Вы находитесь на странице: 1из 40

WIKA

WIKA
--pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa
pakikipagtalastasan.
-- behikulo ng ating ekspresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit.
Isang sistema na binubuo ng mga tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo na ginagamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan.
Ang wika ay isang sistema
-- anyo magkakaugnay na anyo o kahulugan
-- pangungusap sintaktik na kaayusan
tunog
-- nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa
pagsasalita gaya ng labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig.
arbitraryo
-- may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal at
gramatikal na istruktura na ikinaiba niya sa ibang wika.
pantao
-- naililipat o naisasalin ang kultura ng mga tao sa
pamamagitan ng wikang pantao.
pakikipagtalastasan
-- pagpapahayag ng mga nararamdaman, opinyon, haka-
haka atbp.
Ang wika ay buhay
naglalarawan ng
kultura ng bansa
naglalantad ng saloobin
ng tao
Bilinggwal taong marunong magsalita ng
dalawang wika

Monolinggwal isang wika lamang ang alam ng isang


tao.
Poliglot mahigit sa tatlong wika ang
ginagamit ng isang tao
Linggwistika maagham na pag-aaral ng
wika
Linggwista taong nag-aaral ng wika
Wikang kolokyal isang istandard na anyo ng
Wikang Pambansa na sinasalita sa pribado at semi-
official na mga kalagayan ng mga taong may pinag-
aralan
Wikang Pambansa isang wikang ginagamit sa
pulitikal, sosyal at kultural na aspeto ng
pamumuhay, nagpapakita na ang isang wika ay
Pinagmulan ng Wika
= Teorya ng Wika =
Tore ng Babel
Genesis 11:1-9
Teoryang Bow-wow
-- nagsimula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga
hayop hal. Kahol ng aso
Teoryang Dingdong
-- tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na
pinaniniwalaang may sariling tunog. Hal. Tunog ng kampana
Teoryang Pooh-pooh
-- ang unang mga salita na namutawi sa bibig ng mga
sinaunang tao ay mga salitang nagsasaad ng matinding
damdamin bunga ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o
kalungkutan.
Teoryang Yo-he-ho
-- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong
nagtatrabaho nang sama-sama
Teoryang Yum-yum
-- nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika
Genesis 2:19
-- sinasabi na ang wika ay kaloob ng
Diyos sa tao.
Jean Jacques Roussea
-- ang kalayaan ng tao ang nagtulak sa
kanya na lumikha ng wika. Ang unang wika
ay magaspang at primitibo
Aramean
-- sinaunang tao na nanirahan sa Syria
at Mesopotamia na ang wika ay ARAMAIC na
nagmula sa Afro- Asiatic Timog- Silangang
Kanluran ng Asya.
Paano Nagsimula ang Wika?
1. Ehipto
Haring Psammatichos sadyang natututunan ang
wika
2. Charles Darwin
Origin of Language
sinasabi niyang ang pakikipagsapalaran ng tao
para mabuhay ang nagturo sa kanila upang
makalikha ng wika.
3. Plato -- nabuo ang wika ayon sa batas ng
pangangailangan
4. Siyentipiko Homo Sapiens unggoy tayo ay
nagmula sa unggoy kung kayat ang tunog na
nalilikha ng unggoy ang siyang pinagmulan ng
wika.
5. Rene Descartes ayon sa kanya, mas mataas ang
antas ng tao kaysa sa hayop kung kayat ang wika
ang nagpapatunay na ang tao ay kakaiba.
Tungkulin ng Wika
Ferdinand Sausure-- isang functionalist
-- mas kailangan pagtuunan ng pansin
ang anyo at paraan ng wikang
ginagamit, subalit sa katunayan, ang
kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay
nakasalalay sa paraan at anyo ng
pagsasalita.
-- ang bawat salitang ginagamit ay
makabuluhan at magkakaugnay.
Emile Durkheim (1985)
Ama ng Makabagong Sosyolohiya
-- ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan ng mga
taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang
bawat isa ay may kani-kaniyang papel na
ginagampanan.
-- Ang tao ay nabubuhay, nakikipagtalastasan at
nakikisama sa lipunang kinabibilangan niya.
Ayon kay Jakobson (2003) may anim na
paraan na paggamit ng wika
1. Pagpapahayag ng Damdamin ( Emotive)
-- palutangin ang karakter ng nagsasalita.
2. Paghihikayat (conative)
-- ginagamit ang wika upang mag-utos,
manghikayat o magpakilos
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
-- panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan
sa kapwa.
4. Paggamit bilang Sanggunian (referential)
-- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng
mga taong nagtatrabaho nang sama-sama
5. Pagbibigay ng Kuro-kuro (metalingual)
-- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o
batas.
6. Patalinghaga (poetic)
-- masining na paraan ng pagpapahayag
Ayon kay M.A.K. Halliday (1973)
7 Tungkulin ng Wika Explorations in the
1. functions
Pang-instrumental of Language
-- tugunan ang pangangailangan
2. Panregulatori -- pagkontrol ng ugali o asal ng tao hal.
Pagbibigay ng direksyon
3. Pang-interaksyon -- paraan ng pakikipagtalakayan ng
tao sa kanyang kapwa.
4. Pampersonal -- pala-palagay o kuro-kuro; talaarawan at
jornal
5. Pang-imahinasyon -- malikhaing guni-guni ng isang tao
sa paraang pasulat o pasalita.
6. Pang-heuristiko -- pagkuha p paghahanap ng
impormasyon hal. Pag-iinterbyu,pakikinig sa radyo
7. Pang-impormatibo -- pagbibigay ng impormasyon sa
paraan pasulat o pasalita hal. Ulat, pamanahunang
tesis, panayam at pagtuturo.
BATAS NG WIKA
1. Artikulo 14, seksyon 3 ng Saligang Batas (1935)
Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansa na nababatay sa isa sa mga umiiral
na wika
2. Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) -- Lumikha ng
isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan
nito kabilang na rito ang pagpili ng isang
katutubong wika na siyang pagbabatayan ng
wikang pambansa.
3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang magiging
batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
4. Kautusang Tagapagpanaganap Blg. 263 (1940)
Nagbigay ng pahintulot sa pagpapalimbag ng
isang diksyunaryo at ng balarila ng wikang
pambansa at itinagubilin din ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan
man o pampubliko.
5. Batas Komonwelt Blg. 570 (1976) Pinagtibay na
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa
sa mga ofisyal na wika ng bansa.
6. Proklama Blg. 12 (1954) Nilagdaan ng
Pangulong Magsaysay ang batas na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika
simula Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa
mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
7. Proklama Blg. 186 (1959) Nilagdaan ng
Pangulong Magsaysay at sinusugan ang Proklama
Blg. 12; s 1954. Itinakda ang pagdiriwang ng
Linggo ng Wika simula ika 13 ng Agosto
hanggang 19 taon-taon.
8. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1957)
Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at itinagubilin
na kailanman at tinutukoy ang wikang pambansa,
ang salitang Pilipino ang itatawag.
9. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962)
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Rosec at iniutos na
simula sa Taong-Aralan 63-64, ang mga sertifiko
at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa
Wikang Pilipino.
10. Kautusang Tagapagpaganap Blg.60 (1963)
Nilagdaan ng Pangulong Macapagal ang pag-
uutos na awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas
sa titik nitong Pilipino.
11. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at itinadhana na
ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng
pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.
12. Memorandum Sirkular Blg. 96 (1967) --
Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas at ipunag-utos
na ang mga letterheads ng mga tanggapan at
pamahalaan ay isulat sa Pilipino.
13. Memorandum Sirkular 199 (1968) Itinagubilin
ang pagbuo ng seminar sa Pilipino ng mga
kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos
ng Surian ng Wikang Pambansa sa ibat ibang
pook panlinggwistika ng kapuluan.
14. Kautusang Taganapagpaganap Blg. 187 (1969) --
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at inutos sa lahat
ng kagarawan, kawanihan, tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng
Wikang Pambansa at pagkaraan man sa lahat ng
ofisyal na transakyan at komunikasyon.
15. Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970) --
Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro
Melchor ang pagtatalaga ng may kakayahang
tauhan upang mamahala sa lahat ng
komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan.
16. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang
pagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng
Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga
kapangyarihan at tungkulin nito.
17. Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972) -- Nilagdaan ng
Pangulong Marcos at nag-atas ng Surian ng
Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas
sa mga wikang sinalita ng may limampung
libong mamamayan alinsunod sa provisyon ng
Saligang Batas, Artikulo XV, seksyon 3.
18. Artikulo XV, Seksyon 3 (1973) -- Ang pambansang
asemblea ay dapat gumawa ng hakbang sa
pagpapaunlad at formal na adapsyon ng panlahat na
wikang pambansa na makikilalang Filipino.
19. Kautusang pangkawagaran Blg. 25 (1974)
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang pagpapatupad
sa patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga
paaralan.
20. Artikulo XIV, seksyon 3 (1987) -- Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.
seksyon 6midyum ng opisyal na komunikasyon
seksyon 7 wikang opisyal ng pilipinasFilipino;
wikang pantulong sa mga rehiyonpantulong sa
pagtuturo.
21. Kautusang Blg. 52 Pinalabas ni Kalihim Lourdes
Quisumbing ang pag-uutos sa wikang Filipino
bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa
paaralan kaalinsabay ng Ingles.
22. Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)
Iniutos ni Kalihim Isidro Carino na gamitin ang
wikang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng
katapatan sa Saligang batas at sa bayan natin.
23. Proklama blg. 1041 (1997) Nilagdaan at
ipinalabas ng Wikang ng taun-taon sa ibat
ibang sangay at tanggapan ng pamahalaan at sa
mga paaralan.
24. Praymer sa Revisyon ng Ortografiyang Filipino
(2001) Inilabas ng Komisyon ng Filipino ang
Revisyon sa mga tuntunin ng Ortografiyang
Filipino tungo sa istandardisasayon at
intelektwalisasyon ng wikang pambansa.
Dahilan kung bakit Tagalog
1. Mas marami ang nakapagsasalita at
nakauunawa.
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog, kung ano
ang bigkas ay siyang sulat.
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila.
4. May historikal na basehan ito ang wikang
ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres
Bonifacio.
5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo
ang wikang Tagalog.
Katangian ng wika
.Ang wika ay.
Masistemang
balangkas
Lahatng wika sa daigdig ay sistematikong
nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Lahat ng
wika ay nakabatay sa tunog.

Ponema tawag sa makabuluhang tunog


Ponolohiya makaagham na pag-aaral ng mga
tunog
Morpema pinakamaliit na yunit ng salita
Morpolohiya pag-aaral ng morpema

Morpema
Salitang-ugat
paruparo halu-halo
sarisari alang-alang
Panlapi
unlapi unahan
gitlapi gitna
hulapi hulihan
kabilaan kabilaan
laguhan una, gitna at hulihan
Ponema
ponema --- morpema --- salita --- parirala --- sugnay (makapag-iisa at
di makapag-iisa) --- pangungusap

Sintaks makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap


Diskors makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit
pang tao.
Sinasalitang tunog
Bawat
wika ay may kanya-kanyang set ng mga
makahulugang tunog o ponema.

Makahulugan ang isang tunog sa isang wika


kapag ito ay nagtataglay ng kahulugan o di
kayay may kakayahang makapagbago ng
kahulugan ng isang morpema o salita.
Pinipili at
isinasaayos
Pinipili
ang wikang ating gagamitin upang tayoy
maunawaan ng ating kausap.

Samantala upang maging epektib ang


komunikasyon, kailangang isaayos natin ang
paggamit ng wika.
Arbitraryo
Angisang taong walang ugnayan sa isang
komunidad ay hindi matututong magsalita
kung paanong ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita
sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan.

Kakaiba
Ginagamit
Angwika ay kasangkapan sa komunikasyon at
katulad ng ib pang kasangkapan, kailangang
patuloy itong ginagamit.
Nakabatay sa
kultura
Nagkaiba-ibaang mga wika sa daigdig dahil sa
pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at
mga pangkat.

Ice formations (Ingles) = yelo at nyebe (Filipino)


Nagbabago
Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging
magbago.
Ang isang wika ay maaring nadaragdagan ng
mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging
malikhain ng mga tao, maring sila ay nakakalikha
ng mga bagong salita.
Halimbawa nito ay mga salitang balbal,
pangkabataan, pamprodukto.
Mga Antas ng Wika
1. Salitang Pabalbal- Ito ang pinakamababang
antas ng wika. Sinasalita rin ito ng mga taong walang
pinag-aralan. Tinatawag din itong pangkanto o
kalokohang salita.
Hal. erpats, parak, chimay, yosi, syota atbp.
2. Salitang Panlalawigan- ito ang mga
salitang kilala o higit na ginagamit ng
mga tao sa isang partikular na pook na
gaya ng probinsiya.
Hal: itlog ebun
maganda napintas
pangga - mahal
3. Salitang Kolokyal Ito ang ginagamit
sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
Hal. mayroon- meron
aray ko rayko
nasaan- asan
4. Salitang Pambansa o Lingua franca
ito ang mga salitang kilala o higit na
ginagamit sa pook na sentro ng
sibilisasyon at kalakalan.Ito ang
pinaghalong Tagalog at English.
Hal: Can I make tusok the bola-bola?
5. Salitang Pang-edukado ito ang
wikang may pinakamataas na uri
sapagkat mabisa ito sa
pakikipagtalastasan. Ginagamit sa
paaralan, kolehiyo, unibersidad.
Hal: teknikal at siyentipikong salita
6.Salitang Pampanitikan- Ito ang
uri ng wikang ginagamit ng mga
manunulat ng tula, kuwento at iba
pang kauri nito.Ginagamitan ito ng
mga idyoma at tayutay.
Hal: Butas ang bulsa ni Miguel sa
dami ng kanyang binayaran.
Di- mahulugang karayom
konsiyerto ni Regine.

Вам также может понравиться