Вы находитесь на странице: 1из 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
Ikalawang Panahunang Pagsusulit sa
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
PANGALAN: ISKOR:
BAITANG AT PANGKAT: PETSA:
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Si Lito ay pasakay nang pampasaherong dyip at napansin niya ang isang matandang babae na isinasakay ang
dala nitong malaking kahon. Kung ikaw si Lito, ano ang iyong gagawin?
A. Hihintayin na maisakay ng matanda ang dala nito bago sumakay.
B. Sasabihin mo sa matandang babae na pakibilisan dahil nagmamadali ka.
C. Lalapitan ang matandang babae upang tulungan na maisakay ang dala nito.
D. Hahanap na lamang ng iba pang masasakyan.
2. Sila ang mga tao na nakapaligid sa atin na dapat igalang at pagmalasakitan.
A. Pamilya B. Kapitbahay C. Estranghero D. Lahat ng nabanggit
3. Kailangan ng tao ang isa’t-isa upang matugunan ang lahat ng kanilang
A. Luho B. Pangarap C. Pangangailangan D. Kagustuhan
4. Ang mga sumusunod na gawain ay maaaring hakbang sa pag-unlad ng aspektong pangkabuhayan maliban
sa isa.
A. Humingi ng payo sa mga negosyanteng kababayan.
B. Pagsali sa iba’t-ibang seminar tungkol sa negosyo.
C. Manood ng mga palabas sa telebisyon na may kinalaman sa pagkakaroon ng dagdag kita.
D. Sundin ang sariling kaisipan at huwag makinig sa iba.
5. Bakit kailangang pahalagahan mo ang iyong mga guro?
A. Sapagkat napapaunlad nila ang iyong aspektong intelektwal.
B. Dahil sila ang iyong pangalawang magulang.
C. Sapagkat sila ay nakatatanda sa iyo.
D. Dahil sa bilin ito ng iyong mga magulang
6. Nais mo mapaunlad nang husto ang iyong aspektong intelektwal. Sino sa mga sumusunod na mag-aaral ang
makatutulong sa iyo?
A. Masipag magbasa ng mga aklat na ingles si Alayna.
B. Madalas manood ng video sa youtube si Joseph tungkol sa agham o siyensiya.
C. Si April ay mahusay sa lahat ng asignatura.
D. Lahat ng nabanggit.
7. Si Perlita ay mahusay makitungo sa lahat ng kanyang mga kamag-aral sa kabila ng kanyang taglay na katalinuhan at
kasaganaan sa buhay. Anong aspekto ang napapaunlad ni Perlita?
A. Intelektwal B. Panlipunan C. Pangkabuhayan D. Pulitikal
8. Alin sa mga sitwasyon ang hindi makakatulong sa pagtamo ng kaganapan ng iyong pagkatao?
A. Pagsapi sa samahan ng mga mag-aaral na namumuno sa paaralan upang maglingkod sa kapwa kamag-
aral.
B. Pakikisama sa mga matatalinong kaklase upang makakuha ng mataas na marka.
C. Pagtulong sa kamag-aral na lumapit upang magpaturo sa hindi naunawaang aralin.
D. Pagbuo ng organisasyong magbibigay suporta at proteksyon sa mga mag-aaral na may kapansanan.
9. Ang mga kababaihan sa baryo Maliwanag ay binigyan ng kanilang kapitan ng puhunan sa pagtatayo ng kooperatiba.
Anong aspekto ng pagkatao ang mapapaunlad sa sitwasyong ito?
A. Intelektwal B. Panlipunan C. Pangkabuhayan D. Pulitikal
_ 10. Alin sa mga sumusunod na gawain ang maaaring makapagpaunlad sa iyong aspektong intelektwal?
A. Pagliban sa klase upang magtrabaho at kumita ng dagdag na baon.
B. Paggamit ng cellphone upang magbasa ng mga artikulo ukol sa aralin.
C. Pagkopya ng asignatura sa kamag-aral.
D. Araw-araw na paglilibot pagkatapos ng klase at bago umuwi.

11. Ang pagboto ng tama matapos suriin ang bawat kandidato ay indikasyon ng ating maunlad na aspektong
.
