Вы находитесь на странице: 1из 130

The Dominant CEO

by KaeJune

Plain-looking Diana Garcia was never the type to turn heads, but her world is
turned upside down when one drunken mistake with her handsome CEO sets off a series
of events that are bigger than a pregnancy.

*****

Ordinary and plain-looking, Diana Garcia led a simple and peaceful life. But all of
that changes when Diana attends her company's annual Christmas Party where she ends
up having a night with Bryan Beckenham, the handsome CEO. Never in her wildest
dreams did Diana think that a one night could change the course of her life
forever. Now, pregnant with twins, Diana must decide whether to hide the truth to
protect him or come clean.

The Dominant CEO


#1 in Romance and General Fiction (Highest Rank Achieved)

All rights reserved. 2017 December 3


Completed: 4 February 2018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Introduction

****PLEASE READ THIS INTRO FIRST. DON'T SKIP. THIS HAS THE
INSTRUCTIONS FOR PURCHASING THIS PAID STORY****

5 January 2020
Hi, lovely readers!
You don't know how grateful I am to all of you who have been reading and
supporting my stories. I have been writing for 6 years now and counting. I remember
the first time I started writing, I only had less than 10 readers in my story (not
even per chapter). I am so overwhelmed everytime I remember how I started from less
than 10 readers into thousands!!! My passion for writing hype up because of my avid
readers who never fail to support me in every story I make. You guys motivated me
to keep writing and continue sharing this gift I have to all of you. My main goal
in writing is to teach a lesson in every story I write. I hope I have achieved that
goal in each and everyone of you.
As an amateur writer, it is such a privilege that my story, The Dominant CEO,
has been chosen to be part of the Wattpad Paid Program. I think it is a great
opportunity for me to level up in my platform and improve my writing skills. It's a
dream taking my story into a different level. I hope you get my point. We all have
dreams, right?? ^_^
I hope you will support me in this new achievement of mine. This means a lot to
me. This may not sound pleasing to some of you therefore I apologize. In addition,
I have 23+ stories in My Works right on my profile page that you can read for free.
I want to THANK all of you in advance especially those who are purchasing coins
to read the entire story. From the bottom of my hypothalamus, thank you!
I get many messages about how to purchase coins. I found this info on the web
that might help:
1) Read the book: Purchasing Wattpad Coins by niveahere (Wattpad Source)

2) Photos by Belly Duck (Facebook Source)


https://www.facebook.com/LoveBellyduck/posts/129869955035465

TAKE NOTE: There is a 10% tax of the price. If you purchase using load, be sure
to have extra because your payment won't go through if you don't have enough load
for the coin price + tax price.
3) You can earn coins for free.
Watch 3 ads for 3 coins (maximum of 3 coins per day). It renews everyday. This
takes time to save coins but it's for free! **However, I heard that this feature is
not available to some areas. ALSO very old version might not allow this feature so
UPDATE your Wattpad App first**

Purchase coins first by following the prompt when you click the COIN icon THEN when
you already have the coins, it will appear in your profile. That's the time for you
to unlock the story. AFTER UNLOCKING THE STORY, some may read it right away but
some won't. DO NOT PANIC!!! Try ANY of these steps (it varies for everyone) first
that might help open the chapters for reading:

***If none of these work, bahala ka LOL just kidding. Contact Wattpad Help
Services because they know it better than me.***
Lastly, this is NOT A SCAM. I am not a very techy person. I have no clue why
some things happen. Please be respectful and leave acceptable comments. If anything
pissed you off, address it in a correct manner. Try any of the steps I have given
ABOVE before giving me a headache LOL
Again and again your last resort is go to Wattpad Help, they can help you if
you encounter problems while purchasing or unlocking the story.
Submit a ticket to Wattpad Support Team, and they can address your concerns.
Here is a link to submit a ticket if you are having issues with purchasing my
story:
https://support.wattpad.com/hc/en-us/requests/new?
ticket_form_id=360000179091#formAnchor
Leave comments here if you have further questions.
Happy reading, beautiful people!

Thank you so so much,


Miss Kae 💋

****** YOU ARE NOW ENTERING A WATTPAD PAID STORY******

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 1: How It All Happened

****** YOU ARE NOW ENTERING A WATTPAD PAID STORY******

"Oh, saan ka pupunta?"


"Sa labas lang. Magpapahangin." Sagot ko sa tanong ng katrabaho ko.
Tumayo ako at lumabas ng function hall. Kanina pa ako naiinip sa loob. Sabi ko
kasi sana hindi na lang ako pumunta. Kung hindi lang talaga ako pinilit ng mga
kaibigan ko.
Christmas party kasi ngayon ng company kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ako
mahilig sa party. Gastos lang kasi 'yan. Mas mabuti pa na sa bahay na lang ako
kasama ang pamilya ko.
Pero nandito na ako eh. Titiisin ko na lang hanggang sa matapos ang party.
Nakahinga ako ng maluwag nung makalabas ako ng kwarto na 'yun. Ayoko talaga sa
madaming tao at saka sa pa-sosyal na 'yan.
Kung umuwi na lang kaya ako?
Pero baka magalit sa akin ang mga kasamahan ko. Napag-desisyunan ko na lang na
maglakad-lakad muna. Mabuti na lang talaga maganda itong lugar na pinili nila.
Napakaganda sa labas sa dami ng Christmas lights at decorations. Ang liwanag ng
gabi. Isa itong business resort na nasa tabi ng dagat. Napakaganda. Mukhang
mamahalin ang lugar. Hindi na ako nagtataka dahil malaking kumpanya itong pinasukan
ko.
Naglakad-lakad ako sa labas. Wala ng tao dito sa labas. Nasa loob siguro lahat.
Maganda pa naman ang simoy ng hangin. Tumigil ako sa pinakadulo kung saan tanaw ko
ang dagat. Medyo mataas ang lugar na 'to at ilang talampakan ang taas mula sa
dagat. Natatanaw ko ito sa baba. May railings para hindi mahulog ang mga bisita
kung sakaling pumunta dito ng madilim.
Huminga ako ng malalim at nilanghap ang hangin. Napangiti ako dahil
nararamdaman ko ang lamig ng hangin na humahalik sa pisngi ko. Ang sarap lang sa
pakiramdam.
Kailan ba ako huling nag-enjoy at namasyal ng ganito na mag-isa? Hindi ko na
maalala. Puro trabaho kasi ako. Hindi ko na nai-enjoy ang buhay ko. Pero okay lang
naman. Basta para sa pamilya ko,gagawin ko ang lahat.
Napasinghap ako at napadilat ng mga mata nung may narinig akong natumba.
Hinanap ko ito.
Dinilat ko ang mata ko dahil sobrang dilim sa parteng ito ng resort.
"Sinong nand'yan?"
Walang sumagot kaya naghanap pa ako. Pero ilang sandali ay may narinig akong
ungol. Napakunot ang noo ko na sinundan kung saan nanggaling iyon.
Ayun! May taong natumba pala sa damuhan. Sino kaya 'yun? Matulungan nga.
Nilapitan ko ito. "Kuya, okay ka lang ba?"
Hindi ito sumagot kaya lumapit pa ako. Napaatras ako ng konti nung tumaas ang
mukha niya at nakita ko kung sino.
"S-Sir?"
Mapupungay ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Who are you?" Sabi niya na
kinagulat ko ng konti. Ngayon ko lang talaga siya narinig magsalita na malapit sa
akin. Pero, tsk... Tama nga ako. Lasing ang isang 'to.
Kaya pala isang beses ko lang siya nakita kanina sa party. Nung sa umpisa lang.
Kasi lumabas pala siya at nagpakalasing.
"Diana Garcia po, sir. Isa po sa empleyado ninyo," pagpapakilala ko.
Hindi siya sumagot saka nagpumilit na tumayo pero natutumba ito kaya lumapit
ako saka tinulungan siyang tumayo.
"Kaya niyo po bang mag lakad, sir?"
Ungol lang ang sagot nito. Napatingin ako sa paligid at wala akong makitang
tao. Hihingi sana ako ng tulong. Sigurado naman kasi na hindi niya kayang maglakad.

Nagulat na lang ako nung inabot niya sa akin ang isang


susi. Tiningnan ko ito ng mabuti. Isa itong susi at may card na kasama at nakalagay
na Suite 16. So, naka check-in pala siya dito.
"A-anong gagawin ko po dito, sir?"
Tumawa siya na kinataka ko saka sinabing "kainin mo." Sabay tawa ulit.
Napailing na lang ako. Lasing na nga siya. Pero hindi ko akalain na marunong
din pala magbiro ang boss ko kahit lasing ito. Nagta-trabaho man ako sa kanilang
company ay bihira ko lang naman kasi siyang nakikita. Hindi naman kasi mataas ang
posisyon ko at nasa second floor ako naka-assign. Nakikita ko lang siya pag
nakakasalubong ko siya sa umaga papasok ng building at minsan kapag sa elevator.
Pero never niya pa akong kinausap at pinansin. Marami din kasi kaming tao sa loob
ng elevator pag nakikita ko siya. Saka pag nasa ground floor ng building,
naglalakad naman siya. Minsan binabati ko siya pag dumadaan pero hindi nito
pinapansin. Sino ba naman kasi ako para pansinin niya? Isang hamak na empleyado
lang ako at sa mababang posisyon pa. Walang rason para pansinin ako.
Ayokong dalhin siya sa kwarto niya. Kahit papaano nirerespeto ko naman ang
privacy niya dahil boss ko siya. Hindi tama na ako ang mag hatid sa kanya doon.
Pero... sino?
Wala akong makitang tao kahit isa at ang malala, lasing na tong katabi ko.
Wala akong magawa kundi ang ilagay ang braso niya palibot sa leeg ko saka
inalalayan siyang maglakad. Dadalhin ko na lang siya sa loob. Pag may nakita akong
tao, ihahabilin ko na lang siya at sila na ang magdala sa kanya sa kwarto niya.
Pero pagpasok ko sa loob ay wala akong makitang tao. Weird. Kanina may mga tao
pa dito. Bakit ngayon wala na?
Mabuti na lang at hanggang second floor lang ang resort na to. At nasa second
floor din ang kwarto niya. Pero walang elevator man lang. Dinala ko siya sa hagdan
at sobrang namamawis na ako sa bigat niya. Masakit na rin ang paa ko dahil sa naka-
heels ako.
Sa wakas ay nakarating na rin ako sa labas ng suite niya. Binuksan ko ang pinto
gamit ang susi na binigay niya kanina. Ini-ON ko ang ilaw at nagliwanag ang buong
kwarto. Agad ko siyang dinala sa kama niya at hiniga. Muntik pa akong mapahiga din
dahil sa bigat niya pero buti na lang at napigilan ko ang katawan ko na bumagsak sa
kama.
Pagkatapos ko siyang mahiga ay nagbalak na akong aalis. Tutal nasa kwarto na
naman siya at ligtas na dito. Panatag na ang loob ko baka kasi ako ang pagbintangan
pag iniwan ko siya sa labas at kung ano pa ang mangyari sa kanya.
Nilapag ko ang susi niya sa bedside table saka nagsimula ng humakbang palabas.
"Don't leave me.."
Natigilan ako. Gulat akong nilingon siya. Ako ba ang sinabihan niya? Nilibot ko
ang paningin sa buong kwarto at ako lang naman ang nandito.
"Please, don't leave me..". sambit nito na parang naiiyak.
Natatakot ba siya dito kaya ayaw ako paalisin? Tss. Kalalaking tao, takot sa
multo? Pero bigla akong nakonsensya sa isipang aalis na ako at iiwan siya dito.
Malambot ang puso ko sa mga nakikiusap sa akin. Madalas, hindi ako makatanggi.
Maliban na lang sa taong hindi ko kakilala.
Pero boss ko naman siya at kilala ko siya. Kargo ko pag may nangyari dito dahil
ako lang naman ang huling kasama niya.
"Please..." sambit ulit nito.
Wala akong nagawa dahil nakokonsensya talaga ako. Lumakad ako pabalik sa kanya
saka umupo sa gilid ng kama.
Pawis na pawis siya at basa ng pisngi. Bakit siya umiiyak? Naawa tuloy ako.
Nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko siya. Gusto ko kasing ayusin ang
magulo niyang buhok saka pahidan ang luha niya. Inangat ko ang kamay ko para abutin
siya pero tumigil ito sa ere. Napabuntong hininga ako. Wala naman sigurong masama,
'di ba? Kaya hinayaan ko na ang kamay ko na hawakan ang mukha kiya at tabigin ang
buhok niya palayo sa noo niyang namamawis.
Napangiti ako. Gwapo talaga itong boss ko. Sa malayo gwapo na ito at lalo na
ngayon sa malapitan. Napakalinis ng mukha. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit
hindi ito madalas ngumiti? Lagi siyang seryoso. Malamang. Nasa opisina kasi pag
nakikita ko siya. Siguro kailangan ganun para respetuhin siya ng mga empleyado
niya. Pero bakit ang ama naman nito ay palaging nakangiti?
Napasinghap ako at natigil sa pag iisip nung hinawakan niya ang kamay ko na
nakahawak sa buhok niya kanina at napanganga ako sa gulat ng makitang dinala niya
ito sa bibig niya saka masuyong hinalikan.
"Thank you for staying." Sabi nito pero hindi ako makagalaw dahil sa gulat.
Bakit niya hinahalikan ang kamay ko? Ganito ba talaga siya pag nagpapasalamat?
Nanghahalik ng kamay? Hindi ko naman kasi lubos na kilala itong boss ko.
Pero mas malakas akong napasinghap nung hinila niya ang kamay ko dahilan para
matumba ako sa dibdib niya at mabilis niya akong kinulong sa bisig niya. Literal na
nanigas ako. Tuluyan na akong hindi makagalaw nung hinalikan niya ang buhok ko.
Bakit ako hinahalikan at niyayakap ng boss ko??
Nagsimula na akong mag panic. Sinubok kong lumayo sa kanya pero mas hinigpitan
niya ang hawak niya sa akin.
"Don't leave," pakiusap niya.
Halata ang lungkot sa boses niya. Hindi ko tuloy magawang lumayo. Pero ano
namang gagawin ko dito? Baka may pumasok at makita kaming dalawa. Lagot pag
nangyari yun. Baka masesante pa ako.
At ang mas hindi ko inasahan ay ang pag-angat ng ulo ko para sana tingnan siya
pero mabilis niyang sinakop ang labi ko saka masuyong hinalikan. Hindi ko alam pero
hindi ko kayang pigilan siya at itulak.
Napapikit ako ng mga mata at dinamdam ang halik niya. Hindi ko na nasundan ang
pangyayari dahil tuluyang bumigay nako.
Alam ko na pagsisihan ko ang susunod na mangyayari dahil hindi ako naglakas
loob na tumanggi. Nagpadala ako sa halik at hawak niya. Medyo natauhan ako dun at
lalayo na sana pero mabilis siyang pigilan ako at hinalikan ulit kaya nadala na
naman ako.
Doon lang ako natauhan nung matapos ang pag iisa namin. Napakagat ako ng labi
at tiningnan ang lalaking nasa tabi ko na sa tingin ko ay tulog na.
Lagot na. Hindi dapat ako nagpagalaw sa boss ko na hindi ko naman boyfriend o
asawa. Anong sasabihin ko pag nagkita kami sa opisina?
Saka natatakot ako sa sasabihin ng nanay ko pag nalaman niya to. Lagot ako sa
nanay ko.
Mabilis akong bumangon nung maalala ang pamilya ko. Baka hinahanap na ako sa
amin. Si mama kasi hindi nakakatulog yan pag ni isa sa amin ay hindi pa nakakauwi
ng bahay. Sabi ko pa naman uuwi ako ng ten.
Napatingin ako sa orasan sa gilid at sampong minuto na lang pala. Mabilis akong
tumayo at ininda ang sakit palabas. Pumara ako ng taxi sa labas para umuwi.
*****

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 2: AfterShock

"Uy, Diana, maaga ka naman umuwi ka ng maaga nung party 'no? Hindi na kasi kita
mahanap." Sabi ng katrabaho ko kung saan ako nagpaalam na lalabas muna pero hindi
na ako nakabalik dahil nga sa nangyari.
Wala pa akong kahit isang nasabihan ng nangyari. Para ano pa kung sasabihin ko?
Mapapahiya lang ako. Kaya sapat ng ako na lang ang nakakaalam at ang boss ko.
Pero ang hindi ko inasahan ay ang walang reaction at walang pakialam na boss
ko.
Dumaan siya sa harapan namin at akala ko ay lilingunin niya ako pero hindi.
Diretso lang ang lakad niya.
Baka hindi niya lang ako nakita o napansin? Hindi naman sa gusto kong pansinin
niya ako. Gusto ko lang na kausapin niya ako at mag paliwanag siya bakit niya
ginawa yun kagabi. Gusto kong malaman ang side niya lalo na at lasing siya. Gusto
ko din mag sorry siya at kalimutan na lang ang lahat.
Sinubukan ko ulit na pansinin siya nung lunch break sa cafeteria. Binati ko
siya ng "hi, sir." Pero nilingon lang ako nito ng mabilis at dumiretso na ang
tingin sa mga pagkain na nasa harapan namin.
"Ahm, sir." Mahinang sabi ko para kunin ang attention niya.
Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Yes, miss? May sasabihin ka ba?"
Napalunok ako.
"Wait, kilala ba kita? Saang department ka?" Nagulat ako sa tanong nito. Hindi
ko inasahan na yan ang sasabihin niya sa akin.
Wag niyang sabihin na... wala siyang maalala? Impossib... hindi. Posible! Dahil
lasing na lasing siya nung gabing yun. Pero wala nga ba siyang maalala sa nangyari
nung gabing yun? Hindi niya ba ako nakikilala??
"Ah.. wala po. Sige, sir. A-aalis na po ako." Sagot ko na lang saka naglakad
palabas ng cafeteria. Parang nalungkot ako at hindi ko alam kung bakit.
"Uy anong drama yun ha?"
"ang alin?" Kunot noo kong tanong sa kaibigan ko.
"Bakit mo kinausap si sir?"
Umiling ako, "Wala. Nangangamusta lang." sagot ko saka dumiretso na sa elevator
papunta sa floor kung saan ako naka-assign.
Sa mga sumunod na araw ay mas napatunayan ko lang na wala talaga siyang maalala
sa nangyari sa aming dalawa. Consistent pa rin kasi ito sa hindi pag pansin sa
akin. Parang wala lang nagbago. Ganun siya sa akin mula unang araw na nagtrabaho
ako dito. Siguro nga ay itigil ko na ang umasang maalala niya ang nangyari.
Hindi naman niya kasalanan yun. Ako lang naman ang tanga na pumatol sa isang
lasing.
Dumaan ang ilang linggo at nakaramdam ako ng pagbabago sa katawan ko. Madalas
akong mahilo at sobrang gana ko kumain. Madalas din akong antukin kaya nagtaka ang
mama.
Hanggang sa nagtanong ito ng hindi ko inaasahan na tatanungin niya sa akin sa
buong buhay ko.
"Buntis ka ba, Diana?"
Doon ako parang binuhusan ng malamig na tubig. Umiling pa ako pero nung maalala
ko na may nangyari sa amin ng boss ko, saka ako nagsimulang maiyak sa naalala.
Buong gabi akong pinagalitan ng mama. Pinipilit nitong sabihin ko kung sino ang
ama ng bata. Ayoko sabihin pero ayoko mag sinungaling sa mama kaya kinuwento ko
lahat sa kanya. Na nangyari ito nung party. Kinuwento ko din sa kanya na sinubukan
kong kausapin ang boss ko pero wala itong maalala.
Nag-iyakan kami sa bahay dahil dito. Pati si tatay ay halata ang disappointment
niya sakin. Ilang beses akong humingi ng tawad sa kanilang lahat pati sa mga
kapatid ko.
Ilang araw bago nila ako kinausap. Pero nung kinausap ako ni mama ang sumunod
na sinabi niya ay "ipaalam mo sa kanya na buntis ka."
Mabilis akong tumutol sa kanya pero tama naman kasi siya. Kailangan nitong
malaman ang resulta ng nangyari sa amin.
Ilang araw akong nag-prepare ng sarili ko kung paano ko siya haharapin at
sabihin ang pagbubuntis ko.
Pero nung dumating ang araw na may naipon na akong lakas ng loob para sabihin
sa kanya ay saka naman nangyari ang hindi ko inaasahang masaksihan ko pagpasok ko
ng building.
Nakita ko lang naman siya na may kasamang babae at nakahawak sa braso niya.
Nagka-ngitian ang dalawa at mukhang masaya habang papasok naglalakad. Lahat ng tao
ay nakatingin sa kanila.
"Diana, nakita mo ba ang girlfriend ni sir Bryan?" Tanong ng katabi ko nung
makarating ako sa desk ko.
Umiling lang ako bilang sagot. Wala kasi ako sa mood na pag usapan yun.
Ewan ko ba pero nalulungkot kasi ako. At hindi malaman kung bakit. Dahil ba
kasama niya ang girlfriend niya na yun? Pero bakit niya ako ginalaw kung may
girlfriend naman pala siya?
Lasing nga siya nun, Diana!
"At alam mo ba, nagkabalikan lang daw sila. Ang sabi-sabi, naghiwalay daw ang
dalawa bago nung Christmas party natin kaya daw hindi ito kasama ni sir sa party.
Pero ngayon, okay na ulit sila. Mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa."
Namutla ako sa mga naiisip.
Nagpakalasing siya dahil broken-hearted siya. Ang tanga-tanga ko! Baka dahil sa
lango siya sa alak ay inakala niyang ako yung babae na kasama niya kanina. Ang gaga
ko! Bakit kasi hindi ko nagawang mag pigil nun?!
"Uy Diana, umiiyak ka ba?"
Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko, "H-hindi. Masakit lang ang mga mata ko."
Sabi ko saka tumayo. "Mag-restroom lang ako."
Agad kong sinarado ang pinto ng cubicle at doon tahimik na umiyak. Pinagalitan
ko pa ang sarili ko dahil doon. Siguro nga dahil buntis ako kaya hindi ko mapigilan
maging emotional.
Paano na ngayon 'to?
Buntis ako sa anak ko pero hindi man lang alam ng tatay niya ang tungkol dito.
Pero paano ko sasabihin sa kanya kung alam ko na makakasira ako ng relasyon pag
pinaalam ko? Hindi naman ako salbahe para sirain sila. Kakabalikan lang nila tapos
sisirain ko pa. Ayoko na maging dahilan ng away o hiwalayan ng dalawa. Pero asa
naman akong hihiwalayan niya ang girlfriend niya dahil sakin pag sinabi ko.
Pinahiran ko ang mga luha ko saka inayos ang sarili at lumabas ng cubicle.
Hinarap ko ang salamin at tiningnan ang mukha ko.
Buo na ang pasya ko. Papalakihin ko ang batang ito ng maayos kahit wala ang ama
niya. Ibibigay ko lahat ng kaya ko para sa anak ko. Hindi niya naman kailangan ang
ama niya. Madami naman kami na magmamahal sa kanya. Tsaka masaya na ang ama niya
ngayon. Ayoko na sirain ang saya niya sa pagkakabalikan nila nung babae. Hindi
naman siguro mali ang desisyon ko, 'di ba?
Ayoko lang naman makasira ng relasyon at mas ayoko na maging kahihiyan kami ng
anak ko kung sakaling malaman ng lahat.
Hinawakan ko ang tiyan ko.
Kapit ka lang, 'nak. Aalagaan ka ng mama. Mamahalin kita ng buong-buo. Hindi mo
mararamdaman na wala kang ama.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 3: Clueless

"Mag ingat ka, anak."


"Opo," sagot ko kay mama saka humalik sa pisngi niya saka umalis.
Ilang araw na din ang lumipas simula nung araw na nagpasya akong wag sabihin sa
amo ko ang pagdadalang-tao ko. Tanggap na ni mama at papa ang desisyon ko na wag ng
ipaalam sa boss ko ang tungkol sa bata. Alam din kasi nilang may ka relasyon ito.
Tutol si mama sa ideya na hindi nito papanagutan ang bata pero mas tutol siya sa
ideya maaaring batikusin ako ng mga tao pagnalaman nila ang sitwasyon ko. Baka daw
sabihan pa ako ng maninira ng relasyon lalo na at hindi biro ang boss ko. Mayayaman
daw ang babanggain namin pag nangyari yun. Yun ang huling gustong mangyari nina
mama. Mas pipiliin na lang naming maghirap basta tahimik ang buhay kaysa sa
magulong buhay.
Kaya yun, buo na ang desisyon namin na palakihin ang bata na walang
kinikilalang ama.
Sumakay na ako ng jeep papunta sa opisina. Doon pa rin ako nagta-trabaho. Hindi
pa naman kalakihan ang tiyan ko. Sabi ng doktor, isang buwan pa lang daw ang tiyan
ko. Mga dalawang buwan at kalahati pa daw lalabas ang umbok nito.
Napagplanuhan namin ni mama na manatili na lang muna ako sa trabaho hanggat
hindi pa lumalaki ang tiyan ko. Ang totoo, ayaw ko talaga iwan ang trabaho ko d'yan
kasi malaki sila magpasahod. Siguro mag-maternity leave na lang ako pag malapit na
akong manganak at pag sobrang laki na ng tiyan ko. Para maka balik ako ulit
pagkatapos kong manganak.
Sinabi din ni papa na sa oras daw na mag hinala na ang boss ko at magtanong sa
pagbubuntis ko, na sa tingin ko naman ay napaka impossible dahil hindi naman ako
nito pinapansin, ay umalis na daw ako bago pa gumulo ang sitwasyon. Pumayag naman
ako dahil kahit ako ay ayoko din naman ng gulo.
"Good morning, Diana! Ang aga-aga, ang blooming natin, ah?" Bungad sa akin ng
kaibigan kong si Suzette.
Ngumiti ako. "Lagi naman, ah?"
"Alam kong maganda ka pero iba ngayon ang aura mo, girl. Ang totoo, inlove ka
'no?"
Natatawa akong umiling.
"May manliligaw ka ba?" Sabi nito at hinabol ako hanggang sa makaupo sa desk
ko.
Tiningnan ko siya, "wala 'no."
"Sus." Sabay taas niya ng kilay sakin. "Pa-private lang ang peg."
"Alam mo, Suzette. Mag trabaho ka na nga lang. Baka mahuli kapa d'yan ni Ma'am
Elle at mapagalitan pa tayo."
Ngumuso siya. "Sige na nga." Pagsuko nito saka bumalik na sa mesa niya na nasa
kabilang gilid ko lang naman.
Lunch break na noong makaramdam ako ng gutom. Agad akong pumunta ng cafeteria
para bumili ng makakain. Nauna na ako kay Suzette dahil may tinatapos pa siya.
"Diana, ang ganda natin, ah? Blooming ka ngayon?" Sabi ng nagtitinda dito.
Kilala na ako nito. Lahat naman yata ng empleyado dito dahil lagi kaming bumibili.
"Manang naman, parang sinasabi niyo na ngayon lang ako maganda."
"Hindi iyon. Maganda ka na talaga sa una pa lang kitang nakita, mas gumanda ka
lalo ngayon. Hiyang ka na siguro dito sa trabaho mo, ano?"
Ngumiti ako. "Siguro nga po."
"O, baka naman may boyfriend ka na, hija? Naku, ang swerte ng lalaki kung sino
man iyon. Maganda ka na, mabait pa."
Medyo kinilig naman ako sa papuri ni manang sa akin. Sasagot na nga sana ako sa
kanya at magpapasalamat sa kanya pero may tumikhim sa gilid ko na agad ko naman
tiningnan. Nawala ang ngiti ko nung makita ko kung sino at bigla akong kinabahan.
"Sir Bryan!" Gulat na sabi ni manang sa boss namin saka
ngumiti ng alanganin.
"I think it's not good to do your chit-chat here when there are people waiting
in line." Seryosong sabi nito. Napatingin ako sa likod niya at may mga nakapila na
nga. Hindi ko napansin. Kanina wala pa 'yun, eh. Medyo maaga kasi ako bumaba kaysa
sa usual na lunch time.
"Pasensya na, sir. Napasarap lang ang kwentuhan namin. Hindi na po mauulit."
Paumanhin ni manang at mukhang natakot rin sa boss namin.
Kahit ako nga ay pinagpapawisan eh.
"Good. I don't want my employees wasting their time talking nonsense and could
keep them go back to work on time. If you both have something to say, do it after
work hours."
Napanganga ako sa sinabi nito. Eh, lunch break naman ah? Sabagay, kahit kasi
lunch break ay kasama sa sahod.
Minsan ko lang nga siya narinig magsalita, ganito pa. Siguro suplado talaga
siya, 'no? Sana hindi maging kagaya niya ang baby ko. Napahawak tuloy ako sa tiyan
ko. Tiningnan ko ito bago nag-angat ng mukha at nakita ko na nakatingin din siya sa
tiyan ko at nakakunot ang noo. Bigla akong nataranta at inalis ang kamay ko sa
tiyan.
"A-Ah g-gutom lang. He-he," palusot ko na lang para hindi siya mag isip ng iba.
"Then go make an order and please do it fast, miss. I also have to eat and
attend a meeting after. I don't want to be late."
Confirm. Suplado nga siya. Kawawa naman ang baby ko kung ganoon. Masungit na
daddy pala ang meron siya. Mabuti na lang at wala akong balak na ipakilala sila sa
isa't-isa.
Tumango ako sa kanya pero hindi ako makatingin ng diretso. Kinakabahan kasi ako
sa bawat bigkas niya ng mga salita. Para akong nahuli na gumagawa ng masama at
pinapagalitan ng boss niya.
"Hija, anong sa 'yo?"
Mabilis akong bumaling kay manang saka tinuro ang order ko. Hindi ako masyadong
makapag salita dahil alam ko na nasa gilid ko lang siya. Baka mahalata niya ang
kaba ko. Hanggang sa makabayad ako ay hindi ako lumingon sa kanya at dumiretso lang
papunta sa mesa kung saan ako kakain.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nilantakan ko agad ang pagkain na binili
ko. Sobrang gutom na gutom kasi talaga ako. Ang takaw rin kasi nitong baby ko.
Naubos ko agad ang isang sandwich at kinagat ko na ang isa pang binili ko. Ang
laki pa ng nginuya ko. Nahirapan tuloy ako nguyain yun. Kung sino man ang
nakakakita sa akin ay sasabihin nilang patay-gutom ako. Wala akong pakialam. Basta
busog ako.
Nasa ganung sitwasyon ako nung magtama ang mata namin ng boss ko na hindi ko
napansin na nakaupo pala siya sa hindi kalayuan na nakaharap sa gawi ko.
Seryoso siyang nakatingin sa akin habang kumakain na parang pinag-aaralan niya
ang galaw ko. Shit. Nakita ata niya kung gaano ako katakaw kumain.
Nginitian ko lag siya ng pilit saka yumuko na. Kunwari sa pagkain ko ako
nakatingin. Nagpatuloy ako sa pagkain pero this time, maliliit na kagat na lang ang
ginawa ko.
Naiilang pa rin ako dahil sa feeling ko ay nakatingin pa rin siya sa akin. Baka
iniisip niya kung anong klaseng babae ako. Baka marami na siyang naisip na hindi
maganda sa akin dahil sa mga nakita niya.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko sala tumayo na at tinapon sa basurahan ang
kinainan ko saka naglakad na pabalik sa station ko.
Akala ko yun na ang huling beses ko na makita ang boss ko ngayong araw. Dahil
noon, hindi ko naman talaga siya madalas nakikita. Siguro isang beses lang sa isang
araw o wala talaga.
Pero bakit ngayon parang pinaglalaruan ata ako ng tadhana? Kung saan na umiiwas
naman ako na mapansin niya ay saka naman niya ako napapansin. Minsan kasi may pagka
tanga rin ako eh. Kaya minsan agaw pansin ang ginagawa ko.
Tulad na lang ngayon.
Kinakausap ko ang sarili ko nung biglang bumukas ang elevator at pumasok ang
lalaking pinagdadasal ko na sana hindi ko makatagpo ng landas kahit kailan.
Pero impossible naman ang hinihingi ko dahil sa isang building lang kami nagta-
trabaho.
Umusog ako ng konti nung pumasok siya. Pumwesto ako sa pinakalikod samantalang
kaming dalawa lang naman ang nandito.
Sumara na ang elevator at tahimik lang talaga ako pero nagdadasal na sana
bumilis ang elevator sa pagbaba para makalayo na ko.
"You don't have to push yourself into the wall. There's only us here, there's
plenty of space."
Napapikit ako saka umayos ng tayo. Medyo umusog ako paharap ng konti para hindi
niya sabihin na sumisiksik ako sa pader.
"Better." Rinig kong sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot.
Ayoko magsalita o makipag-usap sa kanya. Hindi kasi maganda ang nangyayari pag
kinakausap ko siya.
Nakahinga ako ng maluwag nung tumunog ang elevator na hudyat na nasa floor na
kami kung saan ako bababa.
Mabilis akong lumabas ng elevator pagkabukas. Hindi na rin ako nakapagpaalam sa
kanya dahil hindi ko na maalala. Masyadong magulo ang isip ko pag malapit siya.
"Wait, miss."
Napatigil ako sa paghakbang sa pagtawag niya sa akin. Dahan-dahan akong humarap
sa kanya na bakas ang kaba sa mukha ko.
"Yes, s—sir?"
Imbis na sumagot ay tumitig muna siya sa akin na para bang may pilit na
inaalala. Bago pa siya mag isip ng kung ano tungkol sakin ay gumawa na ako ng
paraan. Tumikhim ako para kunin ang attention niya. Na nangyari naman.
Agad siyang umiling. "Nothing." Sagot nito saka pinindot ang button sa loob at
nagsara ang elevator.
Nakahinga ako ng maluwag. Parang aatakihin ako sa puso pag kaharap ko siya.
Iiwasan ko na talaga siya. Nakakasama sa amin ni baby ang pagdalas ng kabang
nararamdaman ko pag kaharap ko lang siya o pag nasa malapitan.
Buti na lang at may sasakyan agad sa labas kaya nakasakay agad ako dito. Naging
struggle sa akin ang pagco-commute lately dahil sa iba-ibang tao ang nakakatabi ko.
Minsan, ayoko pa ng amoy nila at ilang beses akong nagpigil na magsuka sa amoy na
ayaw ata ni baby.
Pero mabuti naman at nakarating ako ng safe sa bahay namin. Alagang-alaga ako
ni mama. May pagkain siyang inihanda sa akin pag dumadating ako. Alam ko na medyo
nagtatampo pa rin siya pero mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa akin. Alam ko
rin na sabik siya sa apo niya.
Kinumusta ako ni mama tungkol sa trabaho ko. Hindi ko na kinwento sa kanila ang
sandaling pagkausap ko sa boss ko, na ama ng anak ko, dahil alam ko na mag-aalala
lang sila.
Isa pa, wala naman espesyal o kung anong importante kaming pinag usapan eh para
ibalita ko kina mama. Puro galit lang naman at pagsaway ang sinabi niya sa akin
kanina.
Yun lang yun.
Nakatulog ako agad ilang minuto pagkatapos kumain ng dinner. Pagod na pagod
kasi talaga ako. Ang daming trabaho sa office. Sana bukas, hindi ko na siya
makikita. Yun lang sana. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 4: Obvious Signs

Ilang araw kong iniiwasan ang makasalubong ko ang boss ko. Minsan, parang aatakihin
ako sa kaba pag nakikita ko siya pero agad din akong magtatago bago pa niya ako
mapansin. Nagawa ko naman ang hindi magpakita sa kanya nitong mga nakaraang araw.
Pero ang hindi ko mapigilang maitago ay pagsimula kong maglihi.
Madalas akong nagigising sa gabi at maghanap ng kung anong pagkain. Mabuti na
lang at willing si papa na lumabas ng bahay para bilhan ako ng gusto kong kainin.
Umabot din pati dito sa opisina ang paglilihi ko. Kung noon ay madalas ako sa
cafeteria kumakain, ngayon naman ay lagi akong sa labas at naghahanap ng kung anong
makakain.
Napakahirap pala mag buntis. Pag hindi ko maibigay ang gusto kong kainin ay
umiiba ang mood ko na parang aburido ako ng sobra. Pero ang mas mahirap ay ako lang
mag isa.
Tulad ngayon, nandito ako sa labas ng building at hindi ko alam kung saan ako
kakain. Naglakad pa ako ng ilang metro at may nakita akong isang Chinese
restaurant.
Natakam ako bigla nung makita ko ang menu na nakalagay sa labas. Kaya pumasok
ako.
"Hi ma'am, table for how many?"
"Mukha bang may kasama ako?" Masungit na sagot ko. Pasensya na, kuya. Hindi
talaga ako to. Ang baby ko yan. Gutom na kasi.
"Sorry po. This way, ma'am." Sagot ng lalaki sabay dala ako sa isang table.
Inorder ko lahat ng nakikita kong nakakatakam. Siguro mga ilang minuto lang ay
nakarating na din sa wakas ang pagkain. Mabilis ko iyong sinunggaban. Para akong
patay gutom na naman. Naubos ka kasi ang tatlong putahi na inorder ko.
Nung binigay na sa akin ng waiter ang bill ko ay nanlaki ang mga mata ko.
Literal.
Pano naging 550 pesos lahat yun??
Ibang klase ka naman, anak, oh. Sa mamahaling pagkain talaga ang gusto mong
kainin. Ayan tuloy, napapagastos ako.
"Kuya, wala po bang discount 'to?" Pagbabakasakali ko. Nasasayangan kasi talaga
ako sa pera. Dagdag allowance ko pa sana ito.
"Pasensya na, ma'am. Wala pong discount dito sa restaurant. Fixed po lahat ng
prices."
"Nagbabakasakali lang naman." Mahinang sabi ko na ewan ko kung narinig niya.
Walang gana kong binaba ang bill ko at nagsimula ng dumukot ng pera sa wallet
ko. Binibilang ko ang pera ko nung may narinig akong magsalita.
"Here. I'll pay for her."
Mabilis akong napa-angat ng mukha. Kilala ko kasi ang boses na yun. At tama nga
ako. Siya nga! At inaabot niya ang card niya sa waiter na agad naman nitong kinuha.
"Okay, sir. I'll be back for your receipt and card." Sabi nito saka umalis.
Kainis naman oh. Kung sino pa ang iniiwasan ko ay siya pa itong lapit ng lapit.
Pati ba naman dito sa restaurant ay maliit ang mundo namin? Akala ko sa opisina
lang.
"Ang lakas ng loob mo kumain ng madami, wala ka pa lang pambayad."
Napanganga akong tumingin sa kanya. Nang-iinsulto ba siya? Bigla akong
nakaramdam ng galit lalo na makita ko ang pag-smirk niya.
"May pambayad ako." Masungit na sagot ko.
Tumawa siya na parang nang-iinis.
"Really? That's not how I read your facial reaction the moment you saw the
bill."
Napakunot ang noo ko sa kanya. Boss ko siya pero bakit ganito siya makipag usap
sa akin?
"Paano niyo naman po nalaman? Pinagmamasdan niyo ba ako mula pa kanina, sir?"

Bigla siyang natigilan sa tanong ko.


Sabi na eh. Pinagmamasdan niya siguro ako. Wait... Napansin niya ang pagkatakaw
ko? Napansin din kaya niya na naglilihi ako? Jusko naman oh! Sana mali lang ako.
Ayoko pa naman na mag bigay ng kahit anong idea sa kanya tungkol sa pagbubuntis ko.
Tumikhim siya saka kinompose ang sarili bago ako sinagot sa matapang na itsura.
"It's hard not to look at you, nahahalata kasi ang pagkamatakaw mo. But that
doesn't mean I was staring at you because I wanted to."
Napaiwas ako ng tingin. Napahiya ako dun ah. Assumera na talaga ako. Si baby
kasi eh. Ayan tuloy. Nakasalamuha ko na naman ang daddy niya at as usual, napahiya
na naman ako.
Pero ngayon alam ko na kung saan nagmana ang taste ni baby sa pagkain, sa daddy
niya na mahilig din sa mamahaling pagkain. Wag lang sana lumaki na magastos ito
kung hindi, lugi ako.
"Here's your card, sir. Please just sign this." Sabi ng kakarating na waiter at
agad naman pinirmahan ng boss ko ang receipt saka siya tumayo na.
"Aren't you going back to the office?"
Napatingin ako sa relo ko at napansin na kinse minutos na lang ay tapos na ang
lunch break ko. Agad akong napatayo dahil dun.
"Opo. Sige, sir. Salamat po sa pagbayad sa mga kinain ko." Pasasalamat ko na
sana ay hindi ko ginawa. Kasalanan nama kasi niya na binuntis niya ako at naglihi
ng ganito.
"Wait!" Tawag niya sa akin na kinahinto ko sa pag tangkang pag alis.
"Bakit, sir?"
Lumapit siya sa akin saka sinabing, "I'll give you a ride. Doon din naman ako
pupunta. Dumaan lang din ako dito para kumain."
Mabilis akong umiling, "Naku, hindi na po, sir. Okay lang po talaga ako."
"No, I insist." Sabi nito saka nilagpasan na akong maglakad.
Hinabol ko siya agad saka sinabing, "Sir, okay lang po ako maglalakad na lang
po ako. Naglakad din naman ako kanina."
Tumingin siya sa akin ng seryoso habang naglalakad. Sinasabayan ko na lang siya
sa malalaking hakbang niya.
"You don't have a car. Mala-late ka pag hindi ka sumakay. Now don't refuse
cause I am still your boss." Utos nito na hindi ko nagawang magreklamo pa.
Nakasunod lang ako sa likod niya. Paglabas namin ay agad may huminto na kotse
sa harapan saka lumabas ang driver. Iniwan nitong bukas ang pinto ng kotse at nag-
bow ng kaunti sa boss ko saka umalis. Hindi ko alam na may valet parking din pala
dito o baka sa kanya lang?
"Get in." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Agad naman akong nagmadaling
maglakad sa kabila ng kotse at binuksan yun saka pumasok.
Tss.Hindi gentleman ang daddy mo, baby. Saktong pagkasara ko ng pinto ay saka
naman niya pinatakbo ang kotse.
Bigla akong nakaramdam ng hilo at hindi ko maipaliwanag nung biglang kumalam
ang sikmura ko at parang umiikot ito.
Bwaa!
Agad akong nagtakip ng bibig bago pa ako masuka ng tuluyan.
"Hey are you okay?" Kunot noong baling nito sa akin. Tumango ako kahit
nakatakip pa ang kamay ko sa bibig.
Pero bigla na naman akong nasuka at narinig naman niya, "Are you sure you're
okay?"
Napailing ako. Hindi naman talaga ako okay.
"Hindi kaba sanay sumakay sa kotse?" Takang tanong nito sakin.
Binalingan ko siya, "Ilang beses na akong nakasakay sa private na kotse. Ewan
ko bakit ganito ako ngayon." Baka hindi gusto ni baby ang kotse ng daddy niya.
Patuloy lang sa pag ikot ang sikmura ko at bigla akong nataranta nung umakyat
na lahat ng laman loob ko at lumabas iyon sa bunganga ko. Nasukahan ko ang kotse
niya! Shit shit!
Napansin ko ang pagsabi niya ng 'Fck' at biglang pinull over ang kotse sa gilid
ng daan.
Kumuha siya ng towel sa likod ng kotse niya at inabot iyon sa akin. Agad ko
namang kinuha at pinunas iyon sa bibig at kamay ko. Napatingin ako sa paanan ko at
nakita ko ang sinuka ko na nasa sahig ng kotse niya. Dahan-dahan ko siyang
tiningnan.
"S-Sorry?" Paumanhin ko na may awkward na ngiti sa kanya.
Nakakahiya naman oh. Unang beses pa lang ako sumakay dito pero ito pa ang
nangyari. Kita mo galit na galit sa akin ata ang boss ko dahil wala itong masagot
at nakatingin lang sa akin ng seryoso. Baka mumurahin ako nito pero pinipigilan
niya lang?
"Lilinisin ko na lang ito mamaya. Promise, sir ibabalik ko sa dati itong
malinis na kotse niyo. Sorry po talaga. Sabi ko kasi sana hindi niyo na lang ako
pinasakay."
Umiling siya, "No need. Ako ng bahala." Sabi nito saka pinaandar ulit ang
kotse. Habang nagdri-drive siya ay marami siyang tinatawagan.
Narinig ko na may inutusan siyang kunin ang kotse niya sa building at ipalinis.
Yung sunod niyang tinawagan ay driver niya daw na sunduin siya mamaya. Ang panghuli
niyang tinawagan ay hindi na ako nakinig kasi alam ko kung sino. Pero agad na agaw
niya ang attention ko nung sinabi niya na,
"Sorry, babe. Some silly staff tainted my car. Let's move our dinner tomorrow."
Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Nanlumo dahil sa kausap niya at tinawag pa
akong silly. Pangalawa, napahiya ako sa kanya. Sabi ko na kasi na iwasan siya eh.
Lagi akong nakaramdam ng insulto at pagkamaliit sa sarili ko pag nakakausap ko
siya.
Kung alam lang niya, dahil sa anak mo kaya ako nagsuka at hindi niya gusto
itong mamahalin mong kotse!
Walang gana akong bumaba ng kotse niya makarating kami ng building.
"Sorry talaga, sir. Hindi na mauulit ang pag sakay ko sa kotse niyo. Pasensya
na at salamat." Mahinang sabi ko na nakayuko.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil na rin sa may kirot dito sa
puso ko at nanghina ako dahil sa nararamdaman kanina at siguro dahil na din sa
pagsuka ko.
Dumiretso ako sa restroom at inayos ang sarili ko saka sinigurado na wala akong
amoy suka. Pagkatapos ay bumalik ako sa desk ko.
"Oh san ka nanggaling?" Tanong sakin ni Suzette.
Umiling ako, "Kumain lang."
Halata naman niya na wala talaga akong gana makipag usap kaya tumango na lang
din siya saka bumalik na sa ginagawa niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 5: He Noticed

Tatlong linggo. Matagumpay kong naiwasan ang boss ko ng tatlong linggo. Tama
ang nabasa niyo. Kung alam niyo lang kung anong pag iiwas ang ginawa ko para hindi
magkita ang landas namin.
To the point na hindi na ako umaalis sa department ko. Nagbabaon na rin ako ng
lunch at sa pantry na lang kumakain para lang hindi ko siya makasalubong sa
cafeteria.
Bumababa na lang ako pag uwian na. Nasa desk ko lang naman lahat ng trabaho ko
eh. At hindi naman nagagawi siya dito.
Ano naman ang gagawin niya sa mga empleyado niya sa mababang posisyon?
Pero kung dati ang paglilihi ko ay sa pagkain lang, ngayon nasama na ang pagka
antukin ko. Madalas akong makatulog ng hindi ko napapansin habang gumagawa ako ng
report. Isang beses na nahuli ako ng head namin dito sa department. Hindi naman
siya nagalit pero sinabi niya lang na pigilan ko sa susunod ang matulog baka makita
kami ng boss namin. Lalo na ang CEO ng company na si Sir Bob Beckenham, ang ama ni
Sir Bryan. COO naman si Sir Bryan. Pero mas nakakatakot pag nahuli ako ng minsang
dumadalaw dito na mommy niya na si Manu Beckenham. May pagka mataray kasi si ma'am.
Napaka sopistikada pa nito. Lahat kami tahimik pag nandito siya.
Gumagawa na naman ako nga reports nung dinalaw na naman ako ng antok.
Nagising ako ng konti nung siniko ako ni Suzette.
"Uy, nakatulog ka na naman d'yan."
Pilit kong dinidilat ang mga mata ko sabay hikab. Nilingon ko si Suzette.
"Inaantok talaga ako. Hindi ko mapigilan." Sabay hikab ulit.
"Pigilan mo. Baka pagalitan ka pag nakita ng mga boss natin. Mag kape ka baka
makatulong." Suhestyun nito.
Hindi ko naman sinunod dahil bawal sa akin ang kape. Kahit mapahamak ako sa
boss ko basta hindi lang to mapahamak ang anak ko sa pag-inom ko ng kape.
Hindi ko napansin na tuluyan na naman akong nakatulog. Nagising ako nung may
maramdaman na naman akong pag siko.
"Suzette, ano ba? Inaantok pako." Ungol ko.
Pero siniko ako ulit, "Gumising ka na d'yan. Nasa harap si sir." Madiing bulong
nito sa akin na may kasamang kaba sa boses.
Napilitan akong bumangon at naputol pa ang paghikab ko ng makita ko kung sino
ang nasa harapan ko. Tila nagising ang buong diwa ko at dilat na dilat ang mga mata
ko.
"S-Sir?" Nanlaki ang mga matang sabi ko.
Seryoso itong nakatingin sa akin. Feeling ko matutunaw ako sa kaba at takot.
Nagdadasal ako na sana nananaginip lang ako.
"Can I talk to you, miss?"
Napatingin ako sa gilid ko at nakatingin sa akin ang mga katrabaho ko. Sa
kabila naman ay ganun din. Nung tumingin ako kay Suzette ay halata ang pag aalala
nito. Pero tumango siya sakin na ibig sabihin ay kausapin ko ang boss namin para
matapos na.
Bumaling ako kay Sir Bryan saka tumango.
"Privately." Dagdag nito saka tumalikod na siya kaya agad naman akong tumayo at
sinundan siya. Tumigil kami sa isang kwarto na nandito lang din sa floor namin na
bakante.
Nakatayo akong nakayuko sa harapan niya. Hindi ko kayang salubungin ang matalim
na mga titig niya sa akin.
Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Papagalitan kaya niya ako? Suspension? O
baka naman Tatanggalin na ba niya ako sa trabaho? Wag naman sana. Kulang pa ang
ipon ko para sa amin ni baby. Hindi pa sapat.
Mariin akong pumikit ng mga mata nung magsimula na siyang magsalita.
"If you're ashamed of what you did to my car, forget it. You don't have to hide
or runaway whenever you see me."

Natigilan ako at napadilat ng mga mata. Naguguluhang


napatingin ako sa kanya. Anong pinagsasabi niya? Akala ko ba pagagalitan niya ako
dahil sa pagtulog ko?
"P-Po?"
"I saw you the other day. Nakita ko kung paano ka mabilis na nagtago nung
makita mo ko. You think I wouldn't notice it?" Sabi nito pero hindi ako nakasagot.
Nakaramdam na naman ako ng hiya. Nakita niya pala yun? Masyado ba akong
obvious?
"I'm telling you now. Stop that childish act of yours. Hindi ako galit sa 'yo
for vomiting in my car. You don't have to feel guilty about it."
Kahit hindi naman yun talaga ang rason bakit ako nagtatago sa kanya ay tumango
na lang ako para matapos na. Ayokong patagalin pa ang pag uusap namin. Gusto ko ng
bumalik sa desk ko dahil nanghihina na ang tuhod ko.
"Opo, sir." Tanging sagot ko na lang.
"Look at me." Madiing utos nito na agad ko namang ginawa. Ang ganda talaga ng
mata niya sa malapitan. Sana mamana ni baby ang kulay gray niyang mga mata. Bigla
siyang tumikhim at umiwas ng tingin sa akin. Nailang ko ba siya sa pagmasid ko sa
mga mata niya?
May binulong pa siya sa sarili niya na hindi ko maintindihan. Magtatanong na
sana ako pero agad naman bumukas ang pinto at pumasok ang head namin sa department
ko.
"Sir Bryan, nalaman ko po ang nangyari. Pag pasensyahan niyo na po itong si
Diana. Ang dami ko kasing pinagawa sa kanya nitong nakaraang araw kaya siguro
inantok siya sa pagod. Wag po kayong mag alala, sir. Hindi na po mauulit ito." Sabi
ni Ma'am Gretchen.
Tiningnan ko siya at nagtataka ako sa sinabi niya. Hindi totoo na marami siyang
binigay na trabaho sa akin. Sa katunayan, ganun lagi ang trabaho ko. Bihira lang
siya mag utos. Pero pasalamat na rin ako na pinagtatakpan niya ako sa boss namin.
"I understand, Miss Gretchen. Next time, don't give your employees more work
than they used to. I want them to be productive, but not by giving them a lot to
do." Sabi nito saka bumaling sa akin. Napayuko ako agad.
Tumango si Ma'am Gretchen, "Okay, sir. I'm very sorry again."
"Ikaw na ang bahala sa kanya. I have to go." Sabi ni Sir Bryan saka lumabas ng
kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas niya. Napaka weird talaga ng pakiramdam ko
pag nasa paligid lang siya. Parang hirap ako makahinga sa kaba at takot. Yun ang
epekto niya sa akin. Siguro dahil kasi alam ko sa sarili ko na may tinatago ako sa
kanya.
"Diana naman, sabi ko sa 'yo mag ingat ka eh. Ayoko pa naman na napapahamak
kayong mga empleyado ko dito sa department."
"Sorry Ma'am Gretchen. Hindi ko kasi talaga napigilan."
Tumango-tango siya. "Basta sa susunod wag mo an ulitin ha? Mapapahamak tayo
pareho. At ayoko na matanggal ka dito. Isa kapa naman sa maaasahan ko dito sa
department."
Napangiti ako sakanya. Napakabait ni Ma'am Gretchen sa akin. Siya lang talaga
ang mas nakakaintindi sa sitwasyon ko. Parang pangalawang ina ko na siya. Siya ang
ina ko pag nandito sa opisina. Alam niya paano ako kumakayod para mapag-aral ang
mga kapatid kong nasa high school pareho.
"Salamat talaga sa pagtatanggol niyo sa akin kanina, ma'am."
"Ikaw pa. Sige na, bumalik ka na sa pwesto mo." Sabi nito na agad ko namang
sinunod.
Nung makarating ako sa pwesto ko ay agad akong nilapitan ni Suzette. Inusog pa
nito ang upuan niya malapit sa akin.
"Anong sabi ni sir?"
Umiling ako, "Wala naman. Sinabihan niya lang ako na wag ng.. ahm... ulitin."
"Ikaw kasi eh. Buti na lang hindi ka tinanggal. Pero hindi karin naman pwedeng
tanggalin dahil unang beses pa lang naman." Sabi nito at parang nag iisip. "Bakit
kasi lagi kang inaantok? Ano bang ginagawa mo sa gabi? Tapos minsan naman lagi kang
gutom. Tapos yung mga baon mo ang dami—" saglit siyang natigilan ang biglang
nanlaki ang mga matang tumingin sa akin, "Diana, magtapat ka sa akin. Wag na wag
kang magsisinungaling."
Napalunok ako sa tono ng boses niya. Agad akong tumango.
"Buntis ka ba?" Taas kilay na tanong niya sakin. May panunumbat din dito.
"Impossible naman dahil sabi mo wala kang jowa. Pero hindi eh, yan din ang signs
nung mag buntis ang ate ko. Parehong-pareho sa 'yo."
Napatingin ako sa paligid at mabuti na lang walang nakatingin sa amin.
Nag aalala akong bumaling kay Suzette at dahan-dahang tumango sa kanya. Bago pa
siya magtitili ay agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Shhh. Wag kang maingay. Secret lang natin to. Wala akong ibang
pinagsasabihan."
Tumango naman siya at inalis ang kamay ko sa bibig niya.
"Sino ang ama?" Mahinang tanong nito na kami lang ang nakakarinig.
Napakagat ako ng labi.
"Sasabihin ko sa 'yo pero wag kang maingay ha? Promise hindi mo ipagsasabi?"
Tumango siya at nag promise sign sa dibdib niya. Matagal ko ng kaibigan si
Suzette kaya alam ko na mapag kakatiwalaan ko siya.
"Si Sir Bryan." Bulong ko sa tenga niya .
Hinintay ko ang pagtili niya o gulat pero iba ang reaction niya. Nagdududa ito
at sabay sabing, "Weh?"
Umirap ako. "Oo nga sabi."
"Paano? Wala naman kayong relasyon ni sir." Takang tanong nito sa akin.
Kinwento ko sa kanya ang nangyari nung Christmas party at kung paano na bigla
akong nawala. Nanlaki ang mga mata niya sa nalaman at hindi makapaniwalang
tiningnan ako. Tinanguan ko siya para masagot ang mga tanong sa isip niya.
"Grabe girl. Ang swerte mo! Nakajugjugan mo ang hot na boss natin. Sana tinawag
mo ko at ako na lang ang nag-volunteer na dalhin siya sa kwarto niya."
"Loka-loka ka talaga!" Saway ko sabay hampas sa braso niya.
"Aray! Napaka sadista mong buntis." Simangot nito. Natawa ako sa kanya. Pero
agad napalitan ng pag-aalala ang mukha niya. "Pero paano yan? May girlfriend si
sir, 'di ba?"
Nalungkot ako bigla saka tumango, "Alam ko. Kaya nga wala akong planong ipaalam
sa kanya. Ayoko makasira ng relasyon saka mukhang wala naman siyang naalala.
Mapapahiya lang ako pag pinagpilitan ko sa kanyang alalahanin niya."
"Ang hirap naman ng sitwasyon mo. Pero paano pag lumaki na yang tiyan mo? Eh di
mas mahahalata nila."
"Wala naman akong balak itago sa mga tao dito pag lumaki na tong tiyan ko."
Ayoko isipin ng anak ko na kinakahiya ko siya. Kahit ako na lang ang mapahiya
sa pagbubuntis na walang ama basta wag lang siya.
"Eh paano si Sir? Baka magtaka yun."
Napailing ako, "Hindi magtataka yun. Saka impossible na isipin niyang sa kanya
ito eh hindi nga niya naalala na may nangyari sa amin 'di ba?"
"Sabagay.." kibit balikat niya. "Basta, Diana ha. Ninang ako d'yan. Saka kahit
anong gusto mong kainin, sabihin mo lang. Tutulungan kita sa paglilihi mo. Ayy!!
Excited akong maging ninang ng baby mo." Masayang sabi nito. "I will be the best
ninang in town!"
"Shhh!" Natatawang saway ko sa kanya. Napalakas kasi medyo ang boses niya.
"Oops sorry." Sabi nito saka natawa na lang. Hinawakan pa nito ang tiyan ko
saka hinaplos, "Baby, ang gwapo ng daddy mo. Pero sana wag mo manahin ang ugali
niya ha? Baka lumabas ka ng nakakunot ang noo." Sabi nito saka humarap sa akin.
"Ikaw naman Diana, mukha lang ni sir ang paglihian mo pero wag mong isama ang ugali
ha? Ayoko na maging masungit yang inaanak ko baka ma palo ko siya sa pwet."
Natatawang biro nito na kinatawa naming dalawa.
Bumalik na kami sa trabaho dahil nakita namin papasok si Ma'am Gretchen.
Napangiti ako habang nagtatrabaho. At least medyo nababawasan na ang tinatago ko at
ang bigat ng dibdib ko na sa wakas nasabi ko na rin sa kaibigan ko ang tungkol
dito. Meron na akong mahihingahan ng sama ng loob kung sakali.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 6: Baby Bump

"Dahan-dahan naman, bunts. Parang hindi ka nakakain ng isang linggo ha."


Ang sarap ng dina lang kare-kare ni Suzette. Kumakain kami ngayon sa pantry at
parang mauubos ko na siya. Simula din na malaman niyang buntis ako ay lagi niya
akong dinadalan ng pagkain at tinatawag na bunts (bantz) short for buntis.
Inirapan ko siya, "Ansarap kasi nito."
Natawa naman siya saka hinawakan ang ngayon ay may umbok ko ng tiyan, "Ayan
baby ha, sobrang bait ni ninang 'di ba? Lagi kong dinadalan ng food ang mama mong
patay gutom. Diba ako na ang the best ninang? Hindi kapa lumalabas niyan ha."
Kinuha ko ang kamay niya sa tiyan ko.
"Ikaw talaga kung anu-ano ang sinasabi mo sa anak ko. Pag yan nagmana sa
kadaldalan mo.." hindi ko tinuloy ang sasabihin dahil tumaas ang isang kilay nito.
"Ano? Pag nagmana sakin anong gagawin mo?" Mataray na sabi kunwari. "Baka gusto
mong hindi na kita dalhan ng pagkain."
Tumawa ako, "Ikaw naman hindi ka mabiro. Syempre okay lang mag mana sa 'yo.
Basta dala ka lagi ng foods ha?"
"Asus pasalamat ka mahal kita. Nako sa susunod na magpabuntis ka, sana sa
lalaking kayang ibigay yang mga paglilihi mo. Ako ang kawawa eh. Ako ang naging ama
niyang inaanak ko."
Bigla akong nalungkot sa sinabi nito. Hindi ko naman ginusto ang mabuntis. Pero
hindi ko naman pinagsisihan na meron akong munting anghel sa loob ko ngayon.
Disgrasyada na ang itawag nila sa akin. Wala akong pakialam.
"Uy Diana. Sorry na. Hindi ko sinasadya. Hindi naman ako nagrereklamo. Gusto ko
lang naman sumaya ka. Sorry." Tumango ako.
"Okay lang." sabi ko saka tumayo na. "Tara na. Ligpitin na natin to saka
bumalik na sa trabaho. Marami pakong tatapusin."
Naging maingat ako sa mga sumunod na araw. Pero minsan hindi ko mapigilan na
sumama ang pakiramdam ko kahit anong ingat ko. Dala na rin siguro ng pagbubuntis.
"Oh anak, papasok ka? Akala ko masama ang pakiramdam mo?"
Masama ang pakiramdam ko paggising ko kanina pero nawala naman agad yun. Ininom
ko ang gamot na binigay ng doctor ko. Kaya nagpasya na lang akong pumasok. Sayang
din naman kasi ang sweldo.
"Okay na po ako, mama."
"Sigurado ka? Nag aalala ako sa 'yo, anak. Magpahinga ka na lang muna."
Nginitian ko si mama saka hinalikan sa pisngi, "Wag kayong mag alala, mama.
Okay lang ako. Pag sumama ang pakiramdam ko, uuwi ako agad. Mag iingat po ako."
"Sige, tumawag ka pag may kailangan ka."
"Opo." Nagpaalam na din ako kay papa. Sinamahan ako nito hanggang sa labas sa
parahan ng jeep. Nag aalala kasi sila sakin.
Pagdating ko sa opisina ay agad akong sinalubong ni Suzette na may nag aalalang
mukha.
"Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Napalitan ng pag aalala ang tawa ko nung mapansin kong mukhang seryoso si
Suzette. Hindi kasi siya sumakay sa biro ko.
"Suzette, ano may problema ba?"
Tumango siya, "Nahahalata na nila. May alam na sila, Diana."
Napapailing ako, "Anong nahahalata nila?"
Nginuso nito ang tiyan ko, "Yang bata d'yan sa tiyan mo. Kumakalat ang chismis
na buntis ka. Napapansin na nila ang unti-unting paglaki ng tiyan mo."
Napairap ako. Akala ko kung ano na. Yun lang naman pala. Hindi na ako nagulat
na lumaki to kasi ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung sabihin ko kay
Suzette tungkol dito. At ngayon, tatlong buwan na itong tiyan ko sabi ng doctor
nung nagpa check up ako nung isang araw. Natural na lalaki na ito.

