Вы находитесь на странице: 1из 36

8

Araling Panlipunan 8
Unang Markahan 1 – Modyul 3
Ang Mga Yugto ng Pag-unlad ng
Kultura sa Panahong Prehistoriko

HIN Pag-aa
DI ri ng P
IPI ama
NA hala
1 GB an
IBI
LI
Araling Panlipunan – Grade 8
Alternative
Printed in Delivery Mode by
the Philippines
Quarter 1 – Modyul 3: Ang Mga Yugto Ng Pag-Unlad Ng Kultura Sa Panahong
Department of Education – Division of Gingoog City
Prehistoriko
Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Republic Act 8293, section
Telefax: 176
088 328 states
0108/ that: No
088328 copyright shall subsist in any work
0118
ofE-mail
the Government
Address: of the Philippines. However, prior approval
gingoog.city@deped.gov.ph of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Alging Salazar Lloren, PhD

Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD, Elvira Ruvi U. Camocamo

Illustrator & Layout Jay Michael A. Calipusan


Artist:

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan


Members: Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan 8
Quarter 1 – Module 3
Ang Mga Yugto ng Pag-unlad ng
Kultura sa Panahong Prehistoriko
This page is intentionally blank
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita i
Alamin i
Pangkalahatang Panuto ii
Mga Icon ng Modyul ii
Subukin iii
Aralin 1 1
Panahon ng Bato 1
Balikan 1
Gawain: Kilalanin Mo! 1
Tuklasin 2
Gawain: Kung Ikaw Kaya? 2
Suriin 3
Pagyamanin 7
Gawain: Yugto, Tukuyin Mo. 7
Isaisip 8
Gawain: Ano Ngayon? Chart 8
Isagawa 9
Gawain: Pag-isipan Mo! 9
Aralin 2 10
Panahon ng Metal 10
Balikan 10
Gawain: Itala Mo! 10
Tuklasin 11
Gawain: Ilista Mo! 11
Suriin 12
Pagyamanin 14
Gawain: i-Graphic Organizer Mo! 14
Isaisip 15
Gawain: Katangian Ko, Ibigay Mo 15
Isagawa 16
Gawain: Archaeologist at Work 16
Pagtatasa 18
Karagdagang Gawain 21
Gawain: Ninuno Ko, Gagayahin Ko 21
Susi sa Pagwasto 22
Sanggunian: 23

This page is intentionally blank


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang


mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang
maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan
sa ika-walong baitang.

Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka


sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na!
Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito.

Alamin

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng


kultura sa panahong prehistoriko (AP8HSK-If-6).

Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Panahon ng Bato at Panahon
ng Metal.
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul


Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Pagtatasa Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Pagwasto sa modyul.
Subukin

PANIMULANG PAGSUSULIT:

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.o
kwaderno.

1. Ano ang ibang tawag ng Panahong Paleolitiko?


A. Panahon ng Biak na Bato
B. Panahon ng Lumang Bato
C. Panahon ng Ordinaryong Bato
D. Panahon ng Makabagong Bato

2. Anong kataga ang pinagmulan ng Paleolitiko na nangangahulugan na matanda at


lithos o bato?
A. Neos
B. Luma
C. Old
D. Paleos

3. Ano ang ugat sa pagsimula ng paggamit ng kasangkapang bato sa Panahon ng


Paleolitiko?
A. Hominid
B. Humanoid
C. Polaroid
D. Taong Neandertal

4. Maliban sa pangangaso, ang ang unang ginamit ng mga sinaunang tao sa Panahong
Paleolitiko?
A. Bakal
B. Tanso
C. Apoy
D. Tubig

5. Ano ang ibang tawag ng Homo habilis ng nangangahulugang able man dahil sila ang
unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato?
A. Homo Erectus
B. Giant Man
C. Handy Man
D. Rational Man

6. Ano ang sumunod sa Homo habilis na may higit na kakayahan sa paggawa ng


kagamitang bato?
A. Homo habilis
B. Taong Neandertal
C. Taong Cro-Magnon
D. Homo erectus
7. Saan natuklasan ang labi ng taong Neanderthal?
A. Germany
B. Italy
C. France
D. Spain