A. Pulitikal B. Panlipunan C. Pangkabuhayan D. Intelektwal
12. Ang magkapatid na Anton at Trixie ay pinalaki ng kanilang mga magulang sa simpleng pamumuhay tulad ng
pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop sa bakuran. Anong aspekto ang maaaring mapaunlad ng magkapatid?
A. Panlipunan B. Pulitikal C. Intelektwal D. Pangkabuhayan
13. Ano ang maaaring maging bunga ng pagpapaunlad mo ng iyong aspektong intelektwal?
A. Mahusay sa pagbasa na may pang-unawa.
B. Nasusuri ang bawat pagpapasya.
C. Mahusay na nasasagot ang mga gawain sa matematika.
D. Lahat ng nabanggit.
14. Nagpaalam ka sa iyong guro na ikaw ay uuwi ngunit hindi ka niya pinayagan. Nasa tabi mo ang iyong kaibigan nang
mapagpasyahan mong umakyat na lamang ng bakod para tumakas subalit tumutol ang kaibigan mo sa iyong nais
gawin. Ano ang iyong gagawin?
A. Magalit sa kaibigan at iwan ito.
B. Makinig sa payo ng kaibigan at mag-isip ng iba pang nararapat na paraan.
C. Sabihin sa kaibigan na huwag makialam.
D. Hikayatin ang kaibigan na samahan kang lumabas paakyat sa bakod ng paaralan.
15. Bagong lipat lamang si Margarette sa isang paaralan sa bayan ng Natividad. Ilan sa mga kamag-aral niya ay sina
Mayumi at Mich. Napansin agad ni Margarette ang madalas na paglabag ni Mich sa mga patakaran ng paaralan
at maging sa tagubilin ng kanilang gurong tagapayo. Samatala, masipag at masunurin naman si Mayumi. Isang araw
ay lumapit sa kanya ang dalawa upang makipagkaibigan. Sino ang nararapat piliin ni Margarette?
A. Si Mayumi sapagkat siya ay masipag at masunurin.
B. Si Mich dahil siya ang naunang lumapit.
C. Bigyan sila ng pagkakataon at magtulungan na gawin ang tama sa lahat ng oras.
D. Huwag na lamang makipagkaibigan sa kahit na kanino.
16. Tahimik at pinong kumilos si Precious. Madali siyang mapakiusapan at tumugon sa sinumang humingi sa kanya ng
pabor. Mahirap naman siyang isama sa mga lakad dahil wala siyang hilig maglibot at masungit siya sa sinumang
kakitaan niya ng maling kilos. Paano mo ilalarawan si Precious bilang kaibigan?
A. Totoo sa kanyang sarili at sa kapwa C. Siya ay kill joy at nakakainip kasama
B. Mataray at mataas ang tingin sa sarili D. Lahat ng nabanggit
17. Ang pinakamataas na antas ng pagkakaibigan ay paghangad ng makabubuti para sa isang kaibigan at para sa
kaniyang kapakanan. Anong uri ito ng ugnayan?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa tao
B. Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
D. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
18. Mayroong tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle, ang isa rito ay pakikipag- kaibigan na nakabatay sa
kabutihan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa nito?
A. Pagtutulungan ng walang hinihintay na kapalit
B. Magkapareho ng ugali at kilos
C. Lumalapit sa kaibigan kapag araw ng pagsusulit
D. Pagpayag na makasama sa anumang oras ng paglilibot
19. Ayon kay Aristotle, alin sa mga sumusunod na uri ng pakikipagkaibigan ang may pinakamataas na antas?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
D. Pagkakaibigang nakabatay sa panahon
20. Tumutukoy sa isang taong malapit ang loob sa iyo, maaasahan, makakaramay, at nakaaangat sa iba mo pang
kakilala o kasama na may isang malalim na ugnayan na nakabatay sa aspekto ng inyong pagkatao.
A. Kapwa B. Kapamilya C. Kaibigan D. Kapuso
21. Kasalukuyang tinatalakay ng iyong guro ang aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao.
Nagagambala ang iyong pakikinig dahil pilit ikinukwento ng iyong kaibigan ang nangyari sa napanood nitong
pelikula na pinagbibidahan ng iniidolo mong artista. Ano ang gagawin mo?