"Akala ko kung ano na, Suzette. Natural na mahahalata nila


kasi lumalaki na ang tiyan ko. Alam mo rin na wala naman akong planong itago ang
pagbubuntis ko."
"Alam ko. Hayy." Sabi nito saka nahinga ng malalim. "Ayoko lang na masabihan ka
nila ng masasamang salita."
"Ayoko rin naman pero hindi natin mapipigilan ang mga tao kung ano ang gusto
nilang isipin. Handa na ako sa kung ano man ang sasabihin nila."
Tumango-tango si Suzette sa akin, "Sige basta nandito lang ako kung gusto mo ng
mahingahan o kung naghahanap ka ng tulong makipag resbakan."
Natawa ako, "Loka. Wala akong balak makipag away."
Nagkatawanan kaming dalawa nung dumating si Ma'am Gretchen at hinarap ako.
"Diana, can you please report to my office?"
Tumango ako kay ma'am. Hinarap ko si Suzette para sumenyas na magpaalam at
nakangiti lang itong tumango. Alam naman niya na mabait si ma'am at hindi ako nito
papagalitan.
Pagdating namin sa loob ng office ni Ma'am Gretchen ay pinaupo ako nito sa
upuan sa harapan ng mesa niya.
"I knew it, Diana. Nung umpisa yan na ang iniisip ko sa 'yo dahil lagi kang
antok at nadadalas ang mood swings mo pero sabi ko impossible din kasi wala ka
namang boyfriend. Pero tama nga talaga ako. Buntis ka."
Medyo nag lean ako sa mesa para makalapit kay ma'am, "Pasensya na po, ma'am.
Hindi ko nasabi agad sainyo. Hindi niyo naman po siguro ako tatanggalin, 'di ba?"
Ngumiti ito saka napailing, "Ano kaba, hindi no. Saka wala namang batas na
nakalagay na bawal mabuntis ang empleyado." Kinuha niya ang isang kamay ko saka
sinakop ng palad niya, "Kahit hindi mo sabihin, alam kong hindi ka konportable pag
usapan. Pero Diana, pag may kailangan ka, sabihin mo lang ha?"
Hindi ko maiwasan ma touched sa sinabi ni ma'am kaya napaluha pa ako. Pinunasan
ko agad ito, "Pasensya na, ma'am. Hormones lang. thank you po." Parang ina ko na
rin siya kaya naiintindihan ko kung concern siya sakin.
"Walang anuman. Hindi ko ba pwedeng malaman kung sino ang ama?"
Kahit na ayaw ko mag sinungaling sa boss ko ay kailangan. Lalo na at madalas
sila mag usap ng boss namin. Ayoko na malaman niya kaya mas safe pag hindi niya
alam. Makakatago naman ng sekreto si ma'am pero mabuti na ang wala siyang alam para
hindi siya maipit kung sakaling may mangyari.
Napailing ako sabay ngiti, "Pasensya ka na, ma'am, pero gusto kong ilihim na
lang ito."
"Naiintindihan ko." Tangong sagot nito.
Nag usap kami ni ma'am tungkol sa maternal leave ko kung sakali na lumaki na
ang tiyan ko. With pay naman pala yun kaya lang hanggang 3 months lang ito.
Kailangan ko na ulit bumalik sa trabaho pagkatapos. Okay naman sa akin yun kaysa
mawalan ako ng babalikan.
Bumalik na ako sa desk ko pagkatapos. Nung uwian na ay nagmadali akong bumaba.
Gusto ko na kasing makauwi na dahil gusto ko ng magpahinga at mahiga. Pero sa
pagmamadali ko ay nakabunggo ako ng isang babae. Nahulog pa ang bag na bitbit nito
sa sahig.
"Clumsy." Rinig kong sabi nito saka nagmadali naman akong pinulot ang bag niya
saka inabot sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng mapag tanto kung sino ito. "Hindi
ka tumitingin sa dinadaanan mo. Kilala mo ba ako? Gusto mong matanggal sa trabaho?"
Mabilis akong umiling, "H-Hindi po. Pasensya na po, ma'am. Nagmamadali lang
kasi talaga ako. Hindi na po mauulit." Pagmamakaawa ko.
"Talagang hindi na mauulit dahil sa susunod na ulitin mo pa, masesesante ka
na."
Napayuko ako. Wala naman akong karapatan na sumagot sa kanya. Kahit hindi naman
makatwiran ang rason na sesesantihin ako ay hindi na lang ako nagsalita.
"You should better go now. I don't want to see your face again—!"
"What's happening here?"
Napaangat ako ng mukha at napatingin sa kakarating lang. Mas lalo akong
kinabahan kaya napayuko na lang ako ulit at pinag saklob ang dalawang kamay ko
habang nakatingin sa sapatos ko.
"Babe, good thing you're here. Your employee bumped into me. Nahulog ang purse
ko saka tumama sa paa ko."
Napakunot ang noo ko. Kailan tumama sa paa niya? Sa sahig naman ah? Saka ang
arte pala ng girlfriend ni sir Bryan. Ito ba ang sabi nilang iniyakan niya? Wala
akong makitang espesyal sa babaeng ito. Ang arte magsalita.
"Diana."
Tila tumayo ang balahibo ko sa pagbigkas niya ng pangalan ko. P-Paano niya
naalala ang pangalan ko? Nasanay akong 'miss' ang tawag niya sa akin pag nagkausap
kami.
Dahan-dahan akong umangat ng ulo saka tiningnan siya. Pero mas nakuha ng pansin
ko ang kamay ng babae na nakapulupot sa braso niya at hiniga ang ulo sa balikat ni
sir.
"Diana." Tawag nito ulit sa akin na kinabaling ng attention ko sa kanya.
Nagtama ang mga mata namin at agad akong nataranta nung makita ko ang concern sa
mukha niya.
"S-Sir?"
"You can go now." Sabi nito sa akin. Tumango ako sa kanya.
"Sige po." Bumaling ako kay ma'am, "Sorry po ulit." Sabi ko saka tumalikod na.
"Babe, paalisin mo na lang siya agad? Wait, is she pregnant?"
Natigilan ako at napatigil sa paglakad. Binundol na naman ng kaba ang aking
dibdib. Bakit kailangan niyang pansinin iyon?
"Diana, right?" Tanong niya na kinatango ko ng mahina. Sinabi nitong humarap
ako kaya napilitan akong harapin sila.
Nakita ko ang pagpako ng mata nila sa tiyan ko lalo na ni Sir Bryan. May kung
ano akong nakita sa mata niya. Panghihinayang? Hindi. Bakit naman siya
manghihinayang 'di ba.
"Buntis ka pala. Sa susunod, mag ingat ka para hindi napapahamak yang baby mo."
Sabi ni ma'am sa akin.
Tumango na lang ako, "O-Okay po."
"Ohh. Look at her, babe. She's having a baby. I know she's happy with her
husband. Tayo kaya? Kailan tayo magkaka anak?" Lambing nito kay sir sabay dikit
lalo ng katawan nito.
Tinanggal ni sir ang pagkakahawak ng isang kamay nito sa dibdib niya saka
hinawakan na lang sa baba. Tumingin ito sa akin kaya napaiwas akong ng tingin.
"Go now." Sabi nito na may malamig na tono.
Ngayon, parang galit na naman ito. Bakit paiba-iba ang mood ng lalaking to?
Parang siya ang buntis sa aming dalawa ah. Naaapektuhan din kaya ang mga daddy?
Hmm.
"Sige po. Salamat ulit." Sabi ko saka binilisan ang paglakad paalis para hindi
na nila ako ulit tawagin dahil malayo na ako.
Hindi na kasi tama ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong hihimatayin sa
kaba. Pero bakit ganun? Parang nakaramdam ako ng kirot nung tanungin ni ma'am kung
kailan sila magkaka baby? Siguro masaya ang pamilya nila pag nagka anak sila. Hindi
gaya sakin na mag isa na lamang na papalakihin ang anak ko.
May pumatak na namang mga luha sa mukha ko bago pa tuluyang makalabas ng
building.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 7: Don't Give A Hint

Hindi ko nakita si Sir Bryan ng isang linggo. Sabi nila, out of the country daw
ito. Kaya ngayong lunch break ay nandito na naman ako sa Chinese restaurant na
kinainan ko dati. Sabi ko hindi ako bababa pero kasi hinahanap ng baby ko ito. Pero
this time, sinigurado ko namang hindi mamahalin ang mga inorder ko. Lugi ako eh.
Niyaya ko si Suzette na sumama pero humindi siya kasi may baon daw siya at
kailangan niyang mag stay sa building dahil sa ilang nga gawain niya na hindi pa
tapos. Kaya mag isa akong pumunta dito. Dalawang blocks lang naman mula sa building
namin.
Ang sasarap ng mga pagkain na gusto mo, baby. Kaya lang mamahalin din. Nako
mukhang mamumulubi ata ako nito bago kapa lumabas. Natatawang kausap ko sa anak ko
sabay haplos ng umbok ko. Tapos na kasi akong kumain.
"So, you're pregnant."
Nagulat ako nung biglang may sumulpot sa harapan ko ang taong isang linggo kong
hindi nakikita. Akala ko sa ibang bansa siya? Nakabalik na pala.
Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
Naiilang ako sa pagtitig nito sa akin. Parang inaaral nito ang pagkatao ko.
Shit. Baka narinig niya ang sabi-sabi ng iba tungkol sakin.
"S-Sir Bryan, pwede na po ba akong mauna? Babalik na kasi ako sa t-trabaho."
Bakit lagi akong nauutal pag kaharap ko siya? Iba talaga ang epekto niya sakin.
Hindi na ako magtataka bakit ako nabuntis niya. Ang galing ata nito lumandi ng
babae eh. O baka maharot lang talaga ako dahil pinatulan ang kalandian niya?
"Where's your husband? Does he work? Is he working in my company too?" Imbis na
sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi nito.
Napabuntong hininga ako. Akala niya siguro may asawa ako dahil sa sinabi ng
girlfriend niya. Tinago ko na sa kanya na siya ang ama ng anak ko. Ayaw ko na
dagdagan pa ang kasalanan ko kaya sinagot ko siya ng totoo.
"Wala po akong asawa." Mahinang sagot ko.
Kumunot ang noo niya saka tumaas ng konti ang kilay, "Live in partner?"
Umiling ako bilang sagot.
"So, you're just in a first base relationship?"
Hindi ko alam bakit siya nagtatanong. Ayoko naman maging bastos kaya sumagot
ako.
"Hindi din po. Gaya ng sabi nila sa opisina, isa lang akong disgrasyadang babae
na binuntis ng lalaking hindi ko naman gaanong kilala." May pait sa boses ko the
way ko sabihin yun.
Hindi naman ako galit sa kanya pero pag pinaalala niya sa akin ang paglimot
niya sa nangyari samin ay doon ako naiinis. Para kasi kaming pumasok sa isang
panaginip na ako lang ang tanging nakadilat ang mata.
Naging seryoso ang kanyang mukha. Siguro iniisipan na ako nito ng masama gaya
ng iba.
"Hindi pinanagutan ng lalaki?" Tanong ulit niya makalipas ng isang minuto
siguro.
Umiling ako ulit, "Hindi niya alam." May kung ano sa boses ko at bigla akong
naiyak. Bago pa ako tuluyang maiyak dito ay agad na akong tumayo at nag paalam,
"Kailangan ko na pong umalis. Late na po ako." Mabilis kong dinampot ang bag ko
saka naglakad na para hindi na niya ako matawag pa.
Sa pagmamadali ko ay nakabunggo ko ang isang papasok na customer na hindi ko
napansin na naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad akong nagsorry sa kanya.
"Okay lang, hija. Ito ang bag mo." Nakangiting sabi nito nung dinampot ang
nahulog kong bag saka binigay sa akin.
"Salamat po." Sabi ko at umalis na.
Mabuti na lang mabait yung babae na nakabangga ko at hindi ako tinalakan kagaya
nung girlfriend ni sir.
Hindi talaga ako umalis sa desk ko hanggang sa mag uwian na. Ayoko kasi
makasalubong ang boss ko. Wala akong maisasagot kung sakaling magtanong na naman
siya. Laking pasasalamat ko na hindi ko siya nakasalubong nung palabas na ako ng
building hanggang sa tuluyang makauwi ng bahay.

Sinalubong ako ng mga kapatid ko. Kahit dalawa silang


lalaki ay sweet ang mga ito. Mahilig makipag asaran sakin at ang talino pa ng mga
yan. Mabuti na lang hindi pa nila naisipang mag girlfriend at laging tumutulong
dito sa bahay namin. Lagi nga nilang sinasabi sa akin na, "Idol ka kasi namin,
ate." Natatawa na lang ako pag sinabi nila yan.
"Anak, nabili ko ang mga vitamins mo. Pati yung tuition ng mga kapatid mo ay
nabayaran ko na." Sabi sakin ni mama nung makauwi ako. Nag ambag kasi ako kaninang
umaga para sa mga babayarin at nakiusap ako kay mama na siya na ang dumaan sa
pharmacy para sa gamot ko. Paubos na kasi ang mga ito.
Tumango ako pagkatapos magmano sa kanya, "Salamat, ma."
"Walang anuman. Inaalagaan mo ba naman yang sarili mo? Hindi kaba nagpapalipas
ng gutom?" Umiling ako. "Mabuti naman. Oh siya halika na at kakain na tayo." Dagdag
pa ni mama.
"Aakyat po muna ako sa kwarto. Magbibihis lang." paalam ko sa kanila.
Nung umakyat ako ay agad na akong nagbihis. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa
bag ko bago bumaba. Pero napansin ko na wala yung hikaw ko na nakalagay sa bulsa ng
bag ko. Hinalungkay ko lahat ng parte ng bag ko pero hindi ko makita. Isang pares
na lang yun, nawala pa. Bigay kasi yun sa akin ni papa nung graduation ko. Sabi
niya, pinag ipunan niyang bilhin iyon para sakin. Kaya espesyal sa akin yun. Kaya
minsan ko lang sinusuot dahil takot akong mawala ko. Pero sinuot ko siya nung
Christmas Party namin ng opisina. Pag uwi ko ng bahay ay napansin ko na isang pares
na lang ito. Parang maiyak ako nun nung hindi ko na mahanap ang isang pares. Tapos
ngayon, pati ba naman ang isa mawawala pa? Ayoko malaman ni papa. Baka magtampo
yun. Hahanapin ko. Baka naiwan ko lang kung saan sa opisina. Kahit isa lang sana
ang bumalik sa akin para may alaala ako sa binigay ni papa.
Kaya kinabukasan sa opisina ay agad kong hinanap ito. Lahat ng pwede kong
puntahan ay hinaluglog ko. Pati janitors na naka assign sa mga lugar na yun ay
tinanong ko pero wala daw silang nakita na hikaw. Nanlumo ako.
Nawalan tuloy ako ng gana habang nagta-trabaho. Ilang beses kong binilang ang
oras para makauwi na ako. Wala kasi talaga akong gana gumalaw ngayon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa desk para kumuha ng tubig ko sa pantry. Pero
nung napadaan ako sa opisina ni Ma'am Gretchen ay napansin ko na may kausap siya.
Glass window kasi sa kalahating bahagi nito kaya nakikita ang loob. Nanlaki ang mga
mata ko nung makita na si Sir Bryan ang kausap niya!
"Anong ginagawa ni Sir Bryan sa floor namin?" Nagtatakang tanong ko. Pero
binaliwala ko na lang baka kasi may importante silang pinag uusapan. Dumiretso na
lang ako sa pantry.
Pabalik ako ng desk ko ay hindi ko na nakita si Sir Bryan sa floor namin kaya
nakahinga ako ng maluwag. Tinagalan ko pa nga sa pantry para masigurado na nakaalis
na siya.
"Diana, pinapatawag ka ni Ma'am Gretchen."
Medyo nagulat pa ako sa katrabaho ko nung mag salita ito bigla pagkaupo ko pa
lang.
"Sige papunta nako. Thanks." Sabi ko saka tumayo na ulit. Pinuntahan ko si
Ma'am Gretchen at agad na pumasok sa opisina niya sa dalawang katok pa lang.
Nakangiti siya sa akin, "Diana, matutuwa ka sa ipapakita ko sa 'yo." Sabi nito.
"Ano po yun?"
May kinuha siya sa drawer at pinakita sa akin ang hawak niya, "Diba ito ang
hinahanap mo?"
Nanlaki ang mata ko sa tuwa sa nakita kong hawak ni Ma'am. Ang hikaw ko! Sabi
ko na nga ba at naiwan ko lang dito sa opisina eh.
"Nako, salamat po, ma'am. Malikang bagay sa akin kasi ang hikaw na ito."
Masayang sambit ko sa kanya. Bumalik ata ang sigla ko sa katawan dahil naibalik ang
isang pares nito.
Tumango-tango naman siya saka tumingin sa tiyan ko na parang namamangha, "Nga
pala Diana, medyo lumalaki na yang tiyan mo. Ilang buwan na pala yan?"
Napangiti akong hinaplos ang tiyan ko, "Tatlong buwan na po si baby."
Nagpasalamat ako ulit kay Ma'am Gretchen saka lumabas na ng opisina niya.
Liningon ko pa siya sa loob bago tuluyang umalis. May kausap na ito sa telepono.
Nag kibit-balikat na lang ako saka bumalik na sa station ko.
Sobrang ganda ng mood ko hanggang sa uwian na. Napansin din iyon ni Suzette.
Biniro pa nga niya ako. Na may maganda daw bang nangyari.
"Ikaw ha. Buntis ka na nga baka lumalandi kapa d'yan sa iba ha." Biro pa nito
habang palabas na kami ng elevator.
Napailing akong natatawa, "Baliw. Sino naman ang lalandiin ko? Saka walang
papatol sa buntis na gaya ko no."
"Bakit ba? Maganda ka naman, ah?"
"Ewan ko sa 'yo."
Nagtawanan na lang kaming dalawa. Sobrang saya ng araw na to para sa akin na
kahit maliit na bagay ay tinatawanan ko.
Natigil lang iyon nung tumigil si Suzette at parang natigilan kaya tumigil din
ako at tiningnan kung saan siya nakatingin.
Medyo napaatras pa ako sa nakita.
May mataas na bulto ng lalaki na nasa harapan naming nakatingin sa akin ng
mariin at may kung ano sa aura nito na nagsasabi na may hindi magandang mangyayari.
"Can we talk?" Malamig na pagkasabi nito.
Binundol ako ng kaba.
Hindi ako nakasagot kaya si Suzette na ang gumawa para sa akin, "Hi Sir Bryan,
pwede po bang bukas na lang? Buntis kasi itong kaibigan ko at kailangan na niyang
umuwi at magpahinga." May kaba din sa boses niya at parang nararamdaman niya ang
nararamdaman ko ngayon. Sino ba namang hindi eh parang kakainin kami ng buhay
nitong nilalang sa harapan namin?
Tumigil pa ang mata nito sa tiyan ko at agad binalik ang tingin sa akin na may
nanlilisik na mga mata.
"No. I want to talk to you now." Sabi nito na sa kin nakatingin. Bumaling siya
sa kay Suzette, "You can go now, miss. Ako na ang bahala sa kaibigan mo."
Agad naman na tumingin sa akin si Suzette na nag aalala ng sobra. Tumango ako
sa kanya. Kaya pumayag na rin siya at nagpaalam ng umalis saka naglakad na. Nahigit
ko pa ang hininga ko nung nagsalita na naman siya.
"Let's go." Utos niya saka tumalikod.
May kaba, takot at nanginginig ang mga tuhod kong sinundan siya.

****
PLEASE READ INTRODUCTION CHAPTER ON HOW TO PURCHASE COINS TO READ THE NEXT
COMING CHAPTERS.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 8: He's A Boss For A Reason

Kanina pa nanginginig ang kamay ko. Kaya itinago ko ito sa ilalim ng mesa para
hindi niya mahalata.
Dinala niya ako sa Chinese Restaurant na madalas ko siyang aksidenteng makita.
Pero sa isang private area kami na para sa mga VIP customers nila. Kaya pala minsan
hindi ko alam na nandito pala siya. Dito pala siya kumakain na malayo sa madaming
tao.
Hindi ko alam bakit niya ako dinala dito pero hindi naman siya nagsasalita.
Kanina pa siya titig na titig sa akin kaya naiilang ako. Nakayuko lang ako ng ulo
para hindi ko makita ang kanina pang nanlilisik niyang mga mata.
"So..." bigla akong nagulat. Isang salita pa lang yan pero parang sumabog na
ang kaluluwa ko at gising na gising ako. "You're three months pregnant." Sabi niya
na nakakuha ng atensyon ko at inangat ang ulo para tingnan siya.
Napangisi ito. Dumating ang waiter saka nilagyan ng wine ang glass niya.
Pumunta din ang waiter sa gawi ko at bago pa maibuhos sa aking baso ang wine ay
agad itong nagsalita.
"Don't." Sabi nito na kinatigil ng waiter. "She can't drink that."
"Okay, sir." Sabi ng waiter saka umalis.
Napakagat ako ng labi nung makita siyang umiinom ng wine niya pero nakatingin
sa akin. Nang aakit na naman po siya. Ang dami namang temptasyon sa mundong to.
Kaya nagkakasala ang mga tao at isa nako dun.
"Bakit hindi ako pwede?" Tanong ko na lang para mabawasan ang tension sa
pagitan namin.
Binaba niya ang wine glass niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "It
contains alcohol. Not for pregnant women like you."
Napahiya ako dun ah. Malay ko ba. Wala akong alam sa wine na yan. Akala ko alak
lang ang bawal. Umiwas ako ng tingin.
"Tell me." Sabi nito na kinabalik ng tingin ko sa kanya. "Ikaw ba ang naghatid
sa akin sa suite ko nung malasing ako sa party?"
Nanlaki ang mga mata ko. P-paano niya nalaman yun? Shit. Hindi kaya..
"Don't try to deny it. I went to the resort last night to check the CCTV. I
found out it was you."
Nanlamig ang mga kamay ko.
"At first, I didn't care who the girl I fucked. I wasn't interested. I may be
drunk but I would know if I touched somebody the moment I gained back my
consciousness." Nakayuko na rin ako at nanlulumaw ang mga mata. Masakit pala na
marinig sa kanya mismo na wala siyang pakialam. Isa lang akong babaeng naka one
night stand niya.
"But... when I saw the earring you dropped in the restaurant yesterday. It got
me thinking." Ngumisi siya. "It was the same pair of earrings I saw when I woke up
the next day after that drunken night." Wala na akong kawalan nito. 
"Were you trying to tell me?" Tanong nito pero hindi ako sumagot. "That's why
you approached me weeks after it happened. Tama ba? But I never thought it was you
I fucked." Natawa pa siya ng kaunti at napangisi ng mapait. "Then I got you
pregnant."
Pinikit ko ng madiin ang aking mga mata. Wala akong mahanap na sasabihin.
Tanging masasakit na salita niya lang ang bumabaon sa puso ko. Nagmukha akong
fckgirl sa paningin niya. Kahit sino namang lalaki siguro ay mag iisip ng ganyan sa
babaeng nagpagalaw ng kusa sa kanila kahit hindi magkakilala.
"Were you thinking that night? Bakit ikaw ang naghatid sa akin sa suite ko? I
was drunk. Hindi ka ba natatakot na may gawin ako sa 'yo? O baka naman sinadya mo
talaga yun?"
Doon na ako nagtaas ng mukha at nakita ko ang pag-ngisi niya na kina-insulto
ko.
Natawa ako ng mapait. "Hindi po ako gaya ng iniisip ninyo. Wala akong masamang
intensyon sa inyo. Sa mga oras na yun, hindi na ako makapag isip ng tama kung ano
ang pwedeng mangyari. Ginawa ko lang ang bagay na una kong naisip at dapat gawin ng
isang empleyado —ang tulungan ang boss niya."
Napailing siya saka uminom na naman ng wine. "So bakit mo kong sinubukang
kausapin? Hindi ba para panagutan ka?"
Mabilis akong umiling. "Gusto ko lang na humingi ka ng tawad sa ginawa mo. Oo
may kasalanan din ako pero hindi naman ako madadala kung hindi niyo ako hinalikan.
Tao lang rin ako na nadadala sa situation kahit na hindi ko ginusto."
"Sorry to disappoint you but I don't say sorry to the women I bed."
Napanganga ako sa sinabi niya. Ilang ulit niya ba akong kailangang saktan?
Siguro tama nga na hindi ko sinabi sa kanya dahil ito pala ang maririnig ko sa
kanya.
"But since I impregnated you, I'm man enough to hold responsible for my
actions. Gaya ng sabi mo, pareho nating hindi ginusto yun." May nilabas siyang
papel at ballpen. "I will make a contract for us. I will give you monthly
allowances pati na rin ang kailangan ng bata. I will also pay for the check-ups.
But it has to be the doctor that I know." Sabi nito. Anong akala niya peperahan ko
siya? "Also, you will give me the right to my child. Besides, I'm the father."
Nainis ako bigla sa mga sinabi niya.
"At anong kapalit ng lahat ng yan? Kukunin mo sa akin ang anak ko?"
Napakunot ang noo niy., "We will have a share custody. Hati tayo sa oras sa
bata."
Napailing ako. D'yan mag-uumpisa eh. Kunwari hati daw sa oras. Pero pag
nand'yan na, bigla na lang kukunin ang bata na hindi ko alam. Kaya wala akong
tiwala sa kanya. Tuso ang mga mayayamang katulad niya.
"Hindi niyo ako kailangang panagutan, sir. Kaya kong buhayin ang anak ko.
Salamat na lang." Sabi ko saka tumayo.
Pagkatapos niya akong insultuhin, akala niya papayag ako sa mga gusto niya? 
"Wait." Pigil nito sa akin at hinawakan pa ang braso ko. Mabilis din pala itong
nakatayo. "Will you please go back to your seat? Hindi pa tayo tapos mag usap."
Hinarap ko siya, "Tapos na po tayo mag usap. Sa dami ng pang-iinsulto niyo sa
akin, wala na akong gustong marinig pa, SIR."
"Oh, come on, Diana. I was not insulting you. I was stating the truth. I don't
know kung saan doon ang mali sa sinabi ko. So please, go back and finish this."
Umiling ako. "Ano po ba ang gusto niyo? Hindi ko naman kayo sinabihan na
panagutan ako at ang bata? Dapat nga masaya kayo 'di ba? Bakit kailangan niyong pag
pilitan ito?"
Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin. "Ako na ang nagmamagandang loob,
tapos pag iisipan mo pa ako ng masama?" Eh di wow. Siya na ang inaapi.
Tinanggal ko ang braso niya sa kamay ko.
"Kalimutan niyo na lang na you FUCKED me at mas kalimutan niyo na lang na
binuntis niyo po ako. Di ba nga wala naman talaga kayong pakialam kung sino man ang
babaeng ginalaw ninyo?" Nakangisi na sabi ko.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko dahil natigilan siya. Well, binalik ko lang
sa kanya ang sinabi niya.
Ginrab ko ang opportunity na umalis papalayo sa kanya. Medyo nilakad takbo ko
na nga hanggang sa kalsada at bilis pumara ng taxi.
Parang pinipiga ang puso ko.
"Ang salbahe ng daddy mo, anak." Pinunasan ko ang tumulong luha ko. "Anong
akala niya sa atin, kaya niyang maliitin lang?" Napailing ako. "Ipapakita natin sa
kanya na matatag tayo at hindi natin siya kailangan." Sabi ko at hinaplos ang tiyan
ko.
Tanging anak ko na lang ang makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 9: Don't Make the Boss Mad

"Resignation letter?" Gulat na sabi ni Ma'am Gretchen sa akin. Hindi siya


makapaniwala na aalis ako. "Bakit biglaan naman, Diana? Hindi pa naman kita
pinapaalis ah?"
"Pasensya na, Ma'am Gretchen. Kailangan na ho kasi talaga."
Nag-aalala siyang tumingin sa akin. "May nangyari ba, Diana?" Tumayo siya saka
nilapitan ako. "May kinalaman ba dito si Sir Bryan?"
Gulat akong napaangat ng tingin. Alam din ba niya ang tungkol sa nangyari?
"Kahapon nung biglang pumunta dito sa opisina ko si Sir Bryan na hindi naman
niya ginagawa noon, nagduda talaga ako. Tapos siya ang nagsauli ng hikaw mo.
Pinatanong pa niya kung ilang buwan ka ng buntis. Sabihin mo sa akin, pinagalitan
ka ba niya?"
Wala pa nga siyang alam.
"Hindi po." Umiiling na sagot ko.
"Eh bakit ka aalis?" Napapailing din na sabi niya. "Wala na akong maisip na
ibang rason bakit biglaan kang aalis."
"May personal na dahilan po ako, ma'am. Sana maintindihan ninyo. Kailangan na
ho talaga."
Malalim siyang bumuntong-hininga. "Hanngang kailan mo balak magtrabaho?"
"Ngayong araw na lang po sana. Urgent po kasi talaga, ma'am."
Huminga na naman ulit siya ng malalim. "Bakit ang bilis naman? Hindi ko pa nga
naihahanda ang sarili ko sa pag-alis mo."
"Wag po kayong mag alala, dadalawin po kita, ma'am. Magkikita na rin naman
tayo."
"Oh, siya sige. Ano pa nga bang magagawa ko eh hindi na ata kita mapipigilan.
Hindi naman kita pwedeng hindian kasi bawal sa rules na i-reject ang resignation ng
employee. Pero alam ko na may dahil ka talaga, hindi kita pinilitin kong hindi ka
handang sabihin."
Napangiti ako at mabilis siyang niyakap. "Salamat po. Napakalaki ng utang na
loob ko sa inyo. Hindi ko po makakalimutan lahat ng magagandang bagay na ginawa
ninyo para sa akin." Sabi ko at naramdaman ang pag hawak ni ma'am sa likod ko.
"Hindi din kita malilimutan, Diana." Sabi nito saka naghiwalay ng yakap sakin.
"Basta kung gusto mong bumalik , tawagan mo ako ha? Saka balitaan ko ako sa
panganganak mo. Isa ako sa dadalaw sa 'yo sa hospital." Naiiyak na sabi nito saka
pinunasan ang luha.
Dalawang taon pa lang akong nagtatrabaho dito pero feeling ko matagal na.
Sobrang close na kami ni ma'am at ibang empleyado. Kaya nasasayangan din ako. Pero
mas uunahin ko ang kapakanan namin ng anak ko. Mas gugulo lang pag nanatili pa ako
dito.
Parang aatakihin ako lagi sa puso pag nakikita siya. Siya ang rason bakit ako
aalis.
"Opo, ma'am. Makakaasa po kayo."
Ngumiti siya saka muling nagpaalam sa akin. Paglabas ko ng office niya ay
nagsimula na akong magligpit ng gamit ko.
"Sigurado ka na ba talaga d'yan, Diana?" Tanong ni Suzette. Hindi naman ako
naghihinayang kasi makikita ko naman siya kahit wala na ako dito. Alam ko ang bahay
niya at alam niya ang bahay ko. Madalas kami mamasyal dalawa pag walang opisina.
"Oo nga, Diana. Iiwan mo ba talaga kami?" Sabi ng isa kong katrabaho.
"Pasensya ka na sa biro namin. Niloloko ka lang naman namin. Saka wag kang
makinig sa iba, inggit lang sila na walang pumatol sa kanila." Sabi pa nung isa.
Ngumiti ako sa kanila, "Hindi yun ang dahilan bakit ako aalis. Wala akong sama
ng loob sa inyong lahat. Kailangan lang talaga. Hindi na ako pwedeng mag trabaho
dito."
"Naiintindihan namin. Basta nandito lang kami ha? Dapat imbitado kami sa
binyag."
Ngumiti akong tumango. Hinawakan ko ang tiyan ko, marami naman pa lang
nagmamahal sa 'yo, baby. Hindi mo talaga kailangan ang daddy mo. Sama ng ugali nun
eh.

Sinulit ko ang huling araw ko sa opisina. Pinayagan naman


kami ni Ma'am Gretchen na mag party sa opisina. Wala naman daw ang mga big bosses
namin ngayong araw. Nasa importanteng meeting daw, out of town.
Mabuti na lang dahil hindi ko siya gustong makita.
Umorder ako at mga kasamahan ko ng pagkain. Bumili kami ng pizza, spaghetti,
donuts at drinks. Yun daw ang treat nila sa akin bago ako umalis. Kahit papaano,
masaya ako na huling araw ko dito.
Tinulungan pa nila akong buhatin ang gamit ko pababa at sinakay sa pick up
truck ni papa. Nagpasalamat ako sa kanilang lahat bago umalis. Nagyakapan at
nagiyakan pa kami.
Sumakay na ako sa kotse katabi ni papa na siyang magmamaneho.
"Ready ka na ba lisanin ang lugar na to, anak? Magsabi ka lang dahil hindi pa
tayo nakakaalis. Tutulungan kitang ibalik ang mga gamit mo pag nagbago ang isip
mo."
Natawa ako si sinabi ni papa. "Hindi na po. Alis na tayo, pa."
"Sigurado ka?" Tumango ako. "Eh bakit ka na rin umiiyak?"
Natatawa kong pinunasan ang mga luha ko saka hinarap si papa, "Oh ayan. wala
na, pa."
"Mabuti. Sige kapit ng mabuti, anak. Aandar na ang eroplano natin papunta sa
ating kaharian." Sabi ni papa at pinaandar ang kotse saka nilisan ang lugar na
hindi ko alam kung kaya ko pang balikan.
"Nakakapit na, pa." Saka natawa na lang kaming dalawa.
Hindi tutol ang mga magulang ko sa desisyon ko. Suportado nila ako. Ayaw nilang
nahihirapan daw ako lalo na at buntis ako. May ipon pa naman kami. Siguro
maghahanap na lang ako ng pagkakakitaan hanggang sa manganak ako. Magbebenta ng RTW
o kaya mag trabaho online. Para meron na rin akong maitutulong sa gastusin lalo na
sa mga kapatid ko na baon nila sa school at sa tuition fee. Wala naman kasing
maghi-hire sa akin sa kalagayan kong 'to. Kaya dehado talaga ang mga babae.
Bryan's POV
Mainit ang ulo ko at inis kong hinilot ang sentido ko. The investors gave me a
headache. Ang hirap pakiusapan.
"Sir, last meeting na lang ho ito." Sabi ng assistant ko.
I spent the whole morning talking to the investors with my dad. Pero the whole
time, Diana kept on popping up in my head.
Natauhan ako kagabi sa sinabi niya. I admit na nainsulto ko siya. Gusto ko lang
namang subukan kung anong klaseng babae siya. And I proved that she's far from what
I was thinking. Matino siyang babae. Ako nga itong gago na ginawa iyon sa
inosenteng gaya niya.
I can't wait to end this meeting at bumalik sa opisina para kausapin siya ulit.
This time, I will be nice to her.
"Akala ko last na yung kanina?" Inis na sabi ko.
"Kasi sir, sabi ng daddy niyo. Kayo daw muna ang pumunta sa meeting niya kasi
kailangan niya daw puntahan ang mommy ninyo."
Napailing ako, gosh. Dad will always drop anything for mom. He's so inlove with
my mom as long as I can remember.
Well, I know the feeling because I fell in love too. Now, it's with Dennise, my
girlfriend for four years. She's all I want and I'm happy I have her. But as time
goes by, napapadalas ang away namin. I don't understand her sometimes. Makikipag-
break tapos babalik naman ulit. But I love her, kaya handa akong tanggapin siya ng
paulit-ulit.
Napatingin ako sa relo ko, it's 4pm. There's no way na maaabutan ko pa siya sa
opisina. Maybe I'll talk to her tomorrow.
The next day I reported to the office, pinatawag ko si Diana sa opisina ko
pagkarating na pagkarating ko. I badly want to talk to her. Kaya sinabihan ko ang
assistant ko na ipatawag siya sa department niya.
"Sir, wala daw po si Diana Garcia."
Napakunot ang noo ko, is she sick? I'll talk to her tomorrow then. If she still
don't show up tomorrow, I will be forced to visit her house.
"Is she absent?"
Nate shook his head. "Hindi, sir."
"Then what? Ano lumabas lang? O na late kaya hindi pa nakarating?"
"Ang sabi po sa akin ng head ng department nila na nag-resign na daw po ito
effective yesterday."
"What??!"
My assistant flinched with my outburst. Biglang tumaas ang init sa ulo ko that
all I want is to explode in anger.
"N-nag resign na daw po siya, sir."
I gritted my teeth. Did I scare her that much para lumayo siya? Well, if she
thinks she can escape from me, mali siya. I'll find her by hook and by crook. I'm a
Beckenham for a reason.
"Give me the address of where she lives, and call her head of department, Nate.
I want to talk to her now."
"Copy, sir." He said and left.
Napakuyom ako ng kamay. This woman is getting into my nerves. Ngayon pa niya
binalak umalis kung saan huli na, nalaman ko na. Pinapainit niya talaga ang ulo ko.
Bumukas ang pinto at agad na pumasok ang hinihintay ko.
"Sir, pinatawag niyo daw po ako?"
"Yes. Please have a seat, Miss Gretchen." I told her and she obliged.
"Sir, kung pinatawag niyo po ako dahil kay Diana. Pormal po siyang nagpaalam sa
akin. Pumayag po ako dahil wala namang rason para hindi siya payagan."
"Why I wasn't informed?"
Her brows furrowed, "Hindi ko naman po alam, sir, na kailangan pa pa lang
ipaalam sa inyo pag nag-resign ang empleyado na nasa mababang department. Ang HR
lang po ang sinabihan ko."
I cussed deep inside. She's right. Hindi naman talaga nila obligation na
sabihin sakin. If she's one of those employees with a biggest role in this company
then I have to know.
"What did she say that her reason for resigning?"
"Hindi po sinabi. Importante daw po at mukhang urgent." Tumigil siya saka
nagsalita ulit. "Pasensya na po kayo, sir kung itatanong ko ito. May kinalaman po
ba kayo sa pag-alis ni Diana? Kilala ko kasi yung batang yun dahil napamahal na
siya sa akin. Gusto nun ang trabaho nito dito kaya nagulat talaga ako na bigla
siyang nagpaalam na aalis."
Kahit ako nagulat. Mas lalo kong napatunayan na mabuti nga siyang tao. She has
no intention of me and my wealth. She's the first woman who make me feel a horrible
person for running away. Ganun ba niya ako kinamumuhian? Is she mad for what I
said?
I look at Miss Gretchen intently. I know how close they are, but I'm pretty
sure she doesn't know everything about her.
Afterall, she's good at hiding secrets. I smiled bitterly as I remembered how
she kept that she's bearing my child from me.
"I'm the father of her unborn child."
I saw how her face changed and looked shocked. Her face turned pale and her
mouth sprung open. I knew she would give me that reaction. I expected it.
I told her to keep it a secret for now, which she gladly agreed. Then I
dismissed her.
My office door opened again.
"Sir, here's Miss Diana Garcia's address." Nate handed me a piece of paper. I
smirked.
"Thanks, Nate."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 10: Stop The Drama

Bryan's POV
I've been staring at her for minutes now.
Hindi ako makalapit because there are people around her. I parked my car not so
far from their house. Is she selling barbecue? May usok kasi and she's grilling
some meat that are in the sticks. And there are people around her.
I scanned around the area. People are in the street, talking and kids are
playing.
What kind of neighborhood is this?
"Sir, hindi pa ba kayo bababa at kakausapin siya? Isang oras na lang ho ang
meeting ninyo."
I stared intently to Nate. "Tell them we're gonna be late." He nodded at me.
I waited until the crowded people around her were gone before I went out of the
car. She was laughing with a woman. Perhaps, her neighbor. Then her eyes met mine
and she stiffed.
She looked pale and shocked.
Before she could run away, I quickly ran and caught her arm to stop her.
"Diana, you can't just run away all the time. We need to talk about the baby."
She shook her head. "Wala naman tayong kailangang pag-usapan tungkol sa bata.
Nasabi ko na po sa inyo na wala kayong pananagutan sa kanya."
"That child in your belly is my blood. I can't just dump my child. I'm not like
that."
Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang braso. She crossed her arms
on her chest and that made me looked in there. But damn, she's wearing a sleeveless
tops and her cleavage was exposed.
No wonder I touched her. She might have looked stunning or sexy in my eyes that
night. I grinned and shook my head because of my wild thinking.
"Anong ngiti yan?"
My eyes went back to her face. She's frowning at me. She looked cute doing
that. But I should stop thinking about other things. I needed to focus on why I was
here in this crowded village.
"Can you let me in so we could talk?" I said not minding her question. She
might freak out if she knew the reason why I was grinning.
"Hindi pwede." She said.
"And why?"
Bakit ayaw niya ako papasukin sa bahay niya? Is she hiding something from me?
"Nand'yan sina mama at papa. Hindi ka nila pwedeng makita. Baka masakal ka ni
papa lalo na at alam niya ang nangyari."
So her family knows about me. Well, hindi rin naman ako handang harapin ang
pamilya niya. We need to fix out issue first before I talk to her parents.
I nodded. "Okay. Where do you want to talk?"
"May alam akong kainan na malapit lang dito." She said and fixed her clothes
before walking. Damn. She pulled her tops to stretch it down. Mas lalong na expose
ang cleavage niya.
Was this woman aware of what she's doing to me? She's a tease for Fs sake!
Bumaba si Nate nung makita niya kaming papunta sa kotse. Diana was walking
ahead of me. Nate opened the door for her and she went in. Sumunod ako. I sat next
to her but with two empty space in between. Nate sat in front.
Tahimik siya while we are in the car. Nagsasalita lang siya if she needs to
point out where to turn the car. She's leading the way.
Pero after awhile, I noticed she felt restless.

"Hey, what's wrong?" I asked concerned. I felt nervous


again like the last time. She was like that too the last time I had her in my car.
"Nasusuka ako." Sabi niya and covered her mouth with her hand.
"Why? What do you feel? Let's take you to the hospital." I looked at Nate who
was already looking at us. "Let's go to the hospital." I ordered and he told the
driver.
But Diana spoke. "Hindi na. Malapit na naman tayo sa kainan na sinasabi ko."
"But you're not feeling well." I stated.
Umiling siya, "Okay lang ako. Kailangan ko lang bumaba dito sa kotse ko then
maging okay na ako ulit."
"What's wrong with my car? You felt the same thing last time."
She's weird. She always feel nauseated when she's riding my car. Malinis naman
ito and I always make sure it's fresh and clean.
"Ewan ko. Ayaw talaga ni baby ang kotse mo. Lagi akong nasusuka pag nakasakay
dito eh." Sagot niya while wiping her mouth. "Hindi na talaga ako sasakay ulit
dito. Mag co-commute na lang ako mamaya pauwi." She sworn.
When the car stopped at the eating place, she quickly merged out of the car.
Nauna siya sa aming lahat and I saw her breathe in and out trying to gain back her
breath.
Nung makalabas ako ng kotse ay lumapit ako sa kanya. She's still catching her
breath.
"Are you fine now?" She nodded at me.
"Tara na para makauwi na ako."
"Mauna ka muna. May ibibilin lang ako sa assistant ko." I told her.
She glanced at Nate and then nodded at me. I watched her walk towards the mini
restaurant. When she's nowhere in my sight, I turned to Nate who was standing
beside me.
"We're not gonna be here long. Maybe half an hour. But use that time to go home
to my house and switch the car to the other one which is wider and cozy, then come
back."
Tumango siya while slightly laughing. "Mukhang anak niyo nga ang nasa tiyan
niya, sir." My brows furrowed not getting any idea of what he's talking. "Maselan
kasi ang mga buntis. Pero mas maselan ang baby. Gaya niyo po, hindi din gusto ni
baby 'yang lumang kotse ninyo."
I nodded agreeing to him. "Yeah. I think I need to get rid of that old car.
Look for a buyer. If my baby doesn't like it, then I won't need it anymore."
"Okay, sir. Babalik na lang ho kami." He said and went back to the car.
Ako naman, I followed Diana inside the restaurant. I saw her ordering some food
to the waiter. The guy was glancing at her breast without her knowing. She's really
innocent about guys. She ordered a lot based on what I heard. Well, I don't mind
paying for all of it. Nung umupo ako ay ako naman ang nagsabi ng order ko sa waiter
saka siya pinaalis.
Diana's POV
Naiinis talaga ko kay Sir Bryan. Hindi talaga siya makaintindi. Pero kailangan
kong makipagusap sa kanya para matapos na to. Alam ko naman kasing hindi niya ako
titigilan pag hindi ko siya kinausap.
"Anong pag-uusapan natin?" Masungit na sabi ko agad pagka alis ng waiter. Ang
sama kasi ng tingin niya sa waiter eh hindi naman siya inaano nung tao.
"Let me provide for the baby."
Tinitigan ko siya ng maigi. Mukhang seryoso nga siya na panagutan ito. Wala
naman sigurong masama kung pumayag na lang ako para naman matapos na to kung ito
ang kinapuputok ng butsi niya.
"Okay." Sagot ko na lang.
"Payag ka na?" Tumango ako. "Why did you agree that fast? Kanina ayaw mo."
Nagkibit balikat ako. "Alam ko naman kasi na hindi mo ko titigilan sa bagay na
yan kaya payag na ako na panagutan mo ang bata. Pero gusto kong klaruhin na sa
kanya lang. Wala ka namang panagutan sa akin."
"Sure. Don't worry, I won't mingle with any of your stuff. I'm just thinking
about the baby."
Ouch. Parang ako ata ang natamaan sa sinabi niya. Si baby lang daw ang iniisip
niya. Tss
"Paano ang pamilya mo? Alam na ba nila? Ang girlfriend mo?" Curious lang kasi
ako. Hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol dun.
Umiling siya. "I will tell my parents eventually. As for Dennise, I'll tell her
when I get a chance. Knowing her, she'll get very mad." Sabi niya at napabuntong
hininga. Mukhang magkakaproblema ata silang dalawa base sa mukha niya.
"Kung magkakagulo kayong dalawa, pwede mo naman kasing bawiin ang alok mo.
Hindi mo kailangan panagutan ang bata."
"No. I've already decided. I don't know what Dennise would feel once she finds
out but no matter what it is, I'll choose my child."
Nakahinga ako ng maluwag. Medyo nabawasan ang inis ko sa sinabi niya.
Importante ka din pala sa daddy mo, baby. Sabi ng isip ko.
"Okay. Kung yan ang gusto mo." Sabi ko saka dumating ang waiter at dinala ang
pagkain namin.
"Ma'am, do you want a—"
"She doesn't want anything. Just leave."
Nagulat ako sa sinabi ni Sir Bryan sa waiter. Ang rude nya! Natakot tuloy ang
lalaki at biglang kinabahan.
"Ang salbahi mo. Nagsasalita pa yung tao."
"Kung alam mo lang ang ginagawa niya." Sabi niya naka-smirk. Hindi ko siya
maintindihan. Anong pinagsasabi niya? Hindi ko na lang pinansin.
"So, it's final. I will provide for my child. I will give you monthly
allowances for the medications and check-ups. I already picked an OB for you. Also
madagdagan ang allowance once you gave birth to my child. Pag lumabas na ang bata,
saka natin pagplanuhan ang tungkol sa custody. I want my child to be in my house
sometimes, too."
Tumango ako. Pero iniisip ko pa lang ang magiging situation namin ay
nalulungkot na ako para sa anak ko. Paglabas niya, wala na siya agad ng isang buong
pamilya. Hindi naman kasi kami close nitong ama niya.
Inubos ko ang mga pagkain na inorder ko. Ang sarap kasi. Tapos tinanong niya pa
ako kung gusto ko mag take-out. Pumayag naman ako. Masarap kasi talaga ang pagkain
nila.
Nung lumabas kami ng restaurant ay nakahintay ang driver at assistant niya.
Nagtaka ako na ibang kotse ang dala niya. Pero hindi ko na tinanong pa. Sumakay na
lang ako dahil hindi niya ako pinayagan mag-commute.
Mabuti at hindi na ako naduwal. Hindi talaga gusto ni baby ang kotse na 'yun ng
daddy niya.
"I'll give you your allowance starting tomorrow." Sabi niya pagkababa sa kotse.
Nasa harap na kasi kami ng bahay.
"Kahit sa susunod na lang may ipon pa naman ako dito." Sagot ko.
"Just keep that. Save it for yourself. I know na wala kang trabaho. I'll give
you an allowance so stop doing that barbecue thing."
"Ha? Anong masama sa pagba-bbq?"
"You're pregnant. I don't want my baby exposed to different strangers and the
smoke from that thing doesn't help too." Sabi niya.
Napairap na lang ako. Ang arte din pala niya.
"Oh siya. Umalis ka na."
Napakunot ang noo niya pero agad din namang tumango sa akin at dahan-dahan
umatras pabalik sa kotse niya.
"Aalis na kami, miss." Sabi nung assistant niya na sa pag kakatanda ko ay Nate
ang pangalan.
"Sige po, sir." Sagot ko.
Napailing siya. "Wag niyo po akong tawaging, sir. Magiging ina na kayo ng anak
ni sir Bryan."
"Nagtatrabaho ako dati sa opisina. Sa mababang department. Kaya sir ko din
kayo. Ang anak ko lang naman ang magiging boss mo." Ngiting sabi ko sa kanya.
Mabuti naman at mabait 'tong assistant ni sir. "Ako nga pala si Diana." Sabi ko
sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Aabutin na niya sana ito pero hindi natuloy dahil
biglang nagsalita ang boss niya.
"Nate! Let's go!" Tawag sa kanya.
"Sige alis na kami." Paalam niya na kinatango ko naman dito.
Napabuntong hininga ako ng malalim ng makaalis na siya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 11: She's Pissed Off

Nagising ako bigla mula sa malalim na tulog nung mag-ring ang cellphone ko.
Bigla din akong nakaramdam ng inis dahil dun.
Kinuha ko ang cellphone ko saka sinagot iyon ng bad trip na tono. "Sino to?"
"Why do you sound so agitated?"
Napa-ikot ang eyeballs ko dahil sa boses na narinig ko. Pano nakuha nito ang
number ko? Hindi ko naalala na binigay ko sa kanya. May gugulo na sa araw ko lagi.
"Eh ang aga-aga tumatawag ka na. Hindi mo ba alam na natutulog pa ako."
"It's 10 am already. I don't know that you were still asleep."
Napa-irap ako. "Eh antok pa ako eh! Hindi mo ba alam na hindi dapat binubulabog
ang tulog ng isang buntis? Gusto mong pumangit itong anak ko?"
"Then, I'm sorry. I didn't know. Just stop nagging at me. I just call to let
you know that I'm sending someone there to give you the money. I can't take it to
you myself because my schedule is jump packed today."
"Okay lang. Hindi ko naman gustong makita ka. Naiinis ako sa paggising mo
sa'kin."
"What?" Napairap ulit ako. Narinig naman niya pero magtatanong pa. "You
shouldn't talk to me like that you woman. I'm your boss."
Ewan ko bakit biglang nawala sa isip ko na naging boss ko siya. Napalitan ng
inis lahat ng yun. Hindi ko na nga siya matawag na sir.
"Nag-resign na po ako. Hindi na kita boss."
"Okay okay. I don't want us to fight over this small thing. Let me know when
you received the money. I want to make sure if it was delivered to you."
"Oo na." Napipilitang sagot ko. Wala talaga ako sa mood na kausapin siya.
"Diana, do not—" hindi ko na pinatapos ang sinabi niya at pinatay na agad ang
tawag. Gusto ko ng bumalik sa pagtulog kesa ang kausapin siya. Nakakainit ng ulo
ang ex-boss ko na yun.
Nahiga na ulit ako sa kama at nakita kong tumatawag na naman siya sa cellphone
ko. Hinayaan ko na lang saka ini-silent ang cellphone. Ayoko talaga na kausapin
siya. Inaantok pako kay natulog ako ulit.
Maya-maya ay nagising ako at ang unang bumungad sa akin ay mga text niya. Ilang
beses siya nagtanong kung natanggap ko na ba daw ang pera. Kung bakit daw hindi ako
sumasagot sa tawag niya. Nakita ko ring ilang beses siya ulit tumawag. Pero hindi
ko na rin sinagot ang mga yun.
Tapos natawa na lang ako nung nag send siya ng message na: Why the fuck are you
not answering? I've been texting and calling you. Answer it woman!
Napailing na lang ako sa kabaliwan ng lalaking to. Hindi pa rin ako nag-reply.
Naligo at nagbihis muna ako bago bumaba. Hindi kalakihan itong bahay namin. Maliit
lang siya na may dalawang floors. Makitid ang mga sulok.
Pagkababa ko ay si mama agad ang bumungad sa akin. "O, anak, buti gising ka na.
Hapon na oh. Hindi ka ba nakatulog ng maaga kagabi?"
"Nakatulog naman, ma. Masarap lang talaga matulog lalo na ngayon sa kalagayan
ko."
"Oh, siya. Kumain ka na." Sabi nito at binuksan ang mga nakatakip sa mesa na
mga pagkain, "Siya nga pala, anak. May lalaking dumaan dito kanina at pinapabigay
to sa 'yo." Sabay abot ni mama sa akin ng isang sobre na kulay black at may naka
print na italics na BB sa sobre. Alam ko na agad kung kanino galing.
Binuksan ko ang sobre at nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat na amount sa
cheke. Muntik pa akong mabilaukan.
"Fifty thousand pesos? Kanino galing yan, anak?" Takang tanong ni mama.

Tiningnan ko siya saka sinabing, "Sa ama ng magiging apo


ninyo." Sabi ko saka tumayo at kinuha ang cellphone ko.
Gigil na gigil kong di-nial ang numero niya.
Sumagot ito agad ng isang ring pa lang. Halatang hinihintay niya ang tawag ko.
"Good thing you remember to call me. I was calling you for nth times—-!"
"Ano 'tong binigay mo?" Singit ko. Hindi ako tumawag para marinig ang
sentimyento niya.
"A cheque?"
"Alam ko. Pero bakit ganito kalaki? Ano 'to, parang binabayaran mo na pati ang
pagkatao ko, ganun ba yun? Hindi ko kailangan ng ganito kalaking pera."
"Then the baby might need it."
Napaikot ang mata ko sa sagot niya. "Hindi pa nga buo 'tong bata sa tiyan ko.
Hindi pa naglalakad 'tong anak mo para pumunta sa mall at gumastos nitong kalaking
pera."
"Why are mad? Hindi ba dapat matuwa ka na lang because I gave you more than you
need?"
"Hindi nga pwede sakin to. Ayoko na magbigay ka ng ganito kalaking pera. Hindi
maganda para sa'kin. Parang binili mo na rin ako. Kunin mo 'to kung ayaw mo na
umurong ako sa pinag usapan natin."
"Diana, if you don't want all of it, then save it! For you and the baby's
future expenses. You don't need to give some back to me."
Napairap ako. "Ewan ko sa 'yo. Ang labo mo kausap. Nakakainis ka." Saka pinatay
ang tawag.
Bumalik na naman ang inis ko sa kanya.
"Siya ba yung kausap mo, anak?"
Hindi ko naalala na nandito pala si mama. Narinig niya tuloy ang sinabi ko.
Tumango ako sa kanya.
Napalitan ng pag aalala ang mukha niya. Parang hindi niya gusto ang
nangyayari .
"Sorry, ma. Pumayag kasi akong sustentuhan niya ang anak niya. Ang kulit kasi
siya nung malaman niya ang totoo. Hindi ako titigilan pag hindi ako pumayag. Alam
kong magiging magulo na lahat simulang pumayag ako. Pero ma, pangako, hindi kayo
madadamay dito."
Umiling si mama. "Wala naman akong pakialam kung madadamay ako. Ang ayoko lang
ay nahihirapan ka. Saka mabuti nga yan at pinanagutan niya ang bata. Pero 'di ba
sabi mo may girlfriend siya? Anong nangyari sa kanila? Nagalit ba ang babae?"
"Hindi pa po niya nasasabi sa kanila."
Mas lalong nag-alala si mama. "Hindi pa? Paano pag nalaman nila? Ano? Susugurin
ka nila dito? Sabihin mo sa boss mo na 'yan na ayokong mangyari yun sa 'yo."
Nilapitan ko si mama saka hinalikan ang pisngi niya. "Wag po kayo masyadong
mag-alala, ma. Okay lang po talaga ako. Saka wag niyo na po isipin yan. Problema na
niya yun sa pamilya at girlfriend niya. Ang baby ko lang naman ang importante dito
para sakin. Basta safe lang siya, okay na ako dun."
Tumango si mama. Sinabayan na niya akong kumain. Nagkwentuhan pa kami.
Pagkatapos kumain ay lumabas ako ng bahay para tulungan ang kapatid ko sa
pagtitinda ng bbq sa labas ng bahay namin. Si papa kasi nasa trabaho. Ito muna ang
maliit na negosyo namin habang wala pa akong trabaho.
"Ako na dito, Leo. Tulungan mo na lang si mama sa loob o mag-aral ka." Sabi ko
sa kanya na sinunod naman niya agad.
Hapon na kaya masyadong marami na ang bumibili. Madami na din ang na bentahan
ko. Paubos na ang paninda ko nung medyo madilim na.
"Naks. Ang swerte ng buntis ah. Ubos agad ang paninda."
Napangiti ako nung makita si Suzette.
"Suzette!" Bati ko sa kanya saka niyakap siya. "Tapos na ba ang trabaho mo?"
"Malamang. Gabi na kaya." Natatawang sabi nito saka may inabot sa akin. "Ayan.
Pagkain. Alam kong gusto niyo yan ni baby."
"Salamat, Suzette. Halika, pasok ka sa loob. Tapos naman ako dito." Yaya ko sa
kanya. Papasok na sana kami ng gate ng bahay nung may nahagip ang mga mata ko.
Si Sir Bryan.
Tumingin din si Suzette sa banda kung saan ako nakatingin. Nagulat din siya sa
nakita.
"Alam ni sir ang bahay mo?" Takang tanong niya sa akin na kinatango ko na lang.
Mamaya ko na lang ikwe-kwento sa kanya.
"Suzette, mauna ka na sa loob ng bahay. Nandoon naman sina mama. Kakausapin ko
lang ang boss mo." Sabi ko sa kanya.
Nung pumasok na siya sa loob ay saka naman lumapit sa akin si Sir Bryan.
"Bakit nandito ka? May kailangan ka ba?"
Hindi ko mapigilan hindi mag-sungit sa kanya. Alam kong boss ko siya dati at
dapat ko siyang respetuhin. Pero parang nagbago ang paningin ko sa kanya simula na
insultuhin niya ako. Parang nabawasan ang respeto ko para sa kanya at may mga rason
ako kung bakit.
"I don't like how you talk to me." May galit sa tono ng boses nito. Natigilan
pa ako at medyo namutla. Nakakatakot talaga siya pag nagalit. Pareho ang epekto
nung minsang makita ko siya sa opisina noon na may pinapagalitan.
"S-Sorry..." Ito na lang ang nasabi ko.
Tumalim ang mga tingin niya sa akin at lumapit ng kaunti na kinaatras ko.
Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Masama pa lang galitin siya. Para niya akong
kakainin ng buhay.
"You may no longer work in my company, but you still have to respect me. I was
still your boss. Believe me, you won't like it when I'm mad." Nagtatangis ang
bagang nitong sabi.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sobra na talaga akong kinakabahan sa
kanya. Sobrang nakakahina ang mga matatalim na tingin niya at tono ng boses niya.
Pinagpawisan na rin ako at parang nilalamig sa putla.
"H-Hindi ko n-naman—"
"Why you're not answering my calls?! And why you had the nerve to cut the damn
call?!"
Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Mas lalo akong pinagpawisan.
"I hate it when I don't get what I want! You should know that. I don't want you
disobeying me, woman. I'm still the boss here."
Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
"Say something! Answer me!"
Napapiksi ako sa sigaw niya at bigla akong nataranta. Agad kong binuka ang labi
ko para magsalita pero walang lumalabas dito. Pinilit kong magsalita kahit
nanginginig ang mga labi ko sa takot dahil sa kanya.
Pero bago pa may lumabas na mga salita sa labi ko ay nakaramdam ako ng
pagkahilo. Dumoble ang paningin ko at nanghina ako bigla. Sobra ang nginig ng
katawan ko. Totoo pala ang sinabi nila na hihimatayin ka talaga sa takot dahil
literal na nahimatay na lang ako sa harapan niya. Naramdaman ko na lang ang mga
braso niya na pumulupot sa akin.
"Diana!" Ang huling salita niya na narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng
malay. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 12: Still Upset

"Mister, hindi dapat binibigyan ng sama ng loob si misis." Saka bumaling sakin
ang doctor. "Ikaw naman, misis, dapat matuto kang kontrolin ang emosyon mo. Bawal
ka din gumawa ng sobrang mabibigat na gawain. Kailangan mo mag-ingat. Mabuti na
lang hindi ka nakunan."
"Hindi po kami mag asawa, doc." Sabi ko sa doctor na agad naman siyang humingi
ng paumanhin.
"Yun lang ang mga bilin ko. Maiwan ko na kayo." Paalam ng doctor.
"How do you feel?" Tanong ni Sir Bryan sakin. Nasa tono niya ang awa sa akin at
guilt. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Sa harap lang ang mga mata ko natuon.
Nandoon na rin ang takot ko at naiinis ako sa kanya dahil muntik na may mangyari sa
baby ko.
"Okay lang." Walang ganang sagot ko.
Ayaw ko talaga siyang kausapin. Pero baka magalit na naman kaya kahit ayoko ay
napipilitan na lang akong sumagot sa mga tanong niya para iwas gulo. Ayoko din na
may mangyari sa anak ko.
"Kumain ka na muna. I bought food for you. You need to eat."
Hindi na rin ako nakatingin sa kanya habang umiiling na sagot.
Wala akong gana kumain lalo kung siya ang nakikita ko. Hindi ko talaga alam
bakit inis na inis na rin ako sa kanya.
"Kami na ang magpapakain sa kanya, Sir Bryan." Sabi ni mama.
Narinig ko siyang napa buntong hininga ng malalim saka bumaling sa mga magulang
ko.
"Aalis po muna ako. I need to go to the office." Paalam nito kina mama at papa.
Nasa ganitong sitwasyon pa talaga sila nina mama at papa nagkakilala. Ewan ko
kung ano ang nangyari nung mahimatay ako at kung paano nalaman ng parents ko. Ilang
oras din kasi bago ako magising at mag uumaga na. Kaya siguro pupunta na siya sa
opisina. Sana nga ay hindi na lang siya bumalik eh.
"Sige, sir. Salamat." Sabi ni papa. Kilala ko si papa. Alam ko pag ganyan ang
tono ng salita niya sa kausap niya. Ibig sabihin, hindi siya natutuwa. May himig
din na galit si papa.
"No problem." Sagot ni Sir Bryan saka bumaling sa akin pero umiwas ako. Ayoko
siya tingnan. Bahala siya sa iisipin niya.
Nung makaalis na siya sa kwarto ko dito sa hospital ay agad namang lumapit sa
akin sina mama at papa. Nag aalala ang mukha nila.
"Papa.."
Napailing siya. "Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kanya o dapat ko
ba siyang kaawaan." Sabay buntong hininga niya. "Kanina nung makita ka naming
nahimatay, sinisi ko siya na baka may ginawa siya sa 'yo. Pero nung makita ko ang
pag-aalala niya habang nasa emergency room ka ay naawa ako sa batang yun. Lalo na
nung sabihin ng doctor na baka may mangyari sa bata at kailangan ka obserbahan.
Kung nakita mo lang anak kung gaano siya nag-alala."
"Sa anak niya lang siya nag-aalala, papa. O kaya baka na guilty siya dahil
kasalanan niya naman bakit ako nandito. Kung hindi niya ako inaway kanina sana
hindi ako nahimatay."
"Humingi siya ng tawad sa amin, anak. Siguro medyo sapat na yun na basehan na
hindi talaga siya kasing sama ng iniisip natin." Sabi ni mama. Mukhang nakuha na
nung lalaking yun ang loob ni mama.
"Pero hindi ko gusto ang yabang ng lalaking yun, Belinda. Nakita mo ba kanina
kung paano niya pinamukha sa akin na hindi natin kayang bayaran itong hospital?"
"Nagmamagandang loob lang naman ang bata, Kernel. Oo medyo mayabang ang aura
niya dahil nga siguro sa may ipagmamayabang naman talaga siya. Mayaman kasi siya.
Pero mukhang mabait naman at magalang."

