Вы находитесь на странице: 1из 16

EPP-HOME ECO.

Aralin 13
Mga Kagamitan sa
Paglilinis ng Bahay
TEODORA M. JAVIER
Kasiya-siya ang malinis na
tahanan. Maaliwalas ang
pakiramdam at nakararagdag sa
kagandahan ng pamamahay.
Magiging magaan at kasiya-siya
ang paglilinis ng tahanan kapag
gumagamit ng nararapat na
kagamitan. Bilang bata,
mahalaga ang magkaroon ng
kaalaman tungkol sa mga
kagamitan sa paglilinis ng
bahay.
Kilalanin ang bawat
kagamitan at
tukuyin ang gamit
ng bawat isa. Isulat
ang sagot sa
kuwaderno
Bukod sa mga
nabanggit na kagamitan,
mayroon ding pantulong
na mga gamit sa paglilinis
upang mas maging madali
at kaaya-aya ang
paglilinis. Tingnan ang
mga larawan kung
matutukoy mo ang gamit
ng bawat isa:
Ang sapat na kaalaman sa angkop
na kagamitan sa paglilinis ay
makatitipid sa oras, lakas, at
salapi. Makatutulong din ito sa
mahusay na paglilinis ng
bahay.
Isulat sa patlang kung anong
kagamitan ang tinutukoy ng
bawat pangungusap.
 __________1. Ginagamit sa
pag-aalis ng alikabok at
pagpupunas ng kasangkapan.
 __________2. Ginagamit sa
pagpapakintab ng sahig.
__________3. Ginagamit
sa pagwawalis ng
magaspang na sahig at sa
bakuran.
__________4. Ginagamit
na pamunas sa sahig.
__________5. Ginagamit
upang pulutin ang mga
dumi o basura.
Magtala ng limang
(5) kagamitang
madalas ginagamit sa
paglilinis ng bahay.

Вам также может понравиться