LAYUNIN:
PANIMULA
Ang ating mga ninuno ay may sariling panitikan bago pa man dumating sina
Magallanes sa Pilipinas. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi –
mga kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing bayan, karunungang-bayan: salawikan,
kasabihan, bugtong, palaisipan, at iba pa.
Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng panitikan ng alinmang bansa sa daigdig
na sumasaklaw sa pasalita o pasulat na nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga
gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, at mga
kapaniwalaang panrelihiyon, ang kanilang mga adhikain, ang kanilang mga pangarap–
mula pa sa bukangliwayway ng kanilang mga kabihasnan hanggang sa kasalukuyan.
Sinasamsam ng mga dayuhang kastila ang yaman ng bayang Pilipinas nang sila’y
nakapamuno sa bansa. Upang magtagal ang pamumuno, pinilit nilang burahin sa
kaisipan ng mga Pilipino ang kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng pagsunog at
pagwasak sa mga akdang panitikan na kanilang pinaniniwalaan at ikintal sa kanilang
kaisipan na ang mga ito ay pumapanig sa diyablo.
Bukod sa mga pagtuturo ng kristiyanismo, maging ang mga gawi at dapat na ikilos
ng mga Pilipino ay inilarawan din sa Urbana at Felisa. Sinusugan pa ng pagpapatibay
ng mga patakaran sa pamamagitan ng paglalathala ng mga peryodiko ng mga kastila.
Sa panahong ito tumingkad ang mga dula. Nang mga panahong nagnanais na ng
paglaya ng mga Pilipino sa mga Amerikano ay nag-usbungan ang mga dulang umuusig
sa kalapastangan ng mga mananakop. Ilan sa mga ito ay ang ‘Tanikalang Ginto’ ni Juan
K. Abad, ‘Kahapon,
Ngayon at Bukas’ ni Aurelio Tolentino at ang ‘Hindi Ako Patay’ na hindi nakilala ang
mgay akda.
Pinasigla pang lalo ang panitikan dahil sa pagkakaroon ng mga gawad o parangal
sa mga manunulat sa pamamagitan ng Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature.
Dahil na rin sa panunuyot ng mga akdang higit na pumapaksa sa mga isyung panlipunan,
sinikap ng mga premyadong manunulat ang maglathala ng akda sa pamamagitan ng
sarili nilang pera upang dumaloy at sumibol ang de-kalidad na maikling kwento sa
Pilipinas sa pamamagitan ng “Mga Agos sa Disyerto” nina Efren Abueg, Dominador
Mirasol, Rogelio Ordoñez, Edgardo Reyes at Rogelio Sikat.
Nagkulay pula ang mga akdang gawa ng mga Pilipino noong panahon ng Batas
Militar. Nagusbungan ang mga makabayang manunulat at karaniwang pumapaksa sa
karalitaan, pagsasamantala ng mga nanunungkulan, panggigipit ng mga nasa
kapangyarihan at Karapatan ng bawat mamamayan. Ilan sa mga manunulat noong
panahong ito ay sina Wilfredo Virtuoso, Pedro Dandan, Jun Cruz Reyes, Efren Abueg,
Benigno Juan, Ave Perez Jacob, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Lilia Santiago
at marami pang iba.