Вы находитесь на странице: 1из 4

Panukala para sa Proyekto

Pagbubuo ng mga Modyul para sa Integrasyon ng Kasaysayang Lokal


ng Bulakan sa Araling Panlipunan sa Mababang Paaralan

PHASE I
(Modyul para sa mga Bayan ng Malolos, Kalumpit at Hagunoy)

Nakaugnay ang kasaysayan ng bawat indibidwal sa kanyang pamilya, ang bawat


pamilya sa kanyang barangay, ang bawat barangay sa kanyang bayan, ang bayan sa
lalawigan, lalawigan sa rehiyon at sa dulo ay sa bansa. Isa itong lohika na nagbibigay
diin na upang lubos na maunawaan ang kasaysayang pambansa ay kailangang
taludturin ang mga bumubuo dito na kolektibong tinatawag na kasaysayang lokal.
Introduksyon
Ang Department of Social Sciences ng Bulacan State University-College of Social
Sciences and Philosophy ay nagpapanukala ng proyekto na bubuo ng batayang modyul para sa
integrasyon ng kasaysayang lokal sa asignatura ng Araling Panlipunan sa mga mababang
paaralan ng Malolos, Kalumpit at Hagunoy (baitang 5 at 6). Ang proyekto ay kabilang sa pang-
ugnayang komunidad ng Departamento at tinatayang isang oportunidad rin para sa
pananaliksik at pagsusulat ng mga kaguruan sa larangan ng kasaysayan.

Ninanais ilapit ng Department of Social Sciences ang proyekto sa Tanggapan ng


Pananaliksik ng pamantasan upang mabigyan ng kaukulang suporta sa aspektong pinansyal.

Rasyunale
Kinikilala higit ng estado na ang pagtuturo ng kasaysayan ay isang ideyolohikal na
aparatong magsusulong ng mapanagutang pagkamamamayan sa mga kabataang Pilipino. Ito
ang rasyunale ng pagtuturo ng mga asignatura tulad ng Araling Panlipunan sa mababang
paaralan. Subalit isang kakulangan na ang mga aralin sa kasaysayan ay naihahanay sa mga ‘di
kinahihiligang aralin. Maraming salik ang nagbunsod dito tulad ng ‘di angkop na pedagohiya na
maiuugat sa marami pang salik. Ang kabataan na natural ang pagkaganyak sa mga kwento at
salaysay ay umaayaw sa aralin na ganito ang batayang kaparaanan ng pagtuturo. Bukod dito ay
ang tila detached na pagtalakay sa asignatura palayo sa reyalidad ng mag-aaral.

Bigo na ihabi ang karanasan ng pook na malapit sa kamalayan ng mag-aaral tulad ng


kanyang bayan at lalawigan sa kasaysayang pambansa na pokus ng mga asignatura tulad ng
Araling Panlipunan. Iniaalis ang pagkakataon sa mag-aaral na makita ang kasaysayan sa mas
personal at malapit nitong kahulugan na nakaugnay sa buhay at pamayanan ng mag-aaral.
Bagkus ay mas nabibigyang halaga ang pag-alam sa buhay ng malalaking tao at malalaking
pangyayari na batbat ng pagkakabisa sa mga petsa, pangalan at lunan at naisasantabi ang
dangal at karanasan ng pook at kababayan ng mag-aaral. Sa puntong iyon iminumungkahi ang
higit na integrasyon ng kasaysayang lokal sa mga aralin sa kasaysayan upang buhayin ang
interes ng mag-aaral kasama na ang iba pang pakayin tulad ng higit na kamalayan sa kasaysayan
ng Bulakan. Maisasagawa lamang ito kung may sapat at nararapat na materyales upang ito ay
gawin. Isinusulong ang pagbuo sa mga MODYUL ng kasaysayang lokal ng mga bayan ng
lalawigan.

Ang Modyul
Ang modyul ay kalipunan ng mga panukalang banghay-aralin sa integrasyon ng
kasaysayang lokal sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa ika-lima at ika-anim na baitang. Ito ay
isusulat sa Filipino at nasa pormang nakaimprenta. Kasama sa kumpilasyon ang ilang mga
sanaysay at kopya ng mga pangunahing batis pangkasaysayan ng mga bayan ng lalawigan. Ang
PHASE I ng proyekto ay katatampukan ng pagbubuo ng modyul para sa mga bayan ng Hagunoy,
Malolos at Kalumpit. Kalahati ng lalamanin ng bawat modyul ay patungkol sa kasaysayan ng
lalawigan at kalahati ay sa kasaysayan ng bayan na kinalulugaran ng mga paaralang gagamit.
Libreng ipapamahagi ang mga modyul sa mga guro at paaralan.

Tinurang Phase I ang proyekto upang maiparating na paunang bahagi lamang ang
proyekto at ipagpapatuloy sa mga susunod na panahon ang kabuuan nito.

Metodolohiya

Isasagawa ang proyekto sa paraang kolaboratibo. Pangungunahan ang pananaliksik ng


mga nagpapanukala ngunit hahanapin ang partisipasyon ng mga boluntir tulad ng mga mag-
aaral ng pamantasan at ilang mga kaguruan sa Araling Panlipunan sa mga mababang paaralan.
Isasagawa ang ganitong metodolohiya upang mas mapalalim ang pag-angkin ng pamayanan sa
mabubuong mga modyul at maisulat ang nilalaman ng mga ito sa perspektiba ng mga gagamit
ng materyales.

Isusulat ang kalakhan ng mga modyul ng mga nagpapanukala ngunit pinanatili ang
pagiging bukas para sa mga ambag na nilalaman.

Kalendaryo ng Proyekto

Buwan Gawain
Marso, 2011 Pagbuo ng Banghay ng mga Modyul
Abril-Nobyembre, 2011 Pananaliksik at Pagsusulat
Disyembre, 2011-Marso, 2012 Rebyu at Imprenta
Abril-Mayo, 2012 Distribusyon
Hunyo, 2012 Paggamit sa ilang Piling Paaralan
Hulyo-Agosto, 2012 Paunang Ebalwasyon at Paggawa ng Report

Pangangailangang Materyal at Pinansyal (PHASE I)

Gawain/Kagamitan Tinatayang Gastos


Photocopy and Printing Expenses (Research) P3000
Review and Publication P30,000
Transportation and Communication Expenses P6,000
Allowances P16,000
Expenses for the Distribution of Modules P5,000
Expenses for the Conduct of Evaluation P3,000
Total P63,000
Profile ng mga Nagpapanukala ng Proyekto

Dolorita Del Rosario, Ed. D.

Frederick John A. Macale

Вам также может понравиться