Вы находитесь на странице: 1из 13

Batayang

Kaalaman sa
Mapanuring
Pagbasa
Ang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ay pag-aaral sa
proseso ng pagbasa at pagsusuri
ng iba’t ibang anyo at uri ng
teksto na nakatutulong sa pagbuo
at pagsulat ng sistematikong
pananaliksik.
Ilista ang dalawang pinakapaborito mong libro.
Kung hindi libro ang hilig basahin, ilista ang
anumang uri ng akda, materyales o genre ng
panitikan na naging pinakapaborito mo. Isulat
ang mga ito at ang mga hinihinging
impormasyon sa talahanayan.
Unang Libro Ikalawang Libro

Titulo
May-Akda
Wika
Buod
Basahin at unawain ang artikulo ni F. Sionil
na “Why We Are Shallow” (Philippine Star,
Setyembre 21, 2011), kung saan tinukoy niya
na isa sa mga dahilan kung bakit mababaw
ang sensibilidad ng mga Pilipino ay dahil sa
kawalan ng kultura ng pagbabasa ng bansa.
Ano ang reaksyon mo sa pananaw niyang
ito? Para sa iyo, makutwiran bang sabihin na
walang kultura ng pagbabasa ang mga
Pilipino? Pangatwiranan ang iyong sagot.
BATAYANG KAALAMAN SA
MAPANURING PAGBASA
“ Huwag kang magbasa, gaya ng
mga bata, upang libangin ang
sarili o gaya ng matatayog na
pangarap, upang matuto. Magbasa
ka upang mabuhay. “

- Gustave Falubert (1857)


Basahin ang talata. Tungkol saan
kaya ito? Paano mo nalaman?

Ang peryodiko ay mabuti


kaysa magasin. Ang dalampasigan
ay mas mabuting lugar kaysa daan.
Sa simula mabuti ang tumakbo kaysa
maglakad. Kailangan mo itong
subukan nang ilang ulit. Kailangan
ang kasanayan pero madali itong
matutuhan.
Kahit ang mga bata ay nasisiyahang
gawin ito. Kapag nagtagumpay, ang
mga kumplikasyon ay kakaunti na
lamang. Ang mga ibon ay iniiwasan
ito. Pero kapag maraming tao ang
gumagawa nito ay magkakaroon ng
problema. Kailangan ang maluwang
na lugar. Ngunit kapag ito’y
nakawala, wala nang pangalawang
tsansa.
Pagbasa

- Ang pagbasa ay pagkuha


at pagkilala ng mga ideya at
kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas
nang pasalita.
Pagbasa

- Ang pagbasa ay isang


proseso ng komunikasyon o
interaksyon sa pagitan ng
mambabasa, manunulat at
sitwasyon o konteksto.
APAT NA HAKBANG
SA PAGBASA
Ang pagbasa ay isang gawaing
mental. Ang apat na hakbang ng pagbasa
ayon kay WILLAM S. GRAY ay ang mga
sumusunod:
1.PERSEPSYON O PAGKILALA
– Ito ay kakayahan sa
pagbigkas ng salita at
pagkilala ng mga nakalimbag
na simbolo.

2.PAG-UNAWA – Pag-intindi sa
mga kaisipang ipinahahayag
ng mga simbulo.
3.REAKSYON – Pagpapasiya
sa kawastuhan, kahalagahan
at kahusayan ng teksto.

4.ASIMILASYON – Pagsasama-
sama at pag-uugnay-ugnay ng
binasang konteksto sa
karanasan ng mambabasa.
ASIMISLASYON
-pakikipag-ugnayan ng mambabasa sa
binabasa o kaya’y paglalapat ng
natutuhan sa aktuwal na pamumuhay
ng nagbabasa.
- nagbabago ang pagdanas at
paghulma natin sa realidad.
-Tinatangka natin na baguhin ang
realidad batay sa kung ano ang ideyal
at nalalaman natin ito sa pamamagitan
ng pagsusuri ng ibat ibang karanasan
ng tao at lipunan batay sa nababasa.

Вам также может понравиться