8. Ano ang unang pamayanan na kadalasang matatagpuan sa mga lambak?


A. Dumpsite
B. Campsite
C. Tree house
D. Village

9. Ano ang pumalit sa Taong Neanderthal nang ito ay nawala?


A. Tabon
B. Cro-Magnon
C. Erectus
D. Habilis

10. Ano ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego?


A. Gitna
B. Huli
C. Luma
D. Bago

11. Kailan nagsimula ang Panahong Mesolitiko?


A. 7,000 BC
B. 8,000 BC
C. 9,000 BC
D. 10,000 BC

12. Ano ang salitang Greek na nangangahulugan na “bago” sa Panahong Neolitiko?


A. Neos
B. Bios
C. Paleos
D. Zeus

13. Ano ang tawag sa naganap sa panahong ito ng Rebolusyong Neolitiko?


A. Sistematikong paghahayupan
B. Sistematikong pagtatanim
C. Sistematikong pangingisda
D. Sistematikong pangangaso

14. Ano ang isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng


gitnang Anatolia (Turkey ngayon)?
A. Catal Village
B. Anatolia Village
C. Baghdad
D. Catal Huyuk

15. Ano ang itinuturing na kauna-unahang natuklasang uri ng metal?


A. Ginto
B. Pilak
C. Tanso
D. Bronse
16. Ano ang simulang ginamit noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa
Europe at 1500 BC naman sa Egypt?
A. Ginto
B. Pilak
C. Bronse
D. Tanso

17. Ano ang tawag sa paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na
matigas na bagay?
A. Pulang tanso
B. Pulang bato
C. Pulang araw
D. Pulang buwan

18. Ano ang natutuhan ng mga tao na gawin sa mga karatig-pook sa panahong bronse?
A. Makipagkuwentuhan
B. Magsaka
C. Makipagkalakalan
D. Magluto

19. Sino ang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC
na nakatuklas sa bakal?
A. Sumerian
B. Babylonian
C. Assyrian
D. Hittite

20. Ilang beses kahalaga sa ginto ang bakal noong hindi pa gaanong marunong
magmina nito ang mga tao?
A. Tatlo
B. Apat
C. Limang
D. Anim
Aralin
Panahon ng Bato
1
Balikan

Gawain: Kilalanin Mo!

Ano ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag? Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal
o biyolohikal na katangian ng isang pangkat.

___________________________________

2. Ito ay sinasabing lahi ng mga puti.

___________________________________

3. Ipinapalagay na ito ang nangunguna sa lahat ng language family.

___________________________________

4. Ito ang pinanggalingan ng salitang relihiyon na nangangahulugang: "buuin ang mga


bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito."

___________________________________

5. Ito ay sinasabing lahi ng mga itim.

__________________________________

1
Tuklasin
.

Gawain: Kung Ikaw Kaya?

Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili
sa cloud callout ng dalawang bagay na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong pang-araw-
araw na pamumuhay. Sagutin ang mga tanong sa ibaba
BATO
APOY KAHOY
BANGA
BUTO NG HAYOP

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Thinking_Cartoon_Businessman_(Flipped).svg

Tanong:

1. Alin ang iyong napili?


___________________________________________
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong napili?
___________________________________________
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung mayroon ka ng mga bagay na
iyong napili? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2
___________________________________________

Suriin

Nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhay ng


mga unang tao sa pamamagitan ng kanilang mga labí tulad ng bungo, buto, at mga
kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo. Buhat sa mga iyan nalaman ang
kanilang mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay sa siyang bumubuo ng kanilang
kultura. Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang
mga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na
pakikipagsapalaran. Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang
sa malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig.

Panahon ng Bato
Sa mahabang panahong nagdaan, nakalinang ng sibilisasyon ang mga sinaunang
tao. Sila ay namuhay bilang grupo ng sampu hanggang 30 katao. Pawang pangangaso at
pangingisda ang kanilang ikinabubuhay at karamihan ay mga yungib ang kanilang silungan
o panahanan.

