Вы находитесь на странице: 1из 28

GRADE

Leveled Reader

Sina Niña at Nonoy

Kuwento ni Sierra Mae Paraan


Inedit ni Ani Rosa Almario
Guhit ni Jericho Moral

PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.


Leveled Reader in Filipino
Sina Niña at Nonoy

Story by Sierra Mae Paraan


Illustrations by Jericho Moral
Reviewed by Angelika Jabines (DepEd Bureau of Learning Delivery),
Paolo Ven Paculan, and Jomar Empaynado
2016 by U.S. Agency for International Development (USAID)
Produced for the Department of Education under the Basa Pilipinas Program

Basa Pilipinas is USAID/Philippines’ flagship basic education project in support of the


Philippine Government’s early grade reading program. Implemented in close
collaboration with the Department of Education (DepEd), Basa Pilipinas aims to improve
the reading skills for at least one million early grade students in Filipino, English, and
selected Mother Tongues. This will be achieved by improving reading instruction, reading
delivery systems, and access to quality reading materials.

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any


means, electronic or mechanical, including photocopy, or any information storage and
retrieval system without permission from the publisher.

GOVERNMENT PROPERTY. NOT FOR SALE.

This publication was produced with the generous support of the American people
through the United States Agency for International Development (USAID) under the
Basa Pilipinas Project and the Department of Education.
Unang Bahagi

Maraming taong nakapaligid kay Niña. May mga


nanlalaki ang mata. Mayroong mga nakanganga.
Ang iba naman, may hawak pang camera. Lahat
nakatuon ang atensiyon kay Niña at sa kaniyang
hinuhulma—isang bangâ.

Paggawa ng bangâ ang paboritong gawain


ni Niña. Halos dalawampu’t limang taon na niya
itong ginagawa. Kaya ni Niñang bumuo ng mga
bangâng may iba’t ibang hugis, laki, at disenyo.
May mga bilugán, palapad, mahaba, at patusok.
Mayroon pang hugis-pusa, puno, at puso. Kitang-kita
sa iba’t ibang uri ng bangâng kaniyang hinuhulma
ang angking galing at pagkamalikhain niya.
Sobrang ligaya ni Niña kapag nakakapaghulma
siya ng bangâ. Ang maganda pa sa paghuhulma,
kumikita ng pera si Niña para sa kaniyang pamilya.

Ngayong araw, maraming nanonood sa paghulma


ni Niña. Nariyan ang mga kapitbahay niya na
madalas ang pagbisita. Mayroong tagaibang
bayan, tagaibang probinsiya, at mayroon ding
tagaibang bansa. Lahat ay lubos ang paghanga
kay Niña dahil sa ganda ng kaniyang mga bangâ!
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
1
Mas maraming nanonood kay Niña ngayong mga
panahon na ito dahil pista sa bayan nila. Kapag
pista sa San Nicolas, maraming turista ang dumarayo
para makisaya’t makiisa sa pagdiriwang. Napakarami
kasing programa tuwing pista sa San Nicolas—may
mga paligsahan sa pag-awit, palakasan, eksibit ng
mga produkto ng bayan, at sayawan. At siyempre,
marami sa mga turista ang nagtutungo sa pista ng
San Nicolas para sa sining ng pagpapalayok.

Napansin ni Niña ang


pag-uusap ng mag-ina.
Tila tuwang-tuwa sila sa
panonood sa kaniya.

“Alam mo ba kung
anong tawag dito,
‘nak?” tanong ng ina
sa anak nito.

“Damili po ba?” tanong ng bata. “Yun po kasi ang


salitang nakita kong nakapaskil sa labas ng bahay
natin.”

“Malapit na—damili ang tawag ng mga Ilokano sa


sining ng pagpapalayok. Bangâ naman ang tawag
sa ginagawang palayok,” paliwanag ng ina.

