Вы находитесь на странице: 1из 39

KABANATA 3

Noli me tangere
NI JOSE P. RIZAL
MGA TAUHAN
Crisostomo Ibarra - tampok
na panauhin ni Kapitan Tiago at
para sa kanyang pagdating ang
inihandang hapunan
Padre Damaso - inakalang siya pa rin
ang pinaka-importanteng panauhin sa
handaang iyon at mapagkunwaring
inialok ang kabisera ng upuan kay Padre
Sibyla. Nagpakita siya ng hindi mabuting
asal sa harap ng mga panauhin lalong
lalo na kay Ibarra. Nagngitngit ito lalo sa
galit ng mapunta sa kanya ang mga
pangit na parte ng tinola
Maria Clara - dumating din ng
gabing iyon si Maria Clara mula as
kumbento. Ang kanyang pagdating
ay kinahanga ng lahat dahil sa
angkin niyang kagandahan
Padre Sibyla - nasisiyahan sa okasyon at tagasaway ni Padre
Damaso kapag hindi nito mapigilan ang kagaspangan ng ugali

Tinyente Guevarra - hindi mapigilang magmasid sa kulot na


buhok ni Donya Victorina.

Donya Victorina de Espadaña - Inis na inis sa Tinyente ng


matapakan nito ang kola ng kanyang saya.
KABANATA 3
“Ang Hapunan”
BUOD
Kabanata 3: Ang Hapunan
Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at
nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay
maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan,
kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang
nagdadabog at natamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin
ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni
Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola
ng saya nito, bagay na nakapagpainis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay
kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan.
Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra,
karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera.
Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat
maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si
Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na
iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si
Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago.
Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na
tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si
Kapitan Tyago ngunit magalang itong tumanggi bilang
nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang
napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng
manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang
tinola.
Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari,
ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang
mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-
aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral
ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika,
ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa
ibang bansa, at ang ang hindi pagkakaalam sa tunay na dahilan sa nangyari sa
kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente
na wala ngang alam ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga
bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at
relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang
KABANATA 4
Noli me tangere
NI JOSE P. RIZAL
MGA TAUHAN
1. Don Rafael Ibarra - Siya ang ama ni Crisostomo Ibarra. Siya ang pinakamayaman
sa kanilang lalawigan at ginagalang siya ng karamihan. Gayunpaman, siya din ay
kinaiinggitan ng ilan, lalo na ng mga Kastila at mga pari.

2. Crisostomo Ibarra - Siya ay ang binatang anak ni Don Rafael Ibarra na nag-aral
sa Europa. Sa kabanatang ito, kanyang inalam ang tunay na nangyari sa kanyang
ama. Napansin nya din ang mabagal na progreso at pagbabago sa kanyang bayan.

3. Tinyente Guevarra - Isa siyang matapat na tinyente. Siya ang nagsalaysay kay
Crisostomo Ibarra ng mga tunay na pangyayari bago namatay ang kanyang amang
si Don Rafael Ibarra.
Binanggit din sa kwento ang mga sumusunod na tao/ personalidad:

Padre Damaso - Siya ay isang kurang pransiskano at nabanggit sa kwento na


isa sa mga nakaalitan ni Don Rafael Ibarra.
Ang Artilyero - Siya ang maniningil ng buwis na naging dahilan ng
pagkakakulong ni Don Rafael Ibarra.
Ang grupo ng mga bata - Sila naman ang naging dahilan ng pagkagalit ng
artilyero na nauwi sa pagtatalo nito at ni Don Rafael Ibarra.
Kapitan Tiyago - Siya ang mangangalakal ng Binondo na binanggit ni Tinyente
Geuvarra na maaaring magkwento kay Crisostomo Ibarra ng iba pang mga
pangyayari ukol sa kanyang ama.
Dagdag Kaalaman:
Ang erehe at filibustero na tinutukoy sa nobela ay si Don Crisostomo Ibarra.

Ang isang tao ay tinuturing na erehe kung siya ay sumasalungat sa mga utos ng
simbahan. Halimbawa nito ay ang hindi pangungumpisal ni Don Crisostomo
Ibarra matapos niyang makaalitan si Padre Damaso.