Panahong Paleolitiko
Tinatayang nagtagal ang Panahong Paleolitiko mula noong 2,500,000 BC hanggang
10,000 BC. Sa panahong ito nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo Habilis,
Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo Sapiens tulad ng Taong
Neanderthal at Taong Cro-Magnon.

Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa
malamig na panahon. Katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaring
kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig at walang permanenteng tirahan
ang mga tao sa panahong ito. Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain. Namimitas sila
ng mga bungangkahoy, nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig sa
pamamagitan ng mga kamay lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila ng batong
panghampas o pambato at sanga ng kahoy upang maging madali ang panhuli. Sa panahon
ding ito natuklasan ang gamit ng apoy. Maaring sa hindi sinasadyang pagkakataon,
tinamaan ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito at nagbigay ng init sa paligid. Maganda ang
epekto ng init sa panahon ng taglamig.

Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age) ang Panahong
Paleolitiko.
Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang “paleos” o matanda at “lithos” o bato
Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan
Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga hominid
Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao

3
Lower Paleolithic Period
Nagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan
Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig
Hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan
Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang
species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato
Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang
bato

Middle Paleolithic Period


Dakong 120,000 – 40,000 taon ang nakararaan
Paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang nakalilipas
Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato
Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi

Upper Paleolithic Period


Dakong 40,000 – 8,500 taon ang nakararaan
Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak
Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga Taong Cro-
Magnon
Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan.

Mga Homo Sapiens


Ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao ay ang Homo sapiens
Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo
sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang
kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may
kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng
sining ng pagpipinta sa kuweba.
Taong Neanderthal Taong Cro-Magnon

https://humanorigins.si.edu/sites/default/files/s https://humanorigins.si.edu/sites/default/files/styles/full_widt
tyles/medium/public/images/square/neanderth h/public/images/square/sapiens_Cromagon_HOP_3qtr_rt_s
alensis_laferrassie_skull_3qtr_sq.jpg?itok=9E q.jpg?itok=CODZlkAo
mxIh-p

4
Panahong Mesolitiko
“Gitna” ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego. Kaya’t ito ang Gitnang
Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang
unti-unting pumapasok ang tao sa Panahon ng Neolitiko.

Tinatayang nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 BC ang Panahong


Mesolitiko. Ipinanukala ni Sir John Marshall, isang antropolohista, ang teorya ng “paghamon
at pagtugon” upang matugunan ang mabilis na pagbabagong naganap sa kapaligiran
(hamon) ng mga tao na natugunan nila sa pamamagitan ng pagbabago ng mga kaugalian at
mga gawaing kilos (tugon). Nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ng pagbabago
samantalang namuhay sa kasukalan ang ibang nanatili sa lumang kaalaman. Tumagal
lamang ng 3000 taon sa Mesopotemia at kaunting panahon lamang sa Europa ang Panahon
ng Mesolitiko. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito ang panustos na pagkain.
Pinakasolusyon dito ang pagiging prodyuser ng tao kaysa umasa sa likas na. Subalit sa
nagbabagong klima, mahirap na hamon ito.

Rebolusyong Neolitiko
Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na
kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o pagsasaka ang
pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito. Natuklasan marahil ng tao ang
pagtatanim nang minsan, sa paghahanap ng tao ng bungangkahoy na noon ay paunti na
nang paunti, nakakita siya ng isang uri ng bunga na may maraming buto. Nagsimula rin sa
panahong ito ang pagpapalayok. Natutunan ng taong gumawa ng mga bagay na yari sa
putik tulad ng laryo (bricks) na pinatitigas sa init ng araw gaya ng sa India, o kaya ay
pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia. Ginagamit ang laryo sa paggawa ng bahay.

Sa Panahong Neolitiko, malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao.


Pinakinis ang dating magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa
kanilang gamit: pamutol ng kahoy, gamit sa pagsasaka, panghiwa, pang-ahit, pamutol ng
buhok, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba.

Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan


noong Panahong Mesolitiko. Sa kalaunan, ginamit na nila itong sasakyan o tagahila ng
behikulo katulad ng paragos at karwahe. Kabayo, baka at aso ang mga hayop na ginagamit
para rito. Nabago rin ang mga tirahan sa panahong ito. Bagamat nagsimula ang
pagkakaroon ng permanenteng tirahan noong Panahong Mesolitiko, higit pa itong nalinang
noong Panahong Neolitiko. Dahil ito sa pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng asarol
at iba pang gamit sa bukid. Kailangang tumira ang tao sa isang lugar habang hinihintay
niyang tumubo at maani ang kanyang pananim. Habang wala pa ang tag-ani, gumagawa
naman siya ng mga palayok at iba pang gamit na yari sa putik. Natuto siyang maghabi ng
banig, basket at tela dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang gawing damit.

Noong una, para lamang sa pansariling konsumo at sa mga kaanak ang produksyon.
Hindi nagtagal, nakapag-iimbak ng maraming bagay ang tao sa sariling gamit. Dito
nagsimula ang pagpapalitan ng produkto o ang sistemang barter. Dinadala ang sobrang
produkto sa lugar ng palitan. Kung may kailangan ang tao, pumupunta lamang siya rito

5
upang makipagpalit ng produkto. Nagsimula rito ang konsepto ng palengke. Hindi nagtagal,
naging mahirap na ang pakikipagpalitan ng produkto kaya umisip ng paraan ang tao upang
maging maayos ang sistema ng palitan. Dito naimbento ang sistema ng palitan gaya ng sa
Mesopotamia kung saan buto ng cacao ang unang ginamit na papalit produkto.

6
Pagyamanin

Gawain: Yugto, Tukuyin Mo.

Basahin at unawain ang mga katangian/kondisyon na nasa unag kolum ng


talahanayan. Tukuyin sa ikalawang kolum kung anong yugto ng sinaunang panahon ang
inilalahad ng mga katangian/kondisyon na nakasulat sa unang kolum. Isulat sa gawaing
kuwaderno ang sagot.

Yugto ng Sinaunang Panahon


(Piliin ang sagot)
Lower Paleolithic,
KATANGIAN/KONDISYON Middle Paleolithic,
Upper Paleolithic,
Panahong Mesolithic o
Neolithic

1. Ang pagtatanim o pagsasaka ang


pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito.

2. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa


pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato.

3. Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.

4. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa


anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak.

5. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito


ang panustos na pagkain.

7
Isaisip

Gawain: Ano Ngayon? Chart

Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag-


unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa
kasalukuyang pamumuhay. Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa
kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan.

Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto
ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat sa kahon ang
kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwang kahon. Gawin ito sa
iyong activity notebook.

(Halaw sa EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig)

8
Isagawa

Gawain: Pag-isipan Mo!

Mula sa iyong nalaman ukol sa mga sinaunag tao, ano sa iyong palagay ang anyo,
katangian at pamumuhay ng ating mga ninunong Pilipino? Ilahad ang iyong sagot sa
pamamagitan ng pagguhit sa iyong kuwaderno.

9
Aralin
Panahon ng Metal
2

Balikan

Gawain: Itala Mo!

Alalahanin mo ang nakaarang aralin. Isulat sa tahanayan ang mga pangunahing


katangian ng mga yugto ng sinaunang panahon upang mailahad ang pagkakaiba ng mga
ito. Gawin ito sa iyong gawaing kuwaderno.

Ano ang pagkakaiba ng Paleolitko, Mesolitko at Neolitiko?

Paleolitiko

Mesolitiko

Neolitiko

10
Tuklasin

Gawain: Ilista Mo!

Maglista ng mga bagay na iyong pag-aari o nasa inyong bahay na yari sa metal o
may bahaging metal. Isulat ito sa unang kolum ng talahanayan at sa ikalawang kolum isulat
ang paliwanag kung paano ito ginagamit.

Mga gamit na yari sa metal Paano ito ginagamit?

1.

2.

3.

4.

5.