“Ano naman po ang tawag sa tagagawa ng


bangâ?” tanong ng bata habang nakanguso
kay Niña. “Agdamdamili ang tawag sa taong lumilikha
ng palayok,” dagdag ng ina sa kaniyang anak.
“Tawag din ito sa pagpapalayok mismo. Alam
mo, matagal nang ginagawa dito sa Ilocos ang
pagpapalayok.”

2 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Nabaling ang atensiyon ng mag-ina nang
biglang magsalita si Niña, “Matagal na po ang
industriya ng pagpapalayok dito sa amin sa San
Nicolas. Kung mapapansin ninyo, bawat tahanan,
kayang gumawa at magbenta ng iba’t ibang
kasangkapang yari sa luad. Kaya naman ito rin po
ang pangunahing produkto ng aming bayan.”

Kumuha si Niña ng isang dakot ng luad at


nagpatuloy sa pagkukuwento. “May proseso ang
Agdamdamili o ang pagpapalayok sa San Nicolas.
Nagsisimula ito sa panagkali o paghukay ng luad.
Kapag nakuha na ang tamang kalidad ng luad,
sisimulan na itong masahin para matanggal ang
hangin. Panaglali ang tawag doon.”

Nagsimulang magmasa si Niña. Patuloy naman sa


pagkuha ng retrato at pagbubulungan ang mga
turistang nakamasid sa kaniyang paggawa.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
3
Kinapa ni Niña ang mesa at hinanap ang bangâ na
hinuhulma kanina. Itinaas niya ang bangâ sa mga
nanonood. “Kapag wala nang hangin ang luad,
maaari nang gawin ang panagbirbir o panagpipit.
Ito ang paghuhulma.”

Nagsimulang gumalaw ang mga daliri ni Niña.


Maliksing dumiin ang hintuturo at hinlalaki sa luad.
Numipis, humaba, bumilog, at nag-iba-iba ng hugis
ang luad sa loob ng ilang minuto. Maya-maya,
naghugis bangâ na ito. Bangâ na may malaking
puwitan, manipis na leeg, at bilog na bukana.

Nagpalakpakan ang mga nanonood kay Niña.


Pinakamalakas ang palakpak ng batang nakausap
niya.

Ngumiti siya at
nagpatuloy, “Pagkatapos
ng pagmomolde,
patutuyuin ang
minoldeng luad at
susunugin ito. Ang tawag
dito ay panaggebba.”

Habang nagsasalita si Niña, lumapit ang kasamahan


niya at naglagay ng minoldeng luad sa horno. Muli
na namang nagbulungan ang mga tao. Ang iba
nama’y kumuha ng retrato ng luad na ipinapasok sa
horno.

4 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Skill Builder 1
Skill Builder

A. Gawain: Maglista ng salitang


naglalarawan/pang-uring angkop sa
bangâ.

1) ____________________________
2) ____________________________
3) ____________________________
4) ____________________________
5) ____________________________

B. Gamitin sa pangungusap ang mga inilistang


pang-uri.

1) ___________________________________________
2) ___________________________________________
3) ___________________________________________
4) ___________________________________________
5) ___________________________________________

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
5
Ikalawang Bahagi

Ngumiti si Niña at pumalakpak para kunin ang


atensiyon ng mga nanonood. “At ngayon, alam kong
nasasabik na kayo sa pinakahuling bahagi.”
Nanahimik ang lahat at nag-abang sa susunod na
sasabihin ni Niña.

“Ang huling bahagi ng Agdamdamili ay ang pagpili


at pagbili ninyo ng bangâng inyong napupusuan!”
sabi ni Niña sabay ngiti. “Mamili na po tayo para
makompleto ang proseso ng pagpapalayok.”
Habang nagsasalita, lumakad si Niña patungo
sa isang mesang puno ng mga produktong luad.
Karamihan sa mga bangâ at palayok sa mesa ay
gawa ni Niña.

Naging abala ang mga turista. May mga lumapit sa


isang mesang puno ng kasangkapang luad. Merong
kumuha agad ng bangâ at pumila sa kahera. May
ilang turistang lumapit kay Niña at nagpakuha ng
larawan.

