Вы находитесь на странице: 1из 8

Ponema- ito ay binubuo ng

makabuluhang tunog.
Ponolohiya- ang tawag sa
pag-aaral ng mga pattern
ng mga tunog ng wika.

Articulatory phonetics- isang paraan upang


ilarawan kung paano binibigkas ang mga fonema
ng isang wika.
Tatlong salik ang kailangan upang
makapagsalita ang tao:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o
enerhiya
2. ang kumakatal na bagay o artikulador
3. ang patunugan o resonador
Ang hangin ang nagiging midyum o
pahatiran ng mga alon ng tunog na siya
naman nating naririnig.

Mailalarawan ang mga katinig ng Filipino sa


pamamagitan ng limang punto ng artikulasyon:

1. Panlabi- ang ibabang labi ay dumidiit sa labing


itaas. /p,b,m/
2. Pangngipin ang dulo ng dila ay dumidiit sa
loob ng mga ngiping itaas. /t,d,n/
3. Panggilagid ang ibabaw ng dulo ng dila ay
lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. /s,l,r/
4. (Pangngalangala) Velar ang ibabaw ng puno
ng dila ay dumidiit sa velum o malambot na
bahagi ng ngalangala. /k,g,n/
5. Glottal ang mga babagtingang ay nagdidiit o
naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon
ng papalabas na hininga upang lumikha ng
paimpit o pasutsot na tunog.

Diptonggo Ito ay magkasamang patinig at malapatinig sa


isang pantig. Ang diptonggo ng Filipino ay ay, ey, iy, oy, uy,
aw at iw.
Klaster o kambal katinig- ang magkasunod na
dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. /pl/,
/tr/,/dr/, /kl/, at /bl/.

Pares Minimal- ito ay pares ng salita na magkaiba ang


kahulugan ngunit magkatulad ang bigkas maliban sa
isang ponema na nasa parehong pusisyon sa salita.
Hal: gulay-kulay sabaw-sabay
Ponemang malayang nagpapalitan- ang isa sa mga
ponema nito ay naipagpapalit ng ibang ponema
ngunit hindi naman nagbabago ang kahulugan ng
nasabing salita.
Hal: kurut- kurot binte-binti

Ang Kaurian ng Palatunugan sa Wikang Filipino:


Malumay
1. Ito ay binibigkas ng marahan o banayad
at walang impit sa lalamunan.
2. Ito ay hindi ginagamitan ng bantas o
tuldik.
3. Maaaring magtapos sa patinig o katinig.
Mga halimbawa:
buhay
kawayan
kama
halaman
gulay
pagkain
A.

B. Mabilis
1. Ito ay binibigkas ng tuluy-tuloy at
walang impit sa lalamunan.
2. Ito ay ginagamitan ng bantas na pahilis.
3. Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig
o katinig.
Mga halimbawa:
buhay
katawan
dalawa
mapula
marumi
makulit

C. Malumi
1. Ito ay binibigkas ng marahan o banayad
ngunit may impit sa lalamunan.
2. Ito ay ginagamitan ng bantas na paiwa
().
3. Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig.
Mga halimbawa:
makata
muta
suka
sakali
puno
bata

D. Maragsa
1. Ang diing maragsa ay binibigkas ng
tuluy-tuloy ngunit may impit sa
lalamunan.
2. Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig.
3. Ang bantas na ginagamit ay pakupya
(^).
Mga halimbawa:
dugo
dukha
ginto
sampu
kaliwa
wala

Вам также может понравиться