Tama nga ako. Nakuha na ng lalaking yun ang loob ni mama.


Ayoko na mapalapit siya sa pamilya ko. Mas gugulo ang mundo namin. Sapat na sana na
kaming dalawa lang ang may connection tungkol sa anak namin.
Napailing ulit si papa. "Ewan ko basta hindi ako kumbinsido. Siguro tingnan na
lang natin sa susunod kung ano ang ugali niya."
Makalipas ang ilang oras ay pumasok si Suzette sa kwarto ko at may dala itong
pagkain.
"Oh, wala kang trabaho?" Tanong ko
Umiling siya. "Tapos na. Pinauwi ako ng maaga." Sabi nito saka nilagay ang mga
dala sa mesa. "Pinadala sa akin ni Sir Bryan. Para daw sa 'yo. Alam niya kasing
pupunta ako dito."
Napakunot ang noo ko, "Hindi mo na sana tinanggap. Alam mo naman na ayoko sana
ang tumanggap ng kahit ano galing sa kanya."
"Ayoko naman magalit siya sa 'kin. Itapon mo na lang kung ayaw mo o ibigay mo
sa iba." Sabi nito.
Nagpaalam muna sina mama at papa sa amin na uuwi daw muna kasi nandito pa naman
si Suzette. Siya muna ang magbabantay sakin.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Mabuti at okay na si baby."
"Okay na ako." Sagot ko. "Hindi ko talaga mapapatawad ang lalaking yun pag may
nangyari sa anak ko."
Umupo siya sa tabi ko saka ngumiti ng konti, "Diana, alam mo ba kanina nung
kinausap ako ni Sir Bryan, sobrang nag-aalala talaga siya. Kinumusta ka nga eh."
Napairap ako. "Wag na natin siya pag usapan." Ayoko na maniwala na concern siya
kasi hindi niya dapat ako sinigawan kanina. Siya lang ang unang tao na nagalit at
sinigawan ako ng ganun. Kaya masama talaga ang loob ko.
"At bakit? Siya ang ama ng anak mo kaya malabong hindi siya pag-usapan. Alam ko
na galit ka sa kanya pero 'di ba okay naman siya? Dinala ka nga niya dito sa
hospital eh."
"Ewan ko ba pero naiinis ako sa kanya. At alam mo ba na binibigyan niya ako ng
50 thousand na allowances buwan-buwan? Hindi ko hiningi yun. Ayoko tanggapin kasi
parang sinusuhulan niya ako. Ano yun bayad para pwede niya akong sigawan kahit
kailan niya gusto??"
"Hindi naman siguro ganun. Baka para naman talaga sa inyo ni baby 'yun.
Malaking tulong din yun ha. Di ba nga pinapaaral mo pa ang mga kapatid mo? Lalo na
ngayon at wala kang trabaho. Malaking tulong yan."
Napailing ako. "Malaking tulong nga pero hindi kaya ng konsensya ko ang
tumanggap lang sa kanya. Feeling ko mas lalong ang liit-liit ng tingin ko sa sarili
ko. Isa akong kamalian na inililihim niya sa pamilya niya. Hindi nga niya kayang
sabihin sa girlfriend niya. Pano kung hindi nila tatanggapin itong anak ko? Mas
mabuti pa na lumayo na lang siya kaysa maranasan ng anak ko ang itakwil."
Hindi ko masyadong kilala ang parents niya pero nakikita ko sila minsan noon sa
opisina. Alam din ng lahat kung gaano sila ka strict at parang wala kang makikitang
mali sa kanila. Paano pag nalaman nila at magalit sila? Anong pwede nilang gawin
sakin?
"Wag mo munang isipin yan, Diana. Mas lalo kang mai-istress. Magpagaling ka
muna para makalabas ka na agad dito."
Tumango ako sa kanya.
Siguro kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa susunod na mangyayari. Alam kong
hindi magiging madali pero kakayanin ko para sa anak ko. Sabay naming haharapin
lahat.
Bryan's POV
I can't help but think how's she doing in the hospital right now.
I'm currently in my office and reading some papers but my mind won't pay
attention to what I am reading.

I feel bad for shouting at her yesterday. She's pregnant


for Fs sake but I still did it to her. Mas lalo akong na guilty remembering her
face looking so frightened and scared of me. I shouldn't have done that to her.
I'm the reason why she's in the hospital right now and she's mad at me because
of that.
I was interrupted from my thinking when my mom budged in to my office looking
so confident and sophisticated, as usual.
"Son, ano itong narinig kong may nakakita sa 'yong kaibigan ko na may kasama ka
daw na babae sa hospital? Who's she? Don't tell me it's Dennise because I talked to
her."
I won't be surprised if she knows things about my whereabouts. She's my mom.
Even though I don't live with her and dad, she finds ways to keep on track with me.
I'm not ready to tell mom yet. Hindi ko pa napag-isipan ng mabuti how to tell
this to them. Medyo magulo pa kasi ang sitwasyon lalo na at hindi kami magkasundo
ni Diana. Knowing mom, she would overreact.
"Son." May banta sa sabi ni Mommy when she didn't hear anything from me.
I sighed. I guess I don't have a choice but to tell her. She will find it out
by herself anyway.
"It's Diana, mom."
"Who's Diana?" Taas kilay na sagot niya. "Is she your fling? Don't tell me na
dalawa ang girlfriend mo, Bryan Beckenham!"
"Mom, no. She's not my girlfriend."
She sighed out of relief. Then calmly asked again. "Then who is she? Bakit mo
siya kasama sa hospital?"
"She's pregnant mom..." I paused for awhile and breathed, "...and I'm the
father."
Her eyes widen just like what I expected from her. Then she turned furious.
"What? You got someone pregnant?!" I nodded at her. "Why?! I mean, paano kayo ni
Dennise? Does she know?!"
Umiling ako. "She doesn't know yet."
Napatampal si mommy sa noo niya. "Gosh, Bryan. Ano itong pinasok mo?? You will
ruin our friendship with her family! Naisip mo ba yun bago mo siya niloko?!"
"Mom, hindi ko siya niloko! She broke up with me at that time that's why I got
so drunk and accidentally touched Diana."
"Pero kayo na ulit ngayon. What would you do if she finds out and dump you
again?"
"I guess I have to let her go." Kibit balikat na sagot ko. "If she can't accept
my child, then there's no use of keeping her."
"Ganyan ka na ba mag-isip ngayon, Bryan? She's your girlfriend for four years!
How could you say that?"
"I love her mom, you know that. But she keeps hurting me and breaking up with
me again and again. I accepted her again but I don't know if the next time she'll
break up with me ay tatanggapin ko pa siya. I got tired too, mom."
Napailing si mommy like she's not liking the things she heard. She's getting
paranoid again.
"You're unbelievable! I need to see that Diana, son. I need to talk to her."
"Not yet, mom. She's in the hospital right now and she's not feeling well
because of me. Mas lalo siyang magagalit sa 'kin."
"Are you in love with her?" Dudang tanong niya sa akin.
"What? Of course not!"
"Okay. Then when can I see her?" She said convinced of what I answered.
"When everything's okay and if she allows it. I don't want to put my baby's
condition at stake. I was so scared yesterday when she fainted."
"Why what happened? Is the baby okay now?"
I nodded, "they're okay now."
"Hindi na ako makapaghintay pa, anak. I need to meet her. I have to get to know
her. Is she nice? Do you know what kind of family she's from? Maybe she's just
using you to get some money."
"She's not like that." I unconsciously defended her. Pero totoo naman kasi. I
proved that she's not up to my wealth.
"Still, I need to meet her." Sabi niya sa akin and her eyes were eyeing me.
"She's bearing my grandchild. I want to at least know her."
"Okay, mom. Soon. I'll let you know when."
"Okay." She sighed again and shook her head in disappointment. "Your dad won't
be happy with this. You have to tell Dennise about this. She has to know. No matter
what, she will decide if she's gonna accept it or not. And you have to face
whatever the consequences."
I nodded. "I know, mom. I'm just waiting for the right time to tell her. I love
her, mom, trust me. This will test how much she loves me to accept me even though
this happened."
She nodded. But I can see the concern on her face. She might be mad but she's
still my mom.
"Just give me an update. I'll call you soon." Mom said and left my office. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 13: A Little Joy

"Okay, uumpisahan na natin." Anunsyo ng doctor saka may kung anong inilagay sa
tiyan ko bago may dinikit na kung ano.
"Ayan ang baby. Yan ang ulo at saka ang katawan." Turo nito sa monitor habang
ginagalaw ang machine na nasa tiyan ko.
Nanlaki ang mata ko sa pagkamangha. Totoo talagang may bata sa loob ng tiyan
ko.
"Is the baby healthy, doc? What's the gender of the baby?" Tanong ng katabi ko.
"The baby looks fine and in normal formation for a 16 weeks gestation."
Bumaling siya sa kay Bryan na ngayon ay namamangha ding nakatingin sa monitor. "Are
you sure you already want to know the baby's gender?"
Tumango siya sa doctor. Bumaling din ang doctor sa akin kaya tumango din ako.
"Alright. Here we go." Sabi niya saka pinakita sa amin ang private parts ni
baby at ang palatandaan na siya ay... "It's a boy."
Napangiti ako. Lalaki ang baby ko. Sobrang excited ako na makasama siya at
mahawakan. Gusto ko na siyang makarga at makakwentuhan. Sino kaya ang kamukha niya?
Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko.
Nakikita kong mas lubos siyang namamangha at natutuwa. Nakangitin siya sa
monitor at parang kinakabisado nito ang itsura ni baby.
"He's beautiful." Sabi nito at napansin kong may namumuong luha sa mga mata
niya. "I still can't believe I'm going to be a father."
Ako rin. Magiging ina na rin ako.
Siguro pag hindi ako naiinis sa kanya ay baka kinausap ko na siya.
Pagkatapos akong tingnan ng OB-gynecologists ko na nirecommend ni Sir Bryan ay
nagbilin ito ng mga vitamins. Pero meron na ako nung iba noon dahil nakapag pa
check na ako dati.
Ito ang huling araw ko sa hospital. Uuwi na rin ako pagkatapos nito. Three days
lang naman ang inilagi ko dito. Gusto lang makasiguro ng lalaking to na okay na daw
ako at ang baby. Halatang guilty talaga siya sa nangyari.
Siya na ang nag-volunteer na ihatid ako pauwi dahil nauna na kanina pa sina
mama at papa.
Napansin ko rin na bago na itong kotse na dala niya. Hindi ko na nakikita yung
kotse niya na unang sinakyan ko na ayaw ni baby. Gusto ko sanang magtanong kung
bumili ba siya ng bago pero pinasya ko na lang na tumahimik.
Pero makalipas ang Ilang minuto na katahimikan ay siya na rin ang naunang
magsalita sa amin.
"Mom wants to meet you."
Nabigla pa ako sa sinabi niya. Hindi ko pa iniisip na magkikita kami ng parents
niya. Hindi pa ako handa para sa kanila.
"Kailangan pa ba? Hindi naman tayo magkaano-ano para ipakilala ako sa parents
mo. Saka nakita ko na sila sa office lagi."
Ang totoo niyan, kinakabahan talaga ako. Sobrang strict ni Ma'am Manu. Marami
ang nagsasabi na may pagkamataray daw ito na kabaliktaran sa daddy niya na si Sir
Bob na mabait daw pero minsan ay napakaseryoso din gaya ni Sir Bryan pag nasa
opisina sila.
Ano kayang sasabihin nila pag nalaman na isa lang akong ordinaryong babae at
nasa mababang posisyon noon sa opisina na aksidenteng na buntis lang ng anak nila?
"Mom doesn't know you exactly. She might've seen you but she doesn't know you.
Gusto ka lang naman niya makausap. She can be annoying sometimes but she won't hurt
you. I promise. If you want, I can go with you."
Umiling ako. "Wag na. Kaya ko naman harapin mag-isa ang mommy mo."
Parang gulat siyang napatingin sa akin. "So you're meeting her?"

Tumango ako.
Magkikita at magkikita na rin naman kami kaya bakit ko pa patatagalin? Mabuti
ng ngayon na lahat dumating kung ano man ang magiging problema namin kaysa sa huli
pa kung saan napanganak ko na ang baby. Ayaw ko ng magulang mundo para sa kanya.
Nakita ko siyang ngumiti, "Alright. I'll tell her that you agreed. How about
meeting her tomorrow night? Would that be okay with you?"
Huminga ako ng malalim. Kaya ko naman sigurong ihanda ang sarili ko kahit bukas
agad.
"Sige." Sagot ko na lang para matapos na 'tong usapan. Ayoko naman na
maramdaman niya na kinakabahan ako.
Hindi na siya pumasok nung makarating na kami ng bahay. Naging malumanay siya
sa bawat pagbitaw niya ng salita sa akin na parang pinipigilan niya ang sarili niya
na masigawan ako ulit. Hanggang sa umalis na siya ay hindi kami nag away.
Nakakapanibago kasi lagi kaming nagtatalakan kapag nagkita.
Bumuntong hininga ako saka pumasok na lang ng bahay namin at nagpahinga.
Nakasakay ako sa likod ng kotse nitong sasakyan na pinadala ni Sir Bryan sa
bahay na minamaneho ngayon ng driver niya papunta sa lugar kung saan kami magkikita
ng mommy niya.
Sa totoo lang, kaninang umaga pa ako kinakabahan. Hindi ko pa kasi talaga
nakakausap kahit kailan si Ma'am Manu kahit sa opisina noon. Sino ba naman kasi ako
para kausapin niya 'di ba.
Natigilan ang pag iisip ko nung tumunog ang cellphone ko.
Binasa ko ang message na galing kay Sir Bryan.
Let me know if you want me to come over in case you're not comfortable talking
to my mom alone.
Napailing ako. Mas hindi nga ako comfortable pag nandoon ka. Hindi na rin kasi
kami masyado nag-uusap simula nung nangyari. Medyo okay naman sa akin na marunong
siyang makiramdam at hinahayaan niya lang ako sa mga hindi ko pagkausap sa kanya.
Binibigyan niya ako ng space. Matalino naman pala siya dahil marunong umintindi ng
sitwasyon.
Nireplyan ko siya: Wag na. Kaya ko na 'to.
Agad naman siyang nag-reply.
Okay. I'll have the driver wait outside and drive you home.
Hindi na ako nag-reply sa kanya. Nakarating na rin kami sa lugar kung saan kami
magkikita ni Ma'am Manu.
Isa itong high-class hotel at pagpasok ko ay inasahan ata nila ang pagdating ko
dahil may nakakilala sa akin nung sinabi ko ang pangalan ko at giniya ako sa taas.
Sa isang malawak na food court dito sa hotel. Pero sa isang kwarto niya ako dinala
na private area nitong kainan.
Bumilis ang tibok ng puso ko nung binuksan nito ang glass door at nandoon at
nakaupo ang isang napaka sopistikadang babae.
"Salamat." Sabi ko sa naghatid sa akin saka naman siya ngumiti at umalis na.
Napalunok ako nung tingnan ako mula ulo hanggang paa ni Ma'am Manu. Para akong
kinikilatis nito.
Pero kahit kinakabahan at natatakot ako ay hindi ko dapat ipahalata. Isa sa
bilin sa akin ni mama ay huwag kailanman magpapakita ng kahinaan. Hindi ko dapat
bigyan ng rason ang mga mayayamang kagaya nila na maliitin ako at apak-apakan lang.
Kaya kahit kinakabahan ako ay pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Good evening po, Ma'am Manu." Bati ko sa kanya na kinatingin niya sa akin.
Tumaas ang isang kilay niya sa akin tapos napatingin ito sa tiyan ko. Halata na
talaga ang umbok ng tiyan ko. Medyo may kalakihan na ito. Apat na buwan na kasi si
baby.

"Take a seat." Sabi niya sa akin saka naman ako naupo sa


kaharap na upuan.
May pumasok na server saka nilagyan ako ng drinks nito. Pineapple juice saka
tubig. Lumabas din ito agad. Talagang pina reserve talaga niya itong kwarto para sa
aming dalawa.
"So..." umpisa niya. "My son said you used to work in our company."
"Opo, ma'am."
"Hindi kita nakikita noon." Sabi niya na pinapanatili pa rin ang istrikto at
nakaka-intimidate na boses.
"Nasa shipping and encoding department po kasi ako naka-assign, ma'am, kaya
hindi niyo po ako nakikita."
"I see." Tumango-tanong sabi niya saka uminom sa baso niya na may lamang alak
ata yun. Nilagay niya ang baso saka tumingin ulit sa akin. "You're pretty. Hindi na
ako nagtaka bakit nabuntis na ng anak ko kahit na may girlfriend siya. Alam mo ba
na may karelasyon siya?"
Alam ko na ang magiging takbo nitong usapan kaya hinanda ko na ang sarili sa
mga susunod na sasabihin niya.
Tumango ako bilang sagot.
"Anong gagawin mo kung ikaw ang magiging rason ng paghiwalay nila sa apat na
taon na nilang magkarelasyon?"
Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam paano sasagutin ang tanong niya na hindi
siya magagalit. Wala naman kasi akong gagawin sakaling magkahiwalay sila. Labas na
ako doon.
"Hindi naman po sila maghihiwalay kung pinili na lang ni Sir Bryan na 'wag
panagutan itong anak ko para wala ng gulo."
Nakita ko ang pag ngisi niya na parang naiinis siya sa sagot ko.
"Hindi pwedeng hindi niya panagutan ang bata. That's his blood. Hindi rin
pwedeng itago niya kay Dennise because I don't want my first grandchild to be a
secret."
"Wala naman pong ililihim pag kinalimutan na lang niyang nabuntis niya ako."
"Bakit ayaw mong panagutan ka ng anak ko? Your life would be better if he could
provide for you and the baby."
"Hindi ko po kailangan ang pera niya at alam ko na malaking gulo lang pag
nalaman ng lahat. Alam ko naman na galing siya sa kilalang pamilya. Aanhin ko naman
ang pera niya kung magiging magulo lang ang buhay namin ng anak ko."
Doon siya parang natigilan. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig.
Pero agad ulit siyang nag seryoso.
"May balak ka bang paibigin ang anak ko kung sakaling maghiwalay sila?"
Napabuntong hininga ako. Alam ko kung anong sagot ang gusto niyang marinig mula
sa akin. Kaya nagsalita ulit ako.
"Kung sakali man ho na maghiwalay sila, wala na po ako dun. Hindi naman ako
matutuwa na may relasyon akong nasira. At hindi ko rin gagamitin ang pagkakataon na
yun para kunin ang loob ng anak ninyo. Wala naman kasi talagang namamagitan sa amin
at wala kaming gusto sa isa't isa. Nabuntis niya lang ako dahil sa nalasing siya.
Ang pagkakamali ko lang ay hinayaan ko siya. Ang bata lang ang tanging connection
naming dalawa."
Nananatili siyang seryoso habang nakatingin sa akin. Hindi ko masabi kong ano
ang reaksyon niya sa sinabi ko.
"Well, at least ngayon alam ko ng hindi mo hahabulin ang yaman ng anak ko."
Sabi niya saka ngumiti sa akin. Isang totoong ngiti. "The reason that I want to
meet you is that I want to know you. I want to know what kind of woman are you. A
mom's instinct is to protect her son from possible harm. But seeing you right now,
putting up a confident personality in front of me and seeing how sincere your words
are, I don't see you as a threat to my son's life."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya. Anong
pinapahiwatig niya? Hindi ko kasi masundan. Pero napatunayan ko nga na mag ina
talaga sila, pareho kasi silang napakaprangka magsalita.
"S-Salamat po." Sabi ko na lang.
"But I hope you are true to your words. Dahil ako ang unang makakalaban mo once
you do something to my son." Sabi niya na sumeryoso ulit at may pagbabanta.
Napailing ako. "Wala po akong ginagawa sa kanya at wala akong plano na kahit
ako sa kanya. Siya lang naman ang nagpupumilit na lumapit kahit sinabi ko ng hindi
niya ako dapat panagutan. Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari ito."
Ngumiti ulit siya sa akin.
"I trust you, Diana. And please, do eat your food. I don't want my grandchild
starving."
Tumango ako sa kanya at parang naglaway ako nung makita ang pagkain sa mesa.
Hindi ko ito napansin kanina dahil mas kinakabahan ako. Pero nawala na lahat ng
kaba ko kaya magana akong kumain.
Napaangat ako ng mukha nung marinig ko ang mahinang tawa niya.
"You reminded me of myself when I had Bryan in my womb. I loved eating a lot.
In fact, I craved and ate anything."
Napangiti na rin ako sa narinig ko saka inubos ang huling subo na natira saka
pinunasan ang labi ko gamit ang table napkin.
"So Diana.." pagtawag nito sa pansin ko. "I don't know what will happen once
Bryan told Dennise the truth. But I'm positive she wouldn't like it. But whatever
happens, I ask you not to worry about it. You have to remain strong and healthy for
my grandchild. Kami na ang bahala sa mangyayari. Just focus on your pregnancy."
"Hindi ko naman po maiiwasan na hindi mag-isip. Pero para po sa ikakapanatag
ninyo, susubukan kong wag makialam."
Tumango siya. "Good."
Ngumiti lang din ako sa kanya bilang sagot.
"But I want to ask you a favor that I hope you won't reject."
"A-ano po yun?"
Ngumiti siya ng malawak. "Let me be a grandmother to my grandchild. Let me buy
him things he needs. Let me pamper my first grandchild. I want to feel for the
first time being a grandmother."
Napabuntong hininga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na. Yun lang naman pala.
"Sige po. Karapatan niyo naman po yun. Hindi ko naman ipagkakait sa 'yo ang apo
niyo." Sagot ko sa kanya na mas kina-ngiti niya.
"Thank you, Diana. Expect my first gift to him by tomorrow."
Napatango ako kahit curious ako malaman kung ano yun at bakit bukas agad? Hindi
ko na lang sinabi ang nasa isip ko.
Akala ko hindi magiging maganda ang usapan na to pero okay naman pala ang
kinalabasan. Oo at may pagka-mataray nga at nakakailang si Ma'am Manu pero
lumalabas na rin ang pusong lola niya pag ang apo na ang pinag uusapan.
At least ngayon alam ko ng tanggap na si baby ng lola niya. Tiyak matutuwa
siya. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 14: Moment of Truth

Bryan's POV
A gorgeous woman appeared in front of me. She's smiling as her face glowed.
I wonder if I could still see that face after I told her the truth and why are
we meeting tonight. She thought this would be a date.
"Hi babe, you're here early. Sinadya kong mauna but ikaw pa rin pala ang nauna
satin." She said as she kissed my lips.
I stood up and grabbed a chair for her and she sat on it.
"So, what's the occasion? Akala ko pa naman hindi ka na magyayaya mag-date.
Ilang araw na rin kitang hindi nakakasama dahil busy ka." She said while showing me
her brightest smile that I fell inlove with.
I don't know what to say. I am used to being hurt because of her for breaking
up with me a lot of times already, but I am not used to hurting her. I've been
loyal to her until that thing happened.
But why I couldn't sense any regrets? It was not right but I couldn't say that
it was wrong.
I don't know what have gotten into me why in an instant, I became a different
person. I learned to cheat and lie to her. I've been keeping her the secret. I love
her so much na hindi ko kailanman nagawang lokohin siya, but now, ito na ang
nangyari.
Ano bang nangyayari sa akin? Hindi na ako to since the day I touched Diana. The
loyal and sweet boyfriend of Dennise is gone.
"Babe, why you're so quiet?"
I went back to reality when she spoke. Hinawakan niya pa ang kamay ko sa mesa
kaya napatingin ako sa kanya ang saw her seductive smile. "I missed you so much. I
missed you and those nights you spend nights in my condo -- cuddling and making
love."
The reason why I like Dennise is that she's so vocal and straightforward like
me. She never hides her feelings towards me that's why it wasn't hard for me to
have her as my girl. She admitted her feelings for be before I could even tell her
that I love her.
I smiled recalling those days when we were so much in love with each other.
"You're thinking of something naughty, aren't you?" Natatawang tanong niya
sakin and her seductive smile widened. "Thinking of spending a night again with
me?"
Oh I love making love with her but.. now, I don't know anymore. The idea
doesn't excite me anymore. What the hell is wrong with me? Maybe I was just worried
about how to tell her the news that could break her heart.
I slowly moved my hand away from hers. She frowned at what I did.
"What's wrong, Bryan? You're different today. Hindi ka naman ganyan pag
nagkikita tayo."
I sighed. Maybe there's no use of prolonging this burden inside me. She needs
to know now. I don't want beating around the bush.
"Dennis, babe, I have to tell you something." I said in a serious tone.
Napaupo siya ng tuwid like she can sense that we're having a serious
conversation here.
"O...kay. What is it?"
I didn't leave her eyes when I spoke. I wanted to see how she would react.
"I got someone pregnant."
Napakunot ang noo niya. "What?"
"I said I got someone pregnant."
She didn't look shocked. Instead, her eyes became furry and she gritted her
teeth. "You're joking, aren't you? If you are, stop it because it's not even
funny!"

Mabuti na lang I reserved a room for both of us only. I


know she would raise her voice. Ayoko makaagaw kami ng attention sa iba.
"I'm not joking, Dennise. I'm serious here."
Mas lalong nagtangis ang panga niya at galit siyang tumingin sa akin.
"Were you cheating on me all along?"
"No, babe. I was drunk at that time. That's when you broke up with me before
Christmas. She was the first woman I touched since I dated you, I swear."
"You asshole! How could you do this to me? You're fucking me but you never got
me pregnant because you said you're not ready! How could you fuck someone for the
first time and got her pregnant?!"
I asked myself the same thing, actually. Maybe I was so fucked up that time
that I didn't bother to wear a condom and gladly welcomed her in my arms.
"I'm so sorry, babe. I know hindi ko na mabiabalik pa ang panahon that's why I
am here and asking for your apology."
Matalim ang titig niya sa akin. She could have just slapped me but I think
she's controlling herself for her outburst.
"I hate you, Bryan! I never thought that you would cheat on me!"
"Me either. Hindi ko alam na kaya ko pa lang gawin to. I mean, you broke up
with me a lot of times and hurt me. But I never thought of cheating on you."
"Then why did you do this??"
"I told you, I was drunk." I said and continued to remain calm. Ayokong
pantayan ang galit niya. Parang anytime ay sasabog na siya sa galit because her
face is red in anger.
"Fuck you! That wasn't a valid excuse! You always got yourself drunk everytime
I broke up with you. Then now you fucked up?! You're hurting me, Bryan! Hindi ko
kailanman naisip na sasaktan mo ako ng ganito."
I inhaled deeply.
"Yeah because in this relationship, I'm always the one who is hurt."
Her mouth parted in dismay. "At ngayon sinusumbat mo sakin lahat ng ginawa ko
dati? Did you do this to get even?"
Napailing ako. "No, I never thought of getting even. It just happened."
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya saka nanggigiligid na ang mga luha sa mata
niya. Before, I don't like to see her cry. Now, I don't know why I feel a bit glad
that she finally cry because of me. She finally knows how it felt to be hurt by the
one she loves. She used to hurt me for no reason. She's always making everything an
issue para mag away kami and then may rason siya para makipag hiwalay sa akin.
Hindi ko alam bakit lagi siyang nakikipaghiwalay.
I didn't bother to find out dahil mas nag-focus ako sa kung paano siya susuyuin
pabalik sakin. Pero nung pinakahuling beses na nakipaghiwalay siya sa akin bago
mag-pasko, nagduda na ako kaya inalam ko.
I followed her wherever she went. Then I was surprised to see her hugging and
kissing another man outside a house. Nagpalinga-linga pa siya nun sa paligid bago
siya pumasok sa bahay kasama ang lalaki na kahalikan niya. From then, I knew that
she's cheating on me and she was hiding it from me for a long time.
Nalaman ko because I had the guy investigated. The guy's friends told my
investigator that he was dating Dennise for more than a year. Pero minsan lang daw
sila nagkikita because the guy was always out of the country at hindi ko na inalam
ang rason bakit siya lumalabas ng bansa at bumabalik na lang twice or thrice a year
dito sa Pilipinas. Then I realized that those days na bumabalik ang lalaki ay yung
mga panahon na hinihiwalayan ako ni Dennis.
I was used to get hurt by her and after I knew that she was cheating on me. It
was the most hurtful moment na hindi ko na kinaya kaya nilunod ko ang sarili ko sa
alak nung gabing yun. Na hindi ko pinagsisihan cause the next day I woke up, parang
may magic at biglang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Parang may kung anong
mahika ang ginawa ni Diana sa akin nung may nangyari sa 'min. Like she erased the
broken pieces in me.
"Siguro ginagawa mo to para hiwalayan ulit kita, ganun ba?! Pwes, nagkakamali
ka. I will make sure that woman, whoever she is, will pay for this and make her
life miserable!"
Doon na ako nagalit. "Don't you dare do that to her. You don't like me mad, do
you?"
"Huh! Now you're defending her? What an asshole you are! I hate you!" Sabi niya
saka tumayo at mabilis niya akong sinampal sa mukha ng malakas. "I won't forgive
you and that woman for hurting me!"
I looked at her with creased forehead. "I told you na wag mo siyang idamay
dito. It was my fault at wala siyang kinalaman sa nangyari."
"She let you fucked her, paanong wala siyang kasalanan? She's a bitch!"
"Dennise." Sabi ko na may pagbabanta.
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin saka umiling, "I will make sure dad
will find out about this. Hindi mo magugustuhan pag nagalit si daddy."
"I'm ready." Sagot ko na mas lalong kinagalit niya. She slapped me hard again
and walked away na may mabibigat na paa.
Napahawak ako sa pisngi ko na namamanhid na sa malalakas niyang mga sampal.
I'm not afraid of her dad. I respect him but I know how to defend myself when
worst comes to worst. Wala rin akong ikakabahala kung sakaling mag pull out sila ng
shares sa company. Mabilis lang makahanap ng kapalit nila na willing mag-invest sa
company namin. Maraming gustong mapabilang sa company na tinayo ni dad. But
natatakot ako for Diana. She's fragile. The doctor said she has to avoid any
stressful situations. Makakasama sa anak ko kung sakali. And I will never let that
happen. I will do anything to protect my boy.
Pero kung sakali na idamay nila dito si Diana, wala akong magagawa kundi ang
ilabas ang baho na tinatago niya lalo na sa ama niya. Magagalit ito sa kanya. She's
known as a obedient daughter. Alam ko na mapapahiya siya. Hindi ko gustong ipahiya
siya but they would leave me no choice kung sakaling gawin nilang saktan at idamay
dito si Diana. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 15: Mood Swing

Nawindang ako dahil paggising ko at pagbaba ko ng sala namin ay may lalaking


naghahakot ng mga box papasok sa bahay namin.
Napakunot ang noo ko. "Ano ang mga yan?" Bumaling ako kay mama, "Kanino galing
ang mga yan, ma? Bumili ba kayo?"
Umiling siya, "Hindi, anak. Galing daw yan sa ina ni Sir Bryan, Manu daw ang
pangalan. Regalo daw to sa apo niya."
"Ano? Regalo? Ganito karami at kalalaki?" Parang histerikal na tanong ko.
Kasi naman hindi ko talaga inasahan na ganito kadami ang ibibigay niyang
regalo. Kahit na sinabi niya sa akin na aasahan ko ang pagdating ng regalo niya
para sa apo niya ay nagulat pa rin ako sa dami nito .
Ganito ba mag bigayan ng regalo ang mayayaman?
Saka hindi pa lumalabas itong anak ko. Paano niya gagamitin lahat ng laman
niyan?
Napailing si mama at natatawa, "Mukhang excited lang din siya na magka-apo,
anak. Siguro ako pag madami din ang pera ko baka nabili ko na ng buong bahay yang
kauna-unahang apo ko."
"Pero hindi dapat ganyan ka dami, ma. Nagsasayang lang sila ng pera."
"Hayaan mo na. Pera naman nila yan. Mabuti kung sinabi natin na bilhin nila ang
mga yan eh hindi naman. Saka ganyan siguro pag lola na, naghahanap ng mapag-
gagastusan ng pera nila." Natatawang sabi ni mama saka bumalik sa kusina.
"Ma'am, paki permahan na lang po." Sabi nung lalaking nag-deliver ng mga
regalo. Agad ko naman pinermahan saka umalis na siya.
Napapailing na lang akong pumunta ng kusina saka kumuha ng gatas at makakain.
Habang kumakain ay tinitingnan ko ng masama ang nga regalo na nakatambak sa
sala. Naloka talaga ako. Unang regalo pa lang yan. Paano pa kaya ang susunod?
Hindi ko alam na ganito pala ka baliw ang lola mo, anak.
Napapailing na lang ako. Ayoko ma-stress. Saka wala akong ganang buksan ang mga
yan. Bahala silang mabulok d'yan.
Patapos na akong kumain nung pumasok ng bahay ang kapatid ko saka nakangiti.
"Ate, may bisita ka."
"Sino?" Tanong ko habang naghuhugas ng kamay saka binalingan ang kapatid ko.
"Si Sir Bryan."
Magsasabi pa sana ako na wag papasukin pero nakita ko na itong papasok ng bahay
namin. Kakasabi ko lang na ayoko ma-stress eh. Tapos nandito na naman siya. Ang
mag-ina talaga ang nagbibigay sakin ng stress eh.
"Woah! What are all these gifts?" Namamangha na sabi nito sabay tingin sa akin.
Napamewang akong hinarap siya. "Sa mommy mo galing yan. Akala niya siguro
napakalaki nitong bahay namin para tambakan niya ng mga malalaking regalo. Sana
sinabi mo na samahan niya na rin ng ref at washing machine para puno na itong
maliit na bahay namin."
Ngumiti siya. "Ganun ba? Sige, sasabihin ko."
Napaikot ako ng mga mata. Wala bang alam ang lalaking to ng salitang joke?
Sarkastik yung sinabi ko, bakit tinotoo niya?
"Biro yun, wag mong seryosohin." Simangot ko saka tumalikod na sa kanya.
"I brought some grocery for you and the baby. Have you eaten?"
"Tapos na." Sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya. Naghuhugas na ako ng
pinagkainan ko dito sa lababo namin.
Lumapit naman siya sa aking tabi at kunot noong nakatingin sa ginagawa ko.
"Nandito ako to talk to you. Do you have time?"

"Maglalaba pa ako pagkatapos nito." Sagot ko sa kanya saka


binanlawan na ang plato.
"Do you need to do all that?"
Nakasimangot ko siyang hinarap. "Oo naman. Hindi kami mayaman gaya niyo na may
katulong na gagawa ng lahat ng gawaing bahay kaya kailangan kong gawin lahat."
"I'm not undermining you. Ang sinasabi ko lang, you're pregnant. You're not
supposed to do all the chores."
Napailing ako, "Alam ko naman yun. Maingat naman ako saka may mga kapatid naman
akong tumutulong kaya wag kang mag-alala, walang mangyayari kay baby."
Alam ko naman na yun ang inaalala niya. Hindi naman ako manhid para hindi alam
na kaya niya ako pinagtitiisan ay para sa anak niya. Wala naman yang pakialam sakin
eh. Saka alam ko rin na kahit kailan ay hindi ako mapapansin niyan kung hindi ko
dala ang anak niya. Kaya ngayon, nagtitiis siya sa akin.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya. Tinapos ko na ang hugasin ko at
pinatuyo sa dishwashing rack. Saka ako pumunta sa likod ng bahay para tapusin ang
naiwan kong labahin kahapon. Konti na lang naman ang natira.
"This how you do the laundry?"
Napatingin ako sa nagtataka niyang mukha. "Oo, bakit ngayon ka lang ba
nakakakita na naglalaba na walang washing machine?"
Imbis na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi niya na kinatigil ko.
"Diana, I already talked to Dennise." Napahinto ako sa pagkusot ng damit. "The
conversation didn't go well as expected. She was so mad."
Inangat ko ulit siya ng tingin. "Natural magagalit talaga yun. Sabi ko kasi sa
'yo na wag mo na lang akong—"
"Please stop pushing me to do that because the answer will always be no."
Bumalik na naman ang seryoso niyang tono na parang galit na naman ito. Kaya hindi
na ako sumagot at bumalik sa pagkukusot ng damit. Baka bugahan na naman ako nito ng
apoy.
"I'm sorry. I'm not supposed to raise my voice." Paumanhin niya nung mapansin
niya na hindi na ako nagsalita. Mabuti marunong na siyang makiramdam. "Diana, I
came here to warn you. Dennise threatened to hurt you. I don't know what she could
do to you that's why I'm telling you this. You need to avoid her."
Hindi na ako magtataka na gagawin niya yan. Kahit ako naman siguro na malamang
niloko ako ng boyfriend ko ay magagalit ako. Bigla akong natakot para sa anak ko
pero hindi ko pinahalata. Kung ako lang ay hindi ako natatakot sa kanya. Ang anak
ko lang talaga dahil ayoko na may gawin siyang makakasama sa anak ko. Pero hindi
naman niya siguro kayang gawin ang iniisip ko.
"Hindi naman siguro yun susugod dito sa bahay. Saka maraming tambay d'yan sa
labas. Maraming tutulong sakaling manggulo siya."
"Diana, you don't know her family. They could be evil if they want to. Dennise
doesn't accept defeat. She's used to have things on her way. Kaya alam ko na she
will have her revenge."
Nakakunot noo ko siyang hinarap.
"Takot ka ba sa girlfriend mo?"
Umiling siya, "No, but I'm afraid of the baby's safety. The doctor doesn't want
you stressed out, and she also doesn't want you to be involved to any depressing
situations."
Tiningnan ko siya ng ilang sandali.
"So, ano ang gusto mong gawin ko?" sabi ko na nagtataka. Alam ko kasing may
iniisip na itong plano bago pa pumunta dito. Negosyante siya kaya alam ko mag isip
yan. Hindi sila sumusuong sa laban na walang back up plan na baon o walang armas.
Malalim siyang napabuntong hininga, "I know you won't like this idea but this
is the only thing I can think of to make you and the baby safe from their possible
threat."
"Ano nga yun?" Parang hindi ko gusto ang itatakbo ng usapan na to base sa
nakikita ko sa mukha niya.
"I want you to move in with me... In my condo."
Napanganga ako sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya o nang-aasar? Eh ayoko nga na
makita siya lagi tapos titira pako sa kanya?!
"Ano?!" Gulat na sabi ko. "Nagbibiro ka ba? Hindi ako titira kasama mo."
"I knew you would say that. Pero I swear, hindi ako mapapanatag pag alam kong
hindi safe ang anak ko. You may have nice neighbors here pero hindi pa rin safe.
Anyone could budge in your house. No security at madali lang pasukin."
Madiin akong napapailing. "Hindi. Hindi ako papayag d'yan sa gusto mo."
"Diana—!"
"Hindi. Ayoko. Saka wala pa namang ginagawa ang tao, paano kong napa-praning ka
lang? Saka girlfriend mo yun, hindi naman siguro gagawa ng masama yun. Saka wala ka
bang tiwala sa kanya? Hindi ka naman siguro papatol sa babaeng kayang mamatay ng
tao 'di ba?"
"Dennise is rich also. Hindi nga niya kaya mamatay ng tao but she is capable of
hurting you in a different way."
Napailing pa rin ako. "Basta ayoko. Pwede ba umalis ka na dahil naglalaba ako?"
Hindi siya nakinig at nakatayo pa rin sa harapan ko.
"Mababasa ka." Panakot ko sa kanya pero hindi siya nakinig o gumalaw man lang.
Sinadya ko lakasan ang pagbabad ng damit sa balde ng tubig at tumilapon ang
konting tubig sa kanyang sapatos. Nabasa ang dulo ng pantalon niya. Napaatras tuloy
siya saka narinig ko na napamura siya. Mahina akong natawa sa isipan ko.
"What the hell, Diana?" Sabi nito saka pinagpagan ang sapatos niya.
"Binalaan na kaya kita." Sabi ko na pinipigilan ang tawa ko. "Umalis ka na
kasi. May trabaho ka pa, 'di ba?"
Naka-office attire kasi siya kaya alam kong magtatrabaho yan. Isa pa, pag
ganyan siya ka ayos at magara ay pagtitinginan talaga siya ng mga tao sa labas.
Pero knowing si Sir Bryan, wala namang pakialam yan. Sanay yan na pagtinginan sa
opisina pero wala man lang siyang pakialam. Hindi nga namamansin sa empleyado niya
eh. Ang hindi pa kaya niya kakilala?
"Yeah, I better leave. I can sense that you don't want me here."
Napangiti ako. Buti alam niya.
"Why are you smiling?" Kunot noong tanong niya sa akin na parang nagulat pa
ito. Marahil iniisip nitong baliw ako.
"Natutuwa lang akong sa wakas ay may sinabi ka ring maganda."
Napapailing siya sabay mahinang bumulong na, "Tss. Pregnant woman."
"Anong sabi mo?"
"Nothing." Sabi nito saka naglakad na papasok ng bahay. Paalis na rin siya sa
wakas. "Mood swings." Pahabol pa nitong parinig sa akin bago tuluyang umalis na.
Inirapan ko siya habang nakatingin sa likod niya na papalayo na sa akin.
Infairness, maganda talaga ang katawan nitong boss ko dati. May gym kaya ito sa
bahay niya? Gusto ko ring gumanda ang katawan ko. Pero napailing ako. Hindi. Hindi
ako papayag na tumira sa condo niya kuno.
Bahala siya. Paranoid lang yun dahil na guilty sa nangyari dati.
Napapailing na lang ako.
Mood swing daw. Eh siya nga consistent sa pagka-masungit eh. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 16: Complain

Bryan's POV
Argh! I'm so pissed. Diana is such a stubborn and hard headed woman.
I left her house yesterday feeling pissed when she didn't want to agree with me
moving into my house. What's wrong with that? I was just trying to protect my baby.
Then last night, I called her to ask her again in case she changed her mind but
then she shut the phone off and she never answered my calls again. That woman. She
knows how to pull out the hell out of me.
If something happens to my child, I will make sure she will be responsible for
it.
Hindi naman sa gusto ko siyang tumira sa condo. In fact, I don't want someone
staying in my condo. Ayoko ng maingay at lalo na ang kagaya niya na laging nag
rereklamo. Lahat na lang na nakikita niya sa akin ay mali. She is always pissed
whenever she sees me. Well, the feeling is mutual.
"Son."
I looked at my mom. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya. I must've been
in deep thoughts that I didn't notice her presence til she spoke.
"Mom? I didn't know you're coming?" Knowing my mom, she likes to do charity
work than be in the office. Dad allows her to do whatever she wants. And dad said
that's the reason why they ended up still married. They value each other so much.
"Mangungumusta lang. Have you heard anything from Diana? I couldn't contact her
since this morning."
"She must've turned off her phone."
Napakunot noo ang mommy. "Why would she do that?"
"She doesn't want to talk to me. I kept calling her again but still the same.
She was mad about me insisting her to move into my condo."
"What? You're asking her to move with you?" Gulat na sabi ni mommy. "Are you
insane, son? You're not yet over with Dennise. Mas lalo siyang magagalit. And I bet
Diana knows that kaya hindi siya pumayag."
"Mom, wala na akong maisip to protect my child. Besides, it's not that Dennise
and I are still together. She's been cheating on me. I just don't understand why
she still has to put up with this. I expected her to break up with me by the time
na nalaman niya."
"You know what I still cannot believe that she's been cheating on you. I used
to admire that girl so much. I liked her for you until I found out about the
craziest thing she does."
Napailing din ako. Kahit ako rin ay hindi ako makapaniwala na lolokohin ako ni
Dennise. I love her kahit ngayon but it's not like before. Kakaunti na lang ang
natira at ayoko na tuluyang mawala ang natira na yun dahil ayokong magalit sa
kanya. She's still part of my life. She has helped me throughout the years that
we've been together.
Masakit lang malaman na kaya niya akong lokohin at paikutin.
"Why not tell her father everything you know? Baka sakaling hindi siya magalit
sa 'yo."
"No, mom. Yun lang ang alas ko sakaling may gawin si Dennise. She's clever.
Kilala mo naman siya 'di ba? She'll get back on me."
"Ikaw ang bahala." Mom sighed. "So, I heard you visited Diana yesterday? How's
she and her pregnancy?"
"She's fine. She joked about you giving her refrigerator and washing machine so
you could already fill up their small house because she was shocked by your gifts."
"Hmm. Yeah I might consider that."
"Mom, no. I was thinking of doing that too yesterday after I saw her doing the
laundry by hand. But I know she'll get really mad if we do that. Hindi nga niya ako
kinakausap ngayon."

Ngumisi si mommy sa 'kin. I find it creepy that's why I ask


her.
"Why are you looking at me like that, mom?"
"I was just amazed how you could talk to me about a woman so fondly. You never
did that when you talked about Dennise. She must be something huh? She could easily
get you moved."
Natigilan ako. Why the hell my mom is thinking like that? There's no way I
would be fond of Diana. She's annoying. She makes me insane and I don't know what
to do with her.
Natawa si mommy. "You know what, son. I like that Diana. She's tough and has
her own principles in life. Yan ang mga babaeng bagay sa pamilya natin."
"Mom. I'm not thinking of marrying her, so don't think about it. Hindi siya ang
klase ng babae na gusto ko. Maingay, mareklamo, napakatapang sumagot, at
napakatigas din ng ulo. Hindi ako kukuha ng bato na ipupokpok ko sa ulo ko. My work
is enough stress."
"Well, ang sabihin mo, nakahanap ka lang ng katapat mo." Natatawang sabi ni
mommy.
"No way, mom."
"If yan ang paniniwala mo." She shrugged. "Anyways, I just want to know if
how's everything going? Wala naman sigurong ginawa si Dennise to harm my
grandchild?"
Mom knows. Nagkausap kami about what Dennise have said to me.
Napailing ako. "No, not yet. And I don't want to wait until may gawin pa sila
ng ama niya."
"I talked to her father yesterday and he was so mad. He was asking me to talk
to you and apologized to Dennise saka ayusin niyo daw ang relasyon niyo. He really
wants you to be his future son-in-law. He was so vocal about that to us, since
before."
I know about that. Sobrang saya ko noon na marinig yun mismo sa ama niya.
Muntik pa nga akong mag propose sa kanya on the day of the Christmas event ng
company. But then she broke up with me before that happened. Pero naisip ko, mabuti
na lang nangyari yun. Hindi ko sana malalaman na niloloko niya ako.
"I know. Dennise just messed things up."
I can see the sympathy in my mom's eyes. Baka napapansin niya ang paghihinayang
ko. I mean, four years were wasted. Akala ko, si Dennise na talaga ang para sa
akin.
"Anak, I have to go na. Dadaanan ko pa si Diana."
Agad akong napatingin kay mommy.
"Pupuntahan niyo siya?"
I want to go with her para malaman ko at makausap ko si Diana bakit hindi niya
ako sinasagot ng tawag. Gusto kong pagalitan ang babaeng yun sa tigas ng ulo niya.
"Yes, why?"
But hindi ako pwede umalis. Kailangan ko pang umattend ng meetings with my
clients.
Napailing ako. "Nothing."
"Okay. I will go now. I have to give her my new set of gifts for my
grandchild."
"Mom, make sure it's not a lot. She wouldn't like it."
"Don't worry. Konti lang naman ang regalo ko."
I watched my mom bid goodbye and walked out of my office with a heavy sound of
her stiletto.
Diana's POV
Nakapangalumbaba ako habang nakangusong nakatingin sa mama ko at kay Ma'am Manu
na nag-uusap sa sala.
Nabigla ako sa pagdating niya. Hindi ko inasahan na bibisita siya dito sa bahay
namin.
Ang malala, may dala na naman siyang mga regalo. Hindi ko talaga mapigilan
mapanganga dahil marami na naman ito. Bakit ganito siya magbigay? Parang pasko ah.
Todo-todo lagi. Hindi ko na nga alam kung saan ko pa isisiksik ang mga yun dito sa
bahay namin.
Mukhang nagkakaintindihan ang dalawa dahil kanina pa sila nag-uusap. Hindi ko
naman marinig kung ano ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo akong nakaupo dito
sa kusina.
Nagulat na lang ako nung lumipad sa akin ang tingin ni Ma'am Manu. Napatuwid
ako ng upo. Nakita ko ang maliit na ngiting lumabas sa mukha niya bago bumaling
ulit kay mama.
Ano kaya ang pinag uusapan nila?
Makaraan ng ilang minuto ay natapos na rin sila dahil tumayo na si Ma'am Manu.
Mukhang aalis na ata siya kaya lumapit na ako.
"Ma'am Manu."
"Diana, I need to go. Thanks for letting me stay for awhile. Let me know if
there's anything I could help for your pregnancy."
Kahit wala naman akong plano na humingi sa kanya ay tumango na lang ako.
"Sige po, salamat sa pagbisita at salamat po sa mga regalo." At sana last na
yan.
"No problem. Anything for my grandchild." Bumaling siya kay mama, "Aalis na
ako, Belinda. Salamat sa mga kwento mo. I'm so glad to hear all of it."
"Walang anuman, ma'am. Welcome po lagi kayo sa pamamahay namin kahit kailan
niyo gustong pumunta."
"Thank you." Sabi niya saka nagpaalam na sa amin. Hinatid siya ni mama hanggang
sa gate.
Nung bumalik si mama ay tinanong ko agad siya. "Ma, anong pinag usapan niyo?"
"Kinwento ko lang ang buhay natin lalo na ang sa 'yo. Yung lahat ng ginagawa mo
para sa pamilya natin. Sinabi ko rin sa kanya lahat ng naitulong mo sa amin at sa
mga kapatid mo. Alam mo, mabait naman pala 'yang mama ni Sir Bryan eh. Hindi naman
masungit."
"Ewan ko, mama. Hindi ko rin naman siya masyadong kilala."
Pero alam kong makikilala ko pa siya lalo na at madalas yang dadalaw dito lalo
na pag naipanganak ko na ang unang apo niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na yung
dating mga boss ko ay konektado na sa buhay ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako
o hindi dahil alam kong magugulo na ang tahimik naming mga buhay. Mahirap kasi pag
konektado ka sa mayayamang katulad nila.
"At alam mo, anak. Sinabi niya pa sa akin na kung gusto ko daw na mag trabaho
sa kanya. Pati ang papa mo tinanong niya dahil tutulungan niya daw tayo."
Napailing ako. "Ma, wag niyo po tanggapin. Hindi pa natin sila masyadong
kilala. Paano kung ginagawa nila ito at sa huli ay may hihinging kapalit? Ang
masama, baka ang anak ko pa ang kapalit. Ayokong darating ang araw na baka kunin
nila ang anak ko kapalit ang lahat ng naitulong nila sa atin."
"Anak, hindi naman siguro nila gagawin yun sa atin. Mukhang mabait naman sila."
Napanguso ako. "Hindi ganun ang pagkakakilala ko lalo na sa Bryan na yun.
Napakasungit sa akin, mama. Hindi ko nga sinasagot ang tawag eh."
"Aba, mukhang nadadalas na yang pagsusungit mo kay Sir Bryan. Hindi ka naman
dati ganyan ah? Mukhang siya ang pinaglilihian mo, anak. Sigurado magiging kamukha
niya ang apo ko. Okay lang sakin, gwapo naman siya." Nakangiting sabi ni mama.
Nanlaki ang mga mata ko. "Ganun ba yun, ma?" Tumango siya. "Mas may rason na
akong wag lalo siya makita. Ayoko mamana ng anak ko lahat sa kanya."
Natawa si mama na kinataka ko.
"Ewan ko sa 'yo, anak. Nakakatuwa ka talaga. Tigilan mo ang pagsusungit kay Sir
Bryan dahil mukhang napipikon na ang tao."
"Eh di mas maganda."
Napailing si mama. "Pinaglilihian mo nga." Sabi niya saka umalis na sa harapan
ko.
Napa-isip tuloy ako at napahawak sa tiyan ko. "Siya ba ang pinaglilihian natin,
anak?" Napailing ako. "Wag naman ang masungit mo na daddy, anak oh. Sige ka,
magiging kagaya ka nun na laging poker face ang mukha."
Natawa ako sa iniisip ko. Naalala ko kasi ang mukha ni Sir Bryan na
nakasimangot. Ewan ko ba bakit natutuwa akong nakikita siyang ganun. Ang sarap niya
lang asarin lalo. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 17: Meet Up

Nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam. Hindi naman ako nagsusuka pero
parang nanghina ang katawan ko. Para akong pagod na pagod na hindi ko maintindihan
kaya nga hindi ako nakasama kay mama mamili sa palengke kanina.
Nasa bahay ako at nagpapahinga buong umaga. Nung mag hapon na ay saka naman
akong nag pasya na bumaba. Mas lalo kasi akong nanghihina pag nakahiga lang.
Hindi ako sanay na walang ginagawa.
Mukhang isa na naman ito sa normal na sintomas ng isang buntis. Mas gusto ko
pang magsuka na lang sa umaga kaysa ang manghina ng ganito.
"Oh, anak. Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Napatango ako kay mama. "Opo. Nakapagpahinga naman ako. Tutulungan ko na lang
sa labas sa paninda si Leo." Sabi ko na tinutukoy ang isang kapatid kong lalaki.
"Sige. Pag sumama ulit ang pakiramdam mo ay pumasok ka dito at sabihin mo sa
'kin."
"Opo."
Nagpaalam na ako kay mama saka lumabas. Pinuntahan ko agad ang kapatid ko.
"Ako na d'yan, Leo."
Tiningnan niya ako habang nagpapaypay ng inihaw ng customer namin. "Ako na,
ate. Wala naman akong gagawin."
"Sige. Dito lang din ako. Tutulungan na lang kita. Sabihin mo lang pag gusto
mong ako na ang pumalit, ha?"
Tumango naman siya bilang sagot.
Ilang sandali lang ay dumami na ang mga bumibili ng inihaw naming tinda. Hapon
na kasi at marami ng tao ang lumalabas ng bahay nila dahil hindi na masyadong
mainit.
Nasa kalagitnaan ako sa pagtulong sa kapatid ko nung may biglang dumating na
isang panauhin na kailanman ay hindi ko inasahan na tutungtong dito sa lugar namin.
"Ma'am Dennise?"
Hindi niya ako nginitian. Ako rin ay nagulat sa pagdating niya kaya hindi din
ako nakangiti. Nakasuot siya ng magarang dress at naka heels pa kaya pinag
titinginan siya ng mga tao dito. Hindi siya nababagay sa lugar na to dahil sa
napaka-sosyal niya manamit.
"Can I talk to you?"
Nung makita ko pa lang siya na nandito ay alam ko ng may kailangan siya sa akin
at mukhang alam ko na ang gusto niyang pag usapan.
Napatingin ako sa kapatid ko at tumango lang siya. Sinabihan ko siyang siya na
muna ang bahala. Inaya ko si Ma'am Dennise na doon kami sa gilid mag usap. Medyo
malayo sa mga tao para hindi nila marinig kung ano man ang takbo ng usapan. Hindi
pa naman ako tanga para sumama sa kanya sa kung saan para mag usap tungkol sa bagay
na involved ako.
"Ano po ang pag uusapan natin, ma'am?" Umpisa ko agad nung mapag isa na kami.
Tiningnan niya ang umbok ng tiyan ko saka ngumisi. Parang nainsulto siya bigla
eh wala pa naman akong sinasabi.
"You're a bitch." Nag-uuyam na sabi niya.
Hindi na ako nagulat nung sinabi niya 'yun. Sa isang galit na girlfriend, alam
ko na kahit ano ay pwede niyang sabihin sa isang babaeng nakihati sa atensyon ng
boyfriend niya.
"Ma'am Dennise, alam ko na alam niyo na ang lahat. Humihingi ako ng paumanhin
dahil hindi ko naman talaga sinadya ang lahat ng ito. Sana maniwala kayo at wag na
magalit kay Sir Bryan dahil hindi niya din sinadya ang nangyari sa amin."
"Shut up. Stop covering him dahil kasalanan niya to at kasalanan mo rin. How
dare you na pumatol sa boyfriend ko? Kaya pala mainit na agad ang ulo ko nung una
kitang makabangga sa opisina. Doon pa lang ay naramdaman ko ng isa ka pa lang
ahas."