Nagulat si Niña nang


may biglang tumapik sa
kaniyang kamay. “Ate?”
sabi ng isang batang
turista. Kaboses nito ang
batang narinig ni Niña
kanina.

6 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“Ano iyon?” sagot ni Niña.

Nagulat po ba kayo sa akin? Sorry po, ha,”


paliwanag ng bata.

“Pagpasensiyahan mo na ang anak ko,” sabi ng


nanay ng bata. “Bilib na bilib kasi siya sa inyo.”

“Wala pong problema,” sagot ni Niña habang


nakangiti.

Nagbuntong hininga ang bata bago nagsalita. “Ate,


saan ka natutong gumawa ng mga bangâ?”

“Nung bata ako, hindi ako pinapalapit tuwing


gumagawa ng palayok dito. Mahirap na raw at baka
maaksidente ako o kung ano pang mangyari.”

Saglit na huminto si Niña sa pagkukuwento. Alam


niyang hindi lang ang mag-ina ang nakikinig
sa kaniyang kuwento. May ibang turista na nakikinig
na rin.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
7
“Pero nung tumanda ako, mas lumalim ang
interes ko sa pagpapalayok. Nakakaengganyo
kasi ang tunog ng umaandar na makina habang
naghuhulma. Nakakagising din ang amoy ng luad.
Naku, lalo na kapag hawak ko ito. Pakiramdam ko,
kahit ano, kaya kong buuin!”

Ngumiti si Niña saka


nagpatuloy, “Kaya isang
araw, iyon ang hiniling ko
sa aking mga magulang—
ang hayaan akong
gumawa ng sarili kong
bangâ.”

“Maganda po ba kaagad yung nagawa ninyong


bangâ?” tanong ng bata kay Niña.

“Naku, hindi. Nung nagsimula akong magpalayok,


hindi masyadong maganda ang mga gawa ko.
Pero tuloy-tuloy lang ako sa paghuhulma. Tumitigil
lang daw ako para kumain, biro ng nanay ko.
Pero dahil patuloy ang pag-eensayo ko, naging
maganda rin ang hugis ng aking hulma.”

“Sigurado akong tuwang-tuwa ang mga magulang


mo sa mga gawa mo,” sabi ng nanay ng bata.

“Opo, lalo na po nung naging mas perpekto ang


hugis ng mga hinuhulma ko.”

8 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
PAGBURNAYAN

Nagpatuloy si Niña sa pagkukuwento. “Sa umpisa,


tinuruan nila akong gumawa ng mga kasangkapan.
Kalaunan, pati iba’t ibang klase ng pagpapalayok
sa Pilipinas ay natutuhan ko. Minsan na akong dinala
sa pagburnayan sa Vigan. Burnay ang tawag sa
palayok sa Vigan at pagburnayan ang tawag sa
pagawaan ng palayok.”

Napapakumpas pa si Niña ng kamay habang


nagkukuwento. “Naku, simple at walang disenyo
ang mga palayok doon pero makapal at matibay
ang mga likha nila. Ginagamit nila ang burnay na
lalagyan ng ulam, patis, at iba pang pagkain. Alam
mo, mas sumasarap ang pagkain kapag sa burnay
ito nakalagay.”

“Talaga po?” halos sabay ang sagot ng mag-ina.

Tumango si Niña. “Aba, puwede rin kayong bumisita


sa Vigan bago umuwi. At kung magkakaroon ulit
kayo ng oras para mamasyal, bisitahin n’yo rin ang
pagpapalayok sa Laguna at Bicol.”

Bakas sa mukha ng mag-ina ang pagkasabik sa


mga lugar na binanggit ni Niña.
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
9
Inasahan ni Niña ang pagsang-ayon ng mag-ina. Sa
halip, lalo pang lumapit ang bata kay Niña.

“Ate,” bungad ng bata. “Hindi po ba kayo


nalulungkot? Hindi n’yo po kasi nakikita ang mga
bangâng nagagawa ninyo.”

