Вы находитесь на странице: 1из 33

Yunit 1:

mga uri ng teksto


Aralin 1:
Tekstong Impormatibo,
Kaalaman ay Punong
Puno
kaalaman!
Bakit nga ba kailangan natin ang mga
impormasyon? Malaki ba ang kapakinabangan na
makukuha mula rito? Ang impormasyon ay ang
sistematikong pagbubuo, paghahanay, at pag-
uugnay ng mga ideya upang magkaroon ng
malinaw na ugnayan sa pagbabalangkas ng mga
kaisipan, ideya, saloobin, katotohanan, at mga
impormasyon.
Ang tekstong impormatibo ay may layuning maging
daluyan ng makatotohanang impormasyon sa mambabasa.
Binabaklas nito ang mga di-maunawaang kaisipan sa isang
paksa. Obhetibo ito kaya limitado lamang ang pagkiling o
paglapat ng damdamin ng may- akda sa paksa. Ang emosyon,
damdamin, saloobin, kaisipan, opinion at sarili ng may-akda ay
maaaring mabigyan ng pagkakataon isiwalat kung
napangingibabawan pa rin ito ng samot-saring kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa. Sa bawat tekstong impormatibo
na binabasa, kailangan magkaroon ng tamang pagsusuri ang
mambabasa sa mga impormasyon spagkat nagbibigay ito ng
sensitibong paghahanay ng mga kaisipan na madaling
paniwalaan ng mambabasa.
Umaasa ang mambabasa sa tekstong impormatibo dahil


alam nyang may makukuha mula rito. Dapat isaalang-alang na sa
bawat pagbasa ng isang teksto, may mga makukuhang
impormasyon na makatotohanan o maaaring gawa-gawa lamang.
Ang pagiging maingat ang isa sa mga katangiang dapat taglayin
ng isang mambabasa. Kailangan ng mga katibayan o ebidensya
upang maging makatotohanan ang isang impormasyon.

Layunin ng isang tekstong impormatibo na alisin at bigyan


ng tamang paglilinaw ang mga katanungan, agam-agam o pag-
aalinlangan na bumabalot sa isipan ng bumabasa hinggil sa
paksang tinatalakay. Ang mga ito ay nangangailangan ng
katumpakan o katiyakan ng mga impormasyon.
Kailangang isaalang-alang ang ilang sukatan upang
maging impormatibo ang isang teksto. Sa pagkuha ng datos mula
sa isang tekstong impormatibo, napakahalagang malaman kung
sino ang may-akda o ang taong pinanggalingan ng isang
impormasyon o datos upang malaman kung ang mga ito ay
kongkreto,tiyak,tama at mapagkakatiwalaan.

Sa pangangalap naman ng mga impormasyon, kailangan


tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang kailangan. Ang
pagsusuri ng mga nakuhang impormasyon o datos ang dapat
isagawa gayundin ang pagbasa at pagtala ng mga impormasyon.
Tiyakin na ang sanggunian o pinagkunan ng impormasyon ay may
korebilidad.
Narito ang ilan sa mga gabay na tanong sa
pagsusuri ng ilang tekstong impormatibo.
Mapagkakatiwalaan ba ang may-
akda/tagapaglathala?
Makatotohanan ba ang mga impormasyon o
datos?
Napapanahon ba ang mga impormasyong
inilahad?
KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Naglalahad ito ng mga mahahalagang impormasyon,
bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong
paniniwala, mga bagong impormasyon, at tiyak na
detalye para sa kabatiran ng mga mambabasa.

Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may


pagkakasunod-sunod at inilalahad nang buong
linaw at kaisahan.

Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa


mga bagay at paksang pinag-uusapan.

Nagbibigay ito ng mga impormasyong


nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay-
linaw sa mga paksang inilalahad upang mawala
ang alinlangan.

Naglalahad ng mga datos na nakatutulong


sa paglilinaw ng mga konsepto.
Mga hanguan ng impormasyon o datos
(Ayon kay Mosura)

Hanguang primary Hanguang elektroniko Hanguang sekondarya

• Mga aklat tulad ng


diksiyonaryo. Ensayklopidya,
• Indibidwal o awtoridad taunang aklat o yearbook,
• Mga grupo o
• Internet sa almanac, at atlas
organisasyon pamamagitan • Mga nalathalang artikulo sa
• Mga kinagawiang ng e-mail journal, magasin, pahayagan, at
kaugalian newsletter
• Telepono o
• Mga pampublikong • Mga thesis, disertasyon, at pag-
kasulatan o dokumento cellphone aaral sa feasabilitity, nailathala
man ang mga ito o hindi
• Mga monograp, manwal,
polyeto, manuskrito, at iba pa
SA MAKATI AT
DIVISORYA, DENIM
ANG HANAP NILA
Valerio L. Nofuento
Valerio L. Nofuento
STRAIGHT CUT

Belly bottoms
Deburdado

De-baston
demaritse
serge de nimes
Rebelyon sa
tipong disente
Hindi birong
salapi
Uniporme ng
daigdig
Android project
Show and explain your
web, app or software Place your screenshot here

projects using these


gadget templates.
WAKAS

Вам также может понравиться