Nainis ako bigla sa sinabi niya. Ahas? Ako? Eh hindi ko


naman inagaw ang boyfriend niya. Aksidente lang ang nangyari. Kung pwede ko lang
nga ibalik ang araw na yun ay gagawin ko.
"Pasensya na ma'am pero sobra naman po ata? Hindi ko po intensyon agawin si Sir
Bryan sa inyo. Oo malaki ang kasalanan ko sa inyo pero sa pagkakaalam ko, hiwalay
kayo ni sir nung may mangyari sa amin."
Napanganga siya sa sinabi ko. "You! How dare you used that against me?! Hiwalay
man kami but we are always getting back together. Ganun namin ka mahal ang isa't
isa. Alam mo ba na kaya kitang ipahiya sa publiko at sirain ang pamilya mo? Don't
try me, poor gold digger bitch." Nag-uuyam na sabi nito sakin.
Napakuyom ako ng kamay dahil sa sinabi niya. Napakalakas din ng loob niya na
sabihin yan sa akin. Oo at nagkamali akong pinatulan si sir pero hindi ko naman
pinagpilitan ang sarili ko sa kanya para panagutan ako at ang anak niya.
"Mawalang galang na po, ma'am. Wag niyo po idamay ang pamilya ko dito. Wala
silang kinalaman dito."
"Really?" Ngumisi siya. "If you really love your family and your freedom, you
have to follow what I'll say. I will give you a chance."
"Ano po ba ang gusto niyong mangyari?"
Pinag-ekis niya ang braso sa dibdib at mataray akong tiningnan. "Leave Bryan
alone and abort the child."
"Ano?" Hindi ko gusto ang huling sinabi niya. Biglang nangangalaiti ako sa
galit. "Hindi ko ipapalaglag ang anak ko." Nagtitimping sagot ko sa kanya. Gustong
manampal ng kamay ko pero pinipigilan ko lang dahil ayoko na mas lalo siyang
magalit sa akin. Isa pa, ayokong sayangin ang lakas ko sa kanya. "Kung gusto mo,
ilayo niyo na lang ang boyfriend niyo. Pero hinding-hindi ko ipapalaglag ang anak
ko."
"Are you even thinking? No way na titigilan ka ni Bryan knowing na may anak
siya sa 'yo. That guy doesn't turn his back to his responsibilities. So get rid of
that damn baby—!" Hindi ko napigilan at dumapo ang kamay ko sa pisngi niya na
kinagulat naming dalawa.
Pero hindi ako hihingi ng tawad sa pang iinsulto niya sa anak ko.
"Bitch! Why did you slap me?" Nagpupuyos sa galit na sabi nito. "I can buy you
if I want to. Maghanda ka dahil gagawin ko lahat para mawala lang kayo ng anak mo
sa buhay namin ni Bryan. And I will make you pay for slapping me."
Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Hindi ako natatakot, Ma'am Dennise. Kaya kong
ipaglaban itong anak ko sa kagaya ninyo."
"Then let's see—"
"Diana, may problema ba?"
Pareho kaming napabaling sa kapitbahay kong nagtataka ang mukha na nakatingin
sa amin.
"Mark my word, bitch." Mahinang sabi sa akin ni Ma'am Dennise bago siya
nagmadaling umalis.
"Sinaktan ka ba ng babaeng yun, Diana?"
Napabaling ako sa kay Manang Poly saka napailing at pinilit na ngitian, "Hindi
po. Okay lang po ako."
"Sigurado ka? Nakita ko ang matatalim na titig sa 'yo kanina."
Ngumiti ako para hindi na siya mag-alala. "Wag po kayong mag-alala. Ako pa nga
ang sasampal sa kanya." Natatawang sabi ko .
"Basta pag sinaktan ka nun, sabihin mo sa amin para hindi na makatungtong yun
sa lugar natin."
Isa sa gusto ko sa mga kapitbahay namin ay meron kaming concern sa isat isa.
Kaya nga masaya ako na lumaki sa lugar na to.
"Salamat ho." Sabi ko at saka naglakad na pabalik sa kapatid ko pero nakaramdam
ako ng pag-ikot ng paligid kaya napatigil ako.

"Diana, okay ka lang?" Pag aalala ulit ni manang.


Pinilit ko na tumayo ng maayos, "Opo. Kailangan ko lang bumalik sa bahay at
magpahinga. Salamat po ulit." Sabi ko sa nag-aalala niyang mukha saka ako nagpaalam
na papasok na lang ng bahay imbis na tulungan pa sana ang kapatid ko.
Nung makarating ako sa loob ng bahay ay agad akong napansin ni mama.
"Magpapahinga lang po ako sa taas, ma."
"Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" Pag-aalala nito. Ito ang ayoko sa
pagbubuntis ko dahil palagi ko na lang sila pinag-aalala. Bakit ang selan ng sa
akin?
"Hindi naman masyado, ma. Itutulog ko lang ulit ito at mawawala rin."
Tumango lang si mama at pinayagan akong umakyat na. Humiga naman ako agad
pagkararing ko ng kwarto ko. Ang bilis ko lang nakatulog. Hindi ko namalayan na mag
gagabi na nung magising ako. Nagulat pa ako sa lalaking nabungaran ko pagdilat ko
ng mata.
"Did I wake you up?"
Nakaupo siya sa gilid ng kama ko. Hindi ko alam paano ko siya titingnan eh.
Naisip ko kasi na kung kanina pa siya dito at nakatingin sa akin habang natutulog
ay nakakahiya. Baka humihilik pa ako o nakanganga ang bibig.
"Hindi naman." Sagot ko na lang.
Narinig ko siyang malalim na napabuntong hininga, "I've been calling you, then
your mom answered the phone. She told me you're not feeling well since this
morning. So I rushed here after work."
Pinilit kong bumangon. Agad naman niya akong inalalayan sa kamay na kinatigil
ko. Para kasing may kung ano akong naramdaman sa paghawak niya sa akin. Agad kong
inalis ang kamay ko nung makaupo na ako sa kama at nakasandig sa pader na nasa
likod ko.
"Okay na ako. Tulog lang ang katapat nun."
Napapailing siya. Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Hindi na lang ako
nagsalita pa dahil baka ano pa ang masabi ko.
Nakaramdam na naman ako ng kakaiba nung tumingin siya sa aking mga mata.
Napalunok ako dahil may kung ano na bumara sa lalamunan ko.
"Your brother told me that a woman visited you earlier. Was it Dennise?" Hindi
agad ako nakasagot dahil sa mga tingin niya. Pero alam ko na kung sasabihin ko sa
kanya ang totoo ay baka mag-aalala na naman siya. "Diana please for once, can you
tell me the truth? I need to know everything that involves me."
Napakagat ako ng labi. Nag-aalala ako sa maaaring reaksyon niya pero dapat
naman talaga niyang malaman. Nakita ko ang pag lunok niya. Ewan ko ba pero
napatango na lang ako bilang sagot.
"I knew it. Anong sinabi niya sa 'yo?"
Biglang nag-replay sa isip ko ang pang iinsulto niya sa akin at sa anak ko.
"Diana, tell me everything she told you. I need to know. You don't have any
idea how she can make everything she says possible." Mahinang sabi niya na puno ng
pag aalala.
Bakit ang bait yata niya sa akin ngayon?
Mas lalo akong nag-alala. Totohanin niya na ipapalaglag ang anak ko? Pero paano
naman niya gagawin yun? Isa pa, hindi naman ako papayag.
"S-sinabi niya na iwan daw kita at huwag ng magpakita sa 'yo at... ipalaglag
ang anak natin."
Mula sa pag-aalala ay napalitan ng galit ang mukha niya. Nakita ko kung paano
tumigas ang bagang niya pati ang nag-aapoy niyang mga mata dahil sa narinig.
"Then what did you answer?"
"Syempre sinabi kong hindi. Hindi ko kailanman ipapahamak ang anak ko. Ayoko na
mawala siya sa akin."
"Good. Beause I will never allow anyone to hurt my child. Not even you." Nag-
uuyam na sabi niya.
"K-kaya niya ba talagang gawin yun? Sabi kasi niya gagawin niya lahat para
mawala kami ni baby sa buhay mo."
Hindi ko sinabi yan para kaawaan niya ako o mag hanap ng kakampi sa kanya.
Sinabi ko yun dahil sa nag-aalala ako para sa anak ko. Hindi ko pa kilala si Ma'am
Dennise kaya hindi ko alam kung kaya niya manakit ng tao. Pero sa asta niya kanina
ay hindi na ako nagdududa.
Napakuyom siya ng kamay, "She can but I will never let that happen. She needs
to go through me before she can hurt my child."
Mas lalo akong nag-aalala. Mayaman si Ma'am Dennise at baka bukas na bukas ay
bumalik yan dito at may gawing kung ano.
"Diana, you need to move in with me. I can protect you and the child better
when you're staying in my condo. The security there is better. Your safety is
higher dahil hindi ka magagalaw dun ni Dennise."
Napa-isip ako. Ayoko lumipat kasama siya. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari
pag lumipat ako dun. Baka mas lumala pa.
"Diana, I beg you. Hindi ako mapapanatag pag alam ko na may banta sa buhay ng
anak ko. Please think of our child's safety this time. You have to trust me in
this."
Napapikit ako ng mga mata.
Dati sabi ko, kailanman ay hindi ako papayag sa gusto niya. Hinding-hindi ako
titira kasama siya. Pero ngayon, mukhang lulunukin ko lahat ng sinabi ko. Para
kasing tama naman siya. Hindi ko kayang ilagay sa pahamak ang anak ko knowing na
may magagawa naman ako na iwasang mangyari yun.
Pero kaya ko bang tumira kasama siya?
Eh ang makita nga siya eh naiinis na ako, tapos ang tumira pa sa isang bahay
kasama siya? Baka nga lagi lang kami magbangayan.
"Lilipat ako basta ipangako mo na walang mangyayari sa pamilya ko."
Naalala ko din kasi na sinabi niya na kaya niyang idamay pati ang pamilya ko.
"I promise."
Mukhang seryoso naman siya sa pagkakasabi niya kaya tumango ako. Wala pa naman
kasi akong naalala na pinangako niya na hindi niya tinupad. Lahat nga ng sinasabi
nito ay pinaninindigan niya. Kaya may tiwala ako na kaya niya kaming protektahan.
Napahawak ako sa tiyan ko. Kaya kong lunukin ang pride ko alang-alang sa anak
ko. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 18: First Night

"Ako na."
Kinuha ni Sir Bryan ang maleta na bitbit ko at siya na ang nag buhat papunta sa
kotse niya.
Bago ko siya sundan ay nilingon ko muna sina mama at papa pati mga kapatid ko
na nasa labas na rin ng bahay namin.
"Anak, mag iingat ka dun ah? Lagi kang tatawag. Kung may kailangan ka, nandito
lang kami. Alagaan mo ang sarili mo."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay mama o mata-touched.
"Ma, lilipat lang ako ng bahay. Hindi po ako mag a-abroad."
Napasimangot si mama sa 'kin saka kinurot ako sa tenga na kinatili ko.
"Aray!" Pinigilan ko ang kamay niya. "Masakit, mama."
"Mrs Garcia, she's hurt."
Napatingin kami kay Sir Bryan na nandito na pala sa harapan namin. Ang bilis
niya naman nakalapit. Kanina nasa kotse niya pa siya.
Binitiwan na ako nito saka namewang. "Pasensya ka na, hijo. Ito kasing anak ko,
nakuha pang magbiro."
Napailing na lang akong natatawa. "Ayoko lang na malungkot kayo, ma. Tapos
nagda-drama pa kayo."
"Sige na nga hindi na. Sige na umalis na kayo dahil hapon na. Malas na ang
maglipat ng gabi." Pagtataboy sa amin ni mama.
Lumapit ako kay papa at sa mga kapatid ko saka yumakap sa kanilang lahat.
Nagpaalam din si Sir Bryan. Hinatid kami nila hanggang sa kotse at hanggang
makasakay na kami.
"Wag mong pabayaan ang anak ko, Sir Bryan ha? Ang pinag usapan natin." Sabi ni
papa.
"I promise." Sagot niya kay papa.
Ngumiti sila sa akin saka kumaway kasabay ng pagpatakbo ni Sir Bryan ng
sasakyan paalis ng bahay namin. Nung makalayo na kami ay para akong nalungkot. Ito
kasi ang unang pagkakataon na mawalay ako sa kanila. Never pa akong lumayo sa
pamilya ko. Ngayon lang.
Sa katunayan ay ayaw din sana nila mama at papa na sumama ako kay Sir Bryan.
Kaya lang nung sinabi na niya sa kanila ang mga banta ni Ma'am Dennise ay bigla
silang nag dalawang isip. Hanggang sa tuluyan na silang na kumbinse at pumayag na
lang. Gusto daw kasi nila na maging ligtas ako. Labag man sa loob ni papa ay wala
na din siyang nagawa.
Nangako ako kina mama at papa na tutulong pa rin sa gastusin sa bahay lalo na
sa pagpapa-aral sa mga kapatid ko.
"We're here."
Naputol ang pag iisip ko nung magsalita si Sir Bryan. Hindi ko napansin na
nandito na pala kami. Ang bilis naman namin makarating sa condo niya. Akala ko
halos isang oras ang layo ng condominium niya mula sa amin? Ibig sabihin, ang tagal
kong nag isip?
Sa basement siya nag-park ng kotse. May sumalubong sa aming staff na tumulong
sa pagdadala ng gamit ko. Sumakay kami ng elevator at tumigil sa tenth floor.
"Thank you." Rinig kong sabi ni Sir Bryan sa staff at inabutan ng tip.
Infairness ang linis-linis ng condo niya ha. Parang nahihiya ang dumi na
pumasok dito sa kintab ng sahig at gamit.
"May maid kang taga-linis?" Impossible naman kasing siya ang naglinis nito.
"I have a housekeeper who comes here thrice a week to clean. I live alone
here."
Oh. So ibig sabihin ako pa lang ang unang makikitulog dito? Pero grabe ha, kaya
niyang i-maintain na malinis itong bahay niya .
"Ikaw din ang nagluluto?"

"Yeah, but sometimes I eat outside. If you want to cook,


feel free to use the kitchen. There's a grocery store across the street. But you
have to let me know whenever you wanna go out of the building."
"Bakit hindi ka nag-hire ng maid na makakasama mo dito?" Tanong ko na
binaliwala ang sinabi niya.
"I don't want anyone staying in my condo."
Napakunot ang noo ko at hinarap siya, "Eh bakit mo ako niyayang tumira dito
kung ayaw mo pala na may kasama?"
"You know the reason why you're here." Sagot niya saka dumiretsong naglakad
papunta sa isang pinto kaya naman sinundan ko siya.
Binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang napakalawak at napakalinis na
kwarto. Mag-isa sa harapan ang malaking kama. May mga furniture naman sa paligid
pero marami pa ding space dahil sa laki nito. Meron ding couches at TV na nasa
wall.
"Kwarto mo?" Tanong ko kahit sobrang obvious naman.
"Yeah."
Nakita ko siya na naghubad ng necktie niya pati ng suot na business suit. Wag
niya sabihin na maghuhubad siya sa harapan ko? Agad akong napaiwas ng tingin at
nagsalita na bago pa niya mahubad ang damit niya.
"Saan ang kwarto ko? Gusto ko ng magpahinga." Halata ata sa boses ko ang kaba.
Napatigil naman siya at humarap sa akin. "You will sleep here."
"E-eh ikaw saan ka matutulog?" Tanong ko na hindi pa rin sa kanya nakatingin.
"Of course here in my room."
Marahas akong napaharap sa kanya saka binigyan siya ng hindi makapaniwalang
tingin. "Ano? Wag mong sabihin na katabi kitang matulog sa kamang yan?" Sabay turo
sa kama.
"What's wrong with that? We shared more than that before. Isa pa, I will not do
anything to you. You can trust me on that."
Mas lalo akong napakunot ng noo. "Nagbibiro ka ba? Hindi ako tatabi sa 'yo. Sa
ibang kwarto na lang ako, wag lang dito."
"You have no other choice. There's only one room here."
Napanganga ako sa gulat.
"Ano? Isa lang?! Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin na titira dito tapos
isa lang pala ang kwarto mo!" Nagsimula na naman akong mainis sa kanya. Hindi ba
siya nag-iisip? Anong akala niya na okay lang sa akin na katabi siya? Eh ang makita
nga siya araw-araw ay ayoko na tapos ang magising pa at matulog na siya ang kasama?
Huh!
"Can you please tune down your voice. You're making this a big deal."
"Ah basta. Ayoko d'yan. Sa sofa na lang ako sa labas matutulog."
Napailing siyang lumapit sa akin. "No. You sleep here."
"Ayoko." Matigas na sabi ko.
Mas lalo siyang lumapit sa akin na kinagitla ko. Gusto ko sanang umatras pero
baka sabihin niya na natatakot ako sa kanya.
"You. Will. Sleep. Here."
May kung anong kaba ang dulot ng pagkakasabi niya nun sa akin na bigla ko
namang kinatango. Napasunod niya ako agad sa simpleng pananakot ng boses niya.
"Good." Sabi niya saka tumalikod na at dumiretso sa tingin ko ay banyo. Sinara
niya ang pinto nung makapasok siya.
Napabuga ako ng hangin.
Bakit ako pumayag? Naku Diana, wag mong sabihin na takot ka sa lalaking yun?
Hindi no! Pwes paano niya ako napasunod ng ganun na lang? Nakakainis naman oh!
Tinamad na akong mag banyo dahil kakaligo ko lang naman kanina nung umalis kami
ng bahay kaya nagpalit na lang ako ng damit. Binilisan ko na lang bago pa siya
lumabas ng banyo. Sinirado ko ang maleta ko pagkatapos kunin ang mga gamit na
kailangan ko.
Nag-ayos ako ng sarili saka nahiga sa kama niya. Infairness ang lambot ah.
Mukhang mamahalin itong kama niya. Nagkumot ako at napapikit sa sobrang bangong
amoy nito. Ang sarap naman matulog sa kama na 'to.
Nasa ganun na akong ayos nung lumabas si Sir Bryan sa banyo.
"Are you gonna use the bathroom?"
Napadilat ako. Nakabihis na pala siya. Umiling na lang ako bilang sagot.
"Okay."
Tiningnan ko lang siya habang sinusuklay ang buhok niya at kung may anong
nilagay sa mukha niya. Ang cute niya tingnan sa suot niyang pajama pants at shirt.
Pagkatapos nitong ayusin ang sarili ay kinuha niya ang laptop niya na nasa mesa at
naglakad palapit sa akin. Umosog pa ako ng konti nung nakita kong papunta siya sa
kama.
"Can you move your things?"
Napasimangot ako saka dinampot ang suklay ko at lotion na nilagay sa kama
kanina. Nilagay ko yun sa gilid saka nahiga ulit.
"Hindi ka pa matutulog?" tanong ko nung nakita ko na gamit niya ang laptop
habang nakaupo sa kama.
"I have to finish something first."
Imbis na sumagot ay napahikab na lang ako. Inaantok na ako kaya pumikit ako ng
mga mata ko. Pero ilang sandali lang ay nagising din ako agad. Nawala na bigla ang
antok ko at bumungad pa sa akin ang maliwanag na ilaw galing sa laptop niya.
"Pwede bang patayin mo na yan? Hindi ako makatulog eh. Ang liwanag." Reklamo
ko.
Tiningnan niya ako sandali saka binalik ang tingin sa laptop. Akala ko hindi
niya papansinin ang sinabi ko pero nakita ko na pinatay niya ang laptop niya saka
itinabi iyon.
Humiga na rin siya. Kahit magkasama kami sa kama ay may malaking space pa rin
sa gitna namin dahil sa malaki itong kama.
Pinilit ko na matulog pero hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Mas lalo akong
hindi makatulog knowing na katabi ko siya ngayon. Paikot-ikot ang galaw ko para
hanapin ang posisyon nq komportable ako pero wala talaga. Panay ang galaw ko.
"Can you stop moving? I'm trying to sleep here." Saway niya sa akin.
Mabuti pa siya nakakatulog eh samantalang ako ay hindi dinalaw ulit ng antok.
Nahirapan ako bigla eh kanina lang ay antok na antok ako.
"Diana, I said stop moving."
Hinarap ko siya na nakakunot ang noo. "Hindi nga ako comfortable na kasama ka."
"Just sleep." Bale walang sagot niya saka pumikit na naman.
Ilang sandali ay pag galaw-galaw na naman ako na kinagising na naman niya.
"What the hell, Diana?"
"Hindi nga kasi ako makatulog. Hindi siguro ako sanay na may katabing lalaki."
Narinig ko ang pag buntong hininga niya saka tumayo at dinala ang isang unan na
hinihigaan niya kanina.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko nung makita ko na papunta na siya sa couch.
"I will sleep on the couch so you can sleep. I don't want to keep you awake.
That would be bad for the baby. Now go to sleep."
Parang naawa tuloy ako sa kanya dahil sa matangkad siya pero sa couch niya
pinagkakasya ang sarili niya. Pero okay na rin siguro 'to para makapagpahinga na
kami ni baby.
Napangiti ako ng dahil sa ginawa niya. Kaya niya naman pa lang maging gentleman
sa akin eh. Plus pogi points na naman siya.
"Good night." Ang huling sinabi ko sa kanya bago pumikit ng mga mata at
nagsimula ng matulog.
Bahala na kung anong mangyayari bukas. Ang mahalaga ay ligtas kami ni baby dito
sa bahay ng ama niya. Sana nga maging maayos na silang lahat ng makabalik na ako sa
bahay namin ng pamilya ko.
Nakatulog din ako kaagad. Baka nga namamahay pa lang ako ngayon dito sa condo
niya at nadagdagan yun nung tumabi siya sa akin. Pero ngayon ay okay na nung
lumipat siya ng higaan at mag-isa na lang ako.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 19: Hardheaded

Bryan's POV
I frowned seeing the scattered hygiene kit all over the bathroom counter next
to the sink. The lotion, hair brush, perfume, powder and makeup are everywhere.
Goodness sake. This woman doesn't know the word tidy.
Hindi pa naman ako sanay na magulo ang bahay ko. That's why I don't want anyone
staying in my house. I hate messy and dirty places.
One time I got very mad when I saw her damp towel left above the bed and her
bra were hanging in the bathroom next to the shower curtain. She even put her
toothbrush next to mine. I confronted her because I was so mad. We quarreled then
at the end she said 'okay'.
But the next day, it was still the same.
I told her a lot of time to always organize and clean her things. She doesn't
listen. She just loves seeing me mad. I didn't know she was really this stubborn
and hard-headed.
After I took a shower and got dressed, I went out of the bathroom. I saw Diana
talking to her phone. Probably talking to her family.
I approached her after she ended the call.
"Bakit?" She frowned asking me. "Nakabusangot ka na naman sa akin. May nagawa
na naman ba akong mali?"
Huh! Good thing she knows.
"Didn't I tell you to organize your things? You know how much I hate it when
it's not organized."
"Saan na naman ba? Inayos ko naman ah?"
I grinned sarcastically. "Eh ano ang tawag mo sa gamit mo na nakakalat sa
counter? I told you not to scatter them. You don't act like a woman. You're so
messy."
"Hoy Bryan, maayos naman ang mga gamit ko dun! Ano ba para sa 'yo ang hindi
makalat ha? Kulang na lang ay itago ko sila para wala na sa paningin mo. Saka wag
mo nga pinagdidiskitahan ang mga gamit ko. Hindi ka naman nila inaano ah?"
Oh, God. She's not getting the point. If I knew she would be this hard, hindi
ko na lang sana siya pinatira dito. Maybe I should consider buying another condo
unit here for her.
I shook my head. I better leave than talk to her.
"I'm leaving."
I took my suitcase and went out of the room.
"Bye!" Pahabol pang sabi niya. She looks so happy seeing me leave every
morning. One time tumawag ako na hindi ako makakauwi then she replied, 'Kahit hindi
ka na umuwi." And hanged up the phone. Like what the hell?
Minsan nagdududa ako baka may ginagawa siya pag wala ako. Wala pa naman akong
natatanggap na tawag sa building na 'to na lumabas siya o may bumisita. I strictly
told the staff to let me know everything.
I drove in hurry because I would be late sa meeting namin ni dad with our board
members. Knowing dad, he's always early.
I parked in front of the company building and the valet guy took over my car
and parked it somewhere. I went in to the elevator and stepped out when I reached
the floor where the meeting was.
I gave a half smile to the people inside and went to the chair next to my dad.
"You're almost late." Dad whispered to me.
"Yeah. I'm sorry."
The meeting went on and as usual, it took three hours to finish it. It's the
monthly meeting we have wherein the members reported any changes and details about
the company's transactions. We talked about everything.
Nung matapos ang meeting ay nagsialisan na ang mga board members.
"Bryan." Dad said calling my attention.

I looked at him. "Yes, dad?"


"How's she?"
Dad was referring to Diana. He knows already. Mom told her and he talked to me
right away. They also know about Diana living with me. They are fine with it.
"She's a pain in the ass, dad."
I saw dad smiled. "You sound like you have a hard time with her."
"Definitely. I slept on the couch for days because she wasn't used of sleeping
next to a man. I had to take pain reliever every morning cause my back and neck
were aching because of the discomfort. She's also hard-headed. She messes her
things around the house. Sobrang kalat niya, dad. Hindi siya nakikinig pag
pinagsasabihan ko siya. Ako pa ang mali. She said that malinis na daw yun para sa
kanya. Tsk."
Dad laughed. My forehead creased because of his reaction. Hindi ako sanay na
tinatawanan ni dad. For me, this is a serious issue.
"It was your choice to have her moved into your condo. Now you deal with the
consequences." He said laughing.
"Yeah, that's why I'm thinking of buying another unit for her. I can't stand
her. She never missed to piss me off everyday."
Dad stopped laughing and answered. "Don't do that, son. You have to get used to
her. Besides, she will be the mother of your kid. Kailangan mo masanay because when
my grandson comes out, mas gugulo pa ang bahay mo. Ikaw nga nung bata ka ang likot
mo at nakakalat lahat ng laruan mo sa bahay. Your mom loved seeing all your toys
around the house. Sabi niya kasi, she felt like she was really a mom. Kaya dapat
masanay ka na makalat ang bahay mo. It would be a lot messier when you have a child
already."
I didn't realize that until dad mentioned it. He's right. Dapat na nga ako
masanay. It will be hard but I have to.
"Let me know when you need help at something. I can't wait to meet my first
grandchild. Take good care of her." Dad said and stood up.
"You wanna meet Diana, dad?"
He smiled and shook his head, "It's not the right time yet, son. You have to
fix your issue with Dennise. Break up with her already. There's no such thing as
keeping two gems in a very small box. You have to let go of the other one. Be wise,
son."
"You're asking me to let go Dennise and keep Diana?"
Dad became serious.
He knows I loved Dennise so much, but he also knows how she betrayed me.
"Yes. I don't mean I choose that new woman. All I'm saying is that I choose my
grandchild. Nagkataon na siya ang nagdadala ng apo ko at hindi si Dennise. I bet
you will also choose your own son, right son?"
Dad bid goodbye after he said those words. He left me thinking.
Am I ready to let go of the woman I loved for four years? Am I ready?
"Sir."
I looked at the door when I saw Nate.
"Nasa office niyo po at nag aantay si Ma'am Dennise."
I was surprised. She never told me she would come today. I stood up and went
out of the room and went straight to my office. Then I saw her sitting in one of
the chairs.
Ngumiti siya nung makita ako. She even greeted me with a kiss on my lips.
"Babe, I miss you so much. Hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko so I decided
to just visit you here."
Dumiretso ako sa upuan ko.
"Dennise, I have to tell you something."
Napakunot ang noo niya at umupo sa upuan na nasa harapan ng desk ko.
"What?"
"I live with Diana. She lives in my condo now."
"What?" She freaked out. "But why? Hindi mo ba naisip ang pwedeng sabihin ng
mga tao sa atin? Sa akin? You're not thinking, Bryan!"
"I am thinking. Kaya ko siya pinalipat is to be away from you. Akala mo hindi
ko alam na pinuntahan mo siya sa bahay nila?" She looks shocked. Hindi niya
inasahan na alam ko.
"Bryan, paalisin mo siya. I am the one who's supposed to be there and not her.
I'm your girlfriend here!"
I sighed. Maybe dad was right. Keeping them both would just make things
complicated.
I pulled myself together and gained all the courage I had to tell her what I
was thinking. Maybe, this is the time to let her go. We've been through a lot and
keeping this relationship longer is not getting healthier. She never been honest
with me. I'm so disappointed na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin inaamin sa
akin ang panloloko niya. Maybe things will change if she just admitted.
Pero mukhang wala naman siyang balak na gawin yun. So I have to do this.
"Dennise, I wanna break up with you."
Her mouth was left open in shock. She didn't see that coming, did she?
"No. Bawiin mo ang sinabi mo."
Umiling ako. "I've been thinking about it and my decision is final. Let's break
up."
"How dare you!" Sabi niya saka tumayo at sinampal ako. "Ikaw ang nanloko sa
atin tapos ikaw pa ang may lakas ng loob na makipag hiwalay?"
"I have to do the honor. I'm sick of this relationship."
"What? I hate you! No. Ako dapat ang makipaghiwalay." She said gathering her
ego. "I'm really breaking up with you! You cheater. Magsama kayo ng bitch na yun!"
I suddenly felt the rage to shout at her but I controlled myself. Kung alam
niya lang na alam ko ang tinatago niya, baka mapahiya siya. And she can't call
Diana a bitch cause that is her. She was using two guys for Fs sake!
"Just leave, Dennise." I said in full territory. I don't wanna hear her say
anything anymore. Baka hindi na ako makapagpigil at masabi ko sa kanya ang alas ko
laban sa kanya.
"I will tell my father about this!" She said in finality.
Tsk! Go ahead. I'm not afraid.
Dad was right after all. Tama siya na may kakaiba kay Dennise since that family
dinner we had two years ago. I didn't mind kasi hindi ko naman napapansin and I was
blinded with the love I had for her.
I'll make sure hindi na ako maloloko ulit ng ganito. I was so stupid for
letting a woman overpower me.
Women. They can be difficult in every way.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 20: Reasoned Out


Diana's POV
Naku! Naku! Naku! Nakakainis na ang Bryan na 'yan. Lagi na lang reklamo at
talak ang naririnig ko sa kanya araw-araw.
Napakaarte. Parang babae kung umasta.
Feeling ko talaga hindi talaga kami magkakasundo. Magiging impyerno ang pagtira
namin sa iisang bubong. Tapos darating ang araw na susuko na siya at paalisin ako
dito sa bahay niya.
Pero yun nga ang inaantay ko eh. Ang paalisin niya ako dito. Nakakairita kasi
siya.
Nagluluto ako ng hapunan ngayon. Bumili ako kanina sa labas na grocery store.
Ang lokong Bryan, binilin ba naman sa guard na samahan ako hanggang sa grocery.
Feeling ko tuloy ay anak ako ni Duterte. Daig ko pa nga ata. Hindi talaga ako
sanay. Kaya binilisan ko na lang ang pagbili kanina para makabalik na. Nakakahiya
kasi pinagtitinginan ako ng mga tao. Isa pa, napakamahal ng grocery store na yun.
Hindi na ako ulit bibili dun. Mauubos ang ipon ko.
Tinikman ko na ang niluto ko at napapikit pa ako ng nakangiti. "Ang saraaaaap!
Ang galing ko pa rin talaga magluto."
Napapailing na lang ako sa biro ko.
Ang totoo niyan, nagluto ako para pasalamatan si Sir Bryan. Tumawag kasi ako
kay mama kanina at sinabi ko na idadaan ko ang pera para sa ambag ko sa gastusin
pero sinabi nito na nagbigay na si Sir Bryan.
Nung una nagtampo ako kay mama bakit niya tinanggap ang pera. Nakakahiya kasi
saka hindi naman niya kami responsibilidad. Pero gusto ko din mag pasalamat dahil
sa may malasakit ito sa pamilya ko. Pero minsan iniisip ko na dapat lang yun dahil
kung hindi niya ako ginalaw, eh di sana nagtatrabaho ako ngayon para sa aking
pamilya.
Hinahanda ko na ang hapag kainan nung bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking
gwapo sana pero laging may dalaw.
"It smells good. What did you cook?"
Hinarap ko siya na nakangiti. Nakalapit na siya sa mesa at tiningnan ang ulam.
"Nagluto ako ng tortang talong saka menudo. Gusto mo ba ang mga yan?"
Bigla siyang napatingin sa akin na parang nagdududa. Yung tingin na parang wala
siyang tiwala sakin. Tss! Ano na naman ba ang iniisip nito tungkol sa akin?
"Ano na naman 'yang tingin na yan?"
"You suddenly became nice to me. You even cooked. Ang totoo, may lason ba ang
mga yan? Kaya ka ba nagiging mabait sa akin dahil lalasunin mo ako pag kinain ko
ang mga 'yan?"
Napairap ako sa sinabi niya. Kung pwede lang nga ay matagal ko na ginawa. Kaya
lang hindi naman ako ganun kasama no.
"Ikaw ang sama talaga ng tingin mo sa akin, ano?" Simangot ko sa kanya. "Gusto
lang kitang pasalamatan sa tulong mo sa amin lalo na sa pamilya ko."
Umupo na siya saka inabot ang kanin. Ako naman ay naupo na din sa upuan na nasa
harapan niya.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Alam kong barya lang yun para sa kanya pero
para sa akin ay malaking bagay na yun.
"At saka nga pala. Itigil mo na ang pagbibigay sa akin ng sustento. Dito naman
ako nakatira sa 'yo tapos ikaw na ang nagbabayad ng halos lahat dito. Tinulungan mo
pa sina mama."
Napangisi siya sa sinabi ko. "I like it when you are nice like that to me.
Akala ko hindi ka na magiging mabait sa akin."
"Hoy, ikaw nga ang hindi mabait sa akin no." Ganti ko at napanguso. Saka ako
may biglang naalala. "Oo nga pala. Hatian mo ko sa grocery ko kanina ha. Ang mahal
ng paninda d'yan sa bilihan sa tapat. Pang mayaman kasi."

"I will give you my credit card. Use it to buy food for
us." Sagot niya.
Tumango ako at palihim na napangiti. At least hindi na mababawasan ang ipon ko.
Napatingin ako ulit sa kanya. "Ano? Masarap ba ang niluto ko?"
Ngumunguya siya kaya hindi siya nagsalita. Tango na lang ang sinagot niya sa
akin saka nag thumbs up pa.
Kumain na rin ako at sabay kaming kumain na dalawa. Sobrang gana niyang kumain
at ilang beses pa siya kumuha ng kanin. Pagkatapos ay napa-burp pa siya na kinatawa
ko.
"It was so delicious."
"Sabi sa'yo eh, walang lason yan."
"Yeah. The best homemade food I have ever tasted."
Feeling ko namula ako sa sinabi niya. Pinigilan ko ang kiligin at napangiti na
lang ako. "Salamat nemen."
Natawa siyang napapailing saka siya na ang nag-volunteer na magligpit ng
kinainan namin.
Minsan bilib ako kay Sir Bryan. Napaka-responsable kasing lalaki. Hindi siya
mahirap kasama sa bahay kasi laging malinis sa paligid at laging gumagawa ng gawain
dito sa bahay niya. Sa isang linggo namin magkasama dito ay never ko pa siyang
nautusan dahil kusa niyang ginagawa ang gawain dito sa bahay.
Nasanay siguro siyang mag-isa at siya ang gumagawa ng lahat kaya ganyan siya,
may initiative.
Nauna na akong mag shower habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin.
Nanunuod ako ng TV sa sala pagkatapos mag shower. Gumagawa daw kasi ng report
si Sir Bryan sa kwarto kaya lumabas na lang ako dito. Wala pa naman ako sa mood
sakaling magalit siya pag naiingayan.
Lumabas siya sa kwarto nung ilang sandali. "You can come in if you wanna
sleep."
Umiling ako. "Mamaya na. Hindi pa ako inaantok. Manunuod pa ako ng palabas sa
TV."
"Okay." Sabi niya saka pumasok ulit.
Kaya naman pala naming mag-usap na hindi nag-aaway eh. Sana ganito na lang kami
palagi. Kaya lang minsan ang hirap talaga na hindi kami mainis sa isa't-isa.
Mga alas nuebe na nung nakaramdam ako ng gutom. Parang merong gustong kainin si
baby. Pumunta ako sa ref at wala akong makitang gustong kainin. Pano ba kasi, gusto
ni baby ng pizza saka spaghetti ng Jollibee.
Ayoko man na istorbohin si Sir Bryan ay napilitan pa rin ako. Hindi kasi ako
mapakali pag hindi ko napunan ang cravings ko.
Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan saka sumilip muna kung nasaan siya. Nakita
ko siyang nagla-laptop pa rin sa desk niya at parang busy pa siya.
Magagalit kaya siya pag iistorbohin ko?
Pero gusto ko talaga ng pizza at spaghetti! Ano na ang gagawin ko pag hindi
siya papayag na bumili kami? Siguro kailangan kong maging mabait sa kanya para
lumabas siya. Tama. Maglalambing ako sa kanya kahit parang nakakasuka pakinggan.
"Ahm, Sir Bryan."
Kunot noo siyang napatingin sakin. "You'll be the mother of my child, stop
calling me Sir."
Napakagat ako ng labi saka tumango na lang. Wala ako sa mood para pag debatehan
pa ang bagay na yan. Mas importante sa akin ngayon ang makakain ng gusto namin ni
baby.
"What do you want? Hurry cause I have something to do."
See? Busy siya. Baka hindi rin siya lalabas kahit sabihin ko. Pero para naman
ito sa anak niya eh. Dapat makonsensya siya.

"G-gusto ko kasi... este, ni baby ng pizza at yung


spaghetti ng Jollibee."
Napakunot ang noo niya saka tumingin sa tiyan ko. Biglang lumambot ang mukha
niya saka bumaling ulit sa mata ko.
"Cravings." Bulong niya na narinig ko naman. "Okay. I'll buy it." This time,
medyo malakas na ang pagkasabi nito sa akin.
Ngumiti ako. Ang dali lang naman pala na pakiusapan itong lalaking to eh. Akala
ko matatagalan pa ako sa pagkumbinsi. Basta kay baby ay napakabilis niya agad
umaksyon.
Tiningnan ko siyang tumayo at kinuha ang jacket niya saka nilagay ang wallet sa
bulsa ng pajama pants niya. Naghahanda na siyang umalis.
"Pwede ba akong sumama?"
Umiling siya. "It's late. Saka malamig na sa labas. I'll be quick. Just wait
here."
"Natatakam na kasi ako. Hindi na ako makapag-antay na bumalik ka." Nakanguso na
sabi ko at parang nagdadabog.
Napailing siya saka tumango. "Okay. You can come. Wear a jacket."
Bilis akong pumunta sa closet ko at nagsuot ng jacket. Hindi na ako nag-abala
pang magpalit ng damit. Pareho naman kaming naka-pajama na dalawa eh.
"Let's go." Sabi niya nung makita na akong lumabas.
Pagbaba namin sa ground floor nitong condominium ay pinagtitinginan pa kami ng
mga tao lalo na nung mga receptionists. Binati pa nila si Bryan na hindi naman
sinagot ng isa. Ang suplado talaga nito.
"Uy, bakit hindi mo pinapansin ang mga bumabati sa 'yo? Sabihin nila na snob
ka." Sabi ko nung makasakay na kami sa kotse niya.
"Am I obligated to greet them back every time they do it?"
"Oo."
"Tsk. Of course not. They do that because it's their job. They need to act
nice. But they talk behind your back when you're gone."
Kita mo to ang salbahe ng ugali. Kung anu-ano ang iniisip sa ibang tao.
"Ah, ganun. 'Yun din ba ang tingin mo sa akin dati kaya hindi ka namamansin pag
binabati ka namin?"
Saglit niya akong nilingon at napakunot pa ang noo niya. "Have you greeted me
before?"
Kitams. Hindi man lang aware.
"Oo kaya. Ilang beses na."
"Well, I didn't notice you." Sagot niya na parang hindi siya ang may kasalanan
na hindi niya ako napansin.
"Ewan ko sa 'yo." Irap ko sa kanya saka bumaling sa naka umbok kong tiyan.
Hinaplos ko ito, "Baby, wag mong manahin ang ugali ng daddy mo na snob, ha? Bad
yan."
"Lagi mo ba akong sinisiraan sa baby natin?"
"Ha? Hindi ah!" Minsan lang.
"Tssk. If my son will hate me, I will blame you. You are feeding him with lies
about me."
"Hindi kaya. Totoo lahat yun."
"See? Inamin mo rin na sinisiraan mo ko." Napapailing na sagot niya.
Hindi na lang ako sumagot dahil nahuli na naman niya ako eh kaya okay lang.
Bahala siya kung ano ang isipin niya.
Nauna kaming bumili ng pizza at pinipili niya ako kung anong flavor. Pinili ko
ang pepperoni pizza. Bumili siya ng isang box. Naubos ko ang dalawang slice nung
makarating naman kami sa Jollibee. Magsasara na sila kaya buti na lang ay nakaabot
pa kami. Kami na lang ang tao na natitira dito sa loob.
"Good evening, sir and ma'am. Can I take your order?"
"Isang jolly chickenjoy at spaghetti. Isa na ding fries, ate. Saka yung coke
float. Salamat." Bumaling ako kay Bryan, "Ikaw anong sa 'yo?"
"Nothing. Akala ko spaghetti lang ang bibilhin mo?" Takang tanong pa niya sa
akin.
"Wag ka ng magtanong. Bayaran mo na lang."
Binayaran nga niya ang order ko. Napangiti ako habang tinitingnan siya na
nakatayo sa counter at hinihintay ang order namin. Ang gwapo niya pa rin tingnan
kahit naka-pajama lang siya. Kanina ko pa nga napapansin na nagpapa-cute sa kanya
ang mga babaeng staff.
May buntis na ngang kasama ang tao pero hindi pa rin sila nahiya. Tss.
"Sir, asawa niyo?" Dinig kong tanong sa kanya ng cashier kanina. Nakaupo kasi
ako sa isa sa mga upuan pero dinig ko pa din sila sa harap.
"No."
"Girlfr—?"
"Can you please stop asking and follow up my order? My baby is hungry already."
Agad naman nataranta ang babae saka pumunta sa kasama at minadali sila. Kinuha
lahat ng order namin at saka inabot kay Bryan na medyo nanginginig pa ang kamay.
Sinungitan ba naman niya kasi. Hayyy.
Gusto ko sanang pagsabihan siya sa inasal niya kanina pero mas pinili ko na
lang na lantakan ang Jollibee ko. Kumakain ako habang siya naman ay nagdi-drive.
"You eat like a pig."
Napatigil ako sa pagkain saka sinamaan siya ng tingin. Napaka talaga niya!
"At first, nung nakita kita sa cafeteria na matakaw kumain ay akala ko ganun ka
talaga until I found out you're pregnant with my child. Does he really give you a
hard time?" Naging malambot na ang boses niya sa huli nung nagtanong na siya.
"Minsan. Pero okay lang naman. Saka normal lang naman daw to sabi ni mama sa
buntis. Saka mabait kaya ang baby natin. Hindi niya ako pinapahirapan talaga ng
sobra. Kaya tingin ko hindi talaga mana sa 'yo to."
"You are always spoiling the moment. I'm trying to make our conversation light,
but you always ruin it."
"Anong masama sa sinabi ko?"
"Nevermind. Just eat." Naiinis na sabi niya na lang sa akin saka napailing.
Hindi pa kami nakauwi sa condo niya ay nakaramdam na ako ng antok. Ang dami ko
kasing kinain. Saka late na rin kasi. Nakatulog agad ako.
"Diana, we're here." Rinig kong sabi niya pero mas nilamon ako ng antok.
lang sandali ay parang lumilipad na ako sa ere at may mga braso akong
nararamdaman sa likod ko. Sobrang antok talaga ako kaya hindi ko na lang pinansin.
"Good night, pesky woman." 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 21: Shoot

Diana's POV
Naging pansamantalang magkasundo kami ni Bryan pero hindi pa rin mawawala ang
bangayan naming dalawa. Minsan nga kailangan kong pigilan na wag siyang patulan
dahil ayoko mag-away na naman kami.
Ilang gabi na rin kaming lumalabas dahil sa cravings ko. Kung saan-saan na kami
napunta. Tapos late na kami umuuwi. Minsan na nga niya akong sinisi bakit late daw
siya nagising nung isang beses na late na talaga kaming nauwi. Na-late daw siya sa
meeting niya kinabukasan.
Sinagot ko siya na hindi ko na siya yayayain ulit lumabas kahit may gusto si
baby. Bigla namang nagbago ang isip niya at sinabihan ako na sabihin ko lang daw
siya pag may gusto si baby. At least nalaman ko kung gaano niya ka mahal ang
magiging anak namin.
"I'm leaving."
Agad kong tinigil kung ano man ang ginagawa ko saka nilingon siya. Naglalakad
na siya papunta sa pinto. Nagmamadali ata.
"Bryan."
Napahinto naman siya at hinarap ako. Halata sa mukha niya aburido siya. Well,
lagi naman eh. Kasi daw sumasakit na ang likod niya sa couch natutulog ng dalawang
linggo na. Tapos late daw lagi siya natutulog. Kaya ganun. Minsan nga nakokonsensya
ako. Gusto ko naman na sa kama na lang siya pero hindi talaga kasi ako sanay.
"Lalabas sana ako. Babalik din ako agad."
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Saan ka pupunta? Sinamahan na kitang dalawin
ang pamilya mo kahapon, ah?"
Sinamahan niya ako kahapon sa amin dahil sinabi ko na gusto ko dalawin sila
mama. Doon kami naghapunan at napatagal pa kami dahil sa kwentuhan.
"Ah, gusto ko lang sana pumunta sa mall. May gusto lang akong bilhin."
"Can't you ask the driver to buy it? Or I will ask Nate. Ano ba ang gusto mong
bilhin so I can tell him to buy it for you?"
Agad akong napailing. "Hindi. Ako na. Girl thing. Alam mo na. Personal na bagay
ang bibilhin ko kaya ako dapat ang bumili."
Totoo naman. Bibili ako ng personal hygiene kit ko dahil ubos na ang iba saka
gusto ko rin naman mamasyal dahil nababagot na ako dito mag-isa. Ako lang naman
dito buong araw dahil hapon na at minsan gabi pa umuuwi si Bryan. Wala naman akong
magawa dito sa condo niya na pwede kong ikalibang.
"Is that so? Okay I'll call the security na samahan ka."
"Bryan, bibili lang ako. Walang mangyayari sa 'kin sa mall. Madaming tao dun.
Saka si Dennise pa rin ba? Parang wala namang gagawin ang tao. Ilang linggo na pero
wala naman siya at ang ama niya na may ginagawa sa 'tin. Napa-praning ka lang ata."
"Of course she can't do anything to you because you're here inside the
building. She can't get inside here."
Napairap ako sa kanya. "Okay. Kung yan ang paniniwala mo. Pero lalabas pa rin
ako. Tawagan mo na ang bodyguard na sinasabi mo at pakisabi na lang aalis na kami
maya-maya."
Ayoko ng patulan pa ang sinasabi niya baka kung saan na naman mapunta eh. Tapos
magbago pa isip niya at hindi ako payagan na lumabas. Ayoko pa naman mabulok dito.
Kumunot ang noo niya at parang nagdududang tumitig sa akin habang kinukuha ang
phone sa bulsa niya at may pinindot saka nilagay sa tenga. Ilang sandali bago siya
nagsalita saka tumalikod sa akin at lumayo.
Hindi ko tuloy narinig ang pinag usapan nila. Pero alam ko na may binilin ito.
Sa klase ng titig niya sakin ngayon ay parang wala siyang tiwala sa akin. Eh totoo
namang bibili ako eh. Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko?

"I already called the security. Sasamahan ka nila. Don't


you dare escape cause I will make sure you can't leave this house anymore."
"Hindi nga. May bibilhin nga lang ako." Inis na sabi ko sa kanya.
"I have my eyes on you, woman." Tumalikod agad siya pagkasabi niya nun.
Dumiretso na siya sa pinto saka lumabas na.
Ang sarap niya talaga suntukin!! Arggh!!! Nakakagigil ang lalaking yun.
Hmp! Bahala siya.
Tumalikod na ako at pumunta sa kwarto. Kumuha ng pamalit saka dumiretso sa
banyo para maligo. Doon na rin ako nagbihis. Naglagay lang ako ng konting make-up.
Sabi kasi ni Bryan sakin nung isang araw ang pangit ko daw pag may maraming
make up.!
Sakto naman na pagkalabas ko ng condo unit niya ay akala ko mag isa lang akong
aalis pero nandito na pala sa labas naghihintay ang dalawa daw na sasama sa akin.
Sumakay kami ng kotse. Tahimik lang ako habang nilalakbay namin ang daan
papunta sa mall. Wala naman kasi akong gustong sabihin sa mga kasama ko dito. Ang
seryoso pa nila.
Mabuti na lang tumunog ang phone ko. Gusto ko kasi ng may makausap naman. Pero
isang text message lang pala ang natanggap ko at hindi isang tawag.
In-open ko agad para mabasa kung sino ang nagtext . Pero numero lang ang
nakalagay. Hindi ko kilala kung sino ang nagpadala ng mensahe hanggang sa mabasa ko
ang laman nito.
Look behind you.
Napakunot ang noo ko sa mensahe. Sino naman tong nagte-text sakin? Baliw ba to?
Nireplyan ko: Sino 'to?
Pero hindi agad ito nag-reply. Nagtaka naman agad ako. Sabi niya ay look behind
you daw. Eh nakasakay naman ako ng kotse. Wala namang ibang tao sa likod ko kundi
ang— natigil ako at agad na nilingon ang likod. Pilit kong tinatanaw ang kotse na
nasa likuran. Hindi ko maaninag kung sino ang nagmamaneho dahil tinted ang kotse.
"May problema po ba, ma'am?"
Tiningnan ko ang isa sa mga bodyguard na nagtataka. "Ah wala." Sagot ko saka
naupo na ng tuwid. Hinayaan ko na lang ang nagtext baka kasi wala lang itong magawa
sa buhay. Hindi naman din kasi ito nag-reply.
Nakarating kami sa mall at medyo na conscious ako dahil may ibang nakatingin sa
akin. Baka akalain nila ang yaman yaman ko para may mga nagbabantay. Baka akalain
pa nila na anak ako ng isang presidente.
"Pwede ba wag niyo na lang akong sundan? Nakakahiya sa mga tao." Bulong ko sa
dalawang lalaking nakasunod sa akin.
"Hindi pwede, ma'am. Binilin samin ni sir na wag ka naming hayaang mag-isa."
Si Bryan naman eh! Hindi talaga ako sanay sa mga kaartehan niya. Wala akong
pangarap na maging buhay reyna. Lagi na lang siya ang nagdedesisyon sa aming
dalawa. Kaya ayoko sa kanya dahil napaka-bossy niya.
"Kung ganun, pwede bang lumayo kayo sakin ng konti? Ayoko pagtinginan ng mga
tao. Mga apat na metrong layo."
"Sige ma'am. Kung yan ang gusto ninyo." Sagot nito saka dumistansya sila mula
sa akin. Mas okay na rin yan kaysa kanina.
Pumunta na ako isang store at bumili ng mga kailangan ko. Tapos ay bumili din
ako ng ibang mga gamit para kay baby. Lalaki siya kaya binili ko ito ng cute na mga
blue na damit. Naaaliw talaga ako sa pagpili ng mga gamit niya. Sobrang excited ako
maging ina. Ano kaya ang magiging itsura niya? Kamukha ko kaya ito? Sana ako na
lang at hindi si Bryan.
Namimili ako ng mga damit nung biglang nag-ring ang cellphone ko. Walang
pangalan ang lumabas. Hindi kaya ito ang ang text sa akin kanina? Sino naman kaya
ito?

Sinagot ko na ang tawag para makilala ko kung sino ba ang


nantri-trip na ito.
"Hello?"
"Hi, Diana."
Hindi pamilyar sa akin ang boses pero ang sigurado ako, babae siya.
"It's Dennise." Nanlaki ang mga mata ko. Pano niya nalaman ang number ko? "I
wanna talk to you. Find a way to get away from your stupid bodyguards."
Napatingin ako sa dalawa na ngayon ay nakatingin sa akin sa hindi kalayuan.
"Bakit ko naman po gagawin yun?"
"Oh, dear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag ako pa ang hinintay mo na
gagawa ng way para mapaalis sila." May tono ng pananakot ang boses niya. "Isa pa
may kailangan kang malaman."
"Sabihin mo na lang dito ang gusto mong sabihin, ma'am."
Hindi pwede. Personal tayong mag uusap. Kaya paalisin mo na ang dalawang yan."
Binaba ako ang tawag. Napailing ako sa kalokohan ng babaeng yun. Hindi ko
talaga inasahan na ganyan siya. Nilagay ko ang cellphone pabalik sa purse ko.
Naglakad ako papunta sa dalawang bodyguards.
"Bakit po, ma'am?"
"Ah, mga kuya. Nahihilo kasi ako. Gusto ko sana ng tubig. Pwede niyo ba akong
bilhan?"
Agad naman nataranta ang dalawa.
"Ma'am, ako na lang po ang bibili. Kailangang may maiwan sa inyong isa sa
amin." Sabi ng lalaki na sa pagka alala ko ay Paolo ang pangalan.
Tumango ako. "Sige."
Nagpaalam na itong umalis. Nag-isip ako kung paano ko naman papaalisin ang isa.
Ayoko sana na sundin ang babaeng 'yun pero gusto kong marinig ang sasabihin niya.
"Kuya Cris, sumasakit ata ang tiyan ko." Sabi ko sabay haplos sa umbok ng tiyan
ko. "Pakikuha naman po ng gamot ko sa kotse. Naiwan ko ata sa isang bag."
"Po? Eh ma'am wala pong maiiwan sa inyo. Hintayin na lang po nating makabalik
si Paolo."
Umiling ako saka umarteng nahihirapan. "Kuya, masakit na talaga. Hindi ko alam
kung kakayanin ko pa. Please po. Dito lang ako. Hihintayin ko si kuya Paolo."
Halata sa mukha niya na nagdadalawang isip siya. Hindi niya alam kung sino ang
susundin niya. Ako ba o ang bilin ni Bryan sa kanila. Ginalingan ko pa ang pag arte
ko.
Ilang sandali ay pumayag na rin siya. "Babalik po agad ako, ma'am. Dito lang po
kayo."
Tumango ako sa kanya at nakita ko na tumakbo siya palayo. Agad din akong
tumalikod at doon ko nakita si Dennise na nakatayo at nakangiti sa akin.
"Follow me."
Sinundan ko siya. Dinala niya ako sa isang lugar dito sa mall na walang tao.
Mukhang sa pinakadulo ata ito. Pumasok kasi kami sa isang pinto. Pano niya nalaman
ang parte na to?
Hinarap niya ako saka ngumisi. "I told you to abort the child. Tapos ngayon,
tumira ka na rin sa bahay ni Bryan. You're a slut. Pano mo nasikmura ang kumapit sa
boyfriend ko?"
"Boyfriend? Naalala ko po, ma'am Dennise na sinabi sakin ni Bryan na wala na
kayo."
Ngumisi siya, "And now you are calling him in first name basis. Close na kayo
agad?"
"Ma'am Dennise, sabihin niyo na lang po ang sasabihin niyo kasi hahanapin na
ako ng mga bodyguards."
Agad siyang sumeryoso. Galit siyang tumitig sa akin. "You're a thief. Ninakaw
mo lahat ng dapat ay para sakin. Bryan gives you bodyguards. Hindi man lang niya
ginawa sakin yan noon. Anong gayuma ang pinainom mo sa kanya at pati sa condo niya
ay napatira ka niya? Saang mangkukulam na pamilya ka ba galing ha??!"