Umiling si Niña. Hinaplos niya ang buhok ng batang


kausap saka nagsalita, “Alam mo, ipinanganak na
akong ganito. Hindi ko nga nakikita ang mga likha
kong bangâ, nararamdaman ko naman ang tuwa ng
mga magulang ko kapag nakikita nila ang mga bago
kong likha. Nararamdaman ko rin ang pagkamangha
ng mga bumibili ng mga gawa ko. Sapat na sa ‘kin
yun.”

Kahit hindi nakikita ni Niña ang reaksiyon ng bata,


alam niyang matamis na ngiti ang sagot nito.

“Maraming salamat
sa oras mo, Ms. Niña,”
kinamayan ng nanay
si Niña bago nagpaalam.
Nagmano naman ang
bata kay Niña bago
lumakad palayo.

Nakangiting umalis ang


mag-ina, mahigpit ang
yakap sa bangâng gawa
ni Niña.

10 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Skill Builder 2
Skill Builder

A. Gawain: Ilista ang mga hakbang sa


paglikha ng palayok.

1) ____________________________
2) ____________________________
3) ____________________________
4) ____________________________
5) ____________________________

B. Gawain: Ano ang sasabihin mo sa ibang


Pilipino para suportahan nila ang industriya
ng pagpapalayok?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
11
Ikatlong Bahagi

Nilingon ni Nonoy ang paligid niya. Punong-puno


ng tao ang kalsada. Lahat ay nagsasaya dahil pista
ngayon sa San Nicolas. Sa gilid ng kalsada, may
mga nagmemeryenda ng empanada. Sa isang
banda naman ay may kabataang nagbibiruan at
nagtatawanan. Kahit saan ka tumingin ay may mga
batang masayang naglalaro. Pero hindi iyon ang
hinahanap niya. Para maghanap, kailangan niyang
buksan hindi lang ang mata niya kundi pati tainga
niya.

Hayun, nakita na niya ang hinahanap niya. May


isang grupo ng mga nagkakantahan. At sa gitna
nila ay ang Tatang niyang may gitara!

“Tara na, Manang,” sabik na anyaya ni Nonoy sa


kaniyang ate.

Ngumiti si Niña sa paanyaya ng kapatid.

12 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“Kung gusto mong lumapit kay Tatang, okey lang ha.”
Biglang nagsalita si Niña. Halos napatalon si Nonoy sa
pagkabigla. Parang nabasa ni Niña ang iniisip niya.
“Alam kong nandiyan si Tatang kasi naririnig ko ang
boses niya.”

Tumawa si Niña, “Sige na. Alam kong gusto mo


namang makikanta.”

Hindi naman nagpahuli si Nonoy, “Baka ikaw ang


gustong makikanta, Manang. Sino kaya’ng umaawit
habang naghuhulma ng mga bangâ?”

Nagtawanan ang
magkapatid. Bukod
kay Niña, mahilig din
ang Tatang nilang
umawit, lalo na habang
gumagawa ng mga
bangâ. Gamit ang
luad, nakakalikha rin
siya ng iba’t ibang
klase ng kasangkapan.
May malalaki, mayroon
ding maliliit. May mga likha ang Tatang na may
tiyak na silbi, mayroon din namang pandekorasyon
lamang. Maraming namimili ng gawa ng Tatang
nila. Mayroong bumibili mula sa Maynila at mayroon
din mula sa ibang bansa! Likas sa Tatang nila ang
pagkamalikhain.

Lagi tuloy napapaisip si Nonoy na kay Tatang


nagmana ang Manang Niña niya.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
13
Bumuntong-hininga si Nonoy. Hinaplos niya ang isang
bangâ sa estante. Pinagawa ito ni Mayor sa tatay
niya ilang taon na ang nakararaan. Maliit lang ang
bangâ pero halos ang buong bangâ ay natatakpan
ng ukit ng leon. Sinundan ng daliri niya ang pigura ng
leon sa bangâ. Hindi niya mapigilang mamangha.
Bukod kasi sa paglikha ng bangâ, magaling din ang
kaniyang Tatang sa pagdisenyo ng mga ito. Kahit
ano’ng ipagawa ng kliyente, nauukit nito.