Ang pagiging pilibustero naman ay yaong mga naghihimagsik laban sa mga batas
na pinaiiral ng mga paring Kastila noong mga panahong iyon.
KABANATA
Ang Erehe at Pilibustero
BUOD
Sa plasa ng Binondo ay nagpalakad-lakad si Ibarra at napansin nito na
wala man lang pinagbago ang kanyang bayan sa kabila ng matagal na
panahon niyang pangingibang-bansa. Tila wala man lang ipinag-unlad
ang bayang iyon.
Habang naglalakad ay palaisipan pa rin kay Ibarra ang sinapit ng ama.
Sinundan naman siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang
ama.
Si Don Rafael na ama ng binata ay isa sa pinakamayaman sa bayan ng San
Diego. Siya ay matulungin at marami ang nagmamahal sa kanya.
Sa kabila ng pagiging mabait ay marami din umano ang naiinggit dito.
Kabilang na diyan ang mga pari sa simbahan sa pangunguna ni Padre Damaso.
Dahil dito, minabuti diumano ni Don Rafael na hindi mangumpisal, bagay na
lalong ikinagalit ng mga pari.
May isang Kastila noon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinagkakatuwaan
ng lahat na hinirang ni Don Rafael bilang isang kolektor.
Isang araw ay ‘di nakapagpigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya
kaya naman inakma niyang saktan ang mga ito.
Tumakbo ng mabilis ang mga bata ng nang hindi niya maabutan ay ibinalibag
niya ang baton at may tinamaang isa.
Natumba ang bata at walang awang pinagsisipa ng artilyero. Nakita ito ni
Don Rafael kaya inawat niya ito.
Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan diumano ng Don ang Kastila hanggang sa
tumama ang ulo nito sa malaking bato.
Natulungan ni Don Rafael ang binata samantalang ang Kastila ay sumuka ng
dugo hanggang sa natuluyang mamatay.
Dahil sa pangayayaring iyon ay nagkaroon ng imbestigasyon ang mga
gwardya sibil. Ikinulong nila si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga
lihim niyang kaaway.
Pinaratangan siya ng pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng
lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng
El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago
diumano ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari,
pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan, at ang pagsusuot ng
Barong Tagalog.
Nangawala at tumalikod ang mga dating kaibigan ng Don. Sa kabila ng
paniniwala ng taong bayan na si Tinyente Guevarra ay nasisiraan ng bait,
tanging siya na lamang ang naging kakampi ni Don Rafael.
Ayon sa pakiusap ng Don, ang Tinyente rin ang humanap ng Kastilang
abugado para dito. Sa kabila ng kahusayan ng abogado ay tumagal at
naging masalimuot ang kaso dahil na rin sa pagsulputan ng mga kalaban
ng Don.
Ang masaklap pa dito, hindi pa man tapos ang paglilitis ay nakakulong na
at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas si Don Rafael.
Dahil sa mga pangyayaring iyon ay labis na naapektuhan ang Don kung
kaya’t ito ay nagkasakit.
Tuluyang namatay sa bilangguan si Don Rafael. Wala man lamang
nakiramay na kapamilya o kaibigan ang nasirang Don.
Sino Ako?

HULAAN NIYO!
IV. PAGSUSURI
TEORYA PATUNAY
Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang
MORALISTKO binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang
kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-
aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni
Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga
alaala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo
sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng
kanyang ama.

Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta


Saykolohikal/Sikolohikal kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng
manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng
kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga
pangyayari.
Pinagtalunan naman ng dalawang
Teoryang Arkitaypal Pari kung sino ang dapat maupo sa
kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay
Padre Damaso, si Padre Sibyla ang
dapat maupo sapagkat siya ang
kura sa lugar na iyon. Sinalungat
naman ito ni Padre Sybila at
kinatwiran nito na si Padre Damaso
ang padre kumpesor ng pamilya ni
Kapitan Tiago.
Teorya Patunay
Pinaratangan siya ng pagiging erehe at
pilibustero, pangangamkam ng lupain at
iba pang ilegal na paraan sa
Teoryang Realismo pagpapayaman, ang pagbabasa ng El
Correo de Ultramar at iba pang
ipinagbabawal na babasahin, pagtatago
diumano ng mga sulat at larawan mula
sa isang binitay na pari,
pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga
tulisan, at ang pagsusuot ng Barong
Tagalog.
Teorya Patunay
Naturalismo Ito ay ang panahon na kung saan si
Don Rafael ay ipinakulong sa salang
'di niya ginawa. Lahat ng mga inggit
sa kanya ay nagsipaglabasan sa
pangunguna ni Padre Damaso, ang
matalik niyang kaibigan ngunit
isang lihim na kaaway.
B. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman
1. Kalagayang Sosyal/Pangkabuhayan
Sa ipinakitang ilustrasyon sa kabuuang bahay ni kapitan Tiyago kung saan
naganap ang pagsasalu-salo na dinaluhan ng mga kastila at ilang mga
Pilipino, mababatid sa kabanata ang mataas na kalagayang sosyal at
pangkabuhayan.
2. Kulturang Pilipino
Ang kulturang masasalamin sa ikatlong kabanatang “Ang Hapunan” ay
ang pag-aalok ng upuan sa may pinakamataas na posisyon sa lipunan
tulad kina Padre Damaso at Padre Sibyla. Ang ganitong pangyayari ay
makikita sa bahay ng pamilyang Pilipino na kung saan ang kadalasang
nakaupo sa panguluhan ng hapagkainan ay ang tatay o ‘di kaya’y nanay.
3. Pilosopiyang Pilipino
Ang Pilosopiyang Pilipino na nakapaloob sa kabanata ay ang
pagkain ng sabay-sabay ng isang pamilya tulad ng nakita sa
kabanata 4 na “Ang Hapunan”.
• 4. Mga Tayutay na Napapaloob sa Kathang Sinuri

