Вы находитесь на странице: 1из 5

KABANATA 24: SA GUBAT

Sa kabanatang ito, mabibigyan tayo ng malinaw na larawan ng mga kalagayan ng


lipunan, ang pagtatanggol sa mga karapatan, at ang kabutihang loob na
nagmumula sa kabila ng mga pagsubok. Magkakaroon din tayo ng isang mas
masalimuot na pagtingin sa mga tauhan ng kwento, partikular na kay Padre Salvi
at Crisostomo Ibarra.

Ngunit bago ang lahat, atin munang talakayin ang talasalitaan na sa atin ay
makakatulong upang maunawaan ng husto ang kuwento mamaya.

TALASALITAAN

 sumusuray: paggewang na lakad
 kumarimot: tumakbo
 bayoneta: patalim sa dulo ng baril
 nagbuhat ng kamay: nanakit; sinaktan
 maikubli: maitago

PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA 24

 Crisostomo Ibarra
 Maria Clara
 Padre Salvi
 Sisa
 Mga Kilalang Tao sa San Diego
 Mga Kaibigan ni Maria Clara

BUOD NG KABANATA 24

Maagang nagmisa si Padre Salvi nang araw na iyon. Ilang sulat ang
kanyang binasa at matapos sa pagbabasa’y nanamlay at nawalan ng
ganang kumain. Ipinahanda ang kanyang sasakyan. Sumakay rito at
nagtungo sa gubat.
Nakarinig siya ng mga tinig na naghahalakhakan sa may gawing batisan.
Kumubli ang kura sa isang punongkahoy at nakinig. Nakita niya sina
Sinang, Victoria, at Maria Clara na naglalakad sa batis basa ang laylayan ng
kanilang damit. Halos lumuwa ang mata sa pagkakatitig sa mapuputi’t
mabibilog na bisig ni Maria Clara. Nang nawala na sa paningin ang mga
dalaga’y umalis na siyang lito, sumusuray, at pawisan mula sa kanyang
kublihan.

Nakita niya ang masayang mga nagkakatipun-tipon: ang Alperes, ang


Kapitan, ang Tenyente Mayor, si Kapitan Basilio, ang Guro. Magalang na
bumati ang lahat nang makita siya.

Alperes: Napano kayo Padre?

Padre Salvi: Ako po ay naligaw.

Walang anu-ano’y sumipot sa piging ang isang babaeng payat, putlain, at


marusing. Nabatid ni Ibarra kay Don Filipo na yaon si Sisa na apat na araw
nang nababaliw. Subalit kumarimot ito ng takbo nang makita ang Alperes.

Crisostomo Ibarra: Hanapin ang babaeng ‘yan! Naipangako kong


hahanapin ang mga anak niya.

Sa kabilang banda, sinaluhan naman ni Crisostomo Ibarra sina Maria Clara


sa kanilang kinagigiliwang aklat na Gulong ng Kapalaran. Nariyan pa at
nakisalo siya sa laro nang kanyang itanong sa laro ng aklat kung magiging
matagumpay ba ang kaniyang ginagawa patungkol sa nais na pagpapatayo
ng paaralan. Subalit ang naging tugon ng aklat na Gulong ng kapalaran ay
“Ang pangarap ay pangarap lamang” na siya naming tinutulan kaagad ni
Crisostomo Ibarra. Masayang kinuha ni Ibarra ang sulat na naglalaman ng
mensahe na aprubado ang kaniyang nais na magpatayo ng paaralan.

Ilang sandal ay lumapit si Padre Salvi sa mga kabinataan, kinuha ang aklat
na binabasa ng mga ito saka tinanong kung ano iyon. Tinugon ni Leon na
iyo’y Gulong ng Kapalaran. Nagalit ang pari kaya’t pinunit niya ang aklat at
sinabing kasalanan ang pagbasa noon.

Kaibigan ni Maria Clara: Higit na kasalanan ang makialam sa ari ng iba


lalo na’t walang pahintulot. Ang inyong ginawa’y isang pag iimbot at
labag sa batas ng ng Diyos at ng tao.

Pagkatapos ay umalis ang kura na sapo ng kamay ang ulo. Huminto


siya sandali at nakipag-usap kay Ibarra na naghatid naman sa kanya
sa karwahe.Hindi pa natatagalang nakaaalis ang kura’y dumating naman
ang apat na guwardiya sibil at sarhento na ang baril ay may bayoneta.

Guwardiya Sibil: Si Elias ang inyong piloto kaninang umaga. Siya’y


masamang tao pagkat nagbuhat ng kamay isang pari . . . . sa

Crisostomo Ibarra: At s’ya ang Piloto?

Guwardiya Sibil : Siya nga, ayon sumbong amin. Tumanggap kayo


kasama sa kasayahan na kilalang masamang tao, Ibarra.

Ang sarhento’y tiningnan ni Ibarra nang nanunukat na tingin.

Crisostomo Ibarra: Wala kayong pakialam kung sino ang dapat kong
tanggapin. Ang inyong Alperes ay kagagaling lamang dito. Kayo man
ay makauupo sa aming hapag.

Batid ng sarhentong wala siyang kalaban-laban kaya’t inutusan na lamang


niya ang mga sundalo na hanapin ang piloto sa ibang panig ng gubat.

MGA KANSER SA LIPUNAN, Mensahe at Implikasyon ng Noli


Tangere Kabanata 24
Ang Kabanata 24 ng Noli Me Tangere, na pinamagatang “Sa Gubat,” ay
nagbibigay ng ilang aral, mensahe, at implikasyon:
1. Ang Inobserbahan ng Mga Kalagayan ng Lipunan: Sa
kabanatang ito, nagkakaroon ng malinaw na larawan ng mga
kalagayan ng lipunan ng Pilipinas sa panahong iyon. Ang kalagayan
ni Sisa, na sinasabing baliw dahil sa kawalan ng kanyang mga anak,
ay isang simbolo ng pang-aabusong karanasan ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Kastila. Ang galit ni Padre Salvi sa libro na “Gulong
ng Kapalaran” na binabasa ng mga kabataan ay nagpapakita rin ng
pagpipigil sa malayang pag-iisip at pagpapahayag ng mga Pilipino.

2. Ang Implikasyon ng Pagnanasa at Pagpipigil sa Sarili: Ang


eksenang nagmamasid si Padre Salvi kay Maria Clara habang ito’y
nasa batis ay nagpapahiwatig ng kanyang pagnanasa, ngunit dahil
sa kanyang papel bilang isang pari, kinakailangan niyang pigilin ito.
Ito ay nagpapakita ng isang malaking suliranin sa mga institusyon
ng relihiyon noong panahong iyon, kung saan ang mga natural na
damdamin at pagnanasa ay pinipigilan dahil sa kanilang mga
paniniwala at tradisyon.

3. Ang Pagtatanggol sa Karapatan: Sa pakikipag-usap ni Crisostomo


Ibarra sa mga guwardiya sibil tungkol sa kanyang karapatan na
tanggapin kung sino ang kanyang nais, nagpapakita ito ng
pagtatanggol sa kanyang karapatan bilang isang tao, kahit pa
harapin ang mga awtoridad. Ito rin ay nagpapakita ng kanyang
determinasyon na hindi matakot sa kanyang paninindigan.

4. Ang Kabutihan ng Loob ni Ibarra: Nagpapakita rin ng kabutihang


loob ni Ibarra ang kanyang pangako na hahanapin ang mga anak ni
Sisa, isang babaeng napabayaan ng lipunan. Ito ay nagbibigay-diin
na sa kabila ng mga pagsubok at mga hindi patas na pagtrato, may
mga tao pa ring may malasakit sa kapwa.

TANONG:

1. Ano ang pamagat ng aklat na binabasa ng mga kaibigan ni Maria Clara?


Sagot: Gulong ng Kapalaran
2. Ano ang nais ilunsad ni Crisostomo Ibarra sa kanilang lugar?
Sagot: Paaralan

3. Ano ang naging tugon ng "Gulong ng Kapalaran" sa katanungan ni Crisostomo Ibarra


patungkol sa kaniyang hangarin.
Sagot: Ang pangarap ay pangarap lamag

Вам также может понравиться