Nagtagis ang bagang ko. Hindi ko kailanman man masikmura na


pati pamilya ko ay idadamay niya sa pang i-insulto niya. Nakakainis siya.
"Ma'am Dennise, hindi mangkukulam ang pamilya ko at wala akong gayuma na
ginamit kay Bryan. Kayo nga to siguro ang gumamit niyan sa kanya dahil kahit kailan
ay hindi ko maintindihan bakit sa isang katulad niyo nagkagusto si Bryan—!"
Isang malutong na sampal ang binigay niya sa akin kaya napatigil ako sa
pagsasalita.
"Bitch! Ang talas ng labi mo! Ang lakas ng loob mo na sabihin sakin yan! Anong
pinagmamalaki mo ha? Akala mo mapro-protektahan ka ng bodyguards mo? You wish!"
Sabi niya sabay mabilis na nilapitan ako at sinabunutan ang buhok ko.
"Aray!!!" Napadaing ako dahil sa masakit niyang hinila ang buhok ko. "Ma'am
Dennise, bitawan mo ko!"
"Pag sinabi kong iwan mo siya, iwan mo siya!" Sigaw niya sa akin. Hinawakan ko
ang mga kamay niya para pigilan siya sa pag sabunot sa akin. "O baka naman gusto
mong ako pa ang gumawa ng paraan para tuluyan ka ng mawala sa landas namin? Ha!"
"Aray! Ma'am Dennise, ano ba!"
Pinilit kong alisin ang kamay niya pero hindi ko ito matanggal. Ilang sandali
ay gumanti na rin ako at hinila ng malakas ang buhok niya gaya ng ginagawa niya sa
akin. Napadaing din siya sa ginawa ko.
"Bitch ka, Diana! You ruined my life! You ruined our relationship! Ikaw ang may
kasalanan bakit nangyari lahat to!"
"Hindi lang ako ang may kasalanan dito!" Gusto kong isumbat sa kanya ang alam
ko pero hindi dapat sa akin mangyari yun.
"Wala akong kasalanan! You and Bryan are the ones who are at fault here! Niloko
niyo akong dalawa! Kaya ikaw ang magbayad at ang anak mo!" Sabi niya at nilakasan
ang paghila sa buhok ko.
Dahil sa masakit ang ginagawa nito ay ginantihan ko rin siya. Hinila ko ang
buhok niya saka napa aray siya sa sakit.
"Let go of me, you bitch!!" Malakas na sabi niya at walang sabi-sabi na tinulak
ako dahilan para ma out balance ako at napatumba kasabay ng pag tukod ng kamay ko
sa sahig ay ang pagtama ng pwet ko sa sahig.
Akmang tatayo ako para sugurin siya pero napaupo lalo ako at napaatras kasabay
ng pagbilis ng puso ko at paninindig ng balahibo ko sa buong katawan nung may
kinuha siya sa bagnbiya at tinutok sa akin ang bagay na yun.
"Sige! Lumaban ka pa at hindi ako magdadalawang isip na ipuputok to sa 'yo para
mamatay ka na at ang pesteng anak mo!"
Nanigas ako. Tama si Bryan. Kaya nga ata nitong pumatay ng tao. Hindi ko
akalain na ganito siya kasama. Sana nakinig ako kay Bryan. Sana hindi kami ngayon
mapapahamak ng anak ko. Matiim akong nagdasal na sana ay hindi niya maitama ang
baril sa akin. Ayoko na may mangyari sa'min ng anak ko. Ayoko.
"B-bitawan niyo 'yan. Wag niyong ipaputok yan." Nanginginig na pakiusap ko.
Ngumiti siya ng tagumpay, "Now you turned into a scared kitten. How pathetic.
Pero pasensya ka na, Diana. I have no mercy when it comes to an enemy." Sabi niya
and cringe the gun. Bago pa niya iputok ang baril ay napapikit ako ng madiin.
Mahinang nagdadalangin na sana ay may himala na magliligtas sa akin.
"Farewell, bitch."
Madiin akong napapikit nung madinig ko ang putok ng baril. Biglang tumulo ang
mga luha ko at naging masagana. Hindi lang dahil sa narinig kong putok ng baril
kundi sa matinding takot na nadarama ko ngayon.
Pero pinakiramdaman ko muna ang sarili ko at naghahanap ng sakit sa aking
katawan pero wala akong makapa ni isa.
Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at nakita ko si Dennise na
nakaluhod sa harapan ko at hawak-hawak ang nagdurugong kamay niya. Nakita ko na rin
ang baril na hawak niya kanina na tumilapon.
"Ma'am Diana, okay lang po ba kayo? May masakit po ba sainyo, ma'am?"
Imbis na sumagot ay mas lalo akong napahagulgol.
Hindi ko alam kung mag papasalamat ba ako na nahanap nila ako at dumating sila
sa tamang oras o dapat ba akong magsisi dahil sa tinakasan ko sila para makipagkita
sa babaeng may balak pala akong patayin pati ang anak ko.
Tinulungan nila akong itayo. Kinuha nila ang bag ko na nalaglag.
"Ma'am, huminahon po kayo sa pag-iyak. Mapapasama po sa inyo 'yan. Dadalhin po
namin kayo sa hospital."
Tumango ako sa kanila. Gusto ko rin matingnan ako ng doctor. Malakas kasi ang
pagkakatama ko kanina sa sahig.
Naglalakad kami palabas nung bigla akong nakaramdam ng panghihina at buti na
lang ay nasalo ako ni Kuya Cris. Hanggang sa hindi ko na alam ang susunod na mga
nangyari.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 22: When He's Mad

Bryan's POV
I was in the middle of my meeting with our major partners and my dad when a
phone call interrupted us.
I never silent my personal phone when I'm in a meeting because all calls are
important to me. But it barely rings cause no one really disturbs me in my meeting.
But this one sounded so urgent that I needed to answer.
I excused myself to all that were here in the meeting. I stood up and went to
the corner. My dad was looking at me while I answered the phone call. Dad knew I
would never answer my phone if it wasn't important. He was also curious who would
call me.
"Hello?"
"Sir Bryan, si Paolo po ito." Paolo is one of Diana's assigned bodyguards.
"Yes, Paolo?"
I knew there's something wrong. Hindi siya tatawag sa akin if it wasn't
important. Tumakas na naman kaya si Diana? That woman.
"Sir, nandito po kami ngayon sa hospital. Nahimatay po si Ma'am Diana
pagkatapos ng pagtangkang pag tutok ng baril ni Ma'am Dennise sa kanya."
"What?" Malakas na sabi ko na kinatingin ng lahat sa akin.
"Muntik na pong barilin ni Ma'am Dennise si Ma'am Diana kung hindi kami
dumating. Pero mabuti na lang po at naunahan namin s'ya. Nabaril namin ang kamay
niya bago pa niya mabaril si Ma'am Diana."
Fear and anger overpowered me. I gritted my teeth and went berserk.
"How the hell did that happened? Whaich hospital are you in now?!!"
"S-sa St. Jude po, sir." He answered nervously. I am now trying to question
their abilities.
Pinatay ko agad ang tawag saka hinarap ang mga ka meeting na nakatingin na din
sakin, "I need to go. You guys can continue your meeting if you want." I said not
waiting for their response and left the room.
Mabilis ang paglakad ko.
"Bryan."
I stopped in my tracks when I heard my dad called me out.
"Dad, I need to go."
He frowned at me and curiosity plastered on his face. "Why? Is there something
wrong?"
"Diana is in the hospital right now. She's unconscious. Dennise pointed a gun
at her. Hindi naman daw siya tinamaan but I need to be there."
"What?! How could she do that?"
"I can't imagine too, dad. Please, dad, let me leave now."
"Okay." He nodded. "I'll go with you. I will tell your mom too so she can
come."
I can't say no to dad. Kahit na ayokong makita nila ni mommy ang galit ko but I
have no time to explain to him. Kay pumayag na lang ako.
He rode in the same car and we got off the moment we arrived there. I was
walking ahead of him as I was searching for Diana's room.
I saw the two bodyguards outside her room and I walked into them with my fist
shaking in anger. Without their expectations, my fist landed straight to their jaw.
"How dare you both let this happen! I am paying you to do your job! PAANO
NAKALAPIT SI DENNISE KAY DIANA?!!"
"Bryan, stop. Let them explain first." Inawat ako ni dad. He held my arm to
stop me.
"They need to know how mad I am, dad. They're not doing their job well! How
could they let Dennise point the gun to Diana? What if my child was killed?! Ha?!"
"Sir Bryan, pasensya na po talaga. Hindi naman namin alam na may balak pa lang
tumakas si Ma'am Diana. Inutusan niya kasi kami. Sinunod naman namin na kunin ang
gamot sa kotse kasi akala namin masakit ang tiyan niya talaga."
"And you believed her? I already warned you both that she could be handy! Now
look at what happened!"
"Bryan, anong nangyayari?"
Mom merged in. She arrived quicker than I expected. She also looked so worried.
Dad explained to her. And like me, she was also very angry.
"Where is Dennise?" She asked the two morons.
"Nandito din ho sa hospital. Nabaril kasi namin ang kamay niya." May kaba na
paliwanag ni Paolo kay mommy.
I knew she was hurt. I felt bad for her not because she was shot in her arms
but because she is about to experience hell. I already warned her to leave my child
alone. Now she attempted to kill them! She'll pay for going against me.
"How dare that woman! Tama lang ang ginawa niyo. After she get checked, I'll
make sure she will rot in jail. That's her price for attempting to kill my
grandson."
Dad told the two to leave for now. They followed dad and they left while
massaging their reddened jaws.
Mom, Dad and I went inside Diana's room. She was asleep when we went in.
"Her face is pale and her lips, too. Mukhang malaki ang epekto sa kanya ng
ginawa ni Dennise." Mom said studying her appearance.
I suddenly felt the anger inside me. How in the world would she encountered
Dennise if she just followed what I said to stick with the bodyguards? I knew she
is stubborn but how could she be this careless?
"She almost lost my son because of her stupidity." I said in gritted teeth.
"Don't say that, son. She's a woman after all and a mother of your child. She
deserves respect from you."
"How can I respect her dad when she can't even respect me and my simple
instruction? She's doing all this on purpose!"
"I don't know her personally. But looking at her now, I can say that she's a
good woman."
It's dad's first time seeing Diana. Dad is a good judge of a person's
character. He barely made mistakes. That's why he has good business partners
because he has great guts about a certain person.
"She is, Bob. That kid is the bread-winner of her family. I talked to her for a
couple of times, and yet, she's constantly nice." Mom faced me. "Leave Dennise to
us. We'll take care of her. Just focus on Diana and your son."
I nodded at her. Mom and dad told me that they have to go and visit Dennise.
Not to show sympathy but to start Dennise's punishment. Mom was so eager to have
her pay.
I looked at Diana who was still unconscious.
"I don't know what to do with you anymore. You are such a hard-headed woman. I
will never let you do things your own way this time again." I said firmly.
You don't know how scared I was knowing that my kid could be in possible
danger. Good thing nothing happened to my baby. Otherwise, I don't know how far
could I go hating her.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 23: Test His Patience

Diana's POV
Nakatingin ako sa mga taong nag-uusap sa harapan ko -- sina Bryan, Ma'am Manu,
at ang doktor ko. Agad kasi nilang tinawag ang doctor nung makita nilang nagising
na ako at agad akong tiningnan ng doctor.
"So far, she's okay. She had a minor bleeding, but thank God nothing happened
to the babies. But she has to be careful. Malaki ang impact ng pagkatumba niya. She
needs to have a bed rest for a week. By that time, the babies are back to their
usual state."
"Doc, hindi naman po dalawa ang apo ko. Bakit babies ang sinabi ninyo?" Tanong
ni Ma'am Manu. Hindi ko man lang napansin ang sinabi ng doctor na ganun.
Mas naka-focus kasi ako kay Bryan na seryosong nakikinig sa doctor. Ni hindi
niya ako magawang lingunin.
Simula kasi pag-gising ko ay ang matatalim na titig na niya ang nabungaran ko.
Galit siya sa akin at sinabi niya mismo iyon. Paano ba naman kasi, nilagay ko sa
pahamak ang anak namin. Alam ko naman na kasalanan ko to kaya nga nakokonsensya na
ako.
"Yes, Mrs Beckenham. Dalawa ang bata na nasa tiyan ni Ms. Garcia. She's
carrying twins."
Doon nakuha ng doctor ang attention ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa
kanya, "T-twins po?"
"Yes, hija." Nakangiting sagot niya.
Agad akong napahawak sa tiyan ko at napangiti ng todo. Dalawa. Dalawa ang
magiging anak ko?
"You better talk to your OB right away. She has to explain something to you.
Anyways, I have to go now since I can see that she's fine now."
Pagkatapos umalis ng doctor ay saka naman dumating ang OB-gyne ko.Tinawagan na
pala nila. Agad ako nitong tiningnan gamit ang dala niyang mga instruments.
"Yeah, she was right. Kambal nga ang anak ninyo." Pag agree nito.
Namangha talaga ako. "Paano po nangyari yun, doc? Di ba una niyong nakita ay
isa lang at lalaki ang anak namin?" Hindi ko maiwasang hindi maitanong.
"Akala ko nga rin. All along, the baby was hiding somewhere in your belly.
Siguro nga dahil sa pagkabagsak mo ay nag-iba ang posisyon nila sa loob. Lumabas
ang isang baby mula sa pagkakatago nito. Minsan nangyayari talaga 'yan. But as they
grows, they become visible. In your case, you hit the floor hard that caused the
baby to move. It could be a good thing, but could also be a bad thing. I mean,
delikado sa buntis ang kahit matumba lang. Miscarriage could always be possible."
Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Muntik na pa lang mawala sakin ang mga anak
ko. Mabuti na lang at hindi nila ako binitawan. Nakakapit pa rin sila sakin.
Pangako ko, hindi ko na ulit ilalagay sa panganib ang buhay nila.
Napatingin ako kay Bryan na ngayon ay mas masama ang tingin sa akin.
Alam ko naman ang nasa isip niya at alam ko rin na kung wala lang ang doctor
dito ay baka kanina pa niya ako sinumbatan at sinigawan. Kahit walang may nangyari
sa mga babies ay alam ko na sinisisi niya pa rin ako sa mga posibleng nangyari.
Napatikhim ako. Ayoko dagdagan ang gali niya kaya iniba ko ang usapan.
"Pareho po bang lalaki ang anak ko?" Excited na tanong ko. Hindi ako
makapaniwala na magkakaron ako ng kambal. Hindi naman talaga kasi ako may lahing
kambal.
"A girl and a boy, Ms. Garcia."
"Wow! Dalawa agad ang apo ko." Sabi ni Ma'am Manu na narito din pala.
Naluha na lang ako bigla. Hindi pa rin makapaniwala na dalawa ng nasa tiyan ko.
Kailangan kong magdoble ingat ngayon. Ayokong i-risk ang buhay ng kambal ko.

Nagpaalam ang doktor pagkatapos. Si Ma'am Manu naman ay


nagpaalam na ring aalis nung mapansin niya ang tinginan namin ni Bryan. Marahil
gusto niya kaming mag-usap. Naiwan kaming dalawa dito. Hindi pa rin mawala ang
galit niya sa mukha na nakatingin sa akin.
"You could have lost my two kids." Madiin na sabi niya sa akin na halata ang
galit.
Alam ko. Kaya nga nagsisisi ako. Buti na lang talaga walang nangyari sa kanila.
Napayuko ako. Tama naman kasi siya.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ng doctor kanina. Bed rest for a week. Sana
naman hindi mo susuwayin pati yun." Sabi niya saka tumalikod at lumabas ng kwarto
sabay malakas na binalibag ang pinto na kinagulat ko.
Galit si Bryan sa ginawa ko dahil muntik ng mawala ang mga anak namin. Paano
nga kaya kung tuluyan akong nabaril ni Ma'am Dennise? Siguro nasa lamay na ako
ngayon.
Kasalanan ko naman talaga. May karapatan siyang magalit ng ganito sa akin. Lalo
na at alam ko kung gaano ka importante sa kanya ang mga anak namin. Sila naman kasi
ang rason bakit niya ako kinupkop.
Napahawak ako sa tiyan ko sabay haplos dito. "Sorry, mga anak. Mula ngayon, mag
iingat na talaga ang mama."
Sumunod na araw ay dumalaw ang parents ko. Na- aalala sila sa akin nung malaman
nila ang nangyari pero sinabi kong okay lang ako at medyo napanatag naman sila.
Sinabi din nila sa akin na lumipat nga sila ng bahay. Tinira sila ni Bryan sa isang
safe na lugar at nagpa-pasalamat ako sa kanya dahil sa ginawa niya lalo na ngayon
at alam ko nang kaya pala talagang pumatay ng tao ni Ma'am Dennise.
Hapon nung umalis na sina mama at papa. Saka naman pumasok si Bryan sa loob.
Galing daw kasi siya sa opisina. Pinakiusapan niya sina mama na mag-stay daw muna
sakin hanggang sa makabalik siya sa hapon.
Hindi naman niya ako kinausap o tiningnan man lang. Diretso siyang umupo sa
sofa na nandito sa kwarto ko sa hospital at saka humarap sa laptop niya.
Dito siguro ulit siya matutulog gaya kagabi. Sa couch lang siya natulog at
maaga umalis para mag trabaho sa opisina.
"Bryan, pwede ka namang umuwi at magpahinga."
Tumigil siya sa ginagawa saka kunot noo na may inis na humarap sa akin. "Don't
expect me to leave you here. You do your thing there and I'll do mine here. But I'm
not leaving you since I know how hard-headed you are."
Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Mukhang wala na siyang tiwala sa akin.
Natuto naman ako eh. Hindi ko naman ipapahamak ang mga anak ko. Lalo na ngayon na
alam kong dalawa sila. Mas doble-doble ingat ako.
Bumalik siya sa ginagawa niya at saka lamang nawala ang pagkakunot ng noo niya.
Hindi ko alam kung d'yan ba siya sa sofa ulit matutulog o ano. Ang alam ko lang,
mahihirapan siya d'yan. Mas maliit yan sa couch na nasa bahay. Nahirapan na nga
siya doon, d'yan pa kaya sa maliit pa.
Nakatulog ako ng hindi niya ako pinapansin.
Kinabukasan ay gising na agad siya nung magising ako. Siguro hindi siya
nakatulog ng maayos. Sabi ko na nga ba.
Inabot niya sa akin ang breakfast ko saka bumalik siya sa pagka-upo.
"Salamat." Sabi ko sa kanya na hindi man lang siya sumagot. "Ahm, Bryan. P-
pwede na ba tayong umuwi?"
Ayoko na magalit siya pero naaawa na rin kasi ako sa kanya. Gusto kong matulog
siya ng kumportable at hindi sa masikip na sofa na andito sa kwarto.
"Are you trying to convince me?" May galit na naman sa boses niya.
Alam kong galit siya pero ang gusto ko kay Bryan ay kahit galit siya, nasikmura
niya pa rin na manatili dito kasama ko para bantayan ako. Hindi pala ako, kundi ang
kaligtasan ng mga anak niya na dala ko. Pero kahit na. Natutuwa ako kahit papaano
na nag-aalala siya.

Gusto ko lang naman na makatulog siya ulit ng mahimbing.


Ilang linggo ko ng pinagkakait sa kanya yun. Kailangan ko siyang makumbinsi na
umuwi na lang.
"Hindi kasi ako makatulog ng maayos dito. Mas gusto ko sa bahay mo na lang."
Kung kanina ay nagdududa siya sa akin, ngayon naman ay lumambot ang mukha niya.
Hindi ko alam pero nakikita ko ang concern dito. Hindi naman kasi mahirap basahin
ang reaksyon niya.
Bumuntong hininga siya saka tumayo. "Okay. I will ask the doctor if we can go
home today."
Napangiti ako sa sinagot niya. Nagpasalamat ako sa kanya sa pangalawang
pagkakataon.
Kinausap niya ang doktor nung pumunta ito sa kwarto saka naman pumayag ang
doktor na pwede naman daw akong umuwi. Basta sundin lang ang mga bilin niya na
bedrest at magiging maayos ang lahat.
Bandang hapon nung ma-discharged ako sa hospital. Si Bryan lahat ang nag-
asikaso sa lahat ng kailangan. Bilib ako kung paano siya naging hands-on sa lahat.
Kung iba yan, iuutos na siguro sa mga assistant nila.
"Bryan, dito ka na matulog." Sabay turo sa kama.
Natigilan siya sa paglapit sa couch. Nagtataka siyang lumingon sa akin na
parang hindi niya inasahan ang alok ko.
Nakapantulog na din kasi siya. Siya ang nagluto ng dinner namin kanina at siya
na ang gumawa ng lahat ng pagliligpit. Ayaw niya naman kasi akong payagan na
tulungan siya.
Nagtataka siyang tumitig sa akin.
Tumango ako sa kanya para sabihing totoo ang sinabi ko. "Dito ka na sa kama
matulog. Malaki naman ito para sa ating dalawa eh."
Umusog pa ako para bigyan siya ng space niya. Kahit nakakunot ang noo ay nakuha
niyang lumapit at tumigil sa harapan ng kama.
"Di ba hindi ka sanay na may katabi?" Tanong niya na may pagdududa.
Tumango ako. "Pero kailangan ko na sigurong masanay. Hindi naman pwedeng d'yan
ka na lang lagi sa couch eh sa bahay mo to."
"Are you doing this to save your conscience?"
Napairap ako. Kailangan talaga sabihin yan? Ayoko mainis kasi baka mag-away na
naman kami. Bakit hindi na lang kasi siya humiga na?
"Hindi. Ginagawa ko to dahil ito naman talaga dapat. Bahay mo to. Dapat lang na
nandito ka sa kama mo. Kung ayaw mo naman na katabi ako, ako na lang ang sa couch."
Hindi siya sumagot. Akmang tatayo na ako para lumipat nung bigla siyang
nagsalita.
"Let's both sleep in the bed. Gaya nga ng sabi mo, kailangan na nating masanay
pareho." Sabi niya saka nahiga na sa space na nilaan ko para sa kanya. Share kami
ng blanket pero may kanya-kanya kaming mga unan. Meron ding space sa pagitan namin.
Sapat lang para hindi kami magdikit ng katawan habang natutulog. Malaki kasi itong
kama niya.
Ilang sandali ay pinatay na niya ang ilaw at tanging lamp shade na lang ang
natitirang bukas. Pilit kong matulog na pero hindi ko magawa. Ewan ko ba kung dahil
hindi ako sanay o dahil alam ko na galit pa rin siya sakin.
Nilingon ko siya sa kanan ko. Nakapikit na ang mga mata niya pero halatang
hindi pa malalim ang tulog niya.
Nasanay ako na lagi kaming nag-uusap o kaya nagbabayangan. Laging maingay dito
ang bahay niya. Ngayon, napakatahimik na dahil wala sa amin ang nagsasalita.
Kasalanan ko naman talaga. Oo, ma-pride akong tao pero hindi kasi talaga ako
sanay na may hindi kami pagkakaunawaan at hindi kami nagpapansinan masyado. Mabuti
pa dati, lagi siyang namamansin kahit minsan nang aasar lang naman sa akin.
"Bryan.." mahinang tawag ko sa kanya.
Hindi siya sumagot o ni gumalaw man lang.
"Bryan." Ulit ko. "Sorry. Kasalanan ko ang nangyari at inaamin ko yun. Wag ka
na sanang magalit sa akin. Sorry na talaga. Hindi na talaga mauulit ito."
Alam kong naririnig niya ako. Hindi lang siya nagsalita o gumalaw.
"Patawarin mo na ako, oh. Nalulungkot din ang mga baby pag malungkot ang
parents nila. Sana bati na tayo. Makikinig na ako sa 'yo, promise. Hindi na ako
makikipagkita kay Dennise pag hindi mo alam." Sabi ko na hindi ko napigilan ang
suminghot. Naiyak na pala ako na hindi ko namalayan. Sana naman gumana na to sa
kanya.
"Stop this shit and just go to sleep." Rinig kong sagot niya. Kahit gabi na ay
kita ko pa rin siya.
"Patawarin mo muna ako."
Pinunasan ko ang mga mata ko. Nagiging emotional na naman talaga ako.
"I said sleep. The babies would like it if you do that. Don't make me mad
again." May kung anong seryoso at may kasamang authority ang pagkakasabi niya.
Gusto ko man na mag-usap kami at patawarin niya ako ay hindi ko na lang muna
pinilit. Baka mas lalo siyang magalit sa akin.
"S-Sige, good night." Sagot ko na lang na halata ang dismaya.
Kailangan kong makapag-isip ng mabuti kung paano mawala ang galit niya sa akin.
Mas gusto ko na nagbabangayan kami at least ay magkasundo pa rin.
Ayoko ng ganito na para akong multo na hindi niya nakikita at napapansin kahit
isang beses lang. Pano kaya mawala ang galit niya sakin?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 24: Falling Asleep

Diana's POV
Ang hirap pala ng ganito. Akala ko madali lang na suyuin siya. Ang hirap pala.
Isang linggo akong nag-bedrest gaya ng sabi niya. Pumupunta rin naman siya sa
opisina pero alam ko na binabantayan niya pa rin ako dahil alam kong may mga camera
siya dito para malaman kung sumusunod nga ako. Madalas na napupunta dito si Nate,
ang assistant niya para dalhan ako ng pagkain. Ayaw nga kasi niya na mapagod ako.
Sabi nga kasi ng doktor, bedrest.
Pero makalipas ang isang linggo ay ganun pa rin ang trato niya sa akin. Galit
at minsan lang talaga namamansin. Pag kailangan lang.
Kahapon bumisita dito si Ma'am Manu at nalaman ko na pinakulong nila si Ma'am
Dennise. Hindi ako natutuwa o nalungkot para sa kanya. Kahit ginawan niya ako ng
mali, hindi ko rin naman kayang ipakulong siya. Kaya hinayaan ko na sila ang mag
desisyon tungkol sa bagay na yun.
Gumising ako ng maaga ngayon para ipagluto ng breakfast si Bryan. Tulog pa rin
siya nung matapos ako. Sunod kong inayos ang susuotin niya sa opisina ngayon.
Nilagay ko iyon sa kama kung saan ako nahiga para hindi niya magusot habang
natutulog pa.
Bumalik ako sa kusina para magtimpla ng kape niya. Nakaramdam na rin ako ng
gutom kaya gumawa na rin ako ng pagkain ko. Nagtimpla lang ako ng gatas at saka
gumawa ng oatmeal. Nasa gitna ako ng pagkain nung lumabas si Bryan mula sa kwarto
at nakasuot na ng damit na prenipare ko kanina.
Napangiti ako. Akala ko pati yun ay hindi niya papansinin. May puso din naman
pala.
Agad akong tumayo at sinalubong siya. "Halika, kain ka. Nagluto ako ng agahan
mo. Kumain ka muna bago pumasok."
Tumingin siya sa akin pati sa iniwan kong pagkain sa mesa saka bumalik sa akin.
"Finish your food." Sabi niya lang saka naupo na sa mesa. Kakain naman pala
magsusungit pa muna. Napa-ngiti ako habang kinuha ang kape na tinimpla ko kanina at
binigay sa kanya.
"Mainit pa yan." Ngiting sabi ko na hindi niya man lang tiningnan. Kinuha lang
niya ang kape at ininom yun na hindi man lang ako tiningnan o pinasalamatan.
Nakanguso akong napaupo.
Ngayon na nga lang ako makakabawi sa kanya tapos hindi niya ina-appreciate.
"Stop pouting and eat your food."
Agad akong umayos ng upo. Hindi naman siya nakatingin sa akin ah? Pano niya
nalaman na naka pout ako? Tsk. Makakain na nga lang.
Ganado siyang kumain ng luto kong itlog at hotdog saka fried rice. Hindi man
lang siya nagsalita buong kainan. Tumayo lang siya pagkatapos kumain saka naghugas
ng kamay.
Nung kinuha na niya ang bag niya ay saka ako nagsalita. "Aalis ka na?" Agad na
tanong ko.
Para akong tanga na sinusundan siya at ang mga galaw niya.
"Yes." Sinusuri niya akong tiningnan. "Doesn't mean that I'm leaving, I don't
have my eyes on you. You still can't get out of this unit."
Napanguso ako. "Alam ko naman yun."
Lagi niyang pinapaalala sa 'min ang sinabi niya dati na sa oras na suwayin ko
siya ay hindi niya na ako hahayaang lumabas. Wala naman akong reklamo doon.
Napagkasunduan namin yun eh. Ang kinalulungkot ko lang ay ang pagdududa niya sa
akin at sa mga kilos ko na parang wala na siyang tiwala.
"Then good. I'm going." Seryosong sabi niya saka tumalikod na.
Walang gana kong inayos ang mga pinagkainan namin at hinugasan ang mga yun.
Nakakahina kasi ang trato sakin ni Bryan.
Wala akong magawa pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng kwarto. Wala naman
masyadong lilinisin dito kasi ang linis-linis na ng bahay. Saka bukas naman daw ang
sunod na punta ng maglilinis nito.

"Matawagan nga si Suzette."


Kinuha ko ang phone ko saka naupo sa couch dito sa sala at dinial ang number
niya.
"Suzette, kumusta?" Bungad ko nung sinagot niya ang tawag.
"Hello, Diana! Okay lang. Ikaw ba? Okay ka na ba? Maayos na ba ulit lahat sa
'yo?"
Nabalitaan niya din kasi ang nangyari saka lagi naman kaming nag-uusap. Siya
kaya ang matalik na kaibigan ko.
"Oo, okay na ako. Kumusta kayo d'yan? May balita ba?"
"Ikaw, Diana, umamin ka nga. Kami ba talaga ang kinukumusta mo o ang boss ko?"
May pang -aasar sa tono ng boses niya. "Kung si Sir Bryan ang gusto mong malaman,
hindi ko pa siya nakikita ngayon."
Napanguso ako.
"Hindi naman siya eh."
"Asus... naku, naku naku! Ikaw ha? Baka nai-inlove ka na d'yan sa kanya?
Alalahanin mo, ang mga bata lang ang pakay nun sa 'yo. Wag kang mahulog dun kung sa
tingin mo ay hindi ka naman niya kayang saluhin."
Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya at kirot sa sinabi niya. Alam ko naman
'yun pero bakit ako naaapektuhan?
Pabiro akong sumagot para matakpan ang nararamdaman ko. "Aray naman. Parang
sinabi mo na rin na hindi ako ka gusto-gusto. Maganda naman ako ah?"
"Maganda ka nga pero si Sir Bryan, iba ang hilig nun. Hindi ka niya papatulan
dahil nga classy at sexy ang mga type nun. Di ba nga dati hindi ka niya madapuan
man lang ng tingin. Nagkataon lang na nalasing siya kaya ka niya pinatulan. Sa
tingin mo ba mapapansin ka nun kung hindi dahil sa nangyaring yun?"
"Ang sakit mo naman magsalita, Suzette."
Napaka-prangka ni Suzette at sanay na ako sa kanya. Pero ewan ko ba bakit
ngayon lang ako naaapektuhan masyado sa mga sinasabi niya. Tagos kasi sa puso eh.
Saka hindi naman ako galit dahil totoo naman ang sinabi niya.
Hindi niya ako papatulan. Lasing nga naman siya nung may mangyari sa amin. Kasi
kung gusto niya ako, matagal na siyang may ginawa sa akin sa higit isang buwan na
naming magkasama sa bahay niya.
Pero wait, bakit ako naapektuhan? Hindi. Hindi ko naman din siya gusto eh.
"Pasensya ka na, Diana. Gusto ko lang i-remind ka lagi para matauhan ka nang sa
ganun ay hindi ka masaktan sa huli. Pinapaalala ko lang."
"Alam ko naman yun. Saka hindi ko naman siya gusto. May saltik kaya yang boss
mo." Sabi ko na kinatawa niya.
Magsasalita pa sana ako nung may marinig akong boses na pamilyar.
"Are you allowed to talk over the phone during working hours, Miss?"
"S-sir Bryan." Narinig ko ang utal na boses ni Suzette.
"Who are you talking to na mas importante pa sa trabaho mo ngayon?"
Ouch. Mas lalo niya lang pinamukha sa akin na hindi naman talaga ako
importante. Para sa kanya, ang mga bata at ang trabaho lang ang mas mahalaga.
"P-Po? Si... Si Diana po ang kausap ko."
Wala akong may narinig ng ilang segundo. Saka naman nagsalita si Suzette.
"Diana, tawagan kita mamaya ha? Bye na."
Naku, lagot na. Baka naman pinagalitan na siya ng masungit na Bryan na yun. Wag
naman sana mapahamak si Suzette dahil sa akin.
Wala na naman akong magawa dito kaya napag desisyunan ko na lang na matulog na
lang.
Buong hapon ata ako natulog at pagkagising ko ay saka lang rin dumating si
Bryan. Napatingin ako sa orasan at alas sais na ng gabi. Hindi pa ako nakapagluto
kaya bumangon ako agad.

Hindi man lang niya ako binati. Dumiretso agad siya sa


closet niya saka nagbihis. Saktong pagkalabas niya ay nahanda ko na ang hapunan
namin. Kahit sa pagkain ay hindi niya ako masyadong kinikibo.
Nung mag-aalas otso na ay nauna na siyang pumasok sa kwarto. Halata naman kasi
na pagod siya. Samantalang ako ay hindi man lang nakaramdam ng antok dahil
kakagising ko lang nung dumating siya.
Nanuod na lamang ako ng TV sa sala.
Siguro dalawang pelikula na ang natapos ko pero hindi pa rin ako inaantok.
Naghanap pa ako ng iba pang mapapanuod sa Netflix.
"Aren't you gonna sleep yet?"
Napatingin ako sa kay Bryan na nakalabas na pala ng kwarto. Nakakunot na naman
ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Hindi pa kasi ako inaantok."
Lumapit siya sa akin. Akala ko sasamahan niya akong manuod pero inigaw pala
nito ang remote control sa kamay ko saka pinatay ang TV.
"Doesn't mean you're not sleepy, hindi ka na matutulog. It's late and pregnant
women should not stay up late."
Napanganga ako sa sinabi niya.
Kailangan ba lahat ng sasabihan sa pagbubuntis ay kailangang sundin? Saka alam
ko naman na ang mga bata lang naman ang iniisip niya. Tama nga si Ma'am Dennise at
pati si Suzette.
"Go inside the room."
Napakagat ako ng labi at napilitang tumayo. Naging seryoso na naman kasi siya.
Pumasok na ako bago pa niya ako bugahan ng apoy.
Ngunit ilang beses na akong pabaling-baling at paikot-ikot sa kama ay hindi pa
rin ako makaramdam ng kahit isang antok. Gising na gising pa rin ang kaluluwa ko.
"Sleep now, Diana." Inis na sabi nito. Marahil ay naalibadbadan na siya sa mga
galaw ko.
"Hindi nga kasi pa ako inaantok."
"Then force yourself to sleep." Mas lalong naiinis na sabi niya.
Napanguso ako. Paano ko naman pipilitin ang sarili ko na matulog? Eh ayaw nga.
Parang tanga naman ako pag ginawa ko yun.
Pero sinunod ko ang sinabi niya at pinilit ko na ipikit ang mga mata ko. Pero
umabot lang ng kalahating oras ay wala pa rin. Gising na gising pa rin naman talaga
ang diwa ko.
"Bryan, hindi talaga ako makatulog." Agad siyang dumilat at liningon ako.
Nagpatuloy ako sa pag salita. "Kung hindi ka makatulog dahil sa paggalaw ko, doon
na lang muna ako sa labas. Manunuod muna ako hanggang sa makaramdam ako ng antok."
Hindi siya sumagot at parang pinag-aaralan niya ang mukha ko.
Hindi ko na lang hinintay na sumagot pa siya dahil napagdesisyunan ko ng
lumabas na lang muna para makatulog siya. Alam ko kasi na may trabaho pa siya
bukas.
Akmang babangon na ako ng kama, pero kinabigla ko ang biglaang paghila niya sa
mga kamay ko at hiniga ako sa tabi niya. Dinikit niya ako sa kanya at niyakap ng
isang kamay habang ang isang kamay niya ay nasa ilalim ng ulo ko. Totoo ba 'to?
Parang hindi naman siya ganito dati ah?
"I heard this can make people sleep." Sabi niya saka hinimas ang buhok ko ng
mahinahon. Hindi ko alam pero napapangiti ako sa ginagawa niya. Pakiramdam ko ay
special ako dahil sa ginagawa niya sakin. Hindi kaya gusto niya na ako? Hindi naman
ako imposible gustuhin, 'di ba? Si Suzette lang naman ang nega na nagsasabing
imposible. Well, sa pinapakita ni Bryan ngayon, sana hindi malabo na magugustuhan
ako ng isang Bryan Beckenham.
Napangiti akong napapikit. Dinadamdam ko ng mabuti ang moment na to. Baka kasi
hindi na maulit. Baka kasi ginagawa niya lang to dahil sa concern siya na hindi ako
makakatulog at pati ang anak namin ay ma apektuhan.
"Are you feeling sleepy now?" tanong niya.
Hindi ako sumagot. Napansin kong gumalaw siya pero hindi ko alam ang ginawa
niya basta ramdam kong umangat ang braso niya ng konti.
"How can you fall asleep if you're smiling?"
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Napadilat ako agad ng mga mata at
napatingin sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya at nataranta nung makita ko siyang
nakatingin sa akin ng nakakunot ang noo. Lagot. Nahuli pa ata akong kinilig dahil
sa ginawa niya. Agad akong napailing.
"H--Hindi naman ah?" Pag-deny ko.
"Tsk. Stop thinking other things and just sleep." masungit na sabi niya.
Napanguso tuloy ako at saka umayos ng higa at lumayo ng konti sa kanya.
Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Pinilit kong matulog. Nakailang minuto na
naman at ilang palit ko ng posisyon pero hindi pa rin ako makatulog. Nakakainis
naman nito. Ano ng gagawin ko? Dahil sa inis ay nagpalit ako ulit ng position sa
paghiga at nasagi ko ang mukha ni Bryan ng hindi sinasadya. Nanlaki ang mga mata ko
nung nakita ko ang pag-iba ng mood niya. Agad siyang napatingin sakin ng nakakunot
ang mga noo sa inis.
"You woman." Inis na sabi niya at napapikit ako sa takot dahil akala ko
sasaktan niya ako nung lumapit siya sa akin na may galit na mukha pero kinagulat ko
nung hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at diniin ang mga labi niya sa labi
ko na kinalaki ng mata ko. Hindi agad ako nakagalaw. Gumalaw ang mga labi niya sa
labi ko na kinaramdam ko ng kung ano sa katawan ko. Saka biglang nag-init ang
pisngi ko at tinugon ang halik niya.
Ilang minuto kaming naghalikan at muntik na akong bumigay nung hinawakan niya
ang dulo ng damit ko pero nag-ring ang telepono niya. Napatigil kami pareho.
Napatayo siya at tiningnan ang cellphone niya. Inis niyang pinatay ang tawag saka
tumingin sa akin.
"You're a tease." Sabi niya.
Napayuko ako. "H-hindi naman eh."
"Tsk." Sabi niya at bigla na lang sumampa ulit sa kama saka pumatong siya sa
ibabaw ko na ikinagulat ko. Hindi na ako nakasalita nung sinakop na naman niya ang
mga labi ko.
"Bryan..." Napa-moan ako.
Siguro dahil buntis ako kaya nakaramdam ako ng labis na pagod pagkatapos ng
ginawa namin at hindi ko napansin na napapikit na lang ako sa sobrang pagod at
antok.
Bago ako tuluyang nakatulog, narinig ko pa ang sinabi niya.
"Pesky woman." I heard his low chuckles at naramdaman kong kinabig niya ako
palapit sa kanya saka naramdaman ang bigat ng kamay niya sa katawan ko. Yun ang
huling naalala ko bago ako nakatulog na ng tuluyan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 25: Still Mad?

Diana's POV
Ano bang kagagahan ang sumanib sa akin kagabi? Ayan tuloy, nahiya ako bigla.
Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Bryan pagkatapos ng nangyari
kagabi.
Nakatitig ako sa kanya. Tulog pa rin siya. Ang sexy ng bawat paghinga niya.
Kahit sinong babae siguro papangarapin na gumising katabi siya. Pero hindi ako ang
isa sa mga babaeng yun NOON, dahil ngayon, hindi ko na alam.
Bilis akong pumikit ng mga mata nung maramdaman ko ang paggalaw niya. Mukhang
gising na ata siya.
Nagpanggap akong tulog. Pero pinakiramdaman ko pa rin siya. Gumagalaw ang kama.
Tingin ko kay nag-iinat siya.
"Sleepy head." Rinig kong sabi niya.
Umuga ang kama at naramdaman ko ang mga labi niya na pumunta sa tiyan ko.
Hinalikan niya ito saka naramdaman ko ang kumot na binalot niya sa katawan ko.
Napadilat ako ng mga mata nung bumaba siya ng kama at nakita ko na papasok na
siya sa banyo. Hindi ko maiwasan kabahan.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Malakas ang pintig nito. Gusto kong mag-mura. Bakit kasi ang pa fall niya??!
Bumangon ako saka sinuot ang mga damit ko na nakakalat sa sahig. Lumabas muna
ako para magluto ng makakain naming agahan at ang magtimpla na rin ng kape.
Kasabay ng pagtapos ko ay saka namang paglabas niya. Nakabihis na din siya.
"K-kain tayo..." nauutal na sabi ko.
Bakit ako inuutal ngayon? Parang wala lang namang nangyari kagabi dahil mukhang
normal lang naman ang kilos ng lalaki sa harapan ko.
Impossible namang hindi niya ulit naalala eh hindi naman siya lasing kagabi eh.
"I will go home late tonight."
Napatigil ako sa pagsubo ng kanin nung magsalita siya. Nagulat pa ako dahil
pinaalam niya sa akin na mala-late siya mamaya. Ibig sabihin ba nito, bati na kami?
Hindi na ba siya galit sa akin? Ayaw ko naman tanungin baka mapahiya lang ako sa
magiging sagot niya.
"Hindi ka dito magdi-dinner?"
"No."
Tumango ako. Late nga eh, Diana. Syempre hindi yan magdidinner at ikaw lang mag
isa ang kakain mamaya ng gabi. Yun-yun.
"I have to stay late at work tonight to finish something because I will be
absent tomorrow morning since it's your monthly check up, isn't it?" Sabi nito na
nakatingin sa akin.
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Buti naman sinabi niya. Mabuti din na
naalala niya kahit napaka busy niyang tao.
Napangiti ako dahil limang buwan na ang mga babies ko. Apat na buwan na lang,
lalabas na sila. Kailangan ko ng mamili ng mga gamit nila lalo na ngayon at kambal
pala sila.
Ano kaya ang magandang ipangalan?
Pero wait, kinakausap na niya ako AT hindi tipid ang mga lumalabas sa bibig
niya. Ibig sabihin ba nito...
"Bati na tayo?" Napakagat ako ng labi matapos kong tanungin ito.
Saglit siyang tumingin sa akin saka nagpatuloy sa pagkain.
Silence means yes daw sabi nila kaya yun na lang ang papaniwalaan ko.
"Titirhan na lang kita ng ulam mamaya. Anong gusto mong lutuin ko?"
Alam kong kanina pa ako tanong ng tanong para lang may pag usapan kami. Bakit
ba? Eh na-miss ko ang mag-usap kami. Baka ngayon lang 'to at mamaya pag-uwi niya
bumalik na naman ang saltik niya.

"I don't mind. You can cook any."


Tumango-tango ako. Sabi ng mommy niya, mahilig siya sa kare-kare. Yun na lang
kaya ang lutuin ko?
Nung umalis si Bryan ay saka naman ako nagsimula ng mag ligpit ng kinainan.
Pagkatapos ay tumawag ako kay Suzette. Mga ganitong oras kasi ay papasok pa
lang siya ng opisina. Alam ko kasi sabay kami dati.
Kinwento ko sa kanya na may nangyari sa amin kagabi ni Bryan.
"Ano??! Nagpagalaw ka na naman?"
"Shh! Baka marinig ka d'yan." Simangot ko. Ang ingay niya talaga kahit kailan.
"Hoy, Diana. Baka akala mo maganda yang ginagawa niyo. Hindi siya ang dehado
d'yan kundi ikaw. Bakit mahal ka ba niya para ibigay mo ang sarili mo sa kanya?
Naku, naku!"
"Suzette naman, eh. Hindi nga kasi ako makatulog kagabi kaya nga namin nagawa
yun."
"Suss! Ang sabihin niya, tigang na siya dahil wala na siyang girlfriend kaya
naman ikaw ang pinili niyang diligan kasi and'yan ka kasama niya."
"Suzette, paano kung mahulog nga ang loob niya sa akin?"
Naisip ko lang kasi, mukhang nahuhulog na ako sa kanya. Oo inaamin ko. Lalo na
nung may nangyari sa amin kagabi. Doon ko lang na-realize na ang hindi ko
maipaliwanag na nararamdaman sa kanya dati ay nabigyan ko na ng linaw. Kasi gusto
ko pag nag-uusap kami. Gusto ko pag kasama ko siya at mas gusto ko kapag
hinahawakan niya ako.
Kaya siguro lagi ko siyang sinusungitan noon dahil alam ko sa sarili ko na
hindi malayong mahulog ang loob ko Sa kanya. At nangyari na nga yun ngayon.
"Si Sir Bryan? Naku, hindi ko lang alam kung possible yang sinasabi mo. Pero sa
situation niya ngayon, malabo pa eh. Mahal na mahal nun dati si Ma'am Dennise at
alam mo yun. Ang bilis naman niya maka move on kung ganun? Basta mag ingat ka. Wag
kang mahulog ng tuluyan sa kanya. Wag muna."
Biglang natahimik ako. Nahulog na nga eh.
"Diana, nandyan ka pa ba?"
"Oo."
"Teka, natigilan ka eh. Wag mong sabihin na nahulog ka na sa kanya?"
Napakagat ako ng labi.
"Sa tingin ko, oo eh. Ang hirap naman kasing hindi."
"Ano ba yan, Diana. Mag-isip ka nga. Pano na ngayon yan? Bubuka ka na lang ng
bubuka pag gusto niya dahil sa mahal mo na siya? Kaya naman pala bumigay ka kagabi
eh."
"Suzette, anong gagawin ko?"
Hindi ko na siguro mapipigilan to dahil mas lalo lang lalala. Hindi naman
napapigilan ang puso eh. Kusa na lang ito.
"Wag na wag kang aamin sa kanya. Wag mo ring ipahalata. Hayaan mo muna siyang
maka-move on. Ayaw mo naman sigurong lumabas na tanga sa inyong dalawa 'di ba? Saka
mahirap na pag hindi ka pala niya gusto. Baka paalisin ka d'yan ng di oras."
Napaisip ako. Sabagay. Tama naman siya. Kung dati, ayoko makasama siya dito
pero ngayon, hindi ako handa na umalis.
Nagpaalam na si Suzette dahil nasa opisina na siya at baka pagalitan na naman
pag nahuling nakikipag-telebabad.
Inabala ko lang ang sarili ko sa pag aayos nung dumating ang housekeeper.
"Hello po, Ate Weng."
Nagkita na kami ilang beses na naglinis siya dito simula dito na ako tumira.
Napakabait ni Ate Weng. Lagi yang may dala sa aking pagkain lalo na nung nalaman
niyang buntis ako.
"Hello din, Ma'am Diana. May dala po akong pagkain para sa inyo."
"Naku nag-aabala naman ho kayo lagi. Salamat po talaga."
Nagsimula na siyang maglinis. Nung bandang sa kwarto na siya maglilinis ay saka
naman ako pumasok din doon. Natigilan pa ako nung may pinulot si Ate Weng sa ilalim
ng kama.
Brief yun ni Bryan!
Mabilis akong pumunta sa kanya saka kinuha iyon at tinago sa likod ko.
"Oh, Ma'am Diana? Mukhang namumutla ka ata?" May bahid na pang-aasar na
pagkasabi niya.
"Hehe ako na po ang magliligpit nito."
Nakakahiya. Baka kung ano ang isipin niya. Lalo na sa ngiti na binibigay niya
sa akin ngayon. Nagsalita ako ulit para takpan ang pagkapahiya ko.
"Si Bryan talaga napaka burara."
Mas lalo siyang ngumisi sa sinabi ko. Sinong niloko ko? Hindi burara si Bryan
at alam kong alam ni Ate Weng yan. Sa tagal ba naman niyang naglilinis dito
talagang kilala na niya si Bryan na masinop sa gamit.
Hay bahala na nga siya kung anong isipin niya. Tumalikod na lang ako.
"Bati na kayo no?" Rinig kong tanong nito.
Nakangisi siya nung hinarap ko.
"Ang mga lalaki nga naman talaga. Ang bilis lang mawala ang sama ng loob pag
hinayaan mo silang diligan ka."
"Ate, hindi kami nag-ano ha!"
Tumawa siya at napailing. "Wala akong sinasabi." Sabi niya saka bumalik na sa
paglilinis. Pero narinig ko ang tawa niya.
Namumula na ata ang pisngi ko. Lumabas na lang ako ng kwarto. Ayoko na mang-
asar pa siya lalo. Baka mapaamin ako.
Pagkatapos ng apat na oras ay natapos din ni ate Weng ang paglilinis. Niyaya ko
siyang kumain pero humindi siya. Kailangan na daw kasi niyang umalis na.
Kaya ako na lang mag-isa ang kumain ng lunch.
Ilang sandali ay tumunog ang doorbell. Baka may nakalimutan si Ate Weng kaya
bumalik o kaya baka nagbago ang isip at gusto na lang na dito mag lunch para asarin
ako lalo.
Nagmadali akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Hindi na ako sumilip pa
kung sino ang nasa labas. Baka si ate Weng rin naman.
"Ate Weng, may naka—" natigilan ako.
Hindi si ate Weng.
Sino naman kaya ito? Iba ang nasa labas ng pinto. Isang lalaki na may kaedaran
na siguro ay kaedad ni Sir Bob. Nakatingin lang ito ng seryoso sa akin at mukhang
hindi naman talaga kami magkakakilala eh. Hindi kasi siya familiar at parang hindi
ko pa siya nakita noon.
"Hello po, ano pong kailangan nila?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot at agad akong kinabahan sa klase ng titig niya sa akin.
Naroon ang galit at kung anong hindi ko maipaliwanag na damdamin. Hindi ko siya
kilala kaya mas lalo akong natakot.
"S-sino po kayo?"
Imbis na sumagot ay bigla na lang siyang may inilabas mula sa bulsa niya at
agad niyang tinakpan ng panyo na yun ang ilong ko. Nagpumiglas ako at sumigaw
ngunit walang boses na lumalabas dahil sa nakatakip sa bibig ko. Bigla akong
nakaramdam ng hilo. May kung ano sa panyo na nilagay niya at naging dalawa ang
paningin ko.
Hindi klaro sa akin ang tanawin pero nakita ko ang dalawang lalaki na kasama pa
niya at binuhat ako. Hindi na ako makapanlaban pa dahil sa nanghihina na ako.
Sino sila? Bakit nila ginagawa sakin to? Wala naman akong maalala na kaaway ko.
Kinarga nila ako papunta sa elevator at nung makapasok kami at sumarado ito ay
sabay nawalan na ako ng malay.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 26: Full Rage

Bryan's POV
"Are we done?" I asked Nate after he had me signed the paperworks.
He looked at his iPad and scrolled down his finger on the screen then looked
back at me. "Yes, sir. Tapos na po kayo for today."
"Good because I'm leaving." I said and gathered all my things from the table
and put it in my bag, "Have you delivered lunch for Diana earlier?"
"No, sir. When I called her earlier to ask her what she wants, sinabi po niyang
huwag na daw dahil may mga dalang pagkain si Weng sa kanya."
I nodded. Weng has been my housekeeper since I lived in my condo. I trust her
and she's been loyal to me. I am glad to know that she and Diana are also very
close since they met each other.
I stood up as I finished packing my things. Nate followed me as I walked
towards the door and ready to call it a day.
I grabbed my phone as I walked. She didn't leave any message for me today. She
used to ask me what time I am going home or what I want to eat for dinner. She
didn't send any messages today which is unusual.
I know that she's just bored at home that's why she would use any means to
cover up her boredness, and one of her ways is to bother me. Sanay na ako sa kanya.
The longer I am with her, the more I get to know her and get used to her. Though
sometimes I am still complaining about how messy she is.
"Did Diana call you or text you today?" I paused from walking and turned to
Nate.
"Hindi po. Wala ni kahit isa akong natanggap galing kay Ma'am Diana."
Napakunot ang noo ko but then I resumed walking while I dialed her phone
number. I noticed na nakasunod pa rin si Nate as I made my way to the elevator. I
turned to him and signaled him to just go and I'll be fine. He smiled at me and bid
goodbye, then he went back to his desk.
I frowned as I heard Diana's phone rang but no one answered. I dialed it
again... and again. But it was still the same. Walang sumasagot.
It's 8 pm and I don't think she's asleep yet. Kilala ko siya. She doesn't sleep
that early. I know I said that I'll be late. Actually, mamaya pang 10 pm sana ang
uwi ko but I finished everything early.
I have this feeling na I should go home. Diana doesn't want to be alone,
especially at night. She was scared, she said.
"Are you sleeping, woman?" I stared at my phone when She didn't answer my
calls.
She has a habit of silencing her phone when sleeping. She doesn't want to be
disturbed. But she likes disturbing me when I'm the one sleeping. That weird woman.
I gave up calling her. Maybe she's really asleep.
I went inside the elevator when it opened. As it closed, I remember what
happened last night. I was lost, inaamin ko.
Diana wasn't aware that she was being seductive.
I am a man and I couldn't stop myself from my hunger. Who wouldn't be seduced?
Heaven knows how sexy she is. At night, she doesn't wear any bra. I could notice
it. It's very obvious to tell. Her shorts are really short that any man would be
tempted seeing that long and smooth legs of hers. That's why I sleep facing away
from her. She's a temptation and maybe that's the reason why I got her pregnant. I
don't think she's oblivious about how a tempter she is.
When I was already in my car, I was thinking if I should buy something for her.
A food or something. Pambawi sa ilang araw na pagsusungit ko sa kanya. I knew I
shouldn't do it pero she needed to know how serious I was about her abiding me and
the rules of her safety.

And thank God, she's obeying me since that incident with


Dennise happened.
I decided to drop by in a Chinese restaurant closed to the office. She loved
this restaurant a lot. Dito ko siya madalas nakikita dati na kumakain nung hindi ko
pa alam na buntis siya sa anak ko. One night I remembered her telling that she was
craving for this food.
I bought three dishes and then I drove home.
I parked my car in the basement and went to the elevator straight to my condo
unit. I'm pretty sure she's going to love what I bought. I know her, simple lang
ang mga gusto niya. She's happy with the simple things.
"Diana?" I called her name when I didn't see her presence when I went in.
She's not in the kitchen nor in the living room. So I went to our bedroom. My
brows furrowed when the bed looked like nobody used it. It was freshly made and no
signs of somebody who slept in there. I went to the bathroom including her closet
but she wasn't there either.
I begun to get mad. Where could she be? Did she go out without my permission??
I thought na maliwanag na ang usapan namin na hindi siya pwedeng lumabas. She
doesn't listen!
I grabbed my phone and dialed the bodyguards number. Wala ring sumasagot. I
dialed both Cris and Paolo's numbers. Wala pa rin.
I went out of my unit and went downstairs to talk to the receptionist.
"Did you see Diana?"
Nagkatinginan ang dalawang babae sa harapan ko at sabay silang napailing.
"She's not upstairs. Imposible namang hindi niyo siya nakita kung lumabas siya?
I even told the security here to report to me whenever they see her going out pero
wala akong natanggap na tawag mula sa kanila."
"Sir, we didn't see her. Kahit tanungin niyo pa po ang mga security guards.
Alam naman namin na kailangan naming magreport sa inyo. Pero wala po talaga. Baka
nasa condo niyo lang po at pinagtataguan kayo?"
My brows furrowed. "No. I already checked every possible areas in my unit."
I waited when I called the guards. Pero pati sila ay walang nakita. I started
to feel something. Nervous and scared. I don't want to think that something
happened. Baka tumakas lang siya ulit. But she knows I will be mad if she does it
again! Kaya bakit niya uulitin?
I really have a bad feeling about this.
"How about my bodyguards? Paolo and Cris. Did you see them?"
"Huli po namin silang nakita nung kaninang lunch. Hinatid po nila yung
housekeeper ninyo sa labas. Hindi ko nga po napansin na bumalik sila dito sa loob
eh."
It got me thinking. This is getting weird. I know them. Hindi sila pabaya sa
trabaho. They would go back inside since that's their job.
Agad akong tumalikod sa kausap ko kahit hindi nagpapaalam. I went out of the
building and looked around. Nothing suspicious. Walang bakas nila. Where are they?
Ilang beses ko ginala ang paningin ko but I didn't see them. Kaya bumalik ako sa
loob ng building.
"I would like to see the CCTV inside and outside the building." I told the
receptionist. It was an order.
May kakaiba kasi akong feeling. This is not right. I really have a bad feeling
about this. None of them saw Diana went out. And none of them saw the bodyguards
went back inside after walking Weng outside.
A staff guided me to the CCTV rooms and another employee guided me through the
recordings. May mga twenty medium sized TVs sa harapan namin. Isa-isa bawat sulok
ng building. I asked them to go back from the time where my bodyguards went out.
The camera from the lobby close to the entrance of the building was rewinded.
12:30 nung hinatid nila palabas si Weng. Then another recording was rewinded
dun naman sa camera na nasa labas na ng building.
12:35 It wasn't a clear picture but I saw three men secretly pointed the gun to
two of my bodyguards back and to Weng. Parang casual lang ang paggawa nila nun para
hindi mahalata ng mga tao. Pinalakad sila papunta sa isang sulok na hindi na abot
ng camera.
Using the same camera, at 12:45, may dalawang lalaki na papasok ng building
using Cris and Paolo's uniforms.
Doon na ako kinabahan. They disguised as my hired bodyguards. Nakita pa sa
camera na inusisa sila ng guard on duty at pinakita ang logo nila na galing sa
agency na pinagkunan ko ng securities. They are impostors!
"Mukhang may ginawa sila sa bodyguards ninyo, sir. Bumalik silang suot na ang
uniporme ng mga gwardya niyo para hindi sila mapaghinalaan."
Shit. It means they could enter the building! Diana. My heart started to panick
and my hands were shaking as I remembered Diana.
"Play the video recording in front of my unit." I said in a shaky tone.
My hands continued to shake as I waited for the tech guy to play the video.
12:52 when a man rang the doorbell. How the hell did he get in? Hindi ko siya
nakita kanina sa mga videos. He appeared from nowhere!! Hindi ko makita ang mukha
dahil nakatago ito sa camera. Shit. Who the hell is he? Marami akong kilala sa
negosyo na ganyan din ang hubog ng katawan at may kaedaran.
My heart jumped when I saw Diana opened the door. Her smile faded when she saw
the man. She asked something at shit lang dahil hindi ko makita ang reaction at
mukha ng lalaki. Napaayos ako ng upo when I saw the man covered Diana's face with a
hanky and the two impostors came and grabbed Diana as she fainted in their arms.
"Fuck!" I couldn't help but to cuss.
They took them to the elevator and I didn't know what happened next because I
harshly got up from my chair.
It happened at noon! And it's already almost 9pm! How come I wasn't aware?! I
should've called her! Shit shit!
Sino sila at anong kailangan nila kay Diana?!
"AHHHHH!!!!" Napasigaw ako sa galit at tumilapon ang inupuan ko kanina. I am
mad. No. I am fuming mad.
I wasn't aware na napakuyom na ang mga kamao ko. I wanted to punch those
people's faces after what I saw.
Subukan lang nilang saktan si Diana and my children, hindi ako magdadalawang
isip na ihatid sila sa impyerno!
I grabbed my phone and dialed dad's number.
"Son, it's getting late. Any problem?"
"Dad." I said in gritted teeth and fuming in anger. "I need your help. I will
need your connections in the FBI and the army. I need a lot of them."
"Wait, what? Why?" He asked confused.
"Diana is in danger. Some idiots took her. I need to find her, dad. We need to
rescue her ASAP. My kids life will be in danger."
I heard dad cussed too.
"Anong nangyari, Bob? Bakit mukha kang galit?" I heard my mom's voice.
"Diana and your grandchildren are in danger. Kinidnap sila."
"Ano?! Sino ang may gawa nun sa kanila? Diyos ko." I heard mom's worried voice.
"Son, I will be there in a minute. Tatawagan ko na rin lahat ng kakilala kong
makakatulong sa atin. I will help you in this. Don't worry, mahahanap natin siya.
Matakot na kung sino man ang gumawa nito." Dad said in anger.
Yeah. Whoever did this, he'll pay for sure. Pagbabayarin ko siya hanggang sa
mabulok siya sa impyerno. Nobody messes with my family. Not with the Beckenhams.
But I need to act quick. Kailangan ko silang mailigtas. Ang mga anak ko. Baka
sinasaktan na nila si Diana. I will kill them if something happened to her and the
babies.
Galit ako sa gumawa nito pero hindi ko mapigilan ang pag aalala knowing that in
one wrong move, mapapahamak ko sila. Ang isipin na mawala ang mga anak ko ay
nagdidilim na ang mga paningin ko. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 27: Finding the Suspect

Bryan's POV
"Matalino ang gumawa nito, sir. Walang plate number ang kotse kung saan nila
sinakay si Ma'am Diana. Wala ring iniwan na bakas kung saan siya dinala dahil
walang camera ang mga daan na tinahak nila. Mukhang pinag-isipan nila itong mabuti
bago nila gawin."
Napamura ako. The last thing I wanna hear from them is hearing them say that it
is difficult to find a lead. At ano? Ang susunod na sasabihin nila ay hindi nila
kaya? No way! I would do anything to find her.
"So ano ang susunod na gagawin natin?" I asked trying to control my temper.
For Fs sake! Diana's missing for 25 hours already at hindi pa rin namin ma
trace kung saan siya dinala. Baka kung ano na ang ginawa nila sa kanya. This is so
frustrating. Mas lalo akong nanggigigil na patayin kung sino man ang may gawa nito.
"Hintayin na lang nating tumawag ang syndicates, sir. Gaya ng sabi niyo, kung
walang kaaway si Ma'am Diana, marahil ay pera ang habol nila sainyo. Baka mang
hingi ng ransom."
Nanlilisik na mata ko siyang tiningnan. "Are you telling me to wait and do
nothing while she and my unborn children are in danger?!! Bawat minutong lumilipas
ay nanganganib ang buhay nila! God knows kung ano ang ginagawa nila sa kanya!"
"He's right." My dad seconded the motion. "Saka, chief kung ransom ang
hinihingi nila, kanina pa sila tumawag. But that's not what happened. They are
planning something against her."
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni dad. What if... kinuha nila siya para
patayin? Ano na ang gagawin ko? Ayoko mawala ang mga anak ko. Yun ang hindi pwedeng
mangyari.
Shit! Sino ba kasi ang gagawa nito?!!
I recalled the last few months that I was with her. She has no enemy. The only
thing that happened was that incident with Dennise. Wait.
Dennise...
I looked at my dad. "Dad, where's Dennise? Is she still in jail?"
"Yes. Why do you ask? Wait... Are you telling me she is behind all these?" Dad
said surprised. Kahit ako ay ayaw ko din maniwala pero it is possible. Siya ang
huling galit na galit kay Diana. She said she'll get back to her. Ito na ba yung
sinabi niyang gaganti siya? If so, kasalanan ko kung bakit niya nagawa to. Diana is
just a victim of all these dramas.
"I hate to say it but yes, dad. She's mad at her to the point of almost killing
her. Sa tingin niyo, dad, hindi siya gaganti? We put her in jail and her hand was
shot."
"I don't know, son." Napapailing na sabi ni dad at napahilot ng sentido. "Pero
paano naman niya magagawa yun? Nasa kulungan siya. Unless if may inutusan siya."
Dad sighed. "This is too much. I didn't expect your break up with her would be this
messed up."
"I know, dad. Kasalanan ko. Ako ang nagsimula ng lahat ng to. Nadamay si Diana
because of my careless action."
"There's no point of blaming yourself, son." Mom said. "Nangyari na ang
nangyari. All we can do is to hope for the best and keep praying. Sana lang...
walang may mangyari sa kanila ng mga apo ko."
Dad hugged my mom. "We will save them."
Yes. I need to save them. Hindi ko hahayaan na mawala na lang sila sa akin.
Hindi ko pa nga nahahawakan ang mga anak ko. I dream to be the ideal father for
them.
"Where are you going, Bryan?"
I didn't turn around and kept walking instead while I answered my dad. "To find
the suspect."
I left dad, mom and the chief officers. They are doing their job while I do
mine. I just can't wait here and let a miracle happen.
I drove away and stopped in a building. I stormed out my car after I parked. I
didn't have to show my ID or anything because they know me here. I went straight to
the elevator and waited until it reached the CEO's floor.

