AMADO V. HERNANDEZ Tunay/Buong pangalan: Amado Vera Hernandez Kapanganakan: 13 Setyembre 1903 (Hagonoy, Bulakan) Kamatayan: 24 Marso 1970 (Maynila) Kabansaan: Pilipino Larangan: Panitikan AMADO V. HERNANDEZ Kilala bilang mahusay na nobelista, mandudula, mamahayag, pulitiko, kuwentista at lider ng mangagagawa. Kilala bilang makata at manunulat sa wikang tagalong AMADO V. HERNANDEZ Bilang mamamahayag, nakasama rin siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild (PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO).
Noong 1947 Naging pangulo si Ka
Amado ng CLO. AMADO V. HERNANDEZ
Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa“
AMADO V. HERNANDEZ isang makata at manunulat pinuno ng mga Pilipinong manggagawa “Congress of Labor Organizations (CLO)” Kilala bilang "Manunulat ng mga Manggagawa“ Mga Ibong Mandaragit (1969) Langaw sa Isang Basong Gatas Luha ng Buwaya Mga Tula Isang Dipang Langit Panata sa Kalayaan Ang Mga Kayamanan ng Tao Ang Dalaw Bartolina Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking Bayan Bayang Pilipinas Ang Taong kapos Bayani Sa Batang Walang Bagong Damit Isang Sining ng Pagbigkas Ang Panday Inang Wika Ang Tao Pamana Ang Aklasan BAYANI Tula ni: Amado Hernandez
Ang tulang BAYANI ay nagwagi sa 30 kalaban sa
timpalak-panitik sa Malolos, Bulacan, sa pagdiriwang sa Unang Araw ng Mayo noong 1928 Ayon kay senador Recto ito raw ay isa sa pinakamahusay na tulang tagalong sa paksang paggawa. MANGGAGAWA Buhay at Sandigan ng Industriya
Ang bawat bansa ay nangangailagan ng
mga manggagawang magbibigay serbisyo para magawa ang nga bagay na kailgan ng tao. Sila ang nagsisilbing instrumento para matugunan ang pangangailangan ng tao. MANGGAGAWA Buhay at Sandigan ng Industriya
Para kay Amado V. Hernandez ano nga ba
ang ang mga Manggaawa at ano an Kahalagahan nila sa ating Lipunan? Bayani Amado V. Hernandez
Ako'y manggagawa: butil ng buhangin
sa daa'y panambak, sa templo'y gamit din; buhay ko'y sa Diyos utang nga marahil, ngunit ang palad ko'y utang din sa akin. Alam ko ang batas: "Tao, manggagaling sa sariling pawis ang iyong kakanin."
Hubad ang daigdig nang ako'y sumilang
at pikit ang mata ng sangkatauhan: dahilan sa aki'y kaharia't bayan ang nangapatayo sa bundok at ilang, aking pinasikat sa gabi ang araw at tinanlawan ko ang diwa't ang buhay. Ako ang nagbangon ng Gresya at Roma, ako ang nagbagsak sa palalong Troya; ang mga kamay ko'y martilyo't sandata – pambuo't panggiba ng anumang pita! Kung may kayamanan ngayong nakikita, paggawa ko'y siyang pinuhunan muna!
Ako'y isang haring walang trono't putong,
panginoong laging namamanginoon, daming pinagpalang binigyan ng milyon ay ako't ako ring itong pataygutom; sila ay sa aking balikat tumuntong, naging Mamo't Nabod ang dati kong ampon! Sambundok na ginto ang aking dinungkal, kahi't na kaputol, di binahagihan! ang aking inani'y sambukiring palay, nguni't wala akong isaing man lamang! ang buhay ng iba'y binibigyang-buhay habang nasa bingit ako ng libingan!
Ang luha ko't dugo'y ibinubong pawa
sa lupang sarili, nguni't nang lumaya, ako'y wala kahi't sandakot na lupa! Kung may tao't bayang nangaging dakila, karaniwang hagda'y akong Manggagawa, nasa putik ako't sila'y sa dambana! Kung kaya sumulong ang ating daigdig, sa gulong ng aking mga pagsasakit; nilagyan ang tao ng pakpak at bagwis, madaling nag-akyat-manaog sa langit; saliksik ang bundok, ang bangin at yungib, ang kailaliman ng dagat, saliksik!
Ang mga gusali, daan at sasakyan,
ay niyaring lahat ng bakal kong kamay; sa tuklas kong lakas – langis, uling, bakal, naghimala itong industria't kalakal; nguni't lumawak din naman ang pagitan ng buhay at ari... nasupil ang buhay! Ang mundo'y malupit: ngayo't ako'y ako, nakamihasnan nang dustain ng mundo gayon pa ma'y habang ang tao ay tao, gawa ang urian kung ano't kung sino; batong walang ganda'y sangkap ng palasyo, sanggol sa sabsaba'y naging isang Kristo.
Tuwi na'y wal'in man ako ng halaga,
iyan ay pakanang mapagsamantala; ang ginto, saan man, ay gintong talaga, ang bango, takpan man, ay di nagbabawa; itakwil man ako ng mga nanggaga, walang magagawang hadlang sa istorya! Kung di nga sa aki'y alin kayang bagay ang magkakasigla at magkakabuhay? Puhunan? Likha ko lamang ang Puhunan! Bayan? At hindi ba ako rin ang Bayan? Walang mangyayari pag ako ang ayaw, mangyayaring lahat, ibigin ko lamang!
Sa wakas, dapat nang ngayo'y mabandila
ang karapatan kong laong iniluha, ang aking katwiran ay bigyan ng laya at kung ayaw ninyo'y ako ang bahala sa aking panata sa pagkadakila... Taong walang saysay ang di Manggagawa! PAGSUSURI Ang tulang ito ay may 12 na pantig bawat taludtod.Ang tulang BAYANI na binubuo ng sampung saknong at sa bawat saknong ay may anim na taludtud, Bahagyang ang tulang BAYANI ay gumamit ng malalalim na salita ngunit ang pagka sunod sunod bawat taludtud ay maayos at madaling intindihin at iisa lang ang nilalaman kundi ang kahalagahan ng ng mga manggagawa sa ating daigdidg. Ayon sa tula “ Taong walang saysay ang di manggagawa” ito ang mga salitang para sa akin ay nakapagtatak sa aking dibdib. PAGSUSURI Ang tulang ito ay nakakatulong sa bawat isa sa ating daigdig hindi dahil ito'y panitikan kundi ito ay nakakapagbigay inspirasyon na dapat natin pahalagahan ang ating mga mangagagawa sa bansa dahil tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa kanila. PAGSUSURI Mga Teyorya