Вы находитесь на странице: 1из 10

NOLI ME

TANGERE
KABANATA 3: ANG HAPUNAN
Ang Hapunan
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan.
Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang
pakiramdam. Siyang-siya si Padre Sibyla samantalang galit na galit
naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan
hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik
ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at
pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman
si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng
kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang
buhok.
Sa may kabisera lumuklok si Ibarra. Ang magkabilang dulo
naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang
dapat na umupo roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon
dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero,
si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla
ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na
umupo dahil sa kapangyariha‘t katungkulan nito.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at
nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente
sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na
maghandog ng paanyaya kay Kapitan Santiago. Pero, kagaya ng
may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan
sabay sabing, “Diyan kayo! Huwag kayong tumindig."
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos
ng damdamin ni Pari Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro
upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay
Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola, lamang loob. Hindi
alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay
Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang
panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng
binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong
nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya
nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang
nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong
nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama.
Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng
tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng
pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang
ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don
Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
“Ako po’y nasa Alamenya at Polonyang sakop ng Rusya nitong
huling dalawang taon," tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang
napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang
katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan
niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan.
Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang
kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa hinay-hinay na
pagbabago sa kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang
napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero,
nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at
kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at
ikapaghihirap nito.
Ika niya’y, “Bago ako tumungo sa isang bayan ay pinag-aaralan
ko muna ang kanyang kasaysayan at pagkatapos ay wala nang
katangian ang bawat makita ko. Ngunit ang kasaganahan o
kadahupan ng bayan ay nababatay sa kanilang kalayaang taglay...”
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad
si Padre Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata.
“Iyan lamang ang nakita mo ...? Sayang ang ginugol mong salapi
kung iyan lamang ang natutunan mo. Alam na iyan ng bata sa
paaralan, ” aniya.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Nagulumihan saglit si Ibarra ngunit kalauna’y ipinaliwanag niya
na lamang sa mga panauhin na nais lamang ipagunita sa kanya ng
dating kura ang mga sandaling madalas itong magpunta sa kanila
noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan.
Nangatal naman si Damaso kaya’t ni gaputok niya ay hindi na
naimik.
Ilang sandali pa’y nagpaalam na ring aalis. Pinigil siya ni Kapitan
Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng
San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako
siyang babalik kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra.
Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng
kanyang pagiging mapagmataas- na ayon sa kanya ay kasamaang dulot
ng pagpapaaral sa mga Indio sa Europa kaya’t dapat raw ipagpabawal
ang gayon.
Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios
Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging
sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang
piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.
Piliin ang titik na kasingkahulugan ng bawat salita.
a. TUNGKULIN
____ 1.LUKLUKAN b. NAGKASWERTE
____ 2.KAPANGYARIHAN c. GINASTOS
____ 3.TUMANGGI d. BIGAY
____ 4.NAGHANDOG e. NAGBIGAY
____ 5.NAGKAPALAD f. NAGPAPAALALA
____ 6.KADAHUPAN g. NANGAMBA
____ 7.NAGULUMIHAN h. NAGULUHAN
____ 8.GINUGOL i. KAHIRAPAN
____ 9.DULOT j. UMAYAW
____ 10.NAGPAPAGUNITA k. UPUAN

Вам также может понравиться