His secretary greeted me. "Good afternoon, Mr Bryan


Beckenham."
"Is your boss here?"
She nodded. "Yes, sir."
"Okay. I'll go in."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na lang na pumasok sa loob.
Napatigil siya sa pagsusulat nung maramdaman ang presensya ko. Napakunot pa ang noo
niya saka binaba ang ballpen na hawak at tumayo.
Sinalubong niya ako. I stopped in front of him who was already glaring at me.
"What are you doing here, Bryan?" He said in a scary tone but I wasn't scared
at all.
"I need you to answer a question."
Natawa siya na parang sinasabi na nababaliw na ako. "At bakit ko naman
sasagutin ang tanong mo? Ang lakas ng loob mo na pumunta dito pagkatapos niyong
ipakulong ang anak ko. Hindi ka na nahiya."
"Tito Phillip, I just wanna know if may kinalaman ba si Dennise sa pagkakawala
ngayon ni Diana?"
Nagulat siya sa sinabi ko at napalitan iyon ng galit, "At ngayon pinag
bibintangan mo naring kidnapper ang anak ko?? How dare you, Bryan! Hindi ko sana
pinagkatiwala sa 'yo ang anak ko. Kung alam ko lang na kaya mong gawin sa kanya
lahat ng ito."
"Tito, sagutin niyo na lang hu ang tanong ko. Nasa peligro ang buhay ng mga
magiging anak ko. I need to find Diana." May diing pagkakasabi ko.
"At paano mo naman naisip na kayang gawin ni Dennise yan? At kung may kinalaman
man siya ay hindi ko alam. Isang beses ko lang siya nadalaw sa kulungan simula
makulong siya."
Sinuri ko siyang mabuti. Pinakititigan ng mabuti para malaman kung totoo ang
mga sinasabi niya.
I don't want to blame him but he could also be part of this. Hindi impossibleng
kasabwat sila ng anak niya. Sino bang ama ang hindi tutulungan ang anak nila?
"Nagsasabi ako ng totoo, Bryan. Kahit tanungin mo pa sa presinto. Kahit ako ay
galit sa ginawa ng anak ko. Pinagalitan ko siya dahil sa pinahiya niya ang pangalan
namin. Kaya bakit ako ang tinatanong mo ngayon? Wala akong kinalaman kung yan ang
iniisip mo."
I studied his face and he looked believable. I checked with the head of the
prison where Dennise is right now. He said that Dennise's father didn't come back
again after his first visit. Therefore, he's telling the truth.
"Thank you for answering, tito."
He nodded at me. "Let me know if you need anything. I'm willing to help."
"Thanks." Sabi ko saka tumalikod na.
Frustrated, I went back home.
I drove home while I was in deep thoughts even when I reached my condo.
I couldn't stop thinking about who might be the idiot who took Diana. Wala
akong mahanap na lead! Who the fuck is he???!!!
Tinapon ko ang susi na hawak ko sa couch at pabagsak na umupo. Hinilamos ko ang
mga kamay ko sa mukha. This is bullshit! For the first time, I felt so useless!
"Where the hell are you, Diana?!"
I looked around the house.
It looked and felt so empty. Empty because she wasn't here. It felt different
now. Wala na kasi yung maingay lagi dito. Wala na din ang mababangong amoy ng luto
niya na naaamoy ko pagkapasok ko pa lang ng pinto. Wala na rin ang babaeng mahilig
manuod ng TV dito sa sala. At lalo na, wala ng nagagalit sa akin.
It sounds weird because I hate it when she nags at me but right now, I'm
missing her doing that at me. Hindi naman siya sobrang tagal na tumira dito but she
filled the whole house with memories. My condo doesn't look the same anymore
without her.
I stood up and walked to my bedroom. I am so tired and I just want to sleep.
But when I laid down on the bed, my eyes went to the right corner where Diana
occupied that side. Suddenly, the memories of us the night before she got kidnapped
flashed back to me. I remember how she looked so contented and happy after we did
it.
Napailing ako. What is happening to me? Hindi naman ako ito. Diana is not my
type and I will never marry her nor asked her to be my girlfriend. She's not my
ideal woman but why does she never leave my thoughts?
My thoughts were disrupted when the phone rang. It was my phone.
Kinuha ko ito from my pocket and answered it immediately when I saw that it was
from one of the agents that I hired to find Diana.
"Hello, sir?"
"I'm listening. Go on."
"Sir, kailangan niyo pong pumunta para ma explain sa inyo ang lead namin."
With that, I didn't question him why. I just got up from my bed and put on my
jacket.
"I'll be there..." I told him and dropped the call.
I would take advantage of any clues that are available. I need to take a chance
in order to find her. Hope this one will really help us find the lead.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 28: Tracking the Suspect


Bryan's POV
"Ano na ang balita?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad kong tinanong ang
agents.
May kinuha itong isang folder at pinakita sa akin. "Nakakuha kami ng copy mula
sa presinto at dito nakalagay ang pangalan ng lahat ng mga bumisita kay Dennise
simula makulong siya doon at tama ang sinabi nila sa inyo na isang beses lang
dumalaw ang ama nito. Pero ang pinaghihinalaan namin, sir, ay ang pangalang ito."
Sabay turo niya sa pangalan na Luke Mihano. "Ilang beses siyang dumalaw sa kanya.
Kung dati kayong kasintahan ni Dennise, kakilala niyo po ba siya, sir? Isa ba
siyang kamag-anak o kaibigan?"
My brows furrowed. Wala akong matandaan na pangalang Luke Mihano. Kung tama ang
memorya ko sa apat na taon kami ay ni isang beses ay wala siyang pinakilala sa akin
na ganyan ang pangalan. Impossible naman na kapamilya niya na dinalaw siya eh
kilala ko naman ang mga malalapit niyang pamilya.
"No. I don't know him. I've never heard of his name before." I answered his
question.
Bigla akong napaisip. Sino naman kaya siya para dalawin si Dennise. Daig pa
niya si Tito Phillip kung dumalaw.
"Nalaman din namin na gusto niyang pyansahan si Dennise pero mahigpit na
biniling bawal gawin yun lalo na sa pangyayari ngayon na nawawala si Ma'am Diana."
Now I'm curious. Sino siya sa buhay ni Dennise at bakit ngayon lang siya
nagparamdam?
"I want to see that guy." Sabi ko sa kanila.
Nagtinginan silang dalawa na nasa harapan ko saka tumingin sa akin. "Hindi
pwede, sir. Ini-imbistigahan natin siya ngayon kaya hindi niyo siya pwedeng
makausap. Baka maghinala siya at kung may kinalaman nga siya, baka mabulilyaso tayo
at may gawin siyang masama sa asawa ninyo."
My face flushed. Kahit sa ganitong sitwasyon ay nakuha kong mailang. I wanted
to correct him that she isn't my wife. But that matter is not that important to be
wasting time just to talk. Diana is still in danger.
"Then, what are we going to do?"
"Meron na kaming pinadala doon na magbabantay sa labas ng presinto pati na rin
isang tauhan na nag-aaabang sa labas at handang sundan ang Luke Mihano sakaling
dumalaw siya at pagkaaalis niya."
"Okay, good. Sana meron na tayong lead. Balitaan niyo ako agad pag may bago."
"Makakaasa kayo, sir."
Hindi tumitigil si dad at pati ang mga tauhan namin na hanapin si Diana. Hindi
pa rin ako panatag dahil alam ko na nasa peligro ang buhay niya at mga anak ko.
I can't help but blame myself. Masyado akong pabaya. Hindi sapat ang security
na binigay ko sa kanya. Kasalanan ko bakit nangyari ito. I promised to protect her.
Pero ito ngayon ang nangyari. I need to take an act too. Hindi pwedeng ang mga
police lang ang hayaan kong gumawa ng paraan.
I was about to say again to the agents when my phone rang. My assistant, Nate,
called.
"Excuse me. I need to take this call." Paalam ko sa kanila saka tumayo na at
medyo lumayo. If this is about business, then they are not allowed to hear any of
it. That's the rule.
"Nate." Bungad ko.
"Sir Bryan, nagpupumilit po ang investors natin na maka-meeting kayo. Gusto na
nilang makausap kayo dahil ang iba ay aalis na daw ng bansa ngayong linggo."
Napabuntong hininga ako. Napabayaan ko na ang negosyo ko simula mawala si
Diana. I was known for being dedicated, diligent and organized. Ni hindi ko
magawang pabayaan ang trabaho ko even before na magka problema kami ni Dennise. Our
break ups didn't hinder my determination to work hard. Ngayon lang. Diana made a
big impact on my life. Just the fact the she is carrying my children makes me wanna
risk my life just to save them.
"Can you tell dad to cover me instead? Kahit isingit niya
na lang sa schedule niya. You know how busy I am now, Nate. Gawan mo na lang ng
paraan yan."
"Sige po, sir. Kakausapin ko na lang ang secretary ng daddy niyo."
"Thanks, Nate."
Binaba ko na ang tawag saka hinarap sila. "I have to go. Keep me updated."
"Opo, sir."
Lumabas na ako ng office nila at sumukay na sa kotse ko. Nung una, wala talaga
akong balak na umuwi. Nalulungkot ako pag nakikita ko ang tahimik na bahay. I don't
know why. Yan naman ang gusto ko dati. Siguro para sakin ang normal na bahay ko ay
hindi na tahimik. But I have to go home again to change my clothes.
After I changed, dumalaw ako kay Dennise.
She smiled when she saw me. "Hi babe, ang sweet mo naman. Dinalaw mo pa talaga
ako."
I keep my straight face not minding her remarks. I came here to find out
something. Alam ko na malalaman ng mga officers ang pag punta ko dito, but I don't
care. Hindi naman yung Luke ang pinuntahan ko dito but to talk to Dennise.
"Stop dreaming, Dennise. Hindi na tayo."
Nawala ang ngiti niya. Her smile faded together with her surprised eyes.
"Then bakit ngayon napadalaw ka? Huh. Kasi wala na ang babae mo kaya ngayon ako
naman ang babalikan mo, ano?" Sabi niya na galit sa umpisa tapos ngumisi sa huling
sinabi.
I knew it. She knows na nawawala si Diana eh wala naman akong may sinabi sa
kanya.
"Hindi pa ako nagtatanong pero ikaw na mismo ang nagsabi. Paano mo nalaman na
nawawala si Diana? May kinalaman ka ba dito?" I said in a mad tone.
I saw how she looked surprised. Biglang pumaskil ang kaba sa mukha niya pero
agad niya pinalitan ng kasungitan.
"At bakit ko naman hindi malalaman? Dad always keeps me updated lalo na tungkol
sa 'yo. You know naman how dad likes you for me."
She's not a good liar. Kakausap ko lang sa daddy niya kanina at halatang hindi
nito alam ang nangyayari based on his reactions. Kanina niya lang nalaman at
impossibleng nakadalaw na agad siya dito. Hindi ko nakita ang pangalan niya kanina
sa visitors list.
Ngumisi ako.
"Tell me the truth, Dennise. Don't feed me up with more lies. Baka pag napuno
ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin sa daddy mo ang pinaggagawa mo
dati. You won't like him mad, do you?" I said firmly.
"What are you talking about?" Naguguluhang tanong niya .
She doesn't have any idea of what I am talking about kasi akala niya hanggang
ngayon ay tanga pa rin akong napapa-uto niya. I need to break this to her but I
think, this is the time para sabihin sa kanya ang nalalaman ko.
"I will tell him that since then, you were cheating behind my back. You've been
seeing a guy while you're dating me. Gusto mo rin bang sabihin ko sa kanya na
nakikipagkita ka sa lalaking yun tuwing nagbre-break tayo?"
I grinned in satisfaction when I saw her faced turned pale. She looked so
nervous. Of course, hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Poor Dennise. Kahit ako
noon, I never thought na lolokohin niya ako at hahantong kami sa ganito. I never
dreamed of getting to the point of threatening her. But she asked for this.
"H-how... P-paano mo... Y-you... You knew all these all along?" Utal at
namumutlang sabi niya. I even saw her na napalunok.
"Of course. I told you, you cannot hide anything from me." I smirked. "So, are
you going to tell me already? Or gusto mong malaman ng daddy mo?" Mas lalo siyang
namutla.
"W-wala akong alam. Hindi ko alam kung nasaan siya. Maniwala ka. Please Bryan,
wag mong sabihin kay daddy. Maawa ka. Kilala mo siya. Magagalit siya sa akin." She
begged.
Napailing ako. "I have no choice, Dennise. I need Diana back."
"Wala nga akong alam! Hindi ko siya tinago, okay? Paano ko naman gagawin yun eh
nakakulong ako dito."
I looked at her and studied her face. She looked like telling the truth but at
the same time, I wasn't convinced.
Malalaman ko rin.
I stood up. "I have to go now."
"Sasabihin mo pa rin ba kay daddy?" She said that made me stop.
Liningon ko siya and I can see how worried she is. Since then, alam ko ng takot
siya magalit ang daddy niya. She's always been so obedient to him. Kaya nga humanga
ako sakanya kasi mahal niya ang daddy niya. Nakikita ko ang respeto at takot niya
para sa dad niya.
I didn't answer. I just looked at her. And without saying anything, I turned
around and left the place.
I was about to enter my car when my phone suddenly beeped.
I opened a text message na walang pangalan kung kanino galing.
It's a video.
My eyes dropped and my heart started to beat fast as I watched the person who
was on it. It's Diana. She's crying. Nakita ko na namamaga ang mga mata niya
kakaiyak. May sugat siya sa gilid ng labi. Shit. Sinasaktan siya nila!!
Napakuyom ako ng kamao.
How dare them hurt her! Ano bang kailangan nila?! Bullshit!
Mas lalo akong nagalit nung makita ko sa video na sinampal ng isang lalaki ang
kamay si Diana. Hindi nito pinakita ang mukha. Tanging si Diana lang ang nakikita
ko at naririnig ang mga iyak niya. My heart crashed and I became furious. I want to
kill them all!
"Please, maawa kayo sakin. Maawa kayo sa mga anak ko." She said crying. Her
voice was also shaking.
I couldn't contain what I was feeling. She's suffering from these idiots!
Inangat ko ang ulo ko at nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
I knew it.
Kung hindi si Dennise ang may pakana nito. Marahil ay konektado sa kanya ang
gumawa nito. Siguro nalaman niya ang pag bisita ko kaya agad niya akong pinadalhan
ng video.
Nandito lang sila sa paligid. And they're drying to scare me. Fuck them! Hindi
ako natatakot.
I will make sure they will pay for this.
I need to tell this to the officers. Kailangan nilang e trace ang
pinanggalingan ng video. Maybe this could help in tracking the suspect.
"Hide now, idiots." I murmured angrily and hopped in to my car. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 29: Confirmed

Bryan's POV
"Si Luke Mihano nga, sir."
Napakuyom ako ng kamay sabay nag-igting ang panga sa narinig ko. Siya ang
kumuha kay Diana. Siya ang lalaking nag send sa akin ng video kanina. That idiot.
We hired the best and high end investigators in the country. They also belong
to high class facilities na may mga taong bihasa sa iba't-ibang bagay like hacking
and tracing syndicates.
He's really an idiot. He used his own number to send me a video. What a smart
mind he has.
"Gaya ng sabi niyo, sir, hindi niyo siya kilala at never niyo pang nakita. Ang
alam lang natin ay siya ang palaging bumibisita kay Dennise. Maaaring konektado ang
dalawa at parehong sangkot dito. Tiningnan na namin ang CCTV ng presinto at nakuha
na namin kung una ang itsura ng Luke Mihano. Mas madali na siyang hanapin ngayon."
I am so disappointed at Dennise. How could she lie to over and over again?
She's really good at it. Napaikot niya ako ng ilang beses. Mas lalong nadagdagdan
ang galit ko sa kanya.
Hindi ako tanga not to think na ang Luke Mihano na dumadalaw sa kanya at ang
lalaking tinago niya sa akin na karelasyon ay iisa lamang. All along, they're both
behind this.
I can't wait to make them pay for what they are doing to my life.
"Gawin niyo lahat ng makakaya niyo para mapadali ang paghahanap sa kanya." I
said in a gritted teeth.
He nodded at me. "Yes, sir. May isa na kaming agent na pinadala para sundan
siya sa susunod na dumalaw siya sa presinto. Ng sa ganun, matunton natin ang
pinagtataguan nila kay Ma'am Diana."
My anger subsided as he mentioned Diana. God. She's suffering so much by now.
May kung anong sakit akong nararamdaman seeing her got bitten by those idiots.
"Okay, officer. I will double the payment pag naibalik niyo si Diana at ang mga
anak ko ng ligtas."
I'm desperate. I need to do this para mas ganahan silang gawin ang trabaho. Ito
ang isa sa mga naisip ko para mapabilis ang paghahanap at mailayo ko si Diana at
mga anak ko sa mas marami pang pananakit.
I drove to my parents house.
Hindi ko kayang umuwi sa bahay ko. It's not the same anymore.
When I got in, the maid approached me.
"Magandang gabi po, Sir Bryan. Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng dinner?"
"Kumain na ba sina mommy at dad?"
"Opo." Tumatangong sagot niya.
"Thanks. I'm fine. Hindi na 'ko kakain." I said and went to the bar to get some
drinks and drown myself in alcohol.
Eating used to be my favorite thing. Diana cooks delicious food at home. There
were no dull moment while eating with her cause she never runs out of words to
speak.
I poured a Vodka in my glass for the third time and drank all of it then poured
again.
"Gusto mo pa lang magpakalasing pero hindi mo ako niyaya." Dad said half-
smiling.
I looked at him and laughed a little. "Dad."
He sat on the chair adjacent to mine. He also poured some Vodka in the glass
that he just took. I watched him as he drank some of it. He then looked at me.
"I know what you are feeling, son. You don't have to be alone in this. Sabi
naman namin sa 'yo ng mommy mo na nandito lang kami. Tapos ngayon umiinom ka ng
hindi nagyayaya. You know you can always open up to me." He said smiling at me but
with a sad smile.
I drank my drink and swallowed it.
"Sobrang sakit pala, dad. Mas masakit kaysa nung nalaman ko na niloloko ako ni
Dennise. Knowing that my unborn children are at stake kills me. At ang mas masakit,
ako ang may kasalanan bakit sila nalagay sa ganito. Diana has nothing to do with
this. Nadamay siya. Dinamay nila siya. Sana ako na lang ang kinuha nila at hindi
ang mag iina." A tear dropped from my eyes. I couldn't even look at my dad.
He patted my back. "Don't say that, son. Hindi mo kasalanan. Hindi mo naman
ginusto ito. But I know, you will have them back. I know na babalikan ka nila. You
are a brave man kaya hanga ako sa 'yo. And I know, your babies are the same as you.
Brave and will fight to live and look forward to see their brave father."
"Sana lang, dad. Because I wouldn't live if I lose them." I smiled at my dad as
I wiped my tears, "Thanks, dad."
Dad lifted his glass and he signaled me to cheers with him, so I did.
Dad and I were still drinking when my phone rang. I quickly answered especially
it's a call from the officer.
"Hello?"
"Sir Bryan, nahanap na namin ang pinagtataguan nila. Sinundan siya ng tauhan
namin. He confirmed that Ma'am Diana is inside the house. Magpapadala na kami
ngayon ng mga tauhan doon. Gaya ng gusto po ninyo, ililigtas namin agad si Ma'am."
Biglang nabuhayan ang dibdib ko sa narinig. May pag-asa akong nakapa.
I looked at dad and his eyebrows were wrinkled as if asking me what's going on.
"Where is it, officer? Susunod ako sa lugar na yun."
"Hindi po kayo pwedeng sumama, sir. Magtiwala lang po kayo sa amin. Kami na po
ang bahala."
"But I need to help. I want to save her."
"Hindi talaga pwede, sir. Delikado pag sumama kayo. Kung gusto niyo po,
hintayin niyo kami sa opisina."
I want to protest but they are right. Baka mabulilyaso at masira ko lang ang
plano nila pag sumama pa ako.
"Okay. But please, bring Luke Mihano alive." I said and ended the call.
I stood up.
"What happened, son? And where are you going?"
"They found Diana, dad."
Dad's face glowed.
"Sasama ako." He said.
Hindi na ako sumagot pa at hinayaan siyang sumama. Sumakay siya sa passenger
seat. Dad and I approached the officer's building in just a matter of 15 minutes.
Agad kaming bumaba at pumunta sa loob ng gusali.
Sinalubong kami ng mga ilang agents. Dinala nila kami sa isang kwarto at doon
ma- antay. Kasama namin ang isa ding agent na nakikipag usap sa kasamahan niyang
sumugod doon sa hide out gamit ang talkie niya. Narinig ko kung saan ang operation
nila.
Nakikinig lang ako sa kanila. But my heart is raising in fear. Hindi pa nila
naliligtas si Diana.
We waited for another hour pero wala pa rin. Naiinip na ako. Pano pag hindi
sila nagtagumpay? Paano kung wala na si Diana bago pa nila mailigtas?
Ang daming pumapasok sa isipan ko pero isa lang ang gustong gawin ko, I cannot
just sit here and wait.
I grabbed my keys and walked out.
I ignored my dad. He will just stop me. I walked faster para hindi na niya ako
maabutan.
"Bryan! Come back here, son!"
No, dad. Waiting for another hour would kill me. I needed to act. I couldn't
just wait and got disappointed in the end and regret knowing I could've done
something to help save her.
I went to my car and drove it as fast as I could.
"Hold on, Diana. I'm coming."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 30: To The Rescue

Bryan's POV
Nakarating ako sa lugar na kung saan ang hideout nila. I saw the police's cars
parked across the street in front of an old house. I stopped my car a few meters
away from theirs. Paglabas ko ng kotse ay nakarinig ako nga mga putok. Mas lalo
akong kinabahan for her.
I walked close to the place. Pero may isang police na humarang sa akin.
"Bawal po kayong pumasok, sir. Delikado po."
"Then what do you want me to do here? Stand and wait?! She's in danger!"
"Mas lalo po siyang malalagay sa kapahamakan pag pinuntahan niyo siya kasi
mahahati ang attention namin at dalawa na kayo ang kailangan protektahan. Hayaan
niyo lang kami, sir. Alam po namin ang aming ginagawa." He said it politely but I
felt agitated.
"No, I have to go!" I said to him and ran as fast as I could to get inside the
building.
I could hear them calling my name but I didn't bother to listen. I just
continued to walk to the main gate. I saw a policeman fired the gun to the guy who
was about to pull his trigger. The guy's body fell on the floor lifeless.
I hurried to the guy's body and took his firearm. I needed protection for
myself.
"Sir! Bumalik po kayo!" Sabi nung pulis na bumaril sa lalaki.
Pero gaya kanina, hindi ako nakinig. I went pass the main gate and went to the
front door. I saw a lot of lifeless bodies on the floor.
"Ahhhh!!!"
Umangat ang paningin ko mula sa mga katawan ng mga lalaking walang buhay
patungo sa taas ng pinanggalingan na sigaw.
It's Diana!
Mabilis kong tinahak ang hagdan paakyat kung saan nanggaling ang boses niya.
Tumakbo ako at may nakasalubong akong kalaban. Mabilis kong tinutok sa kanya ang
baril ko at pinutok. Tinamaan ang dibdib niya at humandusay sa sahig. I ran fast
again and searched on the entire floor. I walked more and stopped when I saw two
policemen pointing a gun to a guy who was holding Diana.
The guy grinned when he saw me. "Bryan Beckenham." Tumawa siya. "Sa wakas
nagkaharap na rin tayong dalawa."
Sinamaan ko siya ng tingin. He's the one. Siya nga yung lalaki na pinakita sa
'kin ng investigator ko dati. Siya at si Dennise ang nanloko sa akin. How dare him
do this crap.
"Luke Mihano." I uttered his name angrily.
Tumawa na naman ulit siya. "Ako nga." Sabay ngisi niya. "Mabuti naman at kilala
mo ko."
Sinamaan ko siya ng tingin at tinutok ang baril sa kanya. "You're an idiot.
Akala niyo ni Dennise ay maloloko niyo ako!"
"Sige! Subukan mong iputok yan at ipuputok ko ang baril ko sa babaeng 'to!!"
Sigaw niya at mas lalo pang sinakal si Diana gamit ang braso niya. Hawak niya ito
sa leeg. I saw Diana squeaked in pain.
Biglang nabawasan ang galit ko as I saw how much pain she is. Ngayon ko lang
nakita ng maayos ang itsura niya. Her lips and eyes are swollen. May mga pasa din
siya sa braso. I gritted my teeth seeing her. Then looked at her tummy. It's still
huge. My babies are still there.
"Let go of her."
"Anong akala mo sakin? Tanga?!" He laughed again. This guy's crazy!
"Pinaghirapan kong kunin siya para pahirapan at patayin tapos papakawalan ko lang?"
Diana cried harder. I looked at her again with pitiful eyes. I promised myself
to save her. I will then take her away and promise not to let her experience this
ever again.

"Why are you doing this?" This time, mahinang boses ang
lumabas sakin. I felt bad that Diana had been through all these because of me.
"Hindi mo alam? Gusto ko lang maging patas! Lahat na lang nasa 'yo na! Kaya
maganda kung kunin ko ang iba sa 'yo para pareho na tayo!"
"What are you talking about?"
"Dennise is my girlfriend! Inagaw mo siya sa 'kin! You even fucked her!" He
said angrily. "Umpisa pa lang, ayaw na sa akin ng ama niya. Kasi sabi niya, hindi
ako galing sa mayamang pamilya, na hindi ko siya kayang buhayin at kahiya-hiya lang
ako para sa pamilya nila! To the point na kailangan pa naming itago ni Dennise ang
relasyon namin sa ama niya dahil binalaan niya akong papatayin pag hindi ko
hiniwalayan siya at ipaubaya sa 'yo! Si Dennise lang ang babaeng tumanggap sakin at
minahal ako tapos inagaw mo pa! Gago!"
Napailing ako ng ilang beses. "I didn't know that. Hindi ko alam kung anong
meron kayo bago pa maging kami."
"Syempre hindi mo alam! Kasi hindi mo pwedeng malaman dahil baka hiwalayan mo
siya! At pag nangyari yun, magagalit ang ama niya at papatayin ako! Itataboy niya
si Dennise at papahirapan! Ayaw ni Dennise mangyari yun kaya pinatulan kanya para
sa ama niya!"
"Hindi ganun si tito Phil—"
"Ganun siya! Hindi mo kilala ang totoong Philip. Hindi siya mabait gaya ng
iniisip mo." May sobrang galit sa mukha niya. I can say na ang laki ng sama ng loob
niya at may pinaghuhugutan siyang sakit. "Napakatanga mo, Beckenham. Hindi mo pa
rin napapansin na ginagamit ka lang niya. Gusto niyang kayo ni Dennise para mas
lalong sumikat siya at ang kompanya niya. Ginagamit niya ang pangalan niyo para mas
dumami ang salapi niya. At ngayon nagsisimula pa lang siya. Mabait pa rin siya sa
'yo ngayon dahil kailangan ka pa niya. Ang tanga-tanga mo! Niloloko ka na, hindi mo
pa rin alam!"
Diniin ko ang pagtutok ng baril sa kanya. His remarks made me mad as hell!
Hindi ako papayag na lokohin ng mag-ama, kung tama nga ang sinabi niya. But calling
me na tanga made me really mad. Pero paano kung pinapaikot lang ako nito at
binabaliktad niya ang sitwasyon?
"At bakit nadamay si Diana dito? Anong kinalaman niya at ginawa mo to sa
kanya?"
"Siya ang isa sa mga bagay na gusto kong kunin sa 'yo! You couldn't have
everything, Beckenham! Hindi pwedeng nasa 'yo lahat! And this woman..." sabay turo
kay Diana. "she hurts Dennise! She's the reason why Dennise is in jail and has
wounded hand! She has to pay for what she did!"
I saw how Diana's eye panicked in surprised as she heard him.
"Please, no! Wag mo siyang saktan. Sa akin ka lang naman galit, 'di ba? Bakit
hindi ako ang pahirapan mo? Wag siya."
He shook his head, "Hindi pwedeng ikaw. Kailangan ka pa namin. Kailangan ka pa
namin para magpanggap na girlfriend mo si Dennise habang ginagawan namin ng paraan
na makuha ang pera ni Philip at ng makalayo na kami ni Dennise. At para magawa
namin yan, I need to get rid of this woman. Ginulo niya ang situation. Kung hindi
siya nagpabuntis sa 'yo, inuuto ka pa rin sana namin ngayon!. Ginamit para hindi
mag hinala ang ama ni Dennise na may relasyon pa kami ng anak niya at paunti-unti
naming inuubos ang pera niya!"
I grit my teeth. They're evil. Hindi ko akalain na all these years ay
pinagplanuhan nila ako. Pinaikot nila ako sa mga kamay nila. I hate them. And no.
Hindi ko hahayaan na mawala si Diana. She is the reason why I woke up from all
their plots against me. Kung sa kanila, panira siya. Sa akin, she saved me.
But I need to calm down. Ayokong mas lalo siyang magalit at isang putok niya
lang ay tatamaan na si Diana ng bala ng baril na nakatutok sa noo niya.
"You don't have to do this. Pakawalan mo si Diana. Kakausapin ko si Tito Philip
na hayaan na lang kayo ni Dennise."
Tumawa siya na nakaka insulto. "At sa tingin mo makikinig siya sa 'yo?" Tumawa
ulit siya, "Hindi nakikinig kahit kanino yun! Si Dennise nga na anak niya ay kaya
niyang saktan. Pinilit niya pang ibigay ang sarili sa 'yo para sa pansarili niyang
hangarin! Wag kang magulat pagkatapos ng lahat ng to, ibabaon ka niya sa hukay;
ikaw, ang pamilya mo at pati ang companya mo. Tuso siya!"
I can't believe all these. Tito Philip is planning something behind our backs
all along? But no, I won't let him.
I need to think clearly to get Diana out of here safely.
"Papayag akong magpagamit sainyo. Just please... let go of Diana."
"Bryan, hindi! Wag kang papayag sa gusto nila!" Diana shouted at me.
Umiling ako. "I need to do this for the babies."
I saw hurt in her eyes and I didn't know the reason why. Because of what I said
or because of the thought that I will let them use me?
"Ang tanga mo nga! Hindi mo na naiintindihan ang sinabi niya?! Hindi niya ako
papakawalan dahil hadlang ako sa plano nila! Papatayin pa rin nila ako! Wag kang
maniwala sa kanya!" Galit na sabi niya.
How could she still even manage to fight with me sa ganitong sitwasyon? This
woman is really impossible.
I shook my head at her and faced Luke.
"Pakawalan mo siya. Papayag na ako."
Ngumisi siya sa akin. Ilang segundo pa bago siya magsalita. Marahil pinag
iisipan ang sinabi ko. I just hope I have convinced him.
"Sabihin mo sa mga kasama mong ibaba ang baril nila at papakawalan ko ang
babaeng 'to."
I smiled at what he said. I convinced him.
Hinarap ko ang dalawang police kanina at pati na ang isa na sumunod din pala sa
akin. "Ibaba niyo ang mga baril niyo." Utos ko.
"Sir..." nag-aalalang sabi nila.
I nodded. "Just put down your guns." I said firmly. Medyo nag-aalangan sila
pero after a few seconds, they slowly put down their guns.
"I followed what you said. It's your turn to do me a favor." I told him when I
looked at him.
He smirked again. I thought hindi siya susunod sa kasunduan but then I sighed
in relief when he slowly loosen his grip on Diana. She caught her breath and looked
at me.
"Come here..." I told her when our eyes met.
She obliged and walked towards me slowly. Every step of her felt like an hour.
Hindi na ako makapaghintay so I met her half way. But when I was just a few steps
away from her, I saw in my peripheral vision that Luke held his gun and pointed it
on Diana's back. My reflexes told me to run toward Diana quickly and grabbed her
away. Kasabay ng paghila ko kay Diana ay ang pagputok ng baril niya. I heard Diana
squeaked. Bigla akong kinabahan.
Nakarinig ako ulit ng isa pang putok at isa pa. Hindi ko na alam kung ano ang
nangyayari dahil ang attention ko ay na kay Diana na nanlalaki ang mga mata. I
looked at her eyes and I saw pain. She leaned heavily on me. I began to panic.
"Diana!" I pulled her away from my body to check on her.
I saw her shoulders bleed. My eyes widen. Natamaan siya sa balikat! I thought I
was successful in moving her away from the bullet. But still, natamaan pa rin siya.
That idiot! Hindi marunong tumupad sa usapan.
I angrily faced him but to my surprise, he's already lying on the floor. The
policemen must've shoot him.
"Sir, kailangan na nating dalhin si Ma'am Diana sa hospital. Madami na ang dugo
na lumalabas sa kanya baka mapaano siya at ang bata." Sabi ng isang police.
Doon bumalik ang attention ko kay Diana. Her eyes are half close.
"Diana! I will take you to the hospital. Please don't close your eyes. You need
to fight for the babies. Please, don't." I said with tears in my eyes and quickly
carried her in my arms.
"B-Bryan... P-Pasensya ka na k-kung.. may mangyari s—sa babies..." nahihirapang
sabi niya. "P-Promise.. Ginawa ko l—lahat para protektahan sila.."
I nodded at her. "I know you did." I said half running towards outside.
"S—Sorry.."
Napailing ako. No, she doesn't have a fault. Wala siyang kasalanan dito.
Sinakay ko siya agad sa ambulance na nasa labas. The moment the paramedics
grabbed her and put her on the stretcher, her hand slowly loosened its grip on me.
Mas lalo akong kinabahan. Diana, please, no. Lumaban ka. I prayed to heaven na wag
siyang kunin. I need them. Babawi pako sa kanya.
"Diana!!" I cried as I saw her closed her eyes at kasabay nun ng pagbagsak ng
kamay niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 31: Babies No More


Bryan's POV
"I'm so sorry, son."
Napailing ako. My mom wants me back. She knows ayoko pang bumalik. I am still
not over of what happened three years ago. It was the worst nightmare.
"Mom, is there no other solution? Bakit ngayon pa? You know na okay na ako
dito."
"I know. Kaya nga nagdadalawang isip din ako na sabihin sa 'yo to at pauwiin
ka. But your dad needs you. He can't do this alone. Ikaw lang ang inaasahan niya sa
ganitong bagay na tutulong sa kanya."
I sighed deeply. "Mom, you know how much I wanna help dad, but the situation
now is different. Pero tumutulong pa rin naman ako sa business from here."
"Oo nga pero iba pag nandito ka talaga dahil nakikita mo lahat ng nangyayari.
You are good, son. We need your expertise. Hindi na kaya ng daddy mo na gawin
lahat. He's not getting any younger. He needs help from you to run the business
lalo na ngayon na nagka problema sa company."
I could sense sadness from mom's voice when she said the last part. I suddenly
felt worried.
"Bakit, mom? What's wrong? Ano ang problema ngayon ng company??"
"Son... Nalulugi na ang company."
Nagtaka ako at nagulat. How? I mean. Kahit malayo ako ay inaasikaso ko pa rin
naman ang negosyo namin. How come it's getting bankrupt? Hindi pwede.
"Paano nangyari yan, mom? Me and dad were always making sure that everything is
done well and perfectly. Wala naman akong narinig na balita na ganyan?"
"Son, you've been away for three years. Hindi na natututukan lahat simula
umalis ka. That's why we need you here, anak. Please go home now. Let's just forget
what happened and let us all move on."
I shook my head in disagreement. "How could I move on, mom? That was almost the
end of my life. I thought I was already dying."
"Son, I understand you. Naging mahirap din sa 'min na makita kang nahihirapan
kaya pumayag kami na umalis ka. But I guess, tama na ang tatlong taon. Bumalik ka
na." Mom said with finality and she ended the call.
I sighed.
Napahilot ako ng sentido. Hindi pa ako handang bumalik. I don't want to risk
again.
I sat on the couch and remembered the last thing I watched before leaving the
Philippines. It was a hard choice but I had to do it.
Naalala ko ang napanuod kong balita noon:
"Bryan Beckenham, aalis ng bansa at iiwan ang negosyo nila ng kanilang ama
dahil sa di umano'y trahedya na hanggang ngayon ay ayaw ipaalam ng kanyang pamilya.
Pero marami ang nagsasabi na nawalan daw ito ng mahal sa buhay kaya ito nagluluksa
at basta na lamang aalis."
Matagal na ang balitang yun pero naiinis pa rin ako pag naaalala ko ito.
Whoever came up with that story was obviously pathetic to get a scoop. But I hate
them cause they made me feel the regret that I used to felt again. Kasi hanggang
ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari. I was the reason why it all
happened.
Dumating sa point na ang dating ako na malakas ang loob at lahat na lang ay
hindi ko kintatakutan ay naglaho na lang. I begun to question myself. And now, I
realized that even I have all the wealth in this world, I could not guarantee that
the lives of my loved one are always safe. I need to be cautious about everything.
I don't want the same incident to happen again.
I stood up from the couch and went outside the room. I was done doing my work
and I needed to grab some fresh air.
I went downstairs.
My problems were gone in an instant when I saw a figure
standing in the living room and her eyebrows were raised.
"Galit ka na naman."
Napailing siya at saka ako na ang sinamaan niya ng tingin.
"Nakakainis itong mga anak mo. Hindi sila nakikinig. Ikaw na nga ang magbantay
sa kanila at magluluto pa ko."
I laughed a little hearing her complaints. I looked at my two angels who were
busy playing in the carpeted floor here in the living room -not minding their mom's
anger.
"Hi my babies!"
Agad silang dalawa napatigil sa paglalaro at liningon ako. Biglang natuwa ang
mga mukha nila ng makita ako at nag u- unahang tumakbo papunta sa akin at yumakap.
"Daddy!" Sabi nila habang naka lingkis ang mga maliliit na braso sa hita ko.
"Are you done working, daddy?" My little angel, Hennessy, asked me with cheerful
eyes.
I nodded at her. "Yes, my baby."
"So you can play with us now, dad?" Holden, my baby boy, asked.
I nodded again.
"Yayy!!!" They both looked happy and they even clapped their hands.
Diana shook her head. "Ayan, d'yan magaling yang mga anak mo. Ang utuin ka.
Masyado mo silang ini-ispoiled. Kaya tuloy hindi sila nakikinig sa akin."
"Babies, mommy said you both are not listening to her. Is that true?"
Mabilis silang umiling. " No, dad. We are good boy and good girl."
Napangiti ako saka hinalikan silang dalawa sa pisngi. My cute angels. I am so
happy and blessed that in spite of what happened. They survived the tragedy. I
almost lost them three years ago. Diana was having a major bleeding. The doctor
asked for a blood transfusion and luckily, she got a blood donor right away. But
then she was in comatose for a month. The doctor said the babies in her tummy were
getting less nutrients. They would die if Diana was not gonna wake up sooner. Thank
heaven that she woke up before the babies gave up. I was the happiest. From then
on, I promised to protect her. I made a quick decision to go abroad, away from all
the possible harm. I wanted to protect them. I was given a chance to have them and
I would not waste that chance. I would do everything for them. So we stayed here in
Australia for three years now. She gave birth here also to my two angels.
Diana's POV
"Galit ka na naman." Inis na sabi ni Bryan.
Pano ako hindi magagalit eh ang kukulit nitong mga anak ko na sa lahat ba naman
ng na mana nilang ugali ay ugali ko pa na matigas ang ulo. Palabiro din sila at
napaka madaldal gaya ko. Wala silang ugali na nakuha kay Bryan. Well, wala pa naman
akong napapansin. Ang tanging obvious pa lang ay ang mukha nila na hindi
mapagkakaila na anak nga niya ang mga ito.
"No, dad. We are good boy and good girl."
Umingos ako. Ang lambing nila sa daddy nila. Malambing din naman sila sa akin
pero kasi sa akin hindi sila takot. Kay Bryan sila mas takot pag nagalit ito kasi
naman super nakakatakot naman talaga siya magalit pero bihira lang talaga siya
magalit sa nga bata.
"Ewan ko sa inyong mag-aama. Magluluto na ko." Sabi ko sa kanila saka dumiretso
na sa kitchen. Maghahapunan na kasi kami maya-maya. Maggagabi na kasi dito sa
Australia.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nung dumating si Bryan sa kitchen. Ewan ko ba
pero habang tumatagal ang pagsasama namin ay mas lalo siyang napapamahal sa akin.
Hindi din nakatulong ang pagiging caring niya sa akin simula lumipat kami dito. Mas
lalo ko tuloy siya nagugustuhan. Pero pilit ko tinatago ang nararamdaman ko dahil
alam kong tanging ina lang ng mga anak niya ang papel ko sa buhay niya. Taga alaga
nila kaya hanggang ngayon ay kinakasama niya pa rin ako.
Babae kasi ako eh. Alam ko naman kahit papaano kung gusto
ako ng lalaki. Pero kay Bryan, wala akong makita na ganun sa kanya. Oo at
pinoprotektahan niya ako pero hindi to the point na sweet siya sa akin.
Tinulungan niya akong mag luto ng hapunan. Yan din ang nagustuhan ko pa sa
kanya dahil may alam siya sa gawaing bahay. Sinong hindi mai-inlove 'di ba? Habang
tumatagal din ay mas lalo siyang gumagwapo. Lalo na ngayon na naging ama na siya.
Naging hot and handsome na siya habang nagma-mature. Manly ika nga.
Pagkatapos namin magluto ay kumain na kami ng mga bata. Napakadaldal nilang
dalawa. Minsan nga ako na lang at tumatahimik para hindi masyadong magulo ang
bahay. Natuto akong mag paraya para sa kadaldalan nila.
"Okay we have to take a shower now then you both will go to bed." Sabi ni Bryan
sa kanila.
"I don't want to take a shower." Naka pout na sabi ni Hennessy.
"Me too, daddy." Dagdag pa ni Holden.
"Ah ayaw niyo ha..." sabi ko sa kanila saka dahan-dahang lumapit sa kanila at
nung nakita nila ang kunwaring nanlilisik kong mga mata ay agad silang tumili at
tumakbo.
"Mommy, stop!" Tili ni Hennessy habang paikot-ikot kami ng dining table dahil
hinahabol ko siya para kilitiin. Ayaw na ayaw niya kasi nun.
"Daddy! Help!"
Natawa ako at biglang binilisan ang takbo saka hinuli silang dalawa at hiniga
sa sahig sabay kiliti gamit ang dalawa kong kamay. Todo naman ang tawa nilang
dalawa .
"Mommy.... hahaha.. stop... I'll take a shower already... hahahaha stooop..."
hingal na hingal na sabi ni Holden na may mga tawa.
Tumigil ako sa ginagawa at natawa na lang dahil pareho silang hinihingal.
"I don't like when you tickle me, mommy." Nakasimangot na sabi naman ni
Hennessy.
"Gusto mo isa pa?"
Agad siyang tumayo at umiling, "No. I'll take a shower na po."
Mabili silang dalawa na umakyat sa hagdan. Tiningnan ko ang natatawang si Bryan
na nasa gilid ko.
"I love seeing you three playing around."
Medyo lumundag ang puso ko sa sinabi niya. Kasi nakangiti siya at halatang
masaya siya. Siguro kung hindi ko lang alam na hindi niya ako gusto ay aakalain ko
na gusto niya ako dahil sa sinabi niya.
"I'll give them a shower." Voluntaryo niya at nauna ng umakyat.
Ako naman ay tinapos ang pag aayos sa kusina saka dumiretso na sa itaas. Nag-
shower na din ako at saka lumabas na. Sakto namang pumasok si Bryan sa kwarto at
sinabing tulog na ang dalawa. Malamang dahil sa pagod kaya nakatulog sila ng ganito
ka bilis.
"Okay. Salamat." Sabi ko saka hinubad ang twalya ko para mag suot ng damit. May
underwear naman ako. Sanay na kasi akong magbihis sa harapan niya. Sa tagal ba
naming magkasama ay nasanay na lang ako. Ganun din siya. Nagbibihis kami sa harapan
ng isa't-isa. Pero believe it or not, wala pang may nangyari sa amin kahit isa
simula nung may nangyari sa amin bago ako na kidnap. Yun na ang huli. Nakakalungkot
lang dahil yun ang patunay na wala talaga siyang gusto sa akin. Kahit sinong lalaki
naman 'di ba kahit papaano ay may pagnanasa. Pero siya wala talaga. Habang ako ay
hulog na hulog na, siya dedma lang. Madalas na lang akong nagsusungit sa kanya para
pag takpan itong nararamdaman ko.
"Mom called me earlier."
Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko nung nagsalita siya. Tiningnan ko siya
mula sa repleksyon ng salamin.
"Anong sinabi niya?"
Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya. "She wants us to go back home. Dad
needs help in the company."
Agad akong nag-alala. Alam ko na kahit malayo kami ay tumutulong pa rin si
Bryan sa ama niya. Pero alam ko din na mas gusto nila na nandoon siya.
"Then let's go home." Sabi ko na ikinagulat niya. May nagtatanong na mga mata
siyang tumingin sa akin. "Kailangan ka nila. Hindi naman pwedeng pabayaan mo sila,
hindi ba?"
Napailing siya. "But we are not safe there. Ayoko mangyari ulit ang nangyari
noon." He said worriedly.
Binitawan ko ang suklay saka hinarap siya.
"Bryan, hindi naman pwedeng magtago tayo buong buhay natin dito. Isa pa, patay
na yung Luke. Sino pa ba ang magtatangka sa atin?"
"I don't know. I just don't want it to happen again kaya ako ganito."
Nginitian ko siya, "Kung gusto mo mag hire ng mas maraming bodyguard, sige,
papayag ako. Kahit anong gusto mo. Basta umuwi na tayo. Kailangan ka ng daddy mo.
Hindi mo siya pwedeng pabayaan lalo na ang company niyo. Isa pa.. Nami-miss ko na
rin ang pamilya ko."
Minsan dumadalaw dito ang parents niya pero ang pamilya ko, hindi talaga. Gusto
ko ngang dalawin nila ako dito pero wag na daw. Gagastos lang daw ako. Kaya gusto
ko ng makita sila ulit dahil sa video cam lang kami nag-uusap lagi. Gusto na nga
nila makita sina Hennessy at Holden eh.
Bumuntong hininga si Bryan ng malalim pagkatapos niyang matahimik ng ilang
sandali.
"It's time to go home then."
Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya
dahil sa sobrang saya ko dahil sa desisyon niya. Agad akong bumitaw nung ma-realize
ko na nakayakap pala ako sa kanya. Nginitian ko siya ng alanganin. Ngumiti lang din
siya sa akin na parang wala lang nangyari. Ganyan naman siya lagi eh. Napakamanhid.
"M-matulog na tayo..." sabi ko na agad tumalikod sa kanya at dumiretso na sa
kama.
Ito pa ang isang ayaw ko eh. Lagi kaming magkatabi matulog. Minsan na te-temp
ako na yakapin siya. Kaya pag tulog siya ay minsan pa-simple ako. Agad namang
tatanggalin pag gumalaw na siya. Tapos minsan din ay nakatitig lang ako sa mukha
niya habang tulog siya. Kabisado ko na nga ata ang itsura niya.
"Thank you for understanding and keeping up with me for all these years,
Diana."
Tumango ako sa kanya. "You're welcome." 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 32: Outsider

Diana's POV
Isang linggo na simula noong umuwi kami sa Pilipinas. Sa airport pa lang ay
sinundo na kami nila papa at mama pati na ang parents ni Bryan. Sabay kaming lahat
nag-lunch sa mansion nila. Buong araw na 'yon ay magkasama ang mga mag-lolo at
lola. Lalo na ang mga magulang ko na sabik sa mga apo nila.
Ang sabi pa nga nila na napakaganda at gwapo daw ng mga ito at pwedeng pang
artista. Pero sabi ko ayaw ko silang mag-artista.
Ang parents naman ni Bryan ay ang daming binili para sa mga anak ko. As usual,
mamahalin na naman ang binigay sa kanila.
Ako at ang kambal ang magkasama dito sa bago naming bahay na mabilisang binili
ni Bryan noong mapag-planuhang uuwi na kami.
Naglalaro ang dalawa sa sala. Hindi kami kumuha ng yaya dahil ayaw ko din naman
saka magastos lang. Kahit si Bryan ayaw din dahil sanay siyang kami lang ang nasa
bahay. Pero gaya ng dati, may kinukuha lang siyang taga-linis. Ayoko din naman
maglinis ng ganito kalaking bahay ano. Nakakapagod kasi ito. Although may mga
kinuha si Bryan na security guards para magbantay ng bahay. Hindi na kami sa condo
nakatira. Mas gusto niya ang bahay talaga para may kwarto ang mga bata at ng may
playground sila sa likod.
Nakaayos na kaming lahat at hinihintay na lang si Bryan na makauwi dahil
pupunta kami sa bahay ng parents niya kung saan birthday ngayon ng mommy niya at
may party daw. Gusto daw nitong mag handa para mapakilala niya ang mga apo sa mga
bisita. Okay naman sa 'kin 'yon kasi alam ko na proud lola lang siya.
"Ang tagal naman ng daddy ninyo dumating," sabi ko mga anak ko na ewan ko kung
narinig ba nila ako o hindi dahil busy sila kakalaro.
Hindi nga nila narinig dahil walang sumagot.
Napailing na lang ako. Tumayo ako ulit at pumunta sa bintana para tingnan kung
nandito na ba siya. Tamang-tama na bumukas ang gate nung tumingin ako at pumasok
ang kotse niya.
"Mga anak, nandito na ang dad niyo. Tama na yang laro. Pupunta na tayo sa lola
ninyo."
Agad naman silang tumayo. English ang salita nila dahil sa Australia sila
pinanganak at lumaki pero nakakaintindi sila ng Tagalog dahil sa sinasanay ko sila.
"Can we bring my iPad, mommy?"
Lumuhod ako sa harapan ni Hennessy at inayos ang nagusot niyang dress. "No,
baby. We're gonna go there to attend your lola's birthday and not to watch on your
iPad."
"Why can't I watch, mommy?"
"Kasi nga hindi pwede. You need to get along with people. Hindi pwede puro sa
iPad na lang ang mga mata mo."
Napanguso siya sa sinabi ko. "Why?"
Sobrang matanong ni Hennessy at minsan ako na lang ang nauubusan ng sagot. Pero
madalas ay pinili ko pa ring ipaintindi sa kanya ang mga bagay na gusto niyang may
sagot.
Pero magsasalita na ako nung naunahan ako ni Bryan, "because it's better to
play with other kids there than your iPad. Daddy won't like it."
"Daddy!" Masiglang sabi niya saka tumakbo at nagpakarga sa ama. Niyakap niya sa
leeg si Bryan at saka naman siya hinalikan ng ama sa pisngi na ikinatawa niya.
Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Tara na?" Tumango siya saka hinalikan ang dalawang bata sa pisngi. Napangiti
ako sa nakita. Sobrang mahal na mahal ni Bryan ang dalawang anak namin. Mula noong
ipinanganak sila ay inaasikaso na niya ang mga ito.
Hinawakan ko si Holden sa kamay palabas habang si Hennessy naman ay karga ni
Bryan. Nauna akong pumasok sa kotse kasama si Holden na nakaupo sa lap ko. Ganoon
din ang ginawa ni Bryan kay Hennessy. Pinaandar ng driver ang kotse at pumunta na
sa mansion.

Nang dumating kami ay nakita na agad namin ang mga kotse na


nakapark sa labas. Ang dami pa lang bisita nila. Parang nahiya ako bigla.
Napatingin pa ako sa suot ko paglabas ko ng kotse. Napakasimpleng itim na dress
lang naman ako habang ang mga bisita ay nagagandahan sa suot nila.
"Daddy, let's go inside na."
Hinila ng dalawa ang mga kamay ni Bryan papasok sa loob ng mansion habang ako
ay naiwan. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila.
Nasa likuran lang nila ako papasok ng mansion. Binabati sila ng mga tao habang
ako ay hindi. Sinasabi pa ng iba kung gaano ka-cute ang kambal. Tss... Silang mag-
aama lang ang kino-compliment habang ako ay hindi man lang pinapansin. Pangit nga
siguro ang suot ko 'no? Kaya siguro hindi rin ako magawang ipakilala ni Bryan sa
mga bisita kahit sabihin man lang na ina ako ng mga anak niya.
Nang tuluyang nasa loob na kami kung saan naroon ang handaan at ang mga tao ay
marami na ang bumati sa kanila. Tapos may isa pang babae na may edad na lumapit
kina Bryan.
"Hi, hijo! Wow, you look good as always," sabi nito saka bumeso pa. "Are they
your kids?" Gulat na tanong nito.
"Yes, tita. Meet my children, Hennessy and Holden."
"They look beautiful! Manang-mana sa 'yo. Hindi maikakaila na anak mo nga
sila." Sabi nito saka kinausap ang mga anak ko at magiliw ding sinagot ng dalawa
ang babae.
Hinintay ko na ipakilala din ako ni Bryan pero hindi nangyari hanggang sa
umalis na sa harapan namin ang babae.
Ang sakit pala sa damdamin. Noong nasa Australia kami ay wala akong pakialam
kung hindi ako ipapakilala ni Bryan sa iba. Pero ngayon, iba na. Parang feeling ko
wala nga talaga akong halaga sa kanya. Hindi naman kasi talaga ako parte ng pamilya
nila. At mas lalong wala naman kaming relasyon ni Bryan. Ang papel ko lang ay ina
ng kambal niya. Feeling ko tuloy tama ang sinabi ni Dennise noon na ang mga bata
lang talaga ang kanyang kailangan sa 'kin.
Napailing ako. Hindi. Baka kasi nawala lang sa isip niya na ipakilala ako.
Tapos kung anu-ano na ang iniisip ko.
"Son..."
Natigil ako sa pagdadamdam nung lumapit si Ma'am Manu sa amin. Binati siya ng
mga bata ng 'Happy Birthday, lola!' sabay halik pa. Tuwang-tuwa naman siya sa mga
apo tapos ay sa akin siya humarap.
"Happy birthday po, ma'am," nakangiting sabi ko sa kanya na kinapasalamat naman
niya.
"Thank you, hija," sabi niya saka ako niyakap. Agad naman siyang nagpaalam na
hihiramin muna ang mga bata at ipapakilala nito sa mga kakilala niya.
Nung kaming dalawa na lang ni Bryan ang naiwan ay akmang yayayain ko sana
siyang kumain dahil gutom na 'ko. Pero bago ko pa magawa 'yun ay may lumapit na sa
kanya at niyaya siyang magkwentuhan.
Tumingin siya sa akin at tumango lang ako bilang sagot. Tanda na pumayag ako na
makipag usap siya sa kakilala.
Wala akong nagawa kung 'di ang maiwan mag-isa dito kaya napagdesisyunan ko na
lang na pumunta sa buffet table at kumuha ng pagkain.
Kakain na lang akong mag-isa.
Noong kumukuha ako ng pagkain ay may biglang nag salita sa tabi ko.
"You eat a lot for a woman."
Mabilis ko s'yang hinarap. Medyo nagulat pa ako dahil sa gwapo nitong lalaki na
kumausap sa akin. Mas lalo pa siyang gumwapo dahil sa mga ngiti niya. Mukha naman
siyang mabait.
Ngumiti ako ng alanganin. "S-Sorry. Ganito kasi talaga ako kadami kumain lalo
na pag gutom talaga ako." Sabay tingin sa plato ko na punong-puno ng pagkain.

Natawa siya ng mahina sa sinabi ko na may kasamang


paghanga. "No, don't be sorry. It's actually amazing for a woman to have such a
good appetite. You're honest. I like that."
Hindi ko alam ang isasagot ko pa sa sinabi niya dahil hindi naman yun tanong.
Nahiya pa nga ako bigla sa kanya.
"Are you related to Mr. and Mrs. Beckenham?"
"Lolo at lola sila ng mga anak ko kay Bryan," sagot ko sa kanya.
Nagulat siya sa sinabi ko. "You're Bryan's wife or girlfriend, perhaps?"
Umiling ako. "Hindi. Nakakahiya man sabihin pero hindi kami mag-asawa at mas
lalong wala kaming relasyon. Isa lang akong... alam mo na. Nabuntis lang, hehe."
"Don't think like that about yourself. You're pretty and you look smart."
Napangiti ako na may tawa pang kasama, "ang bolero mo din pala."
Natawa siya sa sinabi ko. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi pagmasdan ang mukha
niya. Ang kinis at napaka-manly ng mukha. Masayahin ang aura niya at mukhang pala
kaibigan. Malayong-malayo kay Bryan. Siguro kahit sinong babae ay siya pa mismo ang
liligawan.
"No, totoo ang sinabi ko. You're simple yet beautiful. You deserve to be
appreciated."
"Salamat—"
"Mommy!" "Mommy!"
Naputol ang sasabihin ko noong makita ko ang kambal ko na tumatakbo papunta sa
akin.
"Mommy, we're hungry," sabi ni Holden.
Natawa ako. "Anong gustong kainin ng baby ko, ha?"
"I want chocolate fountain, mommy."
Napailing ako. "No sweets. Kumain muna kayo ng kanin. Halina kayo at ikukuha ko
kayo."
"I can help you get them food."
Nawala sa isip ko na may kausap pala ako. Nginitian ko siya. "Naku, h'wag na.
Kaya ko naman eh. Tsaka bisita ka dito."
"No, I insist. Isa pa, may plato ka ng dala. It will be hard for you to carry
two more plates for your kids."
"Who is he, mommy?" Tanong ni Hennessy.
Napatingin ako sa lalaki. Hindi ko pa pala natatanong ang pangalan niya.
"Jeremy is my name, beautiful girl."
Nakita kong nag blush ang anak ko sa sinabi ni Jeremy. Natawa kami pareho.
"Do you want me to help you get food?" Tanong niya sa anak kong babae. Tumango
naman si Hennessy sa kanya.
Dahil nasa harap na kami ng buffet ay kumuha siya ng dalawang plato.
"Which one do you want to eat?"
"Carry me, please. I can't see the food. I will choose po."
Natawa si Jeremy at binuhat si Hennessy. Kinarga niya ito. Ang liit pa kasi
nila at hindi pa nila abot ang mataas na buffet table. Nagsimula ng magturo ng
pagkain si Hennessy at kinukuha ito ni Jeremy at nilalagay sa pinggan. Ganun din
ang ginawa ko kay Holden.
Pagkatapos nilang pumili ng pagkain ay naghanap kami ng table na mauupuan.
Karga niya pa rin ang anak ko at siya na ang nagpa-upo dito sa upuan.
"Salamat ha. Parang sanay ka humawak ng bata ah. May anak ka na ba?"
Umiling siya na nakangiti pa rin, "No, I have nieces and nephews though. Isa
pa, your kids are so adorable. I am starting to like them." Inabot niya ang kamay
niya sa akin. "I'm Jeremy pala. What's yours?"

Inabot ko ang kamay niya at nakipag shake hands, "Diana."


