Вы находитесь на странице: 1из 11

Goodbye My Love First year pa lang ako, gusto ko na siya. Madami siyang tagahanga.

Kaya naman minsan, hindi siya pumapasok dahil pagkakaguluhan siya ng mga babae. Swerte mo nalang pag nakita mo siya at nakausap sa campus. Cathy! Ayun yung crush mo oh, si Michael! Pumasok siya! Napalingon ako sa kaklase ko. Alam niya kasi na isa ako sa mga masusugid na tagahanga ni Michael. Teka lang! eto na! Dali dali akong lumabas ng classroom at pumunta kung saan naandon si Michael. Ang sarap mo talagang pagmasdan. Kaso, hanggang pangarap na lang yata kita. Sabi ko sa sarili ko. Eh totoo naman diba? Ako nga pala si Catherine. Wag niyo nang tanungin ang surname ko. At ang pangalan ng aking inspirasyon ay si Michael. Gustong gusto ko talaga siya kasi mabait siya. Tinulungan niya akong mangumbinsi noon sa teacher namin na kung pwede, i-urong ang mga test namin. Hindi lang iyon, marami pa siyang nagawa para sa akin. Sinong kausap mo? Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. M-michael?! Ha? Ah, wala. Kausap ko lang yung sarili ko. >///< Nakakahiya! Narinig pala niya! >.< Kakaiba ka talaga. Tapos nginitian niya ako! Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti, at ang good news, ako lang ang nakakakita! Juskopo, pwede na akong mamatay! Ay, wag pala muna! Tatanda muna ako kasama si Michael :>

Hehe. Himala yata at pumasok ka ngayon:) ginantihan ko lang siya ng ngiti. Oo eh. Gusto ko kasi siyang makita. At mas lalo pang lumapad ang ngiti niya. Wait, sinong SIYA ? At sino naman yan? Secret ko na yun. Malalalaman mo din. Sabi mo yan ah, sasabihin mo sa akin yung taong gusto mo. Oo na. Nakangiti pa rin ako sa kanya but deep inside, nasasaktan ako. Syempre, mahal ko kaya si Michael. Pero wala naman akong karapatan mag selos, kasi di kami commited. Tulala ka nanaman, Cathy. Sinabi niya yung pangalan ko! Feeling ko tuloy, ang special ng pangalan ko eh! :> Kilala mo ako? Sira ka talaga. Classmate kaya kita, kaya paano namang di kita makikilala? >///////< nag-iinit yung muka ko. Siguro namumula na ako! Akala ko ba, wala kang kilala sa mga kaklase mo? eh kasi eh! :> Anu ka ba, syempre naman meron. Aah. Hehe. Tara na, mag sisimula na yung first class. Sige, halika na. At sabay kaming pumunta sa classroom. Ang swerte swerte ko. Kasi kinausap ako ni Michael. Hihihi. Yung mga tao, nakatingin sa amin.

Lalo na yung mga babae. Siguradong pagtsitsismisan kami ng mga yan. Hayaan na sila, mamatay kayo sa inggit! Hahaha. Joke^^ Nakarating na kami sa classroom at nagsimula na ang class.

FAST FORWARD Ilang bwan na ang nakalipas at lagi nang pumapasok sa school si Michael. Natauhan na yata. Haha. Lagi rin kaming magkausap at magkasabay kumain. Kaya minsan may lumilipad na balita na kami na raw. Tsk, sana nga, magkatotoo yun. Ngayon, bestfriend ko na si Michael. Galing no? comfortable kasi kami sa isat isa. Nagpapatulong nga yung ibang babae sa akin para maging close din sila ni Michael. Ayoko nga. selfish ako:) Special ang araw ko ngayon. Bakit? Kasi, birthday ko lang naman! :)) Ang dami kong natanggap na regalo, madaming bumati sa amin. At naging mas special ang araw ko kasi si Michael ang unang bumati sa akin. Sweet no? Papunta ako sa locker ko nang biglang may humila sa akin. Aray ko naman! Makahila, wagas! Sakit sa braso ah! Sorry na, Cathy. Hehe :P Ikaw lang pala, Michael. At bakit may pahila-hila effect ka pang nalalaman diyan ha? Sama ka sa akin! tapos ang lapad ng ngiti nya, anu namang trip to? Ano nanaman yan? Baka naman i-gugood time mo lang ako?