11
Suriin

Panahon ng Metal
Ginto ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Nakukuha lamang ito sa gilid ng
ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin. Subalit hindi nagkaroon ng panahon ng
ginto dahil hindi naman kapakipakinabang ito sa tao. Malambot ang ginto at hindi maaaring
gawing kasangkapan o armas. Tanso (copper) ang sumunod na natuklasan ng tao. Matigas
ito kaysa ginto at nahuhulma ito sa iba’t ibang hugis na nais ng tao.

Panahon ng Tanso

https://pixabay.com/photos/copper-scrap-metal-scrap-disposal-1504098/

Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso. Subalit patuloy pa rin ang
paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 BC sa
mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC naman sa Egypt. Tinawag na Panahon
ng Tanso ang mga nabanggit na taon. Nalinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday
ng mga kagamitang yari sa tanso.

Panahon ng Bronse
Naging malawakan na noon ang
paggamit ng bronse nang matuklasan
ang panibagong paraan ng
pagpapatigas dito. Natutuhan ng tao na
paghaluin ang tanso at lata (tin) upang
makagawa ng higit na matigas na
bagay. Tinawag ang kombinasyong ito
na bronse o pulang tanso. Iba’t ibang
kagamitan at armas ang nagagawa mula
sa tanso tulad ng espada, palakol, https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9
GcTVuW6FIbmSsEnWC6ny7wEHOQWbdgQeEej7pg&usqp=CAU

12
kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. Lumaganap ang paggamit ng bronse noong 2000
BC. Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook. Ang
pag-unlad ng palengke at kalakalan ang nagbigay daan sa pag-usbong ng mga bayan at
lungsod. Nagkaroon din ng mga ekspertong artisano na may kani-kanilang kaalaman.
Nagtayo ng kani-kaniyang samahan ang mga ito batay sa produkto na kanilang ginagawa
tulad ng mga gumagawa ng sandalyas. Ang mga samahang ito ang nagsilbing tagasuri sa
kalidad ng mga produktong nalilikha ng bawat kasapi.

Panahon ng Bakal
Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa
Gitnang Silangan noong 1500 BC. Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal.
Noong hindi pa sila gaanong marunong magmina ng bakal, lubhang mahalaga para sa
kanila ito ng limang beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak. Matagal nilang pinanatiling
lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal. Dahil dito, umunlad ang kabihasnan ng
mga Hittite at madalas silang manalo sa mga digmaan. Subalit sa katagalan, natuklasan din
ang kanilang lihim at lumaganap na ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian. Ito marahil
ang dahilan kung bakit humina ang kaharian ng Hittite.

https://www.pickpik.com/iron-rebar-house-construction-iron-rods-steel-
rusty-147760

Pagyamanin

Gawain: i-Graphic Organizer Mo!

Buuin ang graphic organizer batay sa nabasa mong teksto. Matapos mabuo ay
sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sa activity notebook.

13
YUGTO SA PANAHON NG METAL

Mga Tanong:
1. Anu-ano ang mga yugto sa panahon ng metal?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Nakabuti ba ang pagbabagong naganap sa panahon ng metal sa pamumuhay ng


mga sinaunang tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Gawain: Katangian Ko, Ibigay Mo

Punan ang ikalawang kolum ng mga katangian o mahahalagang kaganapan sa mga

14
yugto ng Panahon ng Metal. Sugutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa gawaing
kuwaderno.

Panahong ng Metal Katangian/Mahalagang Kaganapan

Panahong ng Tanso

Panahon ng Bronse

Panaho ng Bakal

Tanong:

1. Nakabuti ba ang pagkatuklas ng metal sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Isagawa

Gawain: Archaeologist at Work

15
Isiping isa kang archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Iyong
susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1.
Pagkatapos nito, ginawang pagsusuri at sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2.

Buod

Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang


mga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na
pakikipagsapalaran. Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang
sa malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig.
Sa Panahon ng Bato nagsimula ang paglinang ng sibilisasyon sa mga sinaunang
tao.