A. Patigilin siya sa pamamagitan ng senyas
B. Huwag pansinin at hayaan itong magkwento
C. Makipagkwentuhan sapagkat idolo mo ang bida sa pelikula
D. Isumbong agad sa guro

22. Araw ng Sabado ay dumaan sa inyong bahay ang matalik mong kaibigan at nabanggit niya na may katatagpuin
siyang ka-chat sa mall na malapit sa inyong lugar. Niyaya ka niya ngunit tumanggi ka dahil hindi ka papayagan ng
iyong mga magulang. Nakiusap na lamang siya na huwag mong ipapaalam sa iba ang kanyang lakad lalo na sa
mga magulang nito. Nang hapong iyon ay pinuntahan ka ng mga magulang niya upang tiyakin kung ginagawa
ninyo ang inyong proyekto. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihin mo na kanina pa siya umuwi at baka may pinuntahan lang na iba
B. Pagtataguan mo ang mga magulang ng iyong kaibigan
C. Sasabihin mo sa kanila ang totoo at hihingi na lamang ng tawad sa kaibigan
D. Sasabihin mo na may kinatagpo ang iyong kaibigan at hahayaan na lamang na magalit siya sa iyo
habang panahon
23. Nahuli mong may kinuhang gamit ang iyong kaibigan sa iyong bag at walang planong ipaalam sa iyo. Ano
ang maari mong gawin?
A. Isumbong sa iba pang kaibigan B. Isumbong sa guro C. Kausapin at pagsabihan D. Sabihin sa magulang
24. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal sa kaibigan?
A. Si Lito na humihingi ng kapatawaran kung siya ay nagkamali at ibinibigay rin sa kaibigan ang
kapatawaran sa tuwing nakagagawa ito sa kanya ng mali
B. Si Pia na laging nakakaalala tuwing may kailangan lamang.
C. Si Nicole na nagbibigay ng kanyang tirang pagkain sa kaibigan.
D. Si Adrian na hindi kinikibo ang kaibigang nagkasala sa kaniya.
25. Ayon sa kasabihan “Nobody is perfect” kung kaya’t nakagagawa ang tao ng pagkakamali kahit pa sa kaibigan
nito. Alin sa mga sumususnod ang katangian na dapat taglayin ng isang mabuting kaibagan.
A. Tapat B. Mapagbigay C. Maunawain D. Lahat ng nabanggit
26. Hindi matiis ni Cristy na matapos ang araw na may kagalit lalo na sa pamilya nito at mga kaibigan. Alin sa mga
sumusunod ang mabuting palatandaan ng pagkakaibigan na tinutukoy sa pagkakataong ito.
A. Ang mabuting kaibigan ay mapagkakatiwalaan.
B. Ang mabuting kaibigan ay matapat.
C. Ang mabuting kaibigan ay marunong magbigay at magpatawad
D. Ang mabuting kaibigan ay handang dumamay.
27. Alin sa mga sumusunod ang bagay na maaaring gawin upang mapamahalaan nang mabuti ang emosyon?
A. Makipag-usap sa nakatatanda B. Manalangin C. Gumawa ng diary D. Lahat ng nabanggit
28. Ang mga sumusunod ay emosyon na labis na nagpapahirap sa damdamin ng tao maliban sa .
A. Pagkatakot B. Pagkagulat C. Pagkalungkot D. Pagkamuhi

29. Sino ang kadalasang nakararanas ng pabago-bagong emosyon na lubhang nakaaapekto sa pakikitungo sa kanyang
kapuwa kabataan.
A. Senior citizens B. Adults C. Teenagers D. Lahat ng nabanggit
30. Nakasakay ka sa isang pampasaherong sasakyan nang matapakan ng matandang babae sa kanyang pagsakay
ang iyong paa at labis kang nasaktan dahil may sugat ito.
A. Sisigawan at pagagalitan ang matandang babae.
B. Iiyak na lamang.
C. Hahampasin ang matandang babae matapos kang matapakan.
D. Kakalmahin ang sarili at ipipikit na lamang ang mga mata sa pagtiis ng sakit na nararamdaman.
31. Tinatapos mo ang iyong proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao na ipapasa mo kinabukasan nang matabig
ng iyong nakababatang kapatid ang baso ng tubig sa lamesa at tumapon sa iyong ginagawa.
A. Isusumbong mo ang iyong kapatid sa inyong ina.
B. Papaluin ang iyong kapatid.
C. Hindi na ipagpapatuloy ang ginagawa dahil sa inis.
D. Hihinga na lamang ng malalim at payapang kukuha ng kailangang materyales upang muling
gumawa.
32. Nasa bahay ka kasama ng iyong buong pamilya nang biglang yumanig ang paligid dahil sa lindol. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Mauupo na lamang sa isang tabi dahil sa takot
B. Magsisigaw sa kinatatayuan habang lumilindol
C. Sasabihin sa mga kasama na magtago sa ilalim ng matibay na lamesa at gawin ang duck, cover and
hold.
D. Walang kang magiging reaksyon
33. Umalis ang inyong guro pansamantala sapagkat ipinatawag siya ng inyong punong guro sa opisina nito. Inilista ka
ng iyong kaklase na isa sa mga maiingay alinsunod sa utos ng inyong guro. Paano mo ito haharapin?
A. Lalapitan ang tagalista at pagbabantaan na aabangan mamaya sa labas.
B. Tatahimik na lamang at pag-iisipan kung paano hihingi ng paumanhin.
C. Isusumbong ang tagalista na maingay din ito.
D. Magpaplano kung paano ka makakaganti.

34. Nanonood si Francine ng nagsasayaw sa entablado ng kanilang paaralan nang bigla siyang tinapik ng kanyang
kaklase na ikinagulat niya kung kaya’t nahampas ng malakas. Naluha sa sakit ang kanyang kaklase. Kung bibigyan
ka ng pagkakataon na payuhan si Francine sa dapat niyang gawin, ano ang iyong ipapayo sa kaniya?
A. Sisihin ang kaklase dahil ginulat siya nito.
B. Hihingi ng paumanhin at sabihin na hindi mo iyon sinasadya.
C. Huwag pansinin ang maluha-luhang kaklase dahil kasalanan naman niya.
D. Sigawan at ipahiya ang kaniyang kaklase.
35. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mali?
A. Ang fortitude ay tinatawag din na ina ng mga birtud.
B. Kailangan ang emosyon upang magkaroon ng kulay ang buhay ng tao.
C. Ang birtud ng katatagan ay kailangan upang malagpasan ang mga pagsubok o suliranin sa buhay.
D. Ang paglapit sa ating Panginoon ay pinakasusi sa pamamahala ng emosyon.
36. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang naglalarawan sa salitang emosyon?
A. Ang emosyon ay isang biyaya.
B. Ang emosyon ay kilala sa tawag na damdamin.
C. Ito ay galing sa salitang latin na “emovere” na nangangahulugang pagpukaw.
D. Lahat ng nasa itaas.
37. Ayon kay Morato, Jr. 2007 ay may ilang mungkahing paraan upang mapamahalaan ang emosyon. Alin ang hindi
kabilang?
A. Maging positibo sa pagharap sa hamon ng buhay.
B. Dapat nating tanggapin sa ating sarili na ang lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan.
C. Laging isipin na may mga tao sa paligid natin na maaari nating lapitan at hingian ng tulong sa oras ng
pangangailangan.
D. Isaisip na ang mga materyal na bagay, kapangyarihan o popularidad ay sukatan ng tagumpay.
38. Ano ang pinakamabisang gawin upang mapamahalaan ang galit at pagkamuhi ng tao?
A. Sa pamamagitan ng “mind setting”.
B. Magpakalayo-layo upang makaiwas sa mga taong kinamumuhian.
C. Ilabas ang lahat ng galit na nararamdaman sa pamamagitan ng pagsasabi ng lahat ng nais sabihin sa
taong naging dahilan ng galit o pagkamuhi.
D. Ipanalangin at subuking magpatawad.
39. Labis-labis ang kasiyahan na nararamdaman ni Malou dahil nagtapat si Jay-ar ng pag- ibig at planong panliligaw
nito sa kaniya. Ano ang maipapayo mo kay Malou upang hindi siya makagawa ng anumang pagkakamali dahil
sa nararamdaman nito?
A. Sagutin kaagad si Jay-ar dahil ito ang magpapasaya sa kanya.
B. Ipaalam sa mga magulang at sundin kung ano ang tagubilin nila.
C. Ipaalam sa mga magulang bilang respeto ngunit sariling pasya ang dapat sundin.
D. Pahirapan ng husto si Jay-ar sa panliligaw upang masukat ang pagmamahal nito.
40. Anu-ano ang maaaring gawin ng tao upang mapanatili ang pag-asa sa buhay sa kabila ng maraming pagsubok?
A. Magtiwala sa sarili C. Manampalataya sa Diyos
B. Pagtibayin ang ugnayan sa pamilya D. Lahat ng nabanggit
41. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno sa isang pangkat o grupo?
A. Mabilis na natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat.
B. Nakakamit ang layunin dahil sa pagkakaroon ng tamang direksiyon.
C. Nakabubuo ng magandang plano sa pagsasakatuparan ng mga proyekto katuwang ang
kaniyang mga kapuwa miyembro sa pangkat.
D. Nakakamit ang mataas na papuri o parangal
42. Ang isang mapanagutang pinuno ay dapat taglayin ang mga sumusunod na katangian maliban sa .
A. Awtoritaryan C. may integridad
B. Mahusay sa pagpaplano at pagpapasya D. huwaran at inspirasyon
43. Bakit marami ang mas pinipiling maging tagasunod kaysa maging isang lider?
A. Dahil sa pakinabang na tinatanggap.
B. Takot dahil kulang sa kakayahan.
C. Mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider.
D. Dahil sa sariling paniniwala at prinsipyo.

44. Si Alexa ang pinuno ng lahat ng mag-aaral sa kanilang paaralan. Nagsimula ang kaniyang pangkat sa pagsuri ng
mga kasalukuyang problema o isyu sa paaralan upang makabuo ng mga panukala at balakin sa kanilang
ipatutupad na mga proyekto. Anong uri ng pinuno si Alexa?
A. May integridad
B. Marunong makipagsapalaran
C. Naniniwala sa kakayahan ng kapwa
D. Mahusay magplano at magpasya
45. Bilang pinuno sa inyong silid aralan, napansin mong marami sa iyong kamag-aral ang sumusuway sa mga
itinalagang panuntunan na dapat sundin. Anong uri ng kasapi ang iyong mga kamag-aral?
A. Ulirang kasapi B. Walang kooperasyon C. Hindi tapat D. Mapanuri
46. Marami kang nakitang kapabayaan at pagkukulang mula sa pinuno ng lahat ng mag- aaral sa inyong
paaralan. Kung bibigyan ka ng pagkakataong mamuno at pumalit sa kanya, alin sa mga sumusunod ang dapat
mong taglayin upang maging isang mapanagutang pinuno?
A. Naniniwala sa kakayahan ng kapuwa
B. May positibong pananaw at saloobin
C. Naglilingkod sa kapuwa
D. Lahat ng nabanggit
47. Paano na ang pagganap sa tungkulin bilang lider ay makatutulong sa papapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan?
A. Nakakamit ang kabutihang pansarili
B. Nakikinabang ka gayundin ang iba
C. Natutukoy at naisasakatuparan ang tunay na layon ng iyong pagkatao.
D. Wala sa mga nabanggit
48. Kung ang lahat ng mga pinuno at mga nagtatrabaho ay magiging mapanagutan, ano ang makakamit ng
mamamayan?
A. Rebolusyon B. Pagkakaisa C. Paniniwala D. Pag-unlad
49. Napili ka bilang kalihim ng inyong silid-aralan. Kabilang sa tungkulin na iniatang sa iyo ang paglilista ng maingay
habang wala ang inyong guro. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang dapat mong gawin upang ipakita ang
katapatan sa tungkulin?
A. Obserbahan lamang ang mga kilalang magulo sa klase.
B. Ilista ang lahat ng mapatunayang maingay maltalik man na kaibigan o hindi.
C. Huwag maglista ng kahit sino upang walang kang makagalit.
D. Tatanggihan mo na maging bahagi ng pamunuan sa inyong silid-aralan kahit pa ikaw ang napili ng
iyong mga kamag-aral.
50. Ano ang dapat mangibabaw sa lahat ng mga pinuno ng pamahalaan, magkaalyado man o hindi, upang
makamit ang ganap na kaunlaran ng bansa?
A. Katapatan B. Paninindigan sa prinsipyo C. Pang-unawa D. Pagkakaisa

Вам также может понравиться