Hindi! Promise *taas kanang kamay* Sige na nga. Piniringan niya ako at inalalayan. Hawak hawak niya ang braso ko at hinapit niya ako sa bewang. Ang sweet talaga niya >///< Narinig kong binuksan niya ang pintuan at tinanggal yung piring ko. Pagkamulat ko, nasa rooftop kami. But wait, theres more! May sinetup siyang candle light dinner. Kinikileg lang naman akooooooo! Wow! Ang ganda naman. At ang romantic. At nginitian ko siya. Ako ang nag handa niyan. Eto yung part 2 ng birthday gift ko para sa iyo. Eeh?! Grabe. Ikaw na! ikaw na ang nagpapakileg ng todo sa akin! Kaya love na love kita eh! :> At napaka gentleman niya. Mula sa upuan hanggang sa inumin namin. Syempre, iced tea lang. bawal pa ako sa alcohol. Thank you sa lahat, Michael. Abot langit na yung pasaslamat ko sayo.:) Wala yun. Ikaw pa! eh malakas ka sa akin eh. Hahahaha! Ay, may tanung nga pala ako sayo. Itatanung ko na to. Since matagal na tong gumugulo sa isp ko. Anu yun? eto na Yung babaeng nagugustuhan mo, sabi mo sasabihin mo sa akin kung sino siya. Napatigil naman siya sa pagkain. Naku, badtrip? Oh noes! I spoiled the dinner :<

Gusto mo talagang malaman at makilala siya? Oo! Curious talaga ako eh. Tumayo siya at umalis. Hala, ginalit ko yata? Dapat kasi, di ko na tinanung yun eh. Maya-maya lang, bumalik siya kasama ang isang..teka, anu yun? Lapit ka dito, Cathy. At sinunod ko naman siya. Tinanggal niya yung takip sa bagay na iyon atteka, salamin? At pinaharap niya ako sa salamin. Teka, may dumi ba ako sa muka kaya niya ginawa yun? >.< Nakikita mo yung tao sa salamin na yan? Yan ang taong gusto ko. Mali, ang taong mahal ko. Ang taong napapangiti ako ng wala sa oras. Ang taong laging pumapasok sa isip ko. Siya din ang dahilan kung bakit pumapasok na ako araw-araw. Ang babaeng pinakamamahal at pinaka iingatan ko.

Cathy, mahal na mahal kita. Napaluha ako sa mga sinabi niya. Hindi ko aakalaing ganun din yung nararamdaman niya. Ito na ang pinaka masayang birthday sa tanang buhay ko! <3 Mahal na mahal din kita, Michael. Mula pa nung unang kita ko sayo. At lalong minahal kita nung naging best friend kita. Salamat. Salamat at ganun din yung nararamdaman mo para sa akin. Cathy, pwede bang maging tayo na? Hah? Teka, ang bili--- Tapos liligawan kita habang buhay.

Namumula ako! Whoooooooo! Makabanat to! Kinikileg talaga ako, di ako maisigaw yung kilig ko kasi baka maturn off sa akin si Michael. Hahaha Ano, pwede ba? Oo! Pwedeng pwede! Oo, girlfriend mo na ako <3! whaaaaaaaaaaaa! Salamat! Aaaaaaaaaaaaaaaaaah! Thank you talaga! I love you, Cathy! I love you too, Michael! Binuhat niya ako tapos inikot-ikot. Kakahilo, pero okay lang. nandyan lang naman siya para sambutin ako eh :> MAHAL NA MAHAL KITA, CATHERINE! hehehe, wag ka ngang sumigaw, nakakahiya >.< Anu ka ba, kahit sa buong mundo, isisgaw ko na mahal kita. Para akin ka lang at di ka na mapapapunta pa sa iba. Ang keso mo ah! Hehehe. Lika, kain na tayo.:) Gutom na ba yung baby ko? Sige tara na. Tapos.. *Chu*~ Magnanakaw ng kiss! E di ibalik natin. *Chu*~ Michael naman eh!

Teka, bitin ako. *Chu!~* Kissing monster ka! Tama na! Sige, last. *chuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu~* Aah! Tama na po! Sige na nga po. Hehe. Kain na tayo. At doon, nagsimula ang buhay namin. Yun nga lang, boyfriendgirlfriend na kami. At hindi na BESTFRIEND! <3

Mag iisang taon na kami ni Michael. Syempre sa birthday ko.^^ sweet pa rin hanggang ngayon si Michael pero pansin kong nagiging cold na rin siya sa akin. Wag ka namang ganyan! Malapit na tayong mag anniversary! >.< FAST FORWARD (a/n: sorry, masyadong mabilis kasi nga diba? Short story lang? haha. Ituloy niyo lang yung pag basa niyo hanggang huli ha? (>w<)) Birthday ko na ulit. At anniversary namin ni Michael! Exited na ako mamaya sa date namin eh^^ Inaayos ko yung table ko nang may nahulog na sobre.

Love letter? Naku, patay tayo nan kay mahal! Binuksan ko ung letter kasi nacucurious ako.

Cathy, Magkita tayo mamaya sa garden. 6pm -Michael


Ganun lang? wala man lang I love you, happy birthday at anniversary? Kinakabahan ako. At may feeling ako na may masamang mangyayari. Sana pakiramdam ko lang talaga.

Gaya nga ng sinabi ni Michael. Nasa garden na ako ng 6pm. Nakita ko doon ang boyfriend kong may dalang gitara. Happy birthday and happy 1st year anniversary, Cathy ko. Tapos kiniss niya ako, smack lang. Happy anniversary din, Michael ko. Thank you. I love you. At nganitian niya lang ako, walang I love you too? </3 Inistrum niya yung gitara. At kinantahan niya ako ng Out of my league. Cause I love her with all that I am And my voice shakes along with my hands Cause shes all that I see and shes all that I need And Im out of my league once again

Naluluha nanaman ako. Pumunta ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Pero sa pagyakap kong iyon, kumabog ang dib dib ko. Na para bang may mangyayari talagang hindi maganda. Cathy? Bakit? Gusto ko lang sabihin na ito na yung huli nating pagkikita. At automatic naman na bumagsak ang mga luha ko. Tuloy-tuloy. A-an-ano? Bakit? Kasi KASI ANO?! pucha! Ang sakit eh! Pupunta na ako sa States. Eh yun lang naman pala eh! At bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! Kasi, masasaktan kalang, Cathy. Eh ano sa tingin mo yung nangyayari sa akin ngayon? Natutuwa? Langya Michael, nasasaktan ako! Sobrang sakit! Di mo man lang ako pinaghanda! At kelan ka naman aalis?! Mamayang madaling a--- *pak!* Sinapak ko siya. Walangya! Nakakainis na talaga! Nakakaines ka! Kung kelan malapit ka nang umalis, saka mo lang sinabi! Hindi lang naman yun yung dahilan ko eh.

Ano? Hindi pahindi pa sapat yun?! Sige, sabihin mo! Kelangang mag break na tayo kasi may fiancee na ako. Nang marinig ko yun mula sa kanya, nadurog ang puso ko. Yung luha ko, bumuhos ulit. Nanggigigil ako sa sobrang inis. Pero wala na akong magagwa, kasi sa huli, di rin naman ako ang makakasama niya sa altar. *pak!* Sige, mag break na tayo! Ang kapal ng pagmumuka mo! Kasi, mismong BIRTHDAY KO AT ANNIVERSARY PA NATIN mo pa ginawa sa akin to! Magsama kayo ng fiancee mo sa States at wag na wag na kayong magpakita pa tutal, mas pinili mo siya at wala kang ginawa para maipagtanggol ang relasyon natin!!!!! Para sa ikabubuti mo rin naman ito eh. Ginawa ko naman ang lahat. Kaso, hindi na nagbago ang desisyon nila papa. Tinitignan ko lang siya ng masama. Cathy Goodbye, Michael. Maging masaya ka na sana. Ito naman talaga yung gusto mo diba? At sabi mo, ikabubuti ko na rin to. Now, youre free. Di ko na inatupag na tignan ulit yung muka niya kasi baka bawiin ko pa yung mga sinabi ko. Nakakainis. Di ko alam kung may ginawa talaga siya para sa amin. Kaya pala nagiging cold na siya at dumidistansya siya. sana naman, sinabi nya sa akin ng maaga. Matatanggap ko naman yun eh. Kaso, mas pinili niya akong saktan kaysa sa sabihin sa akin ang katotohanan.

Simula ngayon, kalilimutan ko na siya. Lahat ng nagpapaalala sa kanya. Simula ngayon, kelangang matuto na akong mag MOVE ON. Kasi kung hindi, mamumuhay nalang ako sa sakit at nakaraan. Tama. Ipapakita ko sa kanya na malakas ako. Na hindi ko kelangang mabuhay nang nandyan siya. Simula bukas, ibang Cathy na ang makikita ng mundo. Hindi yung Cathy na mahina, mahinhin, mahiyain at palaiyak. Kung hindi ang Cathy na matapang at handang lumaban sa mga hamon na susubok sa akin. Siguro nga, kelanagn na kitang ibaon sa limot. Dahil sabi mo nga. Ikabubuti ko rin ito. Goodbye, Michael. Goodbye, my love.

Вам также может понравиться