16
Sa Panahong Paleolitiko nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo
Habilis, Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo Sapiens tulad ng Taong
Neanderthal at Taong Cro-Magnon.
Ang Panahong Mesolitiko “ang tinatawag na Gitnang Panahon ng Bato. Dito
nagsama-sama ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang unti-unting pumapasok
ang tao sa Panahon ng Neolitiko.
Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na
kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o pagsasaka ang
pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito.
Sa Panahon ng Metal unang natuklasan ang ginto na nakukuha lamang sa gilid ng
ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin.
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao sa Panahon ng Tanso. Subalit patuloy pa rin
ang paggamit sa kagamitang yari sa bato.
Sa Panahon ng Bronse natuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito.
Natutuhan ng tao na paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas
na bagay. Tinawag ang kombinasyong ito na bronse o pulang tanso.
Natuklasan ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang
Silangan noong 1500 BC. Sa Panahon ng Bakal natutuhan nilang magtunaw at magpanday
ng bakal.
Ang ating kaalaman sa mga yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong Prehistoriko
ay makatutulong sa atin upang lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa
ating kasalukuyang panahon.

Pagtatasa

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.o
kwaderno.

1. Kailan nagsimula ang Panahong Mesolitiko?


A. 7,000 BC

17
B. 8,000 BC
C. 9,000 BC
D. 10,000 BC

2. Ano ang salitang Greek na nangangahulugan na “bago” sa Panahong Neolitiko?


A. Neos
B. Bios
C. Paleos
D. Zeus

3. Ano ang tawag sa naganap sa panahong ito ng Rebolusyong Neolitiko?


A. Sistematikong paghahayupan
B. Sistematikong pagtatanim
C. Sistematikong pangingisda
D. Sistematikong pangangaso

4. Ano ang isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng


gitnang Anatolia (Turkey ngayon)?
A. Catal Village
B. Anatolia Village
C. Baghdad
D. Catal Huyuk

5. Ano ang itinuturing na kauna-unahang natuklasang uri ng metal?


A. Ginto
B. Pilak
C. Tanso
D. Bronse

6. Ano ang simulang ginamit noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa
Europe at 1500 BC naman sa Egypt?
A. Ginto
B. Pilak
C. Bronse
D. Tanso

7. Ano ang tawag sa paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na
matigas na bagay?
A. Pulang tanso
B. Pulang bato
C. Pulang araw
D. Pulang buwan

8. Ano ang natutuhan ng mga tao na gawin sa mga karatig-pook sa panahong bronse?
A. Makipagkuwentuhan
B. Magsaka
C. Makipagkalakalan
D. Magluto

9. Sino ang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC


na nakatuklas sa bakal?
A. Sumerian
B. Babylonian
C. Assyrian
D. Hittite

18
10. Ilang beses kahalaga sa ginto ang bakal noong hindi pa gaanong marunong
magmina nito ang mga tao?
A. Tatlo
B. Apat
C. Limang
D. Anim

11. Ano ang ibang tawag ng Panahong Paleolitiko?


A. Panahon ng Biak na Bato
B. Panahon ng Lumang Bato
C. Panahon ng Ordinaryong Bato
D. Panahon ng Makabagong Bato

12. Anong kataga ang pinagmulan ng Paleolitiko na nangangahulugan na matanda at


lithos o bato?
A. Neos
B. Luma
C. Old
D. Paleos

13. Ano ang ugat sa pagsimula ng paggamit ng kasangkapang bato sa Panahon ng


Paleolitiko?
A. Hominid
B. Humanoid
C. Polaroid
D. Taong Neandertal

14. Maliban sa pangangaso, ang ang unang ginamit ng mga sinaunang tao sa Panahong
Paleolitiko?
A. Bakal
B. Tanso
C. Apoy
D. Tubig

15. Ano ang ibang tawag ng Homo habilis ng nangangahulugang able man dahil sila ang
unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato?
A. Homo Erectus
B. Giant Man
C. Handy Man
D. Rational Man

16. Ano ang sumunod sa Homo habilis na may higit na kakayahan sa paggawa ng
kagamitang bato?
A. Homo habilis
B. Taong Neandertal
C. Taong Cro-Magnon
D. Homo erectus