"Nice name. It suits you."
"Thank you."
Nagsimula na kaming kumain at niyaya ko na din siyang sumama dito sa table at
kumain. Nagkwentuhan lang kami at nalaman ko na kaya pala siya andito kasi siya ang
financial consultant ni Sir Bob. Namangha ako dahil ang bata niya pa para maging
consultant. Siguro mga ka-edad niya lang si Bryan.
Matapos namin kumain ay nagsimula na namang maglikot ang dalawa. Binantayan ko
na lang sila habang nakikipaglaro sa ibang mga bata.
"You're a hands on mom."
Tumango ako. "Oo. Kaya ko naman kasi silang bantayan eh. Isa pa wala naman
akong ginagawa."
"Di ba sabi mo accounting grad ka? You can apply to my company if you want."
"Talaga?"
Napangiti ako. Pwede na kaya akong bumalik sa trabaho? Siguro pwede na. Malaki
naman ang mga bata at kung sakali na kukuha kami ng magbabantay sa kanila habang
nasa trabaho ako ay meron na akong iaambag kay Bryan. Para hindi naman nakakahiya
na siya ang gagastos ng lahat para sa amin.
"Yeah, we're still hiring. 'Yun lang naman ay kung gusto mo. Unless kung mas
gusto mong mag-apply sa company ng mga Beckanham."
Napailing ako. "Hindi na. Doon na ako nagtrabaho dati saka nahihiya na akong
bumalik. Lalo na ngayong alam nila na ako ang ina ng mga anak ng boss nila."
Tumango-tango siya. "Just let me know if you want to apply." May kinuha siya sa
wallet niya saka inabot sa akin. "Here's my calling card. Call me anytime you want.
I'm always free for your call." Nakangiting sabi niya.
"Salamat ha? Pag iisipan ko."
"Sure. Take your time. Anyways, I have to leave. I hope to hear from you and to
see you again soon."
"Oo ba. Sabihin mo lang."
Mabait naman siya at magaan kausap. Gusto ko rin siyang maging kaibigan.
"Yeah. We can grab a coffee and talk about our lives."
"Sige."
Nagpaalam na siya sa akin at sa kambal saka siya umalis. Napangiti ako habang
nakatingin sa kanya papalayo. Napaka-gentleman, magalang, mabait, masarap kausap at
saka gwapo. Nasa kanya na ata lahat.
Napatingin ako sa card na bigay niya.
Parang gusto ko na ding bumalik sa trabaho. Pero sino ang magbabantay sa mga
bata?
Nasa ganun akong pag iisip nung biglang sumulpot si Bryan saka pinaalam ang mga
bata sa mga kalaro nila. Kinarga niya ang dalawa sa magkabilang gilid niya.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah." Sabi niya saka nauna na namang lumabas. Kita mo 'to. Iniiwan na naman
ako.
"Magpaalam muna tayo sa parents mo." Sabi ko sa kanya nung palabas na kami ng
bahay nila. Naalala ko kasing hindi pa kami nakapag paalam tapos aalis na.
"I already did." Simpleng sagot niya saka lumabas na ng tuluyan at inunang
sinakay ang mga bata sa kotse saka umupo din siya sa kabila. Sumakay na din ako.
Nasa magkabilang gilid na kami ni Bryan habang ang dalawa ay nasa gitna namin.
Napatingin ako sa kanya nung umandar na ang kotse. Nakita kong nakapikit siya.
Baka siguro nagmamadali na siyang umuwi dahil pagod na siya. Inaantok na siguro.
Sabagay, galing kasi siya sa trabaho tapos dumiretso kami agad dito. Kaya sigurado
na pagod na pagod na siya.
Nakatulog na din ang kambal habang pauwi kami. Sakto namang pagkarating namin
ay nagising si Bryan. Hindi na namin ginising ang mga bata at kinarga na lang
papunta sa kwarto nila. Nang maihiga na sila ay dumiretso na kami sa kwarto para
makapagpalit na din at makatulog na.
"Bryan, okay ka lang ba?"
Napansin ko kasi ang pananahimik niya. Tahimik naman siya lagi pero nagsasalita
pa rin kahit papaano. May iba lang sa pananahimik niya ngayon.
"Yeah."
"Hindi pa rin ba naso-solve ang problema sa company?"
Umiling siya.
"Let's not talk about it now. I'm tired." Sabi niya kaya tumango ako.
Hinayaan ko siyang mahiga sa kama. Pinagmasdan ko siya hanggang sa pumikit na
ang mga mata niya. Pagod nga talaga siya.
Naawa tuloy ako. Baka nga malaki talaga ang problema sa company. Hindi ko naman
alam kung ano yun kasi hindi naman niya shini-share sa akin. Sino ba naman kasi ako
para sabihan niya ng mga confidential na bagay tungkol sa company nila?
Mas lalo lang akong nanlumo sa mga iniisip ko. Hindi ko kasi alam kung saan ako
lulugar minsan. Hindi ako kapamilya at hindi rin ako kasintahan para magtanong
kahit gustong-gusto kong alamin ang mga nangyayari.
Napabuntong hininga ako at saka nagpasya na magpalit ng damit upang makatulog
na din. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 33: His Secret Intention

Diana's POV
Naghanda ako ng maraming pagkain para sa agahan namin. Sunday kasi ngayon at sa
bahay lang kami buong araw. Nagluto ako ng mga paborito nila ng mga bata.
"Can you feed me, mommy?"
"Okay," sagot ko kay Holden na nakaupo sa tabi ko. Marunong naman silang kumain
mag-isa but sometimes nagpapalambing silang dalawa at gusto subuan.
"Daddy, feed me like Holden, too."
Napailing ako dahil gumaya na naman siy sa kakambal niya.
"Sure, come here."
Lumipat siya sa upuan na katabi ng daddy niya at doon din nagpasubo.
"Daddy is feeding me! Blee!" Tudyo pa nito sa kapatid kaya naman si Holden ay
ginaya din ang kakambal.
"Mommy is also feeding me! Bleeeee!"
"Stop that kids. That's not nice." Saway ni Bryan sa mga bata saka naman
tumigil sa kakadilaan ang dalawa.
See? Isang seryosong boses lang ni Bryan ay sumusunod agad silang dalawa.
Nasa kalagitnaan kami ng kainan nung maalala ko ang sasabihin ko kay Bryan.
Ilang araw ko na rin kasi itong pinag-isipan. Nakapag-desisyon na din ako sa wakas.
"Ahm, Bryan, may sasabihin sana ako."
Hinintay niyang malunok muna ang sinubo niya bago siya sumagot sa akin.
"What is it?"
"Napagdesisyunan ko kasing bumalik na sa trabaho. Para naman may maitulong ako
dito sa gastusin at ng may maibigay din ako sa pamilya ko na tulong financial."
Tumigil siya sa pagsubo kay Hennessy at tumingin sa akin nakakunot ang noo,
"Why? Hindi ko naman sinabi na tulungan mo ako sa gastusin dito? And I'm sending
allowances to your family more than enough. Kaya hindi mo na kailangang bumalik."
"Bryan, hindi naman pang habang buhay ay magde-depend ako sa 'yo. Isa pa, wala
namang kasiguraduhan tayo dahil baka darating ang araw na magsawa ka na at hindi mo
na ako patitirahin dito. Kailangan ko din mag-ipon para sa akin at sa mga anak ko."
Natigilan siya sa sinabi ko. Ilang segundo pa siyang nakatitig sa akin bago
siya nagsalita. Hindi ko alam ano ang nasa isip niya dahil wala na naman itong
emotion na pinapakita.
"Okay. If that's what you want."
Hindi man lang niya sinabi na hindi niya ako papaalisin dito. Kahit pampalubag
loob lang sana ang sinabi niya pero hindi. Siguro nga kailangan kong tanggapin na
darating ang araw na hindi na kami magsasama.
Napangiti na lang ako sa sagot niya. "Salamat. Oo nga pala ikaw na muna ang
bahala sa mga bata. Magkikita kami ng magiging boss ko mamaya para sabihin sakin
ang mga requirements ko na dapat dalhin para sa interview ko."
Kumunot ulit ang noo niya. "You already applied? Akala ko mag a-apply ka pa
lang?"
"Actually, hindi naman ako nag-apply. Meron lang kasing nag-offer sakin ng
trabaho kaya naman tinanggap ko na."
"Who?" Seryoso niyang tanong. Nakatigin siya sa akin matalim.
"Si Jeremy, yung financial consultant ng daddy mo. Siya ang magbibigay sa akin
ng trabaho."
Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya. Bumukas ang bibig niya. Akala ko
magsasalita siya pero tinikom niya ulit ang bibig tapos ay pinakain si Hennessy.
"Bryan? Ano na? Pinapayagan mo na ba ako?"
Tango lang ang tanging sagot niya sa akin. Hindi na ako nangulit pa baka kasi
magbago pa ang isip niya. Pero on the second thought, hindi ko naman talaga
kailangan humingi ng permission sa kanya. Gusto ko lang ipaalam.

Pagkatapos naming kumain ay tinawagan ko agad si Jeremy.


"Hi, Diana. Napatawag ka? You changed your mind?"
Napailing ako at natawa, "Hindi. Actually pupunta ako mamaya. Pumayag na kasi
si Bryan. Makikipag-meeting ako sa'yo habang siya ang magbabantay sa kambal sa
bahay."
"That's nice. I'll see you later then?"
"See you."
Napangiti ako habang pinatay ang tawag. Napakabait ni Jeremy. Tutulungan niya
akong kumpletuhin ang requirements ko kaya magkikita kami mamaya tapos siya narin
ang nagpa-schedule ng interview ko sa company niya nitong week na .Sigurado naman
daw siya na matatanggap ako. For formality lang kaya daw kailangan ko muna magpa-
interview.
Pinatulog ko muna ang kambal bago ako naligo. After lunch kasi ay pinapatulog
naman talaga namin sila. Ang usapan namin ni Jeremy na magkikita kami ng 3 pm. 1:30
pa lang kaya meron pa akong oras mag ayos.
Lumabas ako ng banyo at medyo nagulat pa nung makita ko si Bryan na nakatayo
habang nakamasid sa akin.
Natawa pa ako dahil sa itsura niya. "Nakakagulat ka naman," sabi ko.
Mula sa pag-krus ng mga braso niya sa dibdib ay tinanggal niya ito saka lumapit
sa akin. Ang mga mata niya ay hindi iniiwan ang mga mata ko. Seryoso ang mukha niya
at nagtataka ako bakit parang may iba sa kanya.
Napa-atras ako ng konti nung sobrang lapit niya na sa akin. Medyo nailang ako
dahil sa mga titig na binibigay niya.
"Bryan, sobrang lapit mo. Magbibihis pako."
Nakatingin pa rin ako sa mga mata niya at ganun din siya. May kung anong
gustong sabihin ang mga mata nito pero hindi niya masabi kaya kumabog ang dibdib
ko.
"Bryan.. lumayo ka na-" hindi ko na tapos ang sasabihin ko nung bigla niyang
sinunggaban ang mga labi ko na kinagulat ko.
"B-Bryan..." sabi ko pero hindi niya pinansin. Mas lalong umaalab ang halik
niya at ako naman itong napaungol na lang dahil sa mga matatamis na halik niya.
Nagpatianod na lang din ako. Ito na yung pagkakataon na malasahan ko ulit ang mga
labi niya.
Medyo nawala pa ako sa sarili. Magaling talaga siya humalik dahil nadadala ka
niya sa kung saang lugar sa masarap na sensasyon dulot ng halik niya.
"Ohh, Bryan..."
"Diana..."
Napalunok ako. Bakit feeling ko ang ganda-ganda ko dahil sa sinabi niya?
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at saka nagsimula ng maghubad.
Nung wala na siyang mga damit ay agad siyang sumampa sa ibabaw ko at hinalikan ako
ulit. Dila sa dila ang labanan namin at dahil sa sarap ng mga halik niya ay hindi
ko napansin na dahan-dahan na siyang pumasok.
"I'm getting there," sabi niya at mas lalo pang binilisan. Hindi ko mapigilan
mapahawak sa matitigas niyang balikat at inangat ang katawan ko para salubungin
siya.
"Ohh!!!"
Hindi nagtagal ay pareho kaming  sumabog. Narinig ko ang ungol niya.
Hindi ko akalain na pagkatapos ng tatlong taon ay magagawa ulit namin to.
Akmang tatanggalin na niya ang kanya sa akin pero pinigilan ko siya.
"Gusto ko pa..." sabi ko.
Natawa siya ng mahina. "Pesky, woman. You loved me being inside you, don't
you?"
Hindi ko na siya sinagot. Imbis na sagutin siya ay ako na ang unang humalik sa
kanya na tinanggap naman niya at sinuklian din ng halik. Akala ko aayaw siya pero
hindi, mas pinalalim niya ang halikan naming dalawa.

Narating namin ang sukdulan pero akala ko hanggang dun lang


talaga kami. Hindi, dahil nung akmang maliligo ako ulit ay hindi niya mapigilan ang
sarili na sabayan ako kaya meron na namang another round sa banyo. Bago sa akin ang
gawin yun pero masarap pala ang iba ding posisyon, ano?
Nung matapos ang pagsasalo namin at nakapagbihis na kami ay saka ko lang
naalala na may lakad pala ako.
Napatingin ako sa orasan at alas kwatro na! Alas tres ang usapan namin ni
Jeremy.
Kahit lagot ako dahil baka nagalit yun sa hindi ko pagsipot ay wala akong
makapang pagsisisi. Alam ko kasing masaya ako sa nangyari sa amin ni Bryan.
Napangiti ako habang dina-dial ang numero ni Jeremy.
"Hello, Diana?" Mukhang hindi naman siya galit base sa boses niya.
"Jeremy, sorry. Hindi kita natawagan agad. Kasi ahmm.. ano.. may nangyari kasi
kaya hindi kita napuntahan."
"It's fine. Pwede naman tayong magkita bukas. Sa Thursday pa naman ang
interview mo, so we still have time to prepare."
"Sige, bukas na lang. Sorry talaga."
"No worries. Nakauwi na rin naman ako. Hindi na kita nahintay. See you
tomorrow."
Binaba na namin ang tawag. Mabuti na lang at hindi siya nagalit. Napakabait
talaga ng lalaking yun. Gwapo na nga sobrang ganda pa ng ugali. Mabuti na lang...
"I thought you're leaving?"
Napaharap ako kay Bryan na nakabihis na ngayon at nasa likuran ko.
"Hindi na." Sagot ko at hindi ko maiwasang tingnan ang ibaba niya na ngayon ay
may shorts na. Hindi pa rin ako makapaniwala na nahawakan ko 'yon kanina.
Narinig ko ang tawa niya kaya napatingin ako sa mukha niya.
"Anong nakakatawa?"
Umiling lang siya bilang sagot saka tumalikod na. Pero akala ko lalabas na siya
pero humirit pa, "Let's do it again tonight."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
Kinagabihan  ay napag-usapan namin ni Bryan pagkatapos na naman ng may nangyari
sa amin na siya muna ang magbabantay sa mga bata dahil kailangan kong makipagkita
kay Jeremy para sa trabaho na alok nito. Sinabi niya na ihatid ko na lang daw ang
kambal sa office niya bago ako pumunta kay Jeremy.
Pero kinabukasan nung nag-aayos na kami ng mga bata ay saka naman siya tumawag
na hindi daw niya mababantayan ang mga ito dahil sa may bigla siyang meeting na
pupuntahan ng daddy niya. Sinabi ko na iwan na lang sa mommy niya muna pero sasabay
din daw ito sa meeting kaya hindi pwede.
Wala akong nagawa kundi tawagan na lang sa Jeremy na hindi kami matutuloy dahil
walang magbabantay sa kambal.
Hindi naman pwedeng dalhin ko sila dahil malikot ang mga 'yun at hindi kami
makakapagusap ng maayos ni Jeremy. Seryosong bagay pa naman ang tungkol sa trabaho.
Baka imbis na makinig sa kanya ay nasa makukulit na kambal ang attention ko.
"It's fine. I understand you, Diana. I know being a mother gives you a lot of
responsibilities and I like how you prioritize your kids. Don't worry about not
meeting me. Magkikita pa naman tayo once you get the job. You will work with me
anyways. For now, I will just email you the requirements. Ihanda mo na lang for the
interview."
"Napakabait mo sa 'kin, Jeremy. Thank you talaga at sorry dahil ilang beses ng
hindi natuloy ang pagkikita natin."
"No worries. I'll see you when I see you. You take care, Diana."
Napangiti ako. Sana ganito din ka-sweet sa akin si Bryan. Siguro ako na ang
pinakamaswerteng babae pag inanakan at minahal ng isang napaka-gwapo at hot at may
matigas na.. ahm.. tinapay ni Bryan.
"Ingat din. Salamat talaga."
Kaya dahil kaming tatlo lang dito sa bahay ay nilaro ko na lang ang kambal.
"Mommy, I thought we were going to daddy's office?"
"Hindi na, anak. Busy ang daddy mo. Maglalaro na lang tayo dito sa bahay kasama
si Holden."
"But I want to see daddy. I miss my daddy."
Napaka daddy's girl talaga itong babae ko. Close na close sa ama niya.
"Hintayin na lang natin siya umuwi, okay? For now, ipaghahanda ko kayo ng
masarap na snacks. Gusto mo ba iyon?"
Tumango siya na may malawak na ngiti. "Yes, mommy! I want peanut butter and
jelly sandwich!"
Ngumiti ako. "Okay."
Naghanda ako ng meryenda sa kanila at pagkatapos ay naglaro na naman ulit.
Tinuruan ko sila ng alphabets na willing naman silang matuto dahil sa nakikinig
talaga sila sa akin. Buti na lang matatalino din sila at hindi ang pagiging makulit
lang ang alam.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 34: Curiosity Kills Her

Diana's POV
"Bakit ka naman hindi tumuloy sa interview mo? Ikaw na nga tong tinutulungan
nung tao."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Suzette.
"Wala nga kasing kasama ang mga bata. Hindi naman pwede sina mama at papa kasi
may trabaho silang dalawa."
Nandito kami ngayon ni Suzette sa mall. Pinasyal ko kasi ang mga bata at mabuti
na lang ay day off niya kaya nagkita kami. Nag uusap kami habang ang mga bata ay
naglalaro sa isang play house. May nagbabantay sa kanila doon kaya nakapag usap
kami ni Suzette at nagaantay lang na matapos ang isang oras na binayad ko para sa
kanilang dalawa.
Hindi ako naka-attend ng interview ko kahapon. Todo sorry ako kay Jeremy dahil
sobrang nakakahiya na talaga sa kanya.
"Bakit kasi hindi kayo mag hire ng yaya?"
"Ayaw ni Bryan. Saka ayaw ko din pilitin kasi wala naman akong pera na maiambag
sakali ngang kumuha kami. Nakakahiya naman."
"Kaya ka nga magta-trabaho, 'di ba? Para may pambayad ka sa kailangan ng
kambal."
"Yun nga ang naisip ko. Pag na tanggap ako sa trabaho, kukuha talaga ako na
magbabantay sa kanya habang wala ako sa bahay. Kaya lang paano nga ako
makakapagtrabaho kung sa interview pa lang ay hindi na ako makapunta."
"May day care naman, hello? Sa dami ng pera niyang ni Sir Bryan ay imposibleng
hindi niya afford yan. Babayaran mo naman siya pag nakapagtrabaho ka na kung labag
sa loob niya ang gumastos. Saka hindi ka naman pwedeng habang buhay na isang
housewife."
Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko naisip 'yun? Kahit si Bryan ay
hindi man lang naisip din iyon. Pag nag-uusap kami tungkol doon ay parang
nagmamadali siyang tapusin ang usapan. Busy nga kasi siya ng sobra.
"Alam mo, Diana, base sa kwento mo sa akin, mukhang gumagawa lang ng rason si
Bryan na hindi ka makapag trabaho. Diba sabi mo nung Linggo pa lang ay hindi ka na
nakapunta dahil sa may nangyari sa inyo?" Tumango ako. "Confirm! Pinipigilan ka nga
niya talaga."
Wala akong maisip na rason bakit niya ako piniligilan. Baka nag o-overthink
lang si Suzette. Minsan kasi galit yan kay Bryan.
"Bakit naman niya ako pipigilan? Wala namang rason para gawin niya yun."
"Aba ewan. Siya lang ang makakasagot niyan. Kung hindi ko lang kilala si Sir
Bryan ay aakalain ko na kaya ka niya pinipigilan ay para hindi ka magtrabaho sa
Jeremy na yun."
Napailing ako kay Suzette, "Sinasabi mo ba na nagseselos si Bryan?" Parang
gustong lumundag ang puso ko sa isipang yun pero hindi eh. Mali ang isipin yun kasi
hindi naman niya ako gusto. Ayoko mag assume.
"Malabo yun. Hindi niya ako mahal kaya bakit siya magseselos?"
"Ah basta, Diana. Ito payong kaibigan lang. Wag na wag mong papayagan si Sir
Bryan na gamitin ka lang niya sa pansarili niyang kaligayahan. Ikaw kasi itong okay
lang kahit anytime niyang balakin na magpaputok sa 'yo. Wag ko hayaan na hanggang
doon lang kayo. May anak na nga kayo tapos friends with benefits pa ang habol niya
sa 'yo ganern?" Napapailing na sabi niya. "Kung nasasarapan ka na alam ko namang
oo, gumamit ka ng proteksyon. Baka sa susunod niyan buntis ka na naman at wala
naman pala siyang balak pakasalan ka. Gagawin ka lang pa lang palahian. Kahit gwapo
at hot yang si sir, lalaki pa rin yan at tuso kaya mag isip ka, Diana."
Bigla akong nag alala sa sinabi niya. Pano nga kung totoo? Hindi ko gustong
hanggang doon na lang kami. Pero paano? Hindi ko naman siya pwedeng pilitin na
mahalin ako.
"Suzette, ano ng gagawin ko?"
Huminga siya ng malalim sabay tingin sa mga kambal ko na naglalaro pa rin,
"Alang-alang sa mga batang yan..." saka tumingin siya sa akin. "...mag tapat ka kay
Bryan. Sabihin mong mahal mo na siya. Doon natin malalaman kung ano ang
nararamdaman niya sa 'yo."

"Pero pag hindi?" Nag aalalang tanong ko.


"Ano paba? Eh di maglipat ka na ng gamit. Hindi pwedeng ganyan ang set up niyo.
Kawawa ang mga anak niyo sa huli. Pag lumaki ang mga yan, magtataka sila bakit
nagsasama ang mga magulang nila na hindi naman nag mamahalan. Mabuti pang
magkahiwalay kayo ngayon ng bahay kesa darating ang araw na mag away kayo at
masisira ang pinagsamahan ninyong dalawa."
Ang isipin pa lang na magkahiwalay kami ng bahay ni Bryan ay hindi ko na kaya.
Nasanay akong kasama siya sa loob ng apat na taon. Ngayon paba ako aalis kung saan
na gusto ko siyang kasama at mahal ko na siya?
Matapos naming mag usap at matapos ding maglaro ng mga bata ay saka kami
umalis. Hinatid namin si Suzette sa bahay niya at umalis na rin agad.
"Ma'am, uuwi na po ba tayo?" Tanong sa akin ni Kuya Cris.
Sila pa rin ang nagbabantay sa amin. Nakaligtas din sila nung niligtas ako ni
Bryan sa nangyari three years ago.
Si Kuya Paolo naman ang nagdri-drive ng kotse. Kasama namin silang dalawa pag
lumalabas kami ng mga bata. Sila pa rin ang kinuha ni Bryan na mag bantay sa amin
dahil sa magaling naman talaga sila.
"Daan po muna tayo sa pharmacy."
Tumango naman siya sa akin. Dumiretso nga kami sa pharmacy. Mag isa akong
bumaba ng kotse dahil mabilis lang naman ako. Bumili lang ako ng pills. Kahit kasi
mahal ko siya ay ayoko magpakatanga. Hindi ko kasi mapag kakatiwalaan ang sarili ko
na tanggihan siya kaya ang tanging magagawa ko lang ay ang gumawa ng paraan na
hindi magbunga kung sakali mang may mangyari sa amin.
Hindi pa ako handang mabuntis ulit lalo na at walang kasiguraduhan ang sa amin.
Pagdating namin sa bahay ay nag-take ako agad ng pill na binili ko. Mabuti ng
makasigurado sa posibleng mangyari.
Nanunuod kami ng TV ng mga bata nung mag ring ang landline phone. Tatayo na
sana ako pero naunahan akong tumayo ni Holden saka kinuha ang wireless phone saka
inabot sa akin.
"Thank you, anak."
"You're welcome, mommy." Sagot nito saka bumalik sa pagkakaupo sa couch dito sa
tabi ko at nanuod na ulit ng cartoons sa TV.
Tumayo ako at medyo lumayo sa kanila para hindi sila ma disturbo sa panunuod.
"Hello?"
Ilang sandali akong nag antay bago may sumagot sa kabilang linya.
"Diana?" Sagot ng isang babae sa mahinang boses. Pamilyar ang boses niya.
"Ako nga. Sino ito?"
"S-Si Dennise ito.."
Agad akong napatayo ng tuwid. Para akong kinabahan sa pagtawag niya. Bumalik
lahat ng alaala sa akin nung nangyari dati.
"Please, Diana, don't hang up the phone." May pakiusap sa boses niya.
"Anong kailangan mo?"
Balita ko ay nasa rehabilitation center siya nakatira. Nalabas siya sa kulungan
nung mabaliw daw siya dahil sa nalaman niyang namatay ang lalaking pinakamamahal
niya. Doon ko napatunayan na silang dalawa talaga nung Luke ang nag-iibigan. Pero
ngayon balita ko ay medyo okay na siya.
"Hindi ako tumawag para makiusap sainyo na palayain ako. Tumawag ako para
bigyan kayo ni Bryan ng babala."
Kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo?" Isa na naman ba ito sa kabaliwan
niya?
"Diana, dad is up to something. But I cannot tell you about it dito sa phone.
Please come visit me here if you want to know about it. Please, Diana. Sana pumunta
ka."

"Para ano? May balak ka na naman bang gawin sa akin,


Dennise?" May tapang sa boses ko para iparamdam sa kanya na hindi niya ako kayang
takutin.
"No, Diana. Tapos na ako sa plano ko sa 'yo. Wala na si Luke. Wala namang sense
kung magagalit pako sa 'yo. Saiyo na si Bryan. Pero kailangan mo talaga malaman ang
plano ni dad. I know Bryan won't listen to me."
Gusto kong malaman kung ano ang plano ng daddy niya at bakit parang kinakabahan
siya? Gusto kong malaman ang sagot sa tanong ko pero paano kung isa na naman ito sa
mga kawalang hiyaan nila?
"Hindi na ako makakatagal, Diana. Isang minuto na lang ang natitira sa tawag
ko. Pumunta ka dito at sasabihin ko sa 'yo."
"Hindi papayag si Bryan na makipagkita ako sa 'yo." Sabi ko na may katotohanan.
"This is for you and your children's sake, Diana. Nasa iyo na kung makikinig ka
sa kanya o pumunta sa akin para sa kaligtasan ninyong lahat." Sabi nito at biglang
naputol ang tawag.
Binaba ko na ang telepono at napaisip sa sinabi niya. Ano naman ang kayang
gawin ng daddy niya sa amin? Hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa ama niya.
Wala sa sarili akong bumalik sa couch. Paano kung importante nga ang sasabihin
niya? Delikado kami pag nagkataon. Pero paano kung isa lang din ito sa pakana niya?
Hindi ko na alam ano ang isiipin. Huminga ako ng malalim at napagdesisyonan na lang
na kalimutan ang sinabi ni Dennise sa akin para hindi na magulo pa ang utak ko.
Nagluto ako ng dinner at saka naman dumating si Bryan. Dumiretso siya sa hapag
kaya naman hinanda ko na ang pagkain namin sa gabing ito.
"Hi, babies. Daddy missed you both." Sabi nito sa mga bata saka hinalikan sa
labi pareho.
Nginitian niya ako saka umupo na sa kaniyang pwesto. Nakaupo na rin ang nga
bata dahil d'yan naman talaga sila kakina pa nung nagluluto ako. Para hindi sila
maglikot habang nagluluto ako ng hapunan.
Naisip ko bigla ang pinag usapan namin ni Suzette kanina...
Paano ko kaya sasabihin sa kaya ang nararamdaman ko? Paano kung tanggihan niya
ako o kaya layuan?
Ang dami niyang pwedeng maisagot na marahil ay ang iba ay hindi ako handa o
hindi ko magustuhan. Pero tama si Suzette, Matagal ko ding hinayaan na ganito kami.
Ito na siguro ang pagkakataon na itama ang lahat.
"Bryan, pwede ba tayong mag usap pagkatapos nating kumain?"
Tinitigan niya ako ng ilang beses bago siya tumango. "Okay."
Niligpit ko lang ang pinagkainan namin saka naman ako sumunod sa kanya sa
kwarto. Doon kasi niya sinabi na mag aantay siya.
Nung pumasok ako ay nakita ko na siyang nakaupo sa kama.
"What do you want to tell me?"
Naglakad ako palapit sa kanya. Nag-ipon ako ng lakas ng loob pero bakit
naduduwag pa rin ako na sabihin sa kanya?
"Bryan, kasi ano.." napakagat ako ng labi ko saka siya tiningnan sa mga mata.
"Gus—Ah ano— tumawag si Dennise kanina."
Napakagat ako ng madiin sa labi ko. Bakit yun ang nasabi ko? Bakit hindi ko
sinabi na lang sa kanya na mahal ko siya? Ang duwag ko talaga! Ganito ba pag mahal
mo na ang tao? Nawala ang lahat ng tapang na pinapakita ko sa kanya noong bago pa
lang kami magkakilala.
Bigla namang na alerto si Bryan, "What did she say?" Nag uumpisa na naman
siyang magalit.
"Sinabi nito na puntahan ko raw siya dahil may sasabihin siya sa akin tungkol
sa ama niya"
"Pupunta ka ba?" May inis sa tono ng pananalita niya. "Don't ever think of
going there. She's crazy. Never believe on whatever she says."
"Pero paano kung—"

"You believe her?" Putol niya sa sasabihin ko. "She's gonna


put you on trap again. She's planning against you for all we know!"
Napakunot ang noo ko. Nagtaas kasi siya ng boses at may pag-aalala sa mukha
niya kahit galit ito na nakatingin sa akin.
"Bryan, alam mo, may chance namang magbago ang tao eh. Malay mo totoo ang
sinasabi niya. May balak ang ama niya satin."
"I will find out about that myself. You don't need to go there to see her." He
said in finale.
Napailing ako at napangisi. "Ayaw mo ba akong pumunta doon dahil natatakot ka
na saktan niya ako? Bakit? Concern ka na ba sa akin? May nararamdaman ka na ba
sakin?"
Natigilan siya pero agad ding nagsalita nung makahuma. "What are you talking
about? Of course I care for your safety. Ina ka ng mga anak ko. You have to be
safe."
Mas lalo akong napangisi. Nabalot ng sakit ang puso ko. Hindi yun ang sagot na
gusto kong marinig. Hindi ko na napigilan at nagkaron ng lakas ng loob ang puso ko.
Bumalik ang tapang ko na ilang taon kong binaon dahil sa pag mamahal ko sa kanya.
"Ina lang ba talaga ako ng mga anak mo? Yun lang ba talaga ang papel ko dito?
Dito sa buhay mo?" Nagtataka siyang tumingin sa akin. Nagpatuloy lang ako sa
pagsasalita, "Bryan, kung alam mo lang, matagal na kitang mahal. Ewan ko bakit
nahulog ako loob ko sa 'yo. Siguro dahil ilang taong ikaw ang kasama ko at minsan
sweet ka sa akin. Hindi ko sinasadya pero mahal na kita. Sabihin mo sakin, tapatin
mo ako, may nararamdaman ka rin ba para sakin? Naguguluhan na kasi ako. Hindi ko
kaya na ilihim ito ng matagal."
Literal na nagulat siya sa sinabi ko. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya
habang gulat na nakatingin sa akin.
"Ano, magsalita ka naman..." pumiyok na sabi ko.
Hindi siya nagsalita. Naroon pa din ang gulat sa mukha niya. Hindi niya siguro
inasahan ang sinabi ko. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi pareho ang
nararamdaman namin sa isa't-isa. Halata kasi na hindi niya inasahan ito at parang
ayaw niya.
Napangiti na lang ako ng mapait. "Hindi mo kailangan sagutin ang tanong ko.
Alam ko na ang sagot. Hindi mo na rin kailangang mag salita. Ayos lang."
Dahan-dahan akong tumalikod. Binagalan ko ang paglakad ko sa pagbabakasakaling
baka tawagin niya ako at pigilan.
Pero hanggang sa marating ko na ang pintuan ng kwarto namin ay wala akong may
narinig mula sa kanya. As in wala talaga.
Nanlumo akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kwarto ng mga bata. Mabuti na
lang at busy silang dalawa kaya hindi nila ako napapansin.
Hindi ko napigilan na maiyak. Napayuko ako at napaupo sa sahig sa likod ng
pintuan.
"Mommy, are you crying?"
Agad akong nag-angat ng tingin sa anak ko at mabilis na nagpunas ng mga luha.
"W-wala ito, anak." Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Doon ka na sa kapatid mo at
maglaro."
"Are you sad, mommy?" Tanong pa nito.
Umiling ako sa kanya. "Hindi. Bakit naman ako malulungkot?"
"Did I make you cry then? Were we being bad, mommy?"
Natawa ako sa tanong anak ko at napasinghot pa ako dahil sa pag iyak kanina
lang. "No, ang bait-bait nga ng mga anak ko eh. Pinapasaya niyo nga si mommy eh."
Sabi ko para hindi na siya magtanong pa.
"I love you, mommy!" Sabi ni Hennessy at saka yinakap ako saka hinalikan sa
mukha.
Saka naman lumapit din si Holden at nakiyakap na rin sa amin, "I love you din
po, mommy." Sabi nito sabay halik pa sa pisngi ko na kinatawa ko.
Hindi man ako mahal ng ama nila, at least meron akong mga anak na mahal na
mahal ako. Sila ang nagpapalakas ng loob ko ngayon.
Buong gabi na pinakiramdaman ko si Bryan. Hindi niya ako pinapansin. Tahimik
lang siya. Tuwing dadaan ako dahil pareho kaming nasa kwarto ay parang hindi niya
ako nakikita. Nung matulog nga kami ay wala kaming kibuan. Walang nagsalita sa
amin.
Kinabukasan ay ganun din. Hindi siya masyadong nagsasalita. Umalis lang siya ng
bahay na hindi kami nagkibuan.
Ayoko ng ganito kami. Hindi ako sanay.
Kung ayaw niya sa akin ay sana sinabi niya hindi yung may silent treatment siya
sa akin.
Hindi ito ang gusto ko para sa amin. Ayoko na mag tagal pa ito baka mas lalo
kaming ma awkward isa't-isa. Ako lang naman ang dahilan bakit naiilang siya sa akin
eh. At mas napatunayan ko na hindi niya ako gusto.
Kailangan kong mag isip ng paraan para hindi magpatuloy na ganito kami.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 35: Realization

Diana's POV
Nakapag desisyon na ako.
Hindi pwedeng ganito kami ni Bryan araw-araw. Walang pansinan, walang kibuan,
hindi man lang siya makatingin sa akin. Wala. As in wala talaga. Para kaming hangin
sa isa't-isa. Kahit sa pagtulog ay hindi ako comportable. Kagabi nga don ako sa
kwarto ng kambal natulog. Para kasi ako masu-suffocate sa kwarto namin. Tatlong
araw na ngayon na hindi niya ako kinikibo.
Sabi ko dati na bibigyan ko siya ng oras para makapag isip siya tungkol sa
sinabi ko. Pero wala pa rin talaga siyang sinasabi. Mas pipiliin ko pa nga sigurong
e reject niya ako kesa naman yung ganito kami. At least pag sinabi niyang rejected
ako ay masasaktan nga ako pero alam ko kung saan ako lulugar. Hindi yung ganito na
sumasakit ang ulo ko sa kakahula kung ano ba ang nasa isip niya.
Siguro nga hindi lang oras ang kailangan niya. Space. Hindi siya makapag isip
pag andito ako. O baka wala naman talaga siyang gusto sa akin at ayaw niya lang
sabihin dahil masasaktan ako. Pwes kung ganun nga, ako na lang ang aalis kesa
mahirapan pa siyang sabihin sakin.
Tanggap ko naman eh. Sa umpisa pa lang na hindi niya ako mamahalin. Ako lang
itong umasa na baka nagbago siya at mahalin na niya ako dahil sa tagal naming
nagkasama.
Gumising ako ng maaga para ipaghanda siya ng almusal. Alam ko kasing may pasok
siya ngayon. Dinamihan ko ang niluto ko at sinarapan. Baka kasi ito na rin ang huli
kong pagluto ng almusal sa kanya.
"Bryan, halika kain ka muna."
Niyaya ko siya agad nung makita ko siya pababa ng hagdan. Alam ko kasing baka
aalis na naman siyang hindi kumakain. Kasi nga umiiwas siya na mag usap kaming
dalawa.
Tumigil siya sa paglalakad.
"Sige na, please? Pinag irapan ko ito para sa 'yo." Yun ang sabi ko na
kinaharap niya sa akin. "S-Saka may sasabihin din ako." Kinakabahang dagdag ko saka
napayuko.
Akala ko hindi pa rin siya gagalaw o kaya ay aalis na lang na walang pasabi.
Pero napaangat ako ng tingin sa kanya nung maramdaman ko na lumakad siya palapit sa
akin. Sa mesa pala.
Pinaghila ko siya ng upuan saka naman siya umupo tapos pinagsilbihan ko siya.
Gumawa ako ng coffee saka nilagay sa harapan niya. Natuwa kasi ako na pumayag muna
siyang mag-almusal. Tapos nilagyan ko pa ng kanin ang plato niya saka ulam—
"It's fine. I can do that." Pagpigil niya sa akin kaya inabot ko sa kanya ang
serving spoon ng ulam at siya na ang naglagay sa plato niya.
Umupo ako sa tapat na upuan.
"Kumain ka na. Walang gayuma yan." Biro ko pa to lighten up the mood.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at saka sumubo na ng pagkain.
"Are you not gonna eat?"
Napansin niya siguro na hindi ako kumakain. Nakaupo lang ako at nakatingin sa
kanya.
Napailing ako. "Hihintayin ko ng magising ang kambal. Sasabay na lang ako
mamaya sa kanila kumain."
Tumango naman siya saka nagpatuloy sa pag subo ng pagkain. Napangiti ako dahil
mukhang nasasarapan naman siya sa luto ko.
Maganda na sana ang ambiance kasi pinapansin niya na ako kahit papaano.
Kinausap niya na ako hindi gaya nitong mga nakaraang araw na ang kambal lang
kausapan niya.
Pero may kailangan pala akong sabihin sa kanya. Alam ko naman na ito rin siguro
ang gusto niya kaya hindi na ako nag dalawang isip pa na sabihin na.
"Bryan, may gusto sana akong ipaalam sa 'yo."
Napansin kong bumagal ang pagsubo niya ng pagkain at may kaba sa mukha niya.
Pero hindi naman siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Napag desisyunan ko na umuwi muna kina mama at papa.


Dadalhin ko ang kambal pero wag kang mag-alala, pwede mo rin naman silang kunin pag
gusto mo silang ipasyal o kaya pag wala kang trabaho, sa 'yo muna sila."
This time, tumigil na talaga siya sa pagsubo. Tumingin siya sa akin at
nakapaskil ang takot sa mukha niya pero agad ding napalitan yun dahil kumunot ang
noo niya.
"Hanggang kailan kayo dun? When are you planning to end that kind of set up and
come back here?"
Napanganga ako sa tanong niya. Hindi ba niya gets ang gusto kong iparating o
baka nagbibingi-bingihan lang siya?
"Hindi na siguro." Nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko nung sinabi ko yun.
Parang ako ang nasasaktan. "Napag-isipan ko kasi na ano... na bumukod na sa 'yo.
Alam ko kasi na nahihirapan ka dahil sa presensya ko. Ramdam ko kasi na na-aw-
awkward ka lalo na dahil sa pagtapat ko sa 'yo at obvious naman na hindi pareho ang
nararamdaman natin kaya ko naisipan na mas mabuting gawin ito. At least, 'di ba?
Hindi ka naiilang sa sarili mong bahay. Magagawa mo lahat ng gusto mo."
Mas lalong kumunot ang noo niya at naramdaman ko na nagpipigil siya ng galit,
"saan kayo matutulog dun ng mga bata? Your house is not big enough to add another
two people." Seryosong tanong niya.
Sa lahat ng sinabi ko 'yan talaga ang pinroblema niya? Pati pala sa pag alis ko
ang mga bata pa rin ang tanging iniisip niya. Parang sinabi niya na rin na okay
lang umalis ako.
Pero hindi ko dinamdam ang sinabi niya. Kailangan kong maging matapang sa
harapan niya. Ayoko na umalis na parang ako ang talunan sa aming dalawa.
"May kwarto naman ako dun. Doon muna kami ng mga bata. Saka maliliit pa naman
sila kaya kasya pa kami don. Pag lumaki na sila ng konti, pag-iipunan ko ang bahay
na lilipatan namin."
Napaiwas siya sakin ng tingin at ramdam ko ang malalim na pag iisip niya. Ayan
na naman siya. Hindi ko naman mabasa kung ano ang nasa isip niya.
Nagulat na lang ako nung basta na lang siyang tumayo na hindi pa tinapos ang
pagkain.
"Bryan, aalis ka na?" Habol ko naman sa kanya at tumayo na rin.
"I'm leaving. Umalis ka na rin if that's what you want. Just let me know your
whereabouts lalo na kung tungkol sa mga bata."
Tumango ako sa kanya kahit alam ko naman na hindi siya nakatingin. Pinagmasdan
ko na lang ang pag alis niya hanggang sa makalabas siya ng bahay.
Biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Naiiyak ako kasi ito ang
nangyari sa pag uusap namin. Ito pa ang trato niya sa akin hanggang sa huling araw
ko dito sa bahay niya.
Siguro nga tama talaga ang desisyon ko na umalis. Hindi ko pagsisisihan ito
kasi alam ko sa puso ko na ito ang tamang gawin. Sarili ko lang ang pahihirapan ko
pag nandito pako. Ang tanga ko kasi dahil pumayag ako sa ganitong set up namin ng
matagal. Ayan tuloy, ako ang lugi sa aming dalawa. Ngayon lang ako naglakas loob na
magsabi sa kanya ng nararamdaman ko kaya ngayon ko lang rin nalaman na walang
patutunguhan kung ano man ang meron kami ngayon. Kaya mabuti ng umalis dahil ito
ang tamang gawin. Hindi pa naman too late para itama 'di ba?
Ang tanging hiling ko lang ay sana maging masaya siya. Makahanap siya ng taong
mamahalin niya kahit hindi ako ang taong yun.
Bryan's POV
Diana's words kept bugging me throughout the day. Her words felt like a sharp
knife that stabbed my whole being. Hindi ako makapag focus sa work because of what
we talked about this morning.
She's been with me for four years. The thought of living and waking up one day
without her scares me. I'm used to seeing her everyday.
Okay na sana eh. Okay na sana na magkasama kami. Masaya naman kami with the
kids. But why did she have to confess her feelings for me? She made it hard for
both of us.

Somewhere in my heart I know na may puwang siya sa akin.


She's more than just a mother of my children. Higit pa don. Pero hindi ko alam kung
ano ba talaga ng lugar niya sa puso ko.
I am afraid to speak because I am too scared that I might hurt her. Hindi ko
alam kung paano ko siya papatunguhan simula nung nagtapat siya sa akin. I know
she's special to me but how special? Hindi ko pa alam.
I never digested and thought about it. Hindi ko kailanman napagisipan kung ano
ba talaga siya sa puso ko. Ayoko ding isipin yun because I am scared. Kasi masaya
na kami kasama ang mga anak namin. I was thinking that there's no sense thinking
about what I felt for her. I'm already contented about what we have. I don't want
to over analyze things cause I want to be in the safe side. Ayokong magulo pa kami
at magkahiwalay. Ayokong mawala ang saya na nararamdaman ko waking up each day
seeing them. But it turns out wrong...
Dahil binawaliwala ko siya, mas lalo pala siyang napapalayo sa akin. I pushed
her away. Now ito na ang kinatatakutan ko, ang mawala siya ng tuluyan sa akin.
But how can I make her stay? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na mahal
ko siya just to please her and stay with me. Hindi ko pwedeng sabihin yun kasi
hindi ako sigurado. I don't want to hurt her or lie to her. She's so special to me
that I don't wanna lie to her just to stay and I don't wanna hurt her when the time
comes na ma realize ko na hindi ko pala siya mahal. So I need to collect myself
first before ako mag bitaw ng salita.
I just hope that she changed her mind at maabutan ko pa rin siya sa bahay pag
uwi ko. I hope I can beg her to stay while I'm calculating my feelings. Pero alam
ko na hindi ko pwedeng gawin yun because that would be unfair to her.
When I arrived at the house, I knew that something changed. I just wanted to
confirm it kaya umakyat ako sa taas so see my kids room. It was empty. No signs of
them. Malinis na ang kwarto nila at wala ni isang nagkalat na laruan sa sahig. Even
the beds are neatly made. I went to our room and to my dismay, there's no sign of
any of them. I checked Diana's closet and it was already empty.
My heart sank as well as my mind shut off.
They're really gone. They left me.
I wanted to go to Diana's house. Pero what would I say to them? There's nothing
to do unless I figured out how I felt for her.
I didn't even bother to eat dinner. I went to sleep hoping that this was just a
dream. A nightmare that I wished didn't happen.
But the next day was still the same. Diana and the kids were still gone. I took
a shower and changed to my business attire. Pagbaba ko ng hagdan ay pinigilan ko
ang sarili ko na lumingon sa ibang bahagi ng bahay. I would only prove that they
did left me.
I never felt my house so lonely as this. It's so sad knowing na paglingon ko sa
kitchen ay walang Diana na nagluluto at pag lingon ko naman sa sala ay wala ang
kambal na nagkakalat at naglalaro.
I messed up as a person.
I drove to the office. Wala ako sa mood mag trabaho pero kailangan kong tapusin
ang naka-schedule na gagawin ko. The company has problems to fix kaya hindi ko ito
pwedeng pabayaan. Binilisan ko ang trabaho at maaga akong umalis.
Pero hindi ako umuwi sa bahay ko. I went to my parents house. My used to be
home. Kung saan ako lumaki at nagkaisip.
I went directly to the bar counter and poured a drink to the glass of wine.
Hindi ko napansin that I'm already shedding some tears. I felt so alone and
empty. I felt like I lost more than half of my life. This one was harder to take
than accepting that the company will eventually get bankrupt.

"Bryan."
I looked over my shoulder to see my dad and my mom smiling at me.
"Dad, mom."
"Maaga ka daw umalis ng office. Then pag uwi namin, sabi ng maid, nandito ka
daw." Dad said to me.
Lumapit sila sa akin. I saw how my mom sadly smiled at me.
"Son..." malambing na sabi niya saka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Pati
siya ay naiiyak na din. "You know I hate to see you cry. You are my only son and it
breaks my heart seeing you falling apart."
I hate to feel this but my tears flow abundantly. I never knew I could cry like
this.
Napahagulgol ako and I don't want them to see me like this so I bury my face on
my mom's chest. May problema na nga sa company tapos dinagdagan ko pa ang iisipin
nila.
"It's okay to cry, son. Sino ang nagsabi na hindi pwedeng umiyak ang mga lalaki
lalo na sa harapan ng ina nila?" Mom tried to joke but I was too broken to laugh.
"Minsan ang pag iyak lang pala ang solusyon sa problema natin. Kasi pagkatapos nun,
doon tayo natatauhan. Doon tayo nakakapag-isip ng tama."
Mom held my head and made me face her. Her eyes were fixed to mine. I could see
sympathy from her eyes.
"They left me, mom... She left me..."
Ngumiti si mommy ng malungkot. "Alam ko. Diana talked to me this morning before
she left your house. Nagpaalam siya sa akin na aalis siya at dadalhin ang mga
bata."
I was taken aback.
"She's a wonderful woman, isn't she? She respects me and your dad so much na
naisip niyang magpaalam sa amin. She could just leave and run away but she didn't
do that. Sinabihan niya pa kami na pwede naming dalawin ang mga apo namin sa
kanila."
"Son..." dad called my attention so I diverted my eyes to him. "She was
actually right. She just made the right decision. I admire her for doing that. She
even said sorry to us dahil daw minahal ka niya. She was brave to love you even
though you don't love her back. Hindi mo nga ba siya mahal?"
Napaisip ako. I know she is special but love is something bigger. More
commitment and more baggage. I have to make sure that if this is love because if
so, I have to invest my whole being.
"Dad... She is special to me.."
"Gaano ka special, anak?" Mom asked.
Napailing ako. "I don't know, mom..."
My mom sighed. "You can't have her back pag yan ang sagot mo sa kanya, anak."
"Mom..." I ran out of words to say.
Ang alam ko lang, nasasaktan ako. I can't fathom my feelings. It felt like a
complicated jigsaw puzzle that was hard to fix.
"Son, naalala mo yung time na kinidnap si Diana?" Dad asked and I nodded. "You
looked so scared back then. Kasi takot kang may mangyaring masama sa kanya."
Is dad trying to help me analyze what I feel?
"Pero... what if takot ako dad because she's carrying my child and they might
get hurt?"
Napangiti si dad saka napailing.
Mom spoke this time. "How about when Diana was rushed into the hospital? Di ba
takot na takot ka rin nun para sa kaligtasan niya? Pinapili kapa nga ng doctor kung
sino ang ililigtas, but you chose both her and the kids."
I became silent because I was contemplating what I felt at that time. Oo
natatandaan ko na natatakot akong mawala silang tatlo sa akin. I chose to save both
of them. Ang isipin na may isang mawawala sa kanila ay hindi ko kaya.
"And also when I asked you to go home pero ayaw mo dahil sabi mo, ayaw mo
maulit ang nangyari kay Diana dati. Isn't that enough reason to say na you care
for her?"
"But we both know that care is different from love, mom. We can care for
everyone kahit sa mga taong hindi natin kilala."
"True. Pero sa tingin mo kaya mong mag care sa kanya kung hindi mo siya mahal?
We chose to care for someone because we loved them. We don't just care alone, son."
"But she—"
"Anak, don't over analyze things. Mahihirapan ka pag ginawa mo yan. Kaya ka
nahihirapan na amining mahal mo siya because you are always looking for a reason.
In love, we don't need a reason. We love because we just choose to."
"Tama ang mommy mo, anak. We as your parents can even tell how hard it is for
you to open up your feelings to her. Nakikita namin na meron na pero pinipigilan
mo. Maybe because you're afraid na lokohin ka ulit. Dennise made you scared to love
again. But Diana is different, son. She's a nice woman. She won't keep up with all
your flaws all these years if she doesn't love you that much. Tell me, kailan ka ba
niya niloko?"
I started to think.
She never did. She was always so open to me to the point na alam ko lahat ng
ginagawa niya. For four years, yes we fought a lot, but she never did something
unpleasant.
"You love her already, son. Hindi mo lang maamin because you let your mind
control your heart. You have to free your heart and soul, son, if you want to be
happy."
I was trying to gasp everything my parents said. They might be right. But...
"Do I really love her, dad?"
Dad smiled at me. "A man's love can't be heard from his mouth but from his
actions. So answer your own question, have you ever wanted to be intimate with her
whenever she's around? To hold her hand and hug her?"
To be honest, I always wanted to touch her. Her arms, her lips, her hair and
hug her small waist. But I controlled myself not to do it. For the past three years
in Australia was the hardest part was I had to control myself —to not let my desire
overpowered me because I was afraid that I would get used to it. And when I finally
made love to her again, I felt complete again and again.
I looked at my parents smiling.
"I always have."
Then they both smiled at me too and they even looked at each other before they
glanced back at me, "then you just answered your own question." Dad confirmed.
"Get them back, son. Do everything you could. Don't worry about our company.
Mawala man yun ay okay lang din. We can start from the bottom again. Pero wag mong
hahayaan na pati ang pamilya mo ay mawala sa 'yo. Beause family is the only thing
that you could lose and you couldn't have back again."
I hugged my mom and my dad. "Thank you.." and I felt them hugged me back and
patted my back. They made me realize things that I couldn't have realized by myself
alone. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 36: Missing Him

Diana's POV
"We're sleeping in the same bed, mommy?"
Nagkatinginan kami ni mama sa tanong ng anak kong si Hennessy. Alam ko na may
pagka-picky yang batang yan. Nasanay kasi silang may sariling kwarto at kama ng
kakambal niya. Kinabahan ako na baka mag reklamo ito dahil ito lang ang pwede
naming tulugan. Sa murang edad niya kasi ay independent na siya pagdating sa
pagtulog.
"Yes, anak." Sagot ko ng may pag aalangan. Tahimik na nagdadasal na sana hindi
siya magreklamo.
"Yehey! We are sleeping with mommy! Don't you like that, Essy?" Sabi naman agad
ni Holden na kinangiti ko.
Hindi man niya aminin ay mama's boy iyan. Sa kanilang dalawa, si Holden ang mas
nagpapalambing sa akin. Syempre anak ko ata yan. Pero madalas, ugali ng ama nila
ang nakikita ko sa kanila.
"Of course I want to be with mommy, Denden." Sagot nito. Sila mismo ang
nagbigay ng palayaw sa isa't-isa. Nakakatuwa lang kasi yun lang kasi ang kaya
nilang bigkasin na pangalan nila kaya yun ang naging tawagan nila.
Nagkatinginan kami ulit ni mama at napangiti na lang. Halata sa itsura niya na
nakahinga siya ng maluwag. Baka akala niya magre-request ang mga apo ng kanilang
mismong kwarto.
Sobrang na surpresa talaga si mama na dito muna kami titira. Akala daw kasi
nila ay hindi na ako babalik ng bahay. Mula kanina ay todo asikaso sila sa mga apo
nila. Ang mga kapatid ko naman ay nakipaglaro din sa mga pamangkin nila.
"Oh siya, anak, bababa na ako. Sigurado kang kaya mo na silang dalawa
patulugin?"
Tumango ako. "Opo, ma. Kaya ko na po."
"Sige, ako'y bababa na para tulungan ang papa mo. Magsabi ka lang kung
kailangan mo ng tulong sa dalawang makukulit pero magaganda kong mga apo ha?"
Napatawa ako ng mahina sa sinabi ni mama saka tumango sa kanya tapos bumaba na
siya.
"Halina kayo mga anak, mag shower na kayo dahil matutulog na tayo."
Pinaliguan ko na silang dalawa saka pinalitan ng pampatulog. Tapos ay ako naman
ang nag shower habang nasa kama na sila. At naabutan ko silang naglalaro pa sa iPad
nila.
"Tama na yan. We'll sleep na."
Agad naman silang sumunod saka pinatay ang iPad at nahiga katabi nila ang
isa't-isa habang ako ay nasa gilid ni Holden.
"Sleep now mga anak."
Niyakap ko silang dalawa. Mahaba naman ang aking kamay kaya abot silang dalawa.
Tinapik-tapik ko ng konti dabay nag-hum ng kanta.
"Mommy, when is daddy gonna go home?"
Napatigil ako sa ginagawa dahil sa tanong ni Hennessy. Maliit pa nga talaga
sila. Hindi pa nila naiintindihan ang mga pangyayari. Hindi ko alam paano ko
ipapaintindi sa kanila na simula ngayon ay dapat masanay na silang ganito dahil
kahit ayoko man, hindi na talaga kami babalik sa dati. Hindi naman kasi kami
nagmamahalan kaya ito ang tamang gawin.
"Maybe your dad will be coming soon." Sagot ko na medyo sa safe side kasi ayoko
na malungkot sila.
"How soon, mommy? Maybe daddy is waiting for us in our house. We need to go
home, mommy. Daddy is alone there." Inosenteng sabi nito. Nag aalala talaga siya sa
ama.
Paano ko sasabihin ang totoo kung ganito siya sa daddy niya? Siguradong
masasaktan siya.
"Anak, let's sleep okay? When you wake up, tatawagan mo si daddy at pwede mo
siyang kausapin, okay?"

"Can we call him now?"


Napabuntong hininga ako. "Hindi pwede. Baka busy pa si daddy."
"But I miss him." Naka-pout na sabi nito.
"I miss daddy also." Sabi din ni Holden.
Nami-miss ko din ang daddy niyo. Pero ito na ang sitwasyon ngayon at wala na
akong magagawa.
Naaawa ako sa mga anak ko. Hindi ko gustong lumaki sila na ganito... na
magkahiwalay ang parents nila. Pero wala akong magagawa dahil ayoko saktan din ang
sarili ko pag patuloy akong umasa. Isa pa, pumayag naman si Bryan na lumipat kami
at yun ang masakit.
Ilang paliwanag pa ang sinabi ko at kung anu-anong pangungumbinse pa ang ginawa
ko bago ko sila napatulog.
Habang ako, nakatulog na din pagkatapos ng ilang minutong pag iisip. Pag iisip
sa maaaring mangyari sa mga sumunod na araw. Hindi ko alam paano ako magsisimula.
Pero gagawin ko lahat para mabigay ang kailangan ng mga anak ko. Kailangan ko
kumayod para sa kanila.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng agahan. Pero nasa kusina na
pala si mama. Kaya tinulungan ko na lang si mama na mag handa ng pagkain namin.
Naghahanda kami ng pagkain nung biglang nagsalita si mama.
"Kumusta ang unang gabi ng mga bata? Nakatulog ba sila ng maayos?"
Napailing ako sa naalala kagabi. Kinwento ko kay mama ang sinabi ng mga bata
kagabi. Naawa din siya sa kanila.
"..at hindi lang yun, ma. Kaninang madaling araw ay nagising si Hennessy at
umiiyak. Hinanap agad nito si Bryan. Siya kasi talaga ang nagpapatulog sa mga bata
at ang laging gumigising sa madaling araw."
Kasalanan ko rin siguro dahil sinanay ko sila sa pangangalaga ng ama nila kaya
ganito ngayon. Pero dapat ko na silang sanayin sa ibang bagay.
"Hindi na ba talaga kayo magkakaayos, anak?"
"Maayos naman kami, ma. Hindi lang talaga kami magkasundo pagdating sa
nararamdaman. Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal. Ayokong mas lumalim pa ang
nararamdaman ko sa kanya kung patuloy kaming magsasama sa isang bahay."
"Tama nga naman. Pero anak, minsan naman hindi mo kailangang sumuko na lang.
Minsan pinaglalaban din yan. Hindi naman lahat ng tao ay bigla-bigla na lang
nagkakagusto. Minsan kailangan nilang makita kung gaano mo sila minamahal saka don
pa lang lalabas ang nararamdaman din nila na hindi nila mapangalanan sa umpisa."
Huminga ako ng malalim. Wala naman akong ipaglalaban dahil nag pasya na siyang
hayaan akong umalis. Wala talaga siyang ni katiting na nararamdaman sa akin.
"Ewan ko, ma. Bahala na. Sa ngayon, iisipin ko muna kung paano ko bubuhayin ang
mga anak ko. Lalo na at sanay sa luho yang dalawa. Inispoiled kasi ng ama at nina
Ma'am Manu."
"Susuportahan ka namin sa kung ano man ang desisyon mo. Sabihin mo lang pag
kailangan mo kami. Tutulungan ka namin pagdating sa mga apo namin."
Napangiti ako, "Thanks, ma."
Ilang sandali ay nagising na ang dalawa. Nagmano sila sa lolo at lola saka
sabay kaming lahat na kumain ng agahan.
"Ang galing naman ng mga apo ko. Ang gana ninyong kumain." Humahanga na sabi ni
papa sa kambal.
"Yes, lolo. Mommy said every food is a blessing so we have to eat it and finish
it." Sagot ni Holden.
Napapalakpak ang mama at papa sa sagot niya. Napangiti ako dahil natututo sila
sa murang edad pa lamang.
"Mommy, can you feed me?" Lambing ni Holden sa akin.
Tumango ako at sinubuan siya. Sobrang saya naman niya na sinusubuan.

