Вы находитесь на странице: 1из 4

Pimentel bumaba

sa pwesto
Kusang bumaba kahapon sa puwesto bilang lider ng Senado si dating Senate
President Aquilino “Koko” Pimentel III upang magbigay-daan sa kanyang
kapalit na si dating Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.
Sa isang pulong-balitaan, inihayag ni Pimentel ang pagbaba sa puwesto at
isiniwalat ding siya ang magno-nominate kay Sotto bilang bagong Senate
President.
Kasunod nito, nanumpa na rin kahapon bilang bagong lider ng Senado si Sotto
III matapos bumaba sa puwesto si Pimentel.
Katulad ng napagkasunduan ng mga senador na kasapi ng mayorya, mismong
si Pimentel ang nagnomina kay Sotto para sa bagong posisyon.
Personal na nagtungo sa Senado ang pamilya ni Sotto sa pangunguna ng
asawa nitong si Helen Gamboa kasama ang kanilang mga anak.
Dahil nabakante ang dating posisyon ni Sotto, ipinalit dito si Senator Juan
Miguel Zubiri na uupong chairman ng Rules Committee at bagong Senate
Majority Leader.
Napunta naman kay Pimentel ang komite ni Zubiri na Trade Commerce and
Entrepreneurship.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sotto na matapos ang tatlong dekada matapos
siyang mahalal bilang Vice Mayor ng Quezon City noong 1998, hindi niya inisip
na magiging isa siyang Senate President.
Sa panayam sinabi ni Sotto na magpapaalam muna siya sa kanyang noon time
show na Eat Bulaga upang matutukan ang bagong posisyon.
Nangako rin si Sotto na hindi papayagang mabanatan ang Senado ng hindi
patas.
Kasabay ng pagpapasalamat sa kanyang mga kasamahan sa Senado, sinabi ni
Pimentel na isang karangalan para sa kanya ang magsilbi sa mataas na
kapulungan bilang presidente nito na hinawakan ding posisyon ng kanyang
amang si dating Senate President Nene Pimentel.
Binati rin ni Pimentel si Sotto at nag-wish pa ito na sana’y pagkalooban ang
bagong Senate President ng maayos na kalusugan at nangakong tutulungan ito
sa pagpasa ng mga panukalang batas na makakatulong sa mga mamamayan.

Вам также может понравиться