Вы находитесь на странице: 1из 15

Aralin Panlipunan 4

Grade IV -
Ang tanong ?
1. Ano ang bansa?
2. Anu- ano ang mga katangian ng isang bansa?
3. Bakit maituturing na isang bansa ang pilipinas?
Ano nga ba ang bansa?
Ang bansa ay tumutukoy sa lugar o heograpikal na hangganang
pampulitika. Ito ang tinitirhan ng mga mamamayan na may
magkakaparehong lahi, kasaysayan, wika , kultura at pamahalaan.
Binubuo ito ng mga tao o mamamayang nagkakaisa na naninirahan sa
isang tiyak na teritoryo o hiwalay n entidad sa pampulitikong heograpiya,
may jinikilalang pamahalaan na nagpapatupad ng batas at may ganap na
Kalayaan na nakakapagsarili
Teritoryo Pamahalaan

Tao Bansa
Ganap na Kalayaan
Alam nyo ba?
• Mayroon 234 na mga bansa sa buong mundo sa kasalukuyan.
Narito ang ilang mga bansa na may malalaki at maliliit na sakop na teritoryo.

1. Vatican City (0.44 km2)– matatagpuan sa loob ng Rome, Italy


2. Monaco (1.95 km2)
3. Nauru (21 km2)
4. Russia ( 17 098 242 km2)
5. Canada ( 9 984 670 km2)
6. United States of America (9 833 516 km2)
Katangian ng Bansa
• Masasabing bansa ang isang bansa kung ito ay binubuo ng mga sumusunod:

Tao Pamahalaan

Ang mga tao ay ang nakatira


Pangkat ng mga tao na sumasaklaw sa
sa isang lugar sa ilalim ng
komunidad. Nagtatakda ng nangangasiwa sa
isang pambansang
pampublikong patakaran at nagpapatupad
pamahalaan na kung tawagin
ng mga batas.
ay populasyon
Katangian ng Bansa

Teritoryo
Ganap na Kalayaan o Soberaniya

Ito ay administratibong dibisyon.


Pinakamataas na kapangyarihang mapasunod at Karaniwang tumutukoy rin ito sa lawak
magpatupad ng batas sa kaniyang nasasakupan, ng nasasakupan na nasa ilalim ng
nakapagsasarili at kinikilala ng ibang bansa. huridikasyon ng isang pamahalaan.
Konsepto ng Bansa
Sa kasalukuyan, may pagkakaiba ang mga salitang bansa, nasyon, at estado kahit kadalasan ay itinuturing na
magkasingkahulugan o maaring magpalitan

NASYON---Grupo ng mga tao na may pagkakaparehong kaugalian, relihiyon, pinagmulan, at lahi, at mas
Malaki ito kaysa sa isang tribo o komunidad.

ESTADO--- tumutukoy sa hanay ng mga namamahala at sumusuportang institusyon na may


kapangyarihan sa ibabaw ng isang tiyak na teritoryo at populasyon.
May kinikilalang pandaigdigang lupain at mga hangganan.

May mga permanenting residente at may isang Sistema ng edukasyon.

May Soberaniya, nakapagsasarili at nakatatayo ng walang impluwensiya sa kapangyarihan

May organisadong ekonomiya na kumokontrol sa mga dayuhan at local na kalakalan at mga isyu sa pera.

May isang network ng transportasyon para sa paglipat ng mga

May pagkilala mula sa iba pang mga independiyenteng estado o bansa.


GAWIN MO !
Panuto: Ibigay ang konsepto ng bansa. Isa-isahin ang mga katangian nito.

Katangian ng
isang Bansa
Isaisip Natin

 Ang bansa ay tumutukoy sa heograpikal na hanggaang pampulitika ng lugar o teritoryo.


 Ang apat na katangian ng bansa ay may naninirahang tao, may teritoryo, may pamahalaan, at may
ganap na Kalayaan o soberaniya.
 Populasyon ang tawag sa grupo ng mga taong naninnirahan sa isang lugar.
 Pilipino ang tawag sa nasyonalidad ng naninirahan sa pilipinas
 Dahil sa may mga naninirahang tao, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na
Kalayaan ang pilipinas kaya itinuturing ito na isang bansa.
SAGUTAN MO

Panuto: Punan ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang salitang naangkop na makikita sa loob ng
kahon sa iababa.
1. Ang _____ ay tumutukoy sa lugar o heograpikal na hangganang pampulitika.
2. Ang _____ ang tawag sa bawat mamamayan ng ating bansa.
3. Ang _____ ang tawag sa mga taong nakatira sa isang lugar sa ilalim ng isang pambansang pamahalaan.
4. Ang _____ ay tumutukoy sa lawak ng nasasakupan na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng isang pamahalaan.
5. Binubuo ito ng mga _____ o mamamayang nagkakaisa na naninirahan sa isang tiyak na teritoryo.

Bansa Populasyon Teritoryo Nasyon Pilipino

Вам также может понравиться