Simili o Pagtutulad (Simile)


Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang mga panauhin, na kung
panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya.

Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole)


Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari,
ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra.
5. Simbolismong Pilipino

1. LEEG – pananakal ng mga Kastila sa mga Pilipino


2. PAKPAK – kawalan ng kalayaan, si padre Damaso ay isang
kastila na sumasakal sa atin at kumuha sa kalayaan natin.
3. LAMANG-LOOB – sumisimbolo sa pag-asa ng mga
Pilipino
4. Si IBARRA ay isang simbolo ng kabataan na magdadala
ng pag-asa para makalaya ang Pilipinas.
C. Bisang Pampanitikan
BISA SA ISIP at BISA SA DAMDAMIN
Ang kabanatang ito ay nag-iwan ng epekto sa mga
mambabasa. Ilan sa bisa sa isip ng akdang ito ay nagbigay
kaalaman sa mga mambabasa kung paano inalipusta at
ininsulto ang isang edukadong Pilipino sa harap ng maraming
tao lalo na ng isang pari. Dahil dito, ang bisa sa damdamin ng
akdang ito ay ang pagkakaroon ng ilang mga Pilipino ng
paghihimagsik at pagtataguyod ng karapatan laban sa ‘di
makataong pagtrato sa mga Pilipino.
BISA SA KAASALAN
Sa kabanatang ito ipinakita kung paano nagpakumbaba
si Ibarra sa pang-iinsultong ginawa sa kanya ni Padre
Damasa habang siya ay nagkuwekuwento tungkol sa
kanyang naging karanasan.
BISA SA LIPUNAN
Hanggang sa kasalukuyang lipunang Pilipino ay masasalamin ang
mga ‘di kanais-nais na lipunang Kastila. Katulad na lamang ng kabulukan
ng sistema ng pulitika sa bansa na kabi-kabilang korupsyon. Katumbas
ito ng mga pagkamkam ng lupa at iba pang di mabuting paggamit ng
kapangyarihan ng mga prayle. Ngayon ay ginagawa naman ito ng mga
pulitiko. Gayun din, ang impluwensya ng simbahan ay hindi pa rin
natatanggal na kung uugatin ay babalik sa panahon ng mga Kastila. May
kanser pa rin nga ang lipunan hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ibang klase nga lamang ito dahil ito ay komplikasyon nalang ng dating
kanser noong panahon ng Kastila. Ito ay ang kanser ng kahirapan na
komplikasyon ng kabi-kabilang korapsyon sa gobyerno at hindi mahusay
na pamamahala.
Nakita sa kabanatang ito ang unang bagong kaisipang
hango sa Europa ang isang bansang malaya ay
umuunlad samantalang ang isang sakop na bansa ay
patuloy na naghihirap.
• - Ibarra
Mga Katanungan:
1. Ano ang pamagat ng dalawang
kabanata?
2. Sino ang nagtalo tungkol sa kung
sino ang dapat na maupo sa
kabisera?
3. Ano ang inihain sa hapunan?
Mga Katanungan:

4. Anong parte o mga parte ng


manok ang nakuha ni Padre
Damaso?
5. Ano naman ang nakuha ni
Crisostomo Ibarra?
Sagot:

1. Ang Hapunan at Ang Erehe at


Pilibustero
2. Padre Damaso at Padre Sibyla
3. Tinola
4. Leeg at Pakpak
5. Lamang loob

Вам также может понравиться