6.
_____________ _____________
Name:_______________________________ Grade & Sec. ____________

School:_______________________________ Date: __________________

Gawain 3

Sabihin sa mga bata, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang paggamit ng watawat,
at Mali kung hindi. Ipasulat sa Araling Panlipunan na kwaderno ang
kanilang sagot.

___________1. Ang watawat ay dapat malayang nakakagalaw at


nakawagayway.
___________2. Ang watawat ay idinikit sa gilid at likuran ng sasakyang
ginamit sa parada.
___________3. Kapag nakawagayway ang mga watawat ng ibat’
ibang grupo o organisasyon sa isang okasyon, ang
watawat ng Pilipinas ang pinakamataas sa gitna o nasa
unahan.
___________4. Ang watawat ay ginawang damit at uniporme ng mga
manlalaro sa kompitesyon.
___________5. Ang watawat ay dapat nakawagayway na ang asul ay
nasa itaas na bahagi, at ang pula naman ay nasa
ibabang bahagi.

Вам также может понравиться