“Tara, Nonoy! Niña! Gusto n’yo bang kumanta?”


malakas na yaya ng kanilang Tatang. Nangibabaw
ang boses nito sa ingay ng mga batang naglalaro at
mga turistang nagkukuwentuhan. Napangiti si Nonoy
sa kaniyang Tatang. Lalapit na sana siya rito nang
biglang may pumukaw ng atensiyon niya.

Bom! Bom! Bom! Napakalakas ng tunog ng tambol.


“Malapit nang magsimula ang parada!” sabi ng isang
tagabayan na katabi ng magkapatid.

“Naku, nasasabik na ako sa parada!” sabi ni Niña.


14 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Habang nanonood ng parada, masayang
nagkukuwento si Nonoy sa Manang niya. “May
iba’t ibang kilos at kumpas ang mga nagsasayaw.”
Iginalaw-galaw ni Nonoy ang braso’t binti ng
kapatid na katulad ng ginagawa ng mga
mananayaw. Napangiti si Niña. Naisip niyang
kakatwa ang hitsura niya!

Habang nakabungisngis ang kapatid, nagpatuloy


si Nonoy sa pagkukuwento. “Naku, hindi ko na yata
kailangang ikuwento ang susunod na sayaw dahil
kabisadong-kabisado mo na ‘to. Paglikha ng bangâ
ang sinasayaw nila! May hawak-hawak pa silang
palayok, hayop, at iba pang gamit na gawa sa
luad.”

Tumango-tango si Niña sa kapatid. Sabik na sabik


si Nonoy magkuwento. “Kung makikita mo lang sana
ang mga damit nila.” Punong-puno ng kasabikan
ang boses ni Nonoy. “Ang kukulay at ang gaganda
ng mga suot nila, Manang! Hayun ang gawa ni
Inang na inabel! Sinasayaw nila ang paghahabi,
Manang!”
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
15
Skill Builder 3
Skill Builder

A. Gawain: Umisip ng angkop na pang-abay


para sa sumusunod na pangungusap.

1) Ginagawa ni Niña nang ________ ang mga


bagay.
2) ________ umawit ang Tatang nina Nonoy at
Niña.
3) ________ sumayaw ang mga kasali sa
parada.
4) ________ ikinuwento ni Nonoy kay Niña ang
mga pangyayari sa parada.
5) Si Nonoy ay ________ magkuwento.

B. Balikan ang mga pang-abay na ginamit


sa itaas. Bumuo ng mga bagong
pangungusap gamit ang ilan sa mga ito.

1) __________________________________________
2) __________________________________________
3) __________________________________________
4) __________________________________________
5) __________________________________________

16 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Ikaapat na Bahagi

“Inabel ang tawag sa mga hinahabi ni Inang, di ba?


Abel naman ang tawag sa proseso ng mismong
paghabi,” paliwanag ni Nonoy. Alam naman ni Niña
na inabel ang tawag sa hinahabi ng kaniyang
ina pero hinayaan niyang magkuwento ang
kapatid. Ramdam niya na natutuwa ito kapag
nakakapagbahagi siya ng kaalaman. “Ang galing
ni Inang ‘no, Manang,” sabi ni Nonoy. “Nakahahabi
siya ng kumot, kortina, kobrekama, at kung ano-ano
pa.”

“Nasaan nga pala si Inang? Naghahabi pa rin ba


siya?” tanong ni Niña. Alam ni Niña na halos
araw-araw kung maghabi ang Inang nila. Kung
gaano kahilig gumawa ng bangâ si Niña, ganoon
din kahilig maghabi ng tela ang kanilang Inang.

“Ang alam ko nasa kapitolyo siya, naghahanda ng


pagkain para sa mga espesyal na bisita ni Mayor,”
paliwanag ni Nonoy.

“Naku, sigurado akong aabutan din niya ng inabel


ang mga bisita ni Mayor,” sabi ni Niña.
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
17
Nasa tabi nila ang isang naglalako ng inabel at
panandaliang hiniram ni Nonoy ang isang inabel.
“Heto, hawakan mo itong inabel,” sabi niya kay
Niña. “Nasasalat mo ba na paikot ang disenyo?
Kusikos ang tawag diyan.” Maingat na sinalat ni
Niña ang inabot ni Nonoy.

“Kapag naman magkakahalo ang hugis sa isang


puwesto, inuritan ang tawag doon,” pagpapatuloy
ni Nonoy. “Pero yung mga nagsasayaw kanina,
puno ng bulaklak ang damit nila. Sinansabong ang
tawag sa disenyo ng kanilang bestida. Iyon ang
pinakamahirap gawin, sabi ni Inang.”

“Wow, Nonoy! Sa dami ng alam mo, daig mo pa


ang naghahabi,” kantiyaw ni Niña sa kapatid.
“Siguro naghahabi ka na ng inabel kasama ni Inang.
Baka malagpasan mo pa ang galing niya, ha.”

“Ano ka ba, Manang?! Hanggang tingin lang ako,”


sagot ni Nonoy. “Ikaw sana ang gusto niyang turuan
pero mas gusto mong gumawa ng bangâ. Bakit nga
ba inayawan mo ang abel, Manang Niña?”

18 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“Mas gusto ko lang ang pakiramdam ng luad
kaysa tela,” pagbabahagi ni Niña. “At kahit anong
turo sa akin ni Inang, hindi ko talaga makuha ang
komplikadong paggalaw ng paa at kamay. Pero
si Inang, walang sawa siyang magturo. Hindi lang sa
akin, kundi sa ibang bata rin.”

“Oo naman, Manang,” pagsasang-ayon ni Nonoy.


“Pangarap niya talagang matutuhan ng mga bata
ngayon ang paghahabi dahil ayaw niyang mawala
ang sining na ito.”

Ganadong-ganado sa pagkukuwento si Nonoy.


“At alam mo, Manang, kinuwento sa akin ni Inang na
maraming tulad niya na ayaw mawala ang abel.
Sining kasi ito sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.
Nag-iiba-iba lang ang tawag sa disenyo at proseso,
pero pawang abel pa rin ang mga ito. Dito sa atin,
panagabel ang tawag sa paghahabi at mangngabel
ang tawag sa taong tagahabi.”

Di mapigilan ni Niña ang pagtawa, “Sa dami ng alam


mo, daig mo pa ang emcee sa pista!”
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
19
Biglang tumayo si Niña at tinapik si Nonoy sa balikat.
“Tara, samahan mo ako.”

Dahan-dahang naglakad si Niña papalayo sa


parada. Alam ni Nonoy kung saan siya patungo.
Tinutunton nila ang daan pauwi sa kanilang bahay.
Kahit mabagal ang kaniyang paglakad, kabisado
na ni Niña ang silid na pupuntahan. Napakamot na
lang ng ulo si Nonoy nang pasukin nila ang silid kung
saan naghahabi.

“Gawan mo ako ng inabel, Nonoy,” matamis ang


ngiti ng Manang niya.

“Ha?” kinabahan si Nonoy


sa hiningi ng kapatid.
“Sigurado ka ba sa
hinihingi mo? Hindi ako
kasinggaling ni Inang
maghabi.”

“Sige na,” pilit naman


ni Niña. “Gusto ko ring
magkaroon ng inabel na
gawa mo.”

Napalunok na lang si Nonoy bago magsimula.

20 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Hindi mapigilan ni Nonoy ang kaba. Pumatak ang
pawis ni Nonoy sa mga sinulid at makina. Siyempre
gusto niyang maganda ang maihabi niya para sa
kaniyang nag-iisang kapatid.

Huminga siya nang malalim saka nagsimula. Hindi


malinaw kay Nonoy ang nangyayari, basta’t pumikit
siya at inisip ang mga sinasabi ni Inang habang
siya’y naghahabi. Nagsasalitan sa paggalaw ang
kaniyang mga kamay habang sumusunod sa
pagpadyak ang kaniyang mga binti.

Habang nakikinig sa
tunog ng makina habang
naghahabi ang kapatid,
nakaupo sa gilid si Niña.
Nakangiti siya dahil
natuwa siya’t pinagbigyan
ni Nonoy ang kaniyang
hiling. “Ano’ng gagawin
mo, Nonoy?”

“Ahm, baka pitaka,” sagot ni Nonoy. “Pero hindi ko


alam kung anong kalalabasan, Manang, ha. Baka
hindi mo rin mapakinabangan.”

Napangiti si Niña. “Okey lang, Nonoy. Sigurado


akong magagamit ko ‘yan.”

Natawa si Nonoy. Ito ang unang beses na sinubukan


niyang maghabi pero natitiyak niyang hindi ito ang
huli.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
21
Skill Builder 4
Skill Builder

A. Gawain: Gumawa ng dayagram na


nagpapakita ng katangian nina Nonoy at
Niña. Anong pagkakatulad at pagkakaiba
ng magkapatid?

Nonoy Niña

B. Gawain: Sumulat ng talata na tumatalakay


sa mga magkakaiba at magkakatulad na
katangian ng magkapatid na Nonoy at
Niña.
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

22 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Sanggunian

Almario, E. S., Almario, V. S., and Almario, A. R. S.


(ed). (2009). Regional profiles: People and places.
Quezon City: Adarna House, Inc.

Arcangel, R. T. (2014, February 28). Ilocano NCCA


awardee upholds the abel-weaving tradition.
Retrieved from http://inorte.org/?p=4425

Arzadon, C. (2011, December 18). Damili Festival,


A tribute to the ancient ceramics makers of San
Nicolas. Ilocos Sentinel. Retrieved from http://www.
ilocossentinel.com/story/damili-festival-a-tribute-to-
the-ancient-ceremics-makers-of-san-nicolas.html

Cruz-Valdes, L. (2014, May 15). Abel-Iloco,


pinagmamalaking tela ng mga Ilocano [Video file].
Retrieved from http://n5e.interaksyon.com/top/
A1C2D50CB372420/climax/reaksyon-abel-iloco-
pinagmamalaking-tela-ng-mga-ilocanoS

Garcia, J. L. and Chua, Z. B. (2014, January 23). Made


by hand, with soul. Business World Weekender.
Retrieved from http://www.bworldonline.com/
weekender/content.php?id=82464

GMA News Online. (2013, December 26). Damili o


Pottery Festival, ipinagdiriwang ng mga tagaSan
Nicolas, Ilocos Norte [Video file]. Retrieved from
http://www.gmanetwork.com/news/video/188075/
damili-o-pottery-festival-ipinagdiriwang-ng-mga-
taga-san-nicolas-ilocos-norte

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
23
Sanggunian
Leveled Reader
Lazaro, F. G. (2014, December 29). ‘Damili Festival’
street dancers wow crowd, Imelda. Manila Bulletin.
Retrieved from http://www.mb.com.ph/damili-
festival-street-dancers-wow-crowd-imelda/

Lazaro, F. G. (2014, March 11). Magdalena Gamayo:


The grandmother of ‘Abel Iloko’. Manila Times.
Retrieved from http://www.mb.com.ph/
magdalena-gamayo-the-grandmother-of-abel-
iloko/

Makilan, A. (2003, June 22-28). The art of making


burnay: A Photo Essay. Bulatlat. Retrieved
from https://owl.english.purdue.edu/owl/
resource/560/11/

N.A. (2015, August 12). Burnay jars-burnay potter.


Retrieved from http://www.vigan.ph/arts-and-
crafts/burnay-jars-burnay-pottery.html

24 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Leveled Reader

Sina Niña at Nonoy

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
25
TA N
AI

G
B
DEPED-USAID’S BASA PILIPINAS
Leveled Reader sa Filipino

Вам также может понравиться