"I want daddy to feed me, too." Biglang sabi ni Hennessy na


dahilan para mapa tingin kaming lahat sa kanya.
Tumingin ako kay mama at papa para humingi ng tulong.
"Ah, apo.. Sa akin pwede ka magpasubo. Gusto mo ba ako na lang muna habang wala
dito ang daddy mo?"
Tumingin sa akin si Hennessy. Medyo nahihiya pa siya sa lolo niya kasi bihira
lang silang magkita at mag bonding. Siguro mabuti na rin na dito kami kasi para may
time na mag bonding sila at ang kambal.
"Okay po." Sabi niya saka umupo sa tabi ng lolo niya. Napangiti ako nung makita
na sinusubuan siya ni papa.
"Ang gana kumain ng apo ko. Ganyang-ganyan din ang mommy mo noong bata pa siya.
Hindi pihikan sa pagkain."
Kung anu-ano pa ang pinagkwe-kwentuhan namin hanggang sa matapos na kaming
kumain. Pagkatapos nilang maglaro sa sala kasama ang mga tito nila ay saka naman
naalala ni Hennessy ang sinabi ko kagabi na tatawag sa daddy niya kaya naman dinial
ko ang numero ni Bryan. Nung mag ring na ay saka ko inabot sa kanya ang phone ko.
Naka speaker ito kay naririnig ko ang ring sa kabilang linya.
"D-Diana?" Napalunok ako nung marinig ang mahina at may lungkot sa boses nito.
"Hello, daddy?" Masiglang sabi ni Hennessy.
"Baby? Is this you, my little angel?"
"Yes, daddy. Where are you? I did not sleep well last night. You were not here.
I miss you already, daddy. When are you going home?"
Ilang segundo na tumahimik sa kabilang linya bago ko narinig ang boses ni
Bryan.
"When do you want daddy to come?" Bakit parang lasing ata ang boses niya? Medyo
maaga pa naman para uminom siya. O baka pagod lang siya kaya ganyan.
"Now, daddy. Can you come?"
"Sure. Daddy will come for you, my angel." Malambing na sagot nito sa anak. "Is
your mommy there, baby?"
Agad akong nakinig lalo nung marinig ko na hinahanap ako nito. Kakausapin niya
rin kaya ako? Bakit bigla akong na-excite at nataranta at the same time?
"Yes, dad."
Hinihintay ko na kausapin niya ako. Pero natapos ang pag-uusap nila na hindi
man lang ako kinausap.
"Thank you, mommy." Sabi nito sabay sauli ng phone ko pagkatapos nilang mag
usap ng ama niya. "Daddy is coming later, mommy."
Hindi ko ata alam kung handa akong harapin siya. Tapos pag nandito siya, hindi
niya naman ako papansinin. Mas lalo lang akong magdamdam. Mabuti pa ay umalis na
lang muna ako. Ayoko pa munang magkita kami.
Kaya nagpaalam ako kay mama na aalis muna at may pupuntahan lang. Binilin ko sa
kanya ang kambal at huwag paalisin ng bahay. Kailangan muna ng pahintulot ko bago
sila ilabas ni Bryan.
Sa totoo lang, ito ang naisip ko na pagkakataon para puntahan si Dennise. Gusto
kong malaman kung totoo ang sinabi niya sa akin nung isang araw.
Sa isang rehabilitation center siya at doon ako pumunta. Pagdating ko doon ay
nagpakilala akong kaibigan niya para dalawin siya.
Nakaupo ako sa visitor lounge saka naman lumabas si Dennise.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya nung makita ako at napangiti na lang nung
malapit na siya sa akin. Naupo siya sa harapan ko.
"Hi." Bati niya sa akin.
"Dennise, ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Nandito ako dahil sa sinabi mo sakin
nung nakaraang araw."
Ayoko kasi magtagal dito. Gusto ko lang talaga malaman kung totoo ba ang sinabi
niya.
Nawala ang ngiti niya saka sumeryoso siya bigla. "Tungkol kay dad."
"Anong tungkol sa daddy mo?"
Napatingin siya ng diretso sa mga mata ko saka mahinang nagsalita, "May
kinalaman si daddy sa paunti-unting paglugi ng negosyo nina Bryan. Ginagawa ni
daddy ang lahat para makuha ang kita ng company nila."
Napakunot ang noo ko. "At bakit naman gagawin yun ng daddy mo?"
"Pera, Diana. Dad is so obsessed with money and wealth." Madiing sabi nito saka
nagdilim ang mga mata niya. Nagagalit ito.
Naalala ko tuloy ang nalaman ko dati na tinutulan ng ama niya ang relasyon nila
ni Luke dahil sa hindi ito mayaman.
"Paano naman ako nakakasiguro na hindi mo kakampi ang daddy mo dito? Baka naman
pinapaikot niyo lang ako?"
Ngumisi siya. "I will not waste my time telling bullshits, Diana. Nanganganib
ang negosyo ni Bryan. Gusto kong sabihin sa kanya pero ayaw niya akong kausapin
kaya ikaw ang kinausap ko. Sana naman maniwala ka. Sabihan mo si Bryan na itigil
ang anumang koneksyon ni dad sa company niya bago pa tuluyang makuha nito lahat."
Nakikita ko na seryoso siya sa mga sinasabi niya at ang galit sa mga mata niya.
"Dad is close to his plans. We need to stop him." Madiing sabi niya
Sa nakikita ko ngayon ay magaling naman si Dennise. Maayos na ang lagay niya.
Siguro naaalagaan siy dito ng maayos. Hindi gaya ng dati na nabaliw talaga siya
nung malaman ang nangyari kay Luke. Sobrang naaawa ako noon sa kanya dahil doon.
"Paano natin siya mapipigilan?"
Gusto ko rin namang makatulong kay Bryan. Companya niya kasi na dating
pinagtatrabahuhan ko ang maaapektuhan dito.
"Hindi ko alam. Nandito ako kaya wala akong magagawa. Pero ikaw, may magagawa
ka. kumbinsihin mo si Bryan. He needs to believe that dad is into his business and
money."
Paano ko masasabi yun kung ganito ang sitwasyon namin ngayon?
"Dad is visiting me today, Diana. You should leave now. Baka mapahamak ka pa."
Nakaramdam ako ng kaba. Ayoko maulit ang nangyari noon. Kahit hindi ko alam ang
kayang gawin ng ama niya ay agad akong tumalima.
"Sige. Aalis na ako. Salamat sa impormasyon mo. Susubukan kong kumbinsihin si
Bryan."
"Salamat sa pagtiwala sa akin, Diana. Promise, babawi ako sa inyo." Nakangiting
sabi nito. Halatang sincere siya.
Napangiti ako sa kanya. Mabait naman kahit papaano si Dennise. Siguro dahil sa
may pangangailangan sila dati kaya ganito ang nangyari at dito siya humantong.
"Hindi na kailangan. Sapat na ang ginagawa mo ngayon bilang pagtulong." Sagot
ko saka nagpaalam na.
Paglabas ko ng rehab ay natigilan ako nung makita ko sa hindi kalayuan si Sir
Philip. Diretso itong naglalakad. Agad akong napatago sa gilid ng hallway para
hindi niya ako makita.
Mabuti na lang at lumagpas siya sa akin ng hindi ako napapansin.
Dadalawin nga niya si Dennise. Para ano? Akala ko dati sabi ni Bryan ay hindi
ito bumibisita sa anak. Hindi kaya dahil ngayon ay may kailangan siya dito?
Possible kayang magkakampi ang dalawa? At may binabalak sila kaya nakipag usap
sa akin si Dennise? Wag naman sana niya akong utuin.
Napailing ako. Hindi naman siguro gagawin ni Dennise yun. Nakita ko kanina kung
gaano siya ka sincere sa bawat salitang sinasabi niya.
Kailangan kong maniwala sa kanya. Kailangan ko ding balaan si Bryan.
Kahit papaano ay mahalaga siya sa akin at gagawin ko ito para sa kanya at sa
kinabukasan ng mga anak namin.
Nami-miss ko na tuloy siya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 37: Apology

Diana's POV
Kakatapos ko lang ng interview sa company ni Jeremy. Madali lang at wala ng
madaming tanong. Sinabihan agad ako na magsisimula na ng training ko sa Lunes.
Hindi kami nagkita ni Jeremy dahil wala siya ngayon dito. May trabaho daw sa
malayong client. Gusto ko pa sanang humingi ng tawad sa kanya dahil ilang beses ko
siyang inindian. Mabuti na lang sobrang bait niya at pina-schedule ulit ang
interview ko.
Magpapasalamat din ako dahil sa pagbibigay niya sa akin ng trabaho.
"Diana."
Napatigil ako sa paglakad nung may tumawag sa akin. Binundol ng kaba ang puso
ko nung marinig ko ang boses niya. Ilang araw din kaming hindi nagkitang dalawa.
"Diana.." tawag niya ulit sa akin.
Hinarap ko siya ng dahan-dahan. Si Bryan na nakatayo sa harapan ko at naka-
business suit. Natatakpan ng kagwapuhan niya ang aura niyang napaka-intimidating.
Naalala ko dati nung boss ko pa siya na halos lahat ng empleyado ay takot sa kanya
dahil sa sobrang seryoso niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang ama ng mga
anak ko at ang lalaking nakasama ko ng ilang taon at nakatabi pa sa kama. Pero
tapos na yun. Pinatikim lang sa akin ang feeling na makasama siya.
Humakbang siya palapit sa akin. Gusto kong umatras dahil sa talim ng titig niya
sa akin habang papalapit. Parang kakainin niya ako ng buhay. Mas lalo tuloy akong
kinabahan dahil sa mga iniisip ko. Binalak ko tuloy umatras pero ang hindi ko
inasahan ay ang biglang pagyakap niya sa akin ng ubod ng higpit.
Nagulat ako. Literal na napanganga. Para pa akong nanigas dahil sa hindi ko
inasahan ang ginawa niyang pagyakap. Akala ko kanina ay magagalit na naman siya o
kaya ay baka naman saktan ako sa klase ng titig niya.
"I miss you..." nawala ang kaba ko sa narinig at parang may natunaw na yelo sa
puso ko dahil sa aking narinig. Napapikit ako nung hinalikan niya ang buhok ko ng
puno ng emosyon.
Hindi pa ako naka-recover nung humiwalay siya ng yakap sa akin. Ang mga mata
niyang may batid ng pangungulila ang nakatitig sa akin ngayon.
"I've been wanting to see you but every time I come to your house, you're
always gone."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya.
"G-Gusto mo akong makita?" May pagtataka at gulat na sabi ko. Pero ang mas
nagpagulat sa akin ay ang hindi ko inasahang pagtango niya sa akin. Ibig sabihin...
na miss niya ako? Pero... "B-Bakit?" Biglang lumabas sa bibig ko.
Kumibit balikat siya. "I just wanna see you." Sabi niya saka hinawakan ako sa
kamay at mahinang hinila.
Nalungkot ako sa sagot niya. Akala ko ay na miss niya talaga ako. Akala ko
sasabihin na niya ang gusto kong marinig mula sa kanya. Pero hindi pala. Umasa na
naman ako. Umasa na magbabago pa ang pagtingin niya sakin.
"Saan tayo pupunta?" May lungkot sa boses na tanong ko habang nagpahila na lang
sa kanya.
"Home." Tanging sagot niya saka tumigil kami sa harapan ng kotse niya. Agad
niya itong binuksan at giniya akong sumakay na ginawa ko naman dahil gusto ko na
ring umuwi. Nmi-miss ko na ang kambal.
Nung nakasakay na rin siya ay pinaandar niya na ang kotse niya saka nagsimula
mag-drive.
"You shouldn't visit Dennise."
Nagulat ako sa biglaang pag ungkat niya nito.
"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko sa kanya. Nung isang araw pa yun.
Ngumisi siya. "I always have my eyes on you." Sagot niya na kinangiwi ko. Iba
kasi ang meaning para sa akin. Ang dating ay parang mahal niya ako pero hindi
naman. Ang gusto niya sigurong sabihin ay pinapabantayan niya ako sa mga tauhan
niya sakaling ilayo ko ang kambal sa kanya. Yun siguro yun.

"Pinuntahan ko siya dahil meron daw siyang sasabihin sa


akin. Bryan, may sinabi siya sa akin. Kailangan mong malaman ito. Alam ni Dennise
kung sino ang—"
"Stop it, Diana."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi niya gustong marinig ang sasabihin
ko.
"I said stop it. Don't mingle with the problem. Just leave this to me, okay?"
"Pero sinabi sa akin ni Dennis na may kinalaman ang—"
"I said stop. I don't want to hear it from you. I don't want you to mingle with
this problem. I don't want you to be involved with anything that could possibly put
you in trouble again. Let me handle this, okay?"
Napanganga ako sa narinig.
Gosh, iniisip pa rin niya ang nangyari three years ago.. Hindi pa rin talaga
siya totally naka move on. Na trauma siya dati dahil sa takot niyang may mangyari
sa kambal.
Pero... Hindi na ako buntis ngayon. Hindi ko na dala ang anak niya. Concern pa
rin siya sa kin... Ibig sabihin, importante din ako sa kanya?
"Alam mo na ang tungkol sa ama niya?" Gulat na sabi ko. Mas lalo akong nagulat
nung tumango siya sa akin. Alam na pala niya. "Eh bakit hindi mo daw kinakausap si
Dennise? Paano mo naman nalaman?"
"The day we rescued you, Luke said a lot of stuff about Tito Philip. Since
then, hindi na ako nagtiwala sa kanya. When dad's company started to have a
problem, siya agad ang naisip ko, so I have it investigated. And tama nga ako. He
has something to do with this. Ngayon, nagaantay na lang kami ng evidence na
gagamitin natin against him, so we can sue him. He doesn't know that we're plotting
behind his back. Well I feel sorry for him, he isn't that careful cause we found
out about his plans."
All this time tama pa rin talaga ako. Hindi tanga si Bryan. Imposible naman
kasing hindi siya makinig kay Dennise. At pssibleng wala siyang ginagawa tungkol
dito.
"Pero hindi mo kinausap si Dennise. Bakit ayaw mo makinig sa kanya?"
"I want her to be out of this mess, too. She had enough with his dad. Ayoko na
pag napakulong na namin ang ama niya ay pati siya sisihin ng ama niya dahil sa
pagtulong niya kung sakali. I know how brutal her father to her. Kaya ayoko ng
madagdagan pa ang paghihirap niya sa daddy niya. So I'm actually doing her a favor
by not answering her calls." Sabi nito saka tumigil muna bago nagsalita ulit. "Tito
Philip is kinda clever. We might not know na alam niya kung sino ang mga kausap ni
Dennise while in the rehab. An enemy has his ways, remember that, Diana. Have you
wonder why you saw him in the rehab when you visited Dennise? Because he has his
eyes on her. He knew you would visit. Mabuti na lang hindi kayo nagkita."
Napanganga ako sa sinabi niya. All this time ay alam niya ang nangyayari.
Pinabantayan niya pa ako sa mga galaw ko. Kinabahan pa ako para sa kanila ng daddy
niya pero alam na niya pala na ang ama ni Dennise ang may kagagawan ng nangyayari
ngayon.
Dapat masaya ako pero bakit nakaramdam ako ng lungkot sa isipang concern din
siya kay Dennise. Hindi kaya may nararamdaman pa siya para dito kaya ayaw niya
itong masaktan at madamay sa gulo?
"Hey, you became quiet. I didn't mean to put a blame on you."
Natigil ako sa pag iisip nung marinig ko ang apologetic na boses niya. Iba ang
iniisip niya sa iniisip ko. Akala niya dahil sa pagpunta ko ang dahilan kaya ako
natahimik. Pero ang totoo, nasasaktan ako dahil sa isipang mahal pa niya si
Dennise. Bakit feeling ko ay napakadamot ko? Bakit gusto ko ako sana ang mahalin
niya? Hindi dapat si Dennise o ang iba.

Napailing ako. Hindi ako dati ganito at hindi dapat. Kaya


imbis na sagutin ang sinabi niya ay iniba ko ang usapan. Tumingin ako sa daan para
doon ibaling ang pansin ko. Pero napakunot ang noo ko na hindi ang daan pauwi ng
bahay namin ang tinatahak.
"Bryan, saan tayo pupunta? Hindi ito papunta sa bahay namin." Takang baling ko
sa kanya.
Nakangiti siyang sumagot, "You spaced out that's why you didn't notice. We're
going home now. I'll bring you back home."
"Ha? Bakit? Di ba nag-usap na tayo? Hindi ako babalik kasi hindi naman dapat
ako tumira doon. Hindi tayo mag asawa para tumira sa isang bahay."
Ngumingiti pa rin siya.
"We will work on that. For now, I need you back home."
Napailing ako. Anong ibig niyang sabihin? Napakagulo niya. Hindi ko siya
maintindihan minsan. Iba kasi ang takbo ng isip niya. Minsan nga iniisip ko na may
saltik to eh.
"Bryan, ihatid mo ako sa bahay. Hindi pwedeng wala ako doon. Nahihirapan nga
matulog ang kambal na wala ka, ano pa kaya kung wala din ako. Mahihirapan sina
mama." Punong pag-aalala na sabi ko.
Natawa siya sa sinabi ko, "They're already in our house. Kinuha ko sila kanina.
Besides, they want to go back home."
Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagplano siya ng hindi ako tinatanong. Pero
ang isiping hindi lang ang kambal ang gusto niyang iuwi ay natuwa ako. Ibig
sabihin, may halaga pa rin ako sa kanya kahit papaano.
Napangiti ako.
"Why are you smiling?"
Napailing ako saka pinigilan ang ngiti ko.
"Wala."
Napailing din siyang natawa pero napabuntong hininga saka nagsalita, "Diana, I
know our relationship has been rough. You think that this is going nowhere but
trust me, I am pulling myself together to do the best I can to show you that you're
important to me."
Gulat akong napatingin sa kanya.
"M-Mahalaga ako sa 'yo?"
Walang pagdadalawang isip siyang tumango saka ngumiti sa akin.
"P-pero hindi sapat yun. Hindi mo pa rin ako mahal. Kaya dapat hindi talaga
tayo magsama. Ako lang ang masasak—"
"Stop it, okay. Hindi ko sinabing hindi kita mahal. Kailan ko sinabi yon?" He
sighed saka lumambot ang mukha niya. "Nung umalis ka, doon ko na-realize na hindi
ko pala kaya na wala ka. Kayo ng kambal. I don't know if this is already love but
mom said it is. She said, if you don't know the reason why you keep on thinking
someone, it's already love. I kind of agree with her cause seeing you around me,
makes me really happy. Let's take it slow. Ayoko madaliin lahat. But you know kung
ano ang gusto kong madaliin?"
"Ano?"
"Planting a baby in your womb, so you won't think of leaving me again."
Namula ako sa sinabi niya. Pero aaminin kong kinilig talaga ako.
Ene be nemen.
"H-Hindi magandang b-biro yan." Baka totohanin ko. Sinita ko ang isip ko sa
naiisip.
Baka homopya na naman kasi ako.
"I'm not kidding, Diana. When I told you that I don't want you to leave me, I
was serious. Ibig sabihin, I want you here with me forever. That's all I'm asking
from you, Diana."
Hindi ko na talaga mapigilan ang sumabog. Sobrang saya ko sa mga sinasabi niya
kaya nga nakatingin ako sa kanya para malaman kung totoo ba at seryoso siya.
Nakikita kong seryoso naman siya sa mga sinasabi niya. Kailan pa ba nagbiro si
Bryan sa ganitong bagay? Pag hindi niya gusto ang sinasabi, hindi yan nagsasalita.

"Pero hindi pwede tayong magsama ng hindi kasal. Masama


yun."
Tumingin siya sakin saglit dahil nagdi-drive pa siya. Napapiksi ako nung
hawakan niya ang kamay ko habang ang isa ay nasa manibela.
"We will get there, babe. Just trust me. Let me show you how much you are
special to me, then once you're satisfied, I will marry you. Ayokong pakasalanan ka
kung nararamdaman kong nagdududa kapa sa pagmamahal ko sa 'yo. I gave you doubts
at gusto ko alisin muna ang mga yun." Napatingin siya sa akin ng masinsinan. "Ayoko
magsisi ka sa huli dahil minadali kita. Love takes time, isn't it? It will be worth
it in the end if we will both be patient cause trust me, I want us to be together,
too. I can't wait to marry you when the right time comes."
Napangiti ako at literal na sumaya ang puso ko. Hindi ko kailanman inasahan na
sasabihin niya ito sa akin.
Akala ko hindi niya na ako mamahalin. Ang marinig ang mga ganitong bagay mula
sa kanya ay sobrang sarap sa feeling. As in. Sobra.
Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Simula ngayon, hindi na ako matatakot na mas mahulog pa sa kanya. Alam ko na
mahalaga ako sa kanya at gagamitin ko yun para mas lalo niya akong iibigin. Hindi
ako susuko.
Siya ang gusto kong kauna-unahan at huling lalaki na mamahalin ko. Gusto ko
bumuo ng pamilya kasama siya at ang kambal. Sana matupad ko lahat iyon.
Kanina pa ako pa ngiti-ngiti lalo na nung halikan niya ang kamay ko habang
nagmamaneho siya. Ilang beses niya ginawa yun. Hindi ko nga napansin na nandito na
pala kami sa bahay niya. Napansin ko lang nung bigla niyang hinalikan ang labi ko.
"Just to bring you back to senses. You've been spacing out. Are you okay?" Nag-
aalalang tanong niya.
Tumango ako sa gulat sa ginawa niya. Kanina niya pa ako sinu-sorpresa sa mga
ginagawa niya at sa mga pinagsasabi sa akin.
"Are you pregnant already?"
Nagulat ako sa tanong niya.
"Huh? Hindi. Bakit mo naman naisip yun?"
Kumibit balikat siya, "Well, we did it before you left. I was thinking I had
you pregnant, and I will be glad if you are."
Napakagat ako ng labi. Paano ko ba sasabihin sa kanya na nagpi-pills ako nun?
"Tara na sa loob. Naghihintay na siguro ang kambal." Pag iba ko ng usapan.
Bumaba na kami at nung pumasok sa loob ng bahay ay sinalubong kami ng kambal at
ng dalawa pang babae na nka uniform.
"Hi Mommy and Daddy!!" Bati ng dalawa saka yumakap pa at humalik sa amin.
Nagtataka akong tumingin sa dalawang babae na nakangiti sa akin at bumati din
ng, "hello po, ma'am."
Kunot noo akong napatingin kay Bryan. Ngumiti siya sa akin saka lumapit.
"I hired two maids to help you with the household chores and to help you take
care of the twins." Pagpapaliwanag niya.
"Pero akala ko ayaw mo ng may katulong tayo o ibang kasama sa bahay?"
"Yeah ayoko nga, but I was thinking na mas mabuting may tutulong sa 'yo. I
don't want you to be too tired lalo na at magta-trabaho ka na 'di ba? I guess it is
not that bad to change what I used to kung para naman sa inyo ng mga bata."
Napangiti ako. Bingo na talaga si Bryan sa pagpapakilig sa akin. Pinipilit
niyang sanayin ang sarili sa mga bagay kahit ayaw niya ito. Ginagawa niya lahat
para sa amin. Naalala ko nga noon na ayaw nun ng makalat pero ngayon, hindi na siya
aburido pag nakitang makalat ang bahay at mga laruan ng kambal. Nag a-adjust na
talaga siya.
"Salamat pero baka naman excuse mo lang yan para may magligpit dito sa bahay?
Kasi nga 'di ba ayaw na ayaw mo ang makalat noon."
Natawa siyang napailing saka niyakap ang isang kamay sa balikat ko.
"No, sanay na ako sa kalat. Sa 'yo pa lang at sa mga bata. Pero ang totoo kung
bakit nag-hire talaga ako ng maids ay para..." linapit niya ang bibig niya sa tenga
ko at bumulong, "we could have plenty of time for each other and make love na
walang istorbo."
Namula ako sa sinabi niya. Napakunot noo akong tumingin sa kanya. Ito ba talaga
si Bryan? Naging pervert na ba siya? Hindi naman siya ganito noon ah? O baka
tinatago lang niya sa akin para hindi ako ma turn off. Tsk tsk. Ang mga lalaki nga
naman kahit gaano pa kabait, may pagka manyak pa rin.
Natawa siya dahil sa reaction ko at saka sinabing, "joke lang." saka ako
kinitilan ng halik sa labi saka bumulong ulit, "but jokes are half meant." Sabi
niya na nagpanganga sa akin.
Mas lalo siyang natawa saka nag-wink sa akin bago ako iniwan at kinarga ang
kambal saka inakyat ang mga ito.
Napansin ko na lang na kinikilig ang dalawang maids sa harapan ko. Nahiya ako
bigla.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 38: Arrested & Freed

Diana's POV
"Hello?" Bungad ko kay Bryan. Tumawag kasi siya sa akin.
"Are you off now? The kids are waiting."
Sa kanya kasi naiwan ang kambal dahil nagsimula na akong mag trabaho. May maids
sa bahay pero mas gusto pa rin naming kami ang laging kasama ng kambal kaya minsan
pag hindi talaga busy si Bryan ay dinadala niya ang kambal sa office niya. May
sariling kwarto naman kasi sila don na pwedeng maglaro. Kinukuha ko lang pag uwian
ko na at pag may importanteng meeting siya. Hindi kasi pwede akong magdala ng anak
sa trabaho ko.
Pero minsan si Bryan na ang umuuwi sa kanila pag wala siyang lakad na hindi
pwedeng dalhin ang kambal.
Ngayon kasi ay dapat siya ang mag uuwi sa mga bata pero kasi tumawag siya
kanina na kailangan niya daw umalis at hindi pwedeng isama ang kambal.
"Oo kakalabas ko lang. Papunta na 'ko d'yan."
"Alright, I'll be waiting. Take care."
"Salamat."
Napangiti akong binaba ang tawag. Simula nung bumalik kami sa bahay niya ay nag
iba na siya. Lagi siyang sweet sa akin na para bang ayaw niyang umalis ako ulit.
Lahat ginagawa niya para manatili kami.
Ang laki din ng inadjust niya simula magsama kami. Naalala ko ang unang mga
araw na may dalawang maids kami sa bahay, hindi sanay si Bryan at nakakalimutan
niyang may kasama pala kami. Lagi kasi siyang naka topless sa bahay at lalo na pag
iinom siya or kakain, laging inaalok siya ng dalawa. Hindi siya sanay na may ibang
gumagawa para sa kanya sa bahay. Kaya nga gusto siya ng maids kasi hindi daw siya
palautos.
Mabilis lang akong nakarating sa office niya. Nag-commute lang din ako. Ayoko
kasi na sunduin ng driver ni Bryan. Kaya ko naman eh.
Pagkababa ko sa elevator sa floor ng mga boss ay nakita ko agad si Sit Bob.
"Diana." Bati niya sa akin.
"Hello po. Kumusta na po, sir Bob?"
"I'm doing okay. Ikaw talaga, hija, sabing wag mo na akong tawaging sir. Ina ka
ng mga apo ko and you're special to my son."
Naiilang akong napangiti, "Sorry po. Susubukan ko pong sanayin ang sarili ko.
Matagal ko din po kayong boss kaya hindi ako masyadong sanay na tawagin kayong
tito."
Napatawa siya ng mahina, "Masasanay karin. Anyways, I need to go. Bryan is
waiting for you, magulo na kasi ang dalawa. He needs help from you. I'll see you
soon, hija." Sabi niya saka tinapik ang balikat ko at umalis na.
Napangiti ako sa mga nadadaanan kong staff. Kilala ko kasi sila dati nung
andito pa ako. Sobrang nagulat nga sila na ako pala ang ina ng kambal na anak ng
boss nila. Pati si Ma'am Gretchen na boss ko din dati ay nagulat. Nagtampo pa nga
siya dahil nilihim ko pero masaya daw siya para sa akin.
"Andito na si mommy!" Anunsyo ko nung makapasok sa office ni Bryan.
Agad namang natuwa ang dalawa saka nagpaunahan sa pagpunta sa akin at yumakap.
Napaluhod naman ako at hinalikan silang dalawa at niyakap din.
"Magulo daw kayo sabi ng lolo?"
Napailing silang dalawa, "No, mommy. We're good. Right, dad?" Sabay lingon sa
ama na ngayon ay palapit na sa akin.
Tumayo ako para salubungin siya.
Ngumiti ako nung nakita ko siyang napailing sa sinabi ni Holden. "Yeah, yeah."
"Ganun ba talaga sila kagulo? Hindi ka ba nakapagtrabaho ng maayos?" Pag-aalala
ko. "Sana kasi iniwan mo na lang sila sa bahay. Kaya naman silang bantayan nina
manang eh."

Kinabig niya ako sa bewang at nilapit sa kanya para dampian


ng halik sa labi saka pinakawalan. Napatingin ako sa kanya.
"I just want to be the one who would watch for them. Besides, mom and dad were
here earlier to help me watch them."
Alam ko naman na sobra ang tulong na binibigay ng parents niya sa pag-aalaga sa
kambal. Sila na rin ang tumutulong sa amin minsan na alagaan ang dalawa. Kinukuha
nila ito sa amin at pinapasyal minsan.
Tumango ako sa kanya, "So I-uuwi ko na ba sila? Saan ka ba pupunta?"
Huminga siya ng malalim saka tiningnan ang dalawang bata na ngayon ay magulo na
namang naglalaro sa couch. Humarap siya sa akin saka nagsalita ng mahina, "I need
to go to the prison. Nahuli na si Tito Philip. I need to be there to file the
case."
Medyo nagulat ako. Alam ko na matagal na silang naghahanap ng ebidensya para
ipakulong siya at ngayon ay nahuli na rin.
"Gusto mo samahan kita?"
Umiling siya. "No need, babe. Ako na ang bahala. Just go home with the kids.
Tinawagan ko na ang driver na maghahatid sa inyo."
Hindi ako nagsalita. Nag-aalala akong tumingin sa kanya.
"Hey, stop worrying about me, okay? Mabilis lang ako dun. Wala naman siyang
gagawing masama sa akin kasi nakakulong na siya kasama ang mga kasabwat niya. He
will just make things worse for him if may gawin siya laban sa akin... sa atin."
Tumango ako at napapikit nung dinampian niya ng halik ang noo ko.
"Mag-ingat ka pa rin." Sabi ko.
"I will. Kayo din ng twins."
Sabay kaming lahat bumaba ng building. Hinatid kami ni Bryan sa kotse bago siya
pumunta sa kotse niya. Nauna kaming umalis saka siya umalis din.
Kinabukasan ay nabalitaan ko nga mula sa kanya na mabubulok sa kulungan si
Philip. Ang dami kasi pala nitong nagawang kasalanan na labag sa batas hindi lang
kina Bryan.
Sa araw ding yun ay sabay kaming pumunta kay Dennise para ibalita sa kanya ang
tungkol sa daddy niya.
Ang akala namin ay malulungkot siya sa balita kaya sobrang pinag-isipan namin
kung paano sasabihin sa kanya. Pero iba ang nakita namin. Hindi siya ngumiti o
tumawa. Pero nakita namin ang kaginhawaan sa mukha niya.
Ilang sandali ay napangiti siya sa amin, "It's about time for dad to learn his
lessons. Thank you for doing things that I was afraid to do."
"You should've told me before, Dennise. Hindi na sana umabot sa ganito. Matagal
ka na pa lang tinatakot ng ama mo. You let him control you for years." Sabi ni
Bryan.
Napangiti ng alanganin si Dennise, "Kung may lakas ng loob lang sana ako, but I
don't. Si Luke lang ang nakapagpilit sa akin na kalabanin si dad. But he passed
away, so I was left with no choice. But hearing this from you now, parang nabunutan
ako ng tinik sa dibdib. Kung alam kong ganito din pala hahatong lahat, sana noon ko
pa ginawa. Tama ka. Sana noon pa lang, malaya na ako. Hindi sana nawala si Luke.
Sana ngayon nabubuhay kaming masaya."
Napatingin ako kay Bryan at tumango siya sa akin. Napag usapan kasi namin ito
kagabi at agad inasikaso. Ayaw na namin patagalin pa.
"Dennise, may ibabalita pa kami sa 'yo." Sabi ko.
Agad naman nawala ang ngiti niya. Hanga ako sa kanya. Napakatibay niyang babae.
Napakaganda niya rin at alam ko na marami pa siyang magagawa sa buhay niya at alam
ko na may pag asa pa siyang gawin ang bagay na hindi niya magawa noon.
"What is it?"
Nginitian ko siya ng buong puso. "Inasikaso na namin ni Bryan ang paglabas mo
dito. Sa susunod na araw, pwede ka nang lumabas."

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang


nagpapalit-palit ng tingin sa aming dalawa.
"T-totoo ba ang naririnig ko?" Nakangiti akong napatango. "Seryoso?" Tumango
ako ulit at natawa.
"God! Thank you. Thank you so much. Hindi na ako mabubulok sa kulungan! Thank
you..." naiiyak sa tuwa niyang sabi.
"Yes, Dennise. Diana asked me to set you free. You've been given a second
chance to change your life now. Sana gamitin mo to sa tama. Don't ever let someone
control you again. Live your life as you want it."
Naluluhang napatingin sa akin si Dennise. Nakikita ko ang tuwa sa mga mata
niya, "Thank you so much, Diana. I've done bad things to you, and I don't know if I
deserve this from you."
"Kalimutan na natin yun. Ayoko na lumabas ka dito na may pag-aalala. Magsimula
ka ng bago. Wag kang mag alala dahil napatawad naman kita basta ipangako mo lang na
magiging okay ka. Para hindi masayang lahat ng ito. Enjoy your life. Nandito lang
kami sakaling kailangan mo ng tulong sa pag babagong buhay mo."
"Thank you so much." Naiiyak na sabi niya at hindi niya napigilang mapatayo at
niyakap ako ng sobrang higpit.
Naiyak na din tuloy ako. Pinahid ko ito nung lumayo na siya sa akin.
Ngumiti siya sa amin. Napatingin ako kay Bryan nung hinapit niya ako sa bewang.
Ngumiti din siya sa akin .
"You two look good together. Now I know bakit hindi talaga tayo para sa isa't-
isa, Bryan. You deserve someone like Diana. It makes sense now bakit sa tagal natin
ay hindi natin makuhang ibigay ng buo ang sarili natin sa isa't-isa cause we're not
meant to last."
Tumango si Bryan. "Yeah. I figured out that. I hope you will find the one for
you, too. Don't close your heart ngayong wala na si Luke. You will find someone
better."
"Saka ko na iisipin yan." Natawa siya saka nagpunas ng luha. "Aayusin ko muna
ang buhay ko. Sisimulan ko na ding tuparin ang pangarap ko mula noon pa na hindi ko
nagawa dahil maraming hadlang. I just want to say thank you for setting me free and
letting me live my life and dreams."
Tumango kami sa kanya. Niyakap ko siya bago nagpaalam na.
Masaya akong umalis doon. Masarap talaga sa feeling pag alam mong wala ka nang
alitan sa iba. Masaya mamuhay na walang kaaway. Sobrang saya ko na sa wakas ay okay
na lahat.
Kontento na ako. Kahit pa hindi pa ganun ka lalim ang relasyon namin ni Bryan.
Masaya pa rin ako na kasama siya.
We were too happy this day. Nung gabi ding yun ay may nangyari na naman sa
aming dalawa. Pagkatapos ay magkayakap kaming nakahiga sa kama.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko kaya tiningala ko siya saka niya ako
nginitian.
"Are you pregnant already?" Tanong nito saka hinawakan ng kamay niya ang bewang
ko at hinaplos doon.
Natigilan ako sa tanong niya. Ilang segundo bago ako nakasagot ng iling.
Napakunot ang noo niya. "That's weird. Noon nga isang beses lang may nangyari
sa atin ay buntis ka na agad. Why is it not like that now?"
Napalunok ako. Gusto kong maging honest sa kanya lalo na at gusto kong tumagal
ang pag sasama naming dalawa. Ayoko na mag away kami sa isang maliit na bagay.
Mahal na mahal ko siya at hindi ko na ata kaya pang mawala siya sa akin. Hulog na
hulog na ako.
"Bryan, may sasabihin sana ako sa 'yo." Napalunok kong sabi.
"What?" Seryosong nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
"Ang totoo kasi niyan.. Kaya hindi ako nabubuntis ay dahil sa umiinom ako ng
pills." Kinakabahang sabi ko. "Dati pa nung simula bumalik tayo dito sa Pinas.
Ayoko kasi na mabuntis ulit dahil wala naman tayong kasiguraduhan. Baka kasi—"
"So you don't believe me when I told you that we will work this out?" May
pagtatampo sa boses niya.
Napailing ako ng mabilis. "No, naniniwala ako sa 'yo, promise."
"Then why didn't you stop taking pills?"
Hindi ako nakasagot.
"You don't believe me, do you?" May pait sa pagkakasabi nito. Napayuko ako at
binaon ang mukha sa dibdib niya. "Tell me if you don't believe me."
Napailing ako habang nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib niya, "I believe
you. Takot lang talaga ako sa isang bagay na hindi ko din alam kung ano. Sorry. Ako
ang mali."
Narinig ko ang malalim na pag buntong hininga niya saka hindi na siya
nagsalita. Nakatulog kaming dalawa na wala ng kibuan pero kahit papaano ay hindi
ako nag-alala kasi kahit hindi siya kumikibo ay nakayakap pa rin naman siya sa
akin. Doon pa lang ay alam ko ng kaya niya akong patawarin.
Pero nakokonsensya pa rin ako dahil sa sumama ang loob niya dahil sa akin.
Ayoko lang kasi talaga na dumagdag ng anak hanggat hindi pa siya nagpro-propose.
Ngayon na nararamdaman ko naman na mahal na niya ako kahit hindi pa niya sabihin,
siguro ititigil ko na ang pag-inom ng pills.
Mahal ko naman siya at may tiwala ako sa kanya na magiging okay ang lahat sa
amin. Kung kaya niyang pagkatiwalaan ako, yun din ang gagawin ko sa kanya. Mag a-
adjust din ako gaya ng ginawa niyang pag adjust sa buhay ko.
"That's why I didn't propose a marriage to you yet. Kasi alam kong nagdududa ka
pa rin sa 'kin."
Natigilan ako.
So kung ganun, naghihintayan lang pala kaming dalawa? Naghihintay ako sa kanya
na magpropose sakin at siya naman naghihintay sa akin na maging handa.
Hinalikan ko siya sa labi. "I love you." 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 39: Overwhelmed (Finale)


Diana's POV
Paggising ko wala na si Bryan kaya nag-ayos ako at bumaba agad.
"Nasaan si Bryan?" Tanong ko sa isang maid.
Tinigil nito ang ginagawa saka humarap sa akin. "Umalis po, ma'am. Kasama ang
kambal."
"Sinabi ba kung saan pumunta?"
Umiling siya. "Hindi po, ma'am eh. Hindi na rin po kami nagtanong basta
pinabihisan lang sa amin ang kambal at umalis na sila."
Napatango ako at nagpasalamat na lang.
Galit pa kaya siya sa akin kaya hindi man lang siya nag-abalang gisingin ako?
Hindi man lang siya nagpaalam na dadalhin niya pala ang mga bata. Iniwan akong mag
isa.
Kasalanan ko naman kasi. Bakit hindi ko pa kasi tinigilan ang pag-take ng
pills. Nagtampo tuloy siya dahil akala niya wala akong tiwala sa kanya. Kasalanan
ko to kaya wala akong karapatan na magalit din sa kanya.
Sinubukan ko siyang tawagan, hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nag-aalala na
ako. Baka galit talaga siya para hindi sagutin ang mga tawag ko.
Tinawagan ko si Suzette na ngayon ay siguradong nasa opisina na.
"Bakit, Diana? Miss mo nako no?"
Napairap ako sa tanong niya. Wala ako sa mood makipag biruan ngayon sa kanya.
"Nand'yan ba si Bryan at ang kambal ko?"
"At hanapan na pala ako ngayon ng nawawalang asawa at anak?" Mataray na sabi
nito nung hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Suzette, please, nagkatampuhan kasi kami ni Bryan kagabi. Nag-aalala ako kasi
hindi ko siya mahanap paggising ko. Pati ang kambal ay wala rin dito sa bahay. Baka
sinama niya sila."
"Wag kang praning, Diana. Baka pinasyal lang niya ang kambal. Nagpapalipas lang
ng oras kasama ang mga anak niyo dahil nga siguro sabi mo ay nagkatampuhan kayo.
Wag ka ngang nega d'yan. Kung anu-ano ang iniisip mo. Parang wala kang tiwala kay
Sir Bryan. Uuwi din sila, dont cha worry."
Natigilan ako sa huli niyang sinabi.
Tiwala.
Kaya nagalit siya sa akin kagabi dahil sa pinagdududahan niya ang tiwala ko sa
kanya. Mali na naman ako. Hindi ako dapat mag isip ng kung ano. Dapat ko siyang
pagkatiwalaan.
"Sige, Suzette. Salamat ha? Aantayin ko na lang sila dito sa bahay." Natauhang
sabi ko.
"Sure, girl. Sige ingat ka d'yan."
"Ikaw din."
Binaba ko na ang tawag saka dumiretso sa kusina. Imbis na mag alala ay naisip
ko na lang na magluto para pag dumating sila, may kakainin silang masarap.
Magluluto ako pambawi man lang sa kanya.
Inilabas ko lahat ng recipe ng lulutuin ko at may mga kulang kaya naisip kong
lumabas muna at bumili ng mga kulang na ingredients.
"Lalabas lang ako sandali." Sabi ko sa maid. "Bibili lang ako ng ibang
kailangan."
"Ako na huo, ma'am."
Napailing ako. "Ako na. Salamat."
Pumunta ako sa taas para magbihis at ng makaalis. Pumayag akong ihatid ng
driver nung nag-volunteer ito na ihatid ako.
Pagdating namin sa grocery ay bumili ako agad ng mga kailangan ko. Binilisan ko
para makauwi ako agad at makaluto. Baka kasi dadating na sila maya-maya.
Pero nung pauwi na kami ay biglang nagka problema ang sasakyan.
"Anong problema, kuya?" Tanong ko sa driver.

"Ayaw mag start ng kotse, ma'am." Sabi nito saka lumabas at


binuksan ang hood.
Napakunot noo akong lumabas.
Nakita kong inaayos niya ang kung ano man sa harapan. Napatingin ako sa orasan
ko.
"Matagal pa kaya yan, kuya?"
"Malapit na, ma'am. May konting aayusin lang." sagot nito.
Kahit na nagmamadali na akong makauwi ay hindi ko na lang tinuloy ang iniisip
ko na mauna nang umuwi at mag-commute. Ang sama ko naman pag iwan ko dito si kuya.
Nakaabot kami ng kalahating oras na pag aantay bago niya sinabing okay na ang
kotse.
Sumakay na kami at saka niya ito pinatakbo pauwi ng bahay. Agad akong lumabas
pagdating na pag dating namin mismo sa bahay. Kinarga ko ang mga binili papasok ng
bahay. Pagdating sa pinto ay nilagay ko muna sa sahig ang isang bitbit ko para
mabuksan ko ang pintuan saka ko ito kinuha ulit at pumasok.
Napakunot ang noo ko na may nakakalat sa sahig. Wala naman dito ang mga bata
ah?
I found a love for me
Natigilan ako nung may marinig akong musika na tumugtog.
Darling just dive right in
And follow my lead
Napaangat ako ng tingin sa harapan ko at nagulat ako nung makita ko si Bryan na
nakatayo sa baba ng hadan at nakadamit na formal at nakatingin sa akin ng seryoso.
Napanganga ako nung makita ang hawak niya. Roses. Isang bouquet iyon.
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
Hindi ko maiwasang matuwa nung naglakad siya palapit sa akin. Pero napatingin
agad ako sa gilid ko nung makita ko ang parents niya na lumabas sa kung saan at
nakaayos din. At mas lalo akong napanganga nung makita ko sa kabilang side na ang
pamilya ko naman ang nandoon. Karga-karga ng dalawa kong kapatid na lalaki ang
kambal ko na may hawak na hearts.
Naiiyak akong napatingin kay Bryan nung mahulaan ko kung ano ang nangyayari.
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
"I will not give you up this time" kinanta niya sa harapan ko ang isang
sentence na ito. Mas lalo akong naluha.
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine
Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight
Lumapit siya lalo sa akin at pinunasan ang mga luhang umaagos sa mga mata ko.
Napangiti ako sa ginawa niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. Natawa
naman siya saka sinabayan ang kanta.
Well I found a woman, stronger than anyone I know
She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home
I found a love, to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own
We are still kids, but we're so in love
Fighting against all odds
I know we'll be alright this time

Darling, just hold my hand


Be my girl, I'll be your man
I see my future in your eyes
Yun ang huling kinanta niya bago siya lumuhod sa harapan ko habang hawak ang
bouquet na nilagay niya sa sahig saka may kinuha sa bulsa niya.
Tumulo ang mga luha ko noong makita kung ano ang laman ng box na hawak niya.
"We were strangers to each other when we made the twins. I didn't know you
existed and was just around for all those years. But fate led us together, babe. We
are meant to be together and build a family together. Since that day, I knew you
would be a big part of my life, and you did. I was an idiot for not giving you an
assurance these past years we were together. When you left me, I realized that I
could not function without you. I know you've been waiting for me to say this. I
want to erase all the doubts you have in me. I'm so sorry if I made you wait this
long. This time, I will never get tired of saying it over and over again just to
make you feel secure about what we have."
Ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang singsing sa loob ng box. "I've been
practicing the right words to make this as romantic as possible but fuck, I forgot
everything I've practiced when you're already here in front of me. I lose my sanity
whenever you're around. I love you so much. If marrying you will make me insane, I
don't care. I'd rather lose my sanity if that means I could have you. Will you
marry me, babe, my Diana?"
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don't deserve this, darling, you look perfect tonight
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
Napatakip ako ng labi para pigilan ang paghagulgol ko. Kailanman ay hindi ko
inasahan na gagawin ni Bryan 'to. Oo at pinapangarap kong gawin niya 'to. Pero
akala ko hanggang pangarap lang talaga.
Naluluha ako sa tuwa.
Mahal na mahal ko din siya. Feeling ko ako na ang pinakamasayang babae ngayon.
Nabigla talaga ako at hindi inasahan na ganito kaaga siya magtatapat sa akin.
Handang handa na akong sagutin siya kaya nagsalita na ako, "Mahal din kita,
Bryan. Kay tagal kong gustong marinig yun mula sa 'yo." Sumisinghot na sabi ko. "I
will mar—"
"Mommy! Holden is taking the heart from me!" Naputol ang sasabihin ko dahil sa
anak kong babae na sumigaw. Napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa na nag
aagawan ng kulay pulang heart na gawa sa cartolina.
"Kids, didn't I tell you not to ruin my proposal to your mom?" Kunot noong
saway niya sa mga anak namin.
"But daddy! He's bad. He takes what's mine!!" Reklamo ni Hennessy sa kapatid
niya.
Napailing na lang akong natatawa. Nawala tuloy ang iyak ko. Nakita kong
dinaluhan nina mama at papa ang kambal saka sila na ang kumausap sa dalawa.
"Babe, please don't mind the kids for now, please answer me." Nakikiusap na
sabi niya .
Natawa akong napailing at saka tumingkayad ng konti para abutin ang mga labi
niya saka hinalikan. "Yes, yes, yes! Pakakasalan kita."
Nakita ko ang tuwa sa mukha niya saka napatili ako nung buhatin ako nito at
inikot-ikot sa ere. Sobrang tuwa niya.
"I love you, babe! I love you!" Paulit-ulit niyang sabi at sabay paulit-ulit
ding halik sa akin. Hindi na namin napansin ang pagbati ng mga pamilya namin sa
paligid at ang palakpakan nila. Basta ang alam namin ay masaya kaming pareho.
Sobrang saya namin na halos tumalon na ang puso ko sa Sobrang tuwa talaga.
"Mahal na mahal din kita, Bryan." Sagot ko saka hinalikan siya sa labi.
"Tama na yan! Kakain na. Sayang ang handa. Gutom na ang kambal!" Natigil kami
sa paghahalikan dahil sa sigaw ni Suzette sa amin.
Nahiya akong napatingin sa kanila at lalo na binibiro pa nila kami.
"Don't mind them." Sabi ni Bryan na kinatingin ko sa kanya. Ngumiti siya sa
akin saka hinawakan ako sa bewang. Giniya niya ako papunta sa hapag kung saan na
silang lahat. Ganun kami nung may maalala ako.
"Akala ko galit ka. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kanina."
Natawa siya. "No, hindi ako galit. I was upset, yes, but I will never get mad
at you for too long. This morning I realized it was not your fault. Ako ang dahilan
bakit mo ginawa 'yun. But please, stop taking the pills now, okay? I guarantee I
will be here with you whatever happens."
Tumango ako sa kanya, "Opo, tumigil na ako kanina lang." I smiled.
"Good girl." Ngiting sagot niya saka mabilis lang akong hinalikan sa labi sala
na kami dumiretso sa hapag.
Madami pa lang pagkain. Saan kaya nila kinuha to? Eh wala pa lahat ng to kanina
ah? Talagang pinagplanuhan nila kaya wala sila kanina.
Napangiti ako sa nangyayari. Hindi ko ito inasahan. Feeling ko nakalutang pa
rin ako sa panaginip knowing na magiging isang pamilya na kaming lahat. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Epilogue

Bryan's POV
"Good evening sir, for how many?"
I looked around the room and scanned the whole place to find my life.
"I'm looking for my wife. She's already here." I told the waitress.
"What's her name, sir?"
"Diana Beckenham."
"Oh she's in the private room, sir. I'll lead you the way." She answered and
walked as I followed her.
My wife planned this date for us. She said that she wants us to spend time
together. So after work, I went straight here. But I still have a meeting after
this. I was just gonna join her so she won't get upset. I wanted to stay longer but
my meeting would be waiting.
The waitress opened the door to the private room and I saw my wife seating
impatiently on the chair as she stared at her watch. I appreciate her effort to
rent the private room for our dinner date.
I went passed the waitress and went to my wife and kissed her lips that made
her flinch.
She looked at me a bit shocked. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ko dito nag-
aantay."
"I'm sorry. I was caught up in the meeting. I'm sorry again, babe. Are you
hungry already? Should we order now?" I sat on my chair across hers and I opened
the menu.
Bumalik ang tingin ko ulit sa kanya when she didn't answer my questions.
I was surprised to see her pissed.
"Babe, are you still mad? I'm sorry. Please, let's order now? I know you are
starving."
Napailing siya and looked at me with disappointment. She shook her head again
and stood up her chair. I was a bit surprised when she threw the table napkin from
her lap to the table and walked away.
I quickly put down the menu and stood up to catch her. I grabbed her arm before
she went out of the door.
"Hey, what's wrong?"
I was so confused. She's being hard on me again. Iisipin kong buntis siya ulit
kaya siya moody ng ganito, but that's impossible. She just gave birth to our twins
two months ago and I haven't touched her since then. The doctor said we have to
wait for a couple of months before making love because she had a problem with her
delivery.
"Babe, dumating naman ako 'di ba? Please let's continue this dinner date. You
prepared this for us, right?" Paglalambing ko. I know she's upset of me being late
kaya I need to woo her.
Biglaan naman kasi ang pagyaya niya kanina. I had meetings for today and I
couldn't cancel on the last minute. At least sinubukan ko namang makahabol 'di ba?
But knowing my wife, magtatampo talaga siya. Baka iniisip niya na hindi na siya
ang priority ko. Women are quick to judge.
I was taken aback when she looked back at me and saw her eyes welling with
tears.
"Babe—" I was about to touch her cheek but she shooed my hand away.
"Wag mo akong e babe-babe d'yan! Sana pala hindi ka na lang pumunta. Kainis
kang lalaki ka. Sana doon ka na lang sa meeting mo!"
I knew it. She's jealous about my job.
"Babe, I had an important meeting. Wag ka na magselos. If I could only cancel
ay gagawin ko para hindi ka lang mag tampo na late ako."
Sinamaan niya ko ng tingin like I said something that pissed her more.
"Wala akong pakialam sa meeting mo!" She screamed.

Oh, God. The old Diana is back. She was like this the first
time I met her.
"Okay na sanang late ka eh. Nagtatampo ako, oo, pero naiintindihan ko kasi
importante ang trabaho. Pero Bryan, mas nakakatampo yung dumating ka na ngang late,
wala kapang dala para sa akin o kahit kiss na may kasamang pag bati man lang!
Second year anniversary natin ngayon, naalala mo ba 'yun??! Iniwan ko pa ang mga
bata sa bahay kahit ayaw ko sana na iwan ang bagong kambal. Just to have a date
with you ay ginawa ko kasi miss na miss na kita..." she cried and sobbed hardly.
"Alam ko kasing busy ka kaya ako na ang gumawa ng paraan. Pero simpleng pagbati
lang ay hindi mo nagawa. Nakakatampo ka alam mo na yun?!"
My eyes were literally wide open. Damn it's our second anniversary! Why the
hell did I forget?
Napatingin ako sa watch ko and I saw the date.
"Ano nakalimutan mo no?"
I apologetically looked at her. "Babe, pasensya na. Hindi ko nakalimutan. Akala
ko kasi sa susunod na linggo pa. Please forgive me."
Napailing siya. "Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Nakuha na ang gusto kaya
iniiwan na kami sa ere. Second anniversary pa lang ay nakalimutan na. Pano pa ang
susunod? Ano ha, Bryan? Nabigyan na kita ng apat na anak kaya ngayon baliwala na
'ko sa 'yo, ha!"
"No, that's not true. I love you so much. Walang nagbago. You're still my—"
Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko because she already stormed out of the
room. She was crying for F's sake!
I scolded myself for not remembering. Fuck! I followed her outside and Nate, my
assistant, approached me as I went out of the restaurant.
"Sir, pupunta naba tayo ng meeting?"
Umiling ako. "Cancel that damn meeting."
I followed my wife as she walked to the car. She was walking fast so I changed
my pace.
"Sir, 'di ba hindi pwedeng i-cancel 'yun? That's why we moved it to later but
we cannot cancel." Habol pa rin niya sa akin.
I looked at Nate with furry eyes. "Fuck that meeting. All I care about is my
wife now." Tumakbo na ako when she already went inside the car. I was hoping I
could still catch her but the car stormed away before I even touched it.
"D*mn!" Napamura ako in frustration.
I noticed Nate was standing behind me as he also looked at the car.
"Galit si ma'am Diana, sir?"
Tumalikod ako at saka pumunta sa kotse na dala namin and as I went in, I
scolded Nate. "It's our anniversary. She was disappointed that I didn't remember.
Bakit kasi hindi mo ako ni-remind? I should've bought flowers for her. Damn it!" I
slammed the door closed unconsciously.
I told the driver to drive quick.
"Pasensya na, sir. Hindi ko rin kasi naalala. Nililista ko lang ho naman kasi
ang mga meetings na gusto n'yong puntahan."
"You should note this from now on and remind me a week before. Ilagay mo na rin
sa schedule natin lahat ng importanteng araw in my family. Also, alamin mo rin
lahat ng importanteng araw sa asawa ko. I need to make it up to her."
"Pero, sir, COO assistant po ako. Hindi po ako investigator o agent."
Sinamaan ko siya ng tingin and he quickly smiled and apologized before he said
that he would do it.
Bumaba ako agad when we stopped in front of our house. Siya agad ang hinanap ko
pagka pasok ko sa loob ng bahay.
"Son."

Napatigil ako sa mabilis na paglalakad when my mom called


me. She held one of the twins in her arms and putting her to sleep. My new twins
are both girls.
"Mom, did you see Diana?"
Mom nodded, "Yes, she went upstairs. Kumusta pala ang lakad niyo? Ang aga niyo
naman umuwi. Sabi ni Diana may pupuntahan pa kayo after niyong mag-dinner kaya
nakiusap siya na bantayan ko muna ang babies."
So... she's also planning something for us after dinner? Damn. She really
planned all these and I messed it up.
"Saan kami pupunta after dinner?"
Mom's forehead creased. "You don't know?" She asked unbelievably. I shook my
head. "Sabi niya magpapalipas daw kayo ng gabi sa isang resort na dalawa. She
reserved a villa for the both of you. Wait... Nag-away ba kayong dalawa?"
Hindi ako sumagot kaya nagsalita si mommy. "It's your fault, isn't it? Bryan,
you better fixed this. She prepared all these anniversary plans for you. What did
you do?"
I was so disappointed with myself either.
"Sorry, mom. I was so busy at work. Nakalimutan ko so she got mad. Alam niyo
pala ang plano niya sana sinabi niyo sa akin, mom."
"Aba ako pa ang sinisi mo. Puntahan mo siya sa taas. 'Wag mong hayaang matapos
ang araw na 'to na hindi kayo nag-uusap."
I nodded at my mom and I hurriedly went upstairs. I entered our room and I
didn't see her. I went to the walk-in closet and saw her naked. She's already
changing to her nighties.
Before she could even put on her night dress ay niyakap ko na siya mula sa
likuran. She stilled. I placed my faced on her shoulder and kissed her shoulders.
She smelled good. As always.
"Bitawan mo ko, Bryan," galit na sabi niya .
Instead of doing it, I did the otherwise. Mas lalo ko pa siyang niyakap ng
mahigpit as I planted kisses on her shoulder.
"I'm sorry, babe. Please forgive me. Babawi ako sa 'yo. I promise you that."
Humarap siya sa akin at napatingin ako sa maganda niyang mukha.
"I hate you." She said in the verge of crying again.
Tinabing ko sa taenga niya ang  buhok niya na nakalugay sa mukha.
"I love you." I kissed her lips lovingly to show her how sincere I was to
apologize. "I'm so sorry, babe. I know I hurt you but please, let me make it up to
you."
Napakagat siya ng labi habang naluluha. She was trying to stop her tears from
flowing.
"Naghanda ako, eh. Pinaghandaan ko ang gabing ito. Tapos hindi mo naman pala
naalala. Alam mo bang balak ko sanang dalhin ka sa paborito nating villa? Ang
mahal-mahal pa doon pero pinag-ipunan ko dahil gusto mo doon. Gusto ko na ako naman
ang gumastos sa atin this time. Kasi last year, ikaw ang nag-abala."
"I know... I'm so sorry, babe. I really appreciate your efforts. I love you for
that. Hindi ko sinasadyang sirain ang plano mo para sa atin tonight. Please forgive
me. I swear, hindi na mauulit ito ulit."
"Hindi mo na ba ako mahal? Nabawasan na ba ang pagmamahal mo sakin kasi laspag
na ako? Hindi na ba ako maganda kasi apat na ang inire ko? Nagsawa ka na ba sakin
kasi—" I stopped her from all her false accusations through kissing her lips. She
was in doubt at first but she responded.
Oh, I love kissing her luscious and sweet lips.
Bumitaw ako sa halikan namin and smiled at her, "don't you ever think those
things, babe. Mahal na mahal kita. You have no idea how you could easily turn me on
and love you more. At sinong nagsabi na hindi ka na maganda? You actually became
more beautiful when you gave birth two months ago. And about what you said... the
laspag word?" I grinned. "You have no idea how much I wanted to make love to you
over and over again. And every time, it excites me to be inside you. Pero sabi ni
doc na wag muna."

Suminghot siya saka nagsalita, "E, sabi ni doc pwede na


daw. Kaya nga ako nag-rent ng villa eh. Alam kong nami-miss mo na."
I was shocked at her revelation but I was also touched by her thoughtfulness.
"Oh, babe. You're the sweetest. I love you!" I kissed her again and again all
around her face. She finally laughed. "Hindi pa naman huli para ituloy natin ang
plano, 'di ba?"
She smiled and kissed me. I responded with her kisses. I can feel how much she
missed me. I feel bad for leaving for work. I went overseas thrice since she gave
birth. I am thankful I married a strong and independent woman. She was doing a
great job without me. She took care of our four kids while I was away.
She just smiled at me and I kissed her lips before I told her, "happy
anniversary, babe. To more anniversaries." I greeted her.
"Happy anniversary."
We ended up in bed and laid down together.
"I love you." I said and kissed her forehead for a minute before I let go.
She raised her head to me and smiled. "Mahal na mahal din kita, sir."
"Sir?" Kunot noong tanong ko.
"Oo, ikaw kaya ang boss ko dati."
"Was I the most handsome boss you had?"
Tumango siya. "Yes." I smiled widely. "Ikaw lang naman ang una kong boss eh.
Ang boss ko naman ngayon ay ang consultant ng daddy mo baka pag selosan mo pa."
Nainis siya bigla nung marinig ang tinutukoy ko. "Ayan ka naman. Nakakunot na naman
'yang noo mo." Natatawang saway niya sa akin saka hinalikan ako sa lips. I had no
choice but to forget that I was pissed of that guy. Her kiss could turn my worries
to ashes. She's my jewel.
"I love you." I said out of a sudden.
"I love you, too." She said and leaned forward to kiss me wholeheartedly. I
could no longer ask for more. She's perfect for me.
Diana's POV
"Daddy, you don't talk when I'm talking. That's bad. You have to let me finish
first."
"Okay, okay. I'm sorry. Go talk now."
Napailing ako sa mag-aama. Hindi na sila nawawalan ng sasabihin. Minsan nga
nagtataka ako paano ba namin sila pinalaki o tama ba ang pagpapalaki namin. E
minsan kasi parang marami pa silang alam. Minsan nagagalit si Hennessy pag hindi
nakikinig kami sa kanya. Kasi daw dapat hindi sumasabat pag may nagsasalita pa
which is tama naman.
"Dad, when are we going to the mall?"
Napatingin ako sa kanila, "anong mall?" Sabat ko sa usapan ng mag-ama.
"Mommy, I want to buy toys."
Napailing ako. "Hindi. Marami ka ng toys." Sabi ko kay Holden.
"I want a new one, mama."
"Hindi. Kalat lang yan."
"I will clean up after I play." Napairap ako sa sinabi ng anak ko.
"Babe, let him. Kawawa naman." Paglalambing sakin ni Bryan.
Umiling ako. "Hindi. Naii-spoil ang mga 'yan kasi lagi mong sinusunod ang gusto
nila."
Napabuntong hininga si Bryan saka humarap sa anak niya, "Mommy said no. We have
no choice, son."
Napa-pout ang anak ko.
Magsasalita pa sana ako nang may pumasok sa pinto na nakangiti.
"Dennise, kumusta ka?" Maligayang bati ko sa kanya.
"I'm good," nakangiting sagot niya saka bumaling sa mga kambal. "Hi babies!"
Una nitong pinuntahan ang maliliit na kambal at hinalikan bago pinuntahan si Holden
at Hennessy para batiin.
Naging close kami ni Dennise. Siya rin ang ninang ng bagong kambal namin. She's
like a family to us now.
"Ang cu-cute talaga nina Hailey at Hannah. Kamukhang-kamukha mo, Diana. Buti na
lang akala ko kamukha na naman ni Bryan." Sabi nito.
Natawa ako. "Pinagdasal ko talaga yan. Kamukha niya na kasi ang unang kambal."
"They're all adorable and beautiful." Sabi niya habang kinukulit ang dalawa.
"Thank you. Napadalaw ka pala?"
Ngumiti siya sa akin at may kinuha sa purse niya saka inabot ang isang sobre.
Napatingin ako doon bago nag-angat ng tingin sa kanya pagkatapos ay kay Bryan.
"Open it," sabi niya.
Tumango ako saka binuksan ang puting envelope at nilabas ang laman noon.
Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa sa nabasa.
"You're getting married?" Gulat na tanong ko at mas lalong natuwa nung tumango
siya. "Wow! Congratulations!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang saya ko for her.
"Congratulations, Dennise."
Kumawala sakin si Dennise saka bumaling kay Bryan, "Thanks."
Sobrang saya ko na sa wakas ay naitama na niya ang buhay niya. She's free.
Hindi nasayang ang pagpapalaya namin sa kanya. Mabait siya at yun ang mali ko dati
na hindi ko siya kinilala ng mabuti.
"We're happy for you."
"I am happy too. Sa wakas, I found the one."
Matagal rin bago siya nakahanap ng mamahalin after Luke. Hindi namin siya
masisi kasi masakit pa dati sa kanya. Kami ang pinaka natuwa nung mabalitaan naming
nagka boyfriend siya ng sobrang bait na lalaki. Nakita na namin ito at napatunayan
na mahal nga niya talaga si Dennise. Bryan is so happy too. Yan ang gusto niya para
dito. Ang maging masaya din kagaya niya.
Dennise stayed with us until dinner. Masaya kaming lahat na nag kwentuhan
kasama ang mga bata. Sinabi niya rin ang mga plano niya sa kasal niya. Sobrang
excited talaga siya.
We started us enemies, ngayon magkaibigan na talaga kami. I couldn't ask for
anything more. Blessed ako simula nakilala ko si Bryan. He is the love of my life.
Hindi ako nagsisis nung binuksan ko ang puso ko sa kanya. Sobrang alaga niya ako at
mga bata. I just hope that we will be living life together, forever.
The End.

••••••
Dear Readers,
Thank you for making it this far and spent coins to support this story. I
appreciate it a LOT. From the bottom of my heart, thank you so so much!! Love
y'all!! God bless! ♥️

Вам также может понравиться