17. Saan natuklasan ang labi ng taong Neanderthal?


A. Germany
B. Italy
C. France
D. Spain

19
18. Ano ang unang pamayanan na kadalasang matatagpuan sa mga lambak?
A. Dumpsite
B. Campsite
C. Tree house
D. Village

19. Ano ang pumalit sa Taong Neanderthal nang ito ay nawala?


A. Tabon
B. Cro-Magnon
C. Erectus
D. Habilis

20. Ano ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego?


A. Gitna
B. Huli
C. Luma
D. Bago

Karagdagang Gawain

Gawain: Ninuno Ko, Gagayahin Ko

Maghanap ng isang piraso ng bato. Gamitin mo ito sa ilang mga gawain sa bahay
tulad ng pagpukpok ng pako at iba. Gumawa ng sanaysay sa iyong naging karanasan sa
paggaya sa ating mga ninuno ng paggamit ng bato sa iba’t ibang gawain. Pagkatapos ay
sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ito sa gawaing kwaderno.

20
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn
________________________________________________
__________________________________________
Tanong:

1. Naging madali ba ang iyong ginagawa gamit ang bato bilang iyong kagamitan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

______________________________________

Susi sa Pagwasto

PANIMULANG PAGSUSULIT
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. Lumang Bato
2. paleos 1. 10,000
3. hominid 2. neos
4. apoy 3. pagtatanim
5. able man o handy man 4. Catal Huyuk
6. Homo erectus 5. Ginto
7. Germany 6. tanso
8. campsite 21 7. pulang tanso
9. Cro-Magnon 8. makipagkalakalan
10. “Gitna” 9. Hittite
11. 10,000 10. limang
Sanggunian:
Aklat:

Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.

22
Websites:

Blogger.com, “Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig,” Accessed May 28, 2020,


http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAABdg/
O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg

Countries of the world, “Continents Map,” Accessed May 28, 2020, https://www.countries-
ofthe-world.com/img/continents-map.png

Google Drive, “Grade 8 DLP First Quarter,” Accessed May 28, 2020,
https://drive.google.com/file/d/1dIkeEgrMEbEx_hEn4XEv0pe-IIGd4hy-/view

LRMDS Portal, “EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig,” Accessed May 28, 2020,
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6035

National Geographic, “Crust,” Accessed May 28, 2020, https://www.nationalgeographic.org/


encyclopedia/crust/

National Ocean Service, “How many oceans are there?” Accessed May 28, 2020,
https://oceanservice.noaa.gov/facts/howmanyoceans.html

Phys.org, “What are the Earth's layers?,” Accessed May 28, 2020, https://phys.org/news/
2015-12-earth-layers.html

Pinoy Edition, “Ang Pinagmulan ng Pilipinas,” Accessed May 28, 2020.


https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-pinagmulan-ng-pilipinas/

Pinterest.ph, “Ako, Ikaw at Tayo,” Accessed May 28, 2020, https://www.pinterest.ph/pin/


232568768236648022/

Wikimedia.org, “Africa,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/thumb/8/86/Africa_%28orthographic_projection%29.svg/1200px-
Africa_%28orthographic_projection%29.svg.png

Wikimedia.org, “Antartica,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/thumb/f/f2/Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg/256px-
Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg.png

Wikimedia.org, “Asia,” Accessed May 28, 2020, https://en.wikipedia.org/wiki/Asia#/media/


File:Asia_(orthographic_projection).svg

Wikimedia.org, “Australia,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/thumb/e/e8/Australia-New_Guinea_%28orthographic_projection%29.
svg/1200px-Australia-New_Guinea_%28orthographic_projection%29.svg.png

Wikimedia.org, “Europe,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/thumb/4/44/Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary_%28with_bor
ders%29.svg/220px-Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary_%28with_
borders%29.svg.png

Wikimedia.org, “North America,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/


wikipedia/commons/4/43/Location_North_America.svg

23
Wikimedia.org, “South America,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/thumb/0/0f/South_America_%28orthographic_projection%29.svg/1
200px-South_America_%28orthographic_projection%29.svg.png

24
This page is intentionally blank
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

Вам также может понравиться