Вы находитесь на странице: 1из 2

BAHAGI NG PANALITA >Pangngalan (noun)- mga pangalan ng tao, hayop, lugar, at bagay Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae,

kabayo, tabo >Panghalip (pronoun) - panghalili sa pangngalan. Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya, kanila >Pandiwa (verb)- bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Halimbawa: sayaw, tuwa, sulat, laro >Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: maganda, maputi, pakla, asim >Pang-abay (adverb) - nagbibigay turing sa pangngalan, panghalip, pandiwa at kapwa nito pang-abay. Halimbawa:nang, sa, noon, kung, kapag, araw-araw, taon-taon, kahapon,ngayon, bukas >Pantukoy (preposition) - kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap. Halimbawa:laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa, ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay > Pangatnig (conjunction) - ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap. Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samatala atbp. >Pang-angkop- mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkasng mga ito. Halimbawa: na, ng >Pang-ukol(Article) - katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Halimbawa: Ang, Ang mga,Si, SinaNg, mga, Ni, Nina, Kay, Kina, Sa, Sa mga >Pandamdam(Interjection) - mga salita na ngpapahiwatig ng emosyon o dinadamdam Halimbawa:Aray!,

Read more: http://wiki.answers.com/Q/Ano_ang_sampung_bahagi_ng_pananalita#ixzz1PvaiwX00

Tuesday, March 8, 2011 WASTONG GAMIT: PINTO, PINTUAN Sa pagsusulat, pormal man o impormal, o sa pagsasalita, nararapat lamang na gamitin ang wastong salita upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa o tagapakinig ang nais nating sabihin o ilarawan. Tunghayan ang wastong gamit ng mga salitang pinto at pintuan sa mga sumusunod:

(This photo is from http://www.sarasotaglass.com/SERVICES/WINDOWSDOORS/tabid/78/Default.aspx)

Pinto (Door) ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay. Halimbawa: 1. Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto. 2. Gawa sa narra ang kanilang pinto. 3. Tayo nang pumasok sa bakal na pinto. 4. Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan. 5. Huwag mong sipain ang pinto. (Ang larawan sa itaas ay mula sa http://www.tripadvisor.com) Pintuan (Entrance, Doorway) ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.

Halimbawa: 1. Nangyari ang suntukan sa may pintuan. 2. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan. 3. Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas. 4. Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko. 5. Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.

WALISIN at WALISAN
Wastong Gamit Ang walis ay isang gamit-pambahay na ipinanlilinis sa pamamagitan ng pag-alis ng mga alikabok, dumi at kalat sa loob at labas ng bahay. Walis- tambo ang ginagamit sa loob ng bahay para sa mga dumi, alikabok at kalat na maliliit. Walis-tinting naman kung gagamitin sa labas ng bahay o bakuran kung ipang-aalis ng mga natuyong dahon o may kalakihang kalat. Sa pagsasalita at pagsusulat, lagi nang namamali ang mga mag-aaral tamang paggamit ng mga salitang walisin at walisan. Ito ang punto ng araling ito. Gamitin ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na dumi o kalat. Halimbawa: 1. Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran. 2. Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto. 3. Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig. Gamitin ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi. Halimbawa: 1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan? 2. Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita bukas. 3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon. Pagsasanay Piliin ang tamang salita. Darating ang mga Inay bukas. Kailangang (walisin, walisan) ko ang kanyang kuwartong gagamitin. (Wawalisan, Wawalisin) ko ang mga duming naroon. (Wawalisin, Wawalisan) ko rin ang bakuran. Aking (wawalisin, wawalisan) ang mga papel at tuyong dahon upang maging malinis ito sa kanyang paningin

Вам также может понравиться