Вы находитесь на странице: 1из 39

ARALIN 2: Mga Isyu sa

Kasarian At Lipunan
PAKISTAN PILIPINAS
Gawain 19.
House Husband(Pagsusuri ng larawan)
 Gamit ang kasunod na larawan, suriin ang kalagayan ng lalaki na
nananatili sa tahanan sa pamamagitan ng pagsagot sa pamprosesong
tanong.
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino sa tingin mo ang nasa larawan? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang gawaing bahay na ipinakikita sa larawan?
3. Sa inyong tahanan, sino ang kadalasang gumagawa ng
mga gawaing ito? Ipaliwanag.
4. Sa isang bahay na lalaki o ama ang naiiwan na
gumagawa ng mga gawaing bahay,ano kaya ang
pangunahing dahilan nito?
5. Mayroon ka bang kakilala na lalaki o ama na naiiwan sa
bahay? Bakit kaya sila ang naiiwan sa bahay?
Paksa:
Karahasan sa mga Lalaki,
Kababaihan, at LGBT
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations
Development Programme (UNDP) at ng United States
Agency for International Development (USAID) na may
titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”,
ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho,
bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa
edukasyon.Sa ibang pagkakataon din, may mga
panggagahasa laban sa mga lesbian. At ang patuloy na
pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan
sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng
Transgender Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang
biktima ng pagpatay mula 2008- 2012.
Noong 2011, ang United Nations Human
Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa
mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon
at karahasan laban sa mga LGBT. Ang
bansang Uganda ay nagpasa ng batas na
“Anti-Homosexuality Act of 2014” na
nagsasaad na ang same- sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.
Gawain 20.
Huwag Po! Huwag Po!
Narito ang ilang larawan na may
kinalaman sa isyung pangkasarian.
Tingnan ang mga larawan at sagutin
ang mga tanong sa gawain.
BABALA:Ang
larawang inyong
nakikita ay patungkol
sa karahasan.
Pinapaalalahanan
ang mga mag-aaral
na ito ay hindi
nararapat gayahin.
Sa tulong ng mga
larawan na iyong
nakita at
napapanood sa
mga komersyal sa
telebisyon, isa-isahin
ang karahasang
nararanasan ng
kababaihan. Isulat
ito sa loob ng mga
bilog.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang opinyon at saloobin mo sa
karahasang nararanasan ng ilang
kababaihan?
2. Paano mawawakasan ang ganitong
gawain sa kababaihan?
Gawain 21. Komik-Suri!
Narito ang isang komiks tungkol sa isyung
may kinalaman sa kasarian. Basahin at
unawain mong mabuti ang diyalogo.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa
gawain.
Pamprosesong mga Tanong
1. Tungkol saan ang komiks?
2. Sa iyong palagay, anong isyu ang
ipinakikita rito?
3. Gaano kaya kadalas nangyayari ang
ganitong sitwasyon? Bakit kaya nagaganap
ang ganitong pangyayari?
Mga Tanong Sagot
1. Ilarawan ang pakikitungo ni
Marco sa kaniyang asawa.
Makatuwiran ba ito?
2. Ano ang reaksyon mo sa ginawa ni
Marco? Kung ikaw ay anak ng mag-
asawang tauhan sa komiks ano ang
iyong mararamdaman?

3. Nakasaksi ka na ba ng ganitong

pangyayari? Ibahagi sa klase ang iyong


karanasan.
Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang
bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi
makatarungan at di pantay na pakikitungo at
karahasan. Ang mababang pagtingin sa
kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang
kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang
kaugaliang foot binding noon sa China na naging
dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Ang foot binding ay isinasagawa ng mga
sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng
mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa
tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang
pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang
korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog
sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng
paa nang paunti-unti gamit ang telang
mahigpit na ibinalot sa buong paa.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay
lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral
ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng
ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala
bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging
karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa
ang mga kababaihang ito ay may bound feet,
nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa
politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911
sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa
di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa


United Nations, ang karahasan sa kababaihan
(violence against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at
pagsikil sa kanilang kalayaan.
May ilang kaugalian din sa ibang lipunan
na nagpapakita ng paglabag sa
karapatan ng kababaihan. Subalit ang
nakakalungkot dito, ang pagsasagawa
nito ay nag-uugat sa maling paniniwala.
Mababanggit na halimbawa ang breast
ironing o breast flattening sa Africa.
Ang breast ironing o breast flattening ay
isang kaugalian sa bansang Cameroon sa
kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o
pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May
pananaliksik noong 2006 na nagsasabing
24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng
ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay
normal lamang at ang mga dahilan nito ay
upang: maiwasan ang (1) maagang
pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-
aaral; at (3) pagkagahasa. Ang mga dahilan
na nabanggit ay mula sa paniniwala ng ina
na ang paglaki ng dibdib ng anak ay
maaaring makatawag-pansin sa mga lalaki
upang sila ay gahasain.
The flattening is carried out by female family members,
either at home or with the assistance of a healer. The
process begins as soon as the girls hit puberty—for
some, that means as early as eight years old. The
consequences of this can be disastrous for the victims'
health—cysts, breast cancer, and breastfeeding issues
are all common, not to mention the abundance of
psychological consequences linked to the practice.
According to a 2011 GIZ report, one out of every ten
Cameroonian girls has been subjected to breast
ironing.
French photographer Gildas
Paré recently traveled to Cameroon
to photograph some of those victims
and take note of their stories.
Victims of breast ironing or breast
flattening and their Stories
 When my breasts started to grow, people in
my house began to talk about it. Neighbors,
my mom's friends, our elders. So much
talking! Even I started to feel ashamed
because people were talking about it.
Eventually, my mom decided to iron my
breasts. 'If we don't iron them, it will attract
men. And we know that men mean
pregnancy,' she said. We needed to kill those
breasts, she claimed. She used hot rock on
my right boob, then the left, then the right. This
went on for weeks. I suppose she meant well.
Breasts are what makes a woman beautiful,
though. Today, mine are flabby. They can't
even stand." –Carole B., 28 years old.
I was eight when my mother told me: 'Take your top off.
Do you have breasts already? When a girl your age has
breasts, men look at her.' I didn't understand what she was
doing. Every day, sometimes three times a day, she would
flatten my chest with a hot spatula. She would just say: 'It's
for your own good.' It was a nightmare. I noticed that the
more she massaged me, the more my breasts grew. When
she realized it wasn't working, she used a rock. That was
hell. It felt like my body was on fire. A guidance counselor,
who I told everything, tried to talk to my mom and get her
to stop. I was happy because I thought it was over. But she
did it again—with heated fruit pits this time. She massaged
and massaged. I packed my stuff and moved to my aunt's
immediately. Sometimes, I try to understand my mother's
actions. It hurts so much when I look at myself in the
mirror." –Doriane, 19 years old.
"Every morning, before going to
school, my mom makes me lift
up my top so she can make sure
I haven't taken my bandage off.
It's been two years now and she
still checks it on a daily basis. It's
humiliating. I'd like her to stop.
When I grow up, I want to be a
lawyer or play piano. I hope that
wearing this bandage will help
me to continue my education."
–Cindy, 14 years old.
 Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin
ang breast ironing o breast flattening sa mga bansang
Benin, Chad, Ivory Coast, Guinea-Bissau, Guinea-Conakry,
Kenya, Togo, at Zimbabwe. Bukod sa pagiging
mapanganib ng breast ironing, marami ring kritisismo ang
binabato sa pagsasagawa nito. Ang GIZ (German
Development Agency) at RENATA (Network of Aunties),
ay ilan sa mga organisasyong sumusuporta sa kampanya
ng mga batang ina na labanan ang patuloy na pag-iral
ng gawaing ito. Ayon sa ulat ng GIZ, 39% ng mga
kababaihan sa Cameroon ang di panig sa pag-iral ng
breast ironing, 41% ang nagpapakita ng pagsuporta at
26% ay walang pakialam.

Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang
problema sa Pilipinas kundi pati narin sa buong
daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25
bilang International Day for the Elimination of
Violence Against Women. Tunghayan mo ang
istadistika sa susunod na pahina.
ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN

 Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng


pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng
pananakit na pisikal.
 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
 Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng
emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa kanilang mga
asawa.
 Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng
pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey,
65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for
Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action) ay
isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma
ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian
nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay
ang (1) pambubugbog/pananakit, (2)
panggagahasa, (3) incest at iba pang seksuwal na
pang-aabuso, (4) sexual harassment, (5)sexual
discrimination at exploitation, (6) limitadong access
sa reproductive health, (7) sex trafficking at
prostitusyon.
Karahasan sa Kalalakihan
Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang
kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang
relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang
kalalakihan ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng
karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling makita o kilalanin.
Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri;
emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso.
Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at
homosexual na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang mga
palatandaan ng ganitong uri ng karahasan.
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence
kung ang iyong kapareha ay:

 tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para


sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
 pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
 pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga
kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa
pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga
isusuot;
 nagseselos at palagi kang pinagdududahan na
nanloloko;
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence
kung ang iyong kapareha ay:
 nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
 nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
 pinagbabantaan ka na sasaktan;
 sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga
anak o mga alagang hayop;
 pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at
 sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat
lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual
at transgender:
 Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya,
mga kaibigan at mga kakilala ang iyong
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian
 Sinasabi
sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan
ang mga gay, bi-sexual at transgender
 Sinasabi
sa iyo na ang mga lalaki ay natural na
bayolente
Maari mong malamang inaabuso ka na kung
napapansin mo ang ganitong pangyayari:
 pinagbabantaan ka ng karahasan.
 sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
 humihinging tawad, nangangakong magbabago, at
nagbibigay ng suhol.
 Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
 Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at
karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng panahon.

Вам также может понравиться