Вы находитесь на странице: 1из 20

D A K I L A N G

I N A
Panuto:
Ibigay ang kahulugan ng
mga salitang nasa
bulaklak at gamitin ito sa
pangungusap.
INATUPAG

GINAWA
MAKAPANG
-UKOL

MAKAPAG-
BIGAY
NILANTAKAN

KINAIN
NAGULANTANG

NAGULAT
NALALABI

NATITIRA
KABANATA XVI
“Si Sisa”

Ang kadiliman ay nakalatag sa buong


santinakpan.Mahimbing na natutulog ang mga
taga-San Diego pagkatapos makapang-ukol ng
dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-
anak.Pero,si Sisa ay gising.Siya ay nakatira sa
isang maliit na dampa na nasa labas ng
bayan.May ilang oras din bago marating ang
kaniyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapos-palad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng
lalaking iresponsable,walang pakialam sa buhay,sugarol
at palaboy sa lansangan.Hindi niya inaasikaso ang mga
anak,tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kina Basilio
at Crispin.Dahil sa kapabayaan ng kaniyang
asawa,naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o
alahas nito noong siya ay dalaga pa.Labis ang kaniyang
pagkamartir at hina ng loob.Sa madalang na pag-uwi ng
kaniyang asawa,nakakatikim pa siya ng sakit ng
katawan.Nananakit ang lalaki.Gayunpaman,para kay Sisa
ang lalaki ay ang kaniyang bathala at ang kaniyang mga
anak ay ang kaniyang mga anghel.
Nang gabing iyon,abala siya sa pagdating
nina Basilio at Crispin.Mayroong tuyong
tawili at namitas siya ng kamatis sa kanilang
bakuran na siyang ihahain niya para kay
Crispin.Tapang baboy-damo at isang hita ng
patong bundok o dumara na hiningi pa niya
kay Pilosopong Tasyo ang ihahain niya para
kay Basilio.Higit sa lahat,nagsaing siya ng
puting bigas na sadyang inani niya sa
bukid.Ang ganitong hapunan ay tunay na
pangkura,na gaya ng sinabi ni Pilosopong
Tasyo kina Basilio at Crispin nang puntahan
niya ang mga ito sa simbahan.
Sa kasamaang palad,hindi natikman ng
magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat
dumating ang kanilang ama.Nilantakan
nitong lahat ang mga pagkaing nakasadya
sa kanila.Itinanong pa niya kung nasaan
angb dalawa niyang anak.Nang mabundat
ang asawa ni Sisa,ito ay muling umalis dala
ang sasabunging manok at nagbilin pa na
tirhan siya ng perang sasahurin ng mga
anak.
Windang ang puso ni Sisa.Hindi nito mapigilan na
umiyak.Paano na ang kaniyang dalawang
anghel?Ngayon lamang siya nagluto,tapos uubusin
lamang ng kaniyang walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang
nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang
darating na gutom ang kaniyang mga anak.Hindi na
siya napakali sa paghihintay.Upang maaliw sa sarili,’di
lang iisang beses siya umawit nang mahina.Saglit na
tinigil niya ang pag-awit ng kundiman at pinukulan
niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa
kapaligiran.Nagkaroon siya ng malungkot na
pangitain.Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal
na Birhen nang gulantangin siya ng malakas na tawag
ni Basilio mula sa labas ng bahay.
PANGKATANG
GAWAIN
Panuto
Sa loob ng 10 minuto ay
dapat na matapos ng
bawat pangkat ang
ibinigay na gawain.
UNANG PANGKAT
Gawain:Ilarawan ang anyo at mga
katangian nina Sisa at Pedro batay
sa pagkakaganap sa akda.Isadula
ito.
PAMANTAYAN:
Kaangkupan -10%
Kahandaan - 5%
Kaayusan - 5%
KABUUAN: 20%
IKALAWANG PANGKAT
Gawain:Sa pamamagitan ng isang
talkshow,ilahad ang sariling
saloobin o opinyon sa binasang
kabanata.
PAMANTAYAN:
Kaangkupan- 10%
Kahandaan- 5%
Kaayusan- 5%
KABUUAN: 20%
IKATLONG PANGKAT
Gawain:Gumuhit ng isang
larawan na sumisimbolo kay
Sisa at ipaliwanag.
PAMANTAYAN:
Kaangkupan- 10%
Kaayusan- 5%
Kaisahan- 5%
KABUUAN: 20%
Pagtataya

Sumulat ng sariling wakas


ng akdang binasa.Binubuo ng
10 pangungusap.
PAMANTAYAN:
Kaangkupan-10%
Kaayusan- 5%
Kalinisan- 5%
KABUUAN: 20%
TAKDANG
TAKDANG ARALIN
ARALIN:
Basahin ang kabanata XXXVII-Ang Kapitan
Heneral.
Sagutin:
1.Sinu-sino ang mga reverencia na pinapasok
ng kagawad?
2.Bakit sinabi ng heneral na dapat bigyan ng
gantimpala si Maria?
Sanggunian: Noli Me Tangere,pp.121-122
MARAMING SALAMAT PO

Вам также может понравиться