Вы находитесь на странице: 1из 21

ORYENTASYONG

SEKSWAL
Oryentasyong Sekswal
(Sexual Orientation)
-tumutukoy sa kakayahan ng isang
tao na makaranas ng malalim na
atraksyong apeksyonal, emosyonal at
sekswal.
-malalim na relasyon sa taong ang
kasarian ay maaaring katulad ng sa
kanya, iba sa kanya o kasariang higit
sa isa. (GALANG Yogyakarta)
Pagkakakilanlang Pangkasarian
(Gender Identity)

-ay kinikilala bilang malalim na


damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang
tao na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa kanyang kasarian
nang siya’y ipinanganak.
Pagkakakilanlang Pangkasarian
(Gender Identity)
-kabilang din ang personal na pagturing
niya sa sariling katawan na maaring
mauwi sa malayang pagpili, sa
pagbabagong anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot at iba pa.

-at iba pang ekspresyon ng kasarian,


kasama na ang pananamit, pagsasalita at
pag kilos.
Ang ORYENTASYONG
SEKSWAL ay maaring
maiuri bilang:
• Heterosekswal
• Homosekswal
• Bisekswal
HETEROSEKSWAL
-mga taong nagkakanasang
sekswal sa miyembro ng kabilang
kasarian.
-ang mga lalaki ay gusto ang
babae at mga babaeng gusto
naman ay lalaki.
HOMOSEKSWAL
-mga taong nagkakaroon ng
sekswal na pagnanasa sa mga
taong nabibilang sa katulad na
kasarian.
-mga lalaking gusto ang lalaki at
mga babaeng gusto ay babae.
LESBIAN(Tomboy)
-isang babae na may emosyonal
at pisikal na atraksyon sa kapwa
babae.
-sila ang mga babae na may kilos
at damdaming panlalaki.
GAY(Bakla)
-isang lalaki na may emosyonal at
pisikal na atraksyon sa kapwa
lalaki.
TRANSGENDER
-mga taong nakakaramdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawan. Ang
kanyang pag-iisip at pangangatawan ay
hindi magkatugma.

-sila ay maaaring Transsexual o Cross


Dresser.
TRANSSEXUAL
-ang isang tao ay dumaan sa
isang medical na diyagnosis
kung saan ang isang indibidwal
ay may pagkakakilanlang
kasarian na kabaligtaran ng
kanilang pisikal na kasarian.

CROSS DRESSER
-mga taong nagbibihis gamit
ang kabilang kasarian na hindi
binabago ang kanilang kasarian.
BISEKSWAL
-isang tao na may emosyonal at
pisikal na atraksyon para sa lalaki
at babae.
ASEXUAL
-mga taong walang nararamdamang
atraksyon sa anumang kasarian.
QUEER
-mga taong hindi pa tiyak o
sigurado sa kanilang sekswal na
pagkakakilanlan
Sino ba ang dapat bumuhay sa
pamilya?

Sino ba ang dapat na magtrabaho?

Sino ba ang dapat na mamuno sa


isang bansa/ bayan?

Sino ba ang dapat na gumawa ng mga


gawaing bahay?
Peminismo
-ang organisadong pagkilos
upang itaguyod ang
Patriyarka pagkakapantay pantay ng
mga babae at lalaki sa
-ang kalakarang ito ay pulitikal, ekonomik, at kultural
nagsasanay sa bawat lalaki na larangan.
na maging pinuno sa bawat
Layunin ng
aspeto ng buhay, sa larangan
ng trabaho, politika pamilya Peminismo
at relihiyon -ang pantay na karapatang
pantao ng lahat at proteksyon
sa ilalim ng batas para sa
mga kababaihan.

Ayon sa lohikal na kaisipan:


LALAKI- matapang, malakas
BABAE – emosyonal, mahinhin, mahina
Peminismo sa iba’t
ibang panahon
FIRST WAVE – huling bahagi
ng 19th century at simula ng
20th century
pantay na kontrata,
karapatan sa ari-arian,
babae bilang asawa,
karapatan sa pagboto.

SECOND WAVE – 1960’s-1990’s


kalayaan ng kababaihan
pagwakas ng diskriminasyon
karapatang sibil at pulitikal
THIRD WAVE – Gitnang bahagi
ng 1990’s
postmodern o kritikal at
interseksyunal na pagtingin sa
kasarian at sekswalidad at ang
kaugnayan nito sa lahi, uri,
sexual orientayion atbp.

FOURTH WAVE – huling bahagi ng


1990’s pataas
pagwakas ng karahasang
sekswal, di-pantay na sahod at
iba pang opresyong panlipunan.
MAIKLING PAGSUSULIT:

Gumawa ng maikling sanaysay kung


ikaw ba ay sang-ayon na ang mga lalaki ang
dapat na binibigyang malaking pabor sa
lipunan.
Ang inyong Gawain ay pupuntusan bata
sa mga sumusunod:

Nilalaman 5pts
Pagkakaayos ng datos 5pts
10pts
TAKDANG ARALIN:

Magsaliksik tungkol sa
Gender Role sa Pilipinas at
ilagay ito sa bondpaper